$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 17A)

By: Lord Iris Kith POV Sobrang saya ko kahapon dahil nagkasama kaming dalawa ni Ray pero wala na talaga siyang maalala kahit konti per...

You Light My Fire

By: Lord Iris

Kith POV

Sobrang saya ko kahapon dahil nagkasama kaming dalawa ni Ray pero wala na talaga siyang maalala kahit konti pero naniniwala akong may pag-asa pa kaming dalawa.

Kailangan kong gamitin ang natitirang hibla ng pag-asa at naniniwala ako na sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay magiging masaya din kami ni Ray.

Grand ball mamaya. Mga graduating students lang ang invited pero kasama ako kahit na freshmen ako kasi ako ang kakanta. Dahil na-coma ako nung nakaraang apat na taon, late na ako para sa college kaya hanggang ngayon freshmen ako imbis na graduating na din kagaya nila.

Di ko naman kailangang mag-aral kasi mayaman na ako pero merong bagay na nagsasabing tumuloy ako.

Ang kakantahin ko mamaya ay iaalay ko sa lalaking pinaka-mamahal ko at sana maramdaman niya ako. Sana maramdaman niya ang pag-ibig ko.

Wala ngayon dito si Rogue sa condo ko at susunduin na lang daw niya ako mamaya kaya mag-isa lang ako.

Sanay naman akong mag-isa dati pero nasanay akong kasama si Ray kaya nahihirapan na akong bumalik sa wala kaso dapat akong magsimula ulit at lumaban hanggang dulo.

Isinuot ko na ang white na suit na binili ko kahapon at habang nakatitig sa salamin ay napansin ko lumitaw pala ang brown eyes ko dahil sa suit.

May kumatok bigla sa pinto kaya binuksan ko at nakita ko si Rogue.

Ang gwapo talaga ni Rogue. Nakasuot siya ng all black suit tapos naka-leather gloves siya. He looks very manly yet beautiful.

"You look gorgeous!". Nakangiting sabi sa akin ni Rogue.

Napangiti na lang ako at sumagot.

"Your so handsome. As always". Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Are you ready?". Tanong niya.

Tumango lang ako at naglakad na kami palabas ng condo ko. Naka-park sa labas ang black Porsche na sports car niya. Sumakay na kami at tahimik lang kaming dalawa sa loob.

Bakit kaya tahimik lang si Rogue?

Parang may tinatago siya sa akin.

Nang makarating kami sa event place ay nakita ko na sila Kagura. Nakasuot siya ng fitted sitru gown at may rose na nakalagay sa buhok niya. She's so pretty and fierce.

Umupo na kami sa isang table at natanaw ko si Ray na kasama si Alexa sa isang table na malapit sa amin. Silang dalawa lang ang nandun at mukhang masaya sila.

Nakasuot si Ray ng dark red suit na bagay sa red hair color niya. Hindi niya ako nakikita at wala yata siyang balak tumingin sa akin.

Yumuko ako dahil masakit talaga ang nakikita ko.

"Kith. Are you alright?". Nag-aalalang tanong sa akin ni Dennis.

Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong alam naman niya yun. Hindi ko na kayang itago ang lungkot ko sa harap ng mga kaibigan ko.

Nag-aalala na ang mga tingin nila sa akin at tahimik lang ako at.

"Kith. Nakita ko yung magazine. You look so hot and so yummy!". Nakangiting sabi sa akin ni Peter.

Napangiti na lang din ako sa sinabi niya kasi nagagawa niya pang magbiro at sayang naman yung effort na ginawa niya.

"Thanks Peter. Diba ramp model ka? Pwede ba na ikaw ang pumalit sa akin doon sa magazine?". Tanong ko sa kanya.

Parang nagulat silang lahat.

"Huh? Bakit? Ayaw mo ng mag-cover?". Nag-aalalang tanong ni Peter.

"Ayoko lang na expose ang mukha ko. And besides. Magandang opportunity yun sayo". Nakangiti kong sabi kay Peter.

"Sige. Thanks!". Sagot niya at may kasama na alanganing ngiti.

"Ang hot mo pa naman sa cover. Kaya lang parang hindi casino yung pino-promote dun eh.". Sabi naman ni Vincent.

"Eh ano naman?". Tanong ni Kagura.

"Para kasing si Kith ang binebenta sa cover kaya na-sold out agad". Natatawa niyang sabi sa amin.

Natawa na lang din ako ng konti at iniiwasan kong tumingin kay Ray.

"Kith. Matanong nga kita. Hanggang kelan?". Seryosong tanong ni Dennis.

"Ang alin? Anong hanggang kelan?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

Huminga muna ng malalim si Dennis at tsaka siya sumagot sa akin.

"Hanggang kelan mo itatago ang mga ala-ala niyo ni Raypaul? Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang totoo?". Nag-aalala niyang tanong.

"Nakipag-kasundo ako sa parents ni Ray at kapag sinira ko yun. Ilalayo nila si Ray sa akin. Sasabihin ko sa kanya ang lahat kapag umabot na kami sa dulo". Seryoso kong sagot.

"Nahihirapan na akong basahin ang pagkatao mo.". Seryosong sabi sa akin ni Dennis.

"Kith. Sana makaya mo.". Nag-aalalang sabi ni James.

First time ko nakitang nag-alala si James at parang may mangyayari na hindi tama.

"Tigilan niyo na yan. Basta kahit anong mangyari nandito lang kami". Seryosong sabi ni Kagura at hinawakan ni ang kamay ko.

Halatang-halata na nag-aalala sila. They are acting so weird. Kanina antahimik ni Rogue sa car, sila Dennis at James ang weird ng tanong at si Kagura. Parang may tinatago siya.

Parang may mangyayari na hindi dapat kaya kinakabahan ako.

Tumingin ako kay Vincent at bigla siyang umiwas ng tingin sa akin.

Ang weird talaga. Alam ko na meron silang hindi sinasabi.

"Let's call on Mr. Castillo to offer us a special song number". Sabi ng emcee kaya tumayo na ako.

"Go Kith!". Matamlay na sabi ni Rogue.

Ngumiti na lang ako at kinakabahan dahil parang may mali.

Nagpalakpakan naman lahat ng tao kaya naglakad na ako papunta doon sa stage.

Raypaul POV

Kaharap ko ngayon si Alexa at nag-solo kaming dalawa ng table. Ang ganda niya and she is so gorgeous.

Hindi ako naki-table sa mga friends ko dahil may gagawin ako mamaya na sobrang special at gusto ko na kaming dalawa lang ni Alexa ang magkasama.

Biglang tinawag ng emcee ang pangalan ni Kith kaya tumingin na kami ni Alexa sa stage.

Ang ganda ng white suit na suot ni Kith at lalo siyang nagmukhang anghel dahil sa suot niya. Masaya ako na naging bestfriend at PA ko siya pero nakalimutan ko siyang sabihan sa plano ko mamaya at siguradong masu-surprise siya.

Kinuha na ni Kith ang mic. At umupo siya sa harapan ng grand piano. Umubo muna siya to clear his throat and he say something.

"Congrats sa lahat ng graduating tonight at dapat talaga graduating na din ako ngayon.". Seryoso niyang sabi.

Bakit? Anong sinasabi niya na dapat graduating na din siya ngayon?

"I will dedicate this song for everyone that experienced the unrequited love, for everyone who sacrifice everything for love.". Seryoso niyang sabi.

Nakikita ko ang mga lungkot sa mga mata niya at nagtataka ako.

"And lastly. This is for someone whom I loved so much. Sana maramdaman mo ang pagmamahal ko". Sabi niya na may pilit na ngiti.

Nagpalakpakan na ang mga tao pagkatapos ay tumugtog na siya at nagsimula na siyang kumanta.

He said, "Let's get out of this town,

Drive out of the city, away from the crowds."

I thought heaven can't help me now.

Nothing lasts forever, but this is gonna take me down

 

He's so tall and handsome as hell

He's so bad but he does it so well

I can see the end as it begins

My one condition is

 

Say you'll remember me

Standing in a nice dress,

Staring at the sunset, babe

Red lips and rosy cheeks

Say you'll see me again

Even if it's just in your

Wildest dreams, ah-ha ohh,

Wildest dreams, ah-ha ohh.

 

I said, "No one has to know what we do, "

His hands are in my hair, his clothes are in my room

And his voice is a familiar sound,

Nothing lasts forever but this is getting good now

 

He's so tall and handsome as hell

He's so bad but he does it so well

And when we've had our very last kiss

My last request it is

 

Say you'll remember me

Standing in a nice dress,

Staring at the sunset, babe

Red lips and rosy cheeks

Say you'll see me again

Even if it's just in your

Wildest dreams, ah-ha ohh,

Wildest dreams, ah-ha ohh.

 

You see me in hindsight

Tangled up with you all night

Burning it down

Someday when you leave me

I bet these memories

Follow you around

 

You'll see me in hindsight

Tangled up with you all night

Burning it down

Someday when you leave me

I bet these memories

Follow you around

 

Say you'll remember me

Standing in a nice dress,

Staring at the sunset, babe

Red lips and rosy cheeks

Say you'll see me again

Even if it's just pretend

 

Say you'll remember me

Standing in a nice dress,

Staring at the sunset, babe

Red lips and rosy cheeks

Say you'll see me again

Even if it's just in your (just pretend, just pretend)

Wildest dreams, ah-ha ohh

In your wildest dreams, ah-ha ohh

(Even if it's just in your wildest dreams) ah-ha

In your wildest dreams, ah-ha.

Grabe! Ang ganda ng boses niya. Natulala na lang ako sa ere at parang narinig ko na yun dati pero di ko lang alam kung kelan.

Parang may pinapahiwatig ang kanta at parang natatamaan ako pero hindi ko alam kung bakit. Parang may magic ang kanta niya.

Para siyang anghel na kumakanta pero puno ng lungkot. Sana matuwa si Kith sa gagawin ko.

Kith POV

Natuwa naman ang mga tao dahil sa kinanta ko dahil nagpalakpakan sila. Tumingin ako kay Ray at nakatitig din siya sa akin.

Bumalik na ako doon sa table namin at nagsimula na silang magsayawan. Tahimik lang sila at kumakain.

"Grabe. Ang ganda talaga ng boses mo Kith". Namamangha na sabi sa akin ni Peter.

"Thanks.". Nakangiti kong sagot.

"Kith. Pwede bang akin ka na lang?". Malungkot na tanong ni Rogue.

Nabigla ako at napatitig ako sa kanya. Mukhang seryoso siya at umiling-iling na lang ako sa kanya.

Mas magiging komplikado ang lahat kapag umayon ako kay Rogue and besides. Kapatid lang ang turing ko sa kanya.

Tumahimik na lang ang lahat at nabigla ako nung sumayaw si Ray at Alexa dahil may sweet dance.

Napatitig ako sa kanila at parang nababasag ng paunti-unti ang puso ko.

Parang lumalaki ang mga bitak sa puso ko ng makita ko ang mga ngiti at ang malagkit nilang tinginan sa isa't-isa.

Naramdaman ko ang mga mainit na luhang naiipon sa mga mata ko.

Kinuha ni Ray ang mic. At nagsalita na lang siyang bigla.

"Hey everyone. I have a very special announcement". Nakangiti niyang sabi sa harap ng mga tao.

Tumingin sa kanya lahat at pinipigil ko lang ang pagbuhos ng mga luha ko habang nakatitig sa kanya.

"One day. There's a girl whom I fell in loved with and I want to make that girl my woman. Let's look at her. She is so pretty and gorgeous right?".

"Yes! Whoo hooo!". Hiyawan ng mga tao.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at hindi nila magawang tumingin kay Ray at Alexa pero ako gusto kong makita ang mangyayari.

"I want to settle with you Alexa.".

Lumuhod ang kanang tuhod ni Ray sa harap ni Alexa at kinuha niya ang isang pulang box sa bulsa niya at.

"Alexa. Will you marry me?".

Ngumiti si Alexa at maluha-luha siya bago niya sinabi ang salitang "Yes!".

Naging blanko ang lahat sa utak ko. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig dahil sa sobrang hapdi.

Totoo na ba ito?

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at kumawala na sila sa mga mata ko dahil sa sobrang sakit.

Those words are like the sharpest blades that cut my soul and leave me open wounded.

My heart was ripped and I can feel the bleeding inside.

Napahawak ako sa mukha ko at humagulgol sa ako sa pag-iyak habang hinihimas ng mga kaibigan ko ang likuran ko.

Tumayo ako at bigla akong tumakbo kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Raypaul POV

Lahat ng mga tao ay nag-congats sa amin ni Alexa at sobrang saya ko talaga ngayon.

Lumapit ako sa mga kaibigan ko at kasama ko si Alexa. Kaso mukhang seryoso sila kaya nagtataka ako tapos wala din si Rogue ay Kith.

"Congats bro. Sana masaya ka". Seryosong sabi ni James.

"Congrats. Sana tama ang desisyon mo na magpakasal". Matamlay na sabi ni Dennis.

Hindi nagsalita si Peter at Vincent tapos naglakad silang dalawa palayo.

Galit ba sila? Bakit ganito sila?

Lumapit si Kagura kay Alexa at parang may takot sa mga mata ni Alexa at napa-atras na lang siya bigla sa sobrang takot.

"Masaya ka na sana. Hindi na ako mangingialam pero wag mo sanang kalimutan na magdasal". Seryosong sabi ni Kagura kay Alexa at naglakad na lang siya palayo.

Nakakatakot. Bakit ganun ang mga salitang binitiwan niya?

Yumuko na lang si Alexa at nagsi-alisan na ang mga kaibigan ko.

"Alexa. Don't feel sad.". Nag-aalala kong sabi sa kanya.

Napansin ko na may tumulong luha sa mga mata niya kaya lalo akong nag-alala sa kanya ngayon.

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinarap ko ang mukha niya sakin.

"Dapat masaya ang aking future. Mrs. Velasco". Nakangiti kong sabi.

Pinunasan ko gamit ang kamay ko ang mga luha niya at ngumiti na din siya.

Sinundo na ng papa ni Alexa ang fiance ko at sobrang saya nito ng malaman na ikakasal na kami.

Ng matapos ang event ay mag-isa na lang ako dahil wala na ang mga kaibigan ko.

Bakit kaya sila parang galit?

Siguro di pa sila ready na ikasal ako.

Naglakad ako sa event place at may nakita akong malawak na garden at walang tao doon.

May narinig akong mga boses kaya sinundan ko ang mga iyon.

"Hindi ko na kaya.". Umiiyak na sabi ng isa.

"Nandito lang ako.". Sagot naman nung isang lalaki.

Naglakad pa ako at nakita ko si Kith na nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Rogue. Umiiyak siya at yakap yakap naman siya ni Rogue.

"Ayoko na Rogue. Wala na ako". Humahagulgol na sabi ni Kith kasabay ang basag na boses.

"Hindi ko alam ang gagawin ko pero. Tutulungan kita na dalhin ang sakit". Seryosong sabi ni Rogue at nakita ko na pumapatak ang mga luha niya.

"Hindi na kailangan. Dahil hindi ko na talaga kaya". Humahagulgol na sabi ni Kith at ramadam ko ang sakit na dinadala niya.

Lalong humigpit ang yakap ni Rogue. Hindi ako nakaramdam ng pagseselos pero parang ang sakit na nakikita ko sa kanila ay parang nararamdaman ko bigla sa dibdib ko.

Anong nangyayari sa kanila?

Nag-aalala ako para kay Kith.

Rogue POV

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. Iyak ng iyak si Kith at hindi ko na alam kung paano ko pa siya papakalmahin. Buti na lang ay nakatulog na siya at hindi ko talaga maiwasan ang mapaluha habang tinititigan ko siya.

Bakit ba kasi hindi pwede na ako na lang ang sumalo ng mga problema niya ngayon? Kilalang-kilala ko siya. Natatakot ako dahil sinabi niya kagabi na hindi na niya kaya at yun ang mga salitang kinatatakutan ko. Hindi siya marunong sumuko pero pag sinabi niya na ayaw na niya ay baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Alam ko na anytime ay bibigay na siya. Natatakot na ako dahil wala na akong magagawa para pagaanin ang loob niya dahil si Raypaul lang talaga ang nagpapagaan ng loob niya.

Ayoko ng bumalik si Kith sa dati!

Ayoko ng makita yung Kith na parang nabaliw dahil sa pagkawala ng pamilya niya. He is totally broken and now, his heart was powdered.

Ayoko na siyang makita na nakatulala sa hangin at umiiyak. Ayoko ng ganito. Payag naman ako na mapunta siya sa ibang lalaki basta makita ko lang ang mga ngiti niya.

Hindi pa nila kilala ang isang.

Rogue Mikazuchi. Kapag bumitaw si Kith dahil sa kanila. I swear! Makikita nila kung ano ang totoong kulay ng anak ng isang yakuza.

Pasabugin ko kaya ang simbahan kapag kinasal silang dalawa? Pero nandun ang mga kaibigan ko kaya kailangan kong mag-isip.

Ano kaya kung ipa-dukot ko si Alexa? Binugbog siya ni Kagura pero hindi pa rin siya nagtanda. Hindi ko naman siya pwedeng ipapatay dahil hindi nga yun binalak ni Kith kahit kayang-kaya niya gawin yun anytime.

Ang laki ng pinagbago ni Kith. Naging mabait siya at inabuso nila!

I will never forgive them for what they did to my precious angel.

Graduation na namin mamaya. Pupunta pa ba ako? Ayokong iwanan ang anghel ko. Baka kung mapaano siya kapag nag-isa lang siya ngayon.

"Uuhhmmm.". Ungol ni Kith habang natutulog.

Shit! Tumutulo na naman ang luha niya kahit tulog. I want to make him mine but how? How can I captivate his fragile heart?

Dumilat ang mga mata niya at naluluha siyang tumingin sa akin.

"Rogue.". Mahina niyang sabi na naluluha at parang bata.

Oh God! I can't look at him like this! Nakakapanghina. Lalo akong nahuhulog sa kanya kapag ganito.

"Kith. I Love You.". Nag-aalala kong sabi sa kanya.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at umiiyak na naman siya.

"Sorry Rogue. Hindi ko naman gustong makita mo akong ganito". Umiiyak niyang sabi sa akin.

Damn it! And now nagso-sorry pa siya sa akin. Nadudurog lalo ang puso ko sa ginagawa niya.

"Hindi na ako pupunta sa graduation dahil dito lang ako". Seryoso kong sabi sa kanya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at humarap siya.

Mukha siyang kaawa-awa. Oh shit! Mukha siyang walang kalaban-laban at hinang-hina.

"Pumunta ka. Wag kang mag-alala". Seryoso at naiiyak niyang sabi.

Tumango na lang ako dahil hindi ko na alam kung paano pa ako makakapagsalita dahil sa mga ipinapakita niya.

He's tough. But now he's broken.

I hate this! Ako ang mas nasasaktan sa nakikita ko ngayon.

Inayos ko na ang sarili ko at pumunta na ako sa graduation place.

Puro lungkot ang nasa isip ko at hindi ko na alam ang pwede kong gawin. May tiwala naman ako kay Kith dahil sabi niya wag daw akong mag-alala.

"Rogue. How is he?". Nag-aalalang tanong ni Kagura.

"He is not fine.". Mahina kong sagot.

Parang natigilan si Kagura dahil sa sinabi ko at nanlaki ang mga mata niya.

"What? Bakit mo siya iniwan?". Galit niyang tanong.

"I know. Sabi niya wag daw akong mag-alala and may tiwala ako sa kanya. I'm holding his words". Seryoso kong sagot.

Nandito pala ang papa ni Kagura at wala siyang alam sa nangyayari.

Nandito din ang parents ng mga kaibigan ko dahil graduation ngayon at panay sila picture habang nakasuot ang toga.

Ako? Walang pumunta sa akin.

Napatingin ako kila Ray at Alexa.

Nandun yung mom and dad niya pati ang daddy ni Alexa. I hate them! Paano sila nagiging masaya habang unti-unting nawawalan ng pag-asa ang taong mahal ko?

They will pay for this!

---

Natapos na ang graduation at napagpasyahan namin na i-surprise si Kith at puntahan siya sa condo dahil dapat graduate na din siya ngayon.

Bumili muna ng makakain sila Kagura at ako muna mag-isa ang pumunta sa condo ni Kith para i-check ang lagay niya.

What the heck! Parang kinakabahan ako ngayon.

Biglang nanginig ang kamay ko at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.

"Kith! Nasaan ka!". Sigaw ko habang pumapasok sa condo.

Nakita ko na maraming bote ng mamahaling alak ang nakakalat sa sahig at walang laman.

"Naubos niya lahat ng ito?". Tanong ko sa sarili ko.

"Kith! Magpakita ka! Nag-aalala na ang baby brother mo". Malakas kong sabi habang naluluha.

Naglakad pa ako at malawak ang condo ni Kith.

Parang bumibilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad. Hindi niya kasi ugaling wag sumagot kapag may tao.

Naiiyak na ako at hindi ko alam kung bakit at nakakaramdam ako ng matinding takot dahilan para manginig ako.

Narinig ko ang malakas na agos ng tubig sa banyo at tumakbo ako para i-check yun.

Naka-lock ang pinto at siguradong nandun si Kith.

"Kith. Buksan mo!". Naiiyak ako habang kinakatok yun.

Nilakasan ko ang pag katok pero wala pa ring sumasagot. Alam ko na nasa loob siya.

Tinadyakan ko ng malakas ang pinto at bigla na lang.

Para akong tinakasan ng kaluluwa ko dahil sa nakikita ko.

Walang malay si Kith na nakalublob sa ilalim ng bathtub.

Halos mamatay ako ng lumapit ako sa kanya at parang nawawala na ako sa katinuan.

Nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Inangat ko ang katawan niya sa bathtub at hindi ko kayang paniwalaan ito.

Nakayakap ako sa kanya ng mahigpit. Nanlalamig na ang katawan niya at namumutla na siya na parang walang buhay.

"Kith! Gumising ka!". Sigaw ko habang umiiyak at basag ang boses.

Hindi siya gumagalaw at nilapit ko ang bibig ko sa kanya para bigyan siya ng hangin.

Hindi na siya humihinga.

Pinagsasampal ko ang sarili ko.

"Kith! Don't do this to me!". Umiiyak kong sigaw habang hawak hawak ko ang malamig niyang katawan.

Hanggang sa natauhan na lang ako.

Binalot ko siya ng coat ko at itinakbo ko ng mabilis ang katawan niya pagkatapos ay nag-drive ako ng sobrang bilis papunta sa ospital.

Kinuha siya ng mga nurse at dinala siya sa Emergency Room.

Nag-text naman ako kaagad kila Kagura at nandito lang ako sa labas ng room ni Kith habang umiiyak.

---

Nakita ko sila Kagura na tumatakbo papunta sa akin at nakatulala lang ako sa kanila.

"Rogue! Anong nangyari?". Naiiyak na tanong ni Kagura sa akin.

Hindi na ako makapag-salita at paano ko iku-kwento ang nakita ko? Ni hindi ko nga kayang maniwala sa nangyari kanina.

Nakita ko si Raypaul na kasama nila.

Parang nandilim ang paningin ko ng maikita ko siya.

Tumakbo ako sa kanya at sinapak ko siya ng malakas dahilan para mapatumba siya.

"Gago ka! Sana namatay ka na!". Sigaw ko sa kanya.

"Para saan yun?". Naguguluhan niyang tanong habang nakahandusay sa sahig.

Tinulungan siyang makatayo nila James at aamba sana ako ng isa pang sapak para basagin ang mukha niya pero pinigilan ako ni Kagura.

"Magagalit sayo si Kith.". Naiiyak niyang sabi sa akin.

Kumalma ako at nakalimutan ko pala na mahal na mahal ni Kith at putang nasa harapan ko.

Lumabas ang doctor sa room ni Kith kaya natakot ako sa pwede niyang sabihin sa akin.

Kwinelyuhan ko kaagad ang doctor.

"Kapag sinabi mo na patay na siya. Papatayin din kita!". Galit kong sabi sa kanya habang umiiyak.

Natakot ang doctor sa akin dahil kitang-kita ko yun sa mga mata niya.

"Don't wo.rry. Sir. Ok na si.ya". Nauutal na sabi ng doctor.

Parang nagliwanag ang mga mata ko at binitiwan ko na ang doctor kaya nagsalita na siya.

"Drunk po ang patient at naka-inom po siya ng sleeping pills dahilan para tumaas ang epekto nun sa katawan niya. Hindi naman po siya masyadong nalunod sa bathtub pero baka namatay po siya kung napabayaan. Sa ngayon po ay hintayin niyo na lang na magising ang pasyente". Natatakot na sabi ng doctor at umalis na siya.

Naghintay kami at pumasok sa loob ng room ni Kith.

Ang putla-putla na niya.

Nag-iyakan naman bigla ang mga kaibigan ko.

"He suffered all the pain". Umiiyak na sabi ni Dennis.

"Akala ko malakas siya. Akala ko kaya pa niya.". Humahagulgol na sabi ni Peter.

Nakita namin ang unti-unting pagdilat ng mga mata ni Kith.

Hindi na kami makapag-salita at nag-iiyakan na lang kami habang nakatitig sa kanya.

Nagulat kaming lahat at bigla na lang siyang nagsalita.

"Once upon a time. May lalaking nagsabi sa akin na mahal na mahal niya daw ako. Minahal ko din siya at ngayon unti-unti niya akong pinapatay. His love is like a venum that makes my heart stop". Nakatulala niyang sabi habang tumutulo ang mga luha niya.

Nabaliw na ba siya? Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari sa kanya ngayon.

"Kith. Bakit mo ginawa yun?". Umiiyak kong tanong sa kanya at basag na ang boses ko.

Tumingin siya sa akin at.

"Rogue. Sorry.". Mahina niyang sabi na punong-puno ng lungkot.

"Pero nangako ka sa akin kanina na hindi ako dapat mag-alala". Humahagulgol kong sabi.

"Hindi ko naman sinasadya.". Naiiyak niyang sagot sa akin.

"Tanga ka ba? Nag-attempt ka na mag-suicide tapos sasabihin mo na hindi mo sinasadya!". Galit pero umiiyak na sabi ni Kagura.

"Naglasing ako. Hindi ako makatulog kaya uminom ako ng sleeping pills kasi gusto kong matulog pero hindi yun tumalab kaagad. Ang init ng pakiramdam ko kaya naligo ako.". Umiiyak na kwento ni Kith sa amin.

Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din sila Kagura at ang mga kaibigan ko kaya nag-group hug kaming lahat at natutuwa naman ako dahil pilit pa din na ngumiti si Kith.

I really love him.

Raypaul POV

Nakalabas na ng ospital si Kith pero sobra na ang pag-aalala ko sa kanya dahil alam kong napakalaki ng problema niya na hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan.

Nadurog ang puso ko ng makita ko siya sa ospital. Hanggang ngayon ay malaking palaisipan sa akin kung bakit nagalit sa akin si Rogue at kung bakit niya ako sinapak.

Alam ko na mainit ang dugo sa akin ni Rogue pero hindi ko talaga alam kung ano ang nagawa kong kasalanan para gawin niya yun at hiniling pa niya na sana mamatay na ako.

Bakit nangyayari ito? Mahal ko si Kith pero hindi na ako pwedeng umatras sa kasal namin ni Alexa. Mahal ko si Alexa pero hindi ko alam kung bakit parang mas matimbang si Kith sa puso ko.

Kawawa naman ang lalabs ko.

Teka! Bakit bigla ko na lang tinawag na lalabs si Kith? Naguguluhan na naman ako. Marami akong gustong malaman.

Naisip kong kamustahin siya.

Kinuha ko ang phone para tawagan siya at mabilis naman niya itong sinagot.

"Uuhhhmmm. Hi Kith?". Bati ko.

"Bakit? Bakit ka pa tumawag?". Tanong niya na parang malamig ang boses niya.

"Gusto ko lang kamustahin kung ok ka na ba?". Nag-aalala kong sabi.

Tumahimik lang siya kaya alam kong hindi talaga ok ang sitwasyon niya ngayon kaya lalo akong nalungkot.

"Nasaan ka ba? Pupuntahan kita". Sabi ko sa kabilang linya.

"Papunta ako sa simbahan". Sagot niya at seryoso ang boses niya.

"Hintayin mo ako. Gusto kitang makita". Sabi ko kay Kith.

"Lagi lang kitang hinihintay.".

"Anong ibig mong sabihin?". Tanong ko sa kanya.

Bigla niyang binaba ang usapan naming dalawa. Ano ang ibig sabihin ng lagi niya lang akong hinihintay?

Naguguluhan ako. Parang marami ang tinatago ng mga tao sa akin.

Naglakad na ako papunta doon sa simbahan kasi malapit lang yun sa apartment ko. May nakasalubong akong matandang babae.

Nagulat ako ng kausapin niya ako.

"Matagal na rin pala iho simula nung huli kitang nakita.". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Huh? Eh ngayon ko lang po kayo nakita". Nagtataka kong sagot.

"Naalala ko pa dati. Lagi kayong nagsisimba ng taong mahal mo at masayang-masaya kayo". Sabi sa akin ng matanda.

Naguluhan ako. Hindi naman kami nagsisimba ni Alexa eh.

"Baka nagkakamali ho kayo.". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hindi iho. Sana maalala mo yung sinabi ko dati na oras ang matindi niyong kalaban. Kapag nahuli ka na iligtas siya ay hindi ka na magiging masaya kahit kelan dahil walang nababagay sa isa't-isa kundi kayo lamang.". Seryosong sabi ng matanda.

Nakakagulo ng isip! Mabuti pa ay makinig na lang ako sa sinasabi niya kasi parang pamilyar din siya sa akin dati pero hindi ko matandaan.

"Kasalukuyan siyang lumalaban para sa iyo. Mahal na mahal ka niya at malapit na siyang sumuko. Malapit ng maubos ang oras ng buhay niya kung mahuhuli ka". Seryoso niyang sabi na nagpagulo lalo sa akin.

"Pero wala ho akong maalala.". Nalulungkot kong sabi.

"Iho. Kung hindi mo maalala ang lahat ay gamitin mo ang puso mo para piliin ang magpapasaya sa iyo ng totoo dahil yun lang ang sandata mo sa mala-digmaan niyong pag-ibig".

Napatitig na lang ako sa kanya at mukhang nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko alam pero parang tumatagos sa akin ang mga salita niya.

"Nasa loob siya. Hinihintay ka". Sabi niya at naglakad na siya palayo.

Ano ba ang mga sinasabi niya?

Hindi ko talaga maintindihan pero alam kong totoo ang mga iyon.

Bigla na lang sumakit ang ulo ko at parang may mga ala-alang pilit bumabalik sa akin.

"Darating ang taong magmamahal sayo ng lubos. Higit pa sa inaakala mo. Bibigyan niya ng liwanag ang natutulog na apoy sa iyong puso. At siya ang swerte mo sa buhay.".

"Mukhang nahanap ko na po yata".

". Ang babasagin niyang damdamin. At naiibang pagkatao ang magtutulak sayo sa kaligayahan.NGUNIT!. Kailangan mo siyang pahalagahan na parang isang diyamante. Dahil sa oras na mawala siya sayo. Mawawala sayo ang lahat lahat".

"Salamat po sa hula. Alam ko na po ang ibig nyong sabihin".

"Iho! Hindi iyon hula. Iyon ang kapalaran mo. Na sayo ang huling desisyon sa buhay mo!".

"Ganun po ba?".

"Magkarugtong ang inyong buhay. Walang nababagay sa isat-isa kundi kayo lamang.".

"Hala! Nasaan siya?".

"Baka kanina pa naka-alis".

"Pero amazing siya diba? Meant to be daw talaga tayo.".

Bigla na lang sumakit ang ulo ko. Ano yung mga naalala kong mga salita? Ano ang ibig sabihin ng mga yun?

Parang nahilo ako bigla.

Naalala ko na naghihintay nga pala sa akin si Kith dito sa simbahan kaya pinilit kong pumasok.

Naglakad ako papunta sa loob at nakita ko si Kith na nakaluhod at nagdadasal ng mataimtim.

Umupo ako ng dahan-dahan.

Nagulat ako ng biglang magsalita si Kith habang nakapikit.

"Nandiyan ka na pala.". Bigla niyang sabi sa akin.

Dumilat ang mga mata niya kaya nagulat ako.

"Alam mo na nandito na ako?". Nagtataka kong tanong.

"Amoy mo palang alam ko na.". Seryoso niyang sagot sa akin.

Umupo siya sa tabi ko at.

"Bakit gusto mo akong makita?". Seryosong tanong ni Kith.

"Gusto ko lang kamustahin kung ok ka na ba?". Tanong ko.

"Yung lalakeng mahal ko. Wala na kaming pag-asa.". Malungkot niyang sabi sa akin.

"Alam kong nasasaktan ka. Nandito lang naman ako para sa iyo". Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumitig siya sa akin at.

"Wala kang alam.". Seryoso niyang sabi sa akin.

Nawala ang mga ngiti ko at napalitan ng pagtataka at pagdududa sa kanya.

Hindi na ngumingiti si Kith. Nakikita ko na hindi na kayang magtago ng mga lungkot sa mga mata niya.

"Kith. Ano ba ang pwede kong gawin para mapagaan ang nasa loob mo?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Alalahanin mo ang lahat-lahat". Seryoso niyang sabi.

Lalo akong nagduda. Napalunok ako sa sinabi niya sa akin. Bakit ganito na siya ngayon?

"Ano ba ang ibig mong sabihin?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Tumahimik lang siya ulit at.

"Pwede ba kitang yakapin?". Seryosong tanong ni Kith.

"Syempre. Oo". Sagot ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi ko alam pero parang may kakaiba sa init niya. Parang may comfort.

Hinawakan ni Kith ang mga pisngi ko at parang maluha-luha siya.

"May hihilingin sana ako sayo.". Sabi ko sa kanya.

"Ano yun? Kahit ano ibibigay ko". Seryoso niyang sabi.

"Talaga? Payag ka kaagad?". Tanong ko sa kanya.

"Oo. Basta para sayo". Sagot niya.

"Gusto ko sana na kumanta ka sa engagement party namin bukas ni Alexa". Nakangiti kong sabi.

Napatitig siya sa akin at biglang tumulo ang mga luha ni Kith. Nag-alala ako lalo sa kanya.

He looks like a crying angel.

"What's wrong?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Nothing. Wag kang mag-alala gagawin ko lahat ng gusto mo". Seryoso niyang sabi.

"Alam ko na hindi ka ok". Nag-aalala kong sabi at pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi at.

"Ikakasal ka na. Gusto ko lang makita na masaya ka". Naiiyak niyang sabi pero ngumiti siya.

Pinilit niyang ngumiti pero hindi nagsisinungaling ang mga mata niya. I can feel it. So much pain.

"Paano ka?". Nag-aalala kong tanong.

"Wag mo akong alalahanin basta para sa iyo. Gagawin ko ang lahat". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Basta pumunta ka bukas ha?".

Tumango lang siya sa akin at ngumiti na naman siya ng pilit.

"Pasensya ka na pala kung nasaktan ka ni Rogue.". Sabi niya.

"Bakit nga ba niya ginawa yun?". Nagtataka kong tanong.

"Basta. Ako na ang humihingi ng tawad kasi sobrang close talaga kaming dalawa". Seryoso niyang sabi.

"Sige. Kakalimutan ko na lang yun". Sabi ko sa kanya.

Tumingin ako sa relo ko at napansin ko na oras na pala.

"Aalis na ako. May inaasikaso pa kami ni Alexa eh". Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumango lang siya at nag-bye.

Naglakad na ako palabas ng simbahan pero lumingon ako at bigla na lang nawala sa paligid si Kith.

Kith POV

I've never felt this pain before.

Mahal na mahal ko siya. Gusto ko lang na maging masaya siya at kung wala na kaming pag-asa. Gusto ko lang makita na ok siya.

Mukha namang hindi na niya ako kailangan sa buhay niya eh.

Tumutulo ang luha ko ng buksan ko ang condo at nasa loob pala si Rogue na kanina pa ako hinihintay.

"Kith. What happened?". Nag-aalalang tanong ni Rogue.

"Kakanta ako para sa engagement party nila bukas.". Umiiyak kong sabi sa kanya.

"What? It's insane! It's too much!". Galit na sabi ni Rogue.

"Sobrang sakit na.". Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Sabihin mo na ang lahat sa kanya. Kapag hindi mo ginawa ay ako ang gagawa para sa iyo!". Galit na sabi ni Rogue.

"Gagawin ko yan. Bago ang kasal". Humahagulgol kong sabi.

Niyakap niya ako ng mahigpit at.

"Siguro nga wala akong karapatang magmahal dahil lahat ng taong mahal ko ay kinukuha sa akin". Umiiyak ko sabi sa kanya.

"I will always here for you.". Naiiyak na sabi ni Rogue.

"I don't want to share this pain with you". Umiiyak kong sabi.

"Pareho lang tayo. Gagawin natin ang lahat para lang mapasaya ang taong mahal natin". Umiiyak na sabi ni Rogue.

Alam ko na nasasaktan din siya.

"Ang malas ko lang kasi hindi ko na alam kung paano kita papasayahin". Humahagulgol niyang sabi.

"Sorry Rogue. Sirang-sira na ako".

"I don't care. I just love you".

He really loves me. Naawa na rin ako kay Rogue pero naawa na ako sa sarili ko ngayon.

Is it enough for me to love?

Is it enough for me to bleed?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 17A)
You Light My Fire (Part 17A)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-17a.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-17a.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content