By: Lord Iris Habang binubutones ko ang coat at nakatingin sa salamin ay hindi ko na kilala ang lalakeng nasa harap ko. Bigla na lang ...
By: Lord Iris
Habang binubutones ko ang coat at nakatingin sa salamin ay hindi ko na kilala ang lalakeng nasa harap ko.
Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Para akong isang bagay na walang laman. Kasal ko na pero hindi ko kayang ngumiti at maging masaya dahil si Kith ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
Nag-drive na ako papunta sa simbahan at naglakad papunta sa harap ng altar para hintayin ang babaeng papakasalan ko.
Habang tumitingin ako sa paligid ay punong-puno ng mga puting rosas.
Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon dahil gulong-gulo na ang isip ko.
Naramdaman ko na lang ang kamay na humawak sa braso ko at...
"Insan kung hindi ka pa sigurado dito ay pwede pa namang umatras." Seryosong sabi ng pinsan ko na si James.
Paano pa ako aatras kung magapapakamatay naman si Alexa kapag ginawa ko iyon.
"Raypaul. Wag kang magpadala sa takot mo. Wag mo hayaan na habang buhay kang mag-sisi." Seryosong sabi ni Dennis.
Tama siya. Habang buhay kong pagsisisihan ang bagay na ito pero may magagawa pa ba ako?
Dumating na ang isang puting sasakyan na puno ng rosas sa harapan nito. Nandiyan na pala si Alexa.
Lumabas siya ng kotse. Napaka-ganda nga niya talaga pero hindi siya kagaya ni Kith dahil si Kith ang anghel sa buhay ko.
Unti-unti siyang naglakad palapit sa altar and canon in d was played by the church pianist. Naalala ko kung gaano kagaling mag-piano si Kith.
Kaya pala lahat ng kanta niya ay damang-dama ko dahil lahat ng iyon ay para sa akin.
Napakalaki ng ngiti ni Alexa nang makarating siya sa harapan ko.
"Wala kang pagsisisihan. Mamahalin kita ng totoo kagaya ng binigay sayo ni Kith." Nakangiti niyang sabi.
Pero iba si Kith. Binigay niya ang lahat sa akin. Binibigay niya pati ang kalayaan ko na hindi magawa ni Alexa para sa akin.
Nag-iiyakan na sila James pati sila Peter at nagsasalita na ang pari para sa I do ceremony namin.
"Raypaul Velasco, do you take Alexa Carter to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"
Hindi ako makasagot. Napalunok na lang ako at tumutulo ang mga luha ko habang pinapakinggan ang pari.
"Raypaul ano ba? Sumagot ka nga!" Galit na sabi ni Alexa.
Tumutulo lang ang mga luha ko at hindi ko kayang magsalita kaya tinitigan na lang ako ng masama ni Alexa.
"Father. Ako po muna ang unahin niyo sa I do." Nakangiting sabi ni Alexa sa pari.
"Okay. Alexa Carter, do you take Raypaul Velasco to be your wedded husband to live together in marriage? Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health and forsaking all others, be faithful only to him so long as you both shall live?"
"Yes! Of course father!" Nakangiting sabi ni Alexa.
"Kung ganun uulitin ko ang sa groom. Raypaul Velasco, do you take Alexa Carter to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"
Hindi ko talaga kayang magsalita at nangingnig ang mga kamay ko. Hindi ko kayang ituloy ito.
"Raypaul. Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari kapag hindi ka pa sumagot." Galit na sabi ni Alexa.
Nakatulala na lang ako sa altar.
Tumitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang malaking pagkakaiba nilang dalawa ni Kith. Alam ko na ngayon na hinding-hindi ako magiging masaya sa kanya.
"Raypaul kapag hindi ka pa sumagot pagsisisihan mo ito!" Sigaw ni Alexa at rinig yun sa buong simbahan.
"Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako." Umiiyak kong sabi.
"Ano ba? Sumagot ka na lang kasi!" Sigaw niya sa akin.
Unti-unti akong tumitig sa kanya.
"Totoo ba?" Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.
"Ang alin? Ano ba Raypaul nahihibang ka na!" Sigaw niya.
"Alam ko na ang lahat. Gusto ko lang na manggaling sa bibig mo." Galit kong sabi sa kanya.
Natahimik siya at kitang-kita ko ang panginginig ng katawan niya.
"Totoo ba? Ikaw ang sumira sa buhay ko, ikaw ang sumira sa aming dalawa ni Kith at ngayon gumagawa ka ng paraan para mapagpatuloy ang kademonyohan mo?" Galit kong sigaw at halatang nagulat ang mga bisita.
Umiyak lang siya sa harap ko. Siguro nagpapa-awa siya sa akin.
"Raypaul. Naalala mo na ba ang lahat?" Umiiyak niyang tanong.
"Hindi ko na kailangang maalala ang lahat dahil ang kailangan ko lang ay ang katotohanan." Seryoso kong sabi habang lumuluha.
"Raypaul. Magiging masaya ka naman sa akin eh." Umiiyak niyang sabi sa akin.
"Masaya? Wag mo akong patawanin. Sinasakal mo ako. Si Kith ay ibibigay niya ang lahat para lang mapasaya ako kahit pa ang kalayaan ko!" Sigaw ko sa kanya.
"Raypaul anak! Wag mong sigawan ang mapapangasawa mo!" Sigaw naman ng mga magulang ko.
"Isa pa kayo! Itinago niyo ang lahat ng katotohanan sa akin! Hindi niyo ba alam na may tao na unti-unting namamatay dahil sa ginawa niyo." Galit kong sabi pero umiiyak ako.
Natahimik na lang silang lahat.
"Raypaul please. Wag mo akong iiwan." Humahagugol na sabi ni Alexa sa akin.
"Hindi ko kayang magpakasal sa babaeng sumira ng buhay ko, sa babaeng minulat ang mga mata ko sa kasinungalingan at sa babaeng walang kaluluwa."
Naglakad na ako palayo sa altar pero ng subukan kong humakbang ay bigla na lang sumigaw si Alexa.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo! Pagsisisihan mo ito!" Sigaw niya.
Wala na akong pakealam. Kailangan kong makita si Kith at wala na akong pake kung ano ang tama dahil puso ko ang paiiralin ko ngayon.
Habang tumatakbo ako palabas ng simbahan ay rinig ko ang mga iyakan ng mga bisita.
Wala na akong pake sa kanilang lahat.
Si Kith lang ang laman ng puso at isip ko ngayon dahil siya lang ang nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal.
Sumakay na ako ng kotse papunta sa tagpuan naming dalawa ni Kith.
Natanaw ko siya na nakatayo sa dulo ng bangin. Halos lumabas ang kaluluwa ko ng makita ko siya.
Bumaba kaagad ako ng kotse at naglakad ako palapit sa kanya.
"Kith. Nandito na ako." Umiiyak kong sabi.
Lumingon siya sa akin at kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.
"Dumating ka. Totoo ba ito? Hindi ba ako nababaliw?" Umiiyak niyang tanong sa akin.
Lumapit na lang ako para yakapin siya ng mahigpit.
"Patawarin mo ako. Dapat matagal na kitang pinili." Umiiyak kong sabi.
Humigpit din ang pagkakayakap sa akin ni Kith.
"Naalala mo na ba ang lahat?" Humahagulgol niyang tanong.
"Hindi. Pero ang sabi ng puso ko ay ikaw ang lalabs ko." Nahihirapan kong sabi kahit na umiiyak ay napangiti ako.
"Hindi na kita iiwan Kith." Umiiyak kong sabi.
"Maraming salamat Raypaul ko." Humahagulgol na sabi ni Kith.
Kumalas kami sa pagkakayakap at tinitigan namin ang mga luha ng bawat isa. Si Kith ang totoo para sa akin. Siya lang ang mahal ko.
Unti-unting naglapit ang mga labi naming dalawa. Ang lambot ng mga labi niya. Ramdam ko ang pagmamahal sa kanya. Hindi lust ang naramdaman ko kagaya ng kay Alexa.
Bigla na lang kaming may narinig na pumalakpak.
"Well well. Akala niyo ba papayag ako na maging masaya kayo?"
Napatigil kami sa paghahalikan ni Kith at nakita naming dalawa si Alexa na may dalang baril. Lumaki ang mga mata ko at napuno ako ng takot.
Sira-sira na ang wedding gown na suot niya at nakakatakot ang hitsura niya dahil sa kalat na make up.
"Itigil mo na ito. Kahit kelan hindi ka magtatagumpay." Seryosong sabi ni Kith kay Alexa.
"Wala na akong pake. Kung hindi mapupunta sa akin si Raypaul ay hindi rin siya mapupunta sayo!" Tumatawang sigaw ni Alexa.
Mukha na siyang nababaliw.
"It's over. Wag mong hayaan na mapuno ako." Seryosong sabi ni Kith.
Kakaiba si Kith. Mukhang hindi siya natatakot at parang walang emosyon sa mukha niya.
"Ano pa bang laban mo? Papatayin ko na lang si Raypaul para wala tayong pag-agawan."
Itinutok ni Alexa ang baril sa akin pero bigla na lang humarang si Kith at niyakap niya ako ng mahigpit. Sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko at isang tinig ang lumabas sa bibig ni Kith.
"Mahal na mahal kita. Raypaul ko."
Pagkatapos bumaril ni Alexa ay bigla na lang siyang tumakbo at sumakay sa kotse niya. Naiwan kaming dalawa ni Kith at nakahiga ngayon si Kith sa hita ko.
"Kith! Kith! Please. Wag kang bibigay." Humahagulgol kong sigaw.
"Ray. Hindi ako bibigay." Seryosong sabi ni Kith.
"Kith. Wag ka na magsalita nabaril ka eh dadalhin kita sa hospital!" Umiiyak kong sabi.
"Wag na. Hindi na kailangan." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Kith! Wag kang ganyan! Wag mong sabihin yan!" Umiiyak kong sigaw.
Hinawakan niya ako sa pisngi at pinunasan niya ang mga luha ko. Parang walang takot sa mga mata niya.
"Raypaul." Seryoso niyang sabi.
"Kith. Wag ka nang magsalita kasi nahihirapan ka na." Umiiyak kong sabi sa kanya.
"Raypaul. Naka-bullet proof ako."
Parang napahinto ako sa sinabi niya at tinignan ko ang likod niya. Tama nga siya naka-suot siya ng bullet proof na vest sa loob.
"Akala ko iiwan mo na ako eh." Umiiyak kong sabi.
Niyakap niya ako ng mahigpit at...
"Naisip ko na kasi na kung pipiliin mo ako ay baka patayin tayo ni Alexa kaya naghanda ako." Sabi niya.
Matalino nga talaga siya. Sobrang natakot ako. Akala ko mawawala na naman siya sa akin.
"Hindi kita iiwan. Pero dito ka lang muna kasi may importante akong gagawin." Seryoso niyang sabi.
"Huh? Ano naman yun?"
"Magtutuos kami nung demonya." Seryoso niyang sabi at nakakatakot ang mga mata niya.
Bigla siyang tumayo at hinablot niya ang susi ko.
"Uy Kith! Wait lang!" Sigaw ko.
Pumasok siya ng mabilis sa kotse ko at pinaandar niya kaagad ang makina.
"Kith ano ba? Anong gagawin mo?" Natataranta kong tanong habang tinatapik ang salamin ng kotse.
Binaba ni Kith ang salamin ng kotse kaya nakita ko ang mukha niya.
"Babalik ako. Oras na para maningil ako." Seryoso niyang sabi.
Parang ang sama ng tingin niya at lumalim ang boses niya. Napalunok na lang ako at bigla niyang pinaharurot ang kotse kaya naiwan na lang akong mag-isa dito sa tagpuan namin.
Alexa POV
Hahahhaha ang sarap pala sa pakiramadam! Akala ko si Raypaul ang mamamatay pero si Kith pala pero ok lang dahil kilala ko si Raypaul at siguradong magpapakamatay yun kapag nawala na si Kith.
Binilisan ko ang drive at nakarating kaagad ako dito sa bahay nilapag ko muna sa table ang dala kong baril.
Tumakbo ako papunta sa kwarto para kunin ang mga gamit dahil tatakas na ako papunta sa ibang bansa. Hinanda ko na ang lahat bago ang kasal dahil alam ko na posibleng mangyari ito.
Ano bang akala ni Raypaul?
Magpapakamatay ako para sa kanya?
Nakakatawa. Mahal ko siya pero hindi ako tanga para isugal ang buhay ko dahil lang sa kanya.
Naayos ko na ang lahat at nailagay ko na sa maleta ang mga gamit ko.
Umulan bigla ng malakas sa labas at ang lakas ng kulog at kidlat. Mukhang may bagyo ngayon.
May narinig akong malakas na putok ng baril. Alam ko na baril yun!
Sumilip ako sa bintana at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang guard namin na duguan.
Tumitindi ang kaba ko. Walang ibang tao sa bahay at wala akong nakikita kundi ang duguang guard at ang bukas na gate namin.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at tahimik akong pumunta sa table pero lalong tumindi ang takot ko ng makita ko na wala na doon ang baril na dala ko kanina.
Nininerbiyos na ako sa takot.
Ano bang nangyayari ngayon dito?
Pagtalikod ko ay bigla na lang may sumulpot na dalawang lalake na naka-itim sa harapan ko at may dala silang mga baril.
Natakot ako ng sobra at tatakbo sana ako sa gilid pero meron ding mga lalake doon na may dalang baril at karamihan sa kanila ay puro tattoo.
"Anong gagawin niyo?" Kinakabahan kong tanong.
"Baishunpu!" Sigaw niya.
Ano yun? Hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi nung lalakeng may tattoo.
Naiiyak na ako sa takot. Narinig ko ang pag-yabag ng mga paa pababa ng hagdan kaya napatingin ako doon.
May lalakeng nakasuot ng jacket na may hood at may dala siyang katana tapos bumaba siya sa hagdan. Unti-unti niyang tinanggal ang hood at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ni Kith.
"Bu.bu.hay ka? Paano?" Nauutal kong tanong sa kanya.
Lumapit siya sa akin. Nakakatakot at parang walang bakas ng sakit ang mga bala na binaril ko sa kanya kanina.
"How can you still stand?" Kinakabahan kong tanong.
"Hindi ako ang tao na kaya mong patayin alexa."
Ang lalim ng boses niya at ibang-iba siya ngayon. Dahil ngayon ko lang nakita siyang ganito.
"Anong gagawin mo?" Natatakot kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot at yung dating mukha niya na mala-anghel ay naging nakakatakot at kitang-kita ko na ibang tao na siya. Lumapit siya sa akin at napa-atras ako sa lamesa.
"Anong gagawin mo? Tulong!" Malakas kong sigaw.
Itinutok niya bigla ang hawak niyang katana sa leeg ko kaya napahinto ako sa pag-sigaw.
"If you dare to speak again. I'm going to cut your throat."
Nakakatakot siya. Napalunok na lang ako at nakatutok pa rin ang matulis na espada sa leeg ko kaya hindi ako makagalaw. Hawak niya ang baril ko sa kabilang kamay niya.
"I warned you before but you never listen to me."
Nakakatakot talaga siya! Mas nakakatakot pa siya kay Kagura dahil hindi ko inaasahang ganito siya.
"Please. Spare me." Naiiyak kong sabi sa kanya.
Bigla niyang hinampas ang baril sa ulo ko at unti-unti na lang akong nahilo dahil sa lakas nun.
"Isakay niyo siya sa kotse. Dalhin niyo siya sa special room ng casino."
Napapikit na lang ako at naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ng mga lalake.
---
Unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko pero wala akong maaninag dahil nahihilo ako. Naramdaman ko ang mahigpit na mga kadena sa mga kamay ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng tubig na binubos sa mukha ko.
"Good evening. Ms. Alexa Carter welcome to the darkest side of me." Nakangiting sabi ni Kith.
Nakakatakot ang ngiti niya. Parang ngiti na papatay ng tao.
"Please. Lalayo na ako pakawalan mo lang ako." Nagmamaka-awa kong sabi.
Naglakad siya palapit sa akin at pinapadaan niya ang sobrang talas na blade ng katana sa katawan ko dahilan para tumayo ang mga balahibo ko.
"Alam mo. Ok lang sana kung ako na lang ang binaril mo eh kasi expected ko yun pero si Ray ang tirada mo. Hindi kita papatawarin."
Nakakatakot talaga siya. Tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa kanya.
"Papatayin ka ng papa ko kapag may ginawa ka sa akin!" Matapang kong sigaw kahit kinakabahan ako.
Tumawa lang siya ng malakas at...
"Hahahhahah too late for that. Nauna na siya sa impyerno."
Tumulo na lang ang mga luha ko at hindi ko matanggap na pinatay niya din ang papa ko. Bigla niyang tinutok ang baril ko sa ulo ko.
"Walang hiya ka! Pati papa ko dinamay mo pa dito!" Umiiyak kong sigaw sa kanya.
"No. Di ko siya pinatay. Inatake lang siya sa puso."
Napaka-sama niyang tao.
"Say hello to him."
Napapikit na lang ako sa takot. Tama mamamatay na ako ngayon.
Narinig ko na ilang beses niya kinalabit ang baril pero walang putok o di kaya bala na lumabas.
"Oh. Your so cute Alexa. Natatakot ka talaga." Natatawa niyang sabi.
"Ano bang gagawin mo? Patayin mo na lang ako!" Umiiyak kong sigaw.
"I will not waste a bullet for you. Your life is not worthy for my sword either." Seryoso niyang sabi.
"Patayin mo na ako!" Sigaw ko.
Umiiyak na lang ako sa takot. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at nanlilisik ang mga mata niya.
"I will give you a punishment more than death. I want to see you suffer." Nakangiti niyang sabi.
Nanginig ang katawan ko sa takot.
"I'm so rich! I'm very powerful man! Ang you're just a cheap whore who ruined my life." Sigaw niya sa akin.
"Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko.
"Hahahhah really? Eh bakit nanginginig ka sa takot?"
"Ano ba kasing balak mo sakin? Patayin mo na lang ako." Umiiyak kong sabi.
"Sisirain ko ang katawan mo tapos sisirain ko ang pagka-babae mo at sisirain ko ang utak mo."
Nang-gigigil na siya. Bigla niyang sinalampak ang baril sa bibig ko. Halos masuka ako sa ginawa niya.
"Masarap ba sumubo alexa?"
Umiiyak na lang ako at diniin niya pa sa bibig ko ang baril. Unti-unti niyang tinanggal ito at hinampas niya sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagputok ng labi ko sa sobrang sakit.
"Akala ko mabait ka pero hindi pala! Your a devil! Demonyo ka! Demonyo ka talaga!" Malakas kong sigaw.
"Of course I am!" Seryoso niyang sabi.
"Whenever I'm with my friends. I put a damper on my anger because I don't want them to see my true color."
"Tama na please. Maawa ka." Umiiyak kong sabi.
"Hindi pa ako nag-uumpisa."
Napatitig na lang ako sa kanya at puro galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Sobrang nakakatakot siya.
Sumenyas siya sa isang lalake at lumapit naman ito kaagad sa kanya.
"Get some heroin and crack cocaine."
Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko sa narinig ko.
"No! Please wag! Alam ko ang epekto nun wag mong gawin please!" Sigaw ko habang nagpupumulit akong kumawala sa mga kadena.
Ngumiti lang siya sa akin at...
"Those drugs are for your main course. But now. I will give your appetizer."
Naglakad palayo si Kith at umupo siya sa isang upuan.
"Have fun with her. Manunuod lang ako dito."
Lumapit ang mga lalake sa akin at naghuhubad sila ng damit.
"Wait. Anong gagawin niyo? Wag! Wag niyong gagawin yan."
"Aaaaaaahahahhhhhhh!"
Third person POV
Makalipas ang isang linggo ay naging maayos na ang lahat at nagkita ang mga magkakaibigan sa cafe na dati nilang tambayan nung sila ang nasa college pa lang.
Malaki na ang pinag-bago ng bawat isa sa kanila at meron na silang kani-kaniyang buhay pero hindi pa rin nagbago ang samahan nila.
"Kith! Masaya ako na nakikita kita ngayong nakangiti." Masayang sabi ni Rogue kay Kith.
"Alam mo naman na si Raypaul ko lang ang magpapasaya sa akin eh." Nakangiting sabi ni Kith habang kumakain ng cake.
Biglang inakbayan ni Raypaul si Kith at hinalikan ng mariin sa pisngi.
"Ikaw lang din ang nagpapangiti sa akin lalabs ko." Nakangiting sabi ni Raypaul na ikinapula ng mukha ni Kith.
"Hoy! Wag nga kayong PDA nasa cafe tayo eh!" Biglang sabat ni James.
"Sus manahmik ka nga! Inggit ka lang sa amin ni Kith eh hahah." Tumatawang sabi ni Raypaul.
"Raypaul? Bumalik na ba ang memories mo?" Nagtatakang tanong ni Dennis.
"Hindi. Pero ang alam ko lang ngayon mahal ko si Kith." Nakangiting sabi ni Raypaul.
Ngumiti din si Kith at namumula na ang mga pisngi niya.
"Kith hanggang ngayon namumula ka pa din sa mga banat ni Raypaul?" Natatawang tanong ni James.
"Bakit ba? Eh si Raypaul lang naman ang nakakagawa nito sakin eh." Sabi ni Kith na parang bata.
"Hoy ikaw Raypaul ah! Umayos ka at kapag sinaktan mo ulit yan si Kith yari ka talaga sakin." Seryosong sabi ni Rogue.
"Di ko na gagawin yun." Nakangiting sabi ni Raypaul.
"Rogue. Malay mo malapit mo na mahanap ang para sayo. O malay mo katabi mo na pala." Natatawang sabi ni Kith.
Napatingin si Rogue sa katabi niya na si James at naisip niya na babaero ito tapos sa kabila naman ay si Peter. Namula bigla si Rogue nung napasulyap siya kay Peter.
"Aaaaayyyyyiiiieeee!" Sabay na sabi ng mga magkaka-ibigan.
Yumuko lang si Rogue at ganun din si Peter kaya parang may kakaiba talaga sa kanilang dalawa.
"Bagay kayo. Ang gwapo mo kasi Rogue mukha kang korean superstar kahit hapon ka tapos si Peter naman model na ng casino ni Kith." Nakangiting sabi ni Kagura.
"Hala! Namumula sila hahahah." Natatawang sabi ni Vincent.
Nagtawanan na naman silang lahat at hindi umiimik si Rogue at Peter sa mga upuan nila.
"Tama na nga yan! Ibang topic na nga lang ang pag-usapan!" Biglang sabi ni James na parang galit.
Natahimik silang lahat sa sinabi ni James at si Dennis naman ay sinisipat ang ugali ni James. Nagtataka si Dennis kung bakit nainis bigla si James sa pang-aasar nilang lahat kay Rogue at Peter.
"Ehem! Siya nga pala. Nabalitaan niyo ba yung nangyari kay Alexa?" Seryosong tanong ni Vincent.
Parang naging seryoso silang lahat sa tanong ni Vincent.
"Oo. Pero hindi ko nga alam kung ano nagyari sa babaeng yun eh." Sabi naman ni Dennis.
"Bakit? Ano ba nangyari kay Alexa?" Seryosong tanong ni James.
"Nabaliw daw siya tapos napag-alaman na nag-drugs pala siya kaya nasa rehab siya ngayon. Tapos sigaw siya ng sigaw na may papatay daw sa kanyang demonyo." Seryosong sabi ni Vincent.
"Siguro karma niya na yun!" Naiinis na sabi ni Raypaul.
Biglang napatitig si Kagura kay Kith at umiwas naman ng tingin si Kith sa kanya. Bigla na lang nagsalita si Kagura.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Seryosong tanong ni Kagura kay Kith.
Napatitig din silang lahat kay Kith pero naging seryoso lang ang mukha ni Kith.
"Hindi niyo gugustuhing malaman." Seryosong sabi ni Kith.
Nabalot sila ng pagtataka sa naging sagot ni Kith.
"Gumanti ka sa kanya?" Seryosong tanong ni Raypaul kay Kith.
"Kasi. Kasi tinangka ka niyang patayin. Ok lang sana kung ako eh. Hindi ko kayang manahimik sa pagtangka niya sa buhay mo." Seryosong sabi ni Kith kay Raypaul.
"I see. Naiintindihan kita at sobra na din ang ginawa ni Alexa sa atin." Nakangiting sabi ni Raypaul.
"You have a dark side inside you." Nakangiting sabi ni Dennis kay Kith.
Ngumiti lang din si Kith kay Dennis at parang sila lang ang nagkaka-intindihan kaya nagtataka ang magkakaibigan sa kanila.
"Ehem! Wait lang guys. May sasabihin akong importante." Kinakabahan na sabi ni Vincent.
Napatitig ang lahat kay Vincent at parang hindi mapakali si Vincent sa sasabihin niya.
"Ano yun? Sabihin mo na." Naiinip na sabi ni James.
"Uuhhhmmm kasi. Wag sana kayong mabibigla ah." Kinakabahan na sabi ni Vincent.
"Gosh! May gusto ka kay Alexa!" Biglang sigaw ni Peter.
"Tanga hindi! Imposible yun." Natatawang sabi ni Vincent.
"Binibiro lang kita. Ano ba ang importante na yan at kinakabahan ka talaga?" Natatawang sabi ni Peter.
"Kasi guys." Di matapos na sabi ni Vincent.
Nakatitig lang ang lahat sa kanya at huminga ng malalim si Vincent. Hinawakan niya ang kamay ni Kagura at bigla na lang.
"Ikakasal na kami." Nakangiting sabi ni Vincent.
Napa-nganga silang lahat at halatang gulat na gulat sila sa nabalitaan nilang lahat kay Kagura at Vincent. Nakayuko lang si Kagura at Vincent.
"Walang hiya ka Kagura! Punyemas ka akala ko ba magkapatid ang turingan natin ni Rogue? Bakit hindi mo sinabi sa amin? Hindi nga namin alam na may relasyon pala kayo niyan ni Vincent eh!" Mabilis na sabi ni Kith na halatang nabigla.
"Sorry. Ayokong sabihin sa inyo ni Rogue kasi nga ang drama niyo nitong mga nakaraang buwan pero alam naman ito ni papa. Payag siya." Nakangiting sabi ni Kagura.
"Kaya pala di ka nagpapakita sa amin ni Kith. Eh bakit di ka pumupunta sa condo ni Kith?" Tanong naman ni Rogue kay Kagura.
"Kasi. Kasi buntis ako baka makasama sa baby."
Lalong napa-nganga ang lahat sa sinabi ni Kagura at natahimik na lang sila bigla.
"Ang lufet niyo ni Vincent! Ni minsan hindi kami naka-halata." Natatawang sabi ni James.
"Ako din buntis na eh." Natatawang sabi ni Kith.
Natawa din silang lahat sa sinabi ni Kith at hindi sila tumitigil.
"Grabe lalabs! Wala pa nga nangyayari sa atin buntis ka na agad? Sino ang ama niyan? Umamin ka!" Natatawang sabi ni Raypaul.
"Eto naman! Joke lang yun!" Natatawang sabi ni Kith.
"Ano? Sino pa ba ang may dapat aminin dito?" Sabi naman ni Dennis.
"Huy James! Umamin ka na kasi!" Biglang sabi ni Raypaul.
Umiwas ng tingin si James sa kanila.
"Luh! May tinatago siya." Natatawang sabi ni Vincent.
Hindi na umiimik si James at parang may tinatago talaga siya.
"Guys. Halika na alis na tayo dito." Nakangiting sabi ni Raypaul.
"Raypaul ko. Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Kith.
"Secret. Hahahaahah." Sabay sabay na sabi nilang lahat.
Nagtataka lang si Kith at mukhang wala talaga siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Umalis na sila ng cafe at sumakay sila sa mga kotse nila. Pumunta sila sa isang tahimik na lugar.
Bumaba sila sa isang malawak na burol na puro bermuda. Malamig at malakas ang simoy ng hangin at papalubog na din ang araw.
"Aaaaayyiiieee! Mukhang kikiligin ako ng sobra dito ah." Nakangiting sabi ni Peter.
"Di mo moment to. So shut up na ka na lang." Sabi ni Raypaul.
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Raypaul pero nagtataka pa rin si Kith sa nangyayari.
"Raypaul bakit nandito tayo?" Nagtatakang tanong ni Kith.
Hindi sumagot si Raypaul at naging seryoso lang ang mukha niya. Samantala naman ay tahimik lang ang mga kaibigan nila.
Bigla na lang may tumugtog na violin at lumabas ang mga musikero. Nagtataka si Kith sa mga nangyayari at napatitig siya kay Raypaul. Nakita niya na parang naiiyak si Raypaul.
"Kith. Una sa lahat gusto ko lang na humingi ng tawad sayo sa lahat ng pagkakamali, pagkukulang at mga pananakit ko sayo na hindi ko sinasadya." Naluluhang sabi ni Raypaul.
"Ray. Your all worthy. Kahit gaano kahirap titiisin ko para sayo, kahit gaano kasakit dadalhin ko para sa iyo. Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil mahal kita." Seryosong sabi ni Kith.
"Kith. Salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin. Ang tanga ko na hindi ko kaagad nakita kung gaano mo ako kamahal." Naiiyak na sabi ni Raypaul kay Kith.
"Wala kang dapat ipagpasalamat. Kahit maulit ulit ito ay gagawin ko makita ko lang ang mga ngiti mo." Naiiyak na sagot ni Kith.
Kinuha ni Raypaul ang kamay ni Kith at inilagay niya ito sa puso niya.
"Ngayon alam ko na. Kahit ilang beses pa akong magka-amnesia ay hindi ka makakalimutan ng puso ko dahil ikaw lang ang tinitibok nito. Hindi ko man maalala ang lahat ay gagawa tayo ng panibagong memories yung mas masaya yung. Yung hindi na tayo malulungkot." Sabi ni Raypaul at pumatak na ang mga luha niya.
"Raypaul naman eh. Naiiyak na ako sayo eh. Pero kahit ilang balde pa ng luha ay ibubuhos ko para sayo. Baliw na ako sayo. Mahal na mahal kita." Sabi ni Kith at pumatak na ang mga luha niya.
"I don't care if you have a dark side because I will love you forever. Yung buong-buo na ikaw. Lahat naman tayo may kamalian pero sa akin ay perpekto ka. Hindi ko inaasahan na maiinlove pala ako sa isang lalake. Pero ikaw yung lalakeng wagas magmahal. Wala akong pakealam kung hindi tayo magka-anak dahil ikaw palang ay sobra-sobra na para sa isang kagaya ko." Umiiyak na sabi ni Raypaul kay Kith.
"Raypaul ko. I don't care about your pervert actions, about your childish behavior and your naughty attitude. Because I will always love you in all your forms, in all your sins, in all our smiles and tears. The word happiness would loose it's meaning if it is not balanced by sadness." Umiiyak na sabi ni Kith kay Raypaul.
Hindi na rin mapigilan ng mga kaibigan nila ang maluha dahil sa emosyon ng dalawa at lalo pang nakaka-dagdag ang musika.
"Kith lalabs ko. Ikaw ang nagparamdam sa akin ng totoong kasiyahan. Ikaw ang anghel sa buhay ko at hindi mo ako iniwan kahit kelan kaya simula ngayon ay hinding-hindi na kita iiwan dahil gusto ko na maging akin ka lang at ako ay pagmamay-ari mo lang."
Lumuhod ang kanang tuhod ni Raypaul kahit na umiiyak siya at kinuha niya ang isang maliit na kahon na kulay pula sa bulsa niya. Binuksan niya ito at unti-unting iniharap niya kay Kith.
"Kith simula ngayon hindi na kita sasaktan dahil magsasama na tayong dalawa at simula ngayon ay ako naman ang magpapasaya sayo. WILL YOU MARRY ME?" Sabi ni Raypaul sa basag na boses.
Napatakip na lang ng mukha si Kith at humahagulgol na siya sa kaka-iyak dahil hindi siya maka-paniwala sa lahat ng nangyayari.
"Ray. Raypaul ko." Nahihirapang sabi ni Kith sa sobrang iyak.
"Please Kith. Sumagot ka na dahil simula ngayon ay ako na ang magsasakripisyo para sayo dahil mahal na mahal kita at ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay." Humahagulgol na sabi ni Raypaul.
"Oo. Syem.pre payag ako." Nahihirapang sagot ni Kith sa kakaiyak.
Tumayo si Raypaul at nangingnig ang mga kamay nilang dalawa ng unti-unti niyang nilagay ang singsing sa daliri ni Kith.
Nagyakapan lang nang mahigpit ang dalawa at hindi sila tumitigil sa kakaiyak dahil sa sobrang saya. Sila ang nagpatunay ng totoong ibig sabihin ng pagmamahal. Yung wala kang kinikilalang kasarian at yung isasakripisyo mo ang kaligayahan mo para lang sa taong mahal mo.
Hinarap ni Kith ang mukha niya kay Raypaul at hinawakan niya ito sa mga pisngi.
"Raypaul ko. Maraming salamat at hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo. Ikaw ang lumitaw na bahag-hari pero nung nawala yun ay muli din palang lilitaw ang araw na magbibigay ng liwanag sa buhay ko." Umiiyak na sabi ni Kith kay Raypaul.
"Kith lalabs ko. Hindi ako matatakot na humarap sa kahit na anong bagyo dahil alam ko na nandiyan ka lang at hinding-hindi mo ako iiwan kahit kelan dahil mamamatay tayong magkasama. Till death do us part."
"Sige. Aagawin ko ang kalawit ni kamatayan kapag kinuha ka niya sa akin dahil hindi ako papayag. Mahal na mahal kita Raypaul at hinding-hindi ako magsasawa na sabihin yun ng paulit-ulit sa iyo dahil yun ang sinisigaw ng puso ko." Umiiyak na sabi ni Kith.
"Kith. Alam ko na hindi mali ang magmahal sa kapwa lalake at alam ko na may basbas tayo ng Maykapal dahil alam ko na kitang-kita niya kung gaano natin kamahal ang isa't-isa at wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka."
Pinunasan ni Raypaul ang mga luha ni Kith gamit ang kaniyang mga daliri at itinuro niya bigla ang dagat.
"Kith. Nakikita mo ba yung yatch na yun?" Tanong ni Raypaul.
Tumango lang si Kith at...
"Eto ang susi. Regalo ko yan sayo eh." Nakangiting sabi ni Raypaul.
"Grabe! Mahal yun ah!"
"Ok lang. Mahal kita eh." Nakangiting sabi ni Raypaul.
"Uuuhhmmmm. Nakikita mo ba ang mga isla na yun?" Tanong naman ni Kith kay Raypaul.
"Oo bakit?"
"I already bought this whole archipelago for our future."
Napanganga bigla si Raypaul.
"Se.seryoso ka?" Tanong niya.
"Oo naman. Dito natin itatayo ang mansion nating dalawa." Nakangiting sabi ni Kith.
Nagyakapan silang dalawa at naglapit ang labi nila sa isa't-isa. Kitang-kita ang nag-aalab na pagmamahal nilang dalawa sa bawat isa na walang makakapantay higit kanino man.
"I love you Kith. You light my fire."
"I love you more Raypaul Velasco. You set our hearts on fire."
The End
Author's Note
Hi everyone! Thank you po ulit sa lahat ng nagbasa at sumuporta. Sana po ay nagustuhan ninyo. I love you all and God bless us all.
COMMENTS