$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Akala ko Sur (Part 3)

By: Karl ng ZamboSur “Walang mali sa pagpapatawad. Nagpatawad ka hindi dahil mali ka o mali siya, nagpatawad ka kasi ang sakit-sakit na at a...

By: Karl ng ZamboSur

“Walang mali sa pagpapatawad. Nagpatawad ka hindi dahil mali ka o mali siya, nagpatawad ka kasi ang sakit-sakit na at ayaw mo ng mas masasaktan ka pa.”

    Humingi siya ng tawad sa akin. Noong una, hindi ko siya kinikibo. Ako naman ngayon ang best in deadma. Ngunit, sa bawat pangdedeadma ko kay Mike, nasasaktan rin ako. Mahal ko siya, minahal ko siya, pero ang sakit-sakit na. Ayokong lokohin ang sarili ko. Kahit mahal ko pa siya ngunit marami kaming naghahati sa oras niya, parang napaka-unfair naman yata yun sa akin, sa amin. Ako ang magpaparaya. Ako na lang, siguro mas liligaya siya kung sa iba siya kahit sabihin pa niyang ako ang mahal niya.

NOW PLAYING: WHERE DO BROKEN HEARTS GO

I know it’s been some time
But there’s something on my mind
You see, I haven’t been the same
Since that cold November day…

We said we needed space
But all we found was an empty place
And the only thing I learned
Is that I need you desperately…

So here I am
And can you please tell me… oh

Where do broken hearts go
Can they find their way home
Back to the open arms
Of a love that’s waiting there
And if somebody loves you
Won’t they always love you
I look in your eyes
AND I KNOW THAT YOU STILL CARE, FOR ME.

AND I KNOW THAT YOU STILL CARE, FOR ME.
AND I KNOW THAT YOU STILL CARE, FOR ME.
AND I KNOW THAT YOU STILL CARE, FOR ME.
Paulit-ulit, paulit-ulit yan sa utak ko. Alam kong mayroon naman siyang feelings sa akin ngunit ang sakit-sakit na kasi. Alam kong gusto ko pa kasi siya lang naman yung nagbigay ng ganitong klaseng importansya sa akin, ngunit di ko rin maikakailang siya rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

AKO: Ano ba talaga ako sa’yo? Sino ba ako sa iyong buhay?

Tinanong ko siya. Hindi ko napigilan ang lumuha nang tinanong ko siya. Mas lalo akong umiyak nang wala akong narinig na sagot sa kanya. Patuloy ako sa pag-iyak. Medyo matagal na ring pumapatak ang aking mga luha nang may naramdaman akong tapik sa aking balikat. Lumingon ako, pinahid niya ang mga luha ko sa aking pisngi. Lumuluha rin pala siya. Hinagkan niya ako, oo, hinagkan niya ako ng sobrang higpit habang paulit-ulit siyang humihingi ng sorry.

SIYA: Patawarin mo ako. Alam kong nasaktan kita at nagkamali ako. Kaya ako humihingi ng tawad sa’yo. Sana mapatawad mo pa ako. Hiniwalayan ko na siya dahil mas importante ka sa akin at mas mahal kita.
AKO: Tinanong mo ako noon kung bakit ayaw ko ng relasyon. Sinabi ko sa’yong ayoko dahil takot akong masaktan ngunit nagpromise ka sa akin na mamahalin mo ako at hindi mo ako sasaktan basta’t magtitiwala lang ako sa’yo. Ngayon, ano ‘to? Bakit sobrang sakit? Ikaw pa talaga na minahal ko, ikaw pa talaga na……..

Hindi na niya ako pinatapos magsalita dahil mas hinigpitan pa niya ang kanyang yakap. Paulit-ulit na naman siyang humihingi ng tawad.

AKO: Hayaan mo muna ako. Bigyan mo muna ako ng sapat na panahon para makapag-isip. Hanggat hindi pa okay ang lahat, hayaan mo muna ako.

Doon natapos ang aming usapan. Ngunit hindi roon natapos ang sakit dahil sa bawat salitang aking binibitawan at salitang aking naririnig sa kanya ay katumbas ng sakit na ‘di ko kailanman inasahan. Siguro, nagmahal lang kasi ako. Kung iisipin, dapat hindi ko ibinigay ang lahat-lahat para hindi ganito kasakit. Kaso perstaym eh, pumasok ako sa relasyong ito, dapat alam ko ang dapat gagawin. Pero sa ngayon, it’s like I’m facing a blank corner with an empty sheet of paper and I do not know what to do. Haist, pag-ibig!

Naglalakad ako pauwi habang tulala ang aking isipan. Yun bang naglalakad at nakatingin nang di mo alam kung saan ka talaga nakatingin. Malungkot ako sa nangyari sa amin. Hindi ko namalayan na kasunod lang pala si Jon, oo, si Jon. Kanina pa pala siya nakasunod sa akin habang pauwi rin siya. Mas binilisan niya ang kanyang paglalakad hanggang sa maabutan na niya ako.

Wala akong narinig sa kanya. Alam kong siya yun sa tabi ko. Hindi ko rin kayang simulan ang pakikipag-usap dahil nandoon sa isa ang aking isipan. Lutang! Walang ibang maisip! Masakit! Nasasaktan ako! Hanggang sa sinimulan na niyang magsalita.

JON: Uy Karl, bakit parang tulala ka yata?
AKO: Wala, wala naman.
JON: Eh kanina pa kaya kita pinagmamasdan. Sabihin mo na. Eh ano pa’t naging magkaibigan tayo tapos di mo sasabihin sa akin.

Wait lang. Nag-ibang muli ang aking pakiramdam. Sandali lang ha, tama ba yung narinig kong “naging magkaibigan tayo”? Juskopo, baka nakalimutan niyang siya ang unang dahilan kung bakit ko naramdaman ang unang sakit ng pagkabigo. Baka nagkaroon siya ang amnesia at ngayon ay kinakausap na niya ako. Ni sa haba ng panahon na hindi niya ako kinibo, ano to? Joke lang? Biglang susulpot? Mas ninais kong ipagpatuloy ang aming pag-uusap kahit nalilito ang aking isipan sa mga pangyayari. Yung taong akala ko ay tatanggapin ako na nang-iwan bigla ay biglang susulpot at makikipag-usap? Tama ba yun? Naisip ba niyang sobra akong nasaktan dahil sa kanya? Hainaku *insert Onyok’s way of saying it.

AKO: Jon, naging magkaibigan, oo. Pero anong ginawa mo? Bakit ganun-ganon lang at bigla kang nang-iwan?
JON: Eh diba yun naman ang gusto mo? Sinunod ko lang naman yung gusto mo.
AKO: Teka lang ha, gulong-gulo na ang isipan ko at lalo pang mas gumugulo. Wala yata akong sinabing iwan mo ako.
JON: Ah, kalimutan mo na yun. Wala na yun sa akin.

Mas lalong gumulo talaga ang aking normal na pag-iisip sa tinuran niya. Sa pagkakaalam ko, wala akong sinabi sa kanya na iwasan na niya ako. Juicecolored, ako pa ba? Ako pa na minahal siya dati, noong mga panahong masaya ako pag kapiling ko siya? (Kinikilig ako kahit pa nakaraan na iyon.) Ngunit gusto kong malaman kung bakit niya iyon ginawa.

JON: Tara, hatid na kita sa inyo. Gabi na rin kasi baka kung mapaano ka pa. Eh napaka-weak mo pa naman. (Sabay tawa)
AKO: Loko ka rin no? Eh ikaw nga yung unang tumatakbo dati pag nakakarinig ka ng tahol ng aso. (Ginantihan ko siya ng tawa)
JON: Luh, walang ganyanan! Biro lang naman yung sa akin. Huwag mo naming totohanin.

Tumakbo ako kahit di talaga yung mabilis na takbo. Hinabol niya ako kagaya nung dati kapag kami ay nagbibiruan sa daan. Pilit niyang hinihila ang aking damit sa likod. Dahil nga hindi naman mabilis ang aking pagtakbo, naabutan niya ako. Tawa lang kami ng tawa. Umiilag ako, pero di niya ako binitawan. Tawa pa rin kami ng tawa. Nakalimutan ko bigla yung naramdaman kong sakit na nangyari dahil sa kulitan namin ni Jon. Namiss ko nga talaga siya. Ngunit, iba na eh, hindi na yung dating kami. (Walang KAMI!!!). Pero sa gabing iyon, sobrang saya ko, para bang bumalik yung kung paano kami dati. Yun yung sayang namiss ko, feeling na kaytagal kong namiss sa kanya.

Nakarating na kami sa aming bahay. Gusto ko pa sana siyang papasukin sa loob kaso uuwi na rin daw siya kasi gabi na.

AKO: Uy, Jon, salamat ha.
J: Wala yun. Sige, alis na ako.
AKO: Sige, salamat talaga. Namiss pala kita! (Sabay takbo paloob)

Habang isinasara ko ang pinto, sumigaw siya. Isang sigaw na nagbigay ng konting linaw sa nangyari sa amin at mas nagpatibay ng aking magagawang desisyon.

JON: Yung tinanong mo pala kanina, NAGPARAYA LANG AKO!

Tumakbo na siya pauwi. Di na rin siya lumingon sa akin. Gusto ko pa sana siyang kausapin. Alam kong ang pagtakbo niya at hindi muling paglingon sa akin ay maaaring maging hudyat sa naputol na isang simula o pagtanggap sa isang simulang hindi na yata madudugtungan pa.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Akala ko Sur (Part 3)
Akala ko Sur (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjQQdEmxkS7vYuEaM4Xe47BzDQ4CpE09fkbXaMRJNFF6AQMUS3DRmXpwjgY-T_0yotOfpk7WELgLUvwNrkOz8mfjdHrPXyRiMEfKdsqWBd2zW2lgxu4f_ulkdspjcR4HQ6NMZ0TZXCpRcMo/s400/15538725_392134124462115_4888631033001410560_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjQQdEmxkS7vYuEaM4Xe47BzDQ4CpE09fkbXaMRJNFF6AQMUS3DRmXpwjgY-T_0yotOfpk7WELgLUvwNrkOz8mfjdHrPXyRiMEfKdsqWBd2zW2lgxu4f_ulkdspjcR4HQ6NMZ0TZXCpRcMo/s72-c/15538725_392134124462115_4888631033001410560_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/01/akala-ko-sur-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/01/akala-ko-sur-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content