$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 18)

By: Bobbylove “Gabi ng lambing” Love is… when you’re happiness comes first… People are insatiable and pleasure seeking by nature… am...

By: Bobbylove

“Gabi ng lambing”

Love is… when you’re happiness comes first…

People are insatiable and pleasure seeking by nature… aminin natin, kahit na paulit-ulit nating sabihin na sapat na ang mayroon tayo; we still aim for more… for something better than what we have… for something that the society imposed.

Wala namang masama doon eh… as long as pinaghihirapan mo at wala ka’ng inaapakang tao. Kaya nga tayo nagtatrabaho diba? Para magkaroon ng maginhawang buhay and to provide a desirable life para sa pamilya natin.

Para sa taong tunay na umiibig.., laging mauuna ang kaligayahan ng mahal niya. Lagi niyang kayang isang tabi ang sariling kaligayahan para mabigyang ngiti ang taong tinitibok ng kanyang puso. Sabi nga nila, love is selfless… laging kaya mo’ng magpakatanga; kainin ang sarili mo’ng pride at isaalang-alang ang makapagpapasaya sa iyo; dahil para sa taong in love… ang makitang masaya ang taong mahal niya’y isang tunay na kaligayahan… isang kayamanan na hindi kailan man matutumbasan ng kahit anong mamahalaling bato o limpak-limpak na salapi.

Ika nga sa kanta… ‘kaligayahan mo’y… kaligayahan ko rin… makitang ka’ng lumigaya’y sapat na aking giliw…’ )

*************************

Ang hirap pala kalabanin ng selos; lalo kung wala ka namang karapatang maramdaman iyon at hindi mo naman kayang ipagsigawan at ipabatid sa iba ang bigat na iyong dinadala. Naisip ko, kahit gaano mo pigilan.., lalabas at labas ng kusa yung selos sa kahit anong paraan… at wala iyong naidudulot na maganda. Maaari ka lang mapakapanakit ng kapwa, hindi lang iyong taong pinagseselosan mo kundi pati na rin iyong dahilan ng iyong pagseselos; minsan, maaari ka pang makapangdamay ng inosente... tsk!

Nagawang makapasok ng team namin sa finals sobrang saya ko dahil nag bunga na ang lahat ng aming mga pinaghirapan, pero sa likod ng saya’y nalulungkot din ako dahil sa mukhang hindi na matutuloy ang date namin ni kumag dahil sa kaartehan ko at dahil sa aking pagseselos. Hopeless na ako noon at naiisip ko na baka si Nicole na lang ang inaya niyang makipagdate.

Paalis na kami ng mga teammates ko noong malaman ko’ng ipinagpaalam pala ako ni Richard sa Adviser at sa mga ka grupo ko. Natuwa ako dahil nalaman ko’ng pursigido siyang ituloy ang date.

Mag aalas sais ng dalhin ako ni Richard sa bahay nila kung saan naghanda siya ng isang surprise date. Para akong nasa loob ng isang Disney Movie kung saan ang lahat ng bagay ay sobrang magical. Gayon pa man, hindi naging sobrang ganda ng simula namin, ang dami ko kasing hesitations… ang daming gumugulo sa isip ko… ang dami kong tanong…

“Bob.., kahit ngayon lang please… wala sana muna’ng pero… maging masaya lang tayo…” hiling ni Richard.

*******************

Natahimik lang ako matapos marinig ang pakiusap ni kumag. Gusto ko naman talaga lahat ng nangyayari eh… masaya naman ako.., sobrang saya ko… pero nahihirapan lang akong intindihin kung ano ang totoo sa pinapakita niya at kung ano ang hindi.., napakaimposible naman kasing paniwalaan lahat ng ginagawa niya at sinasabi. (Kahit kayo nga siguro ayaw ding maniwala sa kwento ko… hindi naman kasi talaga usual; nagkataon lang na ako yung tinamaan ng lintik!)

Lahat ng pinapakita ni Kumag noon? Lahat yun hiniling ko… hiniling ko na pahalagahan niya ako, na maramdaman ko’ng gusto niya ako… pero noong dumating na, ewan ko ba kung bakit nag hehesitate na naman ako… (Alam ko iniisip niyong ang tanga ko at ang arte ko, pero sa lahat ng mga nangyari sa amin dati? Hindi niyo naman siguro ako masisisi kung magdududa ako. Diba?) Masyado kasing mabilis ang lahat ng mga pangyayari eh.., hindi ako ready… ang dami pang tanong na gumugulo sa akin…

“Bob? Okay ka lang?” pagbasag niya sa katahimikan ko.

“Oo… pasensya ka na ha…” malumanay ko’ng tugon. Na gi-guilty na naman ako, pinaghirapan niya ang lahat ng nasa harapan ko… batid ko rin yung intensyon niyang maging espesyal sa akin ang gabing iyon pero, masyado akong nabigla sa lahat ng pangyayari… lalo na sa mga pahapyaw na banat ni kumag, na sobrang hirap paniwalaan. Ang ironic kasi eh… matapos niyang sabihing bakla ‘lang’ ako, naroroon kami, at sasabihin niya kung gaano ako kahalaga sa kanya na para bang ako lang ang kokompleto sa buhay niya.

“Bob… nag-iisip ka na naman… hindi ka ba masaya?”

“Masaya ako. Sobrang saya ko. pero…”

“Nagdududa ka? Nagdududa ka na seryoso ako?”

Natahimik lang ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya.

“Bob! Lahat ng sinasabi ko totoo.” Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

“Pero…”

“Ayan na naman tayo sa pero na iyan eh...” buntong hininga. “Bob… let me do my thing first. Kalimutan mo muna ang lahat ng inhibitions and doubts mo, kahit ngayong gabi lang. Hayaan mo ako gawin ang lahat ng gusto ko’ng gawin, pagkatapos… ikaw na yung bahala kung maniniwala ka o hindi…”

Muli natahimik lang ako.

Inabot niya uli ang cupcake sa plato ko, saka marahang inilapit iyon sa bibig ko. “Kakagat na yan…” nakangising banat ni kumag.

Unti-unti ko naman kinagatan ang cupcake. Actually yung frosting lang, nahihirapan kasi akong kumagat sa cake mismo dahil sa placement ng cake na hawak niya, isa pa… masyadong makapal ang pagkakalagay ng icing.

“Ayon! Tinikman na niya…” masaya niyang sigaw. “Masarap ba?”

Ngumiti lang ako saka tumango.

Maya-maya’y kinagatan rin niya ang cupcake na isinubo sa akin, dun siya mismo kumagat sa parte na tinikman ko.

“Hoy! May laway ko na yan!” medyo gulat ko’ng naibulalas.

“Talaga ba? Kaya pala mas masarap!” ngumiti yung damuho saka kumagat uli.

“Kadiri ka…” napangiti na rin ako sa reaksyon niya.

“Anong kadiri doon? Nagkiss na nga tayo eh…” ngumisi siya.

“Hoy! Yung bunganga mo ha! Uupakan kita!”

“Easy ka lang…” tumawa siya. “Ganyan.., yan yung Bob ko…”

“Sira ulo ka! Tumigil ka nga!”

“Oo na Boss! Hindi naman ako papalag sa iyo eh. Takot ako eh…” malambing niyang tugon.

Touch ako siyempre.

“Itong pasta tikman mo. Si Mommy ang nag luto nito, favorite ni Jubie at Ron. Hindi ka pwedeng umayaw dahil umuwi ang Mommy ng maaga para dito.” Inabot niya ang lalagyan ng pasta, pero noong iangat na niya’y bigla… Kwaaaaarrkkkk!!!! Napunit ang polo’ng suot niya sa may bandang kili-kili… (hindi naman siya wasak na wasak, nakarinig lang kami actually ng tunog ng napunit pero hindi naman nahiwalay yung manggas sa polo, hindi ko rin nga nakitang nabutas o napilas yung polo eh, siguro natastas lang yung ibang stiches, pero high quality kaya hindi nahati. Saka yung right part lang yun.)

Saglit kaming natahimik… nagpakiramdaman… maya-maya’y sabay din kaming tumawa…

Hindi ko na napigilan ang sariling ko’ng matuwa sa nangyari, sobrang cute naman kasi niya’ng pagmasdan. Itinago ko na ang mukha ko sa mga palad ko dahil sa hindi ko pa rin mapigilan ang aking tawa.

Noong mahimasmasan ako’y saka ko muling ibinalik ang tingin kay kumag. Nakatanga lang siya sa akin, habang nakangiti. Masuyo niyang pinagmamasdan ang natutuwa ko’ng itsura.

“Sorry…” paumanhin ko dahil sa pinagtawanan ko siya.

“Yun lang naman pala ang kailangan ko’ng gawin para mapatawa ka. Gusto mo ba punitin ko na ng tuluyan?”

“Hindi… ayos na…” tumawa ako uli.

“Ang cute mo…” ngumiti siya.

“I know!” mayabang eh… (LOL) “Hindi mo naman kailangang isuot yan eh…”

“Sabi mo, gwapo ako dito eh…” nag pout siya.

“Mukha ka kayang tetra pack!”

Tawanan…

“Ayos lang… napatawa naman kita…” nag smirk siya.

“Sorry talaga ha…” (Guilty mode again)

“Ayos nga lang!” tinitigan niya uli ako… ngiting-ngiti lang siya habang ang mga matay mukhang nagpapakalasing sa imahe ko.

“Oh?”

“Ang cute mo talaga.” Nakangiti niyang sabi.

“Mas cute ka!”

“Talaga?! Cute ako?” medyo nabigla siya.

Tumango lang ako.

“Cute talaga ako sa paningin mo?” pagka-clarify niya.

“Oo nga! Mukha ka nga kasing pambalot ng juice drink!”

“Ganoon ba? Samahan mo uli ako bukas ha?”

“Saan?”

“Bibili ako ng maraming ganito!” tinuro niya ang suot niyang polo. “Try ko kaya ang extra small?”

“Loko ka…” natatawa ko’ng tugon.

Tawanan.

Kinuha niya uli ang lalagyan ng pasta at binalak na lagyan ang plato ko, ngunit agad ko uli siyang pinigilan. “Ako na lang chard!”

“Ako na!”

“Mapupunit na naman ang damit mo eh…”

“Okay lang… para mapatawa uli kita!”

“Hubarin mo nalang muna iyan…”

“Ha?”

“Hubarin mo na.” pag pupumilit ko.

“Hala siya oh…” nag flash siya ng isang nakakalokong ngiti.

“Hoy! Abnormal ka, mali yang iniisip mo ha! Concern lang ako sa iyo… nahihirapan ka eh…”

“Concern daw? Gusto mo lang makita ang katawan ko eh…” panunudyo niya.

“Hahaha… Ayos ka din noh? Yung ibang mayayabang ulo yung puno ng hanggin, ikaw mukhang yung katawan!”

Tawanan.

“Biro lang… alam ko namang hindi ako kasing hunk nung JUDE ‘MO’!” inemphasize niya yung salitang ‘MO’. Alam ko’ng nagbibiro lang siya, dahil siya ay nakangiti.

“Kahit ano pa yung katawan mo. hunk ka sa paningin ko…” sa isip ko.

Mabilis niyang sinunod ang sinabi ko. Dahan-dahan niyang hinubad ang suot na polo sa harap ko. Hinubad niya iyon in a very artistic way… (Artistic daw oh… LOL) alam niyo yung mukhang macho dancer na nangaakit? Ganoon! Natira nalang ang puti niya’ng sando.

“Kadiri ka!” hirit ko. Pero ang totoo ay sobra akong kinikilig nun.

“Pwede na ba akong ulam?” nagbibiro niyang hirit.

“Kadiri ka! Magbihis ka nga doon. Bilis!”

“Ayaw ko nga. Sayang yung oras ko kasama ka ah…. May time limit nga diba?”

“Eh… magbihis ka na!”

“Okay… pero hanggang bukas to’ng date na ito?!”

“Ano ka?!” (Oh diba? Feeling girl ako?)

“O edi… ganito nalang ako…”

“Bahala ka! Magka pulmonya ka sana…”

“Aalagaan mo naman ako eh…” ngumiti siya. Isang nakakalokong ngiti.

Tahimik. Ako nama’y hindi maka tingin sa kanya, mukhang kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isip ni kumag.

“Ano naman kung naka sando ako? Nakita mo na naman lahat eh… diba nga nung…”

“Hoy! Yung bunganga mo ha!” pinakita ko sa kanya ang kamao ko. (Taga GenSan baya ko! lahing Pacman!)

“Biro lang…” natatawa niyang tugon.

Hindi na niya sinubukang lagyan ang pinggan ko, bagkus idineretso na niya ang kinuhang pasta sa sarili niyang pinggan.

Maya-maya pa’y unti-unti niyang pinaikot-ikot ang pasta sa tinidor niya, at nung nakapulupot na doon ang mga kawawang pasta ay saka niya iyon isinubo sa akin.

“Masarap ba?” tanong niya.

Tumango lang ako. “Ayos ah… imbalido lang ang role ko dito?”

Ngumiti siya, at saka uli ako sinubuan. Siyempre hindi na ako tumutol. Nawala na ang mga hesitations ko eh, hindi ko alam kung bakit parang bigla ako noong naging komportable sa kanya.

Ilang ulit niya pa ako noong sinubuan ng makarinig kami ng mahihinang tawanan at mga pigil sa hiyaw na animoy kinikilig.

“Ron!!!!! Matulog na nga kayo!!!… Ate Liz masama sa buntis ang magpuyat! Mom???! We need privacy po!!!” sigaw ni kumag na parang sure na sure na sa mga pamilya niya galing ang narinig naming ingay.

“Sorry ha… kinikilig sila eh…” nakangiti niyang sabi sa akin.

Ngumiti lang ako, saka tinakpan ng mga kamay ang aking mukha. Ayaw ko’ng makita niyang kinikilig din ako.

“Uyyyy…. Kinikilig din siya…” panunukso niya.

“Hindi ah!” Depensa ko, habang tinatago ang mga ngiti sa aking labi.

“Asus… hindi daw!”

“Hindi naman talaga eh…”

“Ayos lang yan!” ngumiti siya, habang nakatingin sa mukha ko’ng nagpipigil ng ngiti. “Kinikilig din naman ako eh…”

Muli ay itinago ko ang aking mukha sa aking mga palad. Lumagpas na sa akin ang nadarama ko’ng kilig eh, hindi ko na kayang pigilan at itago iyon. Gusto’ng gusto ko nga noong sumigaw at maglupasay eh…

Bigla niyang hinila ang kamay ko’ng pinangtakip sa namumula ko’ng mukha.

“Ang cute mo talaga!” hirit niya uli.

“Paulit-ulit ka naman diyan sa cute cute eh…”

“Eh.., sa lahat ng gawin mo cute sa paningin ko eh…” Malambing niya’ng hirit.

Ngumiti lang ako uli. Kinagat ko pa ang lowerlip ko, para hindi maging sobrang laki nung ngiti sa labi ko. “Kumain ka na nga lang…”

“Susubuan mo rin ako?”

Kumuha ako ng cupcake saka inilapti iyon sa bibig niya. Ang tagal niyang kumagat kaya ang ginawa ko’y idiniin ko iyon ng biglaan, dahilan para kumalat ang icing sa labi niya.

“Sorry…” sabi ko, kahit na sinadya ko naman talagang gawin iyon.

“Okay lang.” sabay dinilaan ang icing sa labi. “Remember our first date?”

“First date? Hala sino yung dinate mo? Hindi pa naman tayo nag date dati ah!”

“Selos ka na naman agad?!” kumuha siya ng icing at ipinahid iyon sa pisnge ko. “The night na lumipat ka sa kwarto namin ni Patrick!”

“Ahhh… Oo! Yung nilagyan mo ako ng ganito!” sabay pahid din ng icing sa mukha niya. “Yung gabing niloko mo ako? Yung sabi mo dinner kasama si Patrick, pero tayo lang palang dalawa! Eh.., hindi naman date yun eh!”

“Ano ka? Ikaw kaya yung naglagay!” pinahiran niya uli ang mukha ko. “Saka… date yun!”

“Hindi nga!”

“Para sa akin date iyon! Eh hindi ka naman papayag kung aayain kita ng maayos eh… pero date iyon! Alam ko date iyon!” pag iinsist niya.

“First date natin ito.”

“Na alam mo! Hindi mo lang alam pero ilang beses na tayong nag date Bob. Sa mall, sa mezzanine, sa party ni kuya Ranty, sa exhibit, sa orientation… sa lahat…” ngumiti siya.

“Tumigil ka na nga. Loko ka.” Ang totoo’y hindi ko yun gets dati.

“Yun naman kasi ang totoo eh…”

“Kung ganoon… hala! Stalker ka!!!” natatawa ko’ng sabi.

“If you call it stalking.., then, okay stalker ako. Masaya naman ako!” nag pout siya.

“Sinungaling ka pa rin! Wala ka naman nung exhibit eh…”

“Yun yung akala mo. I saw you, from the time you arrived hanggang noong lumabas ka. I was there the whole time… nakita ko kung gaano kayo ka sweet ni Jude MO!”

“Nagseselos ka?” pagbibiro ko.

“Oo!”

Nabulunan ako sa sarili ko’ng laway. Masyado naman kasing diretso ang sagot niya. “Sira ulo ka!”

“Totoo nga! Nag selos ako! Ang harot-harot niyo kaya nun!” nag pout siya.

“Hala! Sinisilipan mo kami ano?!” (Noong time na ito hindi ko po alam ang exact word na gagamitin. Im actually reffering to stalking/sinusundan… pero nasabi ko na yung sinisilipan… naalala ko lang yung word na nagamit ko  )

“Sinisilipan ka diyan! Binabantayan lang kita!”

“So nakasunod ka sa akin the whole time?”

“Oo… may lahi akong ninja kaya hindi mo ako mahuli-huli…” ngumisi si kumag.

“So.., kung ganoon.., nakita mo ring wala akong masamang ginawa sa kapatid mo?”

Natahimik siya. Bigla ring nawala ang mga ngiti sa labi niya.

“Hala! Hindi siya makasagot oh…” hirit ko.

“Alam ko namang hindi mo kayang gawin yung mga bintang ko eh…”

“Pero bakit mo yun ginawa?”

“Sorry na… naiinis lang ako…”

“Sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa iyo ah!”

“Sumama ka kay Jude.” Madiin niyang sabi.

“Yun lang?!”

“Nagseselos ako!” yumuko siya, mukhang nahiya sa sinabing rason ng pananakit sa akin.

Natawa nalang ako sa itsura niyang kinakabahan. Mukhang ini-expect niyang mag wa-walkout ako.

“Sorry na…” bulong niya.

“Loko ka! Okay na yun! Matagal na yun eh…” nakita ko siyang tumingin sa akin, blanko pa rin ang expression ng mukha niya. “Seloso ka pala?”

“Ang sweet niyo eh…” ngumuso ang damuho. “Saka.., Seloso ka rin naman ah…”

Ngumiti lang ako.

Masaya kaming kumain na dalawa. May mga pagkakataon na pilit niya pa rin akong sinusubuan na hindi ko na ulit tinanggihan.

*********************

Noong matapos kaming kumain, ay bumalik na kaming dalawa sa kwentuhan. Ang dami-dami niyang tanong.

“Ano ba yung ideal man mo Bob?” tanong niya out of nowhere.

“Hindi ko alam… hindi ko naman kasi naiisip yun.., isa pa, Im new to this…”

“So..? Ako yung unang lalake na nagustuhan mo?”

“Anong pinagsasabi mo?”

“Don’t deny it. You already told me, na gusto mo ako…”

“Kalimutan mo na yun! Magulo lang isip ko nun.” Pag de-deny ko pa rin.

“So hindi mo talaga ako gusto?” seryoso niyang tanong.

Ngiti lang ang naging tugon ko sa tanong niya.

“Okay… Sorry…” ngumiti siya. “Bob.., ahmmm… physically… ano yung gusto mo sa lalake?”

“Huh?”

“Do you like maputi? O Moreno? Gusto mo ba yung kasing katawan ni Jude mo?”

Natawa ako. “Wala… wala namang specific pagdating sa physical appearance… kesyo mataba, o maitim o maputi… matangkad, pandak… wala eh… kung mahal ko, mahal ko… bakit ikaw? Ano ba yung preferred mo?”

“Hindi din naman ako tumitingin sa physical. Pero personally, I am attracted to conservative girls….”

‘Girls. Girls. Girls. Girls.’ Paulit-ulit na nag echo sa utak ko. “Conservative ‘GIRLS’!” tinitigan ko siya. “Ayos yun. Pasok si Nicole…” nginitian ko siya.

Nag smirk siya. “Gusto ko rin ng creative. Sweet. Palaban. Selfless. Affectionate. Loving. At Cute!”

“Ang dami naman. Mahirap makahanap niyan, Goodluck nalang sayo.”

“Mahirap nga. Pero nahanap ko na eh… kaya gagawin ko ang lahat para hindi na makawala.” Titig na titig lang siya sa akin at halos hindi kumukurap.

Tahimik…

“Good…” tipid ko’ng sagot. Actually hindi ko ulit alam ang isasagot ko.

“Bob…” ngumiti siya.

“Uhm?”

“I have another surprise…”

“Ano na naman yun?”

“Sabi ni Ate Liz kagabi. Romantic daw for her, yung sabay sila ni kuya na titingin sa sky full of stars… kaya naisip ko baka effective din sayo… na… romantic din for you…”

“So manonood tayo ng stars?” sobrang chezzy ng tumatakbo sa isip ko noon (promise!).

Noong makalabas kami ng cottage ay agad akong tumingala. Wala namang stars sa langit, I don’t know if medyo maulap lang nun o hindi talaga visible ang stars sa sky sa manila. Naisip ko mukhang epic fail ang naiisip ni kumag. (This happened on the first quarter of 2012 the time na medyo cloudy sa Manila.)

“Anong panonoorin natin?” nakangisi ko’ng tanong.

“Saglit lang… excited?” inakay niya ako papunta sa isang metal bench di kalayuan sa cottage at pinaupo ako doon.

“Wala nga’ng stars.”

“Wala nga.” Sabi niya. Tumakbo siya palapit sa bahay nila, saka mabilis na tinanggal ang nakatakip na black cloth at mga used tarpaulin sa isang bahagi ng pader. Noon bumungad sa akin ang mga nakadikit doon na glow in the dark staffs na hugis stars. “Nandito sila eh…” hirit niya. (hindi ganoon ka tingkad ang glow ng mga stars sa pader, probably because matagal silang na cover or maybe because may mga ilaw sa paligid. )

Kinagat ko yung lower lip ko, masyado akong na o-overwhelm sa effort ni kumag, at nahihiya akong makita niya yung extreme na emotion sa loob ko.

Sobra sobra na ang ginawa ng lalaking iyon para sa akin. Hindi ko nga sure kung deserve ko pa rin iyong mga iyon eh…

Marahan siyang lumapit sa akin saka umupo sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa mga bituin sa harap ko, namamangha ako hindi dahil first time ko’ng makakita ng glow in the dark pero dahil hindi ko inaasahan na magagawa ni kumag ang lahat ng iyon para sa akin.

“Masaya ka?” bulong niya.

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya na masayang masaya ako.

(Note: exact convo po  believe me or not.)

“Lahat yan, para sa iyo lang.” simula niya.

“Ang selfish naman nun…”

“Ganoon talaga! Gusto ko ikaw lang ang ilawan nila….”

“Sira ulo ka.”

“Oo baliw ako!.......................... ………………………….. Sayo!!!” nag giggle siya.

“Tangek..” dineadma ko nalang ang sinabi niya.

Tahimik…

Nakatitig lang ako sa mga stars sa pader, iniisip ko kung ano ba ang ibig sabihin at ginagawa ni kumag ang lahat ng iyon para sa akin. Gusto nga kaya niya ako? O bumabawi lang siya? Ang gulo naman kasi eh…

Ilang saglit pa’y napansin ko’ng sa akin lang siya nakatitig. Nakasalumbaba siya habang nakangiti’ng nakaharap sa akin.

“Uy! Tumingin ka doon sa mga stars mo…”

“Stars mo!” pagkaklaro niya.

“Doon ka tumingin! Bahala ka, kung may falling stars diyan, hindi ka makakapag wish!”

“Okay lang…”

Binaling ko ang aking tingin sa kanya.

“Hindi ko na kailangan mag wish. Nasagot na ang wish ko eh…” bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Tatanggalin ko sana pero hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

“Pagbibigyan mo na ba akong isayaw ka?” hirit niya uli.

“Ha?” medyo tulala ako.

Kinuha niya ang kanyang cellphone saka pinatugtog ang kantang ‘Destiny’.

“Mr. Jun Bob Aragon. May I have this dance?” inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko.

Napangiti lang ako, marahil ay dala ng sobrang kilig, saka humawak sa nakalahad niyang palad.

Nagsayaw lang kami ni kumag sa gitna ng buong kanta. Hindi ko alam kung nasa timing ba kami, ang tanging nauunawaan ko lang noon ay hawak ko siya… sa gabing iyon, akin siya… hindi ko na inisip kung ganoon pa rin ba kami pagkatapos ng kanta, basta kahit sa kaunting sandali ay nadama ko’ng magkaisa ang aming isip at damdamin.

Noong matapos ang buong kanta ay timigil din siya sa paggalaw. Dahan-dahan niyang kinabig ang ulo ko palapit sa dibdib niya, saka binalot ang katawan ko sa mainit niyang mga bisig.

“Hug me please…” bulong niya na agad ko rin namang sinunod.

Ilang ulit ko na siyang nayakap… pero iba ang pakiramdam ko noong gabing iyon… nakaramdam ako ng contentment, alam niyo yung, okay na sa akin na nandoon lang kami forever magkayakap… iba din kasi ang tibok ng puso ko noon, parang paulit-ulit na sinisigaw nun na huwag hayaang matapos ang sandaling iyon. Mahal ko na ata si Kumag… hindi… mahal ko na talaga siya…

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko napigilang pumatak ang aking mga luha. Natatakot na naman ako sa mga susunod na mangyayari. Iniisip ko, paano kung pang isang gabi lang pala ang lahat ng iyon? Paano ako?

“Bakit ka na naman umiiyak?” bulong niya.

“Masaya lang ako… salamat…”

“Ako din. Sobrang saya ko! Ayaw ko na nga itong matapos eh…” narinig ko siyang nag giggle.

“May time limit eh…”

“Sana dumating yung time na wala ng limit Bob…”

“Sana nga…” sa utak ko, ‘sana hindi lang ito panandalian chard. Sana hindi lang ito pakitang tao, kasi mahal na kita… mahal na kita…’ niyakap ko siya ng mahigpit.

Mas humigpit din ang pagkakayakap niya sa akin. “I feel like Im the luckiest guy in world Bob…” nag crack ang boses niya. “When Im with you, I am complete…” bulong niya, saka ko narinig ang kanyang mga hikbi.

“Naaalala mo lang siya…” kumawala ako sa yakap niya.

“Huh?”

“Naaalala mo lang si Kaye…” malamig ko’ng sabi.

“Hindi…” umiling-iling siya saka pinahid ang mga luha. “Bob… if you think ginagawa ko ito dahil kay Kaye, mali ka. Im doing this to make you happy… Bob…”

Nag ring ang phone ko. Tumawag noon si Ate Angel asking if nasaan na ako, at anong oras ako uuwi.

“Chard? Pinapauwi na ako… 8 na eh…” sabi ko sa kanya, matapos kausapin ang babae sa telepono. (Hindi naman talaga ako pinauwi eh… tinanong lang ako kung anong oras ako uuwi…)

Tumango lang siya. Saka ako inakay paalis.

“Wait… Yung bulaklak ko…” pagpigil ko sa kanya, saka tumakbo pabalik sa cottage para kunin ang boquet na binigay ni kumag.

“It seems like your starting to like flowers now…” nakangiti niyang sabi.

“Hindi rin…”

“Pero nagugustuhan mo na yung nagbigay?”

“Yabang!” pangaasar ko, saka pabiro ko siyang binatukan.

Nangiti lang siya, saka ako inakbayan habang papunta na kami sa harap ng kanilang bahay.

*************************

“Welcome to the family bayaw!!!!” masayang bati ni Ron, noong makita kami ng kuya niya.

Tawa lang ang tugon ko.

Noon nakita namin ang pamilya ni kumag sa bungad ng bahay nila, maliban nalang kay Ate Liz at Jubie na marahil ay natutulog na. Naroroon na rin si Kuya Ranty na mukhang kararating lang dahil sa bihis na bihis pa rin.

“Ano na? Enjoy ba?” si Kuya Rantty.

Ngiti lang ang naging tugon ni kumag. Ako namay medyo nahihiya sa kanila.

“Bayaw. Nag enjoy ka ba?” tanong ni kuya Rantty sa akin, medyo nagulat din ako noong tawagin din niya akong bayaw.

“Opo Sir…”

Nagtawanan sila sa naging tugon ko.

“Anong Sir? Kuya! Pamilya ka na rin!” Si kuya Rantty.

Natahimik lang ako.

Ang dami pa nilang tanong. Lalo na yung Parents ni Kumag. Pero mas nagimbal ako sa tanong ni Ron.

“Kelan ba yung kasal?” tanong niya.

“Anong kasal?” pa tanggi ko’ng tanong.

“Kasal… yung…” (Kumapit siya sa braso ni kuya Rantty saka kumanta ng default song for wedding) “Tan tan tanan… tan tan tanan..” bumitiw siya sa kanyang kuya. “Tapos, you may kiss the bride…”

Tawanan…

“Hoy Badong… tumigil ka!” nakangising hiyaw ni kumag sa makulit na kapatid.

“Asus! Bakit wala pa bang ganoon?”

“Wala! Kumain lang kami.” Nahihiyang sagot ni kumag.

“Ang bagal mo naman eh! Magdadrama ka na naman kung sakaling mawala yan! Maglalasing lasing… iiyak… tapos mag wawala… (umacting si Ron, ginaya ata yung paglalasing ng kuya niya.) “Boooooobbbb!!!! Sorry… Sorry… Sorry…”

Tawanan ang lahat. Pati si kumag na halatang nahihiya rin.

“Umayos ka! Walang ganyan ha!”

“Wala daw. Ayain mo na yan, may blessing na nila Mommy oh!” hirit ni Ron sabay tap sa balikat ng daddy niya.

Noon nabaling ang tingin namin sa mga magulang nila. Nakangiti lang ang mga ito, mukhang naaliw sa kakulitan ni Ron.

“Grumaduate muna dapat.” Mabilis na sabi ng tatay nila. Na mistulang pagsangayon na rin sa idea ng kasal.

“Oo nga. Saka dapat pumayag din ang pamilya ni Bob.” Pagsangayon ng Mommy nila.

(Alam ko. that time nakikisakay lang sa sitwasyon yung parents niya. madalas kasi yun mangyari, they were cool parents actually. Pag nag start na mag joke yung isa, automatic na sasakyan na yan ng mga magulang niya. May mga kamaganank din naman akong doctor pero I always have the feeling na parang distinct sila from people who weren’t on the same field. Pero never ko yun na feel sa Mommy nila, she was like the usual caring mother; kahit na busy, she always have time for her family.)

“Naku. Magkaibigan lang po kami Ma’am. Saka.., hindi naman po pwede yun.” Pagtutol ko naman. Pulang-pula ako noon sa sobrang hiya at kaba kahit na alam ko naman na biruan lang ang nangyayari.

Tawanan sila.

“Pwede nga daw sabi ni Jubie…” sabi ng Mommy nila.

“O! Narinig mo na kuya ha, okay na kay Mommy!” hirit naman ni Ron.

“Tigilan niyo na nga yan. Ihahatid ko na po si Bob Ma, Pa.” pagpapaalam niya. “Badong, pahiram muna ako niyang T-shirt na suot mo!”

Mabilis namang hinubad ng mas bata ang suot saka binigay sa kuya. Inamoy muna ito ng huli bago isinuot. (Malaki ang suot na T-shirt ni Ron kaya nagkasya kay kumag.)

“Babalik ko rin mamaya pagkatapos ko ihatid ang bayaw mo!” nakangisi niyang sabi.

“Siguradong ihahatid yan Chard ha, Hindi itatanan!” biro ulit ng tatay nila.

Tawanan.

Nagpaalam na kami sa pamilya niya. Inaya pa ako ng Mommy niya na bumalik kinabukasan na sinagot ko naman na susubukan ko.

*************************

“Pasensya ka na sa pamilya ko ha. Lalo na kay Ron, makulit talaga yun.” simula niya.

“Ayos lang, medyo sanay na rin ako…”

Nag flash siya ng isang makahulugang ngiti.

“I mean… Sanay ako. Kasi makulit din yung kuya ko. Yung… buong family ko actually…” mabilis kong bawi.

“I see.., Compatible pala yung family natin eh. Mukhang magkakasundo sila ah…”

Tumango lang ako.

“Pakilala mo naman ako sa family mo. Si Jude nakakausap na yung kuya mo.., eh tayo nga yung may blessing na sa parents ko eh…” nakangisi niyang sabi.

“Anong blessing ka diyan.? Biruan lang yun.., saka hindi naman yun mangyayari eh…”

“Hindi pa ngayon… pero malay mo… sa…”

“Hoy! Umayos ka nga…” pag putol ko sa sasabihin niya dapat.

“Malay mo lang naman….” Tumawa siya.

Tahimik.

“Pakilala mo na ako.” Simula niya ulit.

Kinuha ko ang phone ko saka naghanap ng picture ng mga magulang ko pati na rin ng kuya ko, saka pinakilala sila kay kumag. Nagsimula na rin akong mag kwento tungkol sa buhay ko, (Summarize) mula nung pansamantalang nag separate ang mga magulang ko (cool off) hanggang sa noong magkabalikan sila ulit.

“Si Jude ba nakilala na ng parents mo?”

“hhhmmm… nakwento ng kuya ko sa parents namin, pero hindi pa naman nakakausap. Ay….., hindi rin pala ako sigurado eh.., iba din kasi yung powers ni Jude eh… nagkaroon nga ng instant communication sa kuya ko.” sabay kamot sa ulo ko.

“Ganoon? Dapat ba gumawa na rin ako ng paraan?”

“Anong paraan?”

“Na.., makausap at makilala rin ang pamilya mo. tayo yung ikakasal tapos mas nauna na naman yung epal mong kaibigan.” Biro niya.

“Anong ikakasal? Biro nga lang yun ni Ron. Saka hindi ko kaibigan si Jude! At hindi siya Epal!”

“Bakit ano mo ba si Jude?”

“Boyfriend!”

“Boyfriend ka diyan. Diba nga may Girlfriend yun? Saka nakalimutan mo na bang sinabi mo’ng magkaibigan lang kayo… paulit-ulit Bob…” ngumisi siya.

“Boyfriend ko siya! Bakit ba mas marunong ka pa sa amin?!”

“Boyfriend mo talaga?”

“Oo nga!”

“Ibabangga ko ito!” bulyaw niya pero nakangiti pa rin.

“Ibangga mo! Mamamatay ka rin naman eh!”

“Atleast sabay tayo.” Ngumisi siya.

Tahimik.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintanan ng sasakyan niya. alam ko kasing mahal ko na si Richard, kaya medyo asiwa ako sa mga kung anu-anong sinasabi niya, na hindi ko mawari kung biro lang o totoo na. Gustuhin ko mang maniwala, natatakot pa rin ako eh…. Mahirap umasa…

“Napagod ka ba?” saglit niya akong tiningnan.

“Medyo…”

“Pero nag enjoy ka?” ngumiti siya.

“Sobra…” tiningnan ko siya. “Salamat ha…” saka binigyan ng ngiti.

“Nag thank you ka na kanina.” Humarap din siya sa akin saglit para ngumiti. “Ako nga dapat mag thank you ng paulit-ulit eh… I won’t say na this is the happiest day of my life, kasi I know the happiest is soon to come. Pero…, this is a happy day! Something worthy to treasure. And I have to thank you from the bottom of my heart for making me happy and for giving me a chance to make you happy.” Inabot niya ang kaliwa kong kamay saka pinisil-pisil ito.

“Mauulit to ha…” bulong niya.

“Huh?”

“Uulitin natin to!” nginitian niya ako saka tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.

Ngiti lang din ang naging tugon ko.

“I’ll take that as a yes!” sabi niya.

Maya-maya pay nakita ko na ang drug store na palatandaan ko kung saan kami liliko papunta sa tinutuluyan naming hotel. Medyo natahimik na kami; marahil nagpapakiramdaman o nalulungkot na matatapos na nga yung magical na gabi naming dalawa.

*****************

(Actually, Inn lang talaga yung tinuluyan namin. Hehehe pero na start ko na na hotel eh…. Kaya hotel nalang itawag natin… hehe)

“Hindi na kita aayain sa loob ha. Gabi na kasi.” Sabi ko noong tumigil ang sasakyan sa harap ng hotel.

“Okay. Basta mauulit pa ito ha?” sabay kindat si kumag.

“Subukan ko.” nahihiya ko’ng tugon, saka bumaba sa sasakyan. Bitbit ko ang sling bag ko at ang bulaklak na bigay niya, nakatayo lang ako paharap sa sasakyan niya, hinihintay na umalis ito.

Ilang saglit pa’y bigla nalang siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na tinungo ang kinatatayuan ko.

“Bakit? May kailangan ka pa ba?” medyo gulat ko’ng tanong.

“OO eh…” ngising aso ang loko.

“Ano yun?”

“Napasaya naman kita ngayong gabi diba?”

“Oo naman….” Medyo nagtataka ako sa kinikilos ni kumag.

“Pwede ba’ng…. ahmmmm…” medyo halata na ang kaba niya.

“Ano?”

“Wala ba akong goodnight kiss?” sabay kamot ng ulo niya.

“Goodnight kiss mo mukha mo. umalis ka na, gabi na…” sagot ko, kahit na may dalang kaba rin sa akin ang tanong ni kumag.

Tumawa lang siya. Nagkakamot ng ulo habang nagpapacute sa harap ko. (Pahiya si kumag eh…)

“Hoy. Sige na umuwi ka na, baka pagalitan ako ng Mommy mo. sabihin pa nun….”

“Tinanan mo na ako!” pagputol niya sa sasabihin ko.

“Gago! Alis na!”

“Pinagtatabuyan mo ako?” ngumuso siya.

“Hindi. Pinapalayas kita! Magkaiba yun!” biro ko.

Tumawa siya, saka hinablot ang kanang kamay ko at ilang beses itong hinalik-halikan at inamoy-amoy, pagkatapos ay mabilis na tumakbo pabalik ng sasakyan.

Nabigla man ay hindi ko itatanggi na may umusbong na kilig sa puso ko. Ang cute kasi ng loko lalo na yung reaction niya noong papasok na sa sasakyan. Binaba niya ang bintana saka nagpakawala ng isang halik at isang malokong kindat. Itinaas ko lang ang aking kanang kamao para ikubli ang sayang nadarama ko.

“Alis na!” sigaw ko.

“Bye…. See you in my dreams…..” ngumiti at kumindat pa uli siya.

“Sira Ulo… Ingat ka…” (Oo na pabebe na ako…. Hindi ko naman tinatanggi eh…. Sorry naman  )

*********************

Agad naman akong kinulit ng mga kasama ko na noon ay talagang nag-aabang na dumating ako. Tanong sila ng tanong sa mga nangyari (Majority of them that time may crush kay kumag ), siyempre pa nag kwento rin ako…medyo ginawa ko nga lang ordinary ang kwento ko, indenial pa rin ako noon sa feelings ko eh… at siyempre, ayaw ko namang isipin nila na may something na sa amin ni kumag; kasi wala naman talaga… ayaw ko mabansagang nag aasume gayong alam naman naming lahat na straight si Richard at mukhang ‘di kapanipaniwalang magkakagusto sa bakla.

**************************

Kinabukasan… maaga ang schedule ng competition (9:00 a.m. to be exact), wala pang alas otso ay nasa hotel na kami para makapag test pa ng presentation at para maging familiar na rin sa gagamitin naming stage. To my surprise ay maaga din palang nag aabang si kumag sa hotel. Naka upo siya sa couch sa parang receiving area kung saan ko unang nakita si kuya Rantty. Naka suot siya ng deep blue or dark blue suit noon na marahil ay finals uniform ng team nila.

“Boss!!!” pagkuha niya sa attention ko.

Nginitian at kinawayan ko lang siya, saka sumunod sa mga kasama ko na papunta na sa venue. Hindi ko kasi sure if kagaya pa rin ba ng kagabi ang relationship namin. Baka kasi, pang isang gabi nga lang ang magic…

Ilang saglit pa’y nakabuntot na sa akin si kumag. “Good morning…” nakita ko ang smile niyang makalaglag panty. “Good morning din.” Casual ko’ng sagot. Trying to ignore the strange thing Im feeling. You know.., mahirap kaya humarap sa taong gusto mo; lalo’t noong mga panahong iyon alam ko ng hindi nalang basta pagkagusto ang nararamdaman ko. Mahal ko siya! Pero alam ko’ng malabo naman kaming dalawa.

“Kanina pa kita hinihintay Boss.” May bitbit siyang bulaklak. (Hindi ko na naman alam ang tawag dun. Pero may pic ako nun at may mga dried petals pa ata ako’ng naitago  )

“Bakit ka naman maghihintay? Wala naman tayong usapan diba?”

“Wala nga.., pero excited akong makita ka. Isa pa….. medyo bitin yung kagabi eh…..”

“Ang aga pa. Saka pano mo naman nalaman na pupunta kami dito ng maaga?”

Narinig ko siyang tumawa. “Binigyan din kami ng program eh. At nakinig ako sa orientation, ‘presenters or the qualified teams will be given time to test and prepare before the contest starts’. Kaya alam ko nandito ka at Im excited to see you kaya medyo napaaga.”

Natahimik lang ako. (Medyo weird makarinig ng ganoon! kaya ganoon nalang ang reaction ko, and I hope na you understand why….)

“Boss nag text ako kanina ah saka kagabi….” Malambing yung boses niya.

“Talaga? Lowbat ako eh, nakalimutan ko mag charge….” Pag dedeny ko. Ang totoo’y nabasa ko naman ang text niya, talagang wala lang akong guts na magreply. ‘Goodnight at Goodmoring’ lang naman ang sinabi niya.

“Hindi naman eh… nag miss call din kaya ako…” nakangiti pa rin siya.

“Ganoon? Check ko nalang phone ko mamaya…” I don’t know pero iba na yung kabog ng dibdib ko. Madalas akong kinakabahan pagkasama siya. Pero…. Iba talaga nung araw na yun eh…. Hindi ko maipaliwanag…. Basta iba…. Ang gulo kasi namin eh…. Gusto ko siya at gusto ko yung attention na binibigay niya sa akin pero, ayaw ko naman masaktan ulit sa huli. Paano kung mali yung pagkakaunawa ko sa pinapakita niya? Edi nganga na naman ako sa huli?!

“Boss…”

“Hey…. Stop calling me boss….” Mahinahon pero may awtoridad kong sabi.

“You’re calling me ‘Hey’!” nag giggle siya.

Dineadma ko na lang at binilisan ang paglalakad.

“Boss…”

“Don’t call me boss…” siguro part yun ng defense mechanism ko…. Im feeling something weird…. Something na palagay ko’y noon ko palang naramdaman…. Kaya medyo irritable ako, at palagay ko’y may something din na kinakailangan ko’ng iwasan o pigilan.

“Okay…. So…., Love? Sweetheart? Honeybunch? Sweetiepie?”

“Teka…. Ano bang pinagsasabi mo….?” napatigil kami sa paglalakad.

“Babylove kaya?” ngiting aso si kumag.

“Huh?” (Naalala ko may ganoo’ng convo din kami ni Jude.)

“Ay sige Darling nalang……” malakas niyang sabi, na parang nanalo sa lotto.

“Hoy! Ano bang nangyayari sa iyo?!”

“Ayaw mo ng Boss…. Kaya Darling nalang…” nagumiti siya.

“Ewan ko saiyo!” saka tumalikod sa kanya.

“Darling!!!” paghabol niya.

“Ahhhhhh… Baliw ka na!”

“Ehhhh… Ayaw mo nga kasi ng Boss kaya…..”

“OO na! Boss na! Boss nalang! Okay na yun!” nakabusangot akong sumuko sa kakulitan niya.

Tumawa lang siya. Nawala na naman ang mga mata, pero alam ko’ng nakatitig lang siya sa akin. Marahan niyang kinurot ang kaliwa ko’ng pisnge na hindi ko naman tinutulan. “Ang cute mo talaga…”

“O sige na. Baka hinihintay na ako ng mga kasama ko…”

“Teka Boss…” ang muli niyang pagpigil sa akin.

“Ano na naman?”

“Oh.” Sabay abot sa akin ng bulaklak na hawak niya.

“Para saan na naman ito?” tinanggap ko ang bulaklak (aaminin ko kinilig ako!).

“Ahhhhmmmm…. My way of saying Goodluck?” medyo puzzled ang mukha niya, mukhang hindi talaga yun ang gusto niyang sabihin.

“Okay…” tipid ko’ng sagot saka tumalikod.

“Boss!” muli niyang pagtawag saakin, dahilan para muli akong mapatingin sa direksyon niya. “Saka…. Hmmmm…… congrats…… congrats in advance…..”

“Salamat…”

Nakakailang hakbang na ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Sinubukan ko uli’ng kumalas pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap.

“Hoy! Ano na namang problema mo?!” bulyaw ko.

“Hindi ko alam kung paano magpapaalam na yakapin ka!” bulong niya.

“Sira ulo!” sabay tawa. Medyo cheezzy pero sobrang cute at sarap marinig nun, for the first time nalaman ko’ng nahihiya siyang gawin ang gusto niya. Sinubukan ko uli’ng kumalas, nung una’y mas hinigpitan uli niya ang pagkakapulupot ng mga bisig sa katawan ko, pero ‘di naglaon (sa pagpupumilit ko) bumigay din si kumag.

Nung makawala ako sa bisig niya’y agad akong humarap sa kanya. Nakita ko’ng medyo namumula ang mukha niya’t hindi makatingin sa akin ng diretso.

Nagkakamot lang siya ng ulo, ako nama’y nakatanga lang na nakangiti habang naghihintay na magsalita siya.

“Boss…. Hindi kasi kita nayakap kagabi bago umuwi eh...” sabi niya, halatang nahihiya pa rin.

“Nayakap mo na ako kahapon sa bahay niyo ah!” (Alam ko ang feeling ko.)

“Ehhhh…. Miss ko na eh.”

Tawanan. (Ang cute promise ng reaction niya.)

“Hey! Mr. Richard Oquendo! Ayos na! Nakabawi ka na! Okay na tayo, kaya itigil mo na yang mga pautot mo!” natatawa ko pa ring hirit. Ang totoo’y gusto ko’ng sabihin sa kanya na kung hindi naman siya sigurado at kung naglalaro lang siya ay itigil na niya.., kasi nagsisimula na akong umasa… nagsisimula na naman akong umasa…

Saglit siyang natahimik marahil ay inaabsorb mabuti ang sinabi ko. “Hindi naman ako nag…”

“Sige na. Punta muna ako sa mga ka-grupo ko, wish us luck pogi….” Pagputol ko sa depensa niya. baka kasi hindi ko magustuhan ang sasabihin niya at hindi iyon right time para sa sakit.

“Ikaw nagsabing pogi ako ha…!”

“Oo na Sir! Sige na, kailangan nila ako doon.”

“Okay! See you later Boss. At…………. Goodluck…… I mean…………… congrats…………..”

“Thanks…” tipid ko’ng sagot.

“Ahhhhmmmmm….. Payakap nga ulit.” Hirit niya.

Mabilis niya ako ng kinabig palapit sa kanya saka binalot sa mga bisig niya. Gustuhin ko mang mag inarte, at puno man ng hesitations ang utak ko’y hindi na ako tumutol pa.

(If nagtatanong kayo kung bakit hindi na lang siya sumama sa loob.? The answer is…. Hindi pa po start ng program, we were their ng medyo maaga for testing and other preparation, yung qualified schools lang po muna yung allowed sa loob. )

**************************

Noong matapos ang testing ay parang bagyo na bumuhos na ang mga tao sa loob ng venue. Marami ay mga estudyante rin na sa tuwing makakasalubong namin ay awtomatikong babati ng Goodluck at Godbless; meron ring mga importante’ng tao sa lipunan, mga successful business men (in different colors. LOL), may mga politiko at may mangilan-ngilang artista rin.

Labis-labis ang kaba ko noon, First time kasi nun na makapasok ng school namin sa finals. Nasa likurang parte kami ng hall, humihigop ng kape naghihintay na mag start ang contest. Noon ay lumapit sa kinaroroonan namin si Jude at ang team niya, hindi ko alam pero may naramdaman akong parang may malaki akong utang sa kanya; noong masilayan ko ang mukha niya’y agad ko’ng naisip na ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa date namin ni kumag, pero nag-aalangan rin ako dahil hindi naman yun ang right time para pag-usapan iyon, saka hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan.

Medyo nagtataka rin ako sa mokong. Alam ko kasing alam niya na sumama ako kay Richard pero hindi ko alam kung bakit hindi niya ako kinukulet. Lagi kasi kaming magkatext bago matulog at paggising sa umaga, pero noon wala ni isang text o tawag akong natanggap mula sa kanya.

“Kulbaan ka?” tanong niya sa akin, sabay inom ng tubig mula sa baso ko. (Kinakabahan ka?)

“Gamay…” (Konte)

“Ayaw’g kulba-kulba uy! Kaya lagi na ninyo, napilde baya me ninyo.” (Wag ka ngang kabahan! Kaya niyo yan, tinalo niyo nga kami eh.)

“Ambot uy.” Buntong hininga. “Pagaksa ko be…” (Ewan) (Payakap nga…) na agad din naman niyang pinagbigyan.

“Hindi ka ba niyakap ng Koreanong hilaw kagabi?”

“Niyakap. Kanina nga rin eh…”

“Nandito na siya?”

“Kanina. Sobrang aga.”

“Anong ginawa?”

“Nagbigay lang ng bulaklak.”

“Kayo na ba?” ang diretso niyang tanong.

Kumawala ako sa yakap niya, tumingala para tingnan siya. “Hindi ah! Wala’ng ganoon!”

“Eh anong nangyari sa date ninyo?”

“Wala. Kain lang…”

“Saan ka ba niya dinala?”

“Sa bahay lang nila. Bakit ba kasi hindi ka tumawag o nagtext kagabi?”

“Eh… hindi mo naman ako kailangan eh. Saka baka makaistorbo ako.”

“Ang sabihin mo, wala ka ng pake sa akin…” nag pout ako.

“Ano ka? Hinihintay ko ngang tumawag ka kagabi. Ang tagal ko kayang naghintay… kaso wala… mukhang napasaya ka niya…. iniisip ko nga, baka naaalala mo lang ako sa tuwing nasasaktan ka…”

“Hoy! Imong baba ha!” (Hoy! Yang bunganga mo ha!”

“Bitaw. Tinatawagan mo lang naman ako tuwing sinasaktan ka niya diba?”

“Alam mo’ng hindi totoo yan ha!”

Tahimik.

Ilang saglit pa’y bigla siyang tumawa. Marahil ay naramdaman na niyang nagi-guilty na ako. “Joke lang gani. Alam ko namang love mo ako eh.” Hinalikan niya ako sa noo.

Kulitan lang kami ng kulitan, hanggang sa ipatawag na kami sa harap dahil mag sisimula na ang presentation.

Pangatlo na nag present ang team namin. Habang nasa taas ako ng stage ay tanaw ko ang iba’t –ibang mukha na nagmamasid sa akin. Lahat sila’y parang naghihintay na magkamali ako, maliban nalang kay Jude na nasa dulo pa rin ng hall, sa spot kung saan ko siya iniwan.

Paulit-ulit siyang nag thu-thumbs up sa tuwing napapako ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ring nakatutok ang kanyang cellphone sa amin, mukhang kumukuha ng litrato o video.

Isang malakas na palakpakan ang narinig namin noong matapos kami. Noong makababa ay nagmamadali akong pumunta sa kinaroroonan ni Jude, kung saan ay sinalubong niya ako ng isang maiinit na yakap. Masaya lang ako na nagawa namin ng maayos ang presentation, yung tipong manalo man o matalo ay nagawa ko na ang best ko.

“Ang galing naman pala kasi ninyo, kaya kami natalo.” Hirit ni Jude.

“Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Grabe.”

“Okay na! Tapos na. Haod kaayo mo!”

“Salamat Jude.”

“Baby lagi…”

“Okay baby…”

*******************

Lunch time na noon. Mag kasama pa rin sa iisang table ang team namin, team nila jude at team nila Jayson. Hindi ko pa rin noon nakikita si Kumag, for unknown reason.

Nagpaalam muna ako sa kanila’ng pupunta sa CR. Noong matapos akong umihi ay bumungad sa paningin ko si kumag sa labas ng cubicle na ginamit ko. Hawak niya ang isang card board na mag nakasulat na pangalan ng school namin.

“Chard? Iihi ka rin ba?” simula ko.

Umiling lang siya. “Congrats Boss!”

“Salamat.” Tipid ko’ng sagot. Medyo nagtataka ako sa reaksyon niya.

“Ang galing mo kanina.”

“Salamat. Napanood mo?”

“Oo naman. Nag chi-cheer nga ako eh…” sabay pakita ng board na hawak niya.

“Talaga? Hindi kita nakita ah.”

“Nasa harap lang ako.” Pansin ko’ng nalungkot siya.

“Hindi talaga kita napansin eh… akala ko nga hindi ka nanood.”

“Paano mo naman ako makikita o mapapansin, eh…, sa malayo ka nakatanaw?”

“Hoy! Ayos ka lang?”

“OO! Congrats!” sabay talikod at tumbok sa pinto palabas.

“Chard? Galit ka?”

Lumingon siya. “Hindi naman. Nagseselos lang…” malambing pero halatang may kirot ang boses niya.

To be continued….

Hanggang dito nalang muna. Ang dami ko’ng gawa eh…. I make a lot of costumes… and Im preparing for a cosplay gathering tomorrow (Sunday) sa davao. (JB… I posted a lot of comments about the event tomorrow, I even changed my Pic to the character na gagayahin ko (Star Guardian Janna of LOL) pero all of them were removed. Mukhang bawal ata…)

Kinasal na rin ang kuya ko, end of last year…. Kaya sobrang busy talaga….basta ang daming ganap sa buhay ko ngayon. Hahaha

>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Note:

I just wanted to clarify things to someone named PATRICIA in FB…. (Poser probably.) He/She actually attacked me on social media for unknown reason. Hindi ko pinatulan, dahil hindi ko naman ugali yun at masyado po’ng shallow ang pinaglalaban niya.> to you dear…. I don’t know kung paano mo ako nakilala, and I don’t have any idea kung sino ka at kung kilala mo nga lahat ng taong involved.

Una, Im not a transgender…. Im not even a crossdresser. (Walang masama sa pagiging transgender at mag crossdress) nagdadamit babae po ako (SOMETIMES) because IM A COSPLAYER. In cosplaying we see no gender, we don’t judge a person according to physical appearance. pero kung sakaling mag crossdress man ako at maging transgender…, hindi mo na ata problema yun, hindi naman ako manghihingi ng pera sa iyo.

Pangalawa, Te…, grabe ka doon sa PAKANGKANG… hindi po ako paraffle te…. I lost my virginity kay Richard, at kay Richard lang po ako nag pa anal. Until now, 5 years na po ang nakakalipas (sa February 21) pero si Richard lang pa rin ang nag-iisang nakagalaw sa akin. (Happy???!) Never po akong nanglandi at never po akong manglalandi.

Pangatlo, ako na ang immature, juvenile, childish etc….. go na po ate…. Wala namang masama doon diba? Hindi ka naman po nagutom at nagkasakit ng dahil doon diba? Saka ate…. Bata pa po talaga ako! At kung yun yung reason kung bakit iniwan ako ni Richard edi WOW! Bahala na siya sa buhay niya. Pero matanong lang, pag mahilig ba sa anime childish na? Feeling ko naman kasi, maayos naman akong mag-isip… maayos na naman ang mga nagagawa ko’ng desisyon sa buhay. Saka, trabaho ba ng isang mature na tao na manira ng kapwa? Mature ba na mag post ng mga kung anu-anong issue sa wall ng iba? Mature ba na i-label na pakangkang ang isnag tao sa social media? Mature ba na manghimasok sa buhay ng may buhay?

Pang-apat, hindi po ako yung nagsabing i-ban ka dito sa blog na ito. Ikaw na rin yung nagsabi te…, hindi ako ganoon ka special. I don’t have the power to do that…. Nag sesend lang po ako ng story sa email published to this blog, pero wala po akong direct communication sa admin nito. So kung hindi kana makapagpost….. Sorry….. bawal ata kasi ang walang manners dito te. Everyone…. Sorry na po sa mga kadramahan ko. I’ll try to be more mature this time… bahala na po kayo kung maniniwala po kayo o hindi. Basta tatapusin ko po itong storyang ito.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Sigaw ng Pugad Lawin (Part 18)
Sigaw ng Pugad Lawin (Part 18)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s320/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s72-c/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/01/sigaw-ng-pugad-lawin-part-18.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/01/sigaw-ng-pugad-lawin-part-18.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content