$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 19)

By: Bobbylove “Ika-labing anim na talulot” (Love is… Courage!) Ang dami nating kinatatakutan sa buhay… may kanya-kanya tayong phobia...

By: Bobbylove

“Ika-labing anim na talulot”

(Love is… Courage!)

Ang dami nating kinatatakutan sa buhay… may kanya-kanya tayong phobia… sabi nila you have to conquer your fears for it would only hinder you in achieving your goals. Tama naman, we should always take risks… pero naisip ko, fears are there to remind us na things don’t always go in our favor… laging may hindi tayo kayang gawin… laging merong hindi para sa atin…

Sa love… ang dami ding nakakatakot na gawin. Marami ang natatakot sumugal! Meron ring natatakot mag paraya! At ang dami ding takot atang maubusan ng mamahalin at magmamahal, dahilan para magkaroon sila ng higit sa isang paglalaanan ng pag-ibig. Pero diba kadalasan ang unang takot na nararamdaman natin pagdating sa matters of heart ay ang takot kung paano maipapahayag sa taong mahal mo na mahal mo siya.

Lagi kang mangangatal, mangangatog at magdadalawang-isip na gawin iyon. Kahit pa ang puso mo’y buong lakas ng nagsusumigaw na palayain ang damdaming tinataglay nito.

Kaya sa iyo.., na nagawa ng ipagsigawan sa taong mahal mo ang tinitibok ng iyong puso..? (be it your current partner or your ex) I salute you! Mabuhay ka. Ang tapang mo!

At sa iyo namang nangangatal, nangangatog at nagdadalawang-isip pa..? gawin mo na! take risk! Ilabas mo na ang tapang mo!

*************************

“Chard? Galit ka?” bigla ko’ng naitanong nung makita ang reaksyon niya.

Lumingon siya. “Hindi naman. Nagseselos lang…” payapa pero halatang may kirot na taglay ang boses niya.

Ang dami kong mga alinlangan pero lahat ng yun gusto’ng alisin ng mga nangungusap niyang mga mata. Hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman niya pero batid ko at kita ko sa mga mata niya’ng, nasasaktan siya. Pero bakit? Paano? May chance nga kayang magustuhan niya ako? O…. gusto na nga kaya niya ako?

“May problema ka ba?”

“Wala. Sige na… baka hinihintay ka na ng Jude mo!”

“Ano?! Chard magkaibigan tayo ha… magkaibigan din kami ni Jude…”

“Oo nga. Alam ko naman yun.” sumandal siya sa lababo.

“Yun naman pala eh… so anong problema?”

“Wala nga!” pasigaw na sabi ni kumag, medyo nagdabog din siya na siya’ng ikinabigla ko.

“Ba’t ba ang init ng ulo mo?” sinubukan ko’ng kumalma. Alam ko naman kasing walang maidudulot na maganda kung magagalit din ako sa kanya.

Sumimangot lang siya at inalis ang tingin sa akin.

“Kung may problema, pwede naman siguro nating pag-usapan.”

Tahimik lang pa rin siya.

“Hoy! Richard! Pag-usapan na natin.”

“Eh ayaw mo naman akong kausap diba?!!! Isa lang naman ang gusto mo’ng kausapin diba?!!!!” bulyaw niya.

Noon ay may biglang pumasok na rin sa CR mga kapwa rin namin participants. Bigla nalang siyang natahimik saka mabilis na lumabas. Ninais ko noong habulin at amuhin siya pero tinamaan na ako ng hiya. Ayaw ko gumawa ng eksena… at medyo kinain na rin ako ng sarili kong pride. Naisip ko kasi noon na wala naman akong ginawang masama sa kanya, kung tutuusin ay siya nga yung may kasalanan eh, sinigawan niya ako… kaya dapat siya yung humingi ng tawad sa akin. Isa pa.., baka mapahiya lang ako kung pilitin ko’ng kausapin siya.

************************

Malayo ang lipad ng utak ko noong bumalik sa mesa namin. Naglalaban kasi ang damdamin ko noong mga panahong iyon… gusto ko alamin ang totoo… kung ano ba ang bumabagabag sa kanya, at kung ano ba ang ibig sabihin niyang nagseselos siya; (personally ayaw ko kasi yung feeling na may nasasaktan ng dahil sa akin.) pero hindi ko alam kung paano. Medyo nalilito rin ako sa mga sinasabi at sinabi… at sa pinaparamdam at ipinaramdam niya sa akin.

“Ang tagal mo naman. Akala ko na flush ka na rin.” Biro ni Jude pagbalik ko sa mesa namin.

Tawanan naman ang mga kasama namin.

“Ang daming tao sa CR eh…” dahilan ko.

Marahan akong umupo sa tabi niya. Iniisip ko pa rin ang nangyari between me and kumag. Mukhang seryoso nga siya nung sabihing nagseselos siya… pero bakit? Ang labo naman… may nararamdaman na rin kaya siya sa akin? Totoo ba kaya o baka lokohan na naman? Ewan! Tsk!

Nilalamon na naman ako ng labis na pag-iisip ng biglang bumulong si Jude sa akin. “Aminin mo nga. Tumae ka ano? Kaya ka natagalan.”

“Sst… may kumakain ha!” pagsaway ko sa kanya. Medyo malakas kasi ang boses niya’t siguradong dinig ng katabi niya at katabi ko.

“Ano naman? Normal yun! lahat ng tao ginagawa yun!” pinat niya pa yung kamay ko. “Masakit ba tiyan mo? gi kalibanga(LBM) ka nu?”

“Wala uy! At hindi ko ginawa yun. hindi ako nag uhmmmmm………”

“Atik!” (Sinungaling!) Lumukot pa ang mukha niya.

“Totoo nga!”

“Paamoy nga ng kamay mo!” sigaw niya, sabay hablot sa kawawa ko’ng kamay.

Pilit ko pa’ng pinipigilan ang balak niya nun. Sobrang pagpupumiglas yung ginawa ko, nahihiya kasi ako’ng ipaamoy ang kamay ko. Hindi naman talaga ako nag jebs eh… pero hindi rin ako nag hugas ng kamay pagkatapos umihi. (Dumating nga kasi si kumag.)

Tawanan, harutan at kilitian ang nangyari sa amin ni Jude. Ayaw ko kasi noong buksan ang mga palad ko kaya pinilit niya akong kilitiin para matuloy ang balak niya. Oo.., medyo nakakahiya, since maraming tao sa venue; pero ewan ko ba… nung time na yun parang may sarili kaming mundo ni Jude.

Nasa gitna kami ng harutan noon ng basagin ni Jayson ang barrier na naghihiwalay sa amin ni Jude sa ibang tao sa venue. “Hoy! Si Mr. Destiny nakatitig sa inyo oh!” sabi niya.

Nung nilingon ko ang direskyong tinuro ng nguso niya’y tumambad nga sa paningin ko si kumag. Tulala lang siyang nakamasid sa amin. Ang lalim ng mga mata.., kasing lalim ata ng iniisip niya.

Sa sobrang pagkatulala ay hindi man lang niya namalayan na nakita ko na siya… na napagmamasdan ko na ang pagkalulong niya sa kung ano mang bumabagabag sa kanya.

Sa itsura niya’y nakaramdam ako ng awa… kahit na hindi ko naman sigurado kung totoo lahat ng sinasabi niya, the fact na sinabi niyang nagseselos siya ng dahil sa akin ay enough na para ma guilty ako. (Oo na! ang OA ko na. pero ganoon po talaga ako. Im really the emotional type, mabilis po talaga akong maapeketuhan ng kahit simpleng bagay lang sa paligid ko lalo na yung involve ako. Mabilis po akong umiyak, masaktan at sumama ang loob. Yah, I think yung emotion ko ang weakness ko… but I’m trying my best now na baguhin yun. I’m trying my best to be stronger.) Gusto ko na naman siyang lapitan at kausapin at alamin kung ano ba talaga ang bumabagabag sa kanya. Gusto ko rin magpaliwanag sa kanya… basta ang dami ko noong gustong sabihin at gawin… pero hindi ko na nagawa.., kasi nung magtama na ang mga paningin namin at ngitian ko siya’y siyang pag-iwas ng mga tingin niya sa akin na parang hindi ako kilala. Alam niyo yung tipong reaksyon ng tao pag gustong ipagsigawan sa isang tao yung galit na nararamdaman niya in a way na hindi distractive. Ganoon! Kaya hiniyaan ko nalang. Dineadma ko nalang.

“Anong nangyari doon?” si Jude. Napansin niya marahil ang pagiwas ng tingin ni kumag.

“Ewan…”

“Nag-away ba kayo?”

Nag kibit balikat lang ako. “Hindi ko alam eh. Mukhang galit ata sa akin…”

“Hala ka!!!” sabay muestra pa ng mga kamay na nananakot. “Ano na naman ba kasing ginawa mo?”

“Wala! Sira ulo ka!” yumuko ako… nag-iisip kung sasabihin ko ba kay Jude ang sinabi ni kumag na nagseselos siya.

“Hoy. Wala daw. ‘di magagalit yun kung wala kang ginawa.”

“Wala naman talaga eh…” pagpupumilit ko.

Nag pout lang yung loko na parang ipinangangalandakan na hindi siya naniniwala at gustong alamin yung tunay na nangyari.

“Okay. Okay. Akala niya kasi binalewala ko yung effort niyang mag cheer kanina.” Tuloy-tuloy ko’ng sagot.

“Huh?”

“Nasa harap pala si Richard kanina… eh hindi ko nakita…. “

“Tapos?”

“Eh…. Hindi ko siya nilapitan para makausap o magthank you siguro… dumeretso na ako sa inyo…”

“Ahhhh…. Nagseselos…” inabot niya ang kamay ko saka pinisil.

“Hindi naman siguro.” Pagde-deny ko.

“Okay. So insecure siya, kasi mas gwapo ako sa kanya….” (The exact statement of Jude.)

“Yabang mo! Kumain ka na nga lang!”

Tumawa siya, hinablot ang kamay ko saka mabilis na inamoy. “Pero tumae ka nga!!!” natutuwa niyang bulalas.

“Tsk! Kadiri ka!!!”

“Joke lang!” Nag giggle siya. “Puntahan mo na nga lang yung Koreanong hilaw! Mag sorry ka na!”

“Ayaw ko nga! Wala naman akong ginawa sa kanya, ba’t ako mag sosorry?”

Nag murmur siya na parang ginagaya ang sinabi ko. “Kaya nga nagalit kasi wala ka’ng ginawa. Naghihintay yan na may gawin ka.”

“Paano mo alam?”

“Lalake ako. Kaya alam ko’ng nagseselos yan si Mr. Destiny mo!”

“Lalake din ako ah! At hindi ko siya naiintindihan!”

“Lalake ka?!” nag pakawala siya ng isang malokong ngiti. Parang nang-aasar.

“Oo naman!”

“Mao! Sumabaga didto… lakaw…. Kulataha!” (Yun naman pala! Suntukin mo doon! Go! Gulpihin mo!)

Natahimik lang ako.

“O? Laki man kaya ka? Sumbaga na!” (O? diba lalake ka? Suntukin mo na!)

“Pag laki diay mag sumbaganay dayon? May nalang diay na bayot ko!” naiinis ko’ng tugon. (Pag lalake ba magsusuntukan agad? Buti nalang pala naging bakla ako!)

Tumawa lang si mokong.

“Walay katawanan pakol ka!” (walang nakakatawa pakol ka!) Inismiran ko siya.

“kung laki ka dili man nimo siya kusion diba? So.., sumbagon jud nimo eh….” Humagikgik ulit si mokong. (Kung lalake ka, ‘di mo naman siya kukurutin diba? So.., susuntukin mo talaga…)

“Unya unsay connect?” (Tapos anong connect?)

“Wala…. So bayot jud ka eh…” natatawa niyang sagot. (Wala…. So, bakla ka nga…)

“Ambot nimo… pakol ka!” (Ewan ko sa iyo!)

“At dahil bakla ka…, kaya mamahalin nalang kita…” sabay kabig sa ulo ko palapit sa kanya saka hinalikan ako sa noo. “At dahil mahal kita..., baby… baby ang itawag mo sakin wag pakol. Ilang beses ko ng sinabi sayo yan…”

“Kahilom diha uy!” (Manahimik ka nga diyan!)

“Bitaw! At dahil baby mo ako at yabs kita.., ayusin mo yang nguso mo’ng nakasimangot…, hahalikan ko yan!!!!” malakas niyang sabi. Dahilan para maging sentro ulit kami ng tuksuhan; dagling nag sigawan ng “Kiss! Kiss! Kiss!” ang mga kasama namin sa mesa. Napuno ng tuksuhan, mga pigil na hiyaw, tawanan ang mesa namin; dahilan para makuha rin namin ang atensyon ng ibang nanananghalian.

Sinimangutan ko lang noon si Jude (biro-biro lang) na sa tuwing tinitingnan ko ay magpapakawala ng halik sa hangin (not flying kiss… yung hahalik lang siya basta sa hangin), at kukurutin ko naman siya sa tagiliran o ‘di naman kaya’y pabiro ko siya’ng susuntukin.

“What’s that? Anong kaguluhan yan?” si Owen, na nasa table nila kumag.

“Secret!!!” chorus ng mga kasama namin sa mesa habang nagtatawanan.

“Ah ganon…” Sabat niya. Maya-maya’y tumayo na siya may kinuha sa harap ni kumag saka lumapit sa amin.

Sa harap ko’y inilapag niya ang mga petals ng pulang rosas. “Oh! Kalbo na yung bulaklak sa mesa namin ng dahil sa iyo. You love him not daw!” hirit ng nuknukan ng KULIT at pelosopo’ng si Owen.

Saglit na nagtama ang mga paningin namin ni kumag nung lumingon ako sa direksyon niya pero tulad nung una’y mabilis lang siyang umiwas.

Bilang na bilang ko ang mga talulot na iyon – 16… labing anim na petals ng rosas… at ‘he love’s me not’ nga ang magiging resulta kung sakaling gamitin yun bilang determining thingy ng feelings ng isang tao.

“Nan! Tan-awa… tagna pa ko… kagusto lagi na sa imo.” Hirit ni Jude. (Tingnan mo… sabi ko na… may gusto yan sayo.)

“Puyo!”

“Bitaw. Tan-awa siya, mag flames-flames na pud na unya. Mabuang jud na yabs, bahala ka!” (Tingnan mo siya, mag flames2x na naman yan mamaya. Mababaliw yan yabs, bahala ka!)

“Puyo lage!”

“Duuli na lage. Ingni nalang siya daan na taken naka…” (Lapitan mo na. sabihin mo nalang kasi sakanya na taken ka na…)

“Ano?’

“Yabs man teka… so taken naka!” (Yabs kita kaya taken ka na!)

“Ewan ko sayo!”

“Bahala ka eh!” sabat niya. Tapos ay nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. (Hanggang ngayon he’s always like that. Lagi’ng gusto niyang siya yung naglalagay ng pagkain sa plato ko. I don’t eat a lot.. pero lagi akong napipilitan kumain ng marami pag siya yung naglalagay ng pagkain. Masyado po siyang madrama eh. )

“Ako nalang…” pagpigil ko sa kanya. “Pagkaon nalang gud ug imuha dira…” (Kumain ka nga lang diyan.)

“Ganina pa ko sige’g kaon yabs. Patambukon ko nimo?” (Kanina pa ako kumakain yabs. Patatabain mo ba ako?)

“Oo aron Malutas ka anang pagkafeelingon nimo!” pagbibiro ko. (Oo para matigil ka diyan sa kayabangan mo.)

“Ayaw. Sayang ang abs yabs… pinaghirapan baya ni nako ha…”

“Wa man uy. Wa ma’y sayang.”

“Ay…. Hinahamon ko niya oh!” hirit niya sa mga kasama namin sa mesa. ( Ganoon po kasi ang effect ng bisaya’ng patagalog-tagalog… lalo na si Judah… may time po dati sa isang tindahan sa Manila Ocean park tinanong niya ang tindera kung may mas makapal ba daw nung bibilhin ko’ng bed sheets at kumot na anime. Instead of saying “miss may mas makapal ba kayo nito?” ang sinabi niya po ay “Miss may mas baga-baga ba kayo nito?” ang dami kasing kalokohan ng lalaking iyon. Meron rin po’ng manghihingi siya ng mainit na tubig somewhere. “Miss pwede ba makahingi ng ininit tubig?” hahaha )

“Anong hamon yan?” sabi ng isa sa mga kasama namin sa mesa.

“Wala daw akong abs…” ngumunguso-nguso pa si mokong.

“Ipakita mo nga Jude, para mapatunayan…”

Ngumisi lang siya saka binaling sa akin ang tingin saka nag tanong. “Yabs ipakita nako?”

“Puyo Jude uy. Lugiton na nako imong mata run!!!” (Tumigil ka Jude. Kukunin ko yang mata!!!) (patay! Hindi ko alam ang tagalog ng lugiton. Mga bisaya tabang!!!) Banta ko.

Tawanan ang lahat ng mga kasama namin sa mesa.

Si Jude naman ay parang hindi man lang na tinag at patuloy pa rin sa pangungulit. Merong pipilitin niya akong subuan, kakapit sa braso ko, aakbay, magpapacute, bubulong ng kung anu-ano…. Haaaayyyyyy…. Basta the usual galawang Jude. (It’s quite awkward since ang laki niyang mama.)

Madalas ko pa ring nakikita si kumag na nakatingin sa amin sa tuwing napapalingon ako sa kanya, pero ganoon lang pa rin ang reaksyon niya… sisimangot saka iiwas ng tingin.

*************************

1pm. Pagkatapos ng mahaba at nakakaantok na mga talumpati ng iba’t-ibang personalidad ay inanounce na ang mga nananalo. We were announced as 2nd runner up, not bad kasi first time yun ng school namin na makapasok sa finals. Pero siyempre masakit pa rin… last year ko na yun eh, at hindi ko pa na uwi ang championship.

Nanghihinayang man dahil hindi kami nanalo ay sinulit ko pa rin yung oras na yun para makipagkulitan sa mga kaibigan ko. Dalawang araw nalang kasi at tapos na ang buong journey namin sa contest na iyon. Totoong may ocular visit pa kaming gagawin, pero hindi naman lahat ay makakasama. Kaya masama man ang loob ko’y inisip ko nalang na yung friendship na na gain ko doon ay ang totoong premyo ko.

Tuloy-tuloy lang ang kulitan namin noon... Tawanan, tuksuhan at siyempre picture-picture! Nasa ganoon kaming pagsasaya ng biglang may humablot sa akin palayo sa umpukan. Si Richard! “Ibabalik ko rin!” matigas yung pagkakabigkas niya, na para bang galit o naiinis. Ni hindi man lang niya nilingon o tiningnan ang mga taong mukhang nabigla sa ginawa niya.

Batid ko’ng nagulantang ang karamihan sa amin, kahit nga si Jude ay hinayaan na lang na tangayin ako ni Richard. Binilinan na lamang niya ako na tumawag o mag text sa kanya kung may masamang mangyari. Pinaalala niya rin na kailangan ko humingi ng tawad kay kumag.

Nasa labas na kami ng hall nung magkalakas ako ng loob at nagawang magsalita. “Ayos ka lang?” ang tangi ko’ng nabanggit. Aaminin ko, may sumibol na takot sa puso ko noong mga panahong iyon. Sa itsura kasi ni kumag at sa reaksyon niya ay parang kasama ko na uli ang monster version niya. Pumapasok na naman sa isip ko lahat ng hindi magandang experiences ko kasama siya.

“Chard? Saan tayo pupunta?” nanginginig na ako at gusto na ring umiyak.

Wala akong nakuhang sagot. Tuloy-tuloy lang pa rin siyang naglalakad at hindi man lang ako pinapansin.

“Richard? Natatakot na ako ha…” halos walang boses ko’ng sabi. Deadma lang pa rin si kumag.

Noon ay batid ko ng papunta kami sa parking area, kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko, paulit-ulit man kasi akong magtanong sa kanya’y alam ko namang wala kong makukuhang maayos na sagot.

Tumigil siya sa harap ng isang puting kotse. May pinindot siya mula sa kanyang bulsa saka binuksan ang pinto sa passenger’s seat sa harap. Hindi iyon ang kotse ni kumag, dahil iyon ang unang beses na makita ko ang kotse’ng iyon. Hindi ko na rin matandaan kung nakita ko ba iyon sa bahay nila, basta sigurado akong hindi kanya iyon.

“Sumakay ka…” malamig niyang sabi.

“Saan ba tayo pupunta?” sagot ko’ng may bahid ng pagaalangan.

“Sumakay ka na!”

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng takot ko’y payapa niya akong napapasunod, labag man sa kalooban ko’y parang kusang gagawin ng katawan ko lahat ng iutos niya.

Noong makasakay na ako’y mabilis niyang isinara ang pinto pagkatapos ay mabilis na ring pumasok at umupo sa driver’s seat.

Saglit kaming natahimik… wariy nagpapakiramdaman. Naririnig ko pa noon ang malalim niyang paghinga, na mas lalong nagpapa-intense ng nararamdaman ko. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya’y alam ko’ng pinagmamasdan niya ako…

Ilang saglit pa’y narinig ko na ang boses niya. “Natatakot ka?”

Noon ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko, at alam ko’ng sapat na iyon para ipabatid sa kanya ang takot na nararamdaman ko noong mga oras na iyon.

“Hey…. Don’t cry…” pinahid niya ang luha’ng tumulo sa kaliwa ko’ng pisnge.

“Wag ka namang umiyak oh…”

“Boss… Tama na yan… sorry na…” inabutan niya ako ng panyo. Pero hindi ko iyon tinanggap kaya inabot nalang niya ang pisnge at mga mata ko para siya na ang mag pahid ng mga luha’ng dumadaloy dito. “Harap ka sa akin…” kinabig niya ang ulo ko paharap. “Boss…. Harap ka muna…” pakiusap niya.

Noong ibaling ko sa kanya ang aking mga paningi’ng pinalamlam ng mga luha ay siyang pagkakita ko sa nagaalala niyang mukha. Yung mga mata niya’y parang puno ng pagsisisi… wala na yung simangot niya napalitan na iyon ng lambing.

“Natatakot ka talaga sa akin?” ramdam ko’ng nasasaktan siya sa sarili niyang tanong.

“Ngayon…?” tumango ako.

“Wala naman akong masamang gagawin sa iyo eh… tahan na…” inabot niya ang kaliwa kong kamay, pinisil-pisil ito, nilapit sa kanyang mukha saka hinalikan. Labis ko’ng ikinabigla ang ginawa niya, kaya mabilis ko’ng binawi ang kamay kong hawak niya.

“Balik na tayo sa loob Chard…” medyo nanginginig na rin ako noon.

“Natatakot ka ba talaga?” buntong hininga. “Wala naman akong gagawing masama eh… hindi kita sasaktan…”

Tinitigan ko lang siya.

“Naniniwala ka ba talagang kaya kitang saktan?”

“Hindi ko alam…” tugon ko.

“hmmm…” huminga siya ng malalim. “Okay…. Babalik na naman ito sa mga nagawa ko dati eh… hindi ko naman yun sinasadya boss… nagkataon lang na naiinis ako… at tulad ngayon puno ng selos ang puso ko…. nagseselos ako….”

Nakatanga lang ako.

“Boss… Hindi ba kita napasaya noong mga nagdaang araw? Hindi mo na ba talaga kayang ibalik ang tiwala mo sa akin?” ramdam ko ang lungkot niya. “Boss… hindi ko lang talaga mapigilang magselos…”

“Hindi ko kasi maintindihan kung bakit… hindi ko maintindihan kasi iba yung sinasabi mo ngayon sa mga sinabi mo noon… iba yung alam ng utak ko sa ipinaparamdam mo…. ang ironic Chard… nakakalito…”

Muli kong narinig ang malalim niyang paghinga. “Sama ka sa akin. Promise babalik rin tayo agad.”

“Saan ba tayo pupunta?”

Nag kibitbalikat lang siya. “Mag-uusap?’

“Pwede naman dito diba? Mag-usap nalang tayo dito.”

“Boss… magtiwala ka naman sa akin oh… promise ibabalik kita…”

Naisip ko’ng magandang chance yun para malinawan sa lahat din ng gumugulo sa isip ko, kaya pumayag na rin ako.

Bago kami umalis ay kinuha niya ang isang maliit box sa back seat ng sasakyan, tapos ay inabot ito sa akin. Noong buksan ko’y tumambad sa akin ang isang cupcake… may nakatusok doo’ng toothpick na mag nakadikit na card saying ‘Congratulations Boss!’…

“Thanks…” sabi ko noong makita ang laman ng box. Naguguluha pero sobrang touch ako sa effort niya.

“Ang galing niyo kanina… ang galing mo…” inabot niya ulit ang kamay ko.

“eh… hindi naman kami nanalo…”

“Kahit na. You’re still the best!” naramdaman ko ang mas mahigpit na hawak niya sa kamay ko. “Sa akin the best ka! Sapat ka!” ngumiti siya.

“Salamat…” nginitian ko din siya.

************************

Matapos makapagpark ng maayos ay agad kaming bumaba sa sasakyan. Nasa isang park kami noon. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng park na iyon (that was the first and the last time na nakapunta ako doon) all I know is nasa Makati pa rin kami, since hindi naman ganoon kalayo at katagal ang biniyahe namin.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko noong papasok na kami sa park. Marahil ay alam na niyang aalisin ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kaya bago pa man ako umaksyon ay hinigpitan na niya ang pagkakagapos dito.

“Maraming tao… hindi ka ba nahihiya?” bulong ko.

“Actually…, nahihiya…” nginitian niya ako. “Pero pakialam ba nila? eh… dito ako masaya eh…” marahan niyang inangat ang magkahawak naming mga kamay saka isa-isang isinuksok sa bawat pagitan ng mga daliri ko ang mga daliri niya.

Tahimik… sa loob ko’y may sumibol na tuwa dahil sa mga salitang binigkas niya. Nakakapagtaka at nakakapanibago pero nakakatuwa… nakakagaan ng loob dahil kahit papano’y may natatanaw na akong linaw…

“Alam mo ba? Favorite place namin ito ni kaye…” masaya niyang simula.

“Talaga?”

“Uhm uhm… dito ko siya unang tinanong kung pwede ko siyang ligawan… dito din niya ako sinagot…” masayang pagbabalik tanaw ni kumag.

“Kaya ba dito mo gusto makipagusap?”

“Ahmmm… siguro…” nakangisi pa rin siya.

“Anong siguro?”

“Well… the truth is…” saglit kaming tumigil sa paglalakad, saka niya ako tinitigan… “I just wanted a ‘you and me’ time…”

“Huh?”

“Gusto lang kitang ma solo!” pagkaklaro niya.

“Ewan ko sayo…” naiilang ko’ng tugon. “Tara doon… bilis…. Baka maunahan tayo….” mabilis akong tumakbo papunta sa isang bakanteng upuan. Noong makaupo na ako’y agad ko’ng tinanaw si kumag… nakangiti siya, habang marahang humahakbang palapit sa kinaroroonan ko. Naiimagine ko noon na siya si Yukito isa sa mga anime crush ko (from cardcaptor sakura) especially pag tinatamaan ng sinag ng araw ang mukha niya.

That time sobrang strange ng pakiramdam ko; alam ko kaunti’ng pa sweet pa ni kumag ay bibigay na ako. Ma dedecode na niya yung secret message ko…. mabilis ko’ng kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Jude, ‘kring…. Kring… kring…’ ilang saglit pa’y narinig ko na ang pag hello niya, pero noong sasagot na ako’y siya namang pag hablot ni kumag sa hawak ko’ng cellphone.

Hindi na ako nakapagreact dahil agad niyang tinutok ang phone sa tenga niya saka malakas na kinausap ang tao sa kabilang linya. “Hey Bro. Relax! Nothing bad happened. He’s safe with me. Bye!” saka pinatay ang phone ko at sinuksok sa bulsa niya.

“Akin na yung phone ko. I need to call someone…” utos ko.

“Hindi pwede…”

“Huh?”

“Si Jude lang naman ang tatawagan mo eh…”

“Si Jude nga. Yung bag ko kasi naiwan baka umuwi sila at makalimutang bitbitin ang bag ko…”

“Alam na nila yun. Hindi mo na kailangang tawagan.”

“Ano ba? Wag mo sabihing nagseselos ka na naman? Iuutos ko lang na dalhin yung bag ko.”

“Boss… you and me time nga diba?”

“Saglit lang naman eh…. Text nalang….”

Bumuntong hininga siya.

“Okay si ate angel nalang text ko lang…” he handed me my phone, saka umiwas ng tingin. Mabilis akong nag text kay Ate Angel para ipakisuyo ang bag ko’ng naiwan sa hall. Saka ko ibinalik ang phone kay kumag.

“Oh… tapos na…” habang inaabot ang phone ko, na agad din naman niyang tinanggap.

“Boss… look… I had given him an ample time to be with you. Kanina pa ako naiinis! Selos na selos na ako! Pero hindi ko kayo nilapitan, I never disturbed you… because I wanted to respect his time!” tinitigan niya ako. “Boss… time ko ito eh… sana ako lang …”

Pareho kaming natahimik. Halatang pareho kaming nailang sa tinuran niya. noon ay nais ko ng alamin sa kanya kung bakit siya nagseselos at kung gusto nga ba niya ako.., pero naunahan na naman ako ng hiya… natatakot din akong baka maulit lang nung unang mag tapat ako sa kanya ng tunay ko’ng nararamdaman… baka mapahiya lang uli ako…

Matagal tagal din kaming nakaupo noon… maingay ang paligid pero pareho kaming binabalot ng katahimikan. Ramdam ko ang bawat paghinga niya at alam ko rin kung kailan nakatuon sa akin ang mga tingin niya. Batid ko ring nais niyang basagin ang katahimikan naming dalawa pero mukhang wala rin siyang maisip na sabihin o gawin, halata kasi na nag-iisip siya at kung minsa’y nakikita ko siyang parang may nais sabihin sa akin pero parang laging umuurong ang dila niya’t hindi makapagsalita.

Huminga ako ng malalim… actually noon ay gusto ko ng magpaalam sa kanya na babalik na sa hotel, pero hindi ko rin mahanap ang tamang salita para gawin yun ng hindi siya ma-oofend. Kaya sinubukan ko nalang ito…. “Wala ka na ba’ng gusto’ng puntahan?”

Umiling lang siya. “Ikaw?”

“Wala rin… ikaw naman ang nagdala sa akin dito eh…”

Nakita ko siyang ngumiti. “Kahit saan naman ako pumunta okay lang eh… gusto lang talaga kita makasama…”

Dineadma ko nalang siya ulit, pero sa loob ko’y di ko mapigilang hindi kiligin.

“Naiinis ka na ba sa akin?’ simula niya ulit.

“Hindi… naninibago lang siguro…”

“Naninibago kasi mas vocal na ako ngayon…. Dati kasi sa galit lang at pananakit ko na-iexpress ang nararamdaman ko…” nagbigay siya ng isang pilit na ngiti.

“Ahhhmmmm… chard… na… aapreciate ko naman ang mga sweet gestures mo… hindi naman ako nagrereklamo…. Nakakailang Oo… pero…. Gusto ko…. kaya lang chard…………….” Nakatitig siya sa akin, malaki ang ngiti. “Chard….. I just want to remind you na….. hindi ako…… ahmmm…. Hindi ako si Kaye…. At kahit kailan… kahit anong gawin ko hindi ako magiging si kaye…”

Medyo lumukot ang mukha niya… mukhang nagtataka sa mga sinabi ko.

“Sinabi mo noon na…. naaalala mo sa akin si Kaye…. Alam ko na mahal mo siya at importante siya sa iyo… pati nga ata sa kapatid mo at sa mga kaibigan mo special si Kaye… Nasaktan ka, at alam ko nasasaktan ka pa rin sa pagkawala niya at nauunawaan ko iyon Chard….”

“Boss…”

“Chard….” Pinigil ko ang pagsingit niya. “Masaya ako sa lahat ng pinapakita mo at gusto ko mag thank you kasi pinaparamdam mo na special ako…. Pero hindi ako si Kaye…. At kung ginagawa mo ito dahil sa mga ala-ala niya… itigil mo na…”

Gusto ko pa sana’ng sabihin na itigil na niya kasi naniniwala na ako… at natatakot akong mahulog kung hindi naman pala para sa akin lahat ng sweet gestures niya. Kung hindi naman pala talaga ako at yung ala-ala na nakikita lamang niya sa akin ang gusto niya. Isa pa, paano kung parte pa rin iyon ng mga plano niya… paano kung sasaktan niya lang ako uli.

“Boss…” hinawakan niya ang kamay ko. “Hindi… hindi… mali ka…” ramdam ko ang paghimas ng thumb niya sa kamay ko, paikot-ikot ito na parang pinapakalma ang magulo ko’ng isip. “Boss… I won’t lie, masakit kasi I love her so much… sobrang mahal ko siya… pero, wala na siya Boss. At alam ko yun! If you think na nagbubulagbulagan ako.., Mali ka! Gising ako boss… ginising mo ako! Hindi ako nandito because I miss her… Im here to spend time with you… ikaw mismo!” iniharap niya ang mukha ko sa kanya. “Not her memories… not our love story… not my pain... ikaw! Ikaw boss! I want to be with you…”

“Chard hindi ko talaga maintindihan eh…” ang totoo’y magtatalo lang ang isip ko… batid ko naman talaga ang nais niyang sabihin eh, pero sa roller coaster ride na pinagdaanan ko sa kanya? Mahirap ng mag assume…. Gusto ko marinig mismo sa kanya kung tama ba ang iniisip ko… kung iisa ang nasa isip namin… pero nahihiya akong mag tanong… natatakot na baka iba ang pinupunto niya sa inaasahan ko.

“Boss… I brought you here kasi I believe in this place malakas ako. Dito unti-unti nabuo ang mundo ko… when kaye gave me her yes? I feel like the luckiest person. And this place witnessed that moment. Feeling ko, dito lahat magagawa ko… dito everything will fell the way I wanted it to be…” ibinaling niya ang mga tingin sa kawalan. “But now… nalaman ko how stupid I am, para paabutin ‘to sa ganito… natatakot ako na hindi ko makuha ang tiwala mo… natatakot ako na baka layuan mo uli ako dahil sa pagkalito mo… dahil sa kagaguhan ko…”

“Chard…”

“Boss… pinipigilan ko naman ang sarili ko eh… trust me... I tried my best para pigilan pero hindi ko na kaya! Pasensya kung nakakainis na yung pagseselos ko, pero yun yun boss eh! Nagseselos ako at nasasaktan ako kapag may iba ka’ng kasama!”

“Yun nga yung hindi ko maintindihan Chard. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagseselos at kung bakit ka nasasaktan?”

“Nagseselos ka rin naman kay Nichole diba?” bulong niya.

“Eh… alam mo naman ang rason ko eh…” mumble ko.

“Hindi mo pa ba alam ang rason ko?”

Tahimik…

“Okay boss.” Hinawakan niya uli ang kamay ko’t pinatong sa lap niya. “I don’t have a lot of friends growing up. Palipat-lipat kasi kami ng bahay, Africa… US… Vietnam… kahit dito sa Pinas palipat-lipat pa rin… maliban sa hindi ako ganoon kagaling sa pakikipagkaibigan, matagal ko na rin yung tinigil… bata pa ako… iiwan ko rin kasi… tapos magsisimula ng panibago…. iiwan… magsisimula… nakakapagod… that’s the reason why I was so possessive with the people I love. Lahat ng mahal ko ayaw ko mawala… ganoon din ako ka attach sa kanila.”

“Kaya pala… hindi mo na kinakausap sila Frank?” pagputol ko sa litanya niya.

“I almost lost you because of them!” hirit niya.

“Because of them?”

“Tsk!” inalis uli niya ang tingin sa akin. “How did you know?”

“Nag usap kami… sa fb…”

“You shouldn’t be talking to that guy!”

“Nag apologize lang siya.”

“Tsk! Kahit na!”

“Pero kaibigan mo siya…”

“Pero gusto ka niya!”

“Ano?! Chard hindi…. Nag sorry lang yung tao sa nangyari… hindi niya ako gusto…”

“Mas kilala ko siya! Gusto ka niya!”

“Hindi nga…”

“He told me already! He likes you! Pero tarantado yun paglalaruan ka lang nun!”

“Chard…”

“Boss… aagawin ka niya sa akin Boss….”

“Ano?” sobra akong nabigla sa binulalas ni kumag. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun.

Tahimik…

“Chard? Ano yun?” simula ko.

Tahimik lang pa rin siya.

Nakayuko lang noon si kumag at mukhang wala ng balak mag salita kaya tumayo na ako’t inaya na siyang umuwi. Pero noong palakad na ako’y saka siya nag salita muli.

“Boss… I like you!” napatigil ako noong marinig ang boses niya.

“Ano?”

“I like you… feeling ko nga Mahal na kita eh…” mas lumalalim ang paghinga niya, halatang kinakabahan.

“Chard… bakla ako…” inunahan ko na siya. Yun naman kasi yung rason niya dati kaya hindi kami pwede.

“Boss... lalake ako... may problema ba doon?” ngumiti siya.

Sobra akong kinakabahan nung mga oras na iyon. Yun na yung hinihintay ko’ng sabihin niya eh… na gusto rin niya ako…. Na mahal niya ako….

“Boss… natatakot ako mahusgahan… natatakot akong pagtawanan… natatakot akong hamakin… pero mas natatakot akong mawala ka pa…”

“Chard…”

“Boss… I love you boss…”

“Uwi na tayo chard…” nasabi ko, marahil dahil sa sobrang kaba… pero ang loob ko noo’y nagwawala na… tumatumbling… nag fifiesta…

“Boss… manliligaw ako! Sa ayaw at sa gusto mo manliligaw ako!” pagpigil niya sa akin.

“Talaga?”

“Uhm uhm…” tumango-tango siya. “Handa ako’ng paghirapan ka…”

To be continued…

***********************

Hanggang dito na lang ang kinaya ng powers ko eh…. I know bitin to…. Pero gusto na matulog ng mga mata ko eh… sorry po…

Just a clarification… according to Jude ay 6’1’’ lang siya…. hehehe ang OA lang pala nung 6’4’’ to 6’6’’ na sinabi ko…. (nabasa niya yung mga natapos ko’ng parts siyempre yung soft copy sa laptop ko… hindi ko na binanggit to’ng site…. Hehehehe) sabi ko naman mahina ako sa sizes eh….

BFY…. I don’t have other accounts po…. I have a FB, an IG at Twitter (Hindi ginagamit) may youtube account din, Gmail, and the other email na pinangsesend ko ng story dito sa site. The vid was posted on my timeline… they’ve seen it kasi probably they know me…. and I think Lala is my officemate’s friend…. (not sure) he/she doesn’t reply pag nagtatanong ako. Hehe

Sino nakabasa ng little mix’s tape too? Ahhhhhhhhhhhhh…………… iyak ako ng iyak eh…. Kakainis…. Pero paulit-ulit ko’ng binasa…. Kaloka…. Kakabwisit pero mahal ko parin si Prince Zee… ang sakit lang sa dibdib sobra…. Ako si Dex eh…. Ganong ganon…. Parang flash back lang din ng pinagdaanan ko… hahahaha ewan…. Basta tuloy ko nalang to…. Whhhhooooo…………… (if ‘di mo pa nababasa….paki basa na…. para tabla-tabla…. Alangan namang ako lang ang masaktan? Magkakapatid tayo…kaya dapat pantay pantay….)

Mahal ko kayo…. Sobra….

Try ko mag sulat ng mas mahaba next time…. Mwah…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Sigaw ng Pugad Lawin (Part 19)
Sigaw ng Pugad Lawin (Part 19)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s320/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s72-c/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/01/sigaw-ng-pugad-lawin-part-19.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/01/sigaw-ng-pugad-lawin-part-19.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content