By: Mhei Isa po itong adaptation ng manga series na sinubaybayan ko. Na-hook ako sa stories kaya nag-come-up ako sa pagsulat at pagsalin mul...
By: Mhei
Isa po itong adaptation ng manga series na sinubaybayan ko. Na-hook ako sa stories kaya nag-come-up ako sa pagsulat at pagsalin mula sa comics. Kung hindi kayo sang-ayon sa paglathala at ipagpatuloy ang ang kwentong ito, maaari ninyo ikomento. Maraming salamat...
Yuki’s POV
Isa akong tulak. Tama, lason ako sa bayang ito. Wala eh, kelangan kumapit sa patalim dahil ito lamang ang alam kong paraan para mabuhay. Ako si Yuki at ito ang buhay ko…
“Bwesit. Babaratin pa tayo ng taong iyon. Buti na lang natakot sa laki ng katawan ko.”, si Kent sabay unat ng braso para mpakita ang namumuong muscle. Kahit nakasalamin ay kinatatakutan pa rin sya dahil sa kanyang tangkad at tamang laki ng pangangatawan.
“Hahaha, Oo nga. May pambayad na tayo sa upa at para sa pagkain ntin.”
Kahit tulak kami di namin tinangkang gumamit. Ano kami? Sira. Nangangailangan lang kami ng pera para mabuhay
“Tayo na sa hospital, baka hinahanap na tayo ni Jun.” Pag-aya ko kay Kent.
“Sige, pre.”
Kent’s POV
Tatlong taon na naming gingawa ito ni Yuki. Si Yuki na may balingkinitang katawan at may maputlang kulay na balat. Sa liit ng pangangatawan ay siyang kabaliktaran sa laki ng katapangan. Siguro, dahil sa mga pinagdaanan nilang magkapatid.
Ako ang nag-impluwensya sa kanya para gawin ito. Naghanap naman kami ng matinong trabaho kaso mailap tlaga sa amin ang pera lalo na sa aming walang pinag-aralan. Wala eh. Pareho kaming ulila at tanging sarili nmin ang aming maasahan.
Sa hospital..
“Kuya…” si Jun na nakahiga pa rin sa kama. Pinaliit na Yuki. Sabi nila nagmana daw sila sa kanilang ina. May malubhang karamdaman si Jun na kailangang mai-confine sa hospital. “…namis ko po kayo. Buti, nandito na po kayo. Sabi ni Miss Nurse bumubuti n daw kalagayan ko.”
“Buti naman” si Yuki hawak ang pisngi ng Jun. Halata sa kanila ang labis na pagka-miss sa isa’t-isa. Nakita ko na naman ang ngiti nila na nagpapasaya sa akin. Nagpapagaan sa aking kalooban. “Eto, may binili ulit akong libro para naman may bago kang babasahin pag wala kami.”
“Kuya, sana hindi na kayo nag-abala pa. Ok pa naman yung libro na binabasa ko eh.”
“Ano ka bang bata ka? Tatlong beses mo nang nabasa yung huling libro na binili ko sa iyo.”
Natahimik si Jun. Parang may malalim na iniisip.
“Eh kasi, Kuya, nag-alala kasi ako baka nahihirapan na kayo ni Kuya Kent para bayaran lahat ng nagagastos para sa akin.”
Nagulat ako sa tinuran ni Jun. Kahit yata si Yuki ay ganun rin ang reaksyon.
“Hindi ba sabi ko sa iyo kami na bahala.” Kalmang sinabi ni Yuki habang ginugulo ni Yuki buhok ni Jun. Para siguro pakalmahin ang nkakabatang kapatid.
“Huwag kang mag-alala. Yakang-yaka yan ni kuya.” Pag suporta ko kay Yuki. “Ang ispin mo magpalakas ka para magkasama na tayo sa bahay. Ha? Ok ba yun”
“Opo kuya.” Sagot ni Jun sabay ngiti na pumawi lahat ng aming pag-alinlangan.
Paglabas naming ng hospital…
“Pre, di ko akalain na masasabi yun ni Jun” Pagbasag ko sa katahimikan ni Yuki.
“Lumalaki na si bunso. Nagkakaisip na sya kaya naiintindihan ko mga pag-alala niya.”
“Pre tutuloy ka parin ba kay Mr. Salvador?” Pag-iiba ko ng usapan.
“Oo, pre. Sabado ngayon kaya mauna ka na sa bahay.”
“Pre, hindi ba pwede takasan obligasyon mo na yun. Sunud-sunuran ka na lang sa mga kagustuhan ng taong yun. Pwede naman tayo humanap ng ibang paraan.”
“Huwag kang mag-alala, pre. Para naman ito kay Jun, eh. Atsaka kayang kaya ko naman mga pinpagawa nya. Nakaka-boring nga lang.”
Nakarating na kami sa kanto na paghihiwalayan naming ng daan.
“Sige, pre.” Pamamaalam ni Yuki sa kin sabay pag-apir at pagtapik sa aking balikat.
“Sige, pre. Mamaya na lang sa bahay.” Na siyang pagtalikod naming sa isa’t-isa.
“Kent!” Napalingon ako sa pagtawag niya. “Salamat sa lahat ng mga naitulong mo sa aming magkapatid”
Nakita ko ulit ang ngiti ni Yuki na sa umpisa pa lang ay iba na ang dating sa akin.
--oOo--
Sa apartment namin…
“Kent…” rinig ko ang matining na boses ni Sofia na tumawag sa akin. Hindi ko nilingunan at deretso sa paglalakad dahil si Yuki pa rin ang nasa isip ko. “Kent, may makakain ka na ba?”
“Ok lang ako.” Walang gana sagot sa kanya at tuloy pa rin ako sa paglakad patungo sa pinto ng apartment na hindi sya nililingon.
“Nasaan si Yuki?” Walang akong sagot. “Hoy, kinakausap kaya kita.”
Hindi ko na marinig ang sumunod na sinasabi ni Sofia dahil naisara ko na ang pinto. Umupo ako sa sofa at nakatulala sa kisame. Pinupuno larawan ni Yuki ang aking isipan.
Mahalaga ka sa kin Yuki at ayaw kitang mawala.
Yuki’s POV
Papasok na ko sa opisina ni Mr. Salvador. Nakita ko sya nakaupo sa kanyang desk at may kausap sa telepono.
“Gawin mo kung anong gusto mo.” Pasigaw niyang sinabi at bigla niyang nilayo ang telopono sa kanyang tenga. Parang putok ng baril ang ingay mula sa telepono. Sa lakas ay narinig ko galing sa kinatatayuan ko.
“Tatang!” Tawag ko sa kanya. Doon pa lang niya ko napansin at ibinaba ang telepono.
Itutuloy
COMMENTS