$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Boss at ang Driver (Part 10)

By: Asyong Bayawak Kanina pa siya paikot-ikot ng campus at ng mga karatig bayan. Nakabalik na nga siya mula Victoria at Bae, hindi pa ri...

By: Asyong Bayawak

Kanina pa siya paikot-ikot ng campus at ng mga karatig bayan. Nakabalik na nga siya mula Victoria at Bae, hindi pa rin niya alam ang gagawin. Humina na ang patak ng ulan, baka pwedeng mag-jogging na lang kaysa mag-drive.

Nitong mga nakaraang araw, wala siyang ibang alam na gawin kundi mag-aksaya ng gas.

Hindi sumama si Rusty sa Boracay. Kaninang umaga, dapat ay sasama siya kay Jace para magdeliver daw ng mga libro, pero mas pinili niyang i-cancel ito at sumama nalang kay Manuel sa beach. Pagkapaligo ay inihanda na ang backpack, at saka dumeretso sa bahay ni Manuel. Wala siyang ganang gumawa ng kahit na ano, pero di hamak na mas exciting na mag-beach kaysa magdeliver ng mga libro.

Ipinarada niya ang sasakyan sa bahay ng lalaki. Kakatok sana siya sa pinto nang mapansing hindi ito naka-lock. Tumawag siya, subalit walang sumasagot. Dumeretso siya sa likod-bahay, dahil nadoon ang pool, at doon madalas nagbababad ang mga bisita. Hindi nga siya nagkamali. May limang lalaki sa damuhan sa tabi ng pool. Si Manuel; ang mga gym instructors na sina Jeff at Andy; si Michael, ang Chinese na nag-wo-workout sa gym; at isang blonde na lalaki. Nag-o-orgy sila. Mula sa kusina ay hindi siya kita ng mga ito. Tumalikod si Rusty at bumalik sa sasakyan.

Sex na naman. Walang ibang alam gawin ang mga ito kundi sex. Wala na bang iba? Kung dati, siguro’y naghubad na siya para makigulo; pero ngayon, ewan ba niya, parang gusto nalang niya sumigaw.

‘Putangina!!!’ sigaw niya makalabas ng bahay.

Napansin niya ang isang matandang babae na napatigil at takot na nakatingin sa kanya. Dali-dali siyang sumakay ng FJ Cruiser at humarurot paalis.

“Bakit?” Ito ang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang utak. Ganito na lamang ba ang buhay? Puro tanong at walang kasagutan? Tumatakbo na hindi alam kung saan ang patutunguhan? Wala nang ibang pakiramdam sa puso kundi kawalan. Isang black hole na kumakain ng liwanag ng mga bituin. Isang tiyan na walang kabusugan. Isang walang-hanggang pagdadalamhati. Kung akala ng mga tao, masaya siya, nagkakamali sila. Hindi niya ito gusto. Hindi niya gusto kung anong kinahinatnan ng kanyang buhay. Pero hindi niya alam ang gagawin—kung papaanong magsisimulang muli.

Ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Baka sakaling mabangga niya ang kasagutan.

Binabagtas niya ang Grove nang mapansing tumawid si Gabe ng kalsada. Sa pagmamadali nito ay hindi siya napansin kahit halos sampung talampakan lamang ang kanilang pagitan.

Si Gabe.

Matutulungan siya nito!

Kailangan niyang makipag-usap nang masinsinan sa dating kasintahan. Kailangan niyang humingi ng tawad at humingi ng isa pang pagkakataon para manumbalik ang kanilang pagkakaibigan. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dito, pero ito na lamang ang natitira niyang kaibigan. Sa lahat ng iba ay hindi na siya nagpaparamdam. Si Gabe nalang yata sa mga dating kakilala ang nakakaalam na buhay pa siya.

Kailangan niyang makausap si Gabe.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi at dali-daling sinundan ang dating kasintahan. Kahit wala na ito sa paningin ay alam niya kung saan ito papunta.

Sa coffee shop.

---

Abut-abot ang kaba ni Gabe habang patakbong naglalakad. Anim na buwan. Anim na buwan na silang hindi nagkikita; pero sa kanyang pakiramdam, anim na taon na ang lumilipas. Sa pagkakataong ito, hindi niya iniisip na kakayanin pa niyang hindi muling makita ang boyfriend. Kapag may biglang nangyari kay Daniel at naudlot ang kanilang pagtatagpo, baka kung anong maisip niyang gawin. Dami pa namang tulay dito sa campus.

Napangiwi siya sa iniisip. Hindi niya gagawing magpakamatay para sa lalaki… pero… parang sasabog ang kanyang dibdib kapag hindi niya nailabas ang nararamdaman.

Napako siya sa kinatatayuan.

Nagkamali yata siya ng napuntahan. Tiningnan ang magkabilang tabi ng eskinita: bahay ni Aling Lorna sa kaliwa, bahay ni Aling Nena sa kanan. Pero sa harap niya ay puno ng mga nagtataaasang mga halaman na nakalagay sa malalaking paso—natatakpan ang coffee shop sa likuran. Sumasayaw ang mga ito sa hampas ng hangin. Tumutulo ang tubig mula sa mga talulot at dahon. Lalo siyang natulala nang may lumabas sa gitna ng halamanan na ang isang…

Bumulalas ang tawa mula sa kanyang bibig nang maaninag si Totoro. Hindi niya mapigilan ang sarili sa katatawa habang pinagmamasdan ang mascot na isa sa mga pinaka-sikat na karakter ni Hayao Miyazaki. Biglang nabuhay ang Christmas lights mula sa walkway na dinaanan ni Totoro, at doon nanaaninag ni Gabe, sa di kalayuan, ang pintuan ng coffee shop. Pinahid niya ang isang patak ng luha sa kanyang pisngi at nagpatuloy sa paglalakad. (Niyapos niya si Totoro nang madaanan ito). Mula kung saan sa loob ng “kakahuyan” ay maririnig ang tugtog ng piano, theme song ng Spirited Away.

Bigla na namang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib.

Sa kanyang kinatatayuan ay kitang wala na ang mga mesa’t upuan ng restaurant. May chandelier na sa ceiling, at mga halaman na nakasabit sa mga pader. Maliwanag ang kapaligiran na animo’y ballroom ng isang palasyo.

At sa kabila ng salaming puntuan,nakatayo ang isang gwapong-gwapong lalaki na nakasuot ng dark gray na pantalon, puting panloob, at powder-pink na coat. Sa kanang kamay ay may hawak na isang pulang rosas. May ngiti sa mga labi; mga matang puno ng pangungulila.

Tila hinigop palabas lahat ng hininga niya sa baga. May mga kamay na pumiga sa kanyang puso. May humugot ng kanyang balun-balunan, itinapon ito sa sahig, at saka inapak-apakan. Wala nang nagawa si Gabe nang pumatak na ang kanyang mga luha habang binubuksan ang pinto. Walang salitang lumabas mula sa kanyang bibig nang lapitan ang kasintahan at yakapin ito nang mahigpit. Binalot si Gabe ng mga braso si Daniel, ng agos ng pagmamahal. ‘Sorry.’ Pauli-ulit na bigkas ni Gabe sa gitna ng mga hikbi.

Matagal bago siya nahimasmasan. Matagal bago siya tumigil kaiiyak. At nang maka-hinga-hinga na, naglabasan na ang mga karakter ni Miyazaki para ihanda ang kanilang mesa’t hapunan. Gusto niyang magpaliwanang kay Daniel, pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng isang dampi ng halik sa labi, at sinabihang mag-enjoy muna ngayong gabi. Tumango si Gabe at umupo sa silyang dinala ni Haku. Mga serbidora nila sina Kiki at Chihiro.

Nang mapansin ang saili sa salamin, na-realize niya kung bakit ipinagpilitan ni Jace na gray ang t-shirt niya pagkuha ng exam. Swerte daw ito. Iyon pala, para karakter niya si Sophie, at si Dan naman si Howl.

Kaya pala pinag-holiday sila ni Marie. Para dito. Para sa kanya.

Pinahid ni Daniel ang nangingilid na naman niyang mga luha.

Walang kasing saya si Gabe habang ibinabahagi sa kasintahan ang lahat ng mga napagdaanan. Mula sa pagta-travel, pakikisalamuha sa iba’t ibang mga tao, sa pagdating niya sa Los Banos, sa pagkakaroon ng best friend sa wakas, sa pagre-review, sa pagdating ni Rusty, sa pagkuha ng exam, sa pagka-miss niya sa kasintahan araw-araw. Sa pagdarasal na sana’y bumilis na ang mga sandali para magkita na silang muli.

Masarap ang mga pagkain. Pero mas masarap ang kumakain kasama ang taong mahal mo. Yung kumakain kang alam mo na hindi ka na mag-iisa kailan man. Yung alam mong may makakasama kang kumain habang buhay. Yung yayakap sa ‘yo kapag darating kang pagod sa bahay. Yung taong katabi mo sa pagtulog at sa pag-gising sa bawat umaga.

---

Eto na naman…

Eto na naman…

Umiikot ang kanyang paningin. Biglang napaupo mula sa pagkakahiga sa sahig. Duwal siya ng duwal kahit wala nang ilabas ang kanyang bibig. Naubos na kanina pa ang laman ng bituka. Basa ng suka ang kanyang damit. Basa ng suka ang carpet. Sa coffee table ay nagtumbahan ang mga bote ng alak at beer.

‘Putanginaaaaa!’ sigaw ni Rusty sa sala. ‘Ayoko na!!!’

Muli na namang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Dahan-dahang tumayo at saka tinungo ang banyo. Binuksan ang malamig na shower; pinaliguan ang nakadamit pang katawan. Ito na ang pinaka-kinatatakutan niyang araw. Dumating na. Ang araw na wala nang matitira sa kanya kahit sino. Ilalayo na ni Daniel si Gabe. Wala na siyang matitirang kaibigan. Naitapon na niyang lahat. Kahit buhay niya, naitapon na rin.

Isinandal niya ang noo sa dingding. Tumatama ang tubig sa kanyang likuran. ‘Gusto ko nang mamatay.’

Hubo’t hubad na lumabas ng banyo ang lalaki. Inilaglag sa sahig ang towel na pinangtuyo ng buhok at katawan. Mula sa kabinet ay kumuha ng shorts at t-shirt. Matapos makapagbihis ay pasuray-suray na naglakad papuntang garahe.

Shit.

Wala ang sasakyan. Nasaan…

Naiwan nga pala niya sa Grove. Kailangan niya ng sasakyan. Papaano niya ibababngga ang sarili sa malaking puno kung walang sasakyan? Kailangan niya ng sasakyan.

Walang suot sa paa, lumabas si Rusty ng bahay at naglakad patungo sa labas ng campus, di alintana ang malakas na buhos ng ulan.

Lakad. Dere-deretso lang. Isang hakbang, dalawang hakwang, lakad, lakad, lakad.

Natanaw niya ang sasakyan. Kaht ito ay mukhang malungkot.

Napatigil siya.

Magso-sorry muna siya kay Gabe. Tama. Gagawa muna siya ng isang bagay na mabuti bago magpatiwakal. Baka sakaling—hindi, sa impyerno ang bagsak ng lahat ng nagpapakamatay. Pero kahit na. Magso-sorry lang siya kay Gabe, tapos pwede na siyang mawala.

Sa halip na dumeretso sa sasakyan ay kumanan si Rusty at tinungo ang apartment ni Gabe.

Madilim. Walang ilaw mula sa loob.

‘Gaaaabe!’ sigaw ni Rusty, pero mas malakas ang bagsak ng ulan sa bubungan. Kinalampag ang pintuan. Walang sagot. Walang nakakarinig sa kanya. ‘Gabe, shorry!’

Nakatungo siya at nanginginig sa lamig.

Wala na siyang magagawa. Pumunta siya para mag-sorry, kahit wala namang kinahinatnan.

Pagtalikod niya ay napaharap siya sa apartment ni Jace. Isa pang taong nagawan niya ng kasalanan. Hihingi din siya ng tawad dito.

‘Jace!’ sigaw ni Rusty sa harapan ng apartment ng lalaki, pero mas malakas ang buhos ng ulan sa kalsada. Walang nakakarinig sa kanya. Siya nalang yata ang natitirang tao sa mundo. ‘Jace—’

Kinain ng kulog at kidlat ang mga kataga ni Rusty. Sa biglang liwanag ay may nakita siyang makinang sa pintuan. Hinawakan niya ito. Susi. Bumukas ang pintuan matapos niyang ipaling ang susi.

‘Jace?’ pagtawag ni Rusty. ‘Tao po?’

Madilim ang bahay. Kinapa niya ang dingding at natagpuan ang switch ng ilaw. Nagliwanag ang apartment.

‘Jace?’

Walang tao.

Naiihi si Rusty kaya’t pumunta siya ng banyo. Pagkatapos ay nakaramdam naman ng gutom, kaya’t binuksan ang ref. Patay ang ref, pero malamig pa ang loob. Walang pagkain, tubig lang. Sa mesa, may nakapatong na Tupperware na may lamang chocolate cereal, at ito ang pinapak nya. Matapos makakain at makainom ng tubig ay nakaramdam siya ng pagka-antok. Siguro’y matutulog muna siya bago puntahan ang sasakyan. Sandali lang. Pampatanggal lang ng hilo. Tinanggal niya ang mga saplot sa katawan dahil bawal matulog ng basa ang damit. Nahiga siya sa sofa at ipinikit ang mga mata. Nagsimula na naman siyang manginig sa lamig, kaya’t tinungo niya ang kwarto para doon siya mahiga at magtalukbong ng kumot. Sandali lang. Matutulog lang siya.

Maliwanag na nang magising si Rusty. Pupungas-pungas ang mata na pinagmasdan ang paligid. Isang maliit na kwarto, puti ang mga dingding. Sa kanan ay isang puting cabinet, sa tabi’y study table. Nakapatong dito ang isang silver lampshade, isang mug na puno ng iba’t ibang kulay ng ballpens, at isang itim na notebook. Sa kanyang kaliwa ay may nakasabit na painting ng mukha ng lalaki. Si… sino nga ba ‘to? Game of Thrones… Ah. Si Jon Snow. Sa ulunan naman niya ay ang bintana kung saan nagmumula ang nakakasilaw na liwanag. Wala nang ulan at mukhang mataas na ang sikat ng araw.

Umupo siya mula sa pagkakahiga. Dumausdos pababa ang kumot. Tiningnan niya ang ilalim nito. Wala siyang kahit anong suot sa katawan.

Muntik na nga pala siyang magpakamatay kagabi.

Napatawa siya sa sarili. Tanga. Tanga, tanga talaga. Kinusot niya ang mga mata at saka humikab ng malakas. Sa kung anong mirakulo ay hindi masakit ang kanyang ulo. At higit sa lahat, maliwanag ang kanyang utak. Tumigil na ang mga kagaguhang tumatakbo sa utak niya maghapo’t magdamag kagabi.

Isang bagong umaga.

Huminga siya ng malalim. Nagtataka. Tama ba itong nararamdaman niya? Hindi siya malungkot? Kahit nagkabalikan na si Gabe at Daniel?

Baka naman nasisiraan na siya? Kahapon lang gusto niyang magpatiwakal, tapos ngayon… tapos ngayon parang nagising lang siya sa isang masamang panaginip. May ngiting gumuhit sa kanyang mga labi.

Sumandal siya sa pader para mag-isip. Muling napadako ang mga mata sa notebook. Inabot niya ito at iniscan ang mga pahina. Walang linya, makapal ang papel. Tiningnan niya ang tatak. Moleskine sketchpad. Puro text, puro drawing. Shit. Diary ito ni Jace. At… shit. Magaling siya mag-drawing???

Napatingin siya sa painting ni Jon Snow. Shit. Painting ito ni Jace??? Ininspeksyon niya ang lagda sa ilalim. Tangina. Genius pala ito pagdating sa art. Bakit walang nagsabi sa kanya???

Muli niyang binuksan ang notebook.

---

JUNE 3, 2017

Dear Jesus,

Thank you po sa padalang pogi, pero bakit naman po yung pang-kapatid lang ang level? Hindi po ba pwede yung mamahalin habang-buhay? Si Gabe po kasi pang kaibigan lang. Eh marami na po akong kaibigan. Next time, yung pwede sanang i-date sa Pasko at sa Valentines.

Umaasa,

J

PS.

May 300k followers na ko sa Instagram whooohooo!!!! Dapat matapos ko na yung project ko para pwede na mag-exhibit. Goodluck naman, six years in the making.

PPS.

Successful yung mural sa library. Sana matapos ko na next week.

---

Sa ilalim ng journal entry ay may drawing ng mukha ni Gabe. Color pencils ang gamit. Kuhang-kuha ang sikat ng araw sa tumatawang mukha. Pero may lungkot sa mga mata nito. May thought bubble sa tabi ng mukha ni Gabe. “You may think I’m happy, but you’re wrong.”

Napangiti si Rusty. Ibang klase pala si Jace. Bigla siyang may naalala. Hinanap niya ang entry sa journal.

---

AUGUST 10, 2017

What. A. Day.

And there I was, thinking it was going to be an ordinary day, with Gabe moaning and groaning about the state of his lovelife. (That guy, I swear.) So, as I was saying, Gabe and I were in the restaurant, preparing for one lovely-gloomy day, when, lo and behold, an angel came down from heaven in the form of Gabe’s ex-boyfriend, Rusty.

(Napangiti si Rusty sa description.)

Here’s what I know about him:

1. He’s a music teacher from Korea, and came back to the PH for reasons unknown. Gabe hasn’t really told me everthing—yet, but I’m guessing I’ll be learning more tomorrow. Gabe tells me everything, besides.

2. He looks like a model just off the runway in Milan, but he’s not that polished, like the men you’d find on the pages of The Sartorialist. He’s a bit scruffy, but that’s where the hotness oozes, I think. Eeeee! Okay, enough. Sorry, I shouldn’t have squeeled. My apologies.

3. He brought two bags and a luggage. He must be staying, yeah? Please, Lord, just this once.

4. He has this mysterious, bad-boy vibe. Makes my throat dry. Wait, I need to have a drink of water.

Okay, I’m back.

5. He’s a good person, I think.

Gabe, the actual bastard, is a very lucky guy. Rusty is HOT, but so is Daniel. How lucky could one guy be?

Disclaimer: It’s not that I think I’ll ever be “with” Rusty. Far from it, actually. He’s… how should I say this? There’s something about him—oh. A wall. Right. It’s as if he’s surrounded by a #fuckingwall. I don’t know who he’s keeping out, but, I don’t know. It’s like… okay, I don’t want to think about it. Nevermind.

Goodbye, goodbye. Later, Rusty. ILY, bye.

In other news, Odet called today. Her Pangasinan Resort will have its soft opening on Saturday! Woohoo! So happy for her. I promised her I’ll be there for the grand opening, just not the soft opening. You know, bad memories. Anyway, she said I could stay free if I want to finally finish my paintings. Eye roll. She knows I couldn’t focus because of the guys staying in the resort. For some reason, they’re all fucking gorgeous. She just wants me there so we could cook together, and gossip. If I really wanted to finish my paintings, I’d need to rent a cave.

Ever truly yours,

J

P.S.

Kapag hindi ko nakita si Rusty bukas, lagot ka, Gabe.

---

Nakangiting umiiling si Rusty. Tama nga ang hinala nya. Malakas nga ang tama sa kanya ng bestfriend ni Gabe.

Ang mga sumunod na pahina ay mga Disney version cartoons ni Rusty. Nagtatanim ng halaman, naghuhugas ng baso, nagluluto at walang suot na iba kundi apron lang at isang mapang-akit na ngiti. Napatawa siya. Loko-loko pala ‘to si Jace.

Napabuntong hininga si Rusty. Akala pala ni Jace mabuti siyang tao. Biglang nabalot ng lungkot ang kanyang damdamin. Ano na kayang iniisip sa kanya nito ngayon?

May kaba sa dibdib, hinanap ni Rusty ang huling entry sa journal. Wednesday, noong makalawa. Walang entry kahapon.

---

SEPTEMBER 27, 2017

Lord,

Thank you po at kukuha na ng exam si Gabe. Ipasa nyo na po yung tao, please. Laking hirap ang dinanas nyan para lang umayos ang English. Duguan, bugbog sarado palagi, pero kita nyo naman, practice makes perfect. #Improving!

Sobrang proud ako sa bestfriend ko na yan, matalino at sobrang sipag. At sana successful ang pagkikita nila ni Daniel bukas. Maayos na naman po ang lahat, I think. Check na ang mga halaman, chandelier, cosplay characters, pagkain, at kung anu-ano pa. Buti nalang mapera si Daniel, at kaya niyang pondohan ang mga ideas ko, haha. Pag-ikakasal na sila, ano kaya? Malamang sa ibang bansa yan ikakasal, at hindi kakayanin ng budget ko ang travel expenses. Papabaunan ko nalang ng pagmamahal at ideas para sa wedding. Malamang Watford ang theme bilang biggest fan ata si Gabe ng Carry On. Nagpapadala pa ng fanmail kay Rainbow Rowell, aba.

Also, thank you po sa padalang libro ng aking mga followers sa IG. Nakaka-overwhelm! Ang gaganda ng mga libro, at puro bago pa halos lahat. Matutuwa yung mga bata sa ampunan at mapupuno na namin ang library. Gusto ko nga pong maiyak nung nakita ko yung guest room ni Marie na umaapaw ang mga libro. Ang bango pa, nakaka-adik yung amoy. Kung pwede lang akong matulog sa ibabaw ng mga libro. Ay, ipapangalan daw nila sa akin yung library hihihi. Nakakakilig. Akalain ko bang balang araw ay may library na naka-dedicate sa akin. Thank you po.

Anyway, tutulungan daw ako ni Rusty bukas. Salamat, Lord, dahil wala na akong pera para umarkila ng jeep at ng taong tutulong magbuhat. Ayoko namang hintayin si Gabe kasi nga may date pa sila ni Daniel sa hapon. Makakaabot naman siguro ako. Sana. Kaso kasi yung baby ko sa ampunan dadalhin na sa America. Baka sumama ako sa airport. Ayoko na nga isipin kasi naiiyak na naman ako.

So, ayun, inaasahan ko talaga si Rusty bukas. Mukha namang nagbago na sya, diba? Kung iisipin niya na may gusto ako sa kanya kaya ko sya ini-invite eh bahala na sya. Kapit nalang sa patalim. Alam ko namang pinagtatawanan ako nun eh, kapag akala niya na hindi ko pansin. Hingang malalim.

Hindi naman ako pangit, pero sa kung anong kadahilanan ay parang nandidiri siya sa akin. Bakit kaya? Kibit balikat nalang. Opinyon niya yon eh, at kung doon siya masaya, ano ba namang magagawa ko? At least hindi niya ako pinapahiya kagaya dun kay Tyler. Poor guy. Naawa naman ako nung pinagtabuyan siya sa C-Park. Kahit naiinis ako kay Tyler eh hindi niya dapat ganon i-trato yung tao. So ayun, binigyan ko tuloy ng slice ng chocolate cake. Tapos naglabas na ng sama ng loob. Mabait naman pala. Sabi ko nalang: “Tyler, you are a very handsome guy, and I bet you have a good heart. Don’t let any man dictate what you think about yourself. Rusty may say you’re pathetic, but you know you’re not. And that’s what’s important. Love will come, and when it does, you’ll realize why you had to go though this experience.”

Boom.

Pwede na kong sumulat ng column tungkol sa pag-ibig.

Ang lakas ko lang mag-payo tungkol sa love, eh ako nga wala. Parang wala na nga rin akong pag-asa. But who knows. One day, no? Baka magbalik si Steve. Erase, erase! I shouldn’t have said that.

What the fuck,

J

PS.

Tomorrow will be a wonderful day.

---

Isinarado ni Rusty ang journal.

Hiyang-hiya siya.

Kailangan niyang umisip ng paraan kung papaano itatama ang lahat.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Ang Boss at ang Driver (Part 10)
Ang Boss at ang Driver (Part 10)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhP3BnpEDTEA6OFgT0C4UcaR-7f3tEdOl2T1XfS71n3P02iqeMNKYf6o8RVarp3hNKFwwAj-POXhCKdsUH7AzCiRBZScsJaYPasuOzXyq8ox9OmxcJU3wnlR6Ik5kLF2LezXo7xQ6_hZBz7/s320/Ang+Boss+at+ang+Driver.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhP3BnpEDTEA6OFgT0C4UcaR-7f3tEdOl2T1XfS71n3P02iqeMNKYf6o8RVarp3hNKFwwAj-POXhCKdsUH7AzCiRBZScsJaYPasuOzXyq8ox9OmxcJU3wnlR6Ik5kLF2LezXo7xQ6_hZBz7/s72-c/Ang+Boss+at+ang+Driver.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/02/ang-boss-at-ang-driver-part-10.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/02/ang-boss-at-ang-driver-part-10.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content