$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 5)

Parang mahal ko na talaga siya, pero kailangang pigilan ko ang nararamdaman ko. Masaya na ako sa ganito at ayoko ring masira ang pagkakaibigan namin.

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

"Destiny is not a matter of chance, it’s a matter of choice It’s not a thing to be waited for, it’s a thing to be achieved"

Josh

“Kuya Paul, ayus ka lang po ba?” nagtataka kong tanong.

“Yeah, Im good… bakit may problema ba…?ano palang tinatanong mo?” ang tila wala sa sarili niyang balik tanong sa akin.

“Haay, adik! Sabi ko akala ko kailangan po nating magmadali e bakit hindi mo inistart itong kotse paano tayo makakarating sa venue, huwag mong sabihin dito tayong dalawa magdamag at tayo ang mag JS dito?” ang naiinis kong sagot.

“Ayy oo nga pala. Sorry,”

Napakamot sa ulo, “eto na start ko na, mag seat belt ka na Pat,” ang natataranta niyang sabi.

“Nakaseatbelt ako kanina pa, ikaw po ang hindi.”

Napapailing naman ako habang nakatingin siya sa akin na inaayos ang seatbelt saka ngumit na parang nahihiya.

“Ano ba itong si Kuya Paul, bakit parang ewan ngayon.”

Masaya ang buong gabi namin. Lagi kong kasayaw si Joyce. Nanalo akong Mr Junior samantalang Best Dressed si Joyce. Parang mahal ko na talaga siya, pero kailangang pigilan ko ang nararamdaman ko. Masaya na ako sa ganito at ayoko ring masira ang pagkakaibigan namin. Bakasa halip na maging masaya ay maging kumplikado pa ang sitwasyon namin. Maganda na sa ngayon ang ganito malaya kaming nagagawa ang gusto namin na walang hazzle.

Paglabas ko sa parking area hinanap ko agad ang sasakyan ni Kuya Paul. Drained na ang battery ng phone ko kaya hindi ko siya matawagan. Wala siya sa dating lugar kung saan kami nagpark kanina. Nagpalinga-linga ako at swerte nakita ko siyang kumakaway sa di kalayuan. Pero nagtaka ako bakit naka long sleeves na ang Kuya ko. Paglapit ko, wow, ang gwapo niya talaga.

“Kuya Paul nanalo akong Mr Junior.” Ang pagyayabang ko.

“Wow, Congrats Pat, ang gwapo mo naman talaga hindi na yun nakakataka.” Ang nakangiti niyang sagot.

Binuksan niya ang pinto para sa akin at nakita ko may coat din siya sa loob.

“JS mo din po ba Kuya?” nagtatakong tanong. Wala naman kasi yun kanina, saka naka polo shirt lamang siya kanina bakit ngayon e naka long sleeve na. Saan naman kaya ang lakad nito e gabi na.

Hindi naman siya sumagot pero kita kongnakangiti. Pagka upo ko ay pinaandar ang kotse.

Nang mapansin ko hindi pauwi sa amin ang daan na tinutumbok namin.

“Kuya saan tayo pupunta? Kung may lakad ka po, uuwi na ako hindi na ako sasama sa pupuntahan mo, baka may date ka hatid mo muna ako sa bahay, gusto ko na ring magpalit ng damit.”

Ngumiti lang siya sa akin. Putek Kuya Paul huwag mo akong ngitian kinikilabutan ako. Parang gusto kitang halikan. Siyempre hindi niya pedeng madinig iyon.

Hindi na ako pamilyar sa lugar na iyon lalo pa at madilim. Nang lumiko kami alam kong isang mamahaling restaurant iyon.

“Baba na tayo,” Malambing niyang sabi sa akin. Kinuha niya ang coat at isinuot iyon.Pagkasara ng sasakyan ay sabay kaming naglakad papasok.

“Kuya, sabi ko naman sa iyo hindi na kailangang sumama pa ako dito, Pwede naman hinatid mo muna ako sa amin o sa kotse na lamang ako maghintay. Nasa loob ba si Dianne?” naguguluhan at medyo naiinis na ako kasi laging ngiti lang ang sagot niya.

Pagpasok namin binati siya ng isang magandang babae.

“Good evening sir, are you Sir Paul Rivera?”

Tumango naman si Kuya Paul.

“This way sir.” at itinuo sa amin ang daan, sa isang dulong table kami.

Madalang lamang ang tao dahil mukhang mamahalin talaga ang restaurant na iyon hindi ko naman nabasa ang pangalan dahil hindi ko nga gustong sumama papasok. Naiinis kasi ako anong gagawin ko dito bodyguard niya habang nagde date sila ni Dianne. Sadista ba siya, nakita ko nga lamang sila sa mall na magkasama napaiyak na ako eto pang kasama ako habang nagde date sila.

Pagkaupo namin ay nakangiti pa rin siya sa akin.

“Relax ka lang Pat, kakain lamang tayu alam ko namang gutom ka anong oras pa noong pinakain kayo.”

Medyo napanatag naman ako ibig sabihin kaming dalawa nga lamang ang kakain.Dumating ang mga pagkain namin.Lahat halos ay mga gusto ko, lalo na ang sea foods, kaya kahit medyo mahirap dahil sa suot namin ay nagawan naman ng paraan. Nawalan na rin ang aking kaba, naisip ko ayaw magpatalo sa kapogian ko ang Kuya Paul kaya nag coat din, sabagay lahat halos ng tao sa loob naka coat. At napagmasdan ko si Kuya Paul hindi naman siya mukang graduating na sa College parang kaparehas ko lang din na galing JS. Ang gwapo nga talaga niya. Maya-maya ay lumapit iyong babaeng bumati sa amin pagpasok at may iniabot sa kanya. Umalis din naman agad. Nakatingin lamang si Kuya Paul sa akin. Nakakailang ang titig niya parang matutunaw ako. Lalo na ng ngumiti siya.

“Pat, may sasabihin ako sa iyo,” pagbasag niya sa katahimikan namin.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung bakit.

“Pat sabi ko may sasabihin ako sa iyo” pag-uulit niya nang mapansing tila wala ako sa sarili.

“Sabihin mo, wala naman akong sinabing bawal kang magsalita, ano ka ba Kuya Paul, nag coat ka lang naging OA ka na rin, aagawan mo pa si Mommy ng award.”

Pagpapatawa ko kasi hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko pero parang balewala lamang sa kanya, mukha na nga siyang ewan sa pagkakangiti niyang hindi nawawala.

“Pat, seriously I Love You, mahal na mahal kita noon ko pa ito sinasabi sa iyo pero hindi ka naman nag seseryoso.” Sinasabi habang titig na titig sa akin.

“Nako Kuya Paul, noon mo pa nga iyan sinasabi sa akin, at paulit-ulit mo na iyang sinasabi. Kahit sa pagtulog mo sinasabi mo iyan, hindi ko nga alam kung natutulog ka nga o nagtutulug-tulugan ka lamang kapag sinasabi mo iyan” totoo naman iyon ilang ulit ko ng naririnig iyon sa kanya habang natutulog pero alam kong tulog siya kasi madali naman maramdaman kung gising siya o nagtutulug-tulugan lang pag tinitingnan ko ang mata niya.

“Pero Pat, iba ngayon, gusto kong marinig ang sagot mo, Gusto kong malaman kung mahal mo rin ako.” Iyon ang hindi ko napaghandaan, nabigla ako sa sinabi niya, alam kong namula ang pisngi ko, parang nanlamig ang buo kong katawan.

Anong sasabihin ko. Naalala ko si Mommy, ang mga sinabi niya. Pero wala talaga, hindi ko alam ang sasabihin ko, sabi ni Mommy gamitin ang puso para maramdaman, oo sabi ng puso ko mahal ko rin siya, tapos gamitin ang isip para tiyakin kung iyon nga ang gusto. Mahal ko siya pero alam kong hindi pwede may girlfriend na siya at ayokong maging kontrabida sa love story nila, ,Tama iyon ang sabi ng isip ko. pero ayokong sayangin ang pagkakataong ito lalo pa ang ipinakita niyang effort para lamang sabihin ito, ayokong biguin si Kuya Paul, ayoko siyang masaktan. Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan, pero ano ang gagawin ko. Bwisit naman itong taong ito inilagay ako sa sitwasyong ang hirap lampasan. Wala, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya, nawala ang akala ko ay hindi matatapos na ngiti. Nakatingin pa rin siya sa akin.

“Alam kong naguguluhan ka, pero sabihin mo lamang sa akin, kung ano ang nasa loob mo, tatanggapin ko naman, kung hanggang kuya lamang talaga ang tingin mo sa akin, maiintindihan kita, sabihin mo.”

Kita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

“Kuya diba sinabi ko na sa iyo noon pa kahit noong bata pa ako..” pinutol niya ang sasabihin ko.

“Na ano Patrick, sabihin mo,” mahina pero madiin niyang sabi sa akin.

“Ano kasi Kuya, di ba sabi ko po sa iyo, hindi ka nga bagay pang darama role, ang pangit mo kaya pag maiiyak ka na, hindi ka magaling sa drama.”

Kunwari seryoso kong sabi dahil nate tense ako hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Putek naman Patrick, dati hindi ako magaling sa comedy, ngayon hindi pa rin ako magaling sa drama, saan na lang ako pwede?” kahit naiinis ay sinakyan ni Kuya Paul ang sinabi ko.

“Try mo kaya sa horror Kuya Paul, baka mag click ka doon.” Nakangiti kong sagot.

“Pambihira ka talaga Patrick February 15 ngayon, one day after ng Valentine tapos horror ang gusto mo, saka tingnan mo nakapang JS tayo.?”

Alam kong natatawa siya pero alam ko ring malapit nang mainis.

“Try lang naman hindi ba, di huwag kong ayaw mo.” Saka ako uminom ng tubig.

“Patrick naman, naiinis na ako, ang tagal kong pinractice ang sasabihin ko tapos kung anu-ano ipinapasok mong topic, ayan nalimutan ko na tuloy, panira ka talaga ng moment.” Napapailing niyang sabi.

“Mag practice ka na lang muna ulit, sakana lang tayo mag usap pag nakabisado mo na line mo, sabi ko kasi huwag drama, gawin mong horror.” Ang muli kong pagpapatawa.

“Kung gawin kaya nating action, yung sasapakin kita para umayos ka, tapos sasakalin kita hanggang magsabi ka ng totoo, what do you think Pat?”

Medyo kinabahan ako lalo pa at nakakaloko na ang kanyang ngiti. Lumingon ako sa paligid, iilan na lalo ang tao, ang lalayo pa sa amin at mukhang walang nakakarinig ng pinag-usapan namin.

“Kuya naman nagbibiro lang ako, ubusin mo kaya iyang pagkain sa pinggan mo, lagi mo akong pinapagalitan pag may tira akong pagkain, ikaw tingnan mo pinggan mo ngayon oh”

Naisip ko hindi siguro makakain ng maayos dahil sa excitement. Tiningnan niya ang pinggan niya at nakuha naman nito ang atensiyon niya, bahagyang inipon ang pagkain sa pinggan niya. Pero hindirinkumain bagkus ay tumingin sa akin ulit.

“Patrick hindi ako nagbibiro, mahal kita, mahal mo ba ako?”

Pinilapit niya ang bangko niya sa akin. Saka inulit ang tanong, Hindi ko siya magawang lokohin tatanong ko sana kung may question mark iyong sinabi niya kaya lang nakita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niya. Iyong napaka amo niyang mukha, ang magaganda niyang mata.Ang mapula niyang labi. Pumikit ako ng bahagya. Parang nag eecho sa tenga ko ang boses niya, paulit, ulit, parang tumatagos ito sa puso ko. Papuntang utak, Gusto kong tumanggi pero ang puso at utak ko nagkakasundo na oo ang isagot ko. Wala na akong magagawa, suko na ako. Marahan akong tumango. At nang magmulat ako nakangiti siya sa akin. Yung ngiting parang nanalo sa isang laban. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya. Tumayo siya, nakita ko sa kamay niya yung inaabot sa kanya nong babae kanina. Binuksan niya nakita ko isa itong kwintas. Nakita kong isa itong gold necklace. May pendant na puso. Bakit puso?

“Kuya naman e, bakit puso, sa akin ba talaga iyan, bakit parang pambabae? Baka kay Dianne mo iyan ha.?” Sunud-sunod kong tanong sa kanya,

“Sira, basahin mo may naka-engrave kang pangalan diyan.” At nabasa ko nga To Pat. I love you.

“E bakit nga heart?” muli kong tanong.

“Puso ko yan, ibinibigay ko na sa iyo, ikaw na ang mag-ingat, sana lamang huwag mong sasaktan, huwag mong sisirain dahil pag nasira iyan hindi ko na alam kong papaano pa mabubuong muli. Mahal na mahal kita.” Kita ko ang pagkaseryoso niya.

“Ayy ayoko na palang mahalin ka, wala ka ng puso, isa ka ng zombie.” Ayokong magmahal sa zombie.Nakakatakot”

At iniiwas ko sa aking ang kamay niyang may hawak na necklace.

“Hindi Pat, habang nasa iyo ang puso ko, titibok at titibok pa rin iyan kaya lang titibok lamang iyan para sa iyo, ikaw lamang ang magbibigay ng buhay sa puso ko.”

“Ang corny mo pa rin Kuya Paul.” Nakangiti kong sagot.

“Tama na Patrick, naiinis na ako, malapit na kitang mabatukan talaga, umayos ka isusuot ko ito sa iyo, at mula ngayon sa ayaw mo at sa gusto tayo na.” ang matigas niyang sabi.

Hindi na rin ako tumanggi kasi kahit naman siguro sinong babae o kahit lalake pa ang sabihan ng kagaya ni Kuya Paul ng ganon ay kikiligin. Swerte ko na lamang at ako ang sinasabihan niya ng ganon. Habang isinusuot niya ang necklace talagang kinikilig naman ako sa magkahalong saya at excitement. Saka siya humarap sa akin at tinitigan ako. Gusto kong bawiin ang titig ko pero gaya dati nakakahypnotize ang mga mata niya habang ang dibdib ko ay pabilis ng pabilis ang kabog. Hanggang naramdaman ko ang marahang paglalapat ng mga labi namin. Akala ko nong una lamang iyon ganoong pakiramdam pero ganon pa rin yung mainit na parang kuryente sa loob tapos ay nanlalamig kong paa at kamay. Ang sarap ng pakiramdam. Parang idinuduyan ako at dinadala sa ibang dimension kung saan kaming dalawa lamang ang tao. Bawat paggalaw ng labi niya ay parang bumabalot sa buo kong pagkatao.

Nakakadala ang ginagawa niya hanggang naramadaman ko na lamang na inibuka ko na ang aking bibig at ginagawa rin ang ginagawa niya. Naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang dila sa aking dila. Parang malulunod ako sa sarap. Magkalapat na magkalapat an aming mga labi pati ilong kung kaya walang hanging pumapasok pero sapat na ang hanging mula sa bibig niya para makahinga ako, Ibang klase pakiramdam yon parang sanay hindi na natapos. Nang magbalik ako sa aking ulirat, nakita ko si Kuya Paul, buong tamis na nakangiti sa akin saka ako niyakap.

“Salamat Paul, mahal na mahal kita.

“I love you too Kuya Paul.” Maikli kong sagot sa kanya.

Nang gabing iyon, nakiusap ako kay Kuya Paul na sa kanila muna siya matulog. Gusto kong i absorb ang mga nangyari. Parang sobrang mabilis, hindi ko napaghandaan ang lahat. Nang buksan ni Mommy ang pinto makahulugan ang kanyang ngiti. Parang alam niya ang lahat ng balak ni Kuya Paul. Tiningnan ko siya.

“I hope you enjoyed your night Anak,” saka niya ako niyakap.

Ayaw kong bigyan ng kung ano mang kahulugan ang sinabi ni Mommy. Pero niyakap ko si Mommy dahil sobrang thankful ako sa suportang binibigay niya sa akin. Napakaswerte ko at siya ang naging mommy ko.

“Thanks Ma, and I love you, salamat sa lahat-lahat Ma. Mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal din kita anak, gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya mo.” At hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

Nang magbitaw kami, tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko at pabagsak na nahiga. Gaya ng dati nakipag titigan sa kulay blue kong kisame.

“Ano masaya ka ba? Bahala ka, basta ako sobrang masaya, ayoko ng isipin ang bukas basta masaya ako, iyon lang.” Haist nababaliw na ako, pero ok lang masaya namang mabaliw kung in love. Thank you Kuya Paul.

Nagtanggal ako ng mga damit ko saka pumasok sa CR para maligo pagbalik ko may message sa phone ko galing kay Kuya Paul.

“Pat, hindi mo alam kung gaano ako kasaya, kinumpleto mo ang buhay ko. Salamat Pat, I love you very much.”

“I love you too Kuya Paul, sana’y hindi ito panaginip at kung panaginip man sana huwag mo akong gigisingin.”

“Sasamahan kita sa panaginip mo kung iyan ang gusto mo.”

“Pa corny ka nang pacorny Kuya Paul, mabuti na lamang gwapo ka.”

“Panira ka talaga ng moment kahit sa text. Mabuti na lamang mahal kita. Sige na pahinga ka na and don’t forget yung lakad natin sa mall bukas. Officially first day na tayo na. I cant wait”

“Huh! Tayo na ba?” kelan pa nag start pumayag ba ako?”

“Sa ayaw mo at sa gusto tayo na, kaya wala ka ng magagawa. I love you Pat!”

“I Love you more Kuya Paul. Good Night!”

“Good night Pat, Sweet dreams, mwahhh!!!”

Ang sweet pala ni Kuya Paul mainlove. Hmm ang sarap ng pakiramdam. At nakatulugan ko na ang pag ngiti.

Natapos ang buwan ng mga puso, punum-puno lagi ng pagmamahal ang aming buhay.

Napakalambing ni Kuya Paul, hindi siya nakakalimot mag text twing umaga pagkagising niya at sa hapon, bago pumasok, sa tanghalian, pag alis sa school pagdating sa boarding house, sa hapunan, bago matulog. Nagtataka ako kay Kuya Paul, nakakapag aral pa kaya ang taong ito. Pero hindi ko siya binabawalan dahil sobra akong kinikilig sa ginagawa niya. Twing Sabado at Linggo naman ay magkasama kami bawat oras, pupunta sa mall, magbasketball, kakain, sa kwarto ko o sa kwarto kaya niya. At sa twing hahalikan niya ako ay naroon pa rin ang kilig. Yung pakiramdam na excited ka sa kung anong mangyayari samantalang alam ko naman kung ano ang mangyayari, pero hanggang halikan lamang kami alam kong nirerespeto pa rin niya ang pagiging bata ko at hindi naman ako nagpipilit. Hanggang sa mga panahong iyon mataas pa rin ang respeto ko kay Kuya Paul at naniniwala akong mas alam niya ang mabuti.

Unang Linggo ng March, nagpapahinga kami pagkatapos magbasketball, Nakagawian na rin namin ang dumayo ng basketball sa court ng subdivision. Usually kasi mga 10 pa dumarating ang mga magkalaro na kadalasan ay pustahan kaya sa umaga kami munang dalawa. Tapos na kami at nagpapahinga na lamang.

“Pat, natanggap ako sa isang engineering firm na hapon ang may ari kaya pagkatapos ng graduation ay sa kanila na ako magtatrabaho.

“Ayus iyan Kuya, maganda iyon hindi ka mahihirapang mag apply.” Nakangiti ko namang sagot sa kanya.”

“Oo nga, gusto ko na rin kasing magpahinga sina Mama at Papa, naaawa na ako sa kanila, laging puyat. Gusto ni Papa magkaroon na lamang kahit isang pwesto sa palengke at kahit hindi na magtrabaho si Mama, usually kasi hanggang tanghali lamang daw ang ganon, kaya marami siyang oras ng pahinga.”Ang kwento niya.

“Maganda nga iyon, para naman nakakatulog sila ng ayus sa gabi.” Dagdag ko pa

“Kaya lang Pat, kailangan kong pumunta ng Japan, isa yun sa mga nakasaad sa kontrata, kailangan kong mag training at magtrabaho muna doon para makabisado ang sistema nila doon. Masyadong modern ang mga equipment nila kaya ayaw nilang ipahawak sa hindi bihasa.”

Natigilan ako sa narinig ko. Si Kuya Paul aalis pupunta ng Japan. Hindi ko yata kaya yun, paano na ako? Tumayo ako at walang sabi-sabing umalis, mabilis ang naging paglalakad ko habang humahabol siya.

“Patrick naman, hindi naman ako don titira, babalik naman ako dito, alam mo namang hindi ko kayang mapalayo sa iyo ng matagal, Saglit naman Pat kausapin mo ako.” Pero hindi ko siya pinansin. Ang sakit sa aking madinig na aalis siya at iiwan ako. Wala naman sa usapan namin iyon, kahit naman noong hindi pa kami wala sa plano niya ang iiwan akong mag-isa. Ang sabi niya kahit mag-asawa na siya at magkabahay, kasama pa rin ako, kasama sa plano niya, kasama sa pangarap niya at kasama hanggang sa pagtanda namin. Nakakainis lamang isipin na hindi pala iyon totoo. Aalis siya at iiwan ako, nasaan na ang pangakong walang iwanan.

Nakarating kami sa bahay na hindi ko siya kinakausap. Diretso ako sa kwarto ko at nilock ang pinto.

“Pat, Patrick ano ba, buksan mo ang pinto mag-usap tayo.Ano ba naman ang taong ito.”

Patuloy siya sa pagkatok pero hindi ko binuksan hanggang nawala na ang katok, malamang umuwi na iyon sa kanila.

Nang sumunod na araw, patuloy pa rin siya sa pagtetext at panunuyo na huwag na akong magalit. Dahil mahal ko siya ay kinausap ko pero iniwasan naming pag usapan ang pag alis niya. 3rd week ng March nasa kwarto kami hindi na niya naiwasang banggitin ang tungkol sa pag-alis niya, naglagay ako ng headset at nilakasan ang sounds mula sa cellphone ko. Nakita kong napapailing siya habang malungkot na nakatingin sa akin. Hanggang sa magsawa na siya at nahiga na. Maya-maya ay nahiga na rin ako. Hindi kami nag usap nakita kong nakatitig lamang siya sa kisame at tanging malalim na buntunghininga lamang ang nadidinig ko.

Hangang sa nakaramdam ako ng antok. Naramdaman kong kumilos siya palapit sa akin. Nang mga sandaling iyon nakatalikod ako sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang aking balikat saka ako hinalikan sa noo.

“Good night Pat, sweet dreams, mag-iingat ka lagi, at tandaan mo mahal na mahal kita.”

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha sa aking leeg at pisngi ko. Umiiyak si Kuya Paul.Kahit inaantok ako ay malinaw ang kanyang mga sinabi.Mahal din kita Kuya Paul. Hindi ko alam kung nadinig niya dahil halos pabulong lamang ang pagsasalita ko.

May problema kaya siya.Bakit siya umiiyak. Gusto ko sanang kausapin siya pero nakita kong nakatagilid na siya. Baka magalit lamang pag ginising ko. Bukas na lamang ng umaga. Pero hindi ako mapakali. Malakas ang kabog ng aking dibdib.Kaya lamang wala akong magagawa, masyado ng malalim ang gabi para kausapin siya. Pinilit ko na lamang makatulog.

Umaga, paggising ko, wala siya sa tabi ko. Hindi muna ako bumaba, baka nagluluto pa iyon. Ang aga pa, 8 am pa lamang, natulog ulit ako. Sakto 9 am nang magising ako dahil maiihi ako kaya diretso ako sa CR at nag toothbrush na rin. Pagbaba ko, walang tao sa kusina. Nasa tindahan tiyak si Mommy. Wala rin ang paborito kong agahan na inihahanda ni Kuya Paul. Medyo naguluhan ako.Nasaan si Kuya Paul. Naalala ko ang pag-iyak niya kagabi. May problema si Kuya Paul kailangan ko siyang makausap.

“Ma, Ma, sigaw ko paglabas pa lamang ng pinto.” Nakita ko si Mommy, mula sa tindahan.”

“O Josh, gising ka na pala, sandali hindi pa pala ako nakapaghanda ng breakfast mo, akala ko mga 10 ka pa gigising gaya dati pag walang pasok.” Ang natataranta niyang bungad sa akin.

“Ma si Kuya Paul, bakit hindi naghanda ng breakfast, nasaan pati iyon bakit wala dito.” ang tanong ko kay Mommy.

“Ano ka ba naman Josh, diba ngayong umaga ang flight niya? Nakakaawa nga iyong taong iyon, hindi na nagpahatid at lalo lamang daw siyang masasaktan pag may nakita siya sa airport. Hindi ba nagpaalam sa iyo?” nagtatakang tanong niya.

“Ma, hindi totoo iyan, tell me Ma nagbibiro ka lang diba?” umiiyak kong sabi kay Mommy saka naupo sa isang bangko sa terrace. Kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Mommy.

“Josh, hindi ako nagbibiro, hindi ba’t matagal na niyang sinabi sa atin iyon, matagal na siyang nagpaalam sa atin, ano bang nangyayari sa iyo?”

Saka ko lamang napagdugtung-dugtong kaya ganon si Kuya Paul kagabi, kaya siya umiiyak, kaya ang lungkot niya at kaya ganon ang sinabi niya nang mag good night siya.

“Ma bakit hindi mo ako ginising, bakit umalis siya nang hindi ko alam? Ma bakit pinayagan mo siyang umalis na natutulog ako?” malakas na ang pag-iyak ko.

“Hindi kita maintindihan anak, ibig mong sabihin magdamag kayong magkasama pero hindi siya nag paalam sa iyo?” naguguluhan pa rin siya.

“Sinubukan niya Ma pero hindi ko pinakinggan, hindi ko naman alam na ngayon na iyon.”

Sa pagitan ng pag-iyak pinilit kong ikwento kay Mommy ang lahat, mula sa una niyang pagsasabi sa akin ang bawat pag-iwas kong pag usapan ang bagay na iyon pati ang paglalagay ko ng headset at ang pag-iyak niya kagabi.

“Alam mo Josh, mahal na mahal ka niya pero kailangan niyang umalis para sa kinabukasan niya at ng magiging pamilya niya. Isinakripisyo niya kahit ang graduation niya. Pagkatapos ng final exam ay magtatrabaho na siya. Hindi lahat ng tao ay may ganoong determinasyon. Ayaw kasi niyang palampasin ang pagkakataong ito dahil sa dami nga naman ng aplikante ngayon bibihira ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Josh responsableng tao ang Kuya Paul mo, dapat maunawaan mo iyon mahal niya ang kanyang mga magulang at ang gusto lamang niya ay mabigyan sila ng mas maayos na buhay.”

“Pero Ma, paano na ako, paano na kami bakit niya ako iniwan akala ko ba mahal niya ako at walang iwanan?”

“Anak malaki ka na, sa pasukan ay 4th year high school ka na, hindi ka na bata, dapat naiintindihan mo na may mga bagay na hindi mapipigilan. Mahal ka ni Paul pero kasama sa pagmamahal ang sakripisyo, kung mahal mo siya mauunawaan mo ang ginawa niya. Saka hindi ka naman niya tinalikuran babalik naman siya. Tutuparin pa rin niya ang mga pangako niya sa iyo.Kailan ka na niya iniwan, kailan ka ba niya sinaktan diba alam mo naman na mas gugustuhin pa niya na siya na lamang ang mahirapan huwag ka lamang masaktan.”

“Ma gaano siya katagal doon?” iyon na lamang ang naitanong ko.

“Ayon sa kwento niya, meron daw nag training ng 6 months, merong 1 taon, may inabot ng dalawang taon yung pinakamatagal na raw ay tatlong taon, Depende raw iyon sa machine na ipapahawak sa iyo, dahil masyadong moderno mahirap kabisahin ang tamang pagamit pati ang pagrerepair kung sakaling magka aberya. Pero normally naman ang visa ay 2 years maliban na lamang kung mag extend siya na hindi muna uuwi”

“Ma tatlong taon?Ang tagal non Ma, baka naman pwedeng 3 months lamang o kaya ay 6 months.”

“Aba bakit sa akin mo sinasabi iyan, Hindi naman ako ang magbibigay ng training sa kanya. Saka may sweldo iyon para na rin siyang nag tatrabaho. Babayaran na siya kahit trainee pa lamang. Matalino naman ang Kuya Paul mo siguro madali lamang matutunan niya agad iyon.”

Hindi na ako kumibo pero umaasa pa rin ako na magbabago ang isip niya at uuwi pagkalipas ng ilang araw. Iyon ang pinaniwalaan ko.

Dahil tapos na rin ang final exam namin, tinamad na akong pumasok. Nagkulong na lamang ako sa aking kwarto. Missed na missed ko si Kuya Paul. Madalas kong kausapin ang necklace na bigay niya. Mukha man akong baliw ito lamang ang paraan para mabawasan ang kalungkutan ko. Madalas akong niyaya ng mga katropa kong masbasketball pero hindi ako sumasama dahil maalala ko si Kuya Paul. Madalas kong pinapatay ang cellphone ko para hindi nila ako matawagan. Bihira na akong lumabas ng bahay.Mas gusto kong matulog para hindi ako nag-iisip

Tumawag si Kuya Paul sa cellphone ni Mommy pero hindi ko kinausap. Gusto kong maramdaman niyang naiinis pa rin ako para mapilitan siyang umuwi, Hanggang umuwi si Daddy para magbakasyon. Dahil naroon si Daddy umuwi din sina Ate at Kuya, bahagya kong nalimutan ang pangungulila ko kay Kuya Paul. Dahil madalas kami sa pasyalan kasama ang pamilya ni Kuya at ang boyfriend ni Ate. Pero nang umalis sila bumalik ang lahat sa dati. Si Daddy naiwan dahil 2 months ang bakasyon niya.Nalaman niya ang sitwasyonko. Minsan isang gabi.

“Josh, anak, pwede ba akong pumasok?Gising ka pa ba?”

“Yes Dad, bukas iyan pasok ka lang po.” Pagkapasok niya naupo siya sa kama ako naman aynakaharap sa computer.

“Anak kumusta ka na, kumusta ang pag-aaral mo?” umpisa ng tanong niya.

“Okey lang Dad, kasama pa rin po ako sa Top Ten.”

“Mabuti iyan anak, mag-aral kang mabuti, matanda na ang Daddy, kapag hindi ka nakatapos sa pag-aaral wala na akong maisusuporta sa iyo, ilang taon lamang magreretire na ako, aasa na lamang tayo sa kita ng tindahan at sa tulong ng Ate mo. Ang Kuya mo naman may anak na kaya malaki na rin ang gastos. Iyong savings ko naman inilalaan ko na lamang sa pagka college mo.” Madamdamin niyang pahayag.

Mabait si Daddy pero hindi ko siya kayang biruin gaya ni Mommy. Siguro lumaki kasi akong sa phone lamang kami madalas nag-uusap at every 2 years lamang siya nakakapagbakasyon.

“Naiintidihan ko po kayo Dad, huwag kayong mag-aalala hindi ko kayo bibiguin.”

“Anak, pansin ko ang lungkot sa mga mata mo may problema ka ba? Muli niyang tanong.

Hindi ako sumagot, pero parang gusto kong umiyak. Gusto kong sabihin kay Daddy ang totoo.

“Naiintindihan kita anak, alam ko ang hirap ng pinagdaraanan mo. Pero kaya mo iyan, alam kong matapang ka. Alam kong pinalaki ka ni Paul ng maayos. Kilala ko si Paul, kaya nang sabihin sa akin ng Mommy ang tungkol sa inyo. Hindi ako tumutol.Oo nalungkot ako nong una pero nang sabihin ng Mommy mo na masaya ka o masaya kayong dalawa, naging masaya na rin ako.”

“Lumapit siya sa akin at niyakap ako, tumayo ako at yumakap din sa kanya. Hindi ko napigil ang sarili ko, umiyak lang ako, alam ko alam na ni Daddy ang lahat at hindi ko na kailangang magsalita.”

“Kailangan mo lamang ng bagong environment. Hayaan mo maghanda ka bukas pupunta tayo sa mga Lolo at Lola mo sa Davao, magbabakasyon tayo doon ng ilang araw. Tiyak pagbalik mo dito magaan na ang pakiramdam mo.” Naisip ko baka nga makatulong sa akin ang maiba ang environment.

“Sige Dad, gusto ko iyan. Bata pa ako noong huli kong makita sina Lolo at Lola, Salamat po Dad.”

“O sige anak basta bago magtanghalian bukas dapat ready ka na ha,” at tuluyan na siyang lumabas pagkatapos kong magpasalamat.

Pagkaalis niya ay naghanda na ako ng mga gamit ko. Nalimutan kong tanungin si Daddy kung ilang araw kami doon. Bahala na siguro mga one week alam ko naman na sabik si Daddy makasama ang parents niya. Kaya malamang hindi kami uuwi agad.

Naging maayos naman ang byahe namin, pagdating sa airport ay nakita agad ni Daddy ang kapatid niyang bunso kaya hindi na kami nahirapan sa paghihintay. Mainit ang naging pagtanggap sa amin. Instant reunion. Maliit lamang ang pamilya ni Daddy tatlo lamang silang magkakapatid na puro lalake at si Daddy lamang ang may tatlong anak. Yung dalawa niyang kapatid ay parehas tig-isa lamang ang anak. Si Tito James ang bunso niyang kapatid ay may bahay malapit kina Lola kaya madalas ang anak niyang si Darius ang nakakasama ni Lola. 1st year College na siya sa pasukan. Si Tito Garry naman na siyang panganay ay may isang anak na babae na sa Manila nagtatrabaho. Simple lamang ang buhay sa probinsiya pero masaya sila. Nag enjoy na rin ako at kahit papaano ay nakalimutan ang problema ko. Natapos ang isang Linggo at nagpaalam na si Daddy.

“Dad, pwede bang magpaiwan ako dito? Dito na lamang ako ng buong summer.” Tanong ko sa kanya huling gabi bago siya umalis.

“Sigurado ka ba anak, wala kang kakilalang iba dito, mga kamag-anakan lamang natin.”Iyon lamang ang isinagot niya.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 5)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 5)
Parang mahal ko na talaga siya, pero kailangang pigilan ko ang nararamdaman ko. Masaya na ako sa ganito at ayoko ring masira ang pagkakaibigan namin.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/02/ang-tangi-kong-inaasam-part-5.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/02/ang-tangi-kong-inaasam-part-5.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content