$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 6)

Nagbalik ang pangungulila ko kay Kuya Paul. Madalas kong mapanaginipan na bumalik na siya. O kaya naman ay magkasama kami.

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

"You can love someone so much... But you can never love people as much as you can miss them."

Josh

"Sigurado ka ba anak, gusto mo dito.malungkot dito kita mo naman." Ang pag-aalala niya.

"Okey lamang po ako dito Dad, kahit papaano nalilimutan ko si Kuya Paul."

"Kung iyan ang gusto mo ay ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka lamang at siguraduhin mong hindi ka lalabas kapag gabi na mag-isa. Wala kang ibang kakilala dito kundi iyong mga kamag-anakan lamang natin."Iyon lamang ang isinagot niya.

Kaya nang umalis si Daddy ay naiwan ako. Ayus lamang noong una dahil lagi akong sinasamahan ni Darius pero nang magsimula ang summer job niya kami na lamang nina Lolo at Lola ang naiwan. Doon ko muling naramdaman ang lungkot. Nagbalik ang pangungulila ko kay Kuya Paul. Madalas kong mapanaginipan na bumalik na siya. O kaya naman ay magkasama kami. Subalit pag-gising ko, balik sa dati.

Nakasanayan ko na ang pagtulog sa tanghali pagkatapos kumain. Kasi ganon sina Lolo at Lola. Nagising ako isang hapon na parang may tumatawag.

"Pat, Pat, Patrickk!!!"

Hindi malinaw sa akin pero para talagang may tumatawag, at isang tao lamang ang tumatawag sa akin ng ganon. Dali-dali akong bumangon, dumungaw sa bintana, nagpalinga-linag ako, bukod sa ilang bata na naglalaro sa harapan ng mababang gate, wala akong nakitang tao. Tumayo ako at dumiretso sa pinto.

"Apo, ang haba ng tulog mo, alas kwatro na, Magmiryenda ka muna, nagluto ako ng ginataan. Magugustuhan mo dahil ang sarap ng langka."

Bati ng matandang masayang nakatingin sa akin habang nanonood ng TV.

"Salamat po Lola, sandali lang po may titingnan lamang ako sa labas." At diretso akong dumaan sa harapan niya.

Patakbo akong lumabas ng pinto, nagpalinga-linga. Pinuntahan ko ang tagiliran ng bahay, wala. Ang puno ng mangga na may nakataling duyan, wala . Tiningnan ko maging ang itaas ng puno. Wala. Lumabas ako ng gate, at tumingin sa magkabilang dako ng kalsada. Wala. Napansin ko ang ilang bata na nag hahabulan sa kabila sa tabi ng maliit na tindahan nakatingin sila sa akin.

Iniiwas ko na lamang ang aking paningin ko sa kanila at malungkot na pumasok sa gate. Naupo ako sa duyan at muli kong naramdaman ang pagkabigo.

"Akala ko bumalik ka, akala ko pinuntahan mo ako dito. Akala ko magpapakita ka na" bulong ko sa aking sarili at muli ay naramdaman ko ang nag-uunahang pagpatak ng mga luha ko.

"Akala ko hindi mo ako matitiis. Miss na miss na kita Kuya Paul" Patuloy akong umiyak kahit walang sounds.

Nang maramdaman ko ang paghaplos sa aking likuran. Nang lingunin ko si Lola pala.

"May problema ka ba apo?" Hindi ako sumagot.

"Napansin ko kasi ilang araw ka ng matamaly. Hindi ka man magsabi alam kong may dinaramdam ka. Masaya sana akong narito ka, dahil may nakakasama ako sa araw habang wala si Darius pero kapag nakikita kitang malungkot at parang laging may hinihintay hindi ko maiwasan ang mag-alala. Hindi ka masyadong kumakain, napapansin ko sa gabi lagi kang nakatanaw sa kawalan. Kung araw naman laging malalim ang iniisip mo. Josh kinakabahan ako baka magkasakit ka sa ginagawa mo." Lalo akong napaiyak.

"Kung gusto mong umuwi ay ipapasabi ko sa Daddy mo na ipapahatid kita sa Tito James mo." Ang suggestion niya.

"Nako Lola, wag na po, dito muna ako gusto ko po talaga lumayo muna sa amin para makapag isip-isip." Hindi ko na napigil ang sarili kong ikwento ang pinagdaraanan ko. Iniwasan ko na lamang magbanggit ng pangalan.

"Ganyan talaga ang magmahal apo, minsan may kaakibat na sakit. Hindi puro saya ang pag-ibig. Meron din itong lungkot. Huwag mong iisipin na kapag nagmahal ka lagi kang nakangiti, minsan sa ayaw mo at sa gusto sisimangot ka. Hindi puro tamis ang pag-ibig, meron din itong asim at magkaminsan pa nga ay pait."

"Mabuti pa kayo ni Lolo, umabot ng ganyang katagal ang pagsasama. Nagkaroon din ba kayo ng problema dati?" pilit kong ngiti habang nagtatanongi sa kanya.

"Marami kaming hirap na pinagdaanan.

"Talaga po, parang ang sweet ninyo hanggang ngayon."

"Bago pa lamang kami ay tutol na ang mga magulang ko sa Lolo mo, paano ba naman napaka basag ulero, nasa kanya na lahat ang bisyo, hindi ko nga alam bakit nagustuhan ko noon ang taong iyan. Nagtanan kami pero binawi ako ng aking mga magulang at kailangan daw munang patunayan ng Lolo mo na kaya niya akong buhayin. Nangako ang Lolo mo sa akin na magbabago siya, hintayin ko lamang at aayusin niya ang buhay niya. Dahil mahal ko naghintay ako hanggang dumating ang araw na handa na siyang magkapamilya at dahil maayos na ang buhay niya hindi na tumutol ang mga magulang ko at mula naman noon ay naging masaya ako sa piling niya kahit minsan at lumalabas pa rin ang pagiging masungit at mainitin ang ulo." Iyon ang mahaba niyang kwento tungkol sa love story nila.

Matagal pa kaming nag kwentuhan at marami akong nalaman. At muli umasa akong babalikan ako ni Kuya Paul. Iyon ang pinanghawakan ko, babalikan niya ako.

Natapos ang bakasyon. Pasukan na naman, muling sumagi sa isip ko ang mga alaala ni Kuya Paul. Hanggang nasanay na akong wala talaga siya. Ibinaling ko ang atensiyon ko sa pag-aaral at sinubukan ko na ring manligaw kay Joyce. Sinagot naman niya ako kaagad. Hindi na ako takot magalit si Kuya Paul, kung kinalimutan na niya ako, pag-aaralan ko na rin siyang kalimutan. Nag-aral akong mabuti at ginawa kong inspirasyon si Joyce. Masaya akong kasama siya at nagkaroon narin ng maraming tropa. Sumasagi pa rin sa isip ko si Kuya Paul pero hindi gaya ng dati na namimiss ko siya ngayon ay naiinis na ako sa kanya, natapos ang tatlong buwan, apat na buwan, limang buwan hanggang isang taon. Ilang araw lamang graduation na wala pa rin siya. Ganap na niya akong nalimutan. Kaya pinag-aralan ko na rin siyang kalimutan at tanggaping wala na siya at wala na rin kami. Wala na akong balita sa kanya kahit si Mommy wala na ring binabanggit tungkol sa kanya.

Maraming pagkakataon pa rin na namimiss ko siya pero pinilit ko nang kalimutan siya gaya ng ginagawa niya sa akin. Isang araw naramdaman ko ang kwintas na bigay niya. Tiningnan ko ito sa harap ng salamin.

"Sabi mo nasa akin na ang puso mo, hindi iyon totoo, ilang buwan ka pa lamang napalayo, nakalimutan mo na ako. Sana lamang ay masaya ka sa ginawa mo. Dahil ako hindi masaya, pero huwag kang mag-alala pipilitin ko na ring tanggapin na wala ka na nga at iniwan mo na akong tuluyan."

Hinubad ko ang kwintas. "Kagaya ng nagbigay sa iyo, kailangan na rin sigurong alisin kita sa katawan ko para maging madali sa akin na tanggapin ang totoo."

Inilagay ko lamang iyon sa isang side ng table. Saka ko napansin ang magulo kong study table. Kung narito lamang si Kuya Paul, hindi niya hahayaan ang table ko na ganito kakalat. Lilinisin niya iyon habang pinagsasabihan ako. Pero kailangang magsimula akong hindi na umaasa sa kanya. Nilinis ko ang table, itinapon ang lahat ng hindi ko na kailangan, kasama ang lahat ng maliliit ng notes na iniiwan ni Kuya Paul, kapag maaga siyang umaalis o kaya naman ay dumarating na tulog na ako.

"Paalam Kuya Paul at salamat sa lahat ng magagandang pangyayari na pinagsamahan natin."

Nahiga na ako dahil sobra na ng dami ng luhang naipatak ko. Kahit anong gawin o isipin ko, masakit pa rin sa akin ang tuluyan niyang pagkawala. Ayaw ko sa ginagawa ko pero baka ito lamang ang paraan para hindi ako masaktan. Alam kong mahirap o baka nga hindi mangyari na makalimutan ko siya pero sisimulan ko. Magsisimula ako na hindi na siya isinasali sa anumang gusto kong mangyare. Hindi ako sigurado hanggang kailan ako masasaktan pero kailangan ko lamang sigurong tanggapin ang totoo.

Graduation namin.

Kagaya ng dati Best in Science ako at dahil nag aral akong mabuti Top 5 ako. Nakatulong din siguro sa akin iyong pagkawala niya dahil kailangang patunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Sobrang saya ni Mommy, Nasa stage kami isinabit niya ang medal ko nang mapansin niya ang pagtulo ng mga luha ko.

"Hindi ka ba masaya anak. O naalala mo lamang siya." Bulong niya sa akin.

"Magsmile ka muna kahit ngayon lang sa picture hinawakan niya ako sa balikat at bahagyang pinisil. Congratulations anak. Proud na proud kami ng Daddy mo sayo. "

"Thanks Ma, proud din akong kayo ang parents ko," saka ako yumakap sa kanya.

Nakaupo na kaming lahat habang nagsasalita ang aming Valedictorian pero malayo ang nililipad nang utak ko.

Noong Graduation ng elementary si Kuya Paul ang nagsabit ng Best in Science Medal ko dahil si Mommy naman ang nagsabit ng Top 6 award ko. Ang saya-saya namin noon. Pagkatapos ng kainan umakyat agad kami sa kwarto at ibinigay niya ang regalo niya sa akin, saktong birthday ko rin noon, March 26 kaya dalawa ang gift niya. Iyong isa na pang birthday ay bolang pangbasketball at yung isa naman na pang graduation ay PSP.

"Pat, pasensiya ka na ha, alam kong laptop ang gusto mo, pero kulang pa ang pera ni Kuya ngayon. Pag may trabaho na ako promise mabibili ko rin ang gusto mo."

Niyakap ko siya saka hinalikan sa magkabilang pisngi. Mahal na mahal ko si Kuya Paul at alam kong mahal na mahal din niya ako. Nangako siyang walang iwanan at kahit kailan hindi niya ako makakalimutan kahit mag-asawa pa siya o kahit tumanda na kami. Sabi niya mahal niya ako hinding-hindi niya ako sasaktan.

"Sinungaling. Manloloko ka."

Bigla akong natigilan ng mapansing napalingon sa akin ang ilan kong katabi, hindi ko na rin napigil ang pagpatak ng mga luha ko. Siguro ay napalakas ang pagkakasabi ko, kaya nabigla sila. Tumungo na lamang ako para hindi nila makita.

"Josh ayus ka lamang ba.?" Naguguluhang tanong ni Jairus.

"Brader, may problema ba, sinong kaaway mo?" boses ni Glen galing sa likuran.

Umiling lamang ako.Hindi naman nila ako makulit dahil nagsasalita ang valedictorian namin.Pero alam kong alam ni Jairus ang iniisip ko dahil malungkot lamang niya akong tinapik sa balikat. Naikwento ko naman sa kaniya ang tungkol sa amin ni Kuya Paul at hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin.Sa lahat ng barkada ko siya ang pinaka close at napagkakatiwalaan ko kahit ng aking mga sikreto.

Nang matapos ang program ay mabilis kong niyaya si Mommy para umuwi. Sinabihan ko sila na huwag nang maghanda pero dahil umuwi sina Ate at Kuya hindi rin napigil si Mommy. Naroon din ang Mama at Papa ni Kuya Paul. Wala silang kasalanan sa akin kaya pinakiharapan ko sila ng maayos. Pagkatapos akong I kiss ni Tita ay iniabot sa akin ang regalo niya. Hinawakan naman ako ni Tito sa ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"College na si bunso, parang kailan lang isang iyaking bata na dala ni Paul hanggang CR dahil walang sinasamahang iba. Ngayon ay binatang binata na" napangiti naman pati sina Ate at Kuya.

"At napaka gwapo pa, nako ay napakaswerte ng mapupusuan nitong si Josh." Dagdag ni Tita Cel. Lalong lumakas ang tawanan.

"Tiyak tuwang-tuwa ang Kuya Paul mo kapag nakita ka."

Makahulugang sabi ni Tita Cel. Kahit hindi ganon kaganda ang pakiramdam ko kailangan kong ngumiti pero madalas kong makita si Mommy, malungkot ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Pagkatapos ng salu-salo ay nag alisan na rin ang ilang bisita kaya umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Iniakyat ko na rin ang mga regalo at maingat na inilapag sa study table.Wala pa akong gana na buksan sila. Naligo lamang ako at pagkabihis ay nahiga na.

Nagtulog ako maghapon kinabukasan, hapon na ng magising ako at nakaalis na sina Ate at Kuya, balik na naman ang malungkot naming bahay. Nang sumunod na araw birthday ko. Ayokong maghanda, binigyan ako ni Mommy ng pera ilibre ko raw ang mga barkada ko. Pero mas pinili kong pumunta sa mall mag-isa.

Nakita ko si Joyce

"Josh happy birthday, galing ako sa inyo"

"Ahh, thank you, pasensiya di ko alam na pupunta ka,"

"Tumawag nga ako sa yu, un attended naman ang phone."

"Lowbat kasi kaya hindi ko dinala matatagalan kung mag charge pa ako." ang totoo mula nang umalis si Kuya Paul bihira na akong magdala ng phone kapag umaalis.

"Sabi nga ni Tita dito ka raw pupunta, iniwan ko na sa kanya gift ko sa iyo."

"Thank you!"

"Happy birthday, I love you!

"I love you too!"

"Mukhang malungkot ka birthday mo parang hindi ka masaya?"

"Masaya ako, naisip ko lamang paano kaya ang buhay college?"

"Ikaw pa ba ang mamureblema don e ang talino mo ako nga dapat ang mag-isip dahil lagi namang mababa ang grades ko,"

"Huwag mo na iyong pansinin, tara kain muna tayo, tiyak gutom ka na.”

Kumain kami saka nanood ng sine, tumambay at nagkwentuhan. Pinag-usapan namin ang tungkol sa aming dalawa. Nakapasa ako sa isang Medical School BS Nursing ang course ko. Sa school din na iyon balak niyang mag-aral pero Med Tech ang gusto niya. Masaya ako dahil magkasama pa rin kami sa iisang school. Mahal ko naman talaga siya kaya lamang mas mahal ko pa rin si Kuya Paul. Pero hindi na maari ang ganon saka mas nangingibabaw sa akin ang pagka inis sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin. Hapon na nang magpaalam siya na uuwi na at baka hinahanap na sa kanila. Naglakad-lakad pa rin ako hanggang may nakita akong glow in the dark. Napangiti ako. Pumasok ako at namili nakakita ang mga dinosaur . Bumili ako ng 3 packs, ang dami, at ang lalaki pa. pag-uwi ko sa amin hinanap ko agad ang hagdan. Alam kong magagalit si Kuya Paul sa gagawin ko dahil noong sinabi ko na mga dinosaur ang ilagay niya sabi niya

"Kelan ka ba nakakita ng ganyang dinosaur na nasa itaas? Hindi naman iyan ang mga flying dinosaurs, pterosaurs yun at hindi ganyan ang itsura maliliit ang katawan nila"

Pakialam ba niya kwarto ko naman to, kahit nga pictures niya ang ilagay ko don kasama ng dinosaurs wala siyang pakialam. Subukan ko nga kayang isama ang pictures niya sa mga flying dinosaurs ko?

Naalala ko ang mga pictures namin noong mamasyal kami gamit ang bago niyang motor. Pati noong JS, ang araw na naging kami. Sayang ni hindi kami nakapag celebrate ng 1st monthsary kasi may pasok siya noon tapos noong weekend na iyon yung ayoko siyang kausapin dahil puro pagpunta sa Japan ang sinasabi niya.

Hanggang nang mag JS ulit, sana ay 1st t Anniversary namin, hindi na lamang ako umattend ng mas pinili ko pang matulog buong gabi kesa maalala ang nakalipas na JS na yun pala ay isa lamang pangako. Pinaasa lamang niya ako sa pangakong hindi kayang paninindigan. Bagamat hindi sang ayon si Mommy sa desisyon ko hindi naman niya ako pinilit

"Sayang Kuya Paul, minahal naman talaga kita. Bakit kasi naniwala pa ako sa iyo, kung naging matatag lamang ako at hindi nagpabola sa iyo hindi sana ako masasaktan ng ganito, hindi sana ako umiiyak. Alam ko naman na mangyayari talaga ito pero umasa pa rin ako na kaya mo akong mahalin gaya ng pangako mo. Kung hindi ako naniwala, at kung hindi ako umasa siguro masaya pa rin tayo ngayon."

Isang hapon nagising ako na isang note na naman ang nakita ko sa kusina.

"Josh anak, may pagkain dito, initin mo na lamang kapag nagutom ka, may pupuntahan akong lamay bukas na ng umaga ang uwi ko."

"Hmm, si Mommy talaga kung kailan tumanda saka nagiging layas, lagi na lamang umaalis palibhasa malaki ang tiwala kay Ate Carol kaya nakakalis na ng bahay kahit anong oras." Iyon ang naibulong ko sa aking sarili.

Pagkatapos kumain ay naligo lamang ako at bumalik sa kwarto. Hindi ako pwedeng umalis ngayon kasi walang maiiwan dito sa bahay. Naglaro lamang ako ng ilang online games pagkatapos ay natulog na. Nang makaramdam ako ng gutom kinagabihan ay naghanda ako ng pagkain. Dahil wala si Mommy bumalik ako sa kwarto at gaya ng dati nakipagtitigan sa kisame, napangiti ako nang makita ang mga flying dinosaurs sa aking kisame habang kinukutingting ang cellphone ko wala naman akong ka text o ka chat, basta lang. Nasa ganon akong ayos nang biglang bumukas ang pinto. Literal na nauntog ako sa headboard ng kama ko nang makita ko kung sino ang pumasok.

"Congratulations and happy birthday Pat. Pasensiya na hindi ako umabot. Pinilit ko kaso wala talagang available na flight." Nakangiti niyang bati may mga bitbit siya. Bumalik siya sa pintuan may kinuha pa. Nakita ko ang dalawang maliliit na cake. May dalawang regalo na nakakakahon, may dalawang paper bags.

"Hindi mo man lang ba ako lalapitan Pat, hindi mo ba ako namiss?" nagsasalita siya habang nakatalikod at inaayos ang mga dala niya.

"Bakit bumalik ka pa, hindi ka ba masaya don sa pinuntahan mo?"naiinis kong tanong.

"Eto naman, isang taon tayong hindi nagkita tapos ganyan ka, pagsusungit ang isasalubong mo sa akin."

"Iyon nga nga e isang taon kang nawala, kaya sanay na akong hindi ka nakikita dito sa kwarto ko."

Saka ako nagtaklob ng kumot. Hindi ko alam kung gaano pa siya katagal sa loob ng kwarto, Inisip ko na lamang sana umuwi na at huwag nang tumabi sa akin pagtulog. Hanggang sa nakatulog na rin ako.

Paul

Sobrang saya ko pagkatapos ng isang taon makikita ko na ulit si Patrick. Halos lumundag na ako sa eroplano pagkalapag namin. Excited na talaga ako at last, narito na ako, Parang napakatagal ng isang taon. Pero kinaya ko ang lahat, tiniis ko kasi ang nasa isip ko pagkatapos ng isang taon magkikita naman kami. Ginawa kong inspirasyon ang lahat ng pangarap namin. Gustung-gusto ko ng makita ang mga ngiti niya, ang dimples nya, ang maamo niyang mga mata, kahit ang kakulitann niya. Missed na missed ko ang lahat ng tungkol kay Patrick. Ano ba ang una kong gagawin, yayakapin ko ba siya, hahalikan? Bubuhatin? Ano na kaya ang itsura niya. Naka save pa rin sa phone ko ang mga pictures niya na siyang pinagkuhanan ko ng lakas para matagalan ang napakalungkot na trabaho namin. Pero alam kong sa loob ng isang taon maaring malaki na rin ang ipinagbago niya physically, siguro mas pogi pa siya kesa dati. Haist, nakaka excite talaga.

"Anak, binigla mo naman kami, hindi ka man lamang nagpasabi nang nasundo ka namin." Iyon ang agad na bati sa akin ni Mama pagkabukas ng pinto. Tulog si Papa gaya ng dati. Pero nagising din agad dahil sa ingay ng Mama ko.

"Gusto ko nga po kayung i-surprise." Nakangiti kong sagot sa kanya saka siya mahigpit na niyakap. Niyakap din ako ni Papa na kitang-kita sa mga mata niya ang sobrang tuwa,

"Nako anak, amoy hapon ka na yata, sobrang bango mo at ang gwapo mo lalo." Ang papuri ng Mama ko.

"Namiss mo lang ako Ma," sagot ko sa kanya, napatawa na rin si Papa sa usapan namin.

"Siyanga pala "Ma, pagod po talaga ako, kayo na ang kumuha ng mga pasalubong ko sa inyo, siguro naman hindi na kayo mag-aaway kasi kahit walang pangalan ang mga iyon ay pambabae at panlalake naman iyon kaya alam na ninyo kung alin ang sa inyo."

Tinapik ako ni Papa sa balikat habang si Mama naman ay muling yumakap sa akin. Binitbit ko naman ang maliit na bag nasa loob ang pasalubong ko kay Patrick.

Nakatulog agad ako paglapat ng likod ko sa kama. Ang sarap talaga kapag nasa sarili mo ikaw na kwarto. Hapon na ng bumangon ako, naghahanda na si Mama para umalis. Tamang-tama at nakaluto na ng hapunan kaya kumain na ako.

"Ma. Aalis muna ako ha may bibilhin lamang ako. Nasaan pala ang susi ng motor."

"Doon pa rin sa dati mong lagayan, sa side ng TV, hindi ko na binago ang pwesto para hindi mahirap hanapin." Sagot niya habang nakatalikod sa akin.

Pagkaligo ko ay lumabas agad ako at dumiretso ng cake shop sa mall. Bumili ako ng 2 cakes. Dahil marami ang nauna sa akin. Medyo matatagalan daw bago mailagay ang notes na gusto ko kaya nag ikut-ikot muna ako sa mall.

Patrick

Nagising ako umaga dahil sa malakas na pagkatok ni Mommy sa pintuan ko

"Josh, Josh, gumising ka." Iyon ang paulit-ulit kong nadidinig sa pagitan ng bawat pagkatok.

Kinukusot ko pa ang aking mata habang naghihikab na lumapit sa pintuan para buksan.

"Mommy naman ano ba, may sunog ba? Kung makapang gising ka naman akala mo hindi bakasyon ngayon." Naiinis kong bati sa kanya.

"Umayos ka nga Josh, alam mo bang nasa ospital si Kuya Paul mo, naaksidente pala siya kagabi. Alam mo bang dumating pala siya kahapon at..." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mapansin ang mga nasa table.

Pero parang wala ako sa sarili. Hindi ko pinansin ang nagtatanong niyang mata.

"Puntahan natin siya Ma, magpapalit lamang ako ng damit. Dali-dali akong nag toothbrush saka nagpalit ng damit at bumaba na rin. Kaagad pumara ng taxi si Mommy at nagpahatid sa hospital.

Nagyakapan sila ni Tita nang magkita sila, nakita ko naman si Tito na nakasubsob sa kama sa tabi ni Kuya Paul mukhang pareho silang tulog.

"Mare ano bang nangyare, kahapon nga ba siya dumating, pasensiya na nasa lamayan ako at umaga na ng mabasa ko ang text mo."

"Oo, dumating siya kahapon nang tanghali, at dahil sa pagod natulog. Nong mga alas singko nagpaalam may pupuntahan lamang daw siya pakirinig ko nga ay sa mall, gamit ang motor niya.

"Anong daw nangyare?"

"Hindi ko na alam, basta mga alas onse na iyon nang may tumawag na pulis at na naksidente nga raw. Hindi ko alam ang gagawin ko mare kung may mangyaring masama sa anak ko."

"Diyos ko naman ano ba namang pangyayari iyan, ano bang sabi ng duktor,?"

"Ayos naman daw, ligtas na, pero pag nagising siya kailangan pa rin obserbahan, kung may sasakit lalo na sa ulo, kailangan pang i CT scan."

"Mabuti naman at ayus na siya. Iyan nga mahirap sa motor e, Kaya itong si Josh ay pinag iisipan ko talaga kung ibibili ko ng motor kahit nga payag na ang ama niya ay ako naman ang nag aalala.Napakaraming aksidente sa motor ngayon" Si Mommy.

Maya-maya nakita kong nagmulat ng mata si Kuya Paul. Nagpalinga-linga saka nagtanong sa Mama niya kung ano ang nangyari. Tumingin siya sa akin pero saglit lamang at nag-iwas din agad. Nakaramdam ako ng lungkot. Alam ko namang ako ang may kasalanan sa kanya. Kung hindi ako naging pasaway kagabi at hinayaan siyang magpaliwanag hindi sana umabot sa ganito ang lahat. Gusto ko sana siyang kumustahin pero hindi ko magawa, hiyang-hiya ako sa nangyari. Parang ang gusto ko lamang ng mga panahong iyon ay umiyak. Gusto kong umiyak at mag sorry sa kaniya. Pero natatakot akong malaman nina Tita at Tito na ako ang dahilan kaya naaksidente si Kuya Paul dahil alam kong magagalit din sila sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, nanatili lamang akong nakatayo at nakatingin sa kanya habang tumagilid siya. Siguro ay masakit ang ulo niya kaya parang hinawakan niya,

Sa loob ng tatlong araw ay lagi akong nasa ospital, gusto kong magsorry sa kanya. Pero hindi ko narinig na gusto niya akong kausapin, laging naroon sa araw ang Mama niya at sa gabi ay kasama ang Papa niya kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Alam kong ako ang dahilan ng aksidente niya pero alam kong wala siyang sinabi sa mga magulang niya. Umuwi ako sa bahay na parang hinang-hina. Saka ko lamang napansin ang mga regalo niya nang gabing dumating siya. Yung cake ay halos bagsak na at panis na pero mababasa pa rin ang nakasulat. Happy 16th birthday Pat. Yung isa naman ay Congratulations, Kuya is very proud of you. I Love you Pat. Binuksan ko ang Graduation Gift niya Laptop at relo naman ang birthday gift niya at sa dalawang paper bag ay parehong cadburry at snickers na parehas naming favorite pero may pangalan ang isa na Kuya Paul at Baby Pat naman yung isa. Naisip ko ganoon si Kuya, palibhasa alam niyang paborito namin parehas pinagbubukod niya pero dahil mas malakas akong kumain kaya ibinibigay niya sa akin yung ibang share niya. Napangiti ako kahit gusto nang umiyak. Napansin ko rin ang nakaipit na sulat.

Sorry Patrick. Hindi ako nakapagpaalam sa iyo dahil ayokong makita kang umiiyak. Ayokong baunin sa pag-alis ko ang mga luha mo dahil baka hindi ko kayanin, Sinadya kong umalis habang tulog ka para pag gising mo wala na ako kasi baka magdalawang isip akong tumuloy kung makikita kita.

Hindi totoong kinalimutan kita, Sa buong isang taon walang araw o oras na hindi kita naaala. Kapag tumatawag naman ako naka off ang phone mo hanggang nabalitaan ko na lamang na nasa Davao ka at hindi kita macontact.

Alam kong galit ka sa akin pero sana mapatawad mo ako. Iyon na lamang ang hihilingin ko, Patrick sana huwag mong hayaang tuluyan ka nang kainin ng galit mo sa akin dahil kahit kailan hindi ako tumigil na mahalin ka.

Again Congratulations and Happy Birthday!

Kuya Paul.

Sorry Kuya Paul. Ang laki kong tanga. Kung nakinig lamang ako sa iyo. Kung hindi naging matigas ang ulo ko, Kung pinagbigyan lamang kitang magpaliwanag. Pero wala na akong magagawa, sana lang mapatawad mo pa ako. Kaya lang mukhang hindi pa ngayon. Masakit Kuya Paul kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita pero mas masasaktan ako kung makikita ko ang ganyang kalamig na pakikitungo mo sa akin. Hindi ko kayang ang ganito.

Paul

Madilim na nang makalabas ako ng mall. Dumiretso muna ako sa amin at nagpalit ng damit saka ko kinuha ang regalo ko kay Pat pati kay Ninang. As usual wala na sina Mama at Papa, tiyak madaling araw na ang balik nila. Talagang pag nakaipon ako papahintuin ko na sila sa pagta trabaho. Agad akong lumabas at lumipat ng bahay. Pero wala pala si Ninang kaya ibinigay ko na lamang kay Carol ang pasalubong ko para siya na ang mag abot kay Ninang pagbalik. Diretso ako sa kwarto ni Pat. Nadatnan ko siyang nakahiga hawak ang cellphone niya.

"Congratulations and happy birthday Pat. Pasensiya na hindi ako umabot. Pinilit ko kaso wala talagang available na flight."

Iyon agad ang bati ko sa kanya, pagtama ng tingin namin. God ang gwapo niya buti na lamang nakapagpigil ako at hindi ko siya nahalikan. Pero nakatingin lamang siya sa akin bagamat halatang nagulat din. Inilapag ko ang mga dala ko sa study table at binalikan ko sa kabila ng pintuan ang iba pa.

"Hindi mo man lang ba ako lalapitan Pat, hindi mo ba ako namiss?" sabi ko habang inilalapag ang dalawang paper bags.

"Bakit bumalik ka pa, hindi ka ba masaya don sa pinuntahan mo?" nabigla ako sa tanong niya, hindi ko iyon inaasahan.

"Eto naman, isang taon tayong hindi nagkita tapos ganyan ang isasalubong mo sa akin." Ayokong bigyan ng masamang kahulugan ang sinabi niya.

"Iyon nga nga e isang taon kang nawala, kaya sanay na akong hindi ka nakikita dito sa kwarto ko."

Saka siya nagtaklob ng kumot. Kusa ko na lamang naramdaman ang pagpatak ng mga luha ko. Ang sakit, isang taon akong naghintay para sa pagkakataong ito. Akala ko kagaya ko masaya rin siya sa pagbabalik ko.

Napaupo ako nang mapansin ko ang kwintas na ibinigay ko sa kanya. Nasa isang sulok lamang ng table, dinampot ko iyon at malungkot na pinagmasdan. Para akong sinasaksak habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

"Wala na ba talaga? Wala na bang pag-asa? Bulong ko sa sarili habang umiiyak. Nilingon ko siya nakatalukbong pa rin ng kumot.

"Pat, ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong ikwento sa iyo. Akala ko excited ka rin. Nagkamali ako ng akala."

Nang mga pagkakataong iyon gusto ko siyang lapitan, gusto kong magmakaawa na pansinin niya ako, mag-usap kami at ayusin ang anumang problema. Pero hindi siya bumabago sa pwesto niya. Hindi ko alam na ang laki ng ipinagbago niya sa loob lamang ng isang taon. Hindi na siya ang dating baby Pat na sabik na makita ako, Hindi na ako ang Kuya Paul na lagi niyang hinihintay ang pagdating. Nagbago na siya, hindi na siya ang aking baby na anumang oras na gusto ko ay pwede kong yakapin, pwede kong halikan. Ang sakit. Kasalanan ko nga siguro dahil sinaktan ko siya nang umalis ako. Naging selfish ako dahil hindi ko naisip na masasaktan siya pag gising niya na nakaalis na ako.

"Pero Pat, heto na ako, tinupad ko ang promise ko sa iyo na babalikan kita. Narito na ulit ako pwede na ulit tayong maging masaya." Iyon lamang ang naibulong ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko nang mga sandaling iyon.

"Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kanya habang may taklob pa rin siyang kumot. Hindi ko na kaya ang sakit parang sasabog ang dibdib ko. Pero kailangan ko pa ring mag sorry sa kanya. Gusto ko pa ring humingi ng tawad sa kanya. Kumuha ako ng papel saka nagsulat, marami pa sana akong sasabihin pero nahihirapan na ako kaya minabuti ko na lamang na lumabas.

"Sorry Pat, sana dumating ang araw na mapatawad mo rin ako." Iyon lang ang ibinulong ko saka marahang isinara ang pinto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayoko pang umuwi sa amin dahil wala naman akong makakausap. Muli bumalik ako sa amin sumakay ako ng motor at dumiretso sa bilyaran don muna ako tatambay. Nakita ko yung mga kaibigan ni Patrick si Glen at Jairus.

"Kuya Paul, nakauwi na po pala kayo, Kumusta?" Bati ni Glen.

Madalas ko naman siyang makita sa bahay nina Patrick kaya kahit minsan ay naiinis ako dati sa kanya parang naging kabatian ko na rin. Mabait na bata nga siya gaya ng sinabi ni Pat. Nginitian din ako ni Jairus.

"Oo, kanina lamang, Mabuti naman, kayo kumusta?" sagot ko naman sa kanila saka naupo sa isang bangko malapit sa kanilang dalawa.

"Ayus lamang naman din, eto bakasyon kaya sinasamantala bago sumabak sa college life."

"Nagkita na ba kayo ni Josh, maghapon kasi kaming hindi nagkita ewan don naka off na naman ang phone kaya hindi namin matawagan."

Emo na naman yata si Jairus.

"Oo, galing ako sa kanila kaso tulog na, baka pinagbantay ni Ninang ng bahay wala kasi si Ninang sa bahay ngayon may pinuntahan daw."

Marami pa kaming napag-usapan, pero hindi ko malimutan ang sinabi ni Glen tungkol kay Patrick at Joyce.

"Opo, mga 5 months na rin yata sila, bagay nga sila, akala nga po namin hindi pa manliligaw si Josh kasi sabi niya nag promise daw siya sa inyo na tatapusin muna ang highschool bago manligaw, kaso natakot yata nang malaman na marami ang may balak manligaw kay Joyce kaya ayun."

Kaya pala hinubad na niya ang bigay kong kwintas iyon agad ang naisip ko. May girlfriend na pala siya.

"Ang sakit Patrick, ang bilis mo akong pinalitan, umasa pa naman akong naghihintay ka sa pagbalik ko."

Pagkatapos magpaalam sa kanila ay umalis na rin ako at sumakay sa motor. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, basta pinaandar ko na lamang ang motor ko. Pero dahil sa madilim at masyado ng maraming luha ang mata ko hindi ko agad nakita ang nag overtake na kotse, Iniiwas ko ang motor ko pero tumama naman ako sa poste. Sigawan na hindi ko alam kung saan nanggagaling ang huli kong narinig dahil nagdilim ng tuluyan ang aking paningin.

Nasa loob na ako nag ospital nang magkamalay ako. Dahil hindi naman ako lasing, alam ko ang lahat ng nangyari pero nagtanong pa rin ako kay Mama. At tama nga naaksidente ako.Nasa tabi ko si Papa tulog, si Mama, kausap si Ninang, si Pat, nakatingin lamang sa akin. Halatang galit pa, kasi hindi siya ngumiti, hindi man lamang lumapit para kausapin ako. Lihim akong napaluha pero pinahid ko agad bago pa nila mapansin. Ang laki pa rin ng galit niya sa akin. Pero sapat na muna sa akin na naroon siya. Masaya na ako na sa pagmulat ng mata, nakita ko siya. Kahit papaano ay nag-aalala pa rin siya. Pero ang sakit ang laki na ng ipinagbago niya. Pag labas ko pipilitin ko siyang kausapin, hindi ako titigil hanggang hindi niya ako pinapatawad. Kilala ko naman si Patrick, napakalambot ng puso niya sa pagpapatawad. Napakabilis niyang malimutan kahit anong masakit ang ginawa sa kanya. Kaya nga lalo kong mahal na mahal ang taong iyon dahil don sa ugaling niyang iyon.

Josh

Bagamat nabigla si Mommy, hindi naman siya kumontra. Sinabi ko sa kanya na babalik ako sa Davao at doon magbabakasyon, Hindi ko kayang tagalan na tingnan si Kuya Paul. Malaki ang kasalanan ko sa kanya at hindi ko alam kung mapapatawad niya ako. Sobrang sakit ng ginawa ko sa kabila ng lahat ng ipinakita at ginawa niya sa akin. Nakukunsensiya ako. At lalo lamang akong masasaktan kapag nakikita ko siya sa kanyang kalagayan. Naawa ako sa kanya dahil alam kong ako ang may kasalanan. Nawala ng lahat ang pagtatampo ko sa kanya ang meron na lamang ako ng mga panahong iyon ay guilt feelings. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya kaya hindi ko siya kayang lapitan. Hindi ko alam kung galit siya dahil sa nangyari pero mas gusto ko pa nga ang galit siya para mailabas niya sa akin kung anuman ang nasa loob niya. Pero mas nasasaktan ako sa pananahimik niya. Mas masakit pala kapag yung malungkot niyang mga mata ay nakatingin sa akin parang tumatagos sa puso ko ang mga tingin niya. Yung mga mata niya na parang laging iiyak. Hindi ko kayang tagalan ang ganon. Sorry Kuya Paul. Gusto kong sabihin na suntukin na lamang niya ako, murahin o kahit anong pananakit para gumaan ang pakiramdam niya, pero paano ko sasabihin laging naroon si Tita o kaya si Tito.

"Basta anak mag-iingat ka doon ha, at lagi mo akong tatawagan. Hindi ko alam bakit umabot kayo ng Kuya Paul mo sa ganito." Ang lumuluha niyang paalam sa akin.

"Sigurado ka bang ayaw mo ng hintayin ang paglabas ng Kuya Paul mo. Sabi ng Tita mo, before lunch daw nasa bahay na sila. Makipagkita ka kaya at magpaalam muna bago ka umalis tutal 2 pm pa naman ang flight mo diba?"

"Huwag na Ma, lalo lang akong masasaktan pag ginawa ko iyon." Malungkot kong sagot" Don't worry Ma, kaya ko ito, Diba sabi mo matapang ako, ikaw ang nagsabi na hindi na ako bata di ba?" Saka ako yumakap sa kanya.

"Pinalaki ninyo naman ako ng tama diba, ikaw at si Kuya Paul."

Kay Mommy ko na lamang talaga nailalabas ang totoong ako hindi ko alam kung darating pa ang panahon na magiging ayus ulit kami ni Kuya Paul at ngayun pa lamang miss na miss ko na siya.

"Anak, hindi ko kayang makita kang nasasaktan, parang dinudurog ang puso ko isipin ko pa lamang na iiyak ka na wala ako sa tabi mo, wala rin ang Kuya Paul mo, dati panatag ako kasi alam kong nariyan siya. Pero ngayon anak ang hirap isipin, wala man lang akong magawa para pagaanin iyang dinadala mo. Hindi ko man lamang mapupunasan ang mga luha mo kapag umiiyak ka. Pero gusto kong bigyan ka ng pagkakataon na kayanin ang lahat dahil alam ko para iyan sa kabutihan mo. Gamitin mo ang karanasan mong iyan para matuto ka at sa susunod alam mo na kung ano ang tama at mali. Naniniwala akong kaya mo iyan, Magpakatatag ka lamang Josh, malalampasan mo rin ang lahat ng iyan."

Gusto kong humagulhol pero ayokong mag-alala si Mommy sa akin. Gusto kong isipin niya kahit papaano ay okey ako kahit sa loob ko parang durug na durog na ako. Sana naman pansamantala lamang ang pakiramdam na ito hindi ko alam kung kakayanin ko kung magtatagal pa ito.

"Sige na Ma, tutuloy na po ako, kanina pa yung taxi sa labas. I love you Ma, thank you sa lahat ng pang unawa mo at suporta sa akin."

"Anytime Josh, mag-iingat ka." Muli ay hinalikan niya ako sa magkabila kong pisngi kahit basa iyon ng mga luha ko.

Iyon na yata ang pinakamasakit na pagpapaalam ko kay Mommy, Buo na ang pasya ko sa Davao ako mag-aaral bagamat hindi pa alam ni Mommy ang plano ko dahil ang sinabi ko lamang sa kanya ay magbabakasyon ako don. Alam kong malaking adjustment ito pero para sa akin at kay Kuya Paul gagawin ko ang sakripisyong ito. Hindi ko kayang humarap sa kanya pagkatapos ng lahat. Ayokong hingin ngayon ang pagpapatawad niya dahil alam kong mahirap pa iyong mangyari pero sa tamang panahon mag-iipon lamang ako ng lakas ng loob na harapin ang aking pagkakamali. Sa ngayon ito pa lamang ang nakikita kong paraan para huwag ng lumaki pa ang problema. Ito pa lamang ang alam kong tama ang sarilinin ang sakit na dulot na pagiging makasarili ko.

Hindi naman nabigla sina Lolo at Lola sa aking pagdating dahil naitawag naman ni Mommy ang balak ko. Natuwa pa nga si Lola dahil namiss daw niya ako. Ginugol ko na lamang din ang bakasyon sa pagsama kay Lolo sa mga gawain niya sa bukid. Mabait si Lolo, palibhasa ay paborito niya si Daddy dahil siya raw ang pinakamalambing lagi niyang kinukwento kung ano si Daddy noong bata pa.

"Talaga 'Lo takot si daddy sa daga?" kaya pala sa bahay namin nagagalit siya pag may naiiwan kaming pagkain dahil baka raw dagain kami."

"Oo Josh, minsan isang tanghali natutulog siya sa kubo, tapos may nakapasok na dagang bukid. Nadinig ko nagsisigaw siya at nang puntahan ko nakasiksik sa sulok at umiiyak saka ko lamang napansin na napaihi na pala sa takot."

"Haha, ang tapang-tapang tapos sa daga lamang napapaihi na sa takot, ang epic pala ni Daddy nong bata pa."

Madami pa kaming pinagkwentuhan ni Lolo tungkol sa buhay nila noong araw. Masaya akong kasama sina Lolo at Lola at aaminin ko malaki ang naitulong nito upang gumaan ang pakiramdam ko. Natuto na rin akong sumakay sa kalabaw, mag ani ng palay, magtanim ng mais at umakyat ng niyog. Nakasanayan ko na rin ang maligo sa ilog habang nag hahanap ng mga suso o kaya naman ay manghuli ng hipon. Ito na ang buhay ko ngayon malayung-malayo sa buhay ko dati na lahat ay nakaasa kay Kuya Paul.

Si Kuya Paul, kumusta na kaya siya, sana ok na siya, Hinding hindi nawawala sa akin ang alaala ni Kuya Paul dahil ang mga alaalang iyon ang nagpapalakas sa akin na isang araw magkikita kami at maaayus din ang lahat.

Madalas kaming nasa tabing dagat, ewan ko ba pag nasa may tubig ako pakiramdam ko ang gaan ng buhay, minsan sapat na sa akin na pagmasdan ang paghampas ng alon sa mga bato o kaya naman ay magpalipas ng oras maglaro ng buhangin. Hindi ako mahilig mag swim, sapat na sa akin panoorin ang tubig. Minsan ay sinasamahan ako ni Darius kasama ang mga tropa niya pero kung hindi siya available nakakapunta rin akong mag-isa, May isang lugar sa Davao na paborito kong puntahan ---ang Magsaysay Park nasa tabing dagat iyon at hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao, sa umaga lamang madalas matao dahil sa mga nag ja jogging pero sa hapon, tahimik at napaka ganda ng lugar. Doon malaya kong napagmamasdan ang tahimik na dagat, ang mga ibon na masayang lumilipad at ang paglubog ng araw.

"Sana Kuya Paul kasama kita sa magandang lugar na ito. Alam ko gusto mo rin sa ganito, sayang nga lamang at magkalayo tayu."

Nakasanayan na rin namin ang pagpunta sa Samal Island para magpalipas ng magdamag. Magaganda ang mga beaches doon at napakababait ng mga tao. Iyon ang naging outlet ko para kahit papaano ay malimutan pansamantala ang dinadala kong problema.

Patapos na ang bakasyon nang kausapin ko si Mommy sa phone,

"Anak seryoso ka ba, baka nabibigla ka lamang, pag-isipan mong mabuti."

"Noong umalis po ako diyan, buo na ang pasya ko Ma."

"Pero Josh, hindi madali ang mag-aral diyan. wala kang kakilala diyan liban sa mga pinsan mo."

"Kaya ko 'to Ma, sa umpisa lamang ako mahihirapan, masasanay din ako."

"Hindi ko talaga maintindihan kung ano iyang naisip mo,"

"Please Ma, promise tatawagan naman po kita lagi.”

"Basta anak ayoko, ayokong mapahiwalay ka ng matagal sa akin," Nag-isip ako ng iba pang paraan.

"Kapag po ba pumayag si Daddy, papayag ka na rin Ma?

"Ewan ko Josh, iniisip ko pa lamang naiinis na ako sa iyo."

"Pero Ma, di ba gusto mo namang mag matured na ako?

"Oo pero hindi sa ganyang paraan, gusto kong nakikita pa rin kita araw-araw."

"Basta Ma, magpapaalam ako kay Daddy pag pumayag siya, payag ka na rin ha"

"Anak naman pwede ka namang pumunta diyan twing bakasyon, bakit diyan ka pa mag-aaral?

"I love you Ma, sige po tatawagan ko muna si Daddy." Alam kong iiyak na naman ang Mommy ko kaya kailangan ko nang magpaalam.

Matagal din bago ko na-convince si Daddy, pero sa bandang huli ay pumayag din siya at siya na raw ang bahala kay Mommy.

Napilitan din si Ate na magresign sa trabaho niya at mag-apply na lamang ng trabaho malapit sa bahay namin para nakakauwi siya sa gabi. Mabuti na lamang at madaling kausap si Ate at understanding ang boyfriend niya.

Nakapasok ako sa isang kilalang school sa Davao. Malaking adjustment para sa akin ang mag-aral malayo sa kinalakihan ko. Wala akong kakilala, although mababait ang mga taga Davao, mahirap pa rin para sa akin ang makipag communicate sa kanila. May konti na akong naiintindihan sa usapan nila pero hindi ako makasagot. Sina Lolo at Lola kasi ay hindi talagang taga Davao doon lamang tumira dahil sa nabili nilang lupa. Kaya kahit nakakapagsalita na ng bisaya ay mas kumportable sa tagalog.

Naging malungkot ang unang sem ko. Muli sumagi sa isip ko ang Kuya Paul ko. Iyong paghahatid niya sa akin, ang pagpapakain niya sa tanghali, pag-gawa ng assignment sa gabi. May mga gabing basta ko na lamang mararamdaman ang pagpatak ng mga luha ko, Sa twing maiisip ko ang ginawa ko sa kanya, nakukunsensiya pa rin ako. Ilang beses ding binalak ko siyang tawagan. Iniwan kasi ni Mommy ang number niya kay Lola nang minsang dumalaw sila. Pero naunahan ako ng hiya at takot. Hindi pa siguro iyon ang tamang panahon.

Engineering din ang course na kinuha ko, noong una hindi mapaniwalaan nina Mommy ang desisyon ko dahil alam naman nila na weakness ko talaga ang Math. Nursing ang alam nilang kukunin ko pero ginawa ko iyon para i-challenge ang sarili ko na gumawa ng labas sa aking comfort zone.

Gusto ko ring patunayan sa sarili ko na kaya kong gawin kahit ang alam kong mahirap. Isa pa gusto kong isipin na kasama ko si Kuya Paul habang nag-aaral. Sa bawat subject na kinukuha ko alam kong kinuha rin yon ni Kuya Paul at naipasa niya kaya alam ko kakayanin ko rin. Kaya nag-aral akong mabuti kahit mahirap kinaya ko. Ipinangako ko sa aking sarili na haharapin ko lamang si Kuya Paul kapag naka graduate na ako.

Nagsikap ako at sa loob ng apat na taon dalawang beses lamang akong umuwi sa amin para magbakasyon. Lahat ng summer ay ginugol ko sa pag-aaral gaya ni Kuya Paul, pipilitin ko ring tapusin ang ECE sa loob ng apat na taon. Si Kuya Paul kasi tri sem sa school nila kaya talagang 4 na taon lang. Pero gumagawa naman ng paraan si Mommy na mabisita ako basta may budget at may pagkakataon lalo na pag nagbakasyon si Daddy. Pinakiusapan ko si Mommy na huwag na niya akong balitaan ng kahit anong may kaugnayan kay Kuya Paul. Gusto ko ng mag move on at alam kong isa iyon sa pinakamabisang paraan para magawa ko ay ang huwag magkaroon ng anumang impormasyong konektado sa kaniya.

Naging sobrang saya namin ng maka graduate ako na may honor at pagkatapos mag take ng board ay nakapasok sa isang Engineering firm sa City na konektado sa isa sa pinakamalaking network provider sa bansa. Ayaw sana ni Mommy na payagan akong mag work sa Davao dahil marami naman daw akong mapapasukan sa Manila, Tama naman siya at isa pa plano ko talagang harapin na ang naiwan kong problema pagkatapos ng graduation. Pero sayang ang pagkakataon, kailangan ko rin ang experience dahil alam kong mahirap sa gaya kong fresh grad ang makapasok agad sa magandang kumpanya. Nagpasalamat ako at tinanggap nila ako kahit hindi pa narerelease ang resulta ng Board Exam. Kailangang samantalahin ko ang pagkakataon.Maganda ang naging trato nila sa akin. Mababait kahit ang mga naging ka trabaho ko kung kaya naging inspirado akong magtrabaho.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 6)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 6)
Nagbalik ang pangungulila ko kay Kuya Paul. Madalas kong mapanaginipan na bumalik na siya. O kaya naman ay magkasama kami.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/02/ang-tangi-kong-inaasam-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/02/ang-tangi-kong-inaasam-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content