$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Perfect Illusion

By: Lord Iris Hi KM readers! Happy Valentines sa inyo (happy nga ba? Huhu) sinong malamig ang Valentines diyan? Samahan niyo na lang ako hah...

By: Lord Iris

Hi KM readers! Happy Valentines sa inyo (happy nga ba? Huhu) sinong malamig ang Valentines diyan? Samahan niyo na lang ako hahahah.

.Sobrang nakakalungkot din talaga minsan ang pagiging single tuwing Valentines pero mas ok na 'yun diba kaysa naman umiiyak dahil nasaktan lang? Hindi naman lahat ng may relasyon ay masaya diba?

This story is fiction but it is inspired from my former love story. Nilagyan ko lang ng twists at additional na kaartehan. Buti na lang medyo nakamove on na ako.

Sana maramdaman niyo ng tagos sa puso ang emotions dito sa story na sinulat ko kasi gusto ko lang din i-share sa inyo yung naramdaman ko sa letseng love na 'yan.

I love you all and enjoy reading...

"Love can sometimes be magic. But magic can sometimes... just be an illusion."

-Javan

Akala ko noon ay masayang umibig. Akala ko noon ay kailangan ko ng taong mamahalin ako ng totoo. Akala ko ay magiging masaya ako sa pag-ibig pero hindi pala. Lahat ng inakala ko noon ay mali. Hindi pala puro saya lang ang pagmamahal.

Hindi ka naman masasaktan kung hindi ka nagmahal ng totoo diba?

Pero natutunan ko na lahat pala ng nangyari ay may katumbas na dahilan. Lahat pala ng naranasan ko ay nakatakda para mapunta ako doon sa karapat-dapat na tao.

Hayaan niyong isalaysay ko kung gaano kapait at kasaya ang naranasan ko sa pag-ibig na yan.

...........

Lagi akong malamig pag pasko, new year at lalong-lalo na kapag valentines ay mag-isa lang ako.

Nakakabitter diba? Hahahah pero siyempre ganun naman talaga. I'm gay but I don't act like a usual gay. Tahimik lang ako, mapagmasid at mabait ako.
Ako si Jigs... Inaamin ko, hindi naman sa pagyayabang pero may hitsura din naman ako. Malakas daw ang sex appeal ko at ang pagiging mysterious type ko ang nagugustuhan ng iba.

Kayo na ang bahalang mag-imagine ng hitsura ko because for me, it doesn't matter. Lalake akong kumilos dahil ayokong majudge ng mga tao lalo na yung makikitid ang utak.

I was in second year college nung una kong naranasan ang umibig.

Mayroon akong kaibigan... Si kuya Sean. Gwapo si kuya Sean, maputi, mabait siya at bading na bading siyang kumilos. Masaya siyang kasama.

Nakilala ko si kuya Sean nung dinala siya ng pinsan ko na si Mark sa bahay.

Nakikitira lang kasi ako sa bahay ng tita ko at kasama ko ang asawa niya na si tito Van at ang pinsan ko na si kuya Mark. Mabait sila... Minsan siguro hahahahah.

May project silang ginawa ni kuya Mark at dahil nga maligalig si kuya Sean ay nakipagkilala siya nun sa akin.

Masaya siyang kasama at hindi nakakabored makipag-usap sa kanya.

Naging magkaibigan kami nun ni kuya Sean at para siyang ewan nung nalaman niya na gay ako.

Nandito ako ngayon sa birthday ni kuya Sean sa bahay nila at hindi ko inaasahang gwapo pala ang mga bisita niya.

Nahiya tuloy ako bigla. Nakita ako ni kuya Sean kaya nilapitan niya kaagad ako. Wala rin naman kasi akong ibang kilala bukod sa kanya at hindi ako sinamahan ni kuya Mark kasi hindi daw sila close. Suplado kasi ang pinsan kong yun.

"Uy Jigs buti nakapunta ka. Halika ipapakilala kita sa mga friends ko." Nakangiting sabi ni kuya Sean.

"Hhmm... Nakakahiya naman kuya."

"Hindi yan ano ka ba? Dali na halika."

Dinala ako ni kuya Sean sa loob at hinarap niya ako sa mga kaibigan niya.

"Uy bitawan mo si Sean!" Sabi nung lalake na mukhang suplado.

Nakahawak kasi si kuya Sean sa kamay ko dahil nga hinatak niya ako. Agad naman akong bumitaw.

"Hahaha Jigs pagpasensiyahan mo na yang si Rocky kasi seloso talaga yan." Natatawang sabi ni kuya Sean.

Tumingin ako kay Rocky at gwapo siya. Siya yung tipong seryoso tingnan at suplado pero gwapo pa din.

"Boyfriend niyo po ba si kuya Sean?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kaya wag mo siyang aagawin sa akin." Seryoso niyang sabi.

"Ay hindi naman po ako ganun." Sabi ko sa kanya.

"Mabuti na yung malinaw." Seryoso niyang sagot.

"Ito namang si Rocky ko selos kaagad hahah." Malambing na sabi ni kuya Sean kay kuya Rocky.

"Hhmm... Jigs ito naman si Lars, bestfriend ko ito."

Tumingin ako at matangkad siya mga 6'2 at gwapo. Tan yun skin niya at mukhang mabait.

Ngumiti sa akin si Lars at mukhang kaedad niya si kuya Sean kaya tatawagin ko na ding kuya.

"Hello po sa inyo kuya Lars." Nakangiti kong bati.

"Wag ka na magkuya sa akin at nakakatanda naman." Nakangiti niyang sabi.

"Hhmmm... Sige po kayo bahala." Sabi ko naman.

Mabait nga si Lars. Kagaya ng ginawa ni Rocky sa akin ay pinagseselosan pala niya si Lars at bestfriend nga kasi.

Ininterview ako ni Lars kung paano ko daw nakilala si kuya Sean, kung saan ako nakatira ganun at kung ano mga pangarap ko.

Masayang kausap si Lars at nakakatuwa siya dahil mukha siyang mabait at magalang.

Nalaman ko na nag-aaral pala sila ni kuya Sean sa parehong school na pinag-aaralan ko ngayon. Nasa ibang department lang sila at graduating na silang lahat.

Nalaman ko rin na bisexual pala si Lars at napangiti pa siya nung sinabi ko na gay ako. Hindi naman daw halata na gay ako at duda pa siya nun na baka bisexual talaga ako pero nginitian ko na lang siya.

Pagkatapos ng handaan ay kinuha ni Lars ang mic at kakanta raw siya. Ako ay nakatingin lang sa kanya noon pati ang ibang mga bisita.

Nagsalang na siya ng kanta at nilinis niya muna ang lalamunan niya.

We'll do it all
Everything
On our own

Shit! Ang ganda ng boses ni Lars!

We don't need
Anything
Or anyone

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Tumitingin sa akin si Lars habang kumakanta at nginitian niya ako. Pakiramdam ko ay nahiya ako bigla.

I don't quite know
How to say
How I feel

Those three words
Are said too much
They're not enough

"Aayyyiiieee kinikilig ka no?" Sabi ni kuya Sean sa akin.

Naiilang ako at nginingitian niya ako habang kumakanta siya at tinutukso na ako ni kuya Sean.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

Bigla na lang akong kinindatan ni Lars at pakiramdam ko ay namumula na ako. Nahihiya na ako.

Let's waste time
Chasing cars
Around our heads

I need your grace
To remind me
To find my own

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

"Aaayyiiieee hahahahha bagay kayo Jigs nakakakilig." Sabi ni kuya Sean. Napayuko na lang ako at nahihiya talaga ako sa nangyayari.

All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes, they're all I can see

I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at all

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Natapos kumanta si Lars at lumapit naman siya sa akin. Si kuya Sean ay panay ang tukso sa akin kaya nahihiya na ako.

"Hmm... Jigs ikaw naman kumanta." Sabi ni Lars.

"Hala! Ayoko nakakahiya andaming tao."

"Oo nga Jigs birthday ko naman kaya kantahan mo na rin ako." Sabi naman ni kuya Sean.

"Nahihiya po talaga ako kuya."

"Sige na please... Gusto kong marinig ang boses mo." Pagpipilit ni Lars.

"Dali na! Para kang babae eh kailangan pang pilitin." Masungit naman na sabi ni Rocky.

"Oo nga dali na! Ang KJ mo naman eh ngayon lang to." Dagdag pa ni kuya Sean.

At dahil pinagtutulungan na nila ako ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon.

"O sige na po pero sintunado po ako." Nahihiya kong sabi.

"Ok lang yan! Dali kanta ka na." Sabi ni Lars habang inaabot sa akin ang mic at song book.

Pagkatapos kong makapili ng kanta ay sinalang ko na kaagad kahit na medyo nahihiya pa ako.

Huminga muna ako ng malalim at umubo ng kaunti bago ko simulan ang pagkanta.

Come up to meet you, tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are

"Ooohhhhh nakaka-inlove to shet!" Sigaw ni kuya Sean.

"Hoy wag ka ngang maharot!" Inis na sabi ni Rocky. Tinuloy ko na lang ang pagkanta ko.

I had to find you, tell you I need you
And tell you I set you apart

Tell me your secrets, And ask me your questions
Oh let's go back to the start

Running in circles, Coming up tails
Heads on a silence apart

Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start

Tumingin naman ako kay Lars at parang nakatulala siya sa akin na ewan.

I was just guessing at numbers and figures
Pulling the puzzles apart
Questions of science, science and progress
Do not speak as loud as my heart

And tell me you love me, Come back and hold me
Oh and I rush to the start
Running in circles, Chasing tails
Coming back as we are

Nobody said it was easy
Oh it's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be so hard
I'm going back to the start

Oh ooh, ooh ooh ooh ooh
Ah ooh, ooh ooh ooh ooh
Oh ooh, ooh ooh ooh ooh
Oh ooh, ooh ooh ooh ooh

"Jigs ang ganda naman pala ng boses mo eh." Nakangiting sabi ni Lars.

"Oo nga nakaka-inlove hahahah." Sabat pa ni kuya Sean.

"Anong nakaka-inlove?" Inis na tanong ni Rocky.

"Ay joke lang pala hahahah sorry naman Rocky." Sabi ni kuya Sean at nilalambing niya si Rocky.

Nahihiya tuloy ako lalo dahil pinupuri nila ako. Sumali din naman ako sa choir nung bata ako pero siyempre mahiyain kasi talaga ako.

Naglabas na ng alak si kuya Sean at tumanggi na akong sumali sa inuman nila kasi hindi talaga ako umiinom.

Umuwi na lang ako sa bahay ng tita ko na kumukupkop sa akin at ayoko ring magpagabi kasi nakakahiya at nakikitira lang ako.

Ayokong maging sakit ng ulo nila tita ko. Sila na ang nagpapa-aral sa akin simula nung mamatay ang mama at papa ko. Sabi ni tita ay pag 18 na raw ako ay ako na ang bahalang magpa-aral sa sarili ko.

Sabi ni tita ay maghanap na daw ako ng sariling bahay kapag nasa legal na edad na ako. Naiintindihan ko naman sila kasi hindi naman nila ako anak.

Malapit na rin akong tumungtong sa 18 at wala namang nakaka-alala ng birthday ko eh hahahah.

Hinahanda ko na ang sarili ko at nag-iipon na ako dahil alam kong mapapa-alis na ako sa bahay ni tita. Medyo magaspang din kasi ang trato nila sa akin. Ayos lang naman... Iniisip ko na lang na sila ang nagpapalamon at nagpapa-aral sa akin.

Tumutulong na lang ako sa mga gawaing bahay pag naka-uwi ako galing sa school para naman makatulong ako kahit konti at nakakahiya din naman kasi talaga sa pamilya ni tita.

Papunta ako ngayon sa simbahan at linggo na kasi. Mag-isa lang ako palaging nagsisimba kasi iba naman ang trip ng pinsan ko.

Lagi akong nagpapasalamat dahil maayos ang lahat. Humihingi din ako ng kapatawaran sa mga ginawa kong kasalanan bilang tao.

Natapos ang misa at lumabas na ako ng simbahan. Uuwi na sana ako sa bahay ni tita nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.

"Jigs!"

Lumingon ako at nakita ko si kuya Sean, Rocky at Lars.

"Uy nagsimba din pala kayo." Sabi ko.

"Oo hahaha at nakita ka namin kanina." Sabi ni kuya Sean.

"Buti na lang nandito ka. Jigs sama ka sa amin sa mall." Nakangiting sabi ni Lars sa akin.

"Hhmm... Pasensya na hindi kasi ako nagpaalam kay tita tapos wala rin akong pera kaya next time na lang siguro."

"Ako na bahala sa tita mo. Wait lang tatawagan ko si Mark." Sabi ni kuya Sean at tinawagan nga niya ang pinsan ko na si kuya Mark.

"Sumama ka na sa amin Jigs para naman hindi ako third wheel dito at ililibre kita." Nakangiting sabi ni Lars.

Sabi ni kuya Sean ay pumayag naman daw ang pinsan ko.

"Oh sige sasama na ako." Sabi ko.

"Yes may date na ako!" Masayang sabi ni Lars.

"Huh? Date?" Tanong ko.

"Oo naman! Kasi tayo magkasama tapos si Sean at Rocky naman yung magkadate."

Parang nahiya tuloy ako bigla. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko.

"Maganda yan para layuan mo na si Sean ko." Sabi naman ni Rocky.

"Yan ka na naman Rocky." Sabi ni kuya Sean.

"Tsk! Mahal kasi kita..." Malambing na sabi ni Rocky kay kuya Sean at niyakap niya ito sa likod.

"Ang sweet niyo naman kuya. Nakaka-inggit." Di ko alam pero yun ang nasabi ko bigla.

Ngumiti lang sa akin si kuya Sean at si Rocky naman ay seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Naiinggit ka? Nandito naman ako." Sabi ni Lars.

Napatitig ako bigla sa kanya at seryoso ang mukha niya. Tumingin na lang ako sa malayo at pakiramdam ko ay namumula na ako.

"Tama na nga yang landian! Punta na tayo sa mall." Sabi ni Rocky.

May kotse pala si Rocky at doon kami sumakay papunta sa mall. May kaya silang tatlo sa buhay kaya nahihiya na din ako minsan.

Nang makarating kami sa mall ay nahihiya talaga ako dahil nililibre ako ni Lars.

Naglibot-libot lang naman kaming apat sa mall.

Habang naglalakad ay nasa unahan sila kuya Sean at Rocky. Kasabay ko naman si Lars.

Nabigla ako nang bigla na lang hawakan ni Lars ang kamay ko kaya napatitig ako sa kanya.

"Ikaw ang date ko kaya dapat hawakan ko ang kamay mo." Nakangiti niyang sabi.

Napa-iwas ako ng tingin at pakiramdam ko ay namumula na ako.

Nararamdaman ko ang init ng palad niya. Inaamin ko, kinikilig ako sa ginawa ni Lars.

Pumasok kaming tatlo sa sinehan at hindi pa rin binibitawan ni Lars ang kamay ko. Kinikilig ako kay Lars. Gwapo na siya tapos matangkad at mabait pa.

Nanuod kaming apat sa loob at habang nanunuod ay naglalambingan lang si kuya Sean at Rocky. Napapangiti ako kapag nakikita ko silang naghaharutan.

"Ang cute nila noh?" Sabi ni Lars.

"Oo... Ang sweet nilang tignan at bagay na bagay silang dalawa."

"Salamat nga pala Jigs." Sabi ni Lars.

"Huh? Para saan?" Tanong ko.

"Sa pagsama mo sa amin. Lagi kasi akong third wheel sa kanilang dalawa kapag gumagala kami." Sabi niya.

"Ay ganun ba? Ako nga ang dapat na magpasalamat sayo eh kasi nililibre mo ako." Sabi ko naman.

"Ano ka ba? Wala yun! At tsaka... Masaya din ako na kasama kita." Nakangiti niyang sabi.

Natahimik na lang ako bigla at nahihiya ako.

"Ako din masaya ako na kasama kita." Nahihiya kong sabi.

Nginitian niya ako... Kahit na madilim sa loob ng sinehan ay kitang-kita ko pa rin ang mamula-mula niyang mga labi.

Napangiti na lang din ako sa kanya.

"Hhmmm... Jigs, gusto kitang kilalanin." Sabi niya.

"Huh? Ano ba ang gusto mong malaman sa akin?" Tanong ko naman.

"Lahat..." Nakangiti niyang sabi.

Ang totoo ay hindi ko napanood ang movie sa sinehan dahil nagkwentuhan lang kaming dalawa ni Lars.

Nalaman ko na matagal na pala talaga silang magbestfriend ni kuya Sean at siya pa ang naging tulay ni Rocky para maligawan si kuya Sean.

Nalaman ko na tinulungan niya pala si Rocky sa panliligaw noon kay kuya Sean. Seloso daw talaga si Rocky pero mabait naman.

"Alam mo Jigs... Nangako si Sean sa akin na hahanapin niya rin daw ang taong magmamahal sa akin."

"Nakakatuwa naman yun..." Sabi ko.

"At mukhang kilala ko na ang taong magmamahal sa akin." Nakangiti niyang sabi.

"Sino naman yun?" Tanong ko.

"Ikaw... Pinakilala ka na sa akin ni Sean. Pakiramdam ko ikaw na yun."

Kinikilig na talaga ako at alam kong namumula na ang mukha ko sa sinasabi niya. He is so straight forward kung magsalita.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Basta nararamdaman ko." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napakagat na lang ako sa labi ko at sobrang kilig na ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.

"Jigs? May pag-asa ba ako kung liligawan kita?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Natahimik ako... Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Ang alam ko lang ngayon ay masaya ako at kinikilig ako sa kanya.

"Hhhmmm... Siguro..." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Napangiti na lang si Lars sa sagot ko at nahihiya talaga ako.

Pagkatapos nun ay kinuha niya ang number ko sa phone at hinatid pa nila ako sa bahay ni tita.

Araw-araw ay nakakatanggap ako ng mga text galing kay Lars kung kumain na ba daw ako ganun. Hindi siya nakakalimot magsabi ng good morning at good night.

Lagi kaming magkatext ni Lars at minsan naman ay nagkikita kami sa school o di kaya ay gumagala
kami na kaming dalawa lang.

Lagi akong hinahatid ni Lars pag umuuwi ako galing sa school kaya naman nagtataka na rin ang tita ko.

Mabait si Lars at maunawain siya. Alam niya ang sitwasyon ko sa buhay.

Ayokong magsunungaling sa sarili ko. Kilala ko naman ang sarili ko at alam ko na nagkakagusto na ako kay Lars.

Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya? Gwapo siya, matangkad at mabait. Complete package na si Lars kaya naman wala na akong hahanapin pa sa kanya.

Alam ko na unti-unti ko na siyang minamahal.

Bago ako ihatid ni Lars sa bahay ay hininto niya muna ang kotse niya sa may kanto.

Nag-uusap kaming dalawa ngayon.

"Jigs... Matanong ko lang. Nagugustuhan mo na ba ako?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Nahihiya akong sumagot pero hindi ako sinungaling na tao kaya lagi akong nagsasabi ng totoo kahit nahihiya ako.

"Hmmm... Oo." Mahina kong sagot.

"Talaga? So ibig sabihin ay pwede na maging tayo?" Masaya niyang tanong sa akin.

"Gusto ko pero..."

"Pero ano? Bakit may mali ba sa akin? May ayaw ka ba sa akin?" Malungkot niyang tanong.

"Hindi naman sa ganun..." Sabi ko.

"Anong dahilan at nag-aalinlangan ka?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Ano kasi... Natatakot ako na baka masaktan lang ako. Ayoko kasi yung iniiwanan ako." Mahina kong sabi.

Hinawakan ni Lars ang mga pisngi ko at hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya.

"Hinding-hindi kita sasaktan. Hindi kita iiwan... Nandito lang ako palagi para sa iyo." Seryoso niyang sabi.

"Alam mo naman na wala na akong pamilya kaya hindi mo naman siguro ako masisisi kung natatakot akong maiwang nag-iisa." Malungkot kong sabi.

"Makinig ka sa akin Jigs... Kapag sinagot mo ako ay hinding-hindi ka na mag-iisa." Seryoso niyang sabi.

"Kung sasagutin kita... Gusto ko, ikaw na ang makakasama ko habangbuhay hanggang sa dulo." Seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at...

"Yun din ang gusto ko..." Masaya niyang sabi sa akin.

"Kung ganun iyong-iyo na ako Lars. Mamahalin kita ng higit sa lahat. Hindi kita ipagpapalit sa iba." Seryoso kong sabi.

"Ganun din ako sayo Jigs." Seryoso niyang sabi sa akin.

Unti-unti niyang nilapit sa akin ang kanyang mga labi.

Napaka-init ng halik niya sa akin. Pakiramdam ko ay nawala ako nung oras na yun sa sarili ko.

Alam ko na mahal ko na si Lars.

Tumitibok ng malakas ang puso ko at bawat pintig nito ay alam kong pangalan niya ang sinisigaw.

Pakiramdam ko ay langit ang alay na pag-ibig namin sa isa't-isa. Sa halik na iyon ay naramdaman ko na wala na akong mahihiling pa sa Diyos.

Lumipas ang mga araw at masayang-masaya kami palagi ni Lars. Nalaman din ni kuya Sean na kami nang dalawa ni Lars at sobrang saya din ni kuya Sean para sa amin.

Wala na akong hihilingin pa at sobrang saya namin ni Lars palagi. Tumagal kaming dalawa at malapit na kaming umabot ng isang taon.

Habang naka-upo kami ni Lars sa bench ng park ay di ko maiwasang tanungin siya sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko.

"Lars... Gusto ko lang malaman kung ano ang nagustuhan mo sa akin. Bakit ako ang pinili mo?" Tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at...

"Pinili kita kasi gusto ko at yun ang nararamdaman ko. Alam ko na magiging masaya ako sa iyo."

"Ako rin naman Lars... Masayang-masaya ako sa iyo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako nang mariin sa noo. Malambing talaga si Lars sa akin.

"Nagpapasalamat ako kay kuya Sean at pinakilala ka niya sa akin." Sabi ko.

"Oo nga... Dahil din sa kanya ay nakilala kita." Sabi ni Lars.

Bigla na lang tumunog ang phone ni Lars at sinagot niya kaagad ito.

"Oh hi Rocky! Bakit napatawag ka?"

Parang bigla na lang nagbago ang timpla ng mukha ni Lars at...

"Ano??? Nasaan siya ngayon?" Pasigaw niyang tanong.

Bigla na lang pinatay ni Lars ang phone niya at nagmamadali siyang iligpit ang mga gamit niya.

Nakita ko na maluha-luha ang mga mata ni Lars kaya nagtataka ako.

Bigla niya akong hinatak papunta sa kotse niya at isinakay niya ako sa loob. Bigla siyang nagdrive ng mabilis

"Lars ano ba ang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ni Rocky nabangga raw ang kotse nila ni Sean. Nasa hospital sila." Naluluha niyang sabi.

Kitang-kita ko ang sobrang takot at pag-aalala sa mga mata ni Lars.

Nakarating kami sa hospital at sinalubong kaagad kami ni Rocky.

"Nasaan si Sean? Kamusta na ang lagay niya?" Natatarantang tanong ni Lars.

"Ok na siya... Nandiyan siya sa loob at nagpapahinga." Sabi ni Rocky.

Pumasok sa loob ng room si Lars kaya sinundan ko kaagad siya at nakita ko si kuya Sean na natutulog.

Kumuha ng upuan si Lars at umupo siya sa tabi ng kama. Nakatayo lang ako at tinitignan ko sila.

Kinuha ni Lars ang kamay ni Sean at hinahalikan niya ito.

Naalimpungatan yata si kuya Sean at dumilat ang mga mata niya.

"Hhmmm... Sabi ko na nga ba dadating ka eh." Nakangiting sabi ni kuya Sean kay Lars.

"Oo naman! Takot na takot ako... Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Kamusta naman pakiramdam mo? May masakit pa ba sa iyo?" Sabi ni Lars na sobra-sobra ang pag-aalala at maluha-luha siya sa takot.

"Ok lang ako... Wag ka nang mag-alala." Sabi ni kuya Sean.

"Natakot ako ng sobra... Akala ko mawawala ka na sa akin. Hindi ko kaya yun Sean." Naiiyak na sabi ni Lars.

Hinahalikan niya ang kamay ni kuya Sean kaya at labis-labis ang takot sa mga mata niya.

"Ayos lang ako... Hindi ako mawawala Lars. Malakas kaya ako." Nakangiting sabi ni kuya Sean.

Para yatang hindi nila ako nakikita. Nakatayo lang ako at tinitingnan ko silang dalawa.

Parang may karayom na tumusok sa dibdib ko... Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang dahilan.

Parang may kumurot sa puso ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Lumabas na lang ako ng room at nakita ko si Rocky na nakayuko at naka-upo sa labas.

"Rocky... Gising na si kuya Sean." Sabi ko sa kanya.

Hindi sumagot si Rocky at nakayuko lang siya. Umupo ako sa tabi niya at...

"Ikaw Rocky baka may masakit pa sayo. Ayos ka lang ba? Ok naman daw si kuya Sean." Sabi ko sa kanya.

"Ayos lang naman ako..." Mahina niyang sabi.

"Bakit nandito ka sa labas? Gising na si kuya Sean." Tanong ko sa kanya.

Natahimik lang siya...

Nakita ko na may tumulong luha sa mata ni Rocky kaya nabigla ako.

"Anong problema?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Feeling ko ang tanga-tanga ko! Napahamak si Sean ng dahil sa akin!" Sabi niya at humagulgol na siya sa iyak.

"Hoy wala namang may gusto na mangyari ito eh! Aksidente to Rocky." Sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman pero... Di ko maiwasang sisihin ang sarili ko." Umiiyak niyang sabi.

Lumapit ako at niyakap ko siya...

Kitang-kita ko kung gaano niya kamahal si kuya Sean. Napangiti na lang ako.

"Wag ka nang umiyak. Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Sige ka! Magagalit si kuya Sean kapag nalaman niya ito." Sabi ko sa kanya.

Tumahan na siya kaya nginitian ko na lang siya.

"Oh sige na... Uuwi na lang ako. Ikamusta mo na lang ako kay kuya Sean." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumayo na ako at maglalakad na sana ako palayo pero...

"Jigs wait!"

Lumingon ako kay Rocky at...

"Bakit? Ano yun?" Tanong ko.

"Salamat..." Nahihiya niyang sabi.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Ayos lang yun... Sige na aalis na ako." Sabi ko sa kanya.

"Ang swerte ni Lars sayo."

Nagpatingin ako sa salamin ng pintuan. Magpapa-alam sana ako kay Lars na uuwi na ako kaso... Nakita kong nakatulog na si Lars sa tiyan ni kuya Sean.

Parang nalungkot ako bigla. Napayuko na lang ako...

"Jigs what's wrong?"

Natauhan na lang ako nang marinig ko si Rocky. Tumingin na lang ako sa kanya at pinilit kong ngumiti...

"Wala Rocky... Pakisabi na lang kay Lars na uuwi na ako." Sabi ko sa kanya.

"Sige..." Matipid niyang sagot.

"Salamat..." Nakangiti kong sabi sa kanya at naglakad na ako palayo.

Lumabas na ako ng hospital at nag-commute na lang ako pauwi sa bahay.

Hindi ko maintindihan... Parang nalungkot na lang ako bigla. Bakit parang nawala na lang ako bigla sa isip ni Lars?

Sa isang iglap ay parang nabura ako sa utak niya.

Siguro nag-aalala lang talaga siya kay kuya Sean. Alam ko na matagal na silang magkaibigan at alam ko rin na marami na silang pinagdaanan ni kuya Sean kaya siguro ganun.

Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko... Ganun din kaya ang pag-aalala ni Lars kapag may nangyari sa akin na hindi maganda?

Siguro naman mag-aalala din siya sa akin. Salamat na lang din at ok lang si kuya Sean.

Lumipas ang mga araw at walang paramdam sa akin si Lars... Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero nakapatay ang phone niya.

Nalulungkot ako... Feeling ko ay binabalewala na niya ako. Monthsary namin ngayon at mukhang nakalimutan na niya ako.

Ang sakit... Hindi na yata niya naalala na may taong nagmamahal sa kanya. Nakalimutan na yata niya na may taong naghihintay para sa kanya.

Ako na lang mag-isa ang umuuwi galing sa school dahil hindi na ako hinahatid ni Lars.

Nalulungkot ako... Feeling ko ay hindi na ako mahalaga kay Lars.

Bigla na lang may tumawag sa phone ko at nakita ko ang pangalan ni Lars. Kinuha ko iyon kaagad at sinagot ko.

"Uy Lars kamusta ka na? Bakit nakapatay phone mo?" Tanong ko.

"Ok naman ako... Sorry Jigs dahil hindi na kita nakakamusta." Sabi niya sa kabilang linya.

"Ok lang... Ang mahalaga ok ka." Sabi ko sa kanya.

"Sorry talaga Jigs... Inaalagaan kasi namin ni Rocky si Sean." Sabi niya.

Natahimik ako... Bakit kailangan na pati siya ay mag-aalaga kay kuya Sean? Nalungkot ako bigla... Natahimik na lang ako.

"Uy Jigs!" Sabi niya bigla.

"Ay sorry... Ayos lang yun Lars." Sabi ko sa kanya.

"Wag ka mag-alala Jigs... Pag ok na ok na si Sean ay ikaw naman ang aalagaan ko." Sabi niya.

"Salamat Lars..." Sabi ko na lang.

"Babawi ako Jigs! Kapag ok na si Sean ay magdidate tayo." Sabi niya.

"Sige Lars... I love you." Sabi ko.

"I love you too bye." Sabi niya.

"Wait Lars!" Sabi ko.

Pinutol na ni Lars ang usapan naming dalawa pero nakalagay pa rin ang phone sa tenga ko at...

"Happy monthsary..." Malungkot kong sabi.

Alam ko na hindi na niya yun narinig. Nalulungkot ako... Feeling ko ay hindi na ako mahalaga sa kanya. Parang hindi niya ako mahal.

Hindi niya talaga natandaan ang monthsary namin pero ok lang! Marami pa naman kaming monthsary na dadatnan. Alam ko na aabot pa kaming dalawa ni Lars sa anniversaries.

Nangako si Lars sa akin na ako lang ang mamahalin niya at wala nang iba kaya panghahawakan ko na lang ang pangako niya na yun.

Naluluha ako... Miss na miss ko na kasi talaga si Lars. Nandun naman si Rocky eh. Ganun ba talaga mag-alala si Lars? Yung tipong aalagaan niya ang bestfriend niya at parang nababalewala na ako.

Feeling ko ay mas importante pa si kuya Sean kesa sa akin. Feeling ko ay mas mahalaga sa kanya si kuya Sean.

Sabi naman ni Lars ay babawi siya. Siguro dapat ay hintayin ko na lang siya. Baka talagang mahal niya lang ang bestfriend niya. Alam ko naman na parang magkapatid ang turingan nila ni kuya Sean.

Ayokong awayin si Lars at ayoko ring magsalita tungkol doon dahil baka magkatampuhan lang kami.

Ayokong magkatampuhan kaming dalawa ni Lars at alam kong inaalala pa niya ang lagay ni kuya Sean.

Sana lang ay gumaling na talaga si kuya Sean para magkaroon na ng time sa akin si Lars.

Miss na miss ko na talaga siya at palagi lang akong nag-iisa kapag wala si Lars sa tabi ko.

Si Lars lang ang taong mahal ko at alam ko na siya lang din ang meron ako kaya ayoko nang mawala pa siya sa akin. Ayoko na maging mag-isa ulit ako. Alam ko na masasaktan ako ng sobra kapag nawala siya sa akin.

Gagawin ko ang lahat para maging mabuting boyfriend sa kanya nang sa ganon ay hindi na niya ako ipagpalit sa iba at para wala siyang dahilan para iwan ako.

Naalala ko ang mga sinasabi sa akin ni Lars kaya pinipilit ko na maging masaya.

Si Lars ang kauna-unahang tao na minahal ko at gusto ko ay siya na ang lalakeng mamahalin ko hanggang sa dulo.

Gagawin ko ang lahat para sa kanya at kahit mahirap, kahit nalulungkot ako ay gagawin ko ang gusto niya. Gusto niya na hintayin ko siya kaya gagawin ko iyon para sa kanya.

Ganun ko kamahal si Lars...

Medyo tumagal din ang mga araw ng paghihintay ko kay Lars at bawat araw ay nalulungkot ako palagi. Wala man lang siyang tawag o kahit text man lang.

Tinutuon ko na lang ang isip ko sa pag-aaral ng sa ganun ay hindi na ako masyadong malungkot.

Tuwing gabi ay nangungulila ako sa mga yakap at halik ni Lars. Miss na miss ko na talaga siya pero bakit ganun?

Bakit parang ako lang ang nangungulila sa aming dalawa?

Bakit parang ako lang ang nakaka-miss sa kanya?

Bakit parang hindi niya ako naalala? Parang hindi niya ako namimiss.

Pagkatapos kong pumasok sa school ay umuwi na ako kaagad. Habang naglalakad ay bigla na lang tumigil ang pulang kotse sa harapan ko. Lumakas ang pintig ng puso ko. Alam ko na si Lars ang nasa loob ng kotse.

Bumaba siya at lumapit siya sa akin. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Wala akong pakealam kung maraming tao ang nakakakita sa aming dalawa.

"I miss you so much like hell..." Mahina kong sabi.

Ang init ng yakap niya. Nangungulila ako sa kanya. Sabik na sabik ako sa yakap ng taong mahal ko.

"I miss you too Jigs."

Kumalas ako sa yakap ko sa kanya at tumitig ako sa mga mata niya.

"Kamusta na si Kuya Sean?"

"Ok na siya Jigs. Wag ka nang mag-alala. Iyong-iyo na ulit ang time ko."

Niyakap ko ulit ng mahigpit si Lars at natatawa pa siya sa akin kasi para raw akong bata na sabik na sabik sa lollipop hahahah.

"Hhmmm... Jigs babawi ako sayo. Sumama ka sa akin."

Ngumiti na lang ako at...

"Text ko na lang muna si tita para alam niya na late akong makaka-uwi."

At yun nga ang nangyari... Sumama ako kay Lars at dinala niya naman ako sa isang resto. Bulgaran ako kasi naka-uniform pa ako.

Well... Wala naman akong pakealam sa iisipin ng iba basta kasama ko si Lars at masaya ako sa kanya.

Halatang mahal at sosyal sa resto. Ilang beses ding humingi ng sorry sa akin si Lars pero sabi ko ay wala na iyon.

Masaya ako na kasama ko siya at yun lang ang mahalaga sa akin.

Iniintindi ko na lang na parang kapatid ang turing niya kay kuya Sean kaya ganun na lang ang pag-aalala niya.

"Hmmm... Jigs... May tiwala ka ba sa akin?" Tanong niya out of nowhere.

"Siyempre naman! Bakit mo naman natanong sa akin?"

"Hmmm... Ako lang ba ang nagmamay-ari sa iyo?" Tanong pa niya.

"Oo Lars ikaw lang at wala nang iba. Ikaw lang ang mahal ko at alam mo naman yun eh."

"Kung ganun may ipapatikim ako sayo ngayong gabi." Sabi niya at ngumiti siya na parang may ibang ibig sabihin.

"Ano naman yun?" Tanong ko pa.

Huminga ng malalim si Lars at...

"Let's make love Jigs."

Napatigil na lang ako bigla. Para bang na-exite ako na kinakabahan. Ang totoo ay wala pa talaga akong experience kahit kanino.

"Si...sigurado ka?" Nauutal kong tanong.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti.

So yun na nga... Sinakay niya ako sa kotse ay pumunta kami sa isang hotel. Hiyang-hiya ako dahil nga naka-uniform pa ako at first time ko ring pumasok sa hotel.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa room ni Lars ay bigla na niya akong hinalikan ng mariin na mariin sa labi.

Para bang sabik na sabik siya sa halik.

Lumaban ako ng halikan sa kanya at halos maubusan ako ng hininga. Tinatanggal niya ang butones ng uniform ko habang nakahalik sa akin.

Kinabahan na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa.

Hinalikan niya ang leeg ko at para bang nakuryente ako bigla. Mainit, masarap sa pakiramdam at sabik na sabik ang mga halik niya.

Hinubaran ako ni Lars kaya naman hinubad ko rin ang shirt niya. Tumambad sa akin ang abs niya.

Apat lang ang abs niya pero bukol na bukol ang mga iyon. Pandesal talaga sa laki. Nag-iinit ang katawan ko kaya naman nawawala na rin ako sa sarili ko ng mga oras na iyon.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari basta ang alam ko ay nasasarapan ako sa ginagawa ni Lars.

Hinubad niya ang pantalon niya at ganun din ako. Nilagyan niya ng pampadulas ang butas ko.

"Lars kinakabahan ako."

"Trust me Jigs... Masasarapan ka rin mamaya."

Kinakabahan talaga ako pero dahil mahal na mahal ko si Lars ay gagawin ko na lang kung ano ang gusto niya.

Kabadong-kabado ako dahil nga hindi ko alam ang gagawin at malaki ang ari niya. Mataba na mahaba... Maugat at namumula ang ulo.

Ipinasok niya iyon sa akin. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

Sobrang sakit pala talaga. Para bang may napupunit na laman sa akin.

Tuloy-tuloy lang si Lars sa pagbayo niya sa akin. Tiniis ko ang sobrang sakit dahil nakikita ko na nagugustuhan ni Lars ang ginagawa niya sa akin.

Pawis na pawis na siya at ako naman ay nagpipigil maluha dahil sa sakit.

"Ahhhh... Ang sarap mo Sean."

Napatitig ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Sean? Bakit Sean? So all this time si Sean ang nasa utak niya habang sarap na sarap siya sa akin?

Napatulo na lang ang luha sa mga mata ko. Sarap na sarap si Lars sa ginagawa niya habang ako naman ay nasasaktan sa kanya. Sobrang sakit ng katawan ko at pati ang puso ko.

Hindi ko mapigilan ang umiyak. Hindi tumitigil si Lars dahil nakapikit lang siya. Sobra akong nasaktan sa narinig ko sa kanya.

Siguro ay may nangyayari sa kanila ni Kuya Sean at ginagamit ako ni Lars na parausan niya.

Gusto kong ihinto ang ginagawa niya at gusto ko siyang suntukin pero wala na akong lakas.

Ayokong saktan siya.

Mahina ang loob ko.

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya sa akin.

Ang sakit! Ang sakit sakit! Parang gusto ko nang sumigaw pero umiiyak lang ako.

Nang matapos si Lars ay humiga siya sa tabi ko. Hindi ko na alam kung ano ang masakit sa akin.

Napatingin na lang ako kay Lars at nakatulog siya dahil sa pagod.

Binalot ko na lang ang sarili ko nang kumot at umiiyak ako. Kaya pala... Kaya pala mas importante si Kuya Sean.

Second option lang ba ako? Rebound lang ba ako? Parausan lang ba ako? Mahal ba talaga ako ni Lars?

Sobrang dami ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko pero isa lang ang alam ko... Mahal ko siya.

Natatakot akong magtanong sa kanya at ayokong mag-away kaming dalawa. Baka mamaya ay iwan niya ako. Baka mamaya ay lalo lang akong masaktan sa mga posible kong marinig sa kanya.

Umiyak na lang ako ng umiyak habang si Lars naman ay walang malay na natutulog lang sa tabi ko.

Nang matapos ang gabing iyon ay hinatid na ako ni Lars sa bahay ni tita.

Pinipilit kong ngumiti sa harap ni Lars.

Oo na! Isa akong dakilang plastik! Tanga na kung tanga pero mahal na mahal ko si Lars.

Nagpapanggap akong nasiyahan sa ginawa namin kahit ang totoo ay hindi.

Nang pumasok ako sa kwarto ay naramdaman ko na basa ang shorts ko. Kinapa ko iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may dugo.

Ang hapdi... Hindi ako makalakad ng maayos. Dinugo ako dahil sa ginawa sa akin ni Lars.

Faithful ako kay Lars. Loyal na loyal ako sa kanya at hindi ko magawang tumingin sa iba pero parang hindi siya ganun sa akin.

Kami ngang dalawa pero feeling ko ay naging biktima ako ng one sided love.

Napatulo na naman ang nga luha ko. Grabe... Sobrang sakit.

Nung mga araw na iyon ay nilagnat ako ng sobra. Dumadalaw si Lars sa bahay ni tita at alam naman kasi niya na unang beses ko iyon kaya nanibago ang katawan ko.

Dinadalhan ako ng fruits at chocolates ni Lars. Alam ko na naghihinala na sila tita pero ayos lang. Ayoko namang itago ang relasyon namin ni Lars.

Inaalagaan ako ni Lars. Masarap pala siyang mag-alaga. Kahit nasaktan niya ako at kahit kinalimutan niya ako noon para kay Kuya Sean ay ramdam ko ang efforts niya.

Sweet siya... Malambing at mabait. Hindi ko na binalak na komprontahin siya sa nangyari.

Ayoko talagang mag-away kaming dalawa ni Lars. Ganun ako kabaliw sa kanya.

Lumipas ang ilang araw ay ok naman kaming dalawa ni Lars. I am always smiling in front of him.

Plastik na plastik ako pero ayoko lang talaga na mawala siya at dumating yung point na iwan niya ako.

Masisisi niyo ba ako? Iniwan ako ng mga magulang ko sa basurahan nung sanggol pa lang ako.

Si tita ang kumupkop sa akin at alam kong may boundery. Patay na rin ang mga magulang ko at wala akong kapatid.

Wala akong nalalapitan.

Si Lars lang ang meron ako kaya hindi niyo naman siguro ako masisisi kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

Ayaw na ayaw kong maiwan akong mag-isa. Ayoko nang mag-isa kaya gagawin ko ang lahat para hindi mawala sa akin si Lars.

Takot na takot ako na mawala si Lars kaya ayokong mag-away kaming dalawa. Binibigay ko ang best ko para sa kanya.

Sana ay ma-appreciate niya lahat ng mga efforts ko. Sana ay mahalin niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko na masyadong pinapansin si Kuya Sean. Feeling ko ay mas masarap sa akin si Kuya Sean. Feeling ko ay si Kuya Sean ang mas gusto ni Lars.

Dinala ako ni Lars sa bahay niya at pinakilala niya ako sa mga magulang niya. Ok naman sila sa relasyon naming dalawa.

Napadaan ako sa mga pictures na nakadisplay sa bahay nila. Nakita ko na marami silang pictures ni Kuya Sean na magkasama.

Bumigat ang pakiramdam ko.

Wala man lang kaming picture ni Lars na nakadisplay kahit isa. Once again I feel so unloved.

Kinuha ko ang isa sa mga picture frame. Magka-akbay si Lars at Kuya Sean. Tinitigan ko ng mabuti ang picture at kitang-kita ko kung gaano sila kasaya na magkasama.

Hindi ko maiwasan ang magselos. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa picture frame. Sobrang sumasama ang loob ko.

"Jigs..."

Nagulat ako at nabitawan ko ang picture frame.

Parang nagslow motion ang pagbagsak nito at kitang-kita ko ang mga bubog na tumatalsik.

Pumunta si Lars sa may basag na picture frame at pinulot niya ito.

"Jigs ano ba?! Sinira mo ang picture namin ni Sean!" Sigaw ni Lars kaya nanginig ako.

"So...sorry Lars..." Naluluha kong sabi.

"Bakit ba kasi pinapakealaman mo ang mga pictures namin ha?!" Galit niyang sabi.

Napayuko na lang ako. Nagalit siya sa akin dahil lang nabasag ko ang frame. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

"Papalitan ko na lang yung frame Lars. Please... Huwag kang magalit sa akin." Naluluha at mahina kong sabi.

Tumayo siya at tumitig siya sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. Umiwas na lang ako ng tingin at naluluha na talaga ako.

"Ang picture tinititigan lang! Wag kang makialam kung alam mong clumsy ka." Inis niyang sabi.

Hindi ko alam na kahit pala picture lang nilang dalawa ni Kuya Sean ay mas importante pa kesa sa akin. Wala man lang kaming picture doon.

Ang sama na talaga ng loob ko kay Lars. Ang sakit sakit na talaga.

"Lars magpalamig ka na lang muna ng ulo mo. Uuwi na lang ako." Mahina kong sabi.

Nagpaalam na ako sa parents ni Lars at umuwi na kaagad ako sa bahay nila tita. Hindi rin ako hinatid ni Lars pauwi kahit malayo ang bahay niya.

Habang nasa bus ako ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ngayon sigurado na akong hindi talaga ako ang mahal ni Lars.

Ang sakit... Ang hirap... Sobrang hirap tanggapin na ginagawa lang akong panakip butas ni Lars.

I gave my eveything but still, I'm not the only one inside his heart.

Nagmukmok na lang ako sa kwarto. Bakit sobrang unfair ng mundo sa akin? Why am I experiencing all this pain? Bakit walang nagmamahal sa akin?

Bigla na lang nagring ang phone ko. Tumatawag si Lars. Tinitigan ko na lang ang phone ko.

Tinanggal ko na lang ang battery ng phone ko dahil masama talaga ang loob ko sa kanya.

Bakit kailangan niya akong saktan? Alam naman siguro niya na hindi tama yung ginawa niya sa akin.

Lumipas ang ilang araw at hindi ko binubuksan ang phone ko. Deretso lang ang pagpasok ko sa school at pag-uwi.

Ayoko munang kausapin si Lars. Ayoko munang makita siya kasi nasasaktan lang naman ako.

Minsan ay nakikita ko si Lars sa labas ng gate ng school kaya sa kabilang gate ako dumadaan para hindi kami magkita.

Mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya kayang saktan pero sobra akong nasaktan sa ginawa niya.

Pag-uwi ko sa bahay ni tita ay nabigla ako nang makita ko si Lars na naghihintay sa loob.

"Jigs kanina ka pa hinihintay niyang bisita mo." Sabi ni tita.

"Jigs please... Let us talk." Seryoso niyang sabi.

Hindi ako makapagsalita. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Lars. Nanghihina na naman ako. Hindi ko kaya na huwag siyang kausapin.

Pumasok kaming dalawa ni Lars sa kwarto ko at...

"Jigs look I'm sorry..."

Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni Lars. Nakayuko lang ako at naluluha ako.

"Please Jigs... Magsalita ka naman."

Napatulo na lang ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako na baka may masabi akong mali.

Natatakot ako na baka may masabi ako na hindi niya magustuhan at iwan niya na lang ako.

Naramdaman ko na lang ang mga daliri ni Lars na pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko.

Bigla ko na lang niyakap ng mahigpit na mahigpit si Lars. Halatang nabigla siya sa ginawa ko.

"Jigs please forgive me... I know what I've done. Sorry dahil napaka-imature ko at nagalit ako sayo dahil lang sa maliit na bagay. Pero sana maintindihan mo na importante lang sa akin yun kaya nagalit ako."

Hindi ko alam ang sasabihin ko at lalo ko lang hinihigpitan ang yakap ko kay Lars. Hindi ko kayang sumbatan siya.

"Jigs please... I'm really sorry..." Sabi ni Lars at rinig kong basag na ang boses niya. Naiiyak na siguro siya.

"I love you Lars..." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Jigs I love you too... Please... Ayusin na natin ito. Gagawin ko ang lahat para lang patawarin mo ako..." Naiiyak niyang sabi.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan ko ang mga pisngi ni Lars at hinarap ko ang mukha niya sa mukha ko.

"Lars wala kang kailangang gawin. Mahal kita at kalimutan na lang natin yung nangyari na hindi maganda..." Sabi ko at pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay masakit talaga sa dibdib.

Tumango sa akin si Lars at maluha-luha ang mga mata niya.

Hinalikan na lang ako ni Lars ng mariin sa labi. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

Lumipas ang ilang araw at naging ok naman kami ulit ni Lars. Sinusundo na niya ako galing school. Masaya ako kay Lars at pinipilit kong kalimutan ang lahat ng sakit.

Ikinubli ko ang lahat ng sakit at hinanakit ko sa kanya para lang hindi na kami magkasamaan ng loob.

Kapag magkasama naman kami ni Lars ay kitang-kita ko naman talaga ang lahat ng efforts niya sa akin.

Kaso may isa na namang pagsubok na dumating sa buhay ko.

Nabalitaan ko na aalis pala si Kuya Sean papuntang Canada. Hindi ko na naman maka-usap ng maayos si Lars.

Alam ko... Alam ko na nadi-depress siya at ayaw niyang malayo sa kanya si Kuya Sean.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Lars ang takot at lungkot ng sabihin ni Kuya Sean sa amin na aalis siya papuntang Canada.

Ayos lang naman kay Rocky na umalis si Kuya Sean dahil pag naka-graduate na siya ay susunod din siya sa Canada.

Malungkot na malungkot si Lars at hindi ko alam kung paano ko siya papasayahin.

"Lars magkikita pa naman kayo ni Kuya Sean eh at pwede naman kayong magchat palagi. Wag ka nang malungkot Lars." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Umiling-iling lang siya sa akin.

"I'm not complete without him." Malamig niyang sabi.

Napahinto ako... Nagsink in sa akin bigla na hindi ako kailangan ni Lars. Basura lang ako sa kanya.

Pakiramdam ko ay binato ng sibat ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdurugo sa dibdib ko.

"Lars sabihin mo lang kapag kailangan mo ako. I will always be by your side if you need me." Mahina kong sabi.

"I just wanted to be alone." Malamig niyang sagot.

I'm dying in every step out of his room. Hindi nga niya ako kailangan. He don't need my warm embrace. He never need my love.

Lumipas ang mga araw at malapit na rin ang flight ni Kuya Sean papuntang Canada. Hindi ko na maka-usap si Lars ng maayos.

Nabigla na lang ako nang makita ko si Kuya Sean sa labas ng gate ng school at kasama niya si Rocky.

"Kuya Sean!" Sabi ko at napatingin sila sa akin.

Nagulat ako at bigla na lang akong sinapak ni Kuya Sean sa pisngi. Sinuntok din niya ako sa braso kaya napatumba ako.

Ramdam ko na pumutok ang labi ko. Hindi pa rin nagsisink in sa akin ang ginawa niya.

"Gago ka Jigs! Anong ginawa mo kay Lars?! Bakit hindi ko siya maka-usap ng maayos?! Anong problema niyong dalawa?!" Sigaw niya.

Nagtitinginan na ang ibang mga students sa amin.

Pinilit kong tumayo at hinarap ko siya. Nakatitig lang si Rocky at alam kong papatayin niya ako kapag gumanti ako ng sapak kay Kuya Sean.

"Wala akong ginawa kay Lars." Seryoso kong sabi.

"Tangina mo pala eh! Eh bakit umiiyak si Lars?! Gago ka ba? Wala kang kwentang boyfriend! Bakit hindi mo siya dinadamayan sa kung ano man ang problema niya?!" Galit na galit niyang sigaw.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Pinagmumura mo na lang ako kahit wala ka namang alam sa lahat ng nangyayari." Sagot ko.

Napakasama ng ugali niya... Minumura niya ako. Hindi nga ako nagmumura sa kahit na sino dahil nakakababa yun ng pagkatao.

"Sabihin mo sa akin ang lahat gago ka!" Sigaw pa niya.

"Murahin mo ako ng murahin! Sigurado ka na gusto mong malaman ang lahat?!" Sigaw ko.

Halatang nabigla siya ng sigawan ko siya. Punong-puno na ako.

"Kasalanan mo lahat Sean! At kung sino man ang gago sa ating dalawa ay ikaw yun!" Sigaw ko at hindi ko na mapigilan ang ibalik ang mura niya.

Aamba sana ng suntok si Rocky at...

"Sige Rocky sapakin mo ako! Bugbugin niyo akong dalawa! Wala kayong alam sa nangyayari!" Sigaw ko kaya huminto siya.

Nakatitig na ang mga tao sa paligid namin at wala na akong pakealam.

"Alam mo ba ang lahat? Wala kayong alam Sean! Alam mo ba na hindi ako mahal ni Lars?! Alam mo ba na ginawa niya akong panakip butas?! Alam mo ba na kahit kaming dalawa ay ikaw ang nasa isip niya! Kahit wala ka ay ginugulo mo ang relasyon namin! Pinipilit ko siyang damayan pero ayaw niya dahil sobra siyang nasasaktan dahil aalis ka na! Ayaw niyang malayo sa iyo!"

Halatang gulat na gulat si Rocky at Sean sa mga sinabi ko. Yumuko si Sean.

"It can't be..." Mahinang sabi ni Sean.

"Ngayon pupunta ka dito para bugbugin ako?! Para isumbat sa akin na wala akong kwentang boyfriend?! You know what? There's a time that we're making out and he stated your name out of nowhere!!!" Sigaw ko at galit na galit ako.

Hindi na siya nagsasalita at nakayuko lang siya.

"Kahit kaming dalawa na ni Lars ay inaagaw mo siya sa akin kahit wala kang ginagawa." Mahina kong sabi.

"I'm sorry Jigs... I'm really sorry. I know nothing." Mahina niyang sabi.

"Bugbugin mo ako! Murahin mo ako Sean! Diba kaya ka pumunta dito para gawin yun? Sige na... Patayin niyo na ako ni Rocky!" Sigaw ko sa kanila.

Hindi sila umiimik. Para silang naputulan ng dila dahil sa mga sinabi ko sa kanila.

"Sean... Let's go..." Sabi ni Rocky.

"I'm really sorry Jigs... Hindi ko alam na ikaw pala ang mas nasasaktan." Sabi ni Sean.

"Kahit isang beses ay hindi ko ginawang sumbatan si Lars. Hindi ko sinasabi sa kanya kung gaano niya ako nasasaktan dahil ramdam na ramdam kong second option lang niya ako. Ramdam na ramdam ko na ikaw ang mahal niya pero kahit minsan ay wala akong sinabi kay Lars na ikasasama ng loob niya. Nung nasa ospital ka, hindi ako maalalang kamustahin ni Lars and he even forgot our monthsary dahil ikaw ang mahalaga sa kanya. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko kung paano ka niya tingnan. Yung mga tingin na hindi niya binigay sa akin." Naluluha kong sabi.

"It's all over... I truly love him but you know what's the best way to comfort him?"

Napatitig sa akin si Sean.

"Don't leave... I know that he will never be the same Lars if you leave." Mahina kong sabi.

Halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko sa kanya.

"I don't love him..." Naiiyak niyang sabi.

"It sounds too cruel for me but... Your the only one that he needs." Sabi ko at napatulo na ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naglakad na lang ako palayo sa kanila habang tumutulo ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung ano ang meron si Sean na wala ako. Maybe it's the right time to reveal everything.

Hindi man lang nila inisip ang nararamdaman ko. Napakaselfish nila. Palibhasa ay sila lang naman kasi talaga ang magkakaibigan.

Naiinggit ako kay Sean. Ayoko nang tawagin na kuya siya. May kumpleto siyang pamilya, mahal na mahal siya ng boyfriend niya na si Rocky at handang ipaglaban siya kahit mali at siya rin ang mahal ng nag-iisang tao na meron ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa mga nangyayari.

Hindi naman ako masamang tao para mangyari sa akin ang mga bagay na ito.

Malapit na ang anniversary namin ni Lars at wala siyang paramdam. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya.

Sariwa pa din ang sugat at pasa sa gilid ng labi ko. Hindi nagtanong si tita kung saan ko iyon nakuha. Halatang wala naman siyang pakealam.

Nagulat na lang ako nang biglang magring ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Lars. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba siya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Paulit-ulit niya akong sinasaktan.

Humugot ako ng lakas ng loob at sinagot ko ang tawag niya.

"Hi Jigs! Musta ka na? Magkita tayo mamaya at may good news ako sayo." Sabi ni Lars sa masayang boses.

Mukhang ok na siya.

"Ok ka na ba?" Mahina kong tanong sa kabilang linya.

"Oo Jigs! Wag ka nang mag-alala sa akin. Puntahan mo na lang ako sa park mamaya."

Pinatay ko na ang tawag niya.

"Sabi mo hindi mo ako kailangan." Sabi ko na lang.

Nag-ayos na ako nang sarili ko at pumunta na kaagad ako sa park na sinasabi ni Lars.

Nang makarating ako ay nakita ko si Lars na nakatayo at nakangiti siya sa akin. Lumapit na lang ako sa kanya.

"Sure kang ok ka na Lars?" Tanong ko.

"Oo Jigs! Masaya na ako ulit! Sabi sa akin ni Sean ay hindi na raw siya aalis. Hindi na siya pupunta ng Canada Jigs! Hindi na niya ako iiwan." Sabi niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang tuwa.

Yumuko na lang ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko.

"Mabuti kung ganun. Ako, di mo man lang ba tatanungin kung ok ako?" Mahina kong sabi.

Natahimik si Lars. Maluha-luha na ang mga mata ko. Matagal kong inipon lahat ng hinanakit ko sa kanya at parang hindi ko na kaya.

Naramdaman ko na lang ang mainit niyang mga palad sa pisngi ko. Inangat niya ang mukha ko.

"Jigs... Is there something wrong?" Nag-aalala niyang tanong.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya at nanghihina ako kapag nakikita ko siyang nag-aalala.

Hinawakan niya ang labi ko. Mukhang napansin niya ang pasa at sugat sa labi ko kaya tinitigan niya.

"Sino ang may gawa niyan sayo?!" Seryoso niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Jigs sabihin mo sa akin! Papatayin ko kung sino ang may gawa niyan sayo!" Galit niyang sabi.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na ang taong mahal niya ang sumapak sa akin. Hindi ko alam kung kakampihan niya ako.

Hinawakan niya ang braso ko at hindi ko maiwasan ang mag-react dahil masakit ang pasa ko doon.

Nabigla si Lars. Inangat niya ang sleeve ko sa kanang braso at hinayaan ko lang siya. Nakita kong lalo siyang nagalit nang makita niya ang malaking pasa sa braso ko.

"Jigs sino ang may gawa niyan sayo? Sumagot ka! Sabihin mo sa akin! Sino ang walanghiyang bumugbog sayo?!" Malakas niyang sabi.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para magsalita.

"Si Sean..." Mahina kong sabi at naluluha ako.

Natahimik siya... Hindi na nagsalita si Lars ng panandalian.

"No! Sinungaling ka Jigs! Hindi yan kayang gawin ni Sean sayo!" Sigaw niya.

Pakiramdam ko ay dumilim bigla ang paligid. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko.

"Sige... Oo sinungaling ako. Tatanggapin ko yung sinabi mo. Pero nagsasabi lang ako nang totoo." Maluha-luha kong sabi.

"Hindi ko kayang paniwalaan ang sinasabi mo! Hindi ganun si Sean! Bakit ka naman niya bubugbugin ha? Unless may ginawa kang mali." Sabi pa niya.

Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Sobra na... Sobra na talaga.

"Then ask him... Hanggang ngayon ba siya pa rin ang kakampihan mo? Wala ba talaga akong halaga sayo? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na mas paniwalaan mo siya kahit nagsasabi ako ng totoo? Ask him! Puntahan mo siya." Naluluha kong sabi.

"Bakit? Ano naman ang dahilan niya para gawin yan sayo?" Mahina niyang tanong.

"Tanungin mo siya at nang malaman mo ang lahat." Sabi ko na lang.

Natahimik si Lars. Hindi ko na kaya. Punong-puno na ako. Kailangan ko nang sabihin ang lahat.

"Tapatin mo na ako Lars. Totoo ba? Si Sean ba talaga ang mahal mo?" Mahina kong tanong.

Napatitig sa akin si Lars. Halatang nabigla siya sa tanong ko. Hindi siya sumasagot.

"So totoo nga?"

Hindi pa rin siya sumagot.

"Gusto mong malaman kung gaano mo ako nasasaktan? Sasabihin ko na sayo ang lahat. Remember the time nung nasa hospital si Sean? Alalang-alala ka sa kanya at kitang-kita ko kung gaano ka nag-alala sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata mo na takot kang mawala siya sa iyo. Kinalimutan mo ako nun para lang alagaan siya." Malamig kong sabi.

Basag na ang boses ko. Kailangan na niyang malaman ang lahat. Kailangan ko nang sabihin kung gaano niya ako sinasaktan.

"Alam mo ba nung unang beses na may nangyari sa atin? You stated his name. Habang sarap na sarap ka sa akin ay siya pala ang nasa isip mo." Sabi ko at tumulo na ang luha ko.

Halatang nagulat siya. Nabigla siya sa sinabi ko.

"Then yung picture frame. Nagalit ka dahil lang sa nabasag ko ang picture niyo? Bakit Lars? Napansin ko lang... Wala man lang akong picture sa bahay mo kahit isa."

Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng mga luha ko. Humihikbi na rin ako.

"At nung nagplano siyang aalis papuntang Canada ay hindi kita maka-usap ng maayos. Pinapa-alis mo ako. Sabi mo ay hindi ka kumpleto pag wala si Sean. Pinaramdam mo sa akin na hindi mo ako kailangan sa buhay mo. Naramdaman ko na wala akong kwenta. Pinaramdam mo sa akin na basura lang ako sa iyo." Humahagulgol kong sabi.

"I'm sorry... I'm so sorry Jigs. I never wanted to hurt you so much."

Sabi niya at nakita ko rin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

"Bakit? Bakit kailangan mo akong gawing panakip butas?" Sabi ko at durog na durog na ang puso ko.

"Hindi ko sinasadya Jigs. Please... I'm really sorry. Patawarin mo ako." Sabi niya at humahagulgol na rin siya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo... Minahal mo naman ako diba?"

Hindi siya sumagot. Ito na yata ang pinaka-masakit sa lahat. The truth is he never love me. All I saw from him were just a perfect illusion.

"Ang sakit Lars... Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Salamat... Kahit minsan ay naging masaya ako. Naging masaya ako sa kasinungalingan mo."

Tumalikod na ako sa kanya. Wala na akong pakealam kung mawala siya sa akin. Alam ko naman na wala akong puwang sa puso niya.

May naalala ako bigla. May importante pala akong dapat sabihin sa kanya.

Lumingon ako ulit at nakita ko ang pag-iyak niya habang nakayuko.

"I forgot something. I need to say something."

Tumingin siya sa akin.

"Happy Anniversary... Good bye..." Sabi ko sa kanya.

Tama... Anniversary namin ngayon. Hindi na niya naalala. Simply because he never wanted me.

Halatang nasaktan siya sa sinabi ko. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.

Naglakad na lang ako palayo. Hindi ko na rin masyadong maaninag ang daan dahil sa mga luha sa mga mata ko.

Narinig ko ang pagbusina ng isang kotse.

Nakaramdam ako ng malakas na bagay na bumundol sa akin. Tumalsik ako sa kalsada at rinig ko ang nabali kong buto.

Nakahandusay ako sa kalsada. Alam ko ang lahat.

Ramdam ko na may taong yumakap bigla sa akin.

"I'm sorry... I'm so sorry hindi ko sinasadyang mabangga ka. Gumising ka please!" Boses ng lalakeng takot na takot.

Naramdaman ko ang mainit na palad sa pisngi ko. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng mainit na luha sa mga mata ko at nawalan na ako ng malay.

Isang araw ay nagising na lang ako bigla. Nahihilo ako... Nagmasid ako sa paligid at mukhang nasa loob ako ng ospital.

"Uy gising ka na pala."  Napatingin ako sa gilid at nandun pala ang tita ko.

"Ano po ang nangyari?"

"Sabi ni Lars ay nasagasaan ka raw. Tatlong araw ka nang tulog. Wait tatawagan ko si Lars at Sean para malaman nila na gising ka na."

"Tita please wag..." Naluluha kong sabi.

"Bakit naman?"

"Basta wag niyo po silang sabihan. Wag niyo po silang palapitin sa akin. Ayokong makita sila." Sabi ko at napa-iyak na ako.

"Ginastusan ka nung nakabangga sayo at halatang takot na takot siya sa nangyari. Iyak nga ng iyak yung lalake eh. Gusto mo bang sampahan ng reklamo?" Tanong ni tita.

"Wag na po tita... Kasalanan ko naman po. May nadamay pa sa katangahan ko." Sabi ko na lang.

"Malapit ka na sa legal na edad kaya pag gumaling ka na ay pwede ka nang umalis sa bahay."

Nagulat ako... Oo nga pala malapit na rin akong magbirthday.

"Sige po tita... Bubukod na po ako. Salamat po sa lahat. Maraming salamat po sa pagkupkop niyo sa akin. Salamat po sa pagpapa-aral niyo sa akin. Salamat po tita. Napakalaki po ng utang na loob ko sayo."

"Gusto ko na matuto ka nang tumayo sa sarili mong mga paa at lumaban para sa sarili mo. Alam ko na mabuti kang bata kaya alam ko rin na malayo ang mararating mo. Ginawa ko lang ang parte ko dahil pamangkin kita."

Napangiti na lang ako. Lumabas na si tita sa kwarto.

Matapang ang tita ko. Terror siya pero masasabi ko na mabuti siyang tao. Tinulungan nga niya ako eh.

Siya na ang tumayo kong ina. Kahit hindi niya pinaparamdam sa akin na mahal niya ako ay nagpapasalamat pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala ang tita ko.

Lumipas ang ilang araw sa ospital at mukha ngang pinagbigyan ni tita ang hiling ko na wag palapitin sa akin sila Lars.

Alam ko na hindi sila uubra sa tita ko. Terror na terror ang tita ko kaya alam ko na wala silang magagawa.

Nakareceive rin ako sa phone ko ng maraming text at tawag.

Nakita ko na puro text at tawag ni Sean at Lars ang nasa phone ko. Pati si Rocky may text at tawag din.

Kinuha ko na lang ang phone ko at tinanggal ko ang sim. Binato ko ang sim sa basurahan at shoot na shoot naman. Siguro nga para talaga sa basurahan ang sim ko.

Nagpagaling ako sa ospital. Nang maayos na ako ay pinilit ko nang maglakad at bumangon.

Masakit ang binti ko. Medyo ok na ako at kahit masakit ay pinilit ko nang tumayo. Umuwi na ako sa bahay ni tita.

Pagdating ko sa bahay ay niyakap ko muna ang tita ko nang mahigpit ganun din sa pinsan ko at kay tito Van.

Nag-empake na ako ng mga gamit ko. Alam ko naman na hindi ako permanente rito. Malaki ang pagpapasalamat ko sa tita ko.

Pagkatapos kong magpaalam ng maayos ay umalis na rin ako sa bahay ng tita ko.

Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Malaki rin naman ang naipon ko. Nag-iipon kasi ako dahil alam ko na mangyayari ito. Binigyan din naman ako ni tita at tito ng pera para daw makapagsimula ako.

Sinakyan ko na lang ang unang bus na nakita ko.

I will start again. The weak and stupid Jigs is dead. Babaguhin ko na ang sarili ko. Malupit ang mundo... Ganun din ako.

Napadpad ako sa Manila. Nag-ikot ako at nakahanap naman ako ng dorm na titirhan ko.

Bakasyon naman... Mabuti at naaksidente ako ng bakasyon. Second year na ako kaya naman 2 taon na lang ang kailangan para makagraduate ako.

I definitely change myself. I change the way how I talk. I became colder than ever.

Lumipas din ang panahon. 4th year college na ako. Andaming nangyari sa akin.

Tinuon ko ang isip ko sa pag-aaral. Nakilala ko si Boss Al sa resto na pinagta-trabahuan ko dati.

Maliit pa ang sweldo ko noon sa resto at sabi niya ay may alam daw siyang paraan para maganda ang kitain kong pera.

Tinanggap ko ang alok ni Boss Al. Ipinasok niya ako sa isang lugar na bumago sa akin. May-ari si Boss Al ng isang club kung saan puno ng mga lalaking nagbebenta ng aliw.

At pumayag akong tanggapin bilang mananayaw doon. Sumasayaw lang ako para magkapera pero never akong nagpagamit. Oo maliit ang sweldo ko kumpara sa mga nagpapagamit dahil malaki ang kita nila pero ok na rin sa akin atleast kasya naman pang-tuition.

Malapit na rin akong mag-graduate at aalis na ako sa trabahong ito kapag naka-graduate na ako.

Never din akong nakipagkaibigan sa mga kapwa ko mananayaw sa club. Tahimik lang ako.

Akala ko nga ay hindi papayag si Boss Al na sasayaw lang ako pero nang sabihin kong hindi na ako papasok sa club ay pumayag din siya.

Alam ko naman na gwapo ako. Makinis ang kutis ko at maputi. May abs din naman ako kaya lang 4 lang. Hitsura talaga ang dahilan para matanggap sa trabaho ko.

Ginamit ko yung sakit na naranasan ko kay Lars para maging matatag na tao. Kinalimutan ko ang ginawa niyang kawalang hiyaan sa akin.

Ngayon ay kaya ko na ang sarili ko at masasabi ko na hindi ko kailangan ng kahit na sino para mabuhay.

Marami rin namang customer na pumapasok pag sumasayaw ako.

Sa labas ng bar ay madalas may nag-aabang sa akin. Minsan matanda, bakla, minsan gwapo at mayaman. Hindi ko sila pinapansin. Hindi ako tumatanggap ng offer.

Masaya na akong nakakapag-aral at ayokong maging maruming tao.

Maldito raw ako at masungit. Misteryoso raw ako sabi ni Boss Al. Bihira na lang kasi akong makipag-usap sa mga tao.

Hindi rin naman ako nakikipag-kaibigan sa school dahil alam ko naman na huhusgahan ako kahit na sumasayaw lang ako sa club.

Bawat pagtapak ko sa entablado, bawat giling at sayaw ay ang totoo nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay isa lang akong puta pero alam ko na may patutunguhan ako.

Hindi ako papayag na malugmok sa ganitong buhay. Kaunti na lang naman at makaka-alis na rin ako.

Pagkatapos kong sumayaw sa stage ay nagpalakpakan naman ang mga tao.

Pumunta na ako sa dressing room. At tinanggal ko na ang suot kong leather na brief at bowtie pati man boots. Yun lang ang suot ko. Sanay na ako sa mga ganung suot.

Tapos na ang performance ko at umaga na kaya kailangan ko munang matulog saglit sa apartment na kinuha ko. Nagalit kasi sa akin ang may-ari ng dorm kasi madaling araw na ako umuuwi kaya naghanap ako ng apartment.

Pagkatapos magbihis ay pumunta muna ako sa table malapit sa bartender para magpahinga saglit.

"Yes Jigs? Iinom ka?" Tanong ng bartender.

Umiling-iling lang ako sa kanya. Hindi talaga ako mahilig makipag-usap sa mga tao lalo na kapag hindi importante kaya sabi nila ay maldito raw ako.

Why should I talk to anyone? Lahat naman sila ay pare-parehas lang. They will not care and they will just judge me and my work.

Nang matapos akong magpahinga ay bumalik na ako sa apartment at natulog na ako.

Ganun ang routine ko... Gigising ako ng 9:00 ng umaga kasi 10:00 ang pasok ko sa school at lalakarin ko na lang papuntang school dito sa Manila dahil walking distance lang naman.

Pagkatapos sa school ay gagawa na ako kung may requirements or kaunting review tapos ay pupunta na ako sa club kapag gabi na para sa konting rehearsal at practice tapos ay perform kaagad.

Nasanay ako sa ganung routine. Ang mahalaga sa akin ay makapag-aral at kumita ng pera.

Namulat ang mata ko sa club kung gaano ka hayok ang mga kagaya ko sa sex at aliw. I'm not like them. Si Lars lang naman ang nakinabang sa akin.

Hinahanda ko na ang sarili ko. Pinulupot ko ang white na scarf sa leeg ko. Sinuot ko ang white leather na brief at white boots.

Kailangan laging kita ang abs ko at minsan ay saplot lang sa paa at takip sa ari ang suot ko. Ayos lang naman at hindi naman na ako nag-iinarte baka magalit si Boss Al.

Nag-go signal na ang mc kaya naman lumabas na ako sa stage. Nagsimula na ang tugtog at inumpisahan ko na ang pag-indayog ko ng malaswang sayaw.

Nagtitilian ang mga bading pati na rin ang mga paminta sa club habang sumasayaw ako.

Habang gumigiling ay tinanggal ko ang puting scarf sa leeg ko at hinagis ko iyon sa audience. Nasalo ng bading na naka-suot ng denim shorts ang scarf ko at inamoy-amoy pa niya ito at tumitili siya na parang ewan. Nginitian ko na lang siya na lalong nagpahiyaw sa kanya.

Habang sumasayaw ay napatingin naman ako sa kabilang side ng bar. Kinindatan ko ang gwapong lalake na malapit sa stage. Halatang kinakantsawan siya ng mga kasama niya sa table ng club.

Sumenyas ang gwapong lalake na lumapit daw ako sa table nila. Ngumiti ako at habang sumasayaw ay bumaba na ako sa stage.

Nagkagulo ang ibang mga tao at ang iba ay nagmamadaling hipuan ako. Ayos lang naman sa akin. Hanggang hipo lang naman.

Tumingin ako sa dulong table.

Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko bigla si Lars, Sean at Rocky. Gulat na gulat sila at nakatitig lang sila sa akin.

Natulala ako bigla at sakto namang natapos ang tugtog kaya nagbow na rin ako sa audience.

Kinakabahan ako sa nakita ko. Dali-dali akong nagbihis ng damit.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagmamadali akong lumabas ng dressing room.

Nang palabas na ako sa dressing room ay nakasalubong ko si Boss Al.

"Oh Jigs! Bakit parang nagmamadali kang umalis? Dati ay tumatambay ka pa saglit eh."

"Hhmmm... Basta po boss kailangan ko ng umuwi." Sabi ko na lang.

"Wait lang... May naghahanap sa iyo eh. Gusto ka raw maka-usap nung tatlong gwapong customer." Sabi niya na lalong nagpakaba sa akin.

"Alam niyo naman po siguro na hindi ako nakikipag-usap sa mga customer pagkatapos ng trabaho." Kinakabahan kong sagot.

"Yeah I knew that. Pero sabi nila ay kilala ka raw nila eh. They even know your full name Jigs." Sabi pa ni boss.

"Boss Al please... Don't tell them where I live. Please don't entertain those guys. They are the people who ruined my life." Seryoso kong sabi.

"Ok gets ko na... You can trust me. Wala silang mahihita sa akin." Nakangiting sabi ni Boss Al.

"Thanks for that... I really have to go."

Nagmamadali na akong lumabas ng club. It's been a long time since I last saw them. Ayoko na silang maka-usap.

Nang nasa pinto na ako ng club ay nakita ko silang tatlo na nag-uusap sa labas malapit sa kotse nila.

What should I do? I never wanted to see them again.

Mukha namang busy sila sa pag-uusap kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Nagsuot na ako ng hoddie at nakayuko akong lumabas sa club.

Naglakad na ako palayo sa kanila.

"Jigs... I know ikaw yan." Rinig kong boses ni Lars.

Hindi ko yun pinansin at nagmadali lang akong maglakad. Wala rin akong makita na taxi man lang.

Rinig kong tumakbo sila palapit sa akin kaya lalo akong kinakabahan.

Naramdaman ko na lang ang braso ni Lars na humatak sa kamay ko. Natanggal din ang hoddie ko kaya tumambad na ako sa kanila.

Napatitig ako sa kanila at kita kong maluha-luha ang mga mata ni Lars habang nakahawak sa kamay ko.

Mariin kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Jigs ikaw nga... Please talk to me..." Naluluhang sabi ni Lars.

"Why should I? Bakit kilala ko ba kayo?" Inis kong tanong.

"Please Jigs... We know what we did to you. Please lang gusto naming maayos ang nangyari." Sabi naman ni Sean.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Maayos? Hahahah maayos na ako at kinalimutan ko na kayo. Wag niyo na akong kausapin at hindi ko kayo kailangan." Inis kong sabi.

"Please naman Jigs... Pakinggan mo naman ako." Naiiyak na sabi ni Lars.

Kumunot lang ang noo ko at tumakbo na ako bigla.

"Jigs wait! Jigs!" Sigaw ni Lars na hinahabol ako.

Mabilis din palang tumakbo si tanga. Paano ba naman eh mahahaba ang biyas niya. Lalo akong kinakabahan kaya binilisan ko pa ang takbo.

"Jigs I will never let you go! Kausapin mo ako! Parang awa mo na!" Sigaw niya habang tumatakbo.

Hindi ako nakikinig. Binibilisan ko lang ang takbo kahit pagod na ako.

Bigla na lang may sumalubong na kotse sa akin. Huminto ang kotse at binaba niya ang bintana.

"I saw you running... Get inside. Itatakas kita." Sabi niya.

Nagmadali akong buksan ang kotse kahit hindi ko kilala ang lalakeng iyon at sumakay na ako.

"I will find you Jigs! Mahahanap kita! Napakatagal kong hinintay na makita ka ulit!" Sigaw ni Lars.

Binilisan na nung lalake ang takbo ng kotse niya.

"Hmmm... Thank you so much." Sabi ko na lang.

Hingal na hingal na ako sa loob ng kotse. Tumingin ako sa likod at malayo na si Lars kaya napanatag na rin ang loob ko.

"Wala yun hahahah. Bakit ka nga pala hinahabol ka nun?"

"Basta... May kasalanan yun kaya ganun." Sabi ko na lang.

"Saan kita ihahatid? Sa hotel ba?" Tanong niya at tumitig siya sa akin.

Gwapo pala ang mokong.

"Baliw ka ba? Ibaba mo na nga ako kung babastusin mo ako!" Inis kong sabi sa kanya.

"Oh sorry naman... Kanina lang kinikindatan mo ako sa loob ng bar tapos ngayon ayaw mo pala sa akin." Sabi niya na parang may halong tampo.

Napatitig ako sa kanya. Ok siya pala yung gwapo kanina sa table na kinindatan ko.

"It's only part of my job." Mahina kong sabi.

"Ok gets ko na... So magkano ang price mo ngayon?"

"Hmmm... Sumasayaw lang ako sa club. Hindi ako kasama sa mga employee na binebenta ang katawan nila." Sagot ko na lang.

Hininto niya ang kotse sa tabi at...

"Really?" Di niya makapaniwalang sabi.

Tumango na lang ako sa kanya.

"Hindi mo gusto ang ginagawa mo tama ba?" Mahina niyang tanong.

Tumango na lang ulit ako sa kanya.

"Sorry... I judge so fast. Akala ko kasi..."

Di ko na siya pinatapos magsalita.

"It's ok... Lahat naman ganun ang akala." Sabi ko na lang.

"Then why are you doing this? Marami namang marangal na trabaho eh."

"Maliit naman ang sweldo ng iba kumpara sa kinikita ko. Sumasayaw lang naman ako. Tingin ko wala namang masama sa pagsasayaw."

"Pero nahihipuan ka ng iba. Hahanapan kita ng maayos na trabaho." Sabi pa niya.

"Hindi na kailangan... Malapit na akong grumaduate kaya makaka-alis na ako sa club na yun."

"I'm willing to help you." Sincere niyang sabi.

Kita ko sa mga mata niya ang sinseridad.

"Teka nga... Bakit mo ba ako gustong tulungan? Ano bang pakealam mo sa buhay ko ah?" Inis kong tanong.

"Ang maldito naman nito! Gwapo nga masungit naman."

"Ewan ko sayo! Kailangan ko nang bumaba." Sabi ko at binuksan ko na ang pinto.

"Wait lang naman!"

Hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse. Mukhang nilock niya.

"Ano ba kasing gusto mo ha?" Inis kong tanong.

"Ihahatid na kita sa tinutuluyan mo." Sabi niya at ngumiti pa siya.

Inirapan ko na lang siya. Nakita ko na napangisi siya kaya lalo akong naiinis.

"Nakakainis ka." Sabi ko na lang.

"Hahahah ang cute mo namang mainis."

"Ako ba talaga binubwisit mo ha?!" Galit kong tanong.

Tinaas niya ang mga kamay niya na parang nagsu-surrender.

"Oh sorry naman! Ito naman ang init ng ulo... Suko na po ako hahahah."

Tinitigan ko na lang siya ng masama.

Sinabi ko na lang sa kanya kung saan ang apartment ko kaya hinatid na niya ako. Bumaba na ako ng kotse at ganun din siya.

"Hindi mo man lang ba ako pwedeng papasukin sa loob?" Tanong niya na nagpapa-awa.

"Ayoko na sabihin mong wala akong utang na loob pero wala pa akong tulog eh. Kung gusto mo bumisita ka na lang sa linggo at wala akong pasok." Sabi ko na lang.

"Really??? Yes!!! Hahahah wag ka mag-alala good boy ako."

"Goo boy ka diyan? Pero pumupunta sa bar? Don't me." Sabi ko.

"Hala! Birthday ng kaibigan ko kaya pinilit akong sumama doon. Isa pa pagkatapos mong sumayaw eh umalis na talaga ako kasi malaswa sa loob at di ko kaya. First time ko ngang pumunta sa ganung lugar eh." Seryoso niyang sabi.

"Ganun ba? Well maraming salamat pala ulit sa paghatid mo sa akin. Kung wala ka ay baka kung ano nang kadramahan ang nangyari kanina."

"Hahahha wala yun! Pwede ba tayong maging friends?" Tanong niya at nagpapacute pa siya na parang bata.

Well masasabi ko na cute naman talaga siya ay hindi pala. Gwapo siya... Tama gwapo nga talaga siya. Maputi ang mokong at halatang kutis mayaman. Matangkad din siya at matangos ang ilong niya. Maganda rin ang mga mata ni mokong.

Ako gwapo nga pero cheap kasi dancer lang sa club.

"Sige pwede tayong maging friends." Sabi ko at nginitian ko na lang siya.

"Wwhhhoooahhhh! Ang cute mo talagang ngumiti. Pwede ngiti ka na lang palagi?"

Sinibangutan ko na lang siya.

"Ay sorry hahahahah. Alam ko makulit talaga ako." Sabi niya.

"Hmmm... By the way I'm Xander." Sabi niya at inaabot niya ang kamay niya na nakikipag-shake hands.

Kinamayan ko na lang siya at...

"I'm Jigs..." Seryoso kong sabi.

"Sana magkaroon pa tayo ng time sa susunod para makapagbonding hahahah."

"Umaga na kaya... Umuwi ka na sa inyo." Sabi ko.

"Ok sige pero pero pwede ko bang mahingi ang number mo please..."

Tinitigan ko muna siya at huminga ako ng malalim.

"Oh sya sige..."

Nilagay ko sa phone niya ang number ko at binalik ko na sa kanya.

Nang makuha niya ang phone niya ay napasara pa ang kamao niya at napasenyas pa siya ng yes.

"Oh paano? Pwede ka nang umuwi? Aabutan ka nang araw sa daan." Sabi ko sa kanya.

"Ok po aalis na... Text text tayo ha? Bye Jigs."

"Sige ingat ka at thank you ulit." Sabi ko sa kanya.

"Sige rin... Bye ulit cutiiee." Sabi niya at sumakay na siya sa kotse niya.

Nang maka-alis siya ay pumasok na ako sa bahay at humiga na ako sa kama ko para magpahinga.

Bigla na lang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan. May text galing sa unknown number.

...........

Sleepwell cuttiieee! Muah!

..........

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Sinave ko ang number ni Xander at pinangalanan kong mokong.

Di na ako nagreply at natulog na lang ako.

At lumipas na naman ang oras at kailangan kong pumasok na naman sa school. Ganyan naman talaga ang buhay ko eh. Mabuti na lang at malapit na akong makagraduate. Konti na lang ay makaka-alis na ako sa club.

Habang nasa klase ay nawawala na ako sa isip ko. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa club ngayon kasi baka mamaya nandun na naman sila Lars.

Hindi na ako nakikinig sa prof; nag-iisip lang ako ng paraan para matakasan sila Lars. Kailangan kong magtrabaho at marami rin ang bayarin para sa graduation.

Nang matapos ang klase ay nilakasan ko na lang ang loob ko at tumuloy pa rin ako sa club.

Binuksan ko ang phone ko at may text na naman si mokong.

...........

Binigay nga niya sa akin ang number niya pero snob naman. I'm gonna watch you this evening.

...........

Kumpleto ang text niya mula good morning, good afternoon tapos kung maglunch na raw ako.

Hindi ko na pinansin ang text niya. Wala rin namang sense kung makikipag-kaibigan pa ako sa kanya.

Nagbihis na ulit ako ng damit para sa performance mamaya.

Nakasuot ako ng red na vest at brief. Nakalagay na rin sa leeg ko ang red na bow tie. Tumingin muna ako sa salamin. Ang laswa nga ng mga sinusuot ko hahahah.

Nagulat ako ng bigla na lang tumunog ang phone ko.

Tumatawag pala si mokong kaya sinagot ko naman kaagad.

"Hi babe!" Bati niya.

"Babe ka diyan? Baka gusto mong magpalit ako ng sim." Inis kong sabi.

"Uy joke lang! Ikaw nga itong hindi nagrereply sa mga text ko eh."

"Sorry ah! Wala kaya akong load." Sagot ko naman.

"Ay ganun ba? So text mo na lang ako at papaloadan kita." Sabi niya sa kabilang linya.

"Seryoso ka ba ha?" Inis kong tanong.

"Oo baby Jigs! Seryoso ako sayo! Papanoorin kita mamaya. Bye bye na love ko muah."

"Kadiri ka!" Sabi ko at pinatayan na niya ako ng phone.

He's so annoying! Hindi ko talaga hilig ang makipag-usap lalo na sa mga ganung tao.

............

Baby Jigs! Wag kang bumaba sa stage mamaya ha? Nakakaselos yun at hindi ko hahayaang hipuan ka ulit!

...........

Hindi ko alam kung may concern ba talaga sa akin itong taong to pero baka mamaya may kailangan lang siya.

Ano naman ang kailangan niya sa tulad kong dancer sa club?

Jusme! Bigla ko na lang natanggap ang load na 500 kaya nagulat ako at halos mabitiwan ko ang phone ko.

Tinext ko kaagad ang number ni mokong.

..........

Baliw ka na ba ha?! Bakit pinaloadan mo ako ng 500?! Sira ka ba?! Babayaran kita mamaya.

.........

Sira na yata ang ulo nung lalakeng yun at pinaloadan ako ng 500. Ano yun plan ganun? Kainis! Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat.

Bigla namang tumunog ang phone ko at ang bilis magreply ni mokong.

..........

Wag mong bayaran! Pinaloadan kita para obligado kang magreply sa mga text ko hahahah. Jigs sabihin mo pag naubos na load mo ha? Paloadan na lang kita ulit. At wag mo tangkaing ibalik ang load na binigay ko sayo dahil gagahasain kita! Hahahahha.

..........

Puro heart heart pa na emoji at mga nakawink ang nasa text niya. Ewan ko ba sa taong ito!

Hinanda ko na lang ang sarili ko. Wait nga... Baka sabihin niya bastos ako kung hindi ako magrereply.

............

Umayos ka nga! Mamaya ka na magtext at magtatrabaho na ako.

............

Tinago ko muna ang phone ko at lumabas na ako sa stage.

Nakita ko si Xander na nasa unahang table at wala siyang kasama. Juice lang ang nasa table niya. Nginitian naman niya ako nang tumingin ako sa kanya.

Katabi ng table ni Xander sila Lars kaya naman naiinis ako pero ngumiti pa rin ako para hindi maapektuhan ang trabaho ko.

Kagaya ng sabi ni Xander ay hindi na rin ako bumaba ng stage.

Nang matapos ang performance ay dali-dali akong nagbihis ng maayos na damit. Ayokong maka-usap ulit sila Lars at bwisit talaga ako.

Paglabas ko ng dressing room ay tumambad sa akin sila Lars. Babalik sana ako sa loob pero hinarangan ni Lars ang pinto.

"Jigs please... Let's talk." Nagpapa-awa niyang sabi.

"Bakit ba? Ano bang kailangan niyo sa akin ha? Nabubwisit na ako sa inyo!" Inis kong sabi.

"Jigs please... Gusto lang naman namin na tulungan ka. Ayaw mo bang umalis sa trabahong ito?" Sabat naman ni Sean.

"Kaya ko ang sarili ko! Hindi ko kayo kailangan at may sarili akong paraan kaya umalis na kayo." Seryoso kong sabi.

"Oh sige na alis na raw tayo Sean." Sabi naman ni Rocky.

"No! Hindi kami aalis hangga't hindi mo kami kinakausap ng maayos." Sabi naman ni Lars.

"Ano ba kasing kailangan niyo?!"

"Please Jigs... I do love you. Please give me another chance. Sobrang pinagsisihan ko ang lahat." Naluluha niyang sabi.

"Anong ginagawa niyo kay Jigs?!"

Tumingin ako sa gilid at si Xander pala. Galit ang mukha niya.

"Oh hahahah ikaw pala! Wag kang makialam dito!" Sabi naman ni Sean kay Xander.

Wait nga... Magkakilala ba sila?

"Kayo ang wag makialam!"

Hinawakan ni Xander ang kamay ko at...

"I'm Jigs' boyfriend..." Nakangiti niyang sabi.

Halatang nagulat sila Lars.

"Jigs kilala mo ba yan? Kilala mo ba ang taong yan?!" Natatawang tanong ni Rocky sa akin.

Hindi ako sumagot at tinitigan ko na lang sila ng masama. Tumingin ako sa mukha ni Xander at napayuko na lang siya. Binitawan niya rin ang kamay ko.

"Xander is my younger brother. Siya yung taong nakasagasa sayo!" Sabi ni Rocky.

Nabigla ako... Siya pala yun. Hindi ko akalain na magkakilala pala sila.

"Paano naging kayo niyang pasaway na kapatid ko?" Tanong pa ni Rocky.

Nag-isip ako ng mabuti. Nakatungo lang si Xander at hindi siya makatingin sa akin.

"Well ano ngayon kung siya ang nakasagasa sa akin? Atleast yun aksidente hindi kagaya niyo! Sinadya niyong saktan ako!" Inis kong sagot.

Napatingin sa akin si Xander at halatang puno siya ng tanong.

Hinawakan ko ang kamay ni Xander at hinatak ko na siya palayo.

Susunod sana sila Lars at bigla na lang nagsalita si Xander.

"Don't you dare na sundan kami! Magkakamatayan tayo!" Seryosong sabi ni Xander at inaamin kong nakakatakot siya.

Napahinto sila Lars at mukhang kinabahan din sila. Umalis na kami ni Xander at isinakay na niya ako sa kotse niya para ihatid ulit ako sa bahay.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Xander na nagmamaneho.

"Uy mokong bat tahimik ka?" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko na napalunok na lang siya sa tanong ko at...

"I'm sorry...." Sabi niya at tumingin siya sa akin.

Maluha-luha ang mga mata niya.

"For what?" Tanong ko pa.

"Kasi ako yung nakasagasa sayo noon. Hindi ko rin alam na ikaw pala yun." Naluluha niyang sabi.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Halatang nagtataka siya kasi natatawa ako sa kanya.

"Parang yun lang! Nasagasaan mo ako kasi wala ako nun sa sarili ko. Ang totoo ay kasalanan ko at naperwisyo lang kita." Natatawa kong sabi.

"So you mean hindi ka galit?" Tanong pa niya.

"Definitely not... At kung may galit man ako, kila Lars yun." Sabi ko pa.

"You know what? Napaka-unpredictable ng ugali mo. Hinanap kita noon sa hospital kahit natatakot akong harapin ka pero bigla ka raw nawala sabi ng tita mo sa akin." Seryoso niyang sabi.

"Really? Hahahah." Natatawa kong sabi.

"I want to apologize personally para sa nagawa ko kaso bigla kang nawala."

"Hahahah sabi ng tita ko takot na takot ka raw at umiiyak nung nasa hospital ako hahahha."

"Anong nakakatawa? Eh natakot ako sobra at baka napatay kita!" Inis niyang sabi.

"Sana nga napatay mo na lang ako." Mahina kong sabi.

Hininto niya ang kotse at tumitig siya ng masama sa akin.

"Don't wish for that! Eh kung namatay ka edi nakulong ako! Hindi rin tayo magiging friends kung nawala ka!" Inis niyang sabi.

"Kung alam mo lang ang lahat..." Malungkot kong sabi.

"Kahit na! Kahit ano pa ang rason mo ay kailangan mo pa ring mabuhay!" Inis niyang sabi.

"So against ka sa death penalty ganun? Hahahahha." Natatawa kong tanong.

"Pwede ba Jigs! Seryoso kasi ako eh!" Inis niyang sabi.

Napangiti na lang ako sa kanya. Parehas sila ng kuya niya na may pagka-maldito. Napansin kong namula siya bigla nung ngumiti ako.

"So hindi mo pala alam ang mga nangyari dati?" Tanong ko.

"No... Wala namang sinasabi si kuya at hindi kami close nun! Palagi lang kasing yung Sean ang priority niya! Nakakabwisit yung Sean na yun! Close kami dati ni kuya eh pero nung naging sila ay wala ng time si kuya sa akin kaya inis ako sa kanilang dalawa." Seryoso niyang sabi.

"So wala ka pala talagang alam sa mga nangyari noon?" Tanong ko.

Umiling-iling lang siya at...

"Bakit ba kasi ginugulo ka nung tatlong bibe?" Natatawa niyang tanong.

"Sira ka talaga hahahahh."

"Ang cute mo palang tumawa." Mahina niyang sabi.

"Ewan ko sayo!"

"Ayan! Tigre ka na naman hahahah. Kwento mo na lang kasi sa akin lahat."

Huminga ako ng malalim at nagsimula na akong i-kwento kay Xander ang lahat. Halatang inis na inis siya sa mga nalaman niya.

Masaya rin palang mag-kwento sa isang tao. Matagal na rin pala nung huli akong makipag-usap ng matagal.

Masaya namang kausap si Xander at mabait naman siya.

"Anubayan nandito na tayo sa apartment mo. Text mo na lang ako ah." Sabi niya.

"Ayaw mo bang pumasok muna? Ipagtitimpla kita ng kape." Nakangiti kong sabi.

"Hala! Talaga lang? Nilalagnat ka ba? Bakit bumait ka?"

"Ayaw mo? Oh sige wala naman akong pake."

"Uy wala akong sinabi! Dali na babe pasok na tayo sa house."

Tinitigan ko siya ng masama at nagpeace sign naman siya.

Mabait naman si Xander kaya lang makulit talaga siya kaya naiirita ako minsan. Halos tuwing galing sa bar ay hinahatid niya ako pauwi para daw hindi ako masundan nila Lars.

Siguro nakonsensiya lang siya nung nasagasaan niya ako kaya ginagawa niya ang mga bagay na ito.

Tanong siya ng tanong sa akin kung kelan daw ba ako aalis sa trabaho. Ang sagot ko naman ay kapag nakagraduate na ako ng college.

Bago ang graduation ay nagpaalam na ako kay Boss Al at pinayagan naman niya ako. Biniro pa nga ako ni Boss na bumisita raw ako at nainis naman si Xander sa kanya.

Parehas sila ng kuya niya na magaspang ang pakikitungo sa ibang tao.

At lumipas ang ilang araw. Nabalitaan ko na kinukulit pala siya ng kapatid niya para alamin kung nasaan ako pero hindi niya sinasabi.

Alam ko na ligtas ako kay Xander at ramdam ko na mapagkakatiwalaan siyang tao.

Lagi kaming magkatext at siyempre kapag di ako nagreply ay tatawag kaagad siya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya at wala rin naman akong balak alamin.

Nalaman din ni Xander na wala pala akong kasama sa graduation. Nagulat na lang ako ng samahan niya ako nung graduation ko.

Kakatapos lang ng graduation at uuwi na sana ako sa bahay.

"Jigs saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uuwi na bakit?"

"Huh?! Dapat magcelebrate tayo!"

"At bakit naman? Sayang lang pera." Sagot ko sa kanya.

"Anong sayang pera? Sama ka sa akin! Treat ko." Sabi niya at nginitian niya ako.

"Nakakatamad eh." Walang gana kong sagot.

"Dali na! Imagine... 2 years ka ring nagtrabaho sa club para makagraduate at ngayon aalis ka na kaya kailangan na nating magcelebrate." Sabi niya.

Wala na akong nagawa. Pumayag na lang ako sa gusto niya.

Dinala ako ni Xander sa isang mamahaling resto at mahal din ang mga nasa menu nila kaya nahihirapan akong pumili.

"Uy bat antagal mong pumili?" Tanong niya.

Nahihiya akong magsabi na mahal. Ayoko namang isipin niya na namemera ako.

"Hmmm... Ikaw na lang pumili para sa akin." Sabi ko.

"Eh? Bakit wala ka bang nagustuhan?"

"Hmmm... Lahat naman kinakain ko. Di ako choosy kaya ikaw na lang pumili para sa akin." Seryoso kong sabi.

Nginitian niya ako... Nabigla na lang ako nang lumapit ang mga waiter dahil andami niyang order.

"Hoy Xander! Bakit andami mong inorder?!" Inis kong tanong.

"Eh celebration nga kasi!" Natatawa niyang sabi.

"Umayos ka nga! Mahal kaya yan tapos andami pa! Sinong uubos niyan ha?"

"Ewan ko sayo Jigs hahahah magpasalamat ka na lang. Para sayo talaga yan." Nakangiti niyang sabi.

Nahihiya talaga ako at natahimik na lang ako.

"Kakain ka ba o susubuan kita?" Natatawa niyang tanong.

Kumuha na lang ako ng kung ano ang malapit na pagkain sa akin.

Grabe itong taong to! Alam ko mayaman to pero bakit naman niya ako gagastusan ng ganito.

Habang kumakain ay nagsalita bigla si Xander.

"Hmmm... Jigs matanong ko lang, saan mo balak magtrabaho?"

Napahinto ako sa pagkain at nag-isip ako ng mabuti.

"Kahit saan... Basta mag-aaply ako at kung sino unang tumanggap sa akin ay doon ako." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga... Wala kang arte sa trabaho kaya gusto kita eh."

Inirapan ko na lang siya dahil sa sinabi niya sa akin.

"Why don't you try this resto. Mag-apply kang manager at sure akong matatanggap ka." Sabi niya at ngumiti siya ng nakakaloko.

Business management kasi ang course na kinuha ko.

"Paano mo naman nasabing matatanggap ako dito?" Tanong ko.

"Cause it's our family business."

Parang nabilaukan ako bigla kaya uminom agad ako ng tubig.

"Hindi naman sa mapride ako. Actually wala na nga yata akong pride nung nagtrabaho ako sa club pero... Xander marami ka nang tulong na ibinigay sa akin. Nahihiya na ako sa iyo. Nagpapasalamat ako pero... Sobra na yata ito Xander." Mahina at nahihiya kong sabi.

"Aaawww... Ang cute hahahah." Natatawa niyang sabi.

"Ano ba?! Seryoso ako eh tapos..."

Inunahan na niya ako bago ko pa tapusin ang sinasabi ko.

"Joke lang naman!"

Nilapit niya ang kamay niya at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Jigs... Hindi mo kailangang tumanaw ng utang na loob sa akin. Ginagawa ko ito dahil gusto ko. Gusto ko na tulungan ka. Gusto ko na mapasaya ka."

Lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko at parang kinakabahan siya.

"Gusto ko rin na magustuhan mo ako." Seryoso niyang sabi.

Nabigla ako sa sinabi niya. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ba...bakit?" Nauutal kong tanong.

"Hindi ba talaga obvious?! Gusto kita Jigs! Gustong-gusto kita!" Sigaw niya kaya napatingin ang ibang customer.

"Wag ka ngang sumigaw!" Inis kong sabi.

"Ay sorry..." Nahihiya niyang sabi.

Tsaka pa lang nagsink in sa akin ang sinabi niya. Totoo ba ito? Gusto niya ako?

"Ano namang nagustuhan mo sa tulad ko ha?"

"Alam ko mag-isa ka... Alam ko na independent ka. I don't know exactly what I feel for you before but nung sumasayaw ka sa club; even though you are smiling, I can see na hindi mo gusto yun. Everytime that I am looking in your eyes, I can see your agony. I can see that you don't want to be alone anymore. I want to change that look of yours. I know that you are full of passion and kindness. Gusto kong maging sayo. Gusto ko na malaman mong nandito na ako. Gusto kong iparamdam sayo na hindi ka na mag-iisa dahil mahal kita." Seryoso at sincere niyang sabi.

Natahimik ako... Kinilabutan ako sa mga sinabi niya sa akin at hindi ko alam ang sasabihin ko.

Napayuko na lang ako. Naluluha ang mga mata ko sa hindi ko maipaliwanag ma dahilan.

"Kailangan mo ba ako? Anong mapapala mo sa akin?" Mahina kong tanong.

"I know it sounds so corny but... I feel that I'm complete with you."

Napatitig ako sa kanya. Seryoso lang siya. Kinilabutan ako... Narinig ko ang mga katagang iyon kay Lars pero si Sean ang tinutukoy niya.

Could it be? Is this guy really love me?

"I've been through hell..." Seryoso kong sabi.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at...

"I know that and I understand. Sana mabigyan mo ako ng chance. Sana dumating yung oras na mahalin mo rin ako." Seryoso niyang sabi.

"Hayaan mong mag-isip ako."

Tumango lang siya sa akin at ngumiti.

Nang matapos kaming kumain ay sobrang dami pang natira na pagkain at yung iba ay hindi man lang nagalaw.

Pinabalot ko na lang ang mga pagkain dahil sayang at ihahatid na ako ni Lars sa kotse.

Habang nasa kotse ay may nakita ako na mga batang namamalimos sa daan. Gabi na at mukhang kailangan nila ng pera.

Naaawa ako... Alam ko kung gaano kahirap ang buhay kaya nararamdaman ko sila.

"Xander ihinto mo sa tabi ang kotse saglit lang."

Hininto niya ang kotse at nagtataka siya sa akin.

Bumaba ako saglit at ibinigay ko ang mga pinabalot kong pagkain sa mga bata. Napangiti ako nang natuwa ang mga bata sa akin.

"Wow kuya! Salamat po! Gwapo na nga kayo, mabait pa!" Natutuwang sabi ng bata.

"Ay hahahah salamat naman sa papuri mo. Paano alis na ako."

Bumalik na kaagad ako sa kotse at nagpaalam na ako sa mga bata.

"I saw you smiling... Sabi ko na nga ba mabait ka eh hahahah. Wala na talaga akong hihilingin pa, ikaw na talaga ang tadhana ko."

Inirapan ko na lang si Xander at tinatawanan niya lang ako.

Lumipas ang mga araw at tinanggap ko na ang offer sa akin ni Xander na maging manager ng resto ng family niya.

Marami rin naman silang branches. Marami akong dapat ipagpasalamat sa kanya.

Mabait talaga siya at makulit. Mas nakaka-inlove daw ako kapag nagsusungit. Sabi ni Xander ay kahit maldito raw ako ay hindi niya itatangging may mabui akong kalooban.

Minsan talaga ay nacocornihan na ako sa mga banat niya sa akin pero tawa lang siya ng tawa.

Isang araw sa resto ay nagtatrabaho ako ng bigla na lang bumukas ang pintuan sa office ko. Akala ko ay si Xander pero nagulat ako nang makita ko si Rocky.

"Hahahah huli ka! Akala mo ha? Minamanmanan ko ang kapatid ko!" Nakangiting sabi ni Rocky.

"Ano pong kailangan niyo sir?" Inis kong tanong.

Family business nila ang resto kaya tama lang na sir ang itawag ko kahit nakaka-inis siya.

"I just wanted to talk..." Seryoso niyang sabi.

"Kasama mo sila Sean?"

"No! It's just you and me." Sabi niya.

Pumayag akong makipag-usap sa kanya dahil una sa lahat ay wala naman siyang ginawa sa akin.

Umupo kami sa isang table sa resto.

"Ano namang pag-uusapan natin?"

"Hmmm... I know what Sean and Lars did to you. Please just listen to me."

Tumahimik na lang ako at tinitigan ko na lang si Rocky. Huminga siya ng malalim at...

"You know what? Iyak ng iyak si Sean nung naaksidente ka. Sobrang sinisi niya ang sarili niya nung nawala ka kasi inamin mo na gusto siya ni Lars. Hinanap ka namin... Hindi ka namin makita at wala naman kaming mapiga doon sa maldita mong tita."

"Oh tapos?" Tanong ko.

"Gusto lang naman humingi ng sorry ni Sean. Actually sinapak ka niya at ang totoo naman ay si Lars naman talaga ang may malaking kasalanan sa iyo."

"Ano naman? It's the past. I don't even care to them. What's the point if I forgive your boyfriend?" Inis kong tanong.

"You know what? Ibang-iba ka na kesa dati. Matapang ka na ngayon at may paninindigan. Matigas na ba ang puso mo? Hindi mo ba gusto na magpatawad kahit kay Sean lang?"

"Well kapag kinausap ako ni Sean ay sure akong kakausapin niya rin si Lars at sasabihin na nandito ako. Tell me Rocky, what's the point if I will talk to Sean huh?" Seryoso kong tanong.

"Hmmm... Please naman! Ang hirap mong kausap!" Inis niyang sabi.

Natatawa na lang ako sa kanya at ang sama ng tingin niya sa akin.

May naisip akong magandang plano.

"Well... Pwede naman kitang pagbigyan na kausapin ko si Sean pero pagbigyan mo rin ang gusto ko." Sabi ko at nginitian ko siya ng nakakaloko.

"Wow! Sige hahaha ano bang gusto mo? Kahit ano basta wag lang yung matikman mo ako kasi magagalit si Sean."

Nabwisit ako sa sinabi niya kaya tumayo na ako at aalis na dapat ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Uy sorry! Biro lang!"

"Feeler ka masyado!" Inis kong sabi.

"Joke nga lang! Ano ba kasing gusto mo ha? Kahit ano basta kausapin mo si Sean." Seryoso niyang sabi.

"Hmmm... I know na may conflict kayo ni Xander. Kapag naging close kayo ulit ni Xander at nagka-ayos kayo ay pagbibigyan ko rin ang gusto mong kausapin ko si Sean." Seryoso kong sabi.

"But..."

Hindi ko siya pinatapos at nagsalita na ako.

"Then don't! Ano bang mahirap sa panukala ko? Ikaw pala ang mahirap kausap." Inis kong sabi.

Aalis na sana ako pero...

"Wait! Sige payag na ako basta tuparin mo ang pangako mo." Sabi niya.

Naglakad na ako palayo pero nagsasalita ako habang naglalakad palayo sa kanya.

"Makukuha mo ang kailangan mo sa akin basta ibigay mo ang kailangan ko."

Nilingon ko siya at tinitigan ko siya.

"Gusto kong bumawi sa lahat ng kabutihan ni Xander kaya gusto kong magka-ayos kayo." Seryoso kong sabi.

Ngumiti si Rocky sa akin at...

"Swerte nga si Xander sa iyo..." Sabi niya.

"Pashnea ka..." Inis kong sabi.

Inirapan ko siya at bumalik na lang ako sa office ko.

Lumipas ang mga oras at nagtataka ako dahil walang nagtitext sa akin. Lagi kasing nagtitext si Xander sa akin.

Tinuon ko na lang ang isip ko sa pagtatrabaho at tinapos ko ang mga dapat tapusin.

Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto.

Nakita ko si Xander at tumakbo siya ng mabilis palapit sa akin. Bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako.

"Anong nangyari?" Tanong ko at ang higpit ng yakap niya.

"Thank you..." Sabi niya at humihigpit ang yakap niya.

"Xander hindi ako makahinga..."

"Ay sorry..."

Tumingin siya sa akin at naluluha ang mga mata niya.

"Ok na kami ni kuya..." Nakangiti niyang sabi.

"Ay talaga? Ang bilis ah." Sabi ko.

"Oo... Sabi niya ay ikaw daw ang dahilan. Nag-open ako sa kanya ng lahat ng sama ko ng loob. Thank you so much Jigs. Kinausap ako ni kuya dahil sayo. Ok na kami." Sabi ni Xander at masayang-masaya siya.

"Wala naman yun kumpara sa mga ginawa mo para sa akin." Sabi ko.

"I love you Jigs..." Sincere niyang sabi.

"Thank you..." Sagot ko.

Sumibangot ang mukha niya at mukhang bad trip siya sa sagot ko.

"Ok na ang lahat eh... Ikaw na lang ang kulang." Sabi niya na may halong inis.

Siguro dapat ay pasayahin ko naman si Xander.

"Sige Xander aamin ako... Mabait ka, matalino at gwapo. Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako. Nahihirapan akong magtiwala at alam mo yan. Hindi ka mahirap mahalin. Inaamin ko na nagugustuhan kita." Seryoso kong sabi.

Natahimik siya at parang maluha-luha ang mga mata niya. Well yun naman talaga ang nararamdaman ko eh.

I never fake my feelings. Hindi na ako takot magsalita dahil dati ay natutunan ko na wala akong mapapala kung itatago ko ang nararamdaman ko.

"Magiging akin ka rin... Hindi na kita pakakawalan. Pag handa ka na ay sabihin mo sa akin. Hindi kita sasaktan. Mamahalin kita ng buong-buo." Seryoso at maluha-luha niyang sabi.

"Ang drama mo! May trabaho kaya ako kaya umalis ka muna." Inis kong sabi.

Ewan ko ba... Bigla-bigla na lang akong naiinis. I think that I'm really tired of drama kaya naiinis ako sa kadramahan.

"Kelan ka kaya magiging mabait sa akin?" Tanong niya na parang bata.

Naisip ko na pakiligin siya hahahah.

"Pag love na kita." Sabi ko at kinindatan ko siya.

Namula ang mukha niya at napakagat pa siya sa labi niya. Natatawa ako dahil natahimik siya.

"Oh alis na may trabaho pa ako eh."

Naglakad siya ng tahimik at pulang-pula ang mukha niya.

He deserves to be happy. Napakabuti niyang tao. Mood swinger yata ako? Bipolar kaya ako? Napapansin ko kasi na mabilis magbago ang mood ko.

Nakatanggap na lang ako ng text sa isang uknown number.

...........

Ok na kami ng kapatid ko. Masaya rin ako na maayos na kami. Bukas makipagkita ka kay Sean. Sasamahan ko na lang siya.

...........

Si Rocky pala... Sinave ko ang number niya at pinangalanan kong bato hahahah.

Nagulat ako dahil sa nakita kong isang number na nakasave. Binago ni Xander ang pangalan niya! Nakicharge kasi ako at nalingat ako saglit kahapon.

Napangiti na lang din ako... Ang pinalit ni Xander sa name niya sa phonebook ay... "Mokong pero mahal ka" tapos puro heart heart na emoji. Ang baduy! Ang corny pero... Kinilig ako hahahah.

So yun ang nangyari... Kinabukasan ay nagkita kami ni Sean at halatang kinakabahan siya dahil ang tapang ko raw? Matapang ba ako? Siguro nga hahahahah.

Pinatawad ko naman si Sean. Nakamove on naman ako eh. Hindi ko na binilang kung ilang beses siyang humingi ng sorry.

Ayos naman na ang lahat at nakalipat na ako sa mas magandang bahay.

Thankful na thankful ako sa lahat ng mga nangyari.

Isang araw ay uuwi na sana ako sa bahay at ihahatid na ako ni Xander ng bigla nalang sumulpot si Sean sa harapan ko kaya nagulat ako.

"Hoy Sean ano ba? Sanggre ka ba at bigla ka na lang sumusulpot?" Inis kong tanong.

Hingal na hingal siya at halatang tumakbo siya papunta sa akin.

"Ospital..." Hinihingal niyang sabi at naiiyak siya.

"Umayos ka nga!" Inis kong sabi.

"Hmmm... Nasa hospital si Lars. He tried to commit suicide because of you." Sabi ni Rocky.

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit?

"Xander puntahan natin si Lars." Sabi ko at nagmamadali naman kaming sumakay sa kotse.

Bwisit! Ang tanga naman ni Lars! Bakit siya magpapakamatay?

Nang makarating kami sa ospital ay nagtakbuhan kami papunta sa room kung nasaan si Lars.

Binuksan ko ang pinto at nakahiga si Lars sa kama. Kasama niya ang family niya doon.

Pumasok kaming apat sa room. At nilapitan ko si Lars.

"Sabi ko na nga ba dadating ka... Nag-aalala ka pa rin sa akin." Nakangiting sabi ni Lars.

Nakita ko na nakatakip ang sugat niya sa pulso.

Napuno na ako... Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko ng malakas sa pisngi si Lars.

"Jigs!" Sabay sabay na sigaw nung tatlo pati ng family ni Lars.

Halatang nagulat sila at naluluha rin si Lars dahil sinampal ko siya.

"What do you think you are doing huh? Tanga ka ba Lars?! Sabihin mo kung gusto mong mamatay at ako na ang papatay sa iyo!" Galit na galit kong sigaw.

"Jigs... Please calm down." Sabi ng mama ni Lars.

"Ano bang kademonyohan ang pumasok sa utak mo ha?!" Sigaw ko kay Lars.

Umiwas siya ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

"Nagbago ka na nga... Ibang-iba ka na ngayon." Sabi niya sa malamig na boses.

"Tingin mo mapapatawad kita kung namatay ka ha?!" Galit na galit kong sabi.

"Alam ko naman eh... Ito na lang ang naiisip kong paraan para kausapin mo ulit ako." Umiiyak niyang sabi.

"Lars pwede ba? Matagal na yun eh! Kalimutan mo na lahat!"

"Pero Jigs... Mahal kita... Nababaliw ako kakahanap sa iyo. Pinagbawalan ako ng tita mo na makita ka sa hospital noon. Everything feels like hell to me." Humahagulgol niyang sabi.

"So ano ba kasing gusto mong mangyari ha?"

"I want you to love me again..." Sabi niya at ramdam ko ang sakit sa boses niya.

"That won't happen... Don't you undersand? I already have Xander." Inis kong sabi.

Natawa bigla si Lars. Kahit umiiyak siya ay natatawa siya kaya nagtataka na lang ako.

"I already know... You have a fake relationship."

Nabigla ako... Napatitig ako kay Xander at nagulat din siya.

"I'm sorry... I told him kasi nalaman ko kay Rocky." Sabi ni Sean na halatang kinakabahan.

Tinitigan ko ng masama si Sean at halatang kabado siya.

"Hmmm... I think I have to go..."

Lumabas si Sean at sinundan naman siya ni Rocky.

"Now tell me that you love me! Hindi mo na kailangang gamitin pa si Xander! Tell me that I'm the perfect one for you! I will never hurt you again. This time Jigs sure na akong mahal na mahal kita!" Sabi ni Lars.

Tumingin ako kay Xander at yumuko lang siya. Lumabas na bigla ng room si Xander.

"Sorry Lars but you're 2 years late."

"Please give me another chance."

"I don't know how many chances that I gave to you before." Mariin kong sabi.

"Matigas na nga ang puso mo... Jigs please hear me. Nagmamakaawa ako sa iyo. This time ibibigay ko ang lahat ng gusto mo." Umiiyak na sabi ni Lars.

"Sorry... I don't need your love. Hindi ako kagaya mo... Mahal ako ni Xander at hindi ko siya kayang saktan Lars."

Halatang nasaktan siya sa sinabi ko. It's the truth! Bakit ko naman lolokohin ang sarili ko? Wala akong pake kung masaktan pa si Lars! I don't really care anymore.

Humagulgol ng malakas si Lars. Alam ko na sobrang nasaktan ko siya.

Aalis na sana ako pero tinutusok ang puso ko. Bakit ganito ang pakiramdam? Parang hindi ko matiis na marinig ang iyak ni Lars.

Tama... Alam ko na ang dahilan. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon at hindi ako kagaya niya. Hindi ako masama.

Bumalik ako at niyakap ko si Lars ng mahigpit.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

"Lars... You don't have to do this. I already accepted your apology. We can be friends but please... Please Lars... Ayusin mo ang buhay mo!" Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

Naluluha rin ang mga mata ko at hindi ko alam kung bakit.

"You really care for me aren't you? You don't want me dead."

"Yes I still do but I can't love you again."

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ko ang mga pisngi niya.

"Please Jigs... Come back to me." Umiiyak niyang sabi.

Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.

Ayoko nang masaktan si Lars pero mas ayokong masaktan si Xander.

"Lars... If you love me let me go..." Mahinahon kong sabi.

Yumuko na lang siya... Alam ko na nasasaktan siya.

"Sige... Sige naiintindihan ko. Pero Jigs mangako ka sa akin, we will be friends again." Naiiyak niyang sabi.

"Thank you Lars... Alagaan mo ang sarili mo." Sabi ko.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya ng mariin sa noo.

"Wag mo na uulitin tong katangahan mo ha?" Tanong ko.

"Oo naman! Basta friends tayo at ok na tayo."

Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Masarap pala sa loob ang magpatawad.

Binantayan ko muna si Lars sa ospital at nag-usap na rin kami ng maayos.

No hard feelings... Ok na kami ni Lars.

Nilinaw ko sa kanya na wala na talaga kaming pag-asa na magkabalikan kasi alam kong masasaktan si Xander at ayokong mangyari iyon.

Pumayag naman si Lars sa gusto ko at maayos naman siyang kausap.

Tinignan ko ang relo ko at umaga na pala.

"Hmmm... Lars umaga na. Babalikan kita bukas." Nakangiti kong sabi.

"Sige pahinga ka muna..." Nakangiti niya ring sagot.

"Wag kang magkamali na gumawa ng katangahan at sinasabi ko sayo... Sisikmuraan na kita sa susunod."

Natatawa na lang siya sa sinabi ko.

"Opo hahahhah. Iba na talaga ang ugali mo ngayon."

Maglalakad na sana ako pero...

"Wait lang! Pakiss naman kahit sa cheeks lang."

Tinitigan ko siya ng masama. Wala naman sigurong masama?

"Sige... Ngayon lang to ah?"

Lumapit ako sa kanya at hahalikan ko sana siya sa pisngi pero bigla niya akong hinalikan sa labi.

Kumalas ako sa halik niya at kinurot ko siya sa giliran.

"Bwisit ka! Chansing ka!" Inis na inis kong sabi.

"Hahahhah ikaw kasi sabi mo ngayon lang kaya sinulit ko na." Natatawa niyang sabi.

Inirapan ko siya at naglakad na ako palabas ng room.

Pasaway talaga si Lars. Naisahan pa ako nun kainis!

Paglabas ko ng ospital ay natahimik ako. Wala pa lang susundo sa akin hahahah wala si Xander. Umuwi na siguro siya.

Sumakay na lang ako ng taxi para maka-uwi ako sa bahay. Nakakahiya naman kung tatawagan ko pa si Xander para lang ihatid ako.

Nang makarating ako sa bahay ay nagulat ako dahil natutulog si Xander sa labas ng gate. Nakahandusay siya doon at maraming bote ng alak.

Lumapit ako at tinatapik ko ang pisngi niya.

"Uy Xander bumangon ka nga! Ano bang katangahan to?"

Naalimpungatan siya at dinilat niya ang mga mata niya. Namumula ang nga mata niya na halatang umiyak.

"Jigs..."

Tumulo bigla ang mga luha niya kaya nagtataka ako.

"Alam ko... Ok na kayo ni Lars at di ko na kailangang magpanggap na boyfriend mo. Wala na akong silbi." Sabi niya at tumulo na ang mga luha niya.

"Ano bang sinasabi mo? Bumangon ka nga muna!"

Inakay ko siya papasok sa loob ng bahay at lasing pa siya. Ihiniga ko muna si Xander sa kama ko at tinanggalan ko siya ng sapatos at kinumutan ko siya.

"Jigs... Wag mo akong iwan please..."

Naiinis ako pero naawa ako sa kanya. Kailangan bang maglasing?

Lumapit ako sa kanya at humiga ako sa tabi niya.

"Sige dito lang ako sa tabi mo." Sabi ko.

Niyakap niya ako bigla kaya naguguluhan ako.

"Akin ka na lang Jigs please... Please wag mo akong ipagpalit kay Lars. Kitang-kita ko kung gaano ka nag-alala sa hospital. Alam ko na mahal mo pa rin siya." Umiiyak niyang sabi.

"Ssshhh... Xander hindi mo alam ang sinasabi mo." Pagpapatahan ko sa kanya.

"Alam ko na hindi mo na ako kailangan. Pero please ako na lang. Nagmamakaawa ako sayo."

Lasing nga... Hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin kaya hinalikan ko na lang siya ng mariin sa mga labi niya.

Mainit ang halik niya, lasang alak at puno ng pagmamahal. Habang naghahalikan kami ay hinawakan ko ang mga pisngi niya at nabasa ang mga kamay ko dahil sa luha niya.

Tumitibok ng malakas ang puso ko. Ngayon sigurado na ako... Mahal ko si Xander at hindi na ako takot magmahal ulit.

Ramdam ko ang bawat pagmamahal niya sa halik niya.

Kinalas ko ang labi ko sa kanya at nagsalita ako.

"Wag kang umiyak mokong... Ikaw ang pinili ko, ikaw ang pipiliin ko at ikaw ang gusto kong makasama." Nakangiti kong sabi.

"Talaga?" Tanong niya at naluluha pa siya.

Tumango ako at...

"Hindi mo kailangang umiyak. Ikaw ang mahal ko. I love you Xander." Nakangiti kong sabi.

"I love you more Jigs... I'm finally complete with you." Naiiyak niya pa ring sabi.

I love you more?... Sigurado naman ako... Kitang-kita ko kung gaano niya ako kamahal.

Napakasarap palang pakinggan na ako ang kumukumpleto sa kanya; bagay na hindi ko narinig kay Lars noon.

"Wag kang mag-alala Xander; simula ngayon ay ibabalik ko na ang pagmamahal mo. Iyong-iyo na ako at mamahalin na kita ng buong-buo." Nakangiti kong sabi.

"Salamat..." Naluluha niyang sagot.

Hinalikan ko ulit siya ng mariin sa labi at nagsimula nang may mangyari sa aming dalawa. Hinayaan ko lang siya at gusto ko ang nangyayari.

Alam niyo kung ano ang pinaka-masaya? Everytime that we're making out, he is always stating my name. Tuwang-tuwa ako kapag ganun hahahah.

Naayos ang lahat. Ok na kami nila Lars at tanggap naman niya ang pagmamahalan naming dalawa ni Xander.

Mahal na mahal ko si Xander pero alam ko na mas mahal niya ako. Ibibigay ko ang lahat sa kanya and I will spend my life with him.

Akala ko ay ok na akong mag-isa. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may isang Xander na nagmamahal sa akin.

Hindi na ako matatakot... Hindi na ako mag-iisa at hindi na ako mangangapa sa dilim dahil binigyang liwanag ni Xander ang buhay ko.

Yes he is so naughty pero sinasakyan ko na lang siya dahil mahal ko siya. Minsan nagkakatampuhan pa rin naman kami pero at the end of the day ay naglalambingan pa rin kami. Hindi namin hinahayaang matapos ang araw na may samaan kami ng loob.

Pababaan kaming dalawa ng pride at yun ang nagpapatatag sa aming dalawa. Open kami... Wala kaming nililihim sa isa't-isa.

Sa buhay ay akala ko talaga ok na ang makalimot pero hindi pala sapat iyon. Dapat ay matuto rin tayong magpatawad sa mga nagkasala at nanakit sa atin.

Hindi rin sapat ang magpatawad lang. Dapat ay matuto tayong tanggapin ang bagong yugto ng buhay natin.

Yes, I've been through hell. I experienced agony and sorrow. Lahat ng sakit ay may dahilan. Pinatatag ako ng mga luha ko noon. Ngayon, kaya ko nang harapin ang lahat ng taas noo.

Kaya ko ang lahat; kaya ko nang lumaban para sa sarili ko. Kaya ko nang ipaglaban ang taong mahal ko at hinding-hindi na kami makakawala sa isa't-isa.

Tandaan niyo palagi na hinding-hindi ka magiging masaya at malaya kung may galit ka sa puso mo.

Malalaman mo lang ang halaga ng totoong kasiyahan kapag natuto kang tumanggap ng sakit at masasabing kaya mo nang harapin ang lahat.

I'm fearless! I have a strong personality. Naging mahina ako noon pero lahat naman tayo ay kayang maging malakas.

Gamitin natin ang lahat ng sakit at luha para lumakas tayo. Gamitin natin ang lahat ng sugat at hapdi para tumibay ang loob natin.

Gamitin natin ang salitang pagpapatawad upang tayo ay maging malaya. Maging malaya tayo sa lubid ng galit na nakatali sa puso natin.

Matuto tayong bumangon sa pagkakalugmok at magsimula ulit ng mas matapang.

Lahat kayong nagbabasa nito ay gusto ko na tandaan niyo ito... Maging matapang tayo! Tama na ang luha! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay iiyak na lang tayo! Piliin natin ang tamang landas. Mas kilala natin ang sarili natin kesa sa ibang tao so it means that we know what we can do. Maniwala kayo... May dadating na liwanag sa buhay niyo kaya wag na wag kayong susuko.

Wakas..........

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Perfect Illusion
Perfect Illusion
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgl8J0DEbFXMMTybAS9gto339q5xoBYgGNNTO_fGw1CZ4kZPC1XUdOg7yuM0s9wAwUUfN1eUFuG2mJK841R6sNXfW_41v-nYIzd4F1n8DS94cHrvEE4vU0SPuEzoeyWVqIHCqlwwXjBx_C9/s400/16465364_1725941944387740_8004845276168716288_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgl8J0DEbFXMMTybAS9gto339q5xoBYgGNNTO_fGw1CZ4kZPC1XUdOg7yuM0s9wAwUUfN1eUFuG2mJK841R6sNXfW_41v-nYIzd4F1n8DS94cHrvEE4vU0SPuEzoeyWVqIHCqlwwXjBx_C9/s72-c/16465364_1725941944387740_8004845276168716288_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/02/perfect-illusion.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/02/perfect-illusion.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content