$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 20)

By: Bobbylove “Clarity” (Love is… taking risks!) Sugal! Ang pag-ibig ay isang malaking sugal… hindi ka mananalo kung hindi ka tataya...

By: Bobbylove

“Clarity”

(Love is… taking risks!)

Sugal! Ang pag-ibig ay isang malaking sugal… hindi ka mananalo kung hindi ka tataya…

Nakakatakot! Kasi hindi mo alam kung ano ang magiging resulta. Maari kasing may mawala sa iyo, lalo kung… ibibigay mo ang lahat.

According to some people… you will never experience happiness without experiencing pain! You will never experience sweet moments without having some bad times! Kaya… ‘di mo ma eexperince ang magic ng love kung hindi mo susubukan. Hindi mo man makuha ang resulta na ninanais mo at least sumubok ka. It would be disappointing (somehow) pero keber na friend… ang mahalaga na ipamalas mo’ng capable ka na mag bigay ng tunay na pagmamahal… lumuha ka man, panalo ka pa rin…

Ganoon (ata) talaga pag nagmamahal… kailangan mo’ng tumaya at magdasal para sa happiness mo. Kailangan mo’ng subukan kahit alam mo’ng iligal ito… kailangan mo’ng makipagsapalaran para sa hinahangad mo’ng ligaya…

*************************

“Boss… manliligaw ako! Sa ayaw at sa gusto mo manliligaw ako!” pagpigil niya sa akin.

“Talaga?”

“Uhm uhm…” tumango-tango siya. “Handa ako’ng paghirapan ka…”

‘Handa ako’ng paghirapan ka!’ Paulit-ulit na nag echo sa utak ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noon.

Noon naiimagine ko yung mga tagpong ganoon (aminan moments) as movie or teleserye like. Yung kailangan mo’ng sumigaw at ibulalas sa lahat ang saya na nadarama mo! Yung kulang nalang ay maglupasay ka sa sobrang saya… yayakapin mo ang mahal mo at paulit-ulit mo’ng ipapabatid sa kanya’ng iniibig mo siya.

Pero noong ako na ang nasa ganoo’ng moment? Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko, para noong kumulo ang sikmura ko sa sobrang kaba habang mabilis namang nagwawala ang puso ko sa saya. Actually hindi ko nga lubos na maalala yung reaksyon ko noon eh… kasi… hindi ko naman talaga super naiintindihan yung mga bagay nun. I was just staring at him for a time trying to absorb anything na kaya ko’ng initindihin. Hindi ko alam kung masaya nga ba ako… pero definitely hindi ako nalulungkot… hindi na rin ako nalilito, sobrang na enlighten nga ako nun eh… I got the answers na gusto ko’ng malaman… yung mga bagay na gusto ko’ng itanong sa kanya…

“Boss… mahal kita boss…” (naalala ko’ng tinapik niya pa ako. Mukha kasi ako noong na engkanto!)

“Pero….” Saglit ko siyang tiningnan (Saglit lang dahil naiilang ako). “Sabi mo dati diba… hindi mo ako gusto….”

“Wala akong sinabing hindi kita gusto ah…. Ang sabi ko lang…”

“Lalake ka! At bakla ako!” tinuloy ko ang sasabihin niya.

Natahimik siya.

“Pero… bakla pa rin ako chard… at lalake ka pa rin… wala namang nagbago…”

“Meron! Meron boss! Mas matapang na ako ngayon!”

Binigyan ko lang siya ng isang quizzical look.

“Matagal ko ng nararamdamn na gusto kita. Kahit nung unang araw na magkita tayo, alam ko espesyal ka. Pero natatakot kasi ako… hindi naman normal ‘to boss…”

“Edi abnormal pala tayo… abnormal yung nararamdman mo…”

“Abnormal na kung abnormal. Call it whatever you want! Basta mahal kita!”

“Hindi ka na ba natatakot? Pagtatawanan ka! Tutuksuhin ka! Pwede ka ring kasuklaman at talikuran ng mga kakilala mo!”

“Natatakot…” yumuko siya. “Pero mas nakakatakot na iwasan mo uli ako Boss… Natatakot ako na mawala ka…”

“Manliligaw ka?”

“Uhm uhm…”

“Talaga?”

“Oo promise… ready ako… basta…… sana….. wag mo naman ako pahirapan…”

“Hindi ka pa nga nag sisimula sumusuko ka na…”

“Hindi!” inabot niya ang kamay ko. “Sige na nga pahirapan mo na ako. Kahit gaano ka hirap kakayanin ko… basta promise mo sasagutin mo ako ha?” (Exact statement! Hindi ko makakalimutan yan!)

“O? May contract na agad?”

“Naninigurado lang.” ngumiti siya.

“Paano kung…. Umayaw ako?”

Bigla siyang natahimik. Mukhang pinakikiramdaman kung seryoso ako. Nakatitig lang siya sa akin, tikom ang bibig at tanging mga mata lang ang sumusubok na kausapin ako. Palagay ko’y nagmamakaawa ang mga chinito niyang mata.., trying to please me na pagbigyan siya…

“Boss. Manliligaw pa ako! Hayaan mo muna akong manligaw.” Bigla niyang bulalas.

“Paano nga kung ayaw ko?”

Mabilis niyang kinabig ang katawan ko palapit sa kanya saka inakap. Mahigpit… sobrang higpit… ramdam ko’ng ayaw na niya akong bitawan.

“Sa ayaw at sa gusto mo! Manliligaw ako!” bulong niya habang naka yakap sa akin.

Tahimik…

Binalot ko na rin noon ang mga kamay ko sa katawan niya. Yung pagyapos ko marahil ang paraan ko para iparamdam sa kanya’ng masaya ako sa sinabi niya at…. Mahal ko siya… mahal ko rin siya…

“Boss? Payag ka na?” bulong niya uli.

“Diba nga sabi mo sa ayaw at sa gusto ko? May magagawa pa ba ako doon?” lihim akong ngumiti.

Narinig ko pa siyang humagikgik. (Yun marahil ang pinaka paborito niya’ng pagsuko ko.)

Matapos nun ay nagstay pa kami saglit sa park na yun saka umalis at nag decide na pumunta kung saan-saan... Tinu-tour niya ako palibot sa area na yun gamit ang sasakyan niya. Lahat ata ng establishments na madaanan namin pinapakialla niya sa akin pero hindi naman pumapasok sa utak ko. Puno na kasi ng happiness ang utak ko eh, at ayaw ko muna noong dagdagan ng mga bagay na hindi naman importante. Masaya ako noong mga panahong iyon… sobrang saya ko…

*****************************

Binabagtas namin ang daan pauwi sa hotel na tinutuluyan namin ng team ko noong ibalik ni kumag ang aking cellphone (Actually nawala na sa isip ko na nasa kanya pala ang phone ko ). Noon nalaman ko’ng ang dami palang missed calls at text ni Jude; galing kami sa contest that’s why my phone was set into silent mode kaya hindi namin narinig na tumatawag o nagtetext si Judah. He was just asking if okay ako at kung saan ako dinala ni kumag; may mga bagong dating din noong text asking if anong oras ako uuwi. I know there is a need for me na magreply sa kanya… however I hesitated… magtatanong kasi si kumag at surely mahabang paliwanagan na naman kaya naisip ko’ng pagdating ko nalang sa hotel ako mag reply, total pauwi na naman din ako.

Tanaw ko na uli ang palatandaan ko’ng drug store noong maka tanggap uli ng text. Si ate angel… informing me na walang tao sa hotel dahil mag di-dinner sila. I asked her kung saan sila kakain at mabilis naman niyang tinext ang location. (I forgot the name of the fastfood basta mukha po siyang mang inasal).

Hindi naman ganoon kalayo ang kinainan nila sa hotel, actually nadadaanan na namin yun everytime na kakain kami sa mga fastfood chains o may bibilhin sa mga 24/7 stores malapit sa area. Kinausap ko na lamang si kumag na doon nalang ako ihatid; as usual ang dami niyang tanong pero noong malamang sina ate angel lang ang kasama ay pumayag na din. (teka… hindi ko rin po alam kung bakit big deal sa akin noong mga time na yun na i-please si kumag… I don’t know kung bakit ganoon ka importante yung feelings niya at kung bakit ako nagpapaliwanag eh hindi pa naman kami noon… )

******************

<(Totoo po ito. As in the exact convo… or at least near the exact convo…)>

Sa labas ay tanaw na namin ang mga teammates ko. Nakaupo na silang lahat sa isang mesa, matiyaga’ng naghihintay ng inorder.

“Boss…” hinawakan niya ang kamay ko.

“Uhm?”

“Akala ko ba kayo lang?”

“Oo nga. Friends.., teammates…”

“Bakit kasama siya?” ngumuso si kumag, tinuturo ang loob ng fastfood.

Nung tingnan ko ang tinuturo niya’y nakita ko si Jude. Nasa pinakagilid kasi siya’ng upuan (nakadikit sa pader) at natatabunan siya ni Patrice kaya hindi ko agad siya nakita.

“Hindi ko alam… siguro ininvite nila ate Angel.”

Natahimik siya… nakasimangot at nakatutok lang ang mga mata’ng walang buhay sa manubela’ng hawak.

“Chard? Ano na namang problema?”

“Wala…” pagtanggi niya uli.

“Okay… puntahan ko na sila ah… ingat ka!” pagpapaalam ko. Ayaw ko na siyang kulitin noon, alam ko na kasi ang problema niya at mababadtrip lang kasi siya pati na rin ako pag pinag-usapan pa namin.

Bubuksan ko na noon ang pinto ng sasakyan ng bigla siya’ng magsalita muli. “Boss… nanliligaw rin ba siya?”

“Ano? Chard… alam mo naman ang sagot diyan eh…”

“Ano nga?!”

“Hindi! May girlfriend si Jude… kaibigan ko siya… kaibigan din siya ng mga ka grupo ko… at magkaibigan din kayo….”

“Eh bakit ganyan siya kung maka bakod?! Akala mo boyfriend mo siya!” ngumunguso’ng hirit ni kumag.

Natawa ako sa itsura niya. “Hindi… sweet lang talaga siya, pero malabo’ng manligaw yun!” paninigurado ko kay kumag.

“Pakiramdaman ko nga nanliligaw na eh…”

“Oh?! At mas alam mo pa kaysa sa akin? Sinabi niya ba sayo?” natatawa pa rin ako. (ang cute niya kasi.)

“Hindi…. Pero ramdam ko!”

“Haayy… hindi nga!” kinurot ko ang braso niya. “Bakla ako! Hindi ko nga alam kung dapat ba’ng nililigawan ang bakla… isa pa.., wala siyang sinasabi at may GIRLFRIEND po siya… mahal niya yun!”

“Hindi ko alam boss…” bumuntong hininga siya.

“Haaayyy… Richard… sweet lang siya! alam ko mahal niya ang girlfriend niya at malabong magkagusto yun sa akin.” Pagpupumilit ko.

“Tsk!”

Actually may may mga instances na napapaisip din ako dati kung may gusto nga kaya sa akin si Jude. I even asked him about it pero laging pabiro ang sagot niya. Kung nakakalito si Kumag noon mas nakakalito si Jude. He was so sweet and even treated me as his girlfriend, minsan nga sinasabi pa niya sa iba… kahit sa fb… pero mahirap maniwala kasi paulit-ulit din niyang sinabi na mahal niya si Kat at simula pa lang alam ko na rin kasi ang intensyon niyang iparamdam sa akin na walang mali sa pagiging bakla; nagmamagandang loob lang siya. He even told me na ‘habang hindi pa dumarating yung akin ay siya muna’ kaya for sure batid din niyang hindi siya yung para sa akin…

Jude is a nice guy… sobrang sexy at gwapo rin… call me stupid pero paninindigan ko’ng hindi naging more than friends ang tinggin ko sa kanya noon. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga akong maramdamang malisya kay Jude. Ilang beses ko nang nakita at nayayakap ang katawan niya pero hindi ako kahit kailan nakaramdam ng libog (promise). Sweet lang kami pero walang kahit anong namamagitan… purely friendship lang…

“Eh… kung nanligaw yun edi dapat sinagot ko na… patatagalin ko pa ba?” nasabi ko nalang out of nowhere.

“Gusto mo siya?!” lumingon siya sa akin, medyo nabigla. Muli ko na nama’ng nasilayan ang teary puppy eyes ni kumag na nagparealize sa akin na mukhang mali ang sinabi ko.

“Hindi nga… malabo nga iyon! Hindi magkakagusto sa akin yun… kung gusto man niya ako for sure as a friend lang…” pagbawi ko. (Medyo weird pala yung mga ginagawa ko dati… I just realize na masyado akong obvious… LOL)

“Pero ramdam ko, gusto ka niya!”

“Ramdam mo kasi lalake ka?”

“Oo! Kita ko sa tingin niya.”

“Sinabi na rin niya yan eh… na ramdam niyang may gusto ka sa akin… na ramdam niya kasi lalake din siya…”

“O diba tama siya!”

“Siguro…” nginitian ko siya (ngiting nanunukso). “Pero this time mali ka! Malabong manligaw sa akin si Jude…”

“Ramdam ko nga!”

“Mali yung pakiramdam mo… Ba-baka hindi ka lalake…” pagbibiro ko.

“Boss naman! Halikan kita diyan eh!” hindi ko maintindihan kung natatawa siya o napipikon na.

Pinagtawanan ko lang siya. “Kissing a gay doesn’t make you a man chard…”

“Tsk!”

“Biro lang! Tigil mo na nga yang pag-iisip mo. Baka gutom ka lang ulit… Tara na! Sama ka nalang…”

“Talaga?”

“Ayaw mo?”

“Gusto!” batid ko ang excitement niya.

************************

Alam ko medyo nagulat ang mga kaibigan ko noong pumasok ako kasama si kumag. Medyo hindi kasi maganda yung nangyari sa hall noong tangayin ako ni Richard. Hindi nila alam kung saan kami pumunta at wala rin silang idea sa kung ano ang nangyari sa amin. Kita ko sa mga mata nila at ramdam ko na marami silang gusto’ng itanong.

Hindi ko magawang tingnan ng diretso si Jude, alam ko nagtataka siya… alam ko rin na nag alala siya sa akin noong tangayin ako ni Richard, ramdam ko sa boses niya noong makausap ko siya sa telepono… sigurado rin akong ayaw niya akong sumama kay kumag pero wala na siyang nagawa… hindi dahil takot siya kay kumag… pero dahil sa alam niyang magiging masaya ako kasama yun… marahil batid na rin niyang gusto ko si Richard… na mahal ko yung taong nanakit ay madalas ay kinaiinisan ko…

“Yabs… nag kaon na ka? Diri ka oh!” tanong ni Jude sabay tayo para i-offer sa akin ang upuan niya. (Yabs… kumain ka na? dito ka oh!)

“Ayaw na uy. Dira lang ka… tapad lang ko kay sir…” umupo ako sa bakante’ng upuan sa tabi ng adviser namin. Agad namang kumuha ng upuan si kumag saka pinuwesto sa tabi ko. (Wag na. Diyan ka lang tatabi nalang ako kay sir…)

Hindi ko makakalimutan ang masamang tingin ni Jude sa akin noon. Minsan ko na ring nasilayan ang mga titig na yun…. Noong…. Tinulungan ko si kumag matapos niyang suntukin… Hindi ko maintindihan kasi wala namang masama sa sinabi ko kaya dineadma ko nalang.

“Pag order na!” malakas niyang sabi. May concern pa rin, pero halatang hindi na kasing lambing ng mga salitang madalas lumalabas sa bibig niya.

“No! We already had our dinner…” pag but-in ni kumag.

“Gusto nako ug Barbeque!” bulalas ko.

“Boss kakain ka pa?” agad na bulong ni kumag. Marahil ay na bigla sa sinabi ko. Alam niya kasing hindi ako kumakain ng heavy pag dinner, eh nung time na yun ay kumain na kami bago pa man kami pumunta sa fast food na yun.

“Libre to eh…” nginitian ko siya, saka bumaling uli ng atensiyon sa mga kasama ko.

Nagpadagdag na lang ng order ang adviser namin. (Tatlong pork barbeque lang ang nilantakan ko noon… nalimutan ko na kung umorder ba si kumag o nag tubig nalang…)

Noon nabaling uli ang mga tingin ko kay Jude. Tahimik si mokong nginangatngat ang kuko sa hinlalaki niya. “Beb!” pagtawag ko sa atensiyon niya. “Okay lang ka?”

“uhm…” tanging sagot niya, sabay tango.

“hala wala siya sa mood…” binato ko pa siya ng binilot na tissue.

“Dili ah… gutom na man gud dugay ilang service!” (Di ah… gutom na kasi ako ang tagal kasi ng service nila!) naka busangot pa rin si Jude.

“Aw. Si Richard diay beb…” sinubukan ko’ng iparamdama sa kanya na may kasama ako… simula kasi ng dumating kami ay hindi pa niya binabati si kumag.

“Unya?” (Tapos?) Tanging sagot lang niya. (Actually may kasama pa yung malakas na pag tap sa mesa.)

Saglit kaming natahimik, kahit ang usapan ng iba pa naming mga kasama ay natigil din. Maya-maya ay nakarinig nalang kami ng tukso mula sa mga ka grupo ko.

“Naunsa ka Jude? Ni ingon lang man ko nga naa siya…” hirit ko. na dinugtungan nalang ng mga kasama ko ng “selos! Selos! Selos!” (Anong nangyayari sayo? Sinabi ko lang naman na nandyan siya…) I smiled, trying to make things a bit cooler.

“Wala uy!” giit niya. “Gipansin man nako siya!” Tinanguan niya si kumag pero nakabusangot pa rin.

Tahimik…

“Asa mo gikan yabs?” (Saan kayo galing yabs?) Simula niya ulit, pero hindi ako tiningnan.

(Can you imagine how awkward that moment for Richard? Everybody speaks a dialect na he don’t understand.)

“ikot-ikot lang… usap-usap…” sagot ko.

“Ahhhh…. Date….” (Don’t know if nangaasar siya o sinisigurado lang kung ano ang ginawa namin.)

“Dili uy! Naa lang siya’y gi-ingon…” (di ah. May sinabi lang siya…)

“Gi pangutana na ka’g pakasal ba ka?” (Inalok ka ng magpakasal?)

Tawanan ang lahat.

“Puyo! Pakol ka!” (Umayos ka! Pakol ka!) Binato ko uli siya ng tissue.

“Nisugot na ka?” (Pumayag ka na ba?)

“Puyo ha!”

Tawanan ulit ang mga kasama namin.

“Hey! Richard! Where did you took him?” tanong niya pero hindi naman tiningnan ang lalaking tinatanong. Nakatingin siya sa mga kagrupo ko habang nakangiting nagtatanong kung tama ang grammar niya.

Tawanan.

“Sa park…” tipid na sagot ni kumag. (Straight face.)

“Kuya… kanina pa worried yan si kuya Jude… kanina pa yan nagtatanong kung nasaan ka at anong oras ka uuwi…” pag singit ni Patrice.

“Bro. you don’t need to worry, he’s safe when his with me…” mabilis na sagot ni kumag kay Jude.

Hindi naman nagasalita si Jude bagkos itinuon nalang ang tingin sa iba at iritableng naghintay ng order.

*********************

Matapos namin kumain ay inihatid na kami ni kumag sa hotel. Pwede namang lakarin pero mapilit siya’ng ihatid kami, kaya magmukha mang sardinas ay pinilit naming magkasya sa loob ng sasakyan ni kumag. (it was a civic… at pang Guinness yung effort naming pagkasyahin ang walong tao sa loob…) uso naman ang “sabak” (kalong) sa amin eh… ginagawa namin yun kahit sa tricycle kaya ayos lang.

“Jude. Bro. saan ba hotel mo? Ihatid na kita.” Tanong ni kumag noong makababa na ang iba pa naming mga kasama.

“Hindi na Bro. dito ako matutulog.”

“What?”

“Uy. Dapat diay English!” nagkamot pa ng ulo si mokong.

“You’re allowed to sleep here?”

“Ah… Oo chard… pinayagan na yan ni Sir Joe dati. Wala namang masama doon.” Sabat ko.

“Natulog na siya dito before?”

“Oo! Okay lang naman. sa kwarto ako nila Bob… wala namang nabubuntis doon!” (Exact statement ni Jude.)

Natahimik lang si kumag. At noon alam ko na naman ang bumabagabag sa kanya. Nagseselos siya! Nakakakilig pero nakakaasar din minsan. Pero hindi ko maiwasan na hindi mag explain… pag ganoon yung mood niya laging na fi-feel ko’ng responsibility ko’ng amuhin siya’t ipaliwanag ang side ko.

“Una nalang mo te… musunod lang ko…” (Mauna na kayo ate… susunod nalang ako…) pag papaalam ko kay Jude at ate Angel na hinihintay ako.

Nung iwan na kami nila Jude at ate Angel ay saka ko sinubukang kausapin na masinsinan si kumag.

“Chard… alam ko yang inaarte mo… pinaliwanag ko na naman diba?” simula ko.

“Hindi ko mapigilan boss…” hirit niyang hindi man lang lumingon sa akin. (nasa likod ako ng sasakyan.)

“Pero hindi mo dapat yan nararamdaman eh….”

“Then what should I feel ba?” tiningnan niya ako mula sa salamin sa harap niya. “Hindi ko kayang diktahan ang puso ko Boss!”

“Chard… wala naman kasi eh…”

“Anong wala?!” tumaas na naman ang boses niya. “Wala pa’ng tayo… malinaw yun sa akin boss… kaya I know mali ito. I shouldn’t be feeling this; Pero mahal kita Boss… at…”

“Hindi ka dapat nagseselos…” pagputol ko sa monologue niya. (Actually hindi ko talaga alam nun ang sasabihin ko… so I apologize kung medyo nonsense ang mga agenda ko… yun kasi yung totoong nangyari eh…)

“Boss…” nag sigh siya.

“Chard… mararamdman mo ba yan sa lahat ng kaibigan ko?”

“Tsk!” sinilip niya uli ako sa salamin. “Iba si Jude!”

“Iba? Kaibigan ko siya…”

“Gusto ka niya!”

“Hindi niya ako gusto… may girlfriend siya…”

“Hindi mo naiintindihan Boss eh!!!” iritableng bulalas ni kumag. Mainit na ang ulo niya dahil siguro sa hindi ko magets yung sinasabi niya.

Natahimik ako.

“Mahal kita! Sigurado ako doon! At sigurado din akong may gusto yun sa iyo! Nakakainis na mas malapit siya sa iyo… mas malapit siya sa mga taong malapit sa iyo… he even had a chance to talk to your family… Paano kung siya yung piliin mo?”

“Hindi nga kas….”

“Kasi may girlfriend? Hindi ka niya gusto? Na friend lang?” huminga siya ng malalim. “Boss naman…”

“So, anong gusto mo’ng mangyari ngayon?” iniisip ko noon na aayaw na siya… na sasabihin na niyang ayaw niya ng ituloy ang pangliligaw dahil napapagod na siya… natatakot akong sumagot siya’ng bumibitiw na siya kahit kasisimula pa lamang niya, pero kinakailangan ko’ng malaman para alam ko ang aasahan ko.

Tahimik siya. Nakatingin lang sa kawalan, malalim ang iniisip…

“Sa amin ka na matulog!” malamig niyang sabi.

“Huh?”

“sa kwarto ko…”

“Chard naman…”

“Kay Ron. Pwede rin kay Ron!”

Bumuntong hininga lang ako.

“May mga bakanteng kwarto rin naman doon boss…”

“Chard… hindi pa nga tayo pero wala ka ng tiwala sa akin…”

“Dito nalang ako matutulog!”

“Para bantayan ako?”

“Oo! Para bantayan ka doon!”

“Comfortable ako kay Jude kasi malaki yung tiwala niya sa akin… he knows what happened between the two of us nung orientation, naiinis sa iyo yun! Pero hinayaan niya pa rin akong sumama sa iyo, not because gusto niya o wala siyang magagawa but because he trust me… May girlfriend siya! Mahal niya yun! at maniniwala lang akong may gusto siya sa akin kung siya mismo yung magsasabi…”

“Boss…”

“Uwi ka na chard… gabi na eh…” saka ako bumaba sa sasakyan.

Tumayo lang ako sa harap ng kotse niya, hinihintay na lumarga ito palayo, ng bumukas ang bintana sa harapan ng sasakyan.

“Boss sorry…” halos naka dapa na siya nun sa upuan para lang makita ako sa labas.

“Ayos na! Salamat sa paghatid ha. Ingat ka!”

“Magkikita tayo bukas diba?”

Tumango lang ako. Magkikita naman talaga kami dahil may party pa’ng inihanda ang mga organizer ng event.

“Boss… susubukan ko’ng iwasan ha? Pero hindi ko i pa-promise…”

“Okay…” binigyan ko pa siya ng ngiti bago tumalikod. Sapat na kasi sa akin na marinig na susubukan niya.

“Boss!” muli niya akong tinawag. Noong lumingon ako uli paharap sa kanya ay nakita ko’ng iniaabot niya mula sa bukas na bintanan ang kahon ng cupcake na binigay niya.

“Salamat…”

Tumango siya. “Basahin mo yung card ha… hindi natuloy yung plano ko pero… ayos lang. I still got a promising result. Goodnight!”

Pagkaabot niya’y agad ding sumara ang bintana, bumusina saka umalis…

Pagkapasok ko sa hotel ay agad ko’ng binuksan ang box, hinahanap ang card na sinasabi niya. Ang tinutukoy niya pala ay ang naka tape sa toothpick (yung may nakasulat na congratulations Boss!). Nakatupi iyon at may nakasulat sa loob!

Its not your smile

That endeared you to me

Its actually your frown

That caught me

Your serious face

Your gloomy lips

Your sharp eyes

They all appeal to me.

I don’t know

When or how

My feelings has crossed

That dangerous line

It might be when you smiled at me

Or when you talked to me

Maybe when we had crazy moments together

or the day you said “lets forget each other”

for everything that happened

I don’t want to get frightened

I want to get off that boundaries

Of believing and contentment

I know it will take a long while

But Im ready to enjoy the ride

For I want you in my life

Boss! I love you! Be mine!

Ang bawat salitang nakatala sa card na bigay niya’y tumagos sa aking puso. Napasisip din ako sa sinabi niya’ng hindi natuloy ang kanyang plano… marahil ay pinag-isipan na niyang mabuti ang mangyayari noong araw na yun… na plinano na niya’ng mag tapat…. Kaya lang medyo naiba ang diskarte niya ng dahil sa kaartehan ko kaya yun yung naging resulta.

Ang sarap isipin na sa hinaba-haba ng mga madramang tagpo sa buhay nami’y pareho rin pala ang kahihinatnan ng aming mga puso… ni sa panaginip ay hindi ko inasahan na mangyayari yun; kaya nga puno ako ng takot eh… dahil malabong mangyari ang pinagsisigawan ng puso ko…. pero ito na! Nararamdaman ko na ang epekto ng sibat ni kupido! Kaya sobrang saya ko…

Wala pa’ng isang oras ang nakalipas ng mag text si kumag.

“Boss? Nabasa mo?”

Hindi ako nag reply.

“Boss… magkikita tayo bukas diba? Mag-uusap tayo?”

Hindi pa rin ako nag reply.

“Boss? Galit? Sorry na… pipilitin ko’ng hindi na magselos… promise.”

“Hindi ako galit. Promise mo yan ha. PIPILITIN!” reply ko. Hindi naman kasi ako galit sa kanya, medyo disappointed lang siguro dahil pakiramdaman ko’y wala siyang tiwala sa akin. Eh noong mga panahong iyon ay hindi pa naman kami… in fact kakasabi niya lang ng nararamdaman niya sa akin…

“Oo na boss! Para sayo. Basta consider me first ha. Ako yung unang nanligaw!”

Nireplyan ko lang ng smiley.

Timing naman noon na lumabas na si Jude sa CR. Tapos na kasi siyang maglinis ng katawan. Mabilis siyang lumapit sa kinauupuan ko habang nagpupunas ng basang buhok. Ang sexy niyang tingnan, tanging boxer shorts (at probably brief) ang pangtakip niya sa kanyang katawan. Mabilis ang ginagawa niyang pagpupunas na parang winawasiwas na ang tuwalya sa ulo niya. Kita rin ang maninipis na buhok niya sa kilikili na mukhang buhok ng sanggol.

“Sino yan? Si koreanong hilaw?” tanong niya noong makitang may ka text ako.

Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya, gusto ko kasing malaman muna ang mood niya bago kalruhin ang naging attitude niya doon sa fastfood.

“Lagot kaayo to’ng animala to. Pamati! Buot man siya’g diri ko matulog?!” tinigil niya ang pagpupunas. “Lami kaayo lagi sumbagon lagi.” (Nakakainis yung hayop na yun. Ang yabang! Pakialam ba niya kung dito ako matutulog?!) (Ang sarap suntukin!)

“Jude…”

“Unsa?!” sigaw niya. (Ano?!)

“Wala…” kalmante ko’ng sagot. “Pasagdi na lang gud to siya uy…” (Hayaan mo nalang siya…)

“Mao man akong gibuhat diba?! Nag hilom hilom nalang gani ko! Siya man ang lain makatanaw lain pud kaayo makatubag. Unya imo lang pasagdan!”

(Yun naman ang ginawa ko diba?! Nanahimik na nga lang ako eh! Siya kaya yung masama makatingin at ang sama pa sumagot. Tapos hahayaan mo lang!)

“Lain man ug didto nako siya ingnan diba?”

(Pangit kasi kung doon ko siya pagsasabihan diba?)

“Pero kung ako okay lang?”

“Dili uy…” (Hindi ah…)

“Atik na pud ka!” (Magsisinungaling ka na naman!)

“Hala uy… naunsa man ka Jude uy? Giingnan naman nako siya maong giistorya gani nako siya ganina… sorry na… wala man to niya gi-tuyo…”

(Hala uy… ano’ng nangyayari sa iyo jude? Sinabihan ko na siya, kaya nga kinausap ko siya kanina… sorry na… hindi niya yun sinasadya…)

Tahimik…

“Sorry na pud yabs ah. Nag lagot lang ko sa iyang batasan.”

(Sorry din yabs. Naiinis kang ako sa ugali niya.)

Tinanguan ko lang siya. “Ingnan nalang nako siya usab ha.” (Pagsasabihan ko nalang siya ulit ha.)

“Nganong ikaw man muingon? Uyab na mo?” (Bakit ikaw yung magsasabi? Kayo na ba?)

“Dili uy!” (hindi ah!)

“Kung mag decide gani ka, isipa jud ug maayo ha? Kanang dili ka kaluluoy at the end ba! Basig magpataka ra kag paminaw anang imong kasing-kasing!”

(Kapag nagdecide ka, pakaisipan mo’ng mabuti ha? Yung hindi ka naman kawawa sa huli! Baka kasi basta-basta ka nalang makikinig diyan sa puso mo!)

*****************

Nauna ng humiga si Jude sa foam na gamit ko (sa lapag lang). Ilang beses pa niya akong tinawag na humiga na rin bago ako sumunod. Nag tetext kasi si kumag.

Noong makahiga’y siyang lapit naman ni mokong sa akin sabay bulong sa tenga ko. “Si koreanong hilaw?”

“Oo. Nag gu-good night!”

“Lagi na ba kayong magka text?”

“Ngayon lang…”

Saglit siyang natahimik, nag goodnight saka tumalikod ng higa.

Hindi ko alam kung tulog na agad siya noon dahil hindi ko naman nakikita ang mukha niya… pero ako mukhang hindi ata dalawin ng antok. Ang daming nangyari sa akin nung araw na yun, at hindi pa rin lahat nag si-sink in sa katiting ko’ng utak. Masarap sa pakiramdam pero nakapagtataka pa rin… nakakapanibago at ang hirap paniwalaan.

Ilang beses ko sinubukang mahimbing pero ayaw talaga. Kaya idinikit ko na lamang ang mukha ko sa malapad na likod ni Judah saka binalot ang mga braso ko sa katawan niya.

“Beb?” bulong ko. Palagay ko’y tama lang ang lakas nun para marinig niya at ng malaman ko kung gising pa ba siya.

“Unsang Beb uy?!” hirit niya.

“Beb.. Baby… mas okay man gud kay one syllable lang.”

Pigil siyang tumawa.

“Beb?”

“Uhm?”

“Paminaw nimo? Kagusto jud sa akoa si Richard?”

(Feeling mo? gusto nga kaya ako ni Richard?)

Bumuntong hininga siya. “Ambot nimo uy! Katulog na yabs!”

(Ewan ko sayo! Matulog ka na!) Irritable niyang sagot.

“Tubaga nalang gud!” (sagutin mo nalang!)

“Ambot! Nganong ako man imong pangutan-on?! Iyaha man to’ng feelings yabs… text-text man mo, unya sige pa jud mo’g date nganong wala man ka nangutana?”

(Ewan! Bakit ako ang tinatanong mo? Feelings niya yun… nag tetext kayo diba? Tapos date pa kayo ng date bakit hindi mo tinanong?)

“Ni ingon na gane siya…” (Sinabi na nga niya…)

“Ug?”

“Kagusto daw siya nako.” (na gusto niya ako…)

“Mao!”

“Manguyab daw siya nako Beb…” (Mangliligaw daw siya sa akin…)

“Oh? Niingon naman diay!” (Oh? Sinabi naman na pala eh!)

“Oh. Pero gusto ko maka sure if tinuod ba…” (Pero gusto ma sigurado if totoo ba…)

“Nganong sa ako man ka mangutana?” (Bakit ka sa akin nagtatanong?)

“Kay… ikaw man sigeg ingon nga feeling nimo kagusto siya nako… sige man gani kag pamugos!” (kasi ikaw yung laging nagsasabi na feeling mo may gusto siya sa akin… mapilit ka nga eh!)

“Too pud diay ka?” (Naniwala ka naman?)

“Oo eh… baby man teka diba?” (Oo… kasi baby kita diba?)

“Ambot!” buntong hininga. “Wala ko kabalo kay wala ko’y labot niya. Pero kung mangutana ka sa akong ginabati… matubag taka!”

(Ewan!) (Hindi ko alam kasi wala akong pakialam sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako sa nararamdaman ko… masasagot kita!)

“Unsa diay imong gibati Beb?” (ano bang nararamdaman mo?) biruan lang ang nasa isip ko.

“Palangga teka…” bulong niya. Mas hininaan pa niya ang boses niya pero dinig ko naman ang bawat salita. (Mahal kita…)

“Ayaw ko’g char-chari dong…” kinurot ko siya sa tagiliran. (Wag mo akong niloloko dong…)

“Oh? Char-char na pud? Abi nako’g nagatuo ka sakua?”

(Oh? Biro na naman? Akala ko ba naniniwala ka sa akin?)

“Ambot nimo uy! Lain jud ka’g trip ba…. Serious baya ko ay…” (Ewan ko sayo! Ang pangit ng trip mo… seryoso kaya ako…)

“Serious man pud ko.” (Serious din naman ako.)

“Haaayyy… Jude… katulog na uy… ubanan pa ko nimo ugma sayo…”

(Haaayyy… Jude… matulog ka na…. sasamahan mo pa ako bukas na umaga..)

“Aha?” (Saan?)

“Sa fort Santiago… project nako…”

“Nganong ako man? Sa imong lover boy diay?” (Bakit ako? Yung lover boy pala?)

“Aysus… ay’g ingna na selos ka? Pakol jud ka ba… dagha’g atik!” (Aysus…. Wag mo sabihing nagseselos ka? Pakol ka talaga… ang dami mo’ng biro!)

“Atik na pud.” Dinig ko ang mga malalim niyang paghinga na parang naghihinayang. “Ubanan teka pero ako lang?” (Biro na naman.) (Sasamahan kita basta ako lang?)

“Ikaw lang ang?”

“Ako lang imong ubanon.” (Ako lang isasama mo.)

“Payts ah!”

“Sige. Ug ayaw sa’g sugta ha! Palisdi siya uy… ug malay nimo… ma realize nimo na lahi imong gusto along the way…”

(Sige, at wag mo muna sasagutin ha… pahirapan mo naman… at malay mo… ma realize mo’ng iba pala ang gusto mo…)

“Chaaaaarrr…..”

“Bitaw! Ug mabalan sab nimo na… mas sincere diay imong ginatawag na atik!” (Totoo nga! At malalaman mo ring mas sincere yung tinatawag mong loko o biro!)

To be continued…

*******************

Note: Happy Valentines Day!

Hindi ito yung gusto ko’ng ending ng part na ito… its just that my time would not allow me to write a lot…. I just got back from a long and very exhausting working trip… haaayyyyyy….

Mahal ko kayo at alam ko hindi din ito yung gusto niyong mabasa ngayon…. Haaayyy… pero sorry na po…. Mag 3 am na po eh…. And my eyes are yelling and demamding for a rest…

Sorry po… I might disappoint you again…  pero promise if I have a mahaba-habang time mag susulat ako ng mas mahaba….

I love you and God bless….

Happy Valentines Day again!

P.S. ang lapit na ng 21… (I was aiming to end this story on that same day na nawala lahat… hahaha) nasira na time frame ko for this story…. Medyo nawala na rin yung drive ko…. pero everytime na nababasa ko mga comments niyo na mo-motivate ako salamat kapit lang po please…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Sigaw ng Pugad Lawin (Part 20)
Sigaw ng Pugad Lawin (Part 20)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s320/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s72-c/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/02/sigaw-ng-pugad-lawin-part-20.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/02/sigaw-ng-pugad-lawin-part-20.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content