$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Tales of a Confused Teacher (Part 18)

By: Confused Teacher “Ma, bakit parang ayaw akong kausapin ni Papa, lagi niyang kina cancel ang tawag ko at ayaw ding magreply sa mga te...

Tales of a Confused Teacher

By: Confused Teacher

“Ma, bakit parang ayaw akong kausapin ni Papa, lagi niyang kina cancel ang tawag ko at ayaw ding magreply sa mga text ko.” Minsang tanong ko sa kanya nang isang hapon na tumawag ako.

“Hayaan mo muna anak, nagpapalipas lamang iyon ng sama ng loob, kakausapin ka rin ‘non.” Ang hindi ko maintindihan niyang sagot.

“Bakit ‘Ma, masama ba ang loob ni Papa sa akin, ano bang kasalanan ko, hindi ko maintindihan bakit sasama ang loob niya?”

“Irvin, anak, alam na ng Papa mo ang totoo, ang tungkol sa inyo ni Kenn. May isa raw siyang kakilala na nagsabi sa kanya ng tungkol sa inyo, tinanong niya ako, wala naman talaga akong alam kaya napilitang kumprontahin si Lester. Kilala mo naman si Lester napakadaling mapaamin at ang daling malaman kapag nagsisinungaling kaya nang makitang seryoso ang Papa mo ay napilitan na ring umamin.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa pagkabigla. Kaya pala sabi Lester noong isang araw pupunta siya ng Manila at may sasabihin akala ko naman ay bibistahin lang si Kenn.

“Sorry ‘Ma, hindi ko naman sinasadya e, hindi ko alam na mangyayari ang ganito.” Iyon na lamang ang nasabi ko. “Ikaw ba ‘Ma galit ka rin ba sa akin?”

“Hindi Irvin, anak kita at nauunawaan kita, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo kaya ayoko ng dagdagan pa iyon. Alam mo kahit noon pa nagdududa na ako sa sobrang pagmamalasakit mo sa batang iyan, lalo na noong maaksidente siya. Yung pag-aalala at pag-iyak mo alam kong higit pa iyon sa pagiging teacher mo sa kanya. Pero nagsawalang kibo na lamang ako dahil alam kong malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo. Pinag-usapan na rin namin iyon ni Irish at sabi niya siya man ay may nahahalatang iba sa inyong dalawa.”

“Bakit hindi mo ako tinanong ‘Ma?

“Alam ko Irvin, kung may gusto kang aminin, sasabihin mo yun sa kin, kilala kita at kung may gusto kang ilihim kahit tanungin kita wala ka ring aaminin, kaya hinintay ko na lamang ang panahon na kusa kang mag-open sa akin. Kaya lamang ay naunang nakaalam ang Papa mo.” Ang buong pagmamahal niyang kwento.

“Sorry. Ma, hindi ko lamang alam paano sasabihin sa inyo kasi kahit ako naguguluhan sa sitwasyon namin. Alam ko namang mali at marami ang mag-iisip ng masama sa akin, pero Ma aaminin ko mahal ko na talaga si Kenn, at hindi ko alam kung kakayanin kong mawala siya.”

“Nararamdaman ko naman yun Irvin, at alam kong ganon din si Kenn sa iyo, kaya lamang ay mabigat ang pinasok mong sitwasyon, sana ay i-consider mo ang lahat ng dapat i-consider dahil mahirap ang pabigla-bigla ng desisyon.”

“Opo “Ma, at maraming salamat sa pang-unawa, sana gaya mo, maintindihan din ako ni Papa, kasi ang hirap ng ganito Ma, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na tama ito.”

“Nako anak, kilala mo naman ang Papa mo, disappointed lamang yun sa simula, nabigla kaya sumama ang loob. Hindi kasi niya narinig sa iyo ang totoo sa iba pa niya nalaman. Alam mo namang sa inyong magkakapatid ikaw ang pinakapaborito non, ilang araw lamang makita mo kakausapin ka rin non, huwag kang mag-alala. Mahal ka ng Papa mo kaya sigurado akong mauunawaan ka rin niya.” Naisip ko totoo naman yun, kahit noong bata pa kami, madalas ipagmalaki ni Papa na ako ang pinakapaborito niya sa aming magkakapatid dahil nagmana daw ako sa kanya. Nakuha ko raw ang ugali niya lalo na ang pagiging independent at lakas ng loob. Si Kuya kasi palibhasa nga lumaking sakitin, madalas nakadepende kay Mama, si Irish siyempre babae at solo kaya sensitive at mahina ang loob samantalang si Lester since bunso ay magulo ang isip at hindi seryoso lahat dinadaan sa biro. Pinagmamalaki niya na ako ang Jr niya. Iyon ang labis na nagpapa guilty sa akin. Alam ko ang frustration ni Papa sa akin ngayon. Pero ano ang gagawin ko?

“Ma, gusto kong kausapin si Papa, gusto kong mag sorry sa kanya, pero paano ko gagawin kung ayaw niya akong pansinin.”

“Hayaan mo lamang lumipas ang nararamdaman niya at alam ko naman hindi ka matitiis ng Papa mo. Noong isang araw nga kinumusta ka sa akin tinatanong kung tumawag ka raw, nong sabihin kong bakit hindi ka niya tawagan hindi nagsalita pero alam kong hindi na siya gaya ng dati na ayaw pag-usapan ang tungkol sa iyo. Basta mag-iingat na lamang kayo, kung hindi naman kayo handa sa sasabihin ng mga tao, maging maingat kayo sa pagkilos lalo na kung nasa labas kayo ng bahay at hindi ninyo alam kung sino ang nakakakita sa inyo”

Bagamat, may kaunting ginhawa akong naramdaman dahil alam ko ngayon na naiintindihan ako ni Mama at ng dalawa kong kapatid hindi pa rin mawala sa isip ko si Papa. Lumaki akong kahit minsan ay hindi kami nagkasamaan ng loob. Lumaki akong kahit napapagalitan niya dahil sa pagiging bata ay hindi ako nagtampo sa kanya dahil lagi naman niyang ipinapaliwanag sa akin bakit siya nagalit o bakit niya ako tinaasan ng boses. Ni minsan din ay hindi niya ako pinalo. Kung sabagay wala naman siyang pinalo kahit sino sa aming apat. Sapat na sa amin ang boses niya para kami ay matakot. Mas maraming pang beses kaming napalo ni Mama pero mas takot kami kay Papa noong bata pa kami.

Kapag may pupuntahan ako ang madalas kasama ni Papa, kasi laging hindi pwede si Kuya dahil hinahapo, may asthma kasi siya noong bata pa. Ako ang madaas niyang ipinakikilala sa mga kasamahan niya sa work, At madalas ay ako ang nakakapili ng gusto ko sa bibilhin niya dahil ako nga ang lagi niyang kasama. Alam kong proud na proud si Papa sa akin lalo na noong highschool ako dahil lagi akong kasama sa honors. At hindi siya papayag na hindi siya ang magsasabit ng medal sa akin kapag recognition. Siya rin ang nag udyok sa akin para mag boy scout dahil sabi niya yun daw ang isa sa mga frustrations niya noong nag-aaral pa. Gustung-gusto niya pero dahil marami silang magkakapatid hindi kaya ng mga magulang nila na suportahan ang extra-curricular activities nilang lahat. Kaya kahit saang camping hindi ako nahihirapang magpaalam sa kanya at bukod sa pocket money ko lagi siyang may padalang extra na ibibigay niya kapag nasa sasakyan na kami at hindi na kita ni Mama.

Hindi ko rin malilimutan noong graduation namin ng high school hindi siya pumayag na hindi rin siya sasama sa graduation march, bagamat isa lamang parent ang allowed sa amin per graduate usually pag lalake, mother ang kasama, talagang nakiusap siya sa director na payagan na siya kasi gusto lamang niyang kasama ko siya sa special na occasion na iyon ipinaliwanag din niya na may seminar dapat sila sa Cebu pero hindi siya sumama para lamang sa graduation ko. Nagpagawa rin siya ng dalawang malalaking streamers sa school at sa harap ng bahay namin at bagamat 1st honorable mention lamang ako ay talo ko pa ang valedictorian sa dami ng paputok noong graduation.

Siya rin ang kasama ko sa pag-aasikaso ng enrolment ko noong college. At hanggang maka graduate ako at makapasa sa Board ramdam ko kung gaano siya ka proud. Kulang na nga lamang ay ipag motorcade niya ako dahil sa sobrang tuwa. Lahat ng kamag-anak yata namin ininvite niya noong graduation ko.

Kaya sobra rin akong nalulungkot ngayon dahil alam ko disappointed siya sa akin. Gumuho ang pangarap niya para sa akin. Pero ano ang gagawin ko. Hindi ko na kayang talikuran si Kenn at alam ko kung gagawin ko iyon ay pareho lamang kaming masasaktan.

“Sir, may problema po ba kayo?” boses ni Kenn Lloyd ang nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip nakatingin lamang siya sa akin naka uniform pa. Nakatayo pa rin ako sa salas hawak ko pa ang phone ko. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Lumapit ako sa kanya at yumakap. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko kayang galit sa akin si Papa, pero hindi ko rin kayang mawala ang batang ito sa buhay ko. Alam kong nagtataka siya pero hinayaan lamang niya ako.

“Sir, ano po bang nangyari? Bakit kayu umiiyak? May sakit po ba kayu” muli ay tanong niya nang bumitaw ako sa pagkakayakap.

“Wala ito, huwag mo na lamang pansinin. Sige na magpalit ka na ng damit at maya-maya ay kakain na rin tayo, titingnan ko lamang kung luto na ang ulam natin. Hindi ko na hinitay ang sagot niya tumalikod na ako sa kanya diretso sa kusina. Alam ko namang nagtataka man siya ay hindi na rin nangulit, pumasok na rin diretso sa kwarto niya, hindi ko kasi alam paano sasabihin sa kanya ang totoong dahilan. Ayoko namang maguilty siya at sisihin ang sarili niya. Hanggang sa pagkain ramdam ko pa rin ang bigat ng kalooban ko dahil sa nalaman ko. Alam kong napapansin ni Kenn ang katamlayan ko kaya hindi niya ako masyadong kinukulit habang kumakain kami.

“Sir, ako na po ang maghuhugas ng kinainan natin ha. Parang hindi maganda ang pakiramdam mo, baka kailangan mo pong magpahinga.” Bigla niyang sinabi nang mapansing tapos na akong kumain pero hindi pa rin tumatayo.

“No, okey lamang ako, pumasok ka na sa kwarto mo at mag-aral, ako na bahala dito.”

“Hindi po sir, wala naman kaming assignment, ako na po ang bahala dito,” sabay tayo at kinuha na ang mga kinainan namin at dinala sa hugasan. Wala na akong magawa kundi tingnan na lamang siya. Sa isip ko paano kita hihiwalayan Kenn, lahat ng ginagawa mo parang lalo lamang nagpapalapit ng loob ko sa iyo. Paano kita makakalimutan kung lahat ng tungkol sa iyo ay bahagi na ng buhay ko. Parang hindi ko na kayang mabuhay kung hindi ka kasama. Alam ko namang mali at hindi naman talaga dapat pero ano ang gagawin ko. Ayokong pagsisishan ang lahat ng nangyari sa atin dahil ito na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko pero sobrang nahihirapan na rin ako sa sitwasyon natin. Hindi ko namalayan, tumutulo na naman ang mga luha ko, kaya mabilis ko itong pinahid bago pa niya mapansin. Tumayo na rin ako papunta sa kwarto at hinayaan na lamang siya sa kanyang ginagawa.

Isang umaga vacant ako, nang tumawag si Mr Suarez. “Yes Mr Suarez, Good morning din po.” Sagot ko pagkatapos niya akong batiin. “Akala ko nasa Singapore kayo sabi ni Kenn.”

“Kararating ko lamang, in fact narito pa ako sa airport at hinihintay ang aking sundo. May emergency daw sa opisina kaya napadali ang uwi. Actually we’re done with the seminar, konting wrap up na lamang kaya pwede namang umalis na. Well sir, may aasikasuhin ako sa office after lunch and I have free time at around 3 or 4, I am thinking if I can have a small chat with you. Pwede bang magkita tayo bago ako tumuloy sa bahay. May konti rin akong pasalubong sayo, I hope you are free by then. Bihira kasi akong magkaroon ng ganitong oras.”

Hindi ko alam ang dahilan ng biglaan niyang pakikipagkita sa akin, pero kinakabahan ako. Ganon pa man wala akong magawa kundi ang sumang ayon sa kanya. “I am out at 4, pero pede naman akong mag-undertime hanggang 3 lamang naman ang klase ko at paper works na yun after that.”

“Great sir, so lets meet at four para maaga-aga pa rin akong makauwi sa bahay at makapahinga. Namiss ko na rin ang aming room.” Alam kong nagpapatawa lamang siya kaya pagkatapos niyang sabihin ang restaurant kung saan kami magkikita ay nagpaalam na ako. Nang tanghaling iyon sinabi ko kay Kenn na huwag na niya akong hintayin sa hapon at may pupuntahan akong meeting.

“Sir, hindi ba ako pwedeng sumama?” umpisa na naman niyang pangungulit habang kumakain kami.

“Hindi nga maari, kung pwede naman isasama kita diba, kaya lamang this time, hindi talaga pwede kaya huwag ka ng makulit ha, kumain ka na lamang.” Napansin siguro niya na seryoso ako kaya hindi na kumibo.

Eksaktong 4 pm nasa meting place na ako, nakita ko si Mr Suarez, nasa isang table sa bandang sulok. Nilapitan ko siya at kinamayan niya ako.

“Kumusta po ang byahe?” iyon lamang ang naisip kong itanong dahil kinakabahan talaga ako. May inabot siya sa akin na isang paper bag, Hindi ko alam kung ano ang laman at sinenyasan akong maupo.

“Anong gusto mo sir, order muna tayo, hindi ako maka order kanina hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mong kainin o inumin,” at tinawag niya ang waiter. Pagkatapos naming mag-order, tumingin siya sa akin. Umiinom ako ng tubig dahil parang naunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin, Sigurado naman akong higit pa sa ibinigay niyang pasalubong o gusto lamang niya kaming magkwentuhan kaya niya ako niyaya. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

“Sir, alam kong nagtataka ka kung bakit biglaan ang invitation ko sa iyo, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Alam ko na ang lahat, alam ko na ang tungkol sa inyo ni Kenn Lloyd.” Parang bumara sa lalamunan ko ang iniinom kong tubig. Hindi ako makapagsalita napatingin lamang ako sa kanya.

“Oo sir, noon pa ilang araw pagkagaling niya sa hospital, nang tawagan ko siya ipinagtapat niya sa akin ang lahat.” Naisip ko ganon kalakas ang loob ni Kenn na ipagtapat sa kanyang ama ang lahat, bagay na hindi ko nagawa kung hindi pa nga nalaman ni Papa sa ibang tao. Parang napipi ako wala akong alam na salitang pwedeng sabihin. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko? Parang gusto kong tumakbo palabas ng restaurant. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Pero kailangang harapin ko ito, narito na ito at paninidigan ko na, hindi ko naman kasi pwedeng itanggi. Alam ko darating ang panahong ito pero hindi ko alam na mabibigla pa rin ako, hindi ko napaghandaan, hindi ko alam ang sasabihin. Nanatili lamang akong nakatungo.

“Don’t worry sir, naiintindihan ko kayo.”

Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko kaya bahagya ako tumunghay para i-confirm ang aking nadinig.

“At kung may taong makakaunawa sa inyo, marahil ay ako yun.” Iyon ang nakangiti niyang dagdag, parang nakuha niya ang aking pagtataka.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. ”Anong ibig nyong sabihin Mr Suarez?”

“Sir dumaan din ako sa ganyang sitwasyon, kaya nang sabihin ni Kenn Lloyd ang tungkol sa inyo, naisip ko anak ko talaga ang batang ito, pati iyon namana niya sa akin.”

“Totoo ba iyan Mr Suarez?” Bahagya siyang tumango na parang nahihiya.

“During my college days, I fell in love with a guy. Bagamat lihim ang aming relasyon naging masaya kami at nagbalak na after graduation, we will go abroad at don namin bubuuin ang aming mga pangarap. Pero hindi rin nakaligtas ang lahat sa aking ama, kung kayat para pigilan kami ay ipinagkasundo ako sa anak ng kanyang business partner. Wala kaming nagawa kahit hindi ko gusto wala akong lakas ng loob noon na ipaglaban ang aking nararamdaman at kumontra sa kagustuhan ng aking ama. Pero sobra siyang nasaktan at itinuloy pa rin ang pag-aabroad at mula noon ay wala na akong nabalitang ano pa man tungkol sa kanya. Iyon ang dahilan kaya hindi kami masaya ng asawa ko. Marahil dahil lamang sa mga anak namin kaya buo ang aming pamilya, pero more than that wala ng ibang meron sa aming dalawa. Dahil doon kaya natukso akong makipagrelasyon sa ina ni Kenn Lloyd dahil ibang-iba siya sa aking asawa.”

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang nagkukuwento. Tumingin muna siya sa paligid bago nagpatuloy.

“Mabait ang Mommy niya. Hindi lamang siya maganda, napakabuti ng kanyang kalooban. Sa kanya nararamdaman kong buo ang aking pagkatao. Kahit palihim ang aming pagkikita ay alam kong masaya kami. Medyo nagtampo lamang siya nang ipagtapat ko sa kanya na may asawa at anak na ako. Kaya lamang ay huli na mahal na talaga namin ang isat-isa. Kaya nagpatuloy pa rin kami kahit na nalaman niya ang totoo. Pero hindi rin naman kami nagtagal dahil nang malaman ng pamilya niya ang tungkol sa amin ay sobrang galit sa kanya kaya ang lahat ay nauwi lamang sa hiwalayan. Nakiusap ako sa kanya pero sinabi niya sa akin na para sa amin pareho ang desisyon niya. Wala na akong nagawa dahil alam ko namang tama siya. Iyon talaga ang dapat mangyari. Hindi lamang ako naaawa sa kanya dahil sa paghihiwalay namin. Nanghihinayang din ako dahil wala akong magawa, hindi ko rin naman siya kayang ipaglaban.”

“At huli na nang malaman kong buntis pala siya. Hiwalay na kami noon. Nang mabalitaan kong pinalayas siya ng mga magulang niya sa probinsiya dahil sa kanyang kalagayan, pinakiusapan ko ang ate niya na sa kanila na muna niya patuluyin at pumayag naman siya. Hanggang naging foreclose yung bahay sa tapat nila kaya agad kong kinausap ang opisyal ng bangko para mailipat sa kanyang pangalan ang titulo at palihim ko siyang sinuportahan. Subalit dahil sobrang maimpluwensiya ang pamilya ng asawa ko kung kaya hindi ko nagawang ipaalam sa kaniya ang tungkol kay Kenn. Kahit masakit hindi na ako kumibo dahil alam ko kung makikipaglaban ako ay pahihirapan lamang nila ang mag-ina at katapusan ay mawawalan pa ako nang pagkakataong sustentuhan sila. Pero napakahirap sa akin nang iwan din niya ang aming anak sa kanyang ate hanggang tuluyan na ngang mag-asawa sa ibang bansa. Nasaktan ako dahil umaasa pa rin ako na babalikan niya ako pero higit na masakit ay iyong paano na ang anak namin? Hindi ko alam papaano ko tutulungan si Kenn Lloyd, awang-awa ako sa kanya pero ang pwede ko lamang gawin ay ang ilihim siya hanggang kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa at hindi na kailangan ang suporta ko saka ko na lamang aaminin sa pamilya ko ang lahat. Dahil alam ko sa panahong iyon wala na silang magagawa. Magalit man sila ay wala na ring mangyayari dahil maayos na ang kalagayan ng bata. Iyon na lamang ang pampalubang loob ko sa aking sarili. Madalas kong tanawin si Kenn Lloyd sa malayo at naawa ako sa kanya. Hindi gaya ng ibang bata na kita mo sa mukha nila ang sigla, ang anak ko kitang-kita ko ang lungkot. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin, Gusto kong tanungin kung kumain na ba siya o kumusta ang tulog niya gaya ng ginagawa ng isang ama.” Ilang ulit siyang tumingala para pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Pero hanggang doon lamang ang pwede kong gawin, mahal ko si Kenn Lloyd hindi lamang dahil anak ko siya, kundi anak din siya ng taong minahal ko ng totoo, kaya lamang ay hindi ko pwedeng iparamdam iyon sa kanya at lalong hindi ko pwedeng ipakita sa ibang tao. Gusto kong kahit sana sa pera ay magawa ko ang bahagi ko sa kanya, pero napakahirap niyang tulungan. Hindi siya humihingi kahit tanungin ko ang gusto ayaw magsabi alam ko namang habang lumalaki siya ay marami siyang gastos gaya ng ibang bata, gaya ng mga anak ko, Pero ang madalas niyang sagot ay may pera pa po ako, salamat po. Alam ko namang galit siya sa akin at kung kaya lamang siya nakikipag usap sa akin ay dahil kailangan niya ang tulong ko. Nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit sa ganoong paraan magkakausap kami.”

Ngayon maliwanag na sa akin ang lahat. Kaya pala ganoon ang naging pagtatago niya tungkol kay Kenn. Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagkukuwento siya. Kita ko nang magpunas siya ng kanyang mga luha na pilitin man niyang ikubli ay nahalata ko pa rin. Bahagya akong tumungo para magkunwaring hindi ko napansin.

“Sir, pakiusap ko lamang sa inyo, sana patuloy pa rin ninyong gabayan si Kenn Lloyd hanggang makatapos man lamang siya ng pag-aaral. Wala akong tutol sa kung ano man ang relasyon ninyo. Nagpapasalamat pa nga ako dahil sa lahat ng ginawa ninyo sa kanya. Alam ko rin ang hirap na pinagdaraanan ninyo pareho.” Saka pa lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

“Maraming salamat sa pang-unawa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang maipapangako ko lamang ay makakaasa kayo na hindi ko siya pababayaan” Iyon lamang ang nasabi ko dahil nang mga oras na iyon magkahalong emotion ang nararamdaman ko, hiya takot, saya o kung anu-ano pa.

“Basta sir, muli ay inihahabilin ko na ang batang iyon sa iyo, Mas panatag na ako ngayon dahil alam kong mas lalo mo siyang hindi pababayaan at sana sir, ikaw na ang bahalang magpasensiya sa kanya. Alam mo na siguro bata pa madalas ay toyoin. Sa totoo lamang sir, hindi ko rin masyadong alam ang ugali ng batang iyan, hindi ko kasi nasubaybayan ang kanyang paglaki, hindi ko nga alam kung ano ang gusto at ayaw niya kaya sobra akong nakokonsensiya at sabihin man ng ibang makakaalam ng usapan nating ito na kunsintidor ako pero wala akong karapatan na kumontra sa kanya. Iyon lamang makita kong masaya siya at maayos ang buhay niya ay sapat na sa akin. Kung ito lamang ang paraan para kahit papaano ay makatulong ako para maging masaya siya, handa akong ibigay iyon sa kanya. Alam ko naman wala na akong pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkukulang ko. Pero iyon man lamang na masiguro ko na maayos ang magiging kalagayan niya ay sapat na sa akin sir. At sa nakikita ko ngayon na masaya siya, masigla na siya at lagi ka niyang ipinagmamalaki sa akin, sapat na sa akin iyon sir para mapanatag. Gusto ko kahit sa paraang ito ay magpa ka ama sa kanya.”

Hindi talaga ako makapaniwala sa naging usapan namin, nasa sasakyan na ako at pauwi na pero parang nadidinig ko pa ang mga salita ni Mr Suarez. Ang kwento niya tungkol sa buhay niya kung kaya ganon kabilis niyang natanggap ang tungkol sa amin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin. Agad kong tinawagan si Kenn.

“Baby boi huwag ka ng magluto ha, bibili na lamang ako ng pagkain natin.” Agad kong sinabi sa kanya pagkasagot niya.

“Hmm, alam ko namang ayaw mo po sa luto ko kaya okay lamang, basta sir promise, someday matututunan ko rin ang pagluluto at sinisiguro ko sa inyo ipagmamalaki mo rin ako.”

“Huwag ka ngang maarte, kahit hindi ka marunong magluto, ipinagmamalaki kita at masaya ako kung ano at sino ka. Tawagan mo sina Jasper, sabihin mo sa atin sila mag dinner, kailangan nating magcelebrate sobrang saya ko Kenn, I love you.”

“Huh, para kang adik ngayon sir, ano po bang nangyari kaninang tanghali sobrang lungkot mo, akala ko nga may mabigat kang problema, tapos ngayon kulang lamang ay magsisigaw ka po diyan.” Nagtataka niyang tanong.

“Ah basta huwag ka ng marami pang tanong, magcecelebrate tayo at magpapakasaya ngayon. Yun lang.” saka ko inend ang call.

Gaya ni Kenn, nagtataka rin ang mag-ina bakit biglaaan na ininvite ko sila para kumain sa amin.

“Namiss ko lamang kayong dalawa, naiisip ko kayo lamang naman ang totoong kaibigan namin ni Kenn dito sa Manila kaya hindi naman siguro masama kung paminsan-minsan kumain tayo ng sama-sama.

“Nako, sir hayaan mo at pag nakaluwag kami ay kayo namang dalawa ang yayayain kong doon naman kumain sa bahay.” Ang nakangiting sagot ni Ate Annie.

“Talaga ‘Nay? Ang tagal ko na ngang gusto sanang mangyari iyan kasi sobrang pasasalamat ko talaga sa ginagawa nila sa atin.” Si Jasper, ngumiti naman si Ate Annie.

“Kayong dalawa, narito tayo para mag saya, e mag da drama na naman kayo, sige na kumain na lamang tayo, tingnan ninyo tong isa oh kanina pa walang kibo, gutom na iyan hindi lamang nagsasalita.” At ginulo ko ng bahagya ang buhok ni Kenn Loyd.

“Bakit kaya ako, siya naman ang mas matakaw” ganti naman niya sa akin at nagkatawanan na lamang kami.

Nagkwentuhan pa kami bago umuwi ang mag-ina.

Crew Leader Training Course.

Nasa Los Banos, Laguna kami sa Mt. Makiling, hindi pwedeng sumama si Kenn dahil para yun sa Grade 7 at Grade 8. Nagsabi siya na gaya ng dati magiging tagaluto na lamang siya kaya lamang nagdecide ang District Office na dahil kakaunti sa mga taga public ang makakasama ay ibibigay ang budget sa private dahil dito magiging centralized ang pagkain namin at may mga volunteer teachers na siyang sasama upang maging tagapaghanda ng pagkain para maka focus na lamang ang mga bata sa training. Maganda ang suggestion nila kaya gustuhin ko man sinabihan ko si Kenn na hindi siya makakasama dahil wala siyang gagawin don. Noong una ay nakikiusap pa rin pero iyon naman talaga ang ugali niya kapag gusto niya ay mangungulit hanggang kaya pero kapag naramdaman na hindi talaga pwede ay kusa namang titigil.

“Basta sir, dadalhan mo ako ng Buko Pie pag-uwi nyo ha,”

“Oo gusto mo isang puno pa ng niyog and iuwi ko sa iyo.”

“Kaya mo po, sige ha pag hindi mo lamang po ginawa iyon.”

“O anong gagawin mo kapag hindi ko ginawa?” sabay kiliti sa kanya.

Napatayo naman siya na namumula ang pisngi sa kakatawa at kakaiwas sa akin.

“Ang kulit mo talaga sir, paano ako sasagot nangngiliti ka po?”

Hanggang sa nang kumakain kami ay nagkukulitan pa rin kami.

Abalang-abala kami dahil sa dami ng activities at dahil member ako ng training team, halos literal na kain lamang ang aking pahinga. Naka assign sa akin ang Knot Tying and Pioneering. Dahil doon kung kaya kahit tapos na akong mag lecture ay maraming scouts ang lumalapit sa akin para magpaturo. Kailangan kasi nila iyon sa Final Interview at kung hindi nila magawa ay babalik pa sila hanggang magawa.

Katatapos lamang namin ng panghapong meryenda nang matanawan ko si Kenn. Hindi niya ako kita dahil mas mataas ang lugar namin, nakita ko siyang nag tanong sa isang staff. Marami siyang sinabi nang biglang nakita ko lumapit sa kanila si Lester. Itinuro ng kausap niya ang lugar ko. Nag-usap sila ni Lester at nakita kong naghiwalay sila, si Lester palapit sa akin samantalang si Kenn ay dumiretso kung nasaan ang tent namin. Sobra akong naguguluhan kaya hindi ko na nahintay ang paglapit ni Lester, dahil nga paakyat ay mabagal ang lakad niya.

“Kuya, ipinag paalam ka na namin, uuwi na tayo.” Iyon agad ang bati niya hindi pa kami nakapag kukumustahan. Bigla akong kinabahan.

“Bakit, bunso anong problema?” Hindi ko talaga alam kung ano ang itatanong.

“Sa kotse na tayo mag-usap, kailangang magmadali tayo, o ayan na pala si baby bro, tayo na kuya.” Nakita ko si Kenn, dala ang bag ko ng gamit, kaya pala humiwalay ay kinuha ang mga gamit ko. Kaya mas lalo akong kinabahan. “Ano ba kasing dahilan at ayaw mo pang sabihin?” Hindi ko alam kung natatakot ako o naiinis, pero kita ko sa mukha ni Lester ang lungkot, hindi rin sila nagbibiruan ni Kenn, gaya ng dati na laging nag a appear.

“Kuya, naaksidente si Papa, malubha siya nasa hospital. Ikaw ang lagi niyang tinatanong kaya kaninang umaga ka pa namin kino kontak, pero un attended ang phone mo. Nang tawagan ko si Kenn sinabi niyang narito ka nga. Kaya nagdesisyon na kaming puntahan ka. Sa Calamba na lamang kami nagkita kasi matatagalan pa kung susunduin ko siya sa Manila. Kuya, kailangang makarating agad tayo sa hospital, natatakot ako.” Sapat na ang mga sinabi niya para maintindihan ko ang lahat at bumuhos na ang aking luha. Yumakap na lamang ako sa kanya dahil wala akong alam na sasabihin.

Sa sasakyan, wala kaming imikan. Parang walang maglakas ng loob ng mag umpisa ng usapan. Nang biglang magsalita si Lester.

“Binaril siya kuya, hindi namin alam kung sino, Maging ang mga pulis ay hindi matukoy kung sino ang gumawa at ano ang motibo bakit ginawa nila iyon. Pagbaba kasi niya ng kotse papasok sa opisina nila nang biglang nakarinig daw ng putok ang mga tao. Hindi naman nila alam kung saan nanggaling saka lamang nakita na sapo ni Papa ang dibdib niya at may dugo. Ang mga taong nakasaksi na ang nagdala sa kanya sa hospital bago pa tinawagan si Mama.” Wala akong masabi habang nagsasalita si Lester parang napapanood ko ang eksena kaya lalo akong napaiyak. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, ayokong magtanong dahil ayokong marinig na 50:50 na lamang ang chance niya. Pinili ko na lamang ang tumahimik at nang maramdaman ni Lester na hindi ako umiimik ay nag concentrate na lamang sa pagmamaneho bagamat kita ko ang pagpatak ng luha.

Samantalang sa likuran namin si Kenn ay hindi umimik. Alam kong nauunawaan niya ang lahat at ayaw niyang mangulit. HInayaan ko na lamang din siya dahil wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Sapat ng narito lamang siya at alam akong karamay ko siya sa pinagdadaanan ko.

Pagdating namin, ipinark lamang ni Lester ang sasakyan at dumiretso na, Kasunod kami ni Kenn, walang imikan. Pagpasok namin ng pinto, yumakap agad sa akin si Mama, kasunod si Irish. Saglit lamang iyon, agad akong lumapit kay Papa, bahagyang nakapikit ang mga mata niya, nakatingin sa kisame, hinawakan ko ang kanyang kamay.

“Pa, lakasan mo ang loob mo,” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, hindi ko naman siya pwedeng kumustahin dahil alam kong hindi siya okey. Hindi ko na rin mapigilan ang pag iyak. Bahagya siyang tumingin sa akin, at pinisil ang aking kamay bago nagsalita.

“Irvin, anak, salamat at narito ka na…” iyon lamang ang sinabi niya lumuwag ang hawak niya sa kamay ko at ipinikit ang mata.” Napasubsob na lamang ako sa balikat niya kasabay ang malakas na pag-iyak ni Mama at Irish, Yumakap na rin sila kay Papa maging si Lester.

Hindi ko alam kung ano pakiramdam ng mga panahong iyon, Wala akong matandaan liban sa hindi ko maipaliwanag na sakit na nararamdaman naming lahat, sobrang sakit kasi hindi man lang ako nakapag sorry kay Papa sa sama ng loob niya sa akin. Bagamat nasabi naman ni Mama na napatawad na ako ni Papa at ayus na ang lahat sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil hindi ako nag effort na umuwi para magkausap kami. Pero kung alam ko naman na ganito ang mangyayari kahit pa hindi niya ako pansinin uuwi pa rin ako para makita at makapagpaliwanag sa kanya.

Akala ko hindi na mauulit yung pakiramdam ko ng mamatay si Lola, mas masakit pala, dahil si Lola, ilang linggo naming binantayan sa hospital at sinabi naman ng doctor na wala na silang magagawa. Kahit papaano ay napaghandaan namin, pero ganon pa rin ang sakit pa rin nang mawala siya. Pero si Papa, sobrang nabigla kami tapos ang masakit pa, hindi man lang namin mabigyang ng justice ang nangyari sa kanya. Parang basta na lamang nangyari.

Sa limang araw na burol ni Papa, hindi umalis si Kenn, naroon din si Jasper at si Ate Annie na matyagang naghahanda sa kusina. Hinaayaan na namin sila doon dahil hindi talaga kaya maging si Irish dahil mas gusto namin manatili sa tabi ni Papa habang nakikita pa namin siya. Gusto naming samantalahin ang ilang araw na kasama siya kahit pa nga nasa ganon siyang kalagayan.

“Sir hayaan mo na kami dito, sa paraang ito man lang ay makatulong kami, kaya naman namin ito mas kailangan ka ng Mama mo at mga kapatid mo.”

Madalas sinasabi ni Ate Annie kapag sinasabihan ko silang magpahinga. Nagpaalam kasi siya ng isang linggo para makatulong namin. Maging si Jasper ay nagpaalam din na aabsent muna at dahil kilala naman ako sa school hindi sila nahirapan sa pagpapalam. Salamat na lamang ang madalas kong masabi sa kanila. Si Kenn naman ay madalas ko ring makitang nakatingin kay Papa, alam kong minahal din niya si Papa bilang pangalawang tatay at alam kong nasasaktan din siya sa nangyayari. Madalas ko siyang makitang palihim na nagpupunas ng mga luha. Naawa rin ako sa kanya, nakatagpo sana siya ng taong magmamahal sa kanya bilang tatay kaso nawala rin agad kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya, bagamat hindi siya makapagpakita ng tunay niyang emotion dahil baka nga kung ano ang isipin ng mga tao sa paligid kung kaya madalas ay palihim na lamang siyang umiiyak sa isang tabi.

Samantalang si Lester hindi na nagsasalita kahit ano, sa buong panahon ng burol ni Papa, nanatili siyang tahimik at laging tulala. Eto yung pinakamasakit gusto ko siyang tulungan, gusto ko siyang alalayan pero paano ko gagawin nanghihina rin ako, hindi ko magawang palakasin ang loob niya, wala akong masabi sa twing makikita ko siya, kusa na lamang tutulo ang mga luha ko. Hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin niya matanggap o ayaw pa rin niyang tanggapin ang nangyari. Ang hirap pala, pare-pareho kaming walang makapitan. Para kaming mga ibon na sabay-sabay na pinutulan ng pakpak. Iyong nasasaktan ka na at naghahanap ka ng taong makakapitan, tapos ang sakit pa na makita mo iyong mahal mo sa buhay kagaya mo rin naghahanap ng makakapitan tapos pare-pare kayong walang magawa. Ni hindi ninyo masabi na lakasan mo ang loob mo dahil ikaw mismo nanghihina. Pero sobra akong naawa kay Mama, mas mahirap para sa kanya ang nangyari dahil si Papa naman talaga ang mundo niya.

Mula nong magpakasal sila ginugol na niya ang panahon niya sa pag-aasikaso sa amin. Huminto siya sa pag ta trabaho para sa amin. Matatag si Mama pero sa nakikita ko sa kanya, hindi ko alam kung hanggang kailan niya kakayanin na wala na si Papa. Oo nga at nakikita ko siyang nangingiti kapag kausap ang mga kamag-anak o iba pa naming kakilala pero alam ko hirap na hirap na siya. Ang sakit, hindi ko alam papaano namin malalampasan ang pangyayaring ito. Gusto ko siyang yakapin sa twing mapagmamasdan ko ang malungkot niyang mga mata. Ang hirap kailangan kong maging matatag, kailangan huwag akong magpakita ng panghihina lalo pa at nakauwi lamang ang Kuya namin sa huling gabi ng lamay.

“Sir, magpahinga ka muna, baka magkasakit ka po niyan, ilang gabi ka ng walang tulog.” Minsang sabi ni Kenn sa akin.

“Hindi rin naman ako makatulog kahit mahiga ako.”mahina kong sagot sa kaniya.

“Sir, kung may maitutulong lamang po ako para gumaan ang pakiramdam mo, ginawa ko na sir, sanay naman po ako sa hirap e, pero sir kapag nakikita kitang ganyan tapos wala akong magawa para matulungan ka, sir ang sakit din po sa akin. Ayoko sanang sabihin sir, pero nanghihina ako twing makikita kong umiiyak ka.”

“Salamat Kenn, wag kang mag-alala, sapat na sa kin na nariyan ka lamang at kasama ko. Alam ko kakayanin ko ito, darating ang araw matatanggap ko ang lahat, pero sa ngayon hayaaan mo muna ako kasi hindi ko pa kaya e, hindi ko pa matanggap na ganito ang nangyari sa kanya. Hindi ko pa rin maunawaan bakit si Papa pa. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya, ang dami ko pang plano. Pero hindi ko na magagawa ang lahat ng iyon. Nanghihinayang ako Kenn sa mga panahong sinayang ko, dapat noon ko pa ginawa ang lahat ng gusto kong gawin, sana noon ko pa sinabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Ngayon kahit magsisigaw ako hindi na niya alam iyon, hindi na niya madidinig.” At muli ay tuluyan na akong napahagulhol. Tumayo si Kenn at pumasok sa kusina.

“Sir, uminom ka muna para guminhawa ang pakiramdam mo, hayaan mo po sir kung makakagaan po sa pakiramdam mo na narito ako huwag kang mag-alala hindi kita iiwan, dito lang ako kahit wala akong magawa, sasamahan po kita.”

Nang araw ng libing nakita ko ang mga co-teachers ko, ilang students, mga barkada ko at mga kamag-anak. Gusto ko silang lapitan para magpasalamat pero papalapit pa lamang ako naramdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko kaya hindi ko na itinuloy.

Naramdaman ko may umakbay sa akin nang lingunin ko si Louie. Tuwing gabi nakikita ko siya pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Lagi lamang siyang nakatingin sa akin. Pinisil niya ako sa balikat.

“Ang sakit bro, hindi ko alam ganito pala kahirap mawalan ng tatay. Parang gusto ko ng sumuko.” Umiiyak kong sabi sa kanya kahit hindi ako nakatingin.

“May dahilan ang lahat, bro. Huwag mong piliting alamin yun sa ngayon. Hayaan mong kusa mong maintindihan bakit nangyari ang lahat ng ito. Ang importante sa ngayon maging malakas ka. Pag alis ng Kuya mo, ikaw na ang tatayong Padre de Pamilya. Paano mo magagawa ang responsibilidad na iyon kung ngayon pa lamang susuko ka na?” halos pabulong na sabi niya sa akin.

“Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas para bumangon. Kilala mo naman si Papa, sa edad naming magkakapatid talagang napaka dependent naming lahat sa kanya.” Malapit din si Louie kay Papa dahil nga sa haba ng panahon na magkaibigan kami naging parang anak na rin ang turing niya. Ganoon si Papa, lahat ng kaibigan ko itinuturing niyang kapamilya namin. Siya pa nga ang unang bumabati kapag nagkita sila.

“Basta bro, nandito lamang ako kung kailangan mo ng kausap, magsabi ka lamang, gaya ng dati handa akong makinig.” Nanatili lamang siyang nakaakbay sa kin. Kahit papaano ay nakakagaan ng loob na malaman na sa kabila ng pinagdadaanan namin may mga tunay na kaibigan na handang dumamay at umunawa sa aming kalagayan.

Pagkatapos ng libing ay nagpaalam na rin sina Jasper at Ate Annie, nagpaiwan si Kenn, sasabay na raw siya sa akin. Hindi ko alam kung kaya kong pumasok dahil parang hindi ko pa kayang iwan sina Mama. Si Kuya kasi kailangan ding makabalik dahil emergency leave lamang ang ibinigay sa kanya . Kaya kahit mahirap para sa kanya nagpasalamat na lamang siya at kahit sa huling pagkakataon ay nakita niya si Papa at nakapagbigay ng huling respeto para sa kanya.

“Anak, huwag mo kaming alalahanin dito, may responsibilidad ka sa school. Narito naman si Irish at Lester may makakasama naman ako dito.” paalala ni Mama nang malaman niyang wala pa akong balak na lumuwas.

“Pero Ma, hindi yata ako mapapalagay na malayo sa inyo ngayon alam ko namang hindi rin pwedeng mag stay ng matagal dito si Kuya Ivan.” Iyon lamang ang nasabi ko.

“Huwag na Irvin, kung may kailangang mag-alaala, ako dapat iyon, kasi pag-alis mo dito mag-isa ka na lamang, kami magkakasama dito pero...” Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Nakita kong tumingin siya sa may hagdan. Nakita ko nakaupo doon si Kenn malayo sa amin

“Kenn halika dito anak, ikaw muna ang bahala sa sir mo ha, huwag mo siyang iiwang mag-isa, lagi akong tatawag sa iyo para makibalita. Mag-iingat lagi kayo don ha.” Saka niya niyakap si Kenn at tuluyan ng umiyak. Nakita ko rin kung paano tumulo ang mga luha ni Kenn. Hindi siya ngsalita tumango lamang siya pero panay ang patak ng mga luha niya. Nang maghiwalay sila nakita kong nilapitan naman ni Kenn si Lester. Niyakap din siya ni Lester hindi sila parehas nagsalita pero kita ko ang pagtulo ng mga luha nila pareho. Naupo silang magkatabi kaharap ko.

“Kenn, kung ayaw ng sir mo na umuwi tuwing weekend pilitin mo siya ha. Pasensiya ka na, ikaw lamang ang maasahan namin para kay Kuya sa mga panahong ito. Mahirap kasi para sa amin ang malayo siya kaya lamang ay kailangan. Sana maunawaan mo kami.” Si Irish kita ko na kahit lumuluha ay pinipilit na ginagawang maliwanag ang mga sinasabi.”

“Opo, Ate irish, huwag kayung mag-alala hindi ko po pababayaan si sir. alam ko po naman ang pinagdadaanan ninyo.” Mahinang sagot ni Kenn.

Nang gabing iyon sa kwarto ko natulog si Kenn. Sinamahan niya ako. Kahit ilang gabi na akong walang tulog ang babaw pa rin ng tulog ko madalas pa rin akong magising. At pagmulat ko makikita ko si Kenn nakatingin lamang sa akin hindi nagsasalita.

“Tulog ka na baby boi, maaga pa ang luwas natin” bulong ko sa kanya,

“Huwag mo akong alalahanin sir, ikaw po ang kailangang magpahinga. Magtuturo kapa po bukas. Okey lamang po ako.”

“Salamat Kenn ha, salamat at hindi mo ako iniwan.” Hinawakan ko siya sa kamay.

“Sir, napakaliit na bagay ng ginagawa ko compare sa ginawa mo sa akin, kaya huwag ka na pong mag-isip ng kahit ano pa matulog ka na lamang po muna, maraming pang pagkakataon para tayo mag-usap” itinaas niya ang kumot ko.

Napangiti ako kahit papaano sa ginawa niya. Napaka matured ng pag-iisip ng batang ito. Mabuti na lamang at may isang gaya niya na nakasama ko ngayon kahit papaano ay nakakagaan ng pakiramdam. Ang hirap pala talaga ng ganito. Hindi ko alam kailan ko matatanggap ang nangyari.

Pagdating sa school marami pa ring estudiyante ang nagpaabot ng pakikiramay sa akin. Mga ilang co-teachers na hindi nakarating sa amin. Gusto kong magpasalamat pero mas pinili ko na lamang ang tanguan sila dahil sa bawat balakin ko na ibukas ang aking bibig ay napapaluha ako. Kinausap ako ng principal namin na asikasuhin ko muna yung mga activities na ginawa ng mga nag sub sa akin habang wala ako. At ipagpapatuloy muna nila iyon hanggang matapos ang buong isang linggo dahil kita nila na hindi ko pa talaga kaya. Kaya buong linggo kung hindi man nasa faculty room ay nasa lab lamang ako. Salamat na lamang at naging napaka supportive hindi lamang ang principal namin kundi pati na rin ang mga co-teachers ko.

Si Kenn madalas kong makita na nakatingin lamang sa akin. Alam kong gusto niya akong tulungan pero alam kong wala siyang magawa. Hindi na rin siya nagungulit alam ko nag aalalangan siya kung kakausapin ako. Naawa ako sa kanya kasi apektado siya sa pinagdadaaanan ko. Pati siya nadadamay sa paghihirap ko. Pero hindi ko pa rin maitago ang nararamdaman ko. Kahit gusto kong magpakita na okay ako, alam kong napapansin niya iyon.

“Sir, alam kong nahihirapan ka sa nangyayari, huwag mo po muna akong isipin, ayos lamang ako, sasamahan po kita hanggang maging okay ka na ulit.”

“Pasensiya ka na Kenn, pati ikaw nadadamay.”

“Ano ka ba sir, alam mo naman ang dahilan ko, basta kung kailangan mo po ng kausap, narito lamang ako, kung gusto mo na samahan lamang kita, sasamahan po kita. Basta sir huwag mong iisipin na nag-iisa ka marami po kami na nagmamahal sa inyo.”

“Salamat Kenn, maraming salamat.”

“Siyanga pala sir, tumawag po si Tita kanina, kinukumusta po kayo” Hindi na ako sumagot, alam ko naman na gagawin iyon ni Mama.

“Ipinaalala lamang po na pipilitin kitang kumain kapag ayaw mo.”

“Kenn, sorry talaga ha, pati ikaw nadadamay sa akin. Alam ko naman nahihirapan ka na sa sitwasyon natin.”

“Sir, hindi po ako nahihirapan naiintindihan po kita. Nalulungkot lamang po ako kasi wala akong magawa para matulungan kayo. Kaya nga hindi na lamang ako nagsasalita kasi hindi ko matanong kung okey kayo kasi alam ko pong hindi.”

“Salamat Kenn sa pang-unawa,” Yumakap ako sa kanya at tahimik lamang na umiyak.

“Sir alam ko pong malalampasan mo rin iyan, matapang ka po sir, kaya sigurado ako na matatanggap mo rin po iyan balang araw.”

“Basta Kenn, huwag mo akong iiwan ha, dahil kapag alam kong nariyan ka lamang sa aking tabi lumalakas ang loob ko.”

“Pangako po sir, hindi lamang dahil sinabihan ako ng ni Tita at ni Ate Irish, kundi dahil ito ang gusto kong gawin, sasamahan po kita sir hanggang makaya mo na ulit ngumiti.”

Nang sumunod na linggo, medyo naka recover na ako kahit papaano kaya nagawa ko ng magturo. Naintindihan naman ng mga students ang kalagayan ko kaya maingat na maingat sila sa kanilang kilos. Hindi ko sila kailangang sawayin, Naririnig kong sinusutsutan na nila ang kaklase kapag maingay at wala rin ang mga makukulit. Mahirap dahil alam kong nag-aadjust pa ako sa bagong buhay na ito pero kakayanin naman. May mga pagkakataon pa ring bigla akong natitigilan at mararamdaman ko na lamang ang pagpatak ng mga luha ko. Minsan nawawala pa rin sa loob ko na wala si Papa, yung mga dating oras na tinatawagan ko siya or tinetext bigla kong kukunin ang cellphone ko at kapag naalala ko ang totoo napapa buntunghinga na lamang ako.

Minsan naman ay binabasa ko na lamang ang inbox ko at inaalala ang masaya naming kulitan sa text.

Kapag umuuwi kami ni Kenn sa probinsiya, pinipilit kong magpakatatag. Gaya ng sabi ni Kuya ako na muna ang tatayong tatay sa bahay namin kaya di ako pwedeng magpakita g panghihina. Madalas ako ang nagpapasimula ng kulitan. Napansin ko rin malaki na ang ipinagbago ni Lester mas tahimik siya at sabi ni Mama hindi na lumalabas sa gabi. Kung tutuusin ay okey sana iyon kaya lang naaawa naman ako sa kanya kasi alam kong kinakaya lamang niya iyon kahit mahirap. Hindi na rin siya mapagbiro. Seryoso na siya kapag niyaya niya si Kenn sa basketball. Naawa ako sa kanya, alam ko naman na sobrang malapit din siya kay Papa, kaya mahirap para sa kanya ang nangyayari. Pero kailangan niyang gawin siya na lamang ang lalake na kasama nina Mama at Irish sa bahay, Ang bata pa niya para sa ganoong responsibility. Hayy, ang laking adjustment sa buhay naming lahat ang biglaang pagkawala ni Papa.

“Irvin kumusta ka na?” bati ni Mama nang makita ako

“I’m fine ‘Ma, ikaw kumusta na, namayat ka yata, kumakain pa ba kayo?”

“Medyo madalas nga wala akong gana, naalala ko pa rin ang Papa mo pero pinipilit ko naman”

“Ma. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo, baka naman ikaw ang magkasakit niyan,” Hindi siya kumibo.

“Gusto mo bang magbakasyon? Don ka muna sa Manila, para maiba lang ang environment mo.”

“Paano ang dalawa, sinong mag aasikaso sa kanila?”

“Ma, kung gusto mo talaga, okay lamang sa amin, ako na ang bahala kay Lester. Malaki na naman kami, tama si Kuya baka kailangan m ang bagong environment. At least doon marami kang pwedeng puntahan pag naiinip ka.” Si Irish

“Huwag na, huwag nyo akong problemahin, kaya ko to, mahirap don, wala akong kakilala dito pwede akong lumabas at makipag kwentuhan sa may tindahan. Saka kahit papaano pag weekend narito ang kuya mo, e kung naron ako, pupunta ba kayo ni Lester pag weekend?”

“Pero Ma, nag-aalala na kami sa iyo, oo nga at hindi ka nagrereklamo pero alam kong nahihirapan ka”

“Kaya ko ito Irish, alam kong ito rin naman ang gusto ng Papa mo ang magkakasama tayo, huwag kayung mag-alala, kakayanin ko ito alam ko namang nariyan pa rin kayo kahit anong mangyari.”

“Basta Ma, mag-iingat kayu lagi ha, walang ibang magpapaalala sa inyo ngayon. Huwag na ninyo kaming isipin, kaya namin ito ang isipin ninyo ay ang inyong sarili, kailangan pa namin kayo.”

“Kaya nga kinakaya ko kahit mahirap dahil sa inyo, hayaan ninyo hanggang sama-sama tayo ay malalampasan din natin ito. Hindi lamang tayo ang dumaan sa ganito.” Ayokong magpakita ng panghihina dahil ayokong alalahanin pa niya ako. Sa harapan nila kailangang ipakita kong matatag ako kahit mahirap.

Sa paglipas ng ilan pang araw, ganoon pa rin kami. Pinipilit maging okay kapag magkakaharap, dahil iisa ang dahilan huwag ng makadagdag sa alalahanin ng isat-isa. Kahit mga pekeng ngiti at tawa ay kailangang ipakita.. Pero hindi pala iyon ganoon kadali may mga pagkakataon pa rin na basta na lamang ako matitigilan na parang inaabsorb ko pa sa sarili ko ang lahat nang nangyayari. Hindi ko pa rin maiwasan isipin o magtanong kung bakit nangyari iyon. Lahat sila nagsasabi na may dahilan ang lahat. Siguro nga, may dahilan ang Diyos bakit nangyari iyon pero nang mga panahong iyon, pilitin ko man wala akong makuhang magandang paliwanag kung bakit wala na si Papa. Bata pa siya, marami pang gustong mangyari at gawin sa buhay niya. Mabait si Papa at marami ang makapagpapatunay non. Kaya kahit anong isip ko hindi ko pa rin mainitindihan, ang panalangn ko na lamang ay dumating ang panahon na matanggap ko ang katotohanan na wala na siya. Alam ko naman hindi namin siya makakalimutan pero yung tanggapin ang totoo sigurado ako darating din yun.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Tales of a Confused Teacher (Part 18)
Tales of a Confused Teacher (Part 18)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQypFW2WhkWj4Y3SwO5OfYccVgSZZKazVaO0bTtWhCs5g9iY76_KRFEm1VDhOA7TW1h9YLhr0SyOMyTE4bLMHMnpty20xmmEBXE10AR7OYUkw7o7iMVOCQxVxj6Hus9vAul_bhG5KwXFse/s1600/Tales+of+a+Confused+Teacher.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQypFW2WhkWj4Y3SwO5OfYccVgSZZKazVaO0bTtWhCs5g9iY76_KRFEm1VDhOA7TW1h9YLhr0SyOMyTE4bLMHMnpty20xmmEBXE10AR7OYUkw7o7iMVOCQxVxj6Hus9vAul_bhG5KwXFse/s72-c/Tales+of+a+Confused+Teacher.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/02/tales-of-confused-teacher-part-18.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/02/tales-of-confused-teacher-part-18.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content