By: RyanTime Lumipas ang panahon na madalas ko ng kasama si Enzo. Pinaparamdam niya din sa akin kung gaano niya ako pahalagahan. Madalas...
By: RyanTime
Lumipas ang panahon na madalas ko ng kasama si Enzo. Pinaparamdam niya din sa akin kung gaano niya ako pahalagahan. Madalas siyang sweet sa akin, pero hindi ako makaramdam ng special feelings para sa kanya. Hanggang pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay.
Madalas ko ding mapansin si Jake na nagtatampo at nagseselos. Hinahayaan ko lang. Mas makakabuti na din ito para sa amin upang makalimutan ko kung ano ang status niya sa puso ko.
Madalas niya din namang kasama si May at sa tingin ko ay seryoso na siya doon.
Nakagraduate na din ako at nakahanap ng unang trabaho bilang isang Accounting staff ng isang kilalang Mall. Tumagal din ako ng isang taon at kalahati.
Saka ako naka received ng offer para magtrabaho sa middle-east. Naisip kong igrab ang opportunity.
"Sigurado ka na ba jan bok?" tanong sa akin ni Enzo.
Bok kasi ang tawagan namin. Pareho kasi kaming may maliliit na acne marks. Pero hindi naman halata. Onti lang haha
Nasa bubong kami ng bahay nila at nagkakape.
"Oo bok..Mabuti na ito para makalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Jake. Para makaipon na din."
"Paano si Jona?"
"Naintindihan naman niya ang desisyon ko. Alam ko masakit sa kanya pero ayoko din kasi maging unfair sa kanya. Girlfriend ko siya pero iba ang laman ng puso ko... kaya humingi muna ako ng time para hanapin ang sarili ko."
"P-paano ako bok?" pag-aalangan niya at tingin ko nahiya siya sa tanong niya.
Pinaharap ko siya sa akin at nginitian.
"Wag kang mag-alala, ikaw pa din ang bestfriend ko at hindi kita ipagpapalit."
Ngumiti lang siya pero malungkot pa din.
"Hanggang bestfriend na lang talaga ako sayo." pagsusumamo niya habang nakayuko.
"Mahalaga may relasyon tayo kahit hanggang bestfriend lang. Ayaw mo nun? Panghabang buhay na label yun."
Ngumiti na lang siya. Alam niya naman na buo na ang desisyon ko.
Bago nag paalam ay binigyan niya ako ng jersey shirt ng Chicago Bulls na may surname ni Derek Rose at number 1. (Hanggang ngayon paborito ko pa ding suotin, I'm sure pag nabasa niya ito malalaman niya na ako to hehe). Remembrance niya daw sa akin.
Binigyan ko din naman siya ng paborito kong branded na jacket. (Buhay na buhay pa din ito, hindi niya daw masiyado sinusuot para daw hindi kumupas.)
----
Dumating na ang araw na aalis na ako para mag-ibang bansa. Mahirap para sa akin dahil first time kong mag wo-work sa ibang lugar. Pero mas mahirap ang iwanan si Jake.
Sinadya kong wag ipaalam kay Jake na aalis ako. Ayoko kasing malaman ang reaction niya at baka mapigilan niya ako.
Umalis ako at tuluyang hindi nagpaalam sa kanya.
----
Narating ko na ang destinasyon ko. Noong una nahirapan ako kasi iba ang climate, napakainit. Iba-ibang cultures at nationalities din ang nakakasalamuha ko.
Nakapag adjust din naman ako. Pero hindi pa din mawala sa isip ko si Jake. Lalo na yung sinabi niya sa akin sa chat na nabasa ko kinabukasan mula ng dumating ako sa destinasyon ko.
"Madaya ka! Akala ko ba walang iwanan.
Hindi mo man lang ako sinabihan na aalis ka na.
Pakiramdam ko wala akong kwenta sayo :'(."
Naungkot ako noong nabasa ko yun, nakaramdam din ng guilt. Hindi ko dapat ginawa sa kanya yun. May mga pinagsamahan din naman kami.
Pakiramdam ko tuloy napaka selfish ko. Hindi ko man lang kinunsider yung mararamdaman niya.
Simpleng sorry lang ang reply ko sa kanya. At mula noon ay hindi na siya nagparamdam. Gusto ko siyang kamustahin pero, nahihiya ako.
Mahigit isang taon na akong nagttrabaho dito.
May nareceived akong message galing kay Tita. Mama ni Jake.
Nagkamustahan kami. May mga kinuwento siya at nagbilin din ng pasalubong.
"Ryan, nag-aalala ako sa pinsan mo". singit ni tita sa chat namin.
alam kong si Jake ang tinutukoy niya.
"Mula kasi noong umalis ka ay hindi ko na siya ma-control. Lagi siyang nasa barkada niya. Tapos pag-uwi laging lasing. Huminto na din siya sa pag-aaral. Pati nga si May ay umiyak sakin dahil hiniwalayan daw siya. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa kanya. Mabuti pa noong nandito ka ay nagagabayan mo siya."
Tiwala kasi si Tita sa akin dati. Ginagabayan ko naman talaga kasi si Jake. Kaya pag magkasama kami ni Jake ay kampante sila. Dahil alam nilang ako ang kasama.
Nakaramdam ako lalo ng guilt dahil sa nalaman ko. Lalo sa huling chat ni Tita nalaman kong gumagamit na daw ito ng marijuana at ginagawang negosyo.
Nabahala ako. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba ito o baka impluwensya ng barkada niya. Pero nag-alala talaga ako para sa kanya. Paano kung mapahamak siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Sobra akong nag-alala sa kanya hanggang sa matapos na ang contract ko.
Umuwi ako ng pinas pero tanging si mama lang ang nakakaalam. Ayoko kasi magpasabi, para surprise na din.
Sobra akong na excite dahil muli kong masisilayan ang pinas. Pero nangangamba pa din dahil naiisip ko ang kalagayan ni Jake. Nagagalit ako sa kanya pero di ko din maiwasang magalit sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.
Masayang-masaya sila sa pagdating ko. Nagsipuntahan kasi silang lahat noong nalaman nilang nasa pinas na ako. Nagpahanda ako at nagpainom.
Pero may isang tao akong gustong makita.
Si Jake..
Pero wala siya. Hindi siya dumating, sigurado naman akong alam niya na nakauwi na ako dahil pinasabi ko iyon kay tita. Pero bakit wala siya.
Nalungkot ako. Nagagalit sa sarili.
Bukas na bukas ay pupuntahan ko siya.
----
Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Si Tita at si Jessica lang ang nandoon. Gabi na wala pa din si Jake. Nasa barkada daw sabi ni tita.
Naghintay lang ako, inaya akong maghapunan ni tita. Tapos bumalik ako sa veranda at naghintay. Nagpaalam na din sila tita na matutulog na.
Alas dose na wala pa din si Jake. Nakakaramdam na ako ng antok at naisipan ko na sanang umuwi.
Pagbukas ko ng gate nakita ko si Jake. Lasing.
Pero na pahinto siya ng makita niya ako. Nagkatitigan kami. Amoy alak at sigarilyo siya.
Ibang-iba na itsura niya, gwapo pa din siya pero parang napabayaan niya na ang itsura niya. Medyo nag matured ang mukha niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin.
Kita ko din sa itsura niya ang pagkabigla pero napalitan yun ng pagkabugnot. Nawala yata ang pagkalasing niya at dumirecho ng tayo.
Pumasok siya sa gate at nilampasan niya lang ako. Kumpirmado, galit pa din siya sa akin. Pero kailangan ko siyang makausap.
"JAKE!" sigaw ko sa kanya na noon ay nakatalikod na sa akin.
Nagpatuloy pa din siya ng lakad. Kaya agad-agad ko siyang nilapitan at malakas na kinabig paharap sa akin.
Nakita kong nagalit siya. Pero hindi pa din nagsasalita at agad na tumalikod.
Napuno ako. Muli ay pinaharap ko siya at malakas na sinuntok sa mukha, dahilan upang matumba siya.
Naguilty ako dahil pumutok ang labi niya at dumugo. Nakita kong tumulo ang luha niya. Pinunasan niya lang ang dugo sa labi niya at hirap na tumayo. Hindi pa din siya nagsasalita. Muling tumalikod.
"Jake, kausapin mo ako.!!" sigaw ko sa kanya.
"P-para saan pa?... wala naman akong kwenta sayo diba?" huminto siya at mahinang nagsalita habang nakatalikod. Naramdaman kong nagpipigil siyang umiyak dahil nauutal siya.
"Humarap ka sa akin!" mariin kong sabi sa kanya.
Humarap naman siya pero hindi tumitingin sa akin.
"Anong ginagawa mo sa buhay mo?!!" galit kong tanong sa kanya.
"Buhay ko 'to. At pwede ba huwag mo akong pagsasabihan na parang may pakialam ka sa akin." mariin niyang sabi saka tumingin sa akin.
Tahimik.
Kinalma ko ang sarili ko. Nag-isip ako ng paraan paano ko siya makakausap ng maayos.
Wala akong maisip. Kasi kinakain ako ng guilt. Ramdam ko sa mga salita niya ang hinanakit. Tapos ako pa ang may ganang magalit at suntukin siya.
Tuluyan na akong kinain ng guilt. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Pumapalag siya, pero hindi ako nagpatalo bagkus ay hinigpitan ko pa ang pagyakap.
Miss na miss ko pa din siya. Mahal na mahal ko pa din siya sa kabila ng dalawang taon na iniwan ko siya mas lumalim pa lalo ang naramdaman ko para sa kanya.
Hindi ko na maramdaman na pumapalag siya pero nagsalita siya.
"Pwede ba umalis ka na." malamig na sabi niya. Pero mas malakas ang dating nun na naging dahilan upang kumalas ako sa pagkakayap sa kanya.
"Ano pang gusto mo? Nasuntok mo na ako diba? ANO PANG GUSTO MO?!!!" tuluyan ng tumulo ang luha niya.
"ANO GUSTO MO PA BA AKONG SUNTUKIN? SAKTAN MO AKO!!! TUTAL DIYAN KA NAMAN MAGALING DIBA ANG MANAKIT TAPOS MANG-IWAN!!!. SIGE NA BUGBUGIN MO NA AKO!!!" pagsisigaw niya.
"Ano bang pinagkakaganyan mo?" mahina kong tanong.
"WALA KANG ALAM!" sigaw niya ulit.
"Pakiusap kuya, b-bugbugin mo na ako, y-yung mas masakit kesa sa nararamdaman ko ngayon." humagulgol na siya at puno ng luha ang mga mata.
Sa akin ba siya nagagalit? Gaano ba kalaki ang galit niya para gawin niya sa sarili niya ito.
Gusto ko na ding umiyak, pero pinipigilan ko. Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Tumahimik saglit at tanging hikbi niya lang ang naririnig ko.
"S-sa akin ka ba galit?" yun lang ang naisipan kong itanong.
Tumingin siya sa akin habang umiiling at ngumiti na parang nainsulto. Tsaka muling tinalikuran ako.
"Kausapin mo ako!!... huwag na huwag mo akong tatalikuran Jake.! Kuya mo ako!!" nainis ulit ako dahil nabastos ako sa ginawa niya.
Huminto siya.
"Oo alam ko. Kuya kita at pinsan mo lang ako. At kahit kailan ay hindi ko na mababago yun." malamig sa sabi niya.
Naguluhan ako sa sinabi niya. Naghinala ako kung ano ang ibig niyang iparating. Pero hindi ko naisip yun kahit dati.
Hindi ako makapagsalita, napayuko at nag-isip. Nagpatuloy siya
"Matagal ko ng gustong sabihin sayo ito.... Sinubukan ko dati.. Naalala mo ba yung time na pinaliguan mo ako dahil lasing na lasing ako?...."
Naalala ko yun. Yung time na sobra akong nasaktan dahil akala ko ako ang sinasabihan niya ng 'mahal na mahal kita'. Pero alam ko para kay May yun.
"Para sayo yun, pero wala akong nakitang reaksyon sa mukha mo nang tingnan kita. Kaya nagkunwari na lang ako na para kay May yun. Ayoko din mag-iba ang tingin mo sa akin at iwasan ako. Makasama lang kita ay ayos na sa akin." basag pa din ang boses niya.
Natameme ako, dahil sa mga nalaman ko.
"Sorry, pero pinilit ko namang pigilan ang nararamdaman ko para sayo. Dahil alam ko lalake ka at lalake din ako. Pero hindi eh... hindi ko napigilan. Hanggang sa dumating si Enzo. Sobra akong nagseselos noon, pero hindi ko pinapahalata sayo. Hanggang sa tuluyan ka ng mawala at nangibang bansa." garalgal pa din ang boses.
"Alam mo bang sobra akong nasaktan nun. Hindi mo man lang nagawang magpaalam. Hindi mo man lang nagawang magpakita bago ka umalis. Pakiramdam ko wala akong kwenta sayo."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
Nagpatuloy pa din siya.
"Tanggap ko naman na hanggang pinsan lang ang tingin mo sa akin. Pinilit kong huwag masaktan pero anong magagawa ko, mahal talaga kita eh at talo ako. Naisipan kong magbisyo para kahit papaano ay makalimutan ko na ang kalokohang ito."
Malayang tumulo ang mga luha ko. Sa loob ng mahabang panahon na iyon, hindi ko man lang naisip na nararamdaman niya din yun. Puro sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko alam na may nasasaktan na ako. Nasaktan ko si Jake. At dahil sa sakit na yun, nagawa niyang sirain ang buhay niya para lang makalimutan ako.
Kasalanan ko ang lahat.
Humarap siya sa akin. Pero pilit na pinapakalma ang sarili.
"Ngayon, alam mo na ang lahat. Anong masasabi mo?" nakatiingin siya sa akin.
Umiiling-iling ako at hindi makapagsalita. Puno ng luha ang mata kong nakatingin sa kanya. Sa kabila ng lahat ng nangyari, ay mahal pala ako ng pinsan ko, hindi bilang kuya kundi bilang minamahal. Sobra akong naawa sa kalagayan niya. Kung alam ko lang sana. Hindi kami aabot sa ganito. Puro sarili ko lang ang inisip ko. Napaka selfish ko.
Gusto kong magsalita pero hindi ko alam paano mag-uumpisa.
Huminga muna siya ng malalim at umiling saka tumalikod. Tuluyan na siyang nakapasok sa bahay nila.
"J-Jake" pagtawag ko sa kanya pero alam ko hindi niya narinig yun kasabay kasi nun ng pagsara ng pinto.
COMMENTS