$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 7)

Isang umaga nakatanggap ako ng notice na kailangan kong magreport sa HR kaya dali-dali akong umakyat sa 3rd Floor kung nasaan ang opisina ng HR manager namin.

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

"To help yourself, you must be yourself. Be the best that you can be. When you make a mistake, learn from it, pick yourself up and move on."

Josh

Isang umaga nakatanggap ako ng notice na kailangan kong magreport sa HR kaya dali-dali akong umakyat sa 3rd Floor kung nasaan ang opisina ng HR manager namin.

"Are you sure sir, ako ang ipapadala ninyo sa Manila?" nagtataka kong tanong sa aming HR manager.

"Mr Villanueva, pang apat ka sa kinausap ko para sa limang tao na nirequest ng Head Office pero yung tatlo sobrang excited at halos maglulundag sa tuwa nang marinig ang balita ikaw pa lamang ang may ganyang reaction."

Nakatingin lamang ako sa kanya.

"Why? Are you not happy? Promotion ito Josh at lahat ng empleyado naghahangad ng promotion, at sa Manila pa napakalaki ng opportunity mo don to expand yourself. Isa pa hindi bat taga Manila ka?"

"Sir hindi naman sa ganon, kasi less than one year pa lang ako dito, hindi po ba tayo magkakaproblema?"

"Actually Josh, isa ka sa mga nirequest nila, kaya lamang hinintay pa namin ang result ng Board Exam at ngayong Licensed Engineer ka na we have no reason to hold you here. Nakakalungkot nga lamang na ginagawa kaming training ground ng Head Office at pag may magagaling na empleyado kukunin nila kaya magsisimula na naman kaming mag train." Ang tila naghihimutok niyang kwento.

Matagal pa kaming nag usap ng HR Manager namin tungkol sa mga ilang bagay na dapat kong tapusin a pati ang pag turnover ng lahat ng accountabilities ko.

Tahimik akong nakatingin sa labas habang pinagmamasdan kung paano namin dinadaanan ang makakapal na ulap. Tulog ang apat kong kasama. Nagulat ako ng gumalaw ang ulo ng katabi ko at bahagyang iniyakap sa akin ang kanyang braso. Inayos ko ang kanyang ulo sa aking balikat.

Siya si Shayne, Hmm, sige na nga boyfriend niya ako, pero hindi ko pa tinatanggap na girlfriend ko siya. Magulo ba? Hayaan ninyo na, ganoon talaga ang set up namin. Sa harapan ng mga tao ay kami, pero alam naming dalawa na hindi pa kami umaabot sa ganoong level. Basta masaya ako at kumportableng kasama siya at ganon din siya sa akin. Mahal niya ako at alam ko naman pwedeng mahal ko rin siya. Sapat na iyon para sa amin.

Naalala ko ang una naming pagkikita.

Unang linggo ng Second Sem, Gaya ng unang sem ko, wala pa rin akong masyadong kaibigan, may mga kabatian pero wala pa yung ka-close talaga, nahihirapan akong mag adjust sa bago kong mundo. Nasa library ako noon dahil may pagitan na2 hours bago ang susunod kong subject, nakita ko ang newspaper sa harapan ko na iniwan ng kung sino mang gumamit. Kinuha ko pero may napansin akong pink na cellphone sa ilalim. Dinampot ko ito at napatawa ako dahil ang case nito ay iyong may dalawang malaking tenga ni bugs bunny, hinawakan ko sa isang tenga at itinaas nang bigla na lamang may malakas na sampal na tumama sa kaliwa kong pisngi.

"Ahhh!" iyon lamang ang nasabi ko.

"Fuck! Asshole! Hindi ka na nahiyang magnakaw kahit nasa loob ka ng library?' singhal sa akin ng isang babae.

Agad niyang hinablot ang cellphone sa kamay ko. Nasapo ko naman ang bahagi ng pisngi ko na sinampal niya. Ang sakit talaga. Namanhid yata. Hindi ako nakapagsalita una ay sa pagkabigla pangalawa ay pagkatapos akong taasan ng kilay ay agad na tumalikod.

Nang makatalikod siya saka ko lamang siya napagmasdan, napakataas ng takong niya at sexy. Lumingon pa siya saka ako inirapan at nakita ko napakaganda niya. Pero sa isip ko, demonya. Baka asawa o kaya ay kabit ni Lucifer kaya masama ang ugali. Binitbit ko ang mga gamit ko, lumabas ako sa kabilang pinto at tumuloy sa canteen. Hindi ko na pinansin ang bulungan ng mga estudyante.

Bumili lamang ako ng softdrinks para lumamig ang pakiramdam ko. Pero ang sakit pa rin ng pisngi ko. Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang mga nangyari.

Isang linggo na ang nakakalipas nag la-lunch ako sa canteen nang biglang may lumapit sa akin sabay hawak sa kaliwa kong braso. Pag angat ko ng mukha ko. Nakupo ang asawa ni Lucifer! Kinabahan ako baka kung ano na naman ang gawin ng bayolenteng babae na ito. Hindi ako makapagsalita. Pero napansin ko ang kanyang ngiti.

Napakaganda nga ng babaeng ito. Parang crush ko agad siya. Actually, nong first meeting pa lamang namin crush ko na siya. Pero hindi pwede ayokong karibal si Lucifer. Nakakatakot! tiyak na delubyo ang mangyayari sa buhay ko. Aalisin ko sana ang kamay niya mula sa pagkakakapit nang magsalita siya.

"Uy pogi sorry sa bad attitude ko sa iyo last week. Hindi ko naman alam na naiwan ko yung phone ko sa lib, akala ko basta mo na lang kinuha sa akin na hindi ko alam." Nakahinga ako ng maluwag.

"So paano mo nalaman ang totoo?" iyon na lamang ang naitanong ko.

"Sinabi ng librarian nang bumalik ako nong hapon, nakita raw niya ang lahat, Noong una hindi nga ako naniniwala pero pinakita niya ang CCTV footage kaya alam kong totoo ang sinasabi niya. Sorry ulit ha, ang rude ko talaga." Hindi ako nagsalita at itinuloy ang pagkain. Sa totoo lang nalimutan ko na rin naman iyon at nagbalik lang sa alala ko nang makita ko siya ulit.

"So ganito na lamang as a sign of peace offering sasagutin ko ang lunch mo for one week sasabayan din kita sa pagkain. Basta patawarin mo lamang ako please." Muli niyang pakiusap kasabay ng beautiful eyes at paghawak sa braso ko.

"Haist, kung hindi ka lamang maganda, o sige siguraduhin mo lamang na masarap ang pagkain mo ha, at sure ka ba one whole week?" ang nakangiti kong tanong.

"Yan, ang pogi mo talaga lalo na at naka smile ka, sure masarap yun, saka oo nga one week so okey na tayu, bati na tayo" at inaabot niya ang kamay niya.

Naisip ko sayang din yun, kahit papaano ay makakasave ako ng pambili ng pagkain. Haha, makabawi man lang sa babaeng ito. Ang sakit kaya ng pagsampal niya sa akin.

"Teka muna, hindi pa, hindi ko pa nga natitikman ang foods mo ah," at kunwari ay itinuloy ko ang pagkain.

"Hmp, pogi ka nga kaya lang ang suplado mo naman. Never mind, Sige, see you tomorrow, by the way I'm Shayne Carillo, BS Psychology First Year."

"And Im Josh Patrick Villanueva ECE, First Year din," sabay abot sa kamay niya.

Kinamayan niya ako saka iniikot ang ulo para i- flip ang buhok saka tumalikod at naglakad na animoy fashion model. Natawa na lamang ako sa ginawa niya. May sayad nga kaya talaga ang babaeng ito?

"Haay, baliw nga lang talaga siguro kaya ganon" itinuloy ko na lamang ang pagkain.

Hindi ko na rin naman inasahan ang sinabi niya. Ayus na rin yun sa akin na makipagbati sa kanya mahirap ang may kaaway, lalo pa sa lugar na wala pa akong kaibigan.

Pero nabigla ako kinabukasan nang makita ko siya sa loob ng canteen kaharap ang pagkain. Marami ang pagkain. May hiniwang lechon sa isang lagayan at nakita ko rin na may katabing Mang Tomas, may chopseuy at Fried Chicken. Mayroon ding may sabaw parang beef. May Leche plan pa. napatawa siya nang makita ang mukha kong hindi makapaniwala.

"Hoy Josh Patrick, wag ka nang mag-inarte diyan, halika na at kakain na tayo."

Tawag niya sa akin. Napalingon ang ibang kumakain sa kanya saka tumingin sa akin. Pambihirang babae talaga ito aba, iskandalosa, feeling close agad kami. Napapailing na lamang ako habang lumalapit sa kanya.

"Josh na lang please, para naman nasa recitation kapag Josh Patrick mahinang sabi ko sa kanya," napatawa naman siya.

"Ok fine Josh kung Josh, halika na, I hope magustuhan mo ang dala ko para mapatawad mo na ako."

Nginitian ko lamang siya. Mula noon ay lagi nga siyang nagbabaon at sa pagdaan ng mga araw ay naging close kami.

Nagkukuwentuhan na kami at sabay na pumupunta sa library. Pero kahit tapos na ang isang linggo ay nagdadala pa rin siya ng pagkain. Nakatapos pa ang isang buong linggo. Nang sumunod na araw ay lumabas na ako ng school at hindi na sa canteen kumain. Ayoko namang isipin niya na abusado ako sa kanya. Kaya iniwasan ko na talaga siya. Kapag nakikita ko siya ay hindi ako lumalapit para hindi niya ako kulitin.

"Huli ka!"

Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang binabasa kong libro, nasa sulok kasi ako ng library. Tinawag kami ng librarian kaya napilitan akong hilahin siya paupo.

"Ang ingay mo talaga, bakit ka ba sumisigaw?" bulong ko sa kanya.

"Kasi pinagtataguan mo ako, akala ko pa naman friends na tayo."Pagtatampo niya.

Napailing na lamang ako at itinuloy ang pagbabasa.

"Pero sa palagay mo ba hindi kita mahahanap?" At muli ay inalis niya ang librong hawak ko.

"Diba sabi ko huwag ka ng magdala ng pagkain nakakahiya kasi."

"O sige hindi na pero huwag mo na akong iiwasan ha."

Tumango ako at mula nga noon balik kulitan na kami.

Mabait ang babaeng luka na ito. Nalaman ko na taga Quezon City siya. Pulis ang tatay niya at nang madestino sa Davao ay doon nakilala ang kanyang Mommy na sumama na rin sa Manila pagkatapos makasal. Pero babaero ang Daddy niya at nauwi sila sa paghihiwalay. Nagdesisyon ang Mommy niya na bumalik na lamang sa Davao noong 4th year high school siya at doon na rin nag College. Pero may communication pa rin siya sa Daddy niya.

"O ikaw naman ang magkwento ng buhay mo?" sabay tapik sa kamay ko pagkatapos ng madamdamin niyang kwento.

"Ayoko nga, wala naman akong maikukuwento," Hindi ko talaga nakasanayan ang magkwento ng buhay ko kahit noong bata pa ako.

"Imposible namang pumunta ka dito sa Davao para lamang mag-aral, iwan ang Metro Manila at tumira dito.

"Bakit bawal ba iyon?" sarkastiko kong tanong.

"Hoy Josh Patrick, hindi ako naniniwala, alam kong may malalim na dahilan kaya ka napunta dito." ang naiinis niyang sagot sa akin.

"Hey Miss Shayne Carillo, hindi po dahil nagkwento ka ng buhay mo na akala mo yata ay pinsan ko si Charo Santos ay iisipin mo naman na anak ka ni Mel Tiangco para magsalaysay ako at ilahad sa iyo ang buong buhay ko." Balik sarkastiko ko ring sagot.

"Hindi naman sa ganon kaya lang diba close na tayo? Dapat may alam na ako tungkol sa iyo." Biglang paglalambing niya. Ang ganda nga talaga niya lalo na kapag naglalambing.

"Sorry, hindi po tayo close." Sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Sungit naman nito, pasalamat ka at gwapo ka." Mataray niyang sagot sa akin.

Sabay subo ng hawak niyang Lay's. Napangiti ako, line ko kaya iyon kay Kuya Paul.

"Salamat!" sabay nakakalokong ngiti

"Conceited!" saka ako inirapan

"Sira ka talaga, sabi mo magpasalamat ako, tapos magagalit ka, spell conceited."

"Ewan ko sa yo Josh, Hindi ka nga tao. Basta sa ayaw mo at sa gusto, best friend tayo at hindi ako naghihintay ng sagot mo."

"Luka-luka! bilisan mo at may klase pa ako, sobra ka ng makulit." Inirapan lamang niya ako saka sabay kaming tumayo.

Second year na kami nang ipagkalat niyang boyfriend niya ako.

"Haist! Ano na naman ba iyang ginawa mo, bakit mo pinagkakalat na boyfriend mo ako.?” Singhal ko sa kanya nang minsang nasa canteen kami.

"Bakit ayaw mo ba sa akin? Ang ganda ko kaya ang daming nagkakandarapa na pansinin ko lang" tumingin muna sa paligid, saka muling iginalaw ang ulo para sumunod ang buhok. Feeling yata model siya ng shampoo.

"Hindi naman sa ganon, kaya lamang hindi naman tayo ah, saka papano ako magkaka girlfriend niyan kung ang alam ng lahat boyfriend mo na ako."

"Shut up! Hoy Josh Patrick! ang kapal ng mukha mo, parang luging-lugi ka pa na girlfriend mo ako ah," Tiningnan niya ako sa mukha,

"Ano?" naguguluhan kong tanong

"Sabagay ang pogi mo nga, ang cute ng dimples mo, saka wow, ngayon ko lamang napansin, ang hot mo pala. Hmm" aktong i kiss niya ako.

"O siya, tama na, boyfriend na kung boyfriend kain na tayo at gutom na ako."

Muli naman niya akong inirapan with matching taas ng kilay.

"Magiging akin ka rin Josh Patrick. Tandaan mo iyan" nginitian ko lamang siya ng nakakaloko.

At mula nga non, naging official na naging kami sa lahat ng kilala namin. Gaya ng sinabi ko hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng girlfriend dahil sa baliw na babaeng ito. Bago ko pa lamang nagiging close ang isang babae ay lantarang na niyang ipapamukha sa kanila na hindi na ako available. Minsan ay biglang yayakap sa akin, o kaya naman ay tatawagin akong babe, at talagang ipinakikilala ako kahit sa mga teachers niya na boyfriend niya.

Noong una, nakakirita pero sanayan din lang naman pala. Nang lumaon naging ayus na rin sa akin kasi masaya naman kasama siya at isa pa sa puso ko naman ay hindi pa rin nawawala si Kuya Paul kaya naniniwala ako na sa wala rin naman mapupunta kung papasok ako sa isang relasyon. Hanggang sa naipagtapat ko na sa kanya ang tungkol kay Kuya Paul. Hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin dahil kahit naman nalaman niya na nagkagusto ako sa lalake, hindi naman ako kinakikitaan ng pagnanasa sa kapwa ko lalake. Kahit pa nga sa school namin ay napakaraming gwapo.

Hanggang maka-graduate kami ay mas lalong tumatag ang aming samahan, sabay kaming nag-apply at pareho namang natanggap agad dahil na rin siguro sa magandang reputasyon ng aming school. Noong una ay ayoko sana dahil ang balak ko ay babalik na sa Manila para harapin ang naiwan kong problema. Pero dahil na rin sa pakiusap niya na i try namin ay wala na akong nagawa. Pero hindi ko naman pinagsisihan ang desisyong iyon dahil malaking bagay para sa gaya kong fresh graduate ang matanggap agad sa ganoong malaking establishment.

"Ladies and gentlemen, we were just landed at Ninoy Aquino International Airport, Welcome to Manila. In behalf of Cebu Pacific, thank you for flying with us." Tinig na umalingawngaw sa aming pandinig.

"Shayne, Shayne, gising na,” marahan kong tapik sa kanyang balikat.

"Honey, mamaya na, ang aga pa, tulog muna tayo please." at yumakap pa lalo sa akin. Napatingin ako sa mga kasakay namin na marami ang nakatingin sa amin at nakangiti.

"Ano ba Shayne, bababa na tayo, anong gusto mo maiwan ka dito, at isama ka nila pabalik sa Davao?" natatawa kong sabi sa kanya.

Para naman siyang nagulat. Nagpalinga-linga at nang makita ang tatlo naming kasama na nakangiti sa kanya.

"Shit, wala ba tayo sa honeymoon, naman ito e ginising agad ako ang ganda ng panaginip ko nakakaasar ka nga, hanggang sa panaginip kontrabida ka. Hindi mo man lang mapagbigyan kahit don man lang." Ang nakasimangot niyang sabi habang medyo pumapadyak pa sabay kuha ng kit niya sa bag para mag retouch.

Tawanan naman ang mga kasama namin. Alam naman nila ang ugali ni Shayne pero ang alam nila ay kaming dalawa talaga.

Umuwi muna ako sa bahay namin samantalang iyong tatlo ay tumuloy sa aming pansamantalang accommodation. Si Shayne ay sa bahay din nila dumiretso. Masayang-masaya si Mommy pagkakakita sa akin. Sinadya kong hindi ipaalam sa kanya ang pag-uwi ko. Napagmasdan ko si Mommy, matanda na siya. Sobrang nanghihinayang ako dahil sa loob ng halos limang taon na hindi ko siya nakasama. Ang dami na nangyari, nag asawa na rin si Ate, mabuti na lamang at pumayag ang asawa niya na sa bahay na lamang sila tumira para may kasama si Mommy. Babawi ako sa kanya kailangan ngayong narito na ako ay maging masaya na siya.

Umakyat ako sa room ko. Haist! wala pa rin ipinagbago. Meron pala wala na ang amoy ni Kuya Paul. Sumilip ako sa bintana, tahimik ang bahay nila parang walang tao. Kumusta na kaya siya. Ang tagal na mula nang huli ko siyang makita, ano na kaya ang itsura niya? Gwapo pa rin kaya siya? May asawa na kaya siya? Mahal pa kaya niya ako? Ang dami ko ng tanong. Ako sigurado akong sa loob ng mahabang panahon na iyon, nanatili siya sa puso ko. Gusto ko ng makalaya pero hanggang ngayon narito pa rin siya, may mga gabing iniiyakan ko pa rin siya at ang ginawa kong katangahan. Kuya Paul, sana naman ayus ka lang.

Nagkwentuhan kami ni Mommy habang kumakain sobrang pasasalamat niya at nagpasya na akong umuwi. Napakasarap ng kain ko, finally natikman ko ulit ang mga luto ni Mommy isa ito sa namiss ko sa bahay namin, Hindi talaga mapapantayan ang luto ng nanay ko. Kaya lang baka kung narito ako non ay tumaba naman ako, hindi ko yata kayang magpigil ng pagkain kung ganito ang nakahain sa akin araw-araw.

"Kumusta ka na Josh, missed na missed kita. At lalo ka yatang gumwapo anak,"

"Mommy syempre naman anak mo ako e, ikaw kaya ang pinakamagandang nanay sa buong universe, natural gwapo ang magiging anak mo." Ang paglalambing ko.

Missed na missed ko na rin talaga ang Mommy ko, lalo na ang ganitong kulitan namin, saka ako lumapit sa kanya at yumakap kahit nakatalikod. Napansin ko ang marami niyang puting buhok.

"Iyan pa rin, high school mo pa sinasabi iyan ngayon graduate ka ng college at may work na iyan pa rin ba?"

"Gusto mo buong milky way pa, o buong galaxy o buong Star Wars na lang kaya" at nagtawanan kami gaya noong bata pa ako.

Kumpleto na sana ako, kung narito si Kuya Paul Haist, bakit ba kailangan pa talagang kasali siya sa mga ganitong moment. Bakit ba hindi pwedeng hindi akomasaktan sa twing maalala siya. Bakit hindi pwedeng yung masasaya na lamang ang maalala ko sa kanya. Sa loob ng bahay na ito parang sa lahat ng sulok ay alaala niya ang nakikita ko.

"Anak I'm happy nasana kasi natupad mo na iyong gusto mo at gusto namin ng Daddy mo para sa iyo. Engineer ka na at proud na proud kami sa iyo, finally makakapagpahinga na rin ang Daddy mo. Isang taon na lamang at tapos na ang kontrata niya hindi na siya babalik ng Dubai. Kaya lang anak ramdam kong hindi ka talagang happy." Malungkot niyang pagbasag sa tawanan namin.

"Ma, ano naman ba iyan, hanggang ngayon ba naman awardee ka pa rin sa Most OA award? Ilang taon na aba give chance to others" pagpapatawa ko para maiba ang usapan namin. Pero hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin.

"Si Kuya Paul mo pa rin ba?"

"Ma, please let’s not talk about him, pag pinilit mo ako , babalik ako sa Davao promise, iyon ba ang gusto mo?"

"Siyempre hindi Josh, but I want you to be happy yung totoong masaya, nanay mo ako, hindi mo ako mapaglilihiman at nasasaktan ako sa nakikita ko sa iyo.

"Ma!"

"Alam ko anak sa kabila ng mga ngiti mo alam kong may dinadala ka parin. Anak palayain mo na ang sarili mo. Its about time. Hayaan mo namang maging masaya ka ng tuluyan. Darating ang araw anak pagtatawanan mo na lamang ang lahat ng pinagdaraanan mong iyan. Huwag mong itali ang sarili mo sa dinadala mo. Maraming pang magagandang pwedeng mangyari sa buhay mo. Alam kong sinubukan mong talikuran pero walang nangyari nariyan pa rin baka mas makabubuting harapin mo na lamang. Huwag mong takasan ang problema anak dahil babalik at babalik iyan sa iyo."

Hindi ako sumagot pero tinandaan ko ang sinabi niya, baka nga panahon na para tanggapin ko ang katotohanang tapos na ang kwento namin ni Kuya Paul. Hanggang doon lamang iyon at hindi na pwedeng dugtungan pa. Masakit pero ano bang magagawa ko. Wala ngang naitulong ang limang taon para maging maayos ang lahat. Walang nagawa ang limang taon para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko kaya marahil wala ring magagawa ang kahit sampung taon pa para maging ayus ang lahat. Kailangan ko nang maniwalang hindi talaga kami ang pinili ni kupido. Pero sa kabilang banda naisip ko rin na baka nga panahon na para harapin ko siya at ayusin kung may dapat ayusin o kung talagang wala na ay saka tapusin na ng maayos ang lahat.

Isa na akong Senior Engineer, si Shayne naging HR Officer. Hindi naging madali sa amin ang bagong mundo, iba pala sa Manila, mas mataas ang competition at mas maraming intriga. Hindi mo alam kung totoo ang mga ngiti ng taong kasalamuha mo sa araw-araw. Pero dahil supportive ang mga staff namin maging ang mga bosses kinaya naman. Minsan kumakain kami.

"Hoy tulala ka na naman, namiss mo si Kuya Paul?" tanong ni Shayne.

"Kung maka Kuya Paul ka parang kilalang-kilala mo ah." Pang iinis ko.

"Ano ba Josh Patrick, sa loob ng 5 taon kilalang-kilala ko na siya. At hindi lamang kilala feeling ko nga close na kami. Wala ka namang bukam bibig kung hindi si Kuya Paul.”

"Feeling ka talaga!" pero nagpatuloy pa rin siya.

"Si Kuya Paul ang nag alaga sa akin nong maliit pa ako, nagpapakain sa akin, gumagawa ng assignments at projects ko, kasama ko nong magpatuli ako, nagturo sa akin paano kumanta, si Kuya Paul ang first date ko, first kiss ko...” tinakpan ko ang bibig niya.

"Ikaw talaga napaka taklesa mo." Naiinis kong sabi sa kanya. Inalis niya ang lamay ko.

"Totoo naman ah, pati nga amoy ng pabango ni Kuya Paul, alam ko pati paborito niyang pagkain at kulay ng damit, pati sports at oras ng pagtulog, kulang na nga lamang ikwento mo pati kulay ng brief niya e."

"O gusto mong malaman, white, white lahat underwear niya at hindi siya nagba boxer, brief lang, masaya ka na ba?" Tumitig siya sa akin saka biglang tumawa. Maya-maya ay nagseryoso.

"Basta Josh, pag dumating ang araw na tanggap mo ng hindi talaga kayo ni Kuya Paul, narito lamang ako. Alam mo naman ang contact number ko text or call lang sapat na." Napangiti lamang ako.

Bakit nga ba hindi pwedeng maging kami. Alam ko namang maraming naiinggit sa akin kapag kasama ko siya kasi napakaganda at sexy niya. Matalino at sobrang bait, medyo mataray minsan pero nasa lugar naman. Alam kong may pagtingin ako sa kanya kaya lamang magiging unfair ako kapag naging kami ganong hindi pa ako nakakawala sa alaala ni Kuya Paul. Pero gaya nga pangako ko, magiging kami oras na makalaya na ako.

Isang gabi late ako umuwi kaya naisipan kong kumain muna sa labas. Pero sana hindi na lang pala. Naalala ko lamang nang kumain kami ni Kuya Paul, after ng JS, ang aming kiss, at noon naging kami. Naiinis ako ang tagal ng dumating ng order ko nang isang babae ang lumapit sa akin. Pamilyar sa akin ang mukha.

"So finally nakita rin kita, Mr Josh Patrick Villanueva?" bati niya sa akin,

Tumayo ako. Pero napaka intimidating ng mukha niya. Kung nakakasugat ang talim niyon, baka duguan na ang buo kong katawan. Iniisip ko pa rin sino ba ang babaeng ito na napaka taray. Wala pa naman si Shayne hindi ko alam paano haharapin ang babaeng ganito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ang lalaking kinababaliwan ni Paul."

Parang biglang nagliwanang ang isip, ko si Dianne! yung babaeng nakita ko minsan sa mall kasama ni Kuya Paul. Ano naman kaya ang plano ng babaeng ito, kasal na kaya sila ni Kuya Paul. Mukha palang amasona ang babaeng ito sa malapitan, ang tapang ng mukha. Oo nga at maganda pero nakaka irita ang mukha. Haist sana naman umalis na.

"Hmm, gwapo ka nga I must admit, pero...gwapo lang."

Bwisit ano ba ang ibig niyang sabihin hindi ko maintindihan, baliw ba talaga ang mga babaeng magaganda?

"Nagtataka ka ba kung bakit kilala kita?" hindi ako nakapagsalita.

"By the way, Im Dianne, girlfriend ng Kuya Paul mo, paupo ha, as I was saying kilala kita dahil wala namang ginawa si Paul kundi ikwento ka, o isipin ka kahit magkasama kami, Kumusta na kaya si Pat, ano kaya ang ginagawa ni Pat, kumain na kaya si Pat, tatawag lang ako sa school ni Pat tatanong ko kung nakauwi na, nakatulog kaya ng maayos si Pat ako lang nagtitimpla ng milk non pag hindi makatulog, si Pat, si Pat, punyeta wala na yatang laman ang utak ng lalakeng iyon kundi Pat. Minsan nga naisip ko na ipa brain surgery ko siya at tanggalin ang memory niya" Naiirita niyang reklamo. Hinayaan ko lamang siyang magsalita.

"But just the same, akin pa rin siya. Pero ano bang ginawa mo sa taong iyon, kahit nawala ka na lamang na parang bula ikaw pa rin ang bukang bibig, nakakabaliw ito ba namang ganda kong ito hindi pa sapat kailangan pang isipin ka?"

Hindi ako makasagot hindi ko alam ang sasabihin ko.Tumayo siya.

"But don't worry, wala akong plano na makipagkaibigan sa iyo, Just wanna give you a piece of advise, huwag mo ng guluhin si Paul, bumalik ka na kung saan ka nanggaling na impyerno at uulitin ko akin lang siya." Doon ako parang natauhan. Mahinahon akong nagsalita.

"Miss Dianne, hindi tayo magkakilala, at ngayon lamang tayo nagkita, ang masasabi ko lamang, kung sa palagay mo mahal ka ni Kuya Paul, magpasalamat ka na lang, kasi sa ugali mo bibihirang tao ang magkakagusto sa iyo. Kaya ingatan mo na kung ano ang meron ka, dahil baka isang araw mawala na lang bigla nang hindi mo alam. Pasensiya na hindi ako pumapatol sa gaya mo, marami pa akong pwedeng gawin."

Nakita kong namula ang mukha niya at nanlisik ang mga mata. Aktong sasampalain ako, umiwas ako kinuha ko ang wallet ko at naglagay ng pera sa table para sa inorder ko at walang lingun-lingon na lumabas ng restong iyon,

"Bastos!" iyon ang narinig ko mula sa kanya. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakatingin sa akin habang papalabas.

Isang gabi pag-uwi ko nabigla ako nang may madatnang bisita sa aming terrace. Si Jairus at si Glen. May nakahandang alak at lechong manok sa maliit na table. Hindi ko alam kung paano sila babatiin dahil alam ko namang malaki ang pagkukulang ko sa kanila.

"Bro, bakit ganyan kang makatingin, huwag mong sabihing hindi mo na kami kilala o baka kailangang magpakilala pa kami sa iyo?" nakangiting bati ni Jairus.

Speechless pa rin ako.

"Brader, ibig mong sabihing hindi ka na nakakaintindi ng tagalog ngayon, pure Bisaya ka na ba?" ang pagpapatawa naman ni Glen.

"Ano ba kayu, siyempre kilala ko kayo nabigla lamang ako, pinaplano ko pa naman na bisitahin kayu medyo busy nga lamang." Pagpapalusot ko.

"Asus, talaga lang ha, ilang buwan ka na kaya dito, hindi mo lamang kami pinasyalan. Nagbakasakali lamang kami na matyempuhan ka, sabi naman ng Mommy mo ay nagtext ka na pauwi ka na kaya naghintay na lamang kami."si Jairus.

"Sorry talaga, marami na ang nangyari at mahirap magpaliwanag, huwag kayong mag-alala, babawi ako sa inyo."

"Talagang kailangan mong bumawi, noong nag-aaral ka sa Davao, naintindihan namin iyon, hanggang nagwork ka, pero ngayong narito ka lamang hindi pupuwede, gagabi-gabihin namin ang pagpunta dito kung hindi mo kami pupuntahan, ngayon kami pa lamang dalawa ni babe, pero sa mga darating na araw lahat kami dadayo dito."

Babe ang itinawag ni Glen kay Jairus, hindi ko binigyan ng malisya iyon kasi alam ko namang maloko talaga ang taong ito.

"Siya kumain ka muna at mahaba-haba ang pag-uusap natin don't worry may approval na ito ni Tita dahil wala kang pasok bukas at kung may date man kayu ng girlfriend mo ay kami na ang makikipag-usap na cancel muna iyon bukas dahil puyat ka," si Jairus.

Napansin yata nila ang pagseryoso ng mukha ko. Kaya lumapit sa akin saka bumulong.

"Si Kuya Paul pa rin ba?" malungkot na tanong niya.

Sa aming magkakabarkada siya lamang ang may alam ng tungkol sa amin ni Kuya Paul. Mula nang maging close kami, naramdaman ko naman ang malasakit niya sa akin. Tumingin ako sa kanya saka tumingin kay Glen.

"Huwag kang mag-alala maiintindihan ka niyan, siyanga pala bago ko malimutan 2 years na kami niyan. Isa iyan sa mga hindi mo alam na nangyare."Ngumiti naman si Glen.

Putek kaya pala tinawag niyang babe si Jairus. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon ang mga tropa kong siga sila rin pala.

"Talaga! Congrats, hindi ko naisip na pwede palang maging kayu. Hahaha, I'm happy for both of you. Kwentuhan ninyo naman ako ng nangyari sa tropa natin.

"Si Erika at last after 40 years sinagot na rin si Andrew at may plano na yatang magpakasal. Si Raven naman ayun pa rin hanggang ngayon on and off pa rin ang relasyon nila ni Kenneth, Si Jessica kasabay mo after highschool nag abroad wala na kaming balita." Pagkukuwento ni Jairus, biglang sumagot si Glen

"At si Dom at si Rex alam mo bang naging sila rin? May sarili na rin silang business."

"Talaga!, yung dalawa na parang laging magpapatayan kung mag asaran, hahaha, tingnan mo nga naman, hindi mo talaga masasabi kung ano magiging kapalaran mo."

"Iyan kasing si Kupido pag pumana hindi mo talaga ma pi predict, kahit ayaw mo minsan at parang imposible pwede palang mangyari kaya wala kang magagawa" ang parang wala sa loob na sagot ni Glen.

"Parang sising-sisi ka naman sa naging kapalaran mo ah." Ang biglang putol ni Jairus.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, napag-uusapan lamang." Paliwanag ni Glen,

"Ayusin mo kasi ng hindi ka nakaka offend. Iyan ang problema sa iyo minsan napaka insensitive mo"

"Ikaw ang madalas nagpapalaki ng issue kahit wala namang kwenta ginagawa mong big deal." Nabigla ako sa naging takbo ng usapan ng dalawa.

"Hey ano ba kayu, hindi bat kaya kayo pumunta dito ay para magsaya tayo kung ganyan din lamang kayo ay tigilan na natin ang usapang ito.Umuwi na lamang kayo at papasok na rin ako."Para namang pareho silang napahiya.Maya-maya ay nagsalita si Jairus.

"Sorry bro, ganito lamang naman kami niyan pero mahal ko iyan kahit ganyan iyan na lagi na lamang akong sinasaktan..."pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Okey na tama na iyon alam ko naman na in love kayo sa isat-isa, ingatan ninyo iyan kasi pag pinakawalan ninyo ang hirap ng bawiin pa, masaya ako at masaya kayo, sa ating sampu ako ang sinasabihan ninyo noon ng maswerte pero hindi ko na alam ngayon kung maswerte nga ba ako o naging tanga lamang ako kaya umabot sa ganito."

Marami pa kaming napagkwentuhan at nangako akong bibisathin ko talaga sila isang araw.

Nalulungkot akong pati sila ay nadamay sa pag-iwas ko kay Kuya Paul. Kaya tama nga lamang na puntahan ko sila dahil maganda naman ang pinagsamahan namin. Alam naman nilang mahina ako sa pag-inom kaya halos silang dalawa rin lamang ang umubos ng dala nila.

At hindi ko naman sila binigo nang sumunod na weekend ay pinuntahan ko sila at nag reunion kami kahit kulang kami ng isa. Si Jessica, siya pa naman ang pinaka kwela sa aming lahat.

Pero sadyang mapagbiro ang pagkakataon.Pauwi na ako isang gabi papalapit ako sa aking sasakyan nang biglang may humarang sa akin na tatlong lalake. Hindi ko sila kilala at wala naman akong matandaan na nakaaway. Agad akong hinawakan sa magkabilang kamay ng dalawang lalake bago pa ako makapagtanong. Kahit maliwanag naman sa bahaging iyon ng parking lot hindi ko pa rin mamukhaan ang nakahawak sa akin.

"Teka, ano bang ginagawa ninyo, ano bang atraso ko sa inyo. Bitawan nga ninyo ako, nasasaktan ako ano ba," sigaw ko sa dalawang lalake na mahigpit na nakahawak sa akin.

Nang biglang sa kung saan ay may narinig akong boses ng babae.

"Matapang ka nga palang talaga, kahit alam mong wala ka ng magagawa lumalaban ka pa rin." Nang matamaan siya ng liwanag, nakita ko ang mala amasonang mukha ni Dianne.

"Ikaw, bakit mo ito ginagawa ano bang kasalanan ko sa iyo?" sigaw ko na sa kabila ng takot ay kailangang huwag akong magpahalata.

Subalit paglapit niya sa akin ay isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwa kong pisngi halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya.

"Para iyan sa pambabastos mo sa akin sa restaurant, baka akala mo nalimutan ko na iyon." Ang matapang niyang sagot, magsasalita pa sana ako, pero isa na namang sampal ang naramdaman ko.

"Para sa ilang taong pagbalewala sa akin ni Paul dahil sa iyo." Mas malakas ang sampal na iyon kaya halos mabitawan ako noong nakahawak sa akin. Napapaiyak na ako sa kawalan ng magagawa.

"Boys, kayo na ang bahala diyan, kung kailangang lamugin ninyo ang katawan, gawin ninyo masakit na ang kamay ko mauuna na ako sa inyo." Iyon lamang ang narinig ko at tumalikod na siya.

Isang malakas na suntok ang naramdaman ko mula don sa pangatlong lalake na hindi nakahawak sa akin. Parang umikot ang buuong paligid, Tuluyan na akong napaluhod sa semento pero patuloy pa rin ang pagsuntok nila sa akin. Hindi ko na alam kung saan-saan tumatama ang suntok nila, May tadyak, suntok at kung anu-ano pa. Wala na ang sumusuntok sa akin pero hinang-hina ako at hindi makatayo. Hanggang napahiga ako sa semento at nagdilim ng tuluyan ang aking paningin. Nanatili akong nakahiga at naramdaman kong may naglalapitang mga tao. Pero bago ako tuluyang nawala sa ulirat narinig ko ang isang pamilyar na tinig.

"Patrickkkk" hindi ako sigurado baka nagha-hallucinate ako parang boses iyon ni Kuya Paul.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 7)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 7)
Isang umaga nakatanggap ako ng notice na kailangan kong magreport sa HR kaya dali-dali akong umakyat sa 3rd Floor kung nasaan ang opisina ng HR manager namin.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/03/ang-tangi-kong-inaasam-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/03/ang-tangi-kong-inaasam-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content