By: Gabriel Magandang araw dear readers. Matagal na akong nagbabasa ng mga published stories dito sa site na ito. Hindi iilang beses na b...
By: Gabriel
Magandang araw dear readers. Matagal na akong nagbabasa ng mga published stories dito sa site na ito. Hindi iilang beses na binalak ko rin na magsend ng story pero napangungunahan ako ng hiya. Ako si Gabriel, 32 at kasalukuyang nagtatrabaho sa gitnang silangan. Halos magaapat na taon na rin ako dito. Ang kwento ko ay tungkol sa una at sana’y huling lalaki sa buhay ko, Si Jacob. At ito ang aming kwento. Ang mga pangalan ay sadya kong pinalitan ngunit ang mga pangyayari ay hango sa tunay na mga pangyayari.
Taong 2009 ng magsimulang mag-iba ang landas ko. Mula sa pagiging good boy at subsob sa trabaho ay naging happy go lucky. Ito ang mga panahon na nagluksa ako sa pagkamatay ng anak ko. 2008 ng maging katrabaho ko si Jessica. Maganda, sexy, matalino at mukhang galing sa kilalang pamilya. Ilang lingo makaraan ay nakapalagayan ko ng loob si Jessica. Masaya siya kausap. May sense. Maraming pangarap sa buhay.
Isang gabi ay hindi sinasadyang nagkita kami sa isang party ng isang common friend. Halos marami rami na syang nainom ng dumating ako kaya naman medyo wild na at nagiging emotional na. Nalaman ko na kakabreak lang nila ng boyfriend nya. Bilang ititnuturing kong kaibigan, gusto ko syang protektahan ng gabing yon. Kaya inaya ko na syang umalis ng party at nangakong ihahatid na lamang sa bahay nila.
Magisang naninirahan si Jessica sa isang apartment sa pasig. Inihatid ko sya hanggang sa knyang silid. Nais ko na sanang umalis pero pinigilan nya ako at nagulat na lang ako sa sunod nyang ginawa. Agad niya akong hinalikan at hinawakan ang aking paglalaki. Nasa katinuan ako pero hindi ko magawang tumanggi. Nararamdaman ko na ang init sa buo kong katawan at ano mang oras ay hindi na ako makakapagpigil pa. Hangang sa unti unti na nyang hinubad ang kanyang kasuotan.
Kinalunesan ay parang walang nangyari sa amin ni Jessica. Gusto ko syang kausapin tungkol doon pero parang umiiwas siya sa tuwingmagkakaron ako ng pagkakataon na lapitan siya. Hanggang sa lumipas ang mga linggo.
Isang umaga ay lumapit sya sa aking at itinanong kung pwede ba nya akong makausap. Doon ko nalaman na buntis siya at ako ang ama. Hindi ko alam ang gagawin ko pero nangingibabaw ang kagustuhang panagutan ko siya. Pero iba ang gusto nya. Gusto nyang ipalaglag ang bata. Tumanggi ako at noon din ay inalok ko siya ng kasal. Pero ayaw nya. Hanggang sa nakumbinsi ko rin siyang ituloy ang pagbubuntis. Kinailangan rin niyang magresign upang makaiwas sa tsismis.
Pero hindi doon natapos lahat. Nakilala ko ang mga magulang ni Jessica at katakot takot na panlalait ang tinanggap ko galing sa kanila. Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng tawag mula sa pinsan ni Jessica. Dinala raw si Jessica sa ospital at Kailangan akong pagpunta roon. Sa kalagitnaan ng gabi ay binagtas ko ang daan papunta sa Lucena. Maguumaga na ng makarating ako at halos patayin ako sa suntok ng ama ni Jessica kung hindi lang ito pinigilan ng kanyang ina. Nalaman ko na nanganak na si Jessica. Paano? 7 buwan pa lamang sinag nagdadalang tao? Hindi na ako naghintay ng sagot at tinungo ko na ang nursery. Halos manlumo ako sa nakita ko. Napakaliit na angel. May mga wires na nakakabit at kailangan ilagay sa incubator si baby.
Hindi rin nagtagal ay binawian ng buhay si baby. I named her Angela. Ilang araw pa ang lumipas at naillibing na si baby. Nabayaran ko na rin lahat ng hospital bills at ilang naging gastusin . Pagkatpos noon, walang paalam akon umalis at bumalilk sa maynila. Ilang araw din akong hindi lumabas ng bahay at hindi pumasok sa opisina. Hangang isang araw ay nagtungo ako sa office para magresign. Naintindhan naman ako ng Boss ko at kahit walang notice ay pinayagan na nya akong tuluyang umalis.
Tulog sa araw, gising sa gabi. Gabi gabing laman ng bar kapiling ang alak. Nariyang nadukutan na ako dahil sa kalasingan. Hanggang isang gabi, nakilala ko si Jacob.
“Pare, okay ka lang ba?” Tanong ni Jacob ng makita nya ako isang gabi na umiiyak sa isang bar. Kasama nya noon ang mga kabarkada nya na galing pang ibang bansa.
“Ayos lang ako pare”. Sagot kong hindi man lang tumingin sa knya.
“Okay, pare. Sabi mo e. Ako nga pala si Jacob”.
“ Gabriel o Gab for short”. Sabay lahad ko ng palad ko.
Nagkuwentuhan din kami ng mga ilang minuto. Maya maya pa ay sinabihan ko na siyang bumalik sa mga kabarkada nya at baka hinahanap na siya.
“Nice to meet you Gab. Ingat ka at wag magpakalasing”.
Tango lang ang tanging naisagot ko kay Jacob.
Makalipas ang ilang oras ay naroon pa rin ang grupo ni Jacob. At ako, nagiisa pa rin. Marami rami na rin ang nainom at medyo tinatamaan na ako. Kaya nagpasya na akong umalis. Pero sa pagtayo ko ay naoff balance ako at natabig ko ang mga bote sa lamesa. Nakita iyon ni Jacob at dali daling lumapit at inalalayan ako.
“Pare, lasing ka na. Saan ba ang bahay mo at ihahatid na kita”. Habang nakaalalay si Jacob sa akin.
Kahit naman alam ko pa ang nangyayari noong gabi na yon ay parang mas nangingibabaw ang nararamdaman kong hilo. “Jan lang, sa may SM North”. Nagaalangang sagot ko.
“Saan doon? Doon din ang uwi ko”. Ganting sagot naman ni Jacob.
“Sa likod lang”.
“ Halika na at ihahatid na kita”.
“Huwag na. Bumalik ka na sa mga kasama mo. Kaya ko ang sarili ko”.
Pero lintik na mga paa ito bakit hindi dumiretso ng lakad. Kaya naman wala na rin akong nagawa ng kasama ko na rin siyang sumakay ng taxi.
“Okay ka lang ba?”. Huling sallitang natatandaan kong sinabi nya bago ako nakatulog ng tuluyan sa sasakyan.
Itutuloy.............
COMMENTS