$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Una at Huli (Part 2)

By: Gabriel Salamat admin sa pagpost agad ng aking kwento.  Heto na ang ikalawang bahagi ng kwento. Sana ay magustuhan ninyo.  Disclaimer:  ...

By: Gabriel

Salamat admin sa pagpost agad ng aking kwento.  Heto na ang ikalawang bahagi ng kwento. Sana ay magustuhan ninyo.  Disclaimer:  Ang mga pangalan ay sadyang pinalitan bagama’t ang mga kaganapay ay hango sa tunay na mga pangyayari .

“Okay ka lang ba?”.  Huling sallitang natatandaan kong sinabi nya bago ako nakatulog ng tuluyan sa sasakyan.

Nagising ako sa ilang mahinang pagtapik sa aking balikat.  Halos ayaw ko pang magmulat at ituloy ang pagtulog.  Pero hindi ako kompportable sa pwesto ko.  Halos basa na ako ng pawis.  Nahihilo at parang anumang oras ay ilalabas ko ang anumang nasa kinain ko ng gabing iyon.

“Manong, sa tabi na lang ho”.  Boses ng lalaki kasama ko sa sasakyan.  Hindi pa rin ako nagmumulat ng mga mata at pilit inaalala ang mga nangyari bago ako napunta sa sasakyang iyon.  At sino ang lalaking kasama ko?  Hilong hilo man ay pilit akong nagmulat.  Isang maamong mukha ang tumambad sa akin.  Nagaalala.  Naalala ko na.  Si Jacob. Nagpumilit nga pala itong ihatid ako.  Luminga ako sa paligid.  Hindi ako pamilyar sa nakita ko. Hindi ito ang daan patungo sa amin.

“Nasaan na tayo?” Nagaalalang tanong ko.

“Sa bahay na muna tayo.  Gusto sana kitang ihatid sa inyo kaso ay tulog na tulog ka.  Hindi ko alam ang bahay mo.  Okay ka lang  ba?”

“ Ayos lang ako.  Pero gusto kong umuwi”.  Pagpipilit ko kay Jacob.

“ Sige, kaya mo bang umuwi pa? Sabi mo’y malapit ka lang sa may SM North.  Nasa may likuran bahagi lang tayo kaya panigurado ay malapit ka lang dito.  Ihahatid kita”.

Tumango lang ako at sinabi ang direksyon.  Agad namang pinaarangkada ng driver ang sasakyan matapos marinig ang lugar na sinabi ko.  Maya maya pa ay nasa labas na kami ng gate.   Dudukot pa lang ako ng pera sa wallet ko ay agad na nagabot ng pera si Jacob sa driver.  Pagkatapos ay agad na bumaba at inalalayan akong makababa.

“Okay na ako. Salamat”.  Pagpapasalamat ko kay Jacob.

“Sigurado ka?”

“OO”.

Mabuti na lamang at hindi pa nakakalis ang taxi kaya naman iyon din ang sinakyan ni Jacob pauwi.  Pero bago ito sumakay ay may iniabot siyang maliit na papel.  Calling card.  At saka tuluyan na itong sumakay.  Ako naman ay pumasok na at agad na humilata sa kama.  Hindi na ako nakapagbihis at tuloy tuloy nang nakatulog.

Kinaumagahan ay maaga pa rin akong nagising.  Medyo masakit pa rin ang ulo ko.  Pinilit kong bumangon at maligo ng sa gayon ay mabawasan ang sakit ng ulo na nararamdaman.  Habang nagkakape ay napadako ang tingin ko sa isang papel na nasa ibabaw ng lamesa. 
Jacob Joseph Salcedeo, Manager, xxxx Travel & Tours.  Basa ko sa nakasulat sa calling card.   Pinagisipan ko kungmagtetext ba ako o hindi.  Pero sa huli ay isinaisantabi ko muna ang card.

Ginugol ko ang buong maghapon sa pagtulog.   4pm na nang magising ako.  Nadaanan na naman ng mga mata ko ang calling card kaya minabuti ko nang magsend ng message kay Jacob.

“Hi. This is Gabriel. The guy from the bar.  Thank you pala sa paghatid”.  Panimula ko. Ilang minuto rin akong naghintay bago ako nakatangap ng reply.

“Wala yon pare, okay ka na ba?”

“Okay naman na.  Nakabawi na. ”.

Maya maya pa ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Jacob. Noon ay nakapagpalagayan na kami ng loob.  Nalaman ko na 35 years old na siya, binata at may isang anak at tubong tarlac.  Nagkataon na may meeting siya sa maynila at pagktapos ng meeting ay nagkayayaan sila ng barakda na magpunta sa bar at doon na nga kami nagkakilala. Ang kanyang tinutuloyang apartment sa QC ay pagmamayari ng kapatid na nasa Dubai.  Hindi rin niya alam kung bakit ganun na lamang ang kagustuhan niya na makailala ako. Straight si Jacob. At ako rin sa pagkakaalam ko.  Pero parang may connection kaming dalawa na hindi namin maintidihan ng mga oras na iyon. 

Lumipas ang mga araw. Unti unti ay nakaramdam ako ng pagkabagot at hinhanap hanap ng katawan ko ang paggising sa umaga at pagpasok sa opisina.  Patuloy pa rin ang tawagan at pagpapalitan namin ng mensahe ni Jacob.  Mas madalas ay siya ang tumatawg para kumustahin ako.  Isang beses na rin kaming lumabas ng minsang bumalik siya sa maynila. 

Ilang araw pa ang pinalipas ko at minabuti ko nang maghanap na muli ng trabaho.  Sa kabutihang palad ay nakahanap agad ako na mapapasukan.  Isang korean Construction firm sa Ortigas.  November na noon.   Naging busy kami pare sa aming mga trabaho.  Ako sa bago kong trabaho at siya sa mga travel and tours na kinicater ng kanilang company.

Isang linggo bago magpasko ay nakatangap ako ng message mula kay Jacob.  Asa ortigas raw siya at kung pwede akong makita sandali.  Sinabi ko ang building na aking pinagtatrabahuhan at maya maya ay tumawag na siya para sabihing nasa baba na siya.  Agad naman akong bumaba at hinanap siya. 

Ramdam ko ang excitement nyang makita ako at ganun din ako sa kanya.  Kung pwede lang sanang magtagal ang pagkikita na yon ay ayaw ko na sanang matapos agad.  Pero kailangan rin niyang bumalik sa tarlac.  May iniaabot siyang paper bags sa akin noon. 

“Ano to?”  Takang tanong ko.

“Merry Christmas. Mamaya mo na buksan.  Binigay ko na ang regalo ko baka hindi na ako makabalik ng maynila bago magpasko”.  Paliwanag nito.

“Oh. Thank you. Nagabala ka pa.  Sa susunod na lang yong regalo ko ha”.  Nahihiya kong sabi.

Di na nagtagal at nagpaalam na rin si Jacob.  Ako naman ay bumalik na sa office at agad agad kong binuksan ang mga paper bags.  2 pairs ng sapatos ang laman.  Isa doon ang sapatos na ilang beses ko nang binalikan sa mall.  Agad akong nagmessage sa kanya.

“Thank you so much sa regalo.  Sobrang naappreciate ko.”

“You’re welcome.”

Araw araw, gabi gabi kaming magkausap.  Siya ang unang bumati sa aking ng pasko at bagong taon.  Masaya ako sa kung anong mayroon kami ni Jacob.  Kahit hindi malinaw. Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga.  Pareho kaming lalaki at nagsisimula na akong kwestyunin ang nararamdaman ko para sa kanya.  Pilit kong isinasaisantabi ang isiping iyon. Masarap sa pakiramdan na may nagaalaga at nagaalala para sa’yo. 

Matapos ang bagong taon ay nalaman ko na pupunta siya sa Thailand para sa ilang araw na tour kasama ang pamilya at mga kaibigan.  Ilang araw din daw siyang hindi makakapagtext sa akin.  Pero may isa siyang request.  Sa loon ng ilang araw na wala siya ay isusulat ko sa isang journal ang lahat ng nangyari sa akin at gusto niyan mabasa pag-uwi niya.  Nagtataka man ay umoo na lamang ako.

Dumating ang araw ng pagalis nila.  Bago tuluyang lumipad ang eroplano ay tinawagan ako ni Jacob. Sinabi ang mga bilin at ang request niya.  Nangakong pipiliting makatawag araw araw.  Itinago ko ang tuwa na naramdaman ko sa mga sinabi niya.  Pakiramdan ko ay napakaespesyal ko kay Jacob. 

Araw araw nga ay tumatawag si Jacob sa akin.  Nangungumusta at nagbaballita ng mga nangyayari sa kanila sa Thailand.  Kung paanong nahihiling niya na sana ay kasama nya ako.  Kung paanong ang makausap ako ay isa sa mga bagay na kumukompleto sa araw niya.  Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano.  Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagusbong na nararamdaman ko para kay Jacob.  May takot ako.  Bago sa akin ang pakiramdam pero masaya ako.  At sana ganun din siya sa akin.

“Gab, pauwi na kami bukas. Magpapaiwan ako sa maynila. May mga aasikasuhin lamang ako.  Pwede rin ba tayong magkita?  - Isang gabi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Jacob.

“Sure. See you tomorrow”. Hindi ko na naitago ang saya sa boses ko.

Itutuloy.......

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Una at Huli (Part 2)
Una at Huli (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg9ca7oy7g7FpnzWubr65zGPaFzODF8uN_zWzPmlhAS6iCk-kbEb5l42acMOyPxp3v_vEgBkCiMcl5Z9RFgv2w2OR2dcesuMkDf3Xv93x1JfN1j-WoWh2Kv1iqFOso8Wkdwtc_ljmfZRJby/s400/17333839_217487338728544_5851953976580243456_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg9ca7oy7g7FpnzWubr65zGPaFzODF8uN_zWzPmlhAS6iCk-kbEb5l42acMOyPxp3v_vEgBkCiMcl5Z9RFgv2w2OR2dcesuMkDf3Xv93x1JfN1j-WoWh2Kv1iqFOso8Wkdwtc_ljmfZRJby/s72-c/17333839_217487338728544_5851953976580243456_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/03/una-at-huli-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/03/una-at-huli-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content