$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

A Beautiful Artifice (Part 4)

Gusto ko na namang maiyak, ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

By: Joshua Anthony

Matapos ng gabing ‘yon ay hindi na namin muli pang pinag-usapan ang tungkol kay Cha.

Nagpasya rin ako na kausapin ng maayos si Cha patungkol sa kung ano man ang iniisip niyang mayroon kami. Hindi naman naging madali kay Seb ang kalimutan siya kaya hindi niya rin talaga lubusang nilayuan si Cha.

Siniguro ko naman kay Seb na ayos lang iyon sa akin. Inisip ko na lang na iyon rin ang nakakapagpasaya sa kanya.

Madalas ko silang nakikita na magkasama sa school. Ilang gabi na rin niyang inihahatid si Cha sa kanilang tahanan na siyang dahilan kung bakit hindi na rin kaming sabay ni Seb pauwi. Maging sa pagpasok, madalas, ay nauuna na lamang ako sa kanya. Pagbibigay-daan na lang din dahil alam ko naman na nililigawan na rin talaga niya si Cha.

Marahil ay ayos na rin naman talaga ‘yun. Kinakailangan ko na rin kasing bawasan ang pagdepende kay Sebastian. Para rin naman iyon sa aking kapakanan, inisip ko na lang.

Hindi na rin kami palaging nagkakausap ni Seb. Oo, may mga usapan pa rin kami sa gabi bago matulog o kaya naman ay kapag nagkakasama sa school, ngunit hindi na katulad ng dati. Naging madalang na. Hindi na rin kasing personal katulad noon.

Napagkasunduan namin na magpunta na lamang sa beach resort sa Batangas na pag-aari ng pamilya ni Brett para sa aming sembreak at maglibang-libang doon ng tatlong araw.

Katulad last year, kasama rin namin ang ilan naming mga kaibigan sa school. Wala naman akong ibang maisama rin kundi ay sina Maddie, Marky, at Zeke lamang. Ang alam ko naman na isasama ni Seb ay ang mga kaklaseng sina Raya, Brett (na pinsan nga ni Marky), at Jerry na isasama rin ang kanyang girlfriend na si Natalie.

Dahil sa siyam nga kami ay isang malaking van nina Zeke ang aming napag-usapang gamitin at si Zeke na rin ang siyang magmamaneho.

Gabi bago ang aming paglarga papuntang Batangas ay nagpasya akong kina Zeke na lang din magpalipas ng gabi at dalhin na rin ang aking gamit.

Bilang pampalipas-oras ay kinuha ko na muna ang aking ukulele at kumanta-kanta. Mga kantang kino-cover ni Steffan Argus ang aking madalas na kantahin. Gusto ko kasi ang boses niya dahil ganoon din ang tunog ko kapag kumakanta.

“Autumn Leaves” ni Ed Sheeran ang huli kong naiisipang kantahin.

Is it that it’s over Or do birds still sing for you?

Matapos noon ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin. Habang nag-aayos ay napunta naman ang aking paningin sa mga bagay na nakadikit sa pader ng aming kwarto. Ang ilan sa mga iyon ay mga posters ng bandang aming madalas na pinapakinggan ni Seb simula pa noong high school.

Nakadikit din doon ang ilan naming mga litrato; ang ilan ay kaming dalawa lang, ang iba ay kasama ang aming mga pamilya o ibang kaibigan.

May isang malaking litrato sa gitna ng lahat ng iyon. Litrato namin ni Seb kasama ang aming mga pamilya na kinunan noong kami ay nagtapos ng high school. Nakaakbay sa akin si Seb at ginugulo ang aking buhok habang suot ni Papa at ni Tito Lance ang toga namin na isinusuot sa ulo. Sina Mama at Tita Liza naman na nasa magkabilang dulo ay mga nakangaga at nakatingala dahil sa kakatawa.

Sa kabilang dako ng pader ay naroroon ang isang tula na aking isinulat at isinumite sa aking paboritong manunula online na si Atticus.

“Does the sun promise to shine?

No, but it will.

Even behind the darkest clouds, it will.

And no promise will make it shine longer

or brighter,

For that is its fate—to burn

until it can burn no more. …”

Muli, nakaramdam ako ng kalungkutan. May mga pagkakataon talaga na bigla na lang mananadya ang kapalaran at bigla kang pagdidiskitahang palungkutin.

“So, to love you is not my promise,

It is my fate—to burn for you

Until I can burn no more.”

Bigla ko na lang naramdaman na naluha na pala ako. Naalala ko ‘yung dati. Yung pangungulit niya sa akin na madalas kong ikinaaasar. ‘Yung sabay naming pag-alis at pag-uwi.

‘Yung kami lang ni Seb; kami lang lagi.

Nawala ang atensiyon ko roon dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Bigla kong pinunasan ang aking mga mata gamit ang bukana ng aking damit pang-itaas. Nagtext pala si Seb na paakyat pa lang daw siya sa condo. Marahil ay nasa parking area na ‘yon. Ganoon naman siya palagi. Nagtetext na paakyat na pagtapos makapag-park ng sasakyan.

Kinuha ko rin ang aking ukulele at ipinasok ito sa kanyang case bago inilapag sa tabi ng aking sapatos na akin ding dadalhin.

Maya-maya pa ay narinig ko na rin ang pagbukas ng pinto mula sa kwarto.

“Yo, bro!” pagtawag niya mula sa labas ng kwarto.

Sasagot na sana ako nang biglang may narinig ako na ibang boses na kausap niya. Boses ni Cha. Inilapag ko na muna sa aking malaking bag ang hawak-hawak na mga damit at binuksan ang pinto palabas ng kwarto. Hindi nga ako nagkamali at si Cha nga iyon. Nakikita ko kung papanong natataranta si Seb na asikasuhin ang bisita niya.

“Upo ka na muna diyan. Make yourself at home!” sabi niya kay Cha.

Agad naman niya akong nakita at nilapitan. Nginitian ako Cha habang papaupo sa couch na ginantihan ko rin naman ng isang ngiti. Napansin ko rin ang isang malaking bag na nasa tabi niya.

“Sama siya bukas?” tanong ko kay Seb.

“Ah, oo. Nakalimutan ko yatang sabihin sa’yo.” sagot niya sa akin at umiiwas sa aking mga mata. “Kina Zeke ka ngayon, diba?” pag-iiba niya ng usapan.

“Oo. Para deretso na rin.” sagot ko bago nagtungo sa ref upang kumuha ng isang bote ng inumin. “Kita na lang tayo bukas, pre. ‘Wag kayong male-late ah.”

“Oo naman.” sambit niya.

“Your place looks nice.” biglang singit ni Cha.. Inilibot-libot niya ang kanyang paningin sa condo. “And too neat for bachelors like you two!”

Natawa lamang si Seb at umakbay sa akin habang umiinom ako. Kailan ba ang huling beses na inakbayan ako ng tukmol na ‘to?

“Nako, oo.” pagsagot niya. “Eto kasing komander ko tinotopak kapag makalat.” pang-aasar niya at kinuha ang boteng hawak ko upang uminom din.

Nangisi na lamang ako. “Welcome, Cha.” panimula ko kay Cha. “Kumain na kayo?”

“Yeah. We ate dinner before coming here.” sagot naman niya.

Matapos uminom ay nagtungo si Seb papuntang kabilang kwarto. Sa kwarto nila Tita Lisa. “Ayusin ko lang muna dito para makapagpahinga ka na rin.” aniya.

Dahil kami na lang ni Cha ang naiwan sa sala ay nagpasya akong manatili rin muna doon. “Ang ikli lang ng sembreak ngayon, no?”

“Oo nga eh.” pagsang-ayon niya. “Pero ayos na rin kesa naman walang bakasyon, diba?”

Tumawa na lamang ako ng mahina at napakamot ng ulo. Kahit na may kaunting sakit akong nararamdaman dahil sa paglago ng relasyon nila ni Seb, hindi ko rin naman maipagkakaila na masaya ako dahil kahit papaano ay maayos ang pakikitungo namin ni Cha sa isa’t isa.

“So, ikaw na lang ang gumising bukas diyan kay Seb ha?” sabi ko. “Baka kasi late na magising. Pero usually, maaga naman talaga ‘yan si Seb gumising.” pagpapatuloy ko.

Narinig pala ni Seb ang aming usapan mula sa kwarto ng mga magulang niya at sumigaw, “Hoy, hindi ako tulog-mantika katulad mo.”

Natawa kami ni Cha sa narinig namin na iyon.

Maya-maya pa ay bumalik na si Seb sa kinaroroonan namin ni Cha. “Don’t worry, I’ll ring your phone tomorrow morning para magising ka. Don’t turn your phone into silent mode, though.” sabi niya.

“Alarm clock ka pala dito, Seb?” natatawang sabi ni Cha sa kanya.

“Hay nako! Eto kasing si Chard, night owl.” umupo siya sa tabi ni Cha. “Zombie. Nocturnal.” May patirik-tirik pa ng mata na nalalaman ang halimaw.

“Bahala na nga kayo diyan.” pagpapaalam ko sa kanila. “Kunin ko na lang gamit ko tapos alis na rin ako.”

Pagdating kina Zeke ay pansin niya agad ang tamlay ko at kawalang-gana sa mga ikinukwento niya. Naisipan muna namin na tumambay sa balcony nga kanilang second floor at kumain ng mga chips.

“Huy!” pagtawag niya matapos ako batuhin ng corn chips na kinakain niya. “Anong problema? ‘Wag mo sabihing buntis ka?”

“Gago!” dinampot ko ang kanyang ibinato na napunta sa sahig malapit sa paanan ko at initsa iyon sa basurahan sa tabi niya.

“Ano nga?” pangungulit niya. “Si Seb ‘yan, for sure.”

Nginitian ko siya at ipinatong ang mga paa sa maliit na mesa sa tapat ng aming mga upuan. “Si Cha kasama pala bukas.” panimula ko. “Andun siya ngayon sa condo. Dun matutulog.” mahina kong dagdag.

Napabalikwas naman sa Zeke at umupo ng maayos. Inilapit niya rin ang kanyang mukha sa akin. “Magse-sex siguro sila.” pang-aasar pa nito sa akin.

Bigla ko siyang inambahan at bigla siyang sumandal muli sa kanyang upuan at tumatawa.

“Sira-ulo talaga ‘to si Sebastian, pare. Sila na ba?” tanong niya sa akin.

“Malay ko.” maikli kong sagot sa kanya.

“Gago, umamin ka na kasi. Ilang beses na kitang sinasabihan diyan eh.”

“At ilang beses ko na ring sinasabi na hindi ko nga kaya.” tumayo ako at lumapit sa mga moog ng kanilan balcony. “Isang araw, masasabi ko rin naman ‘to sa kanya. Hindi pa nga lang sa ngayon.”

“Well, bilis-bilisan mo lang. Baka mas lalo kang masaktan at magsisi sa bandang huli.” seryoso niyang sagot sa sinabi ko.

Napatingin ako sa langit, sa mga bituin. Naalala kong muli ang ningning ng kanyang mga mata noong ibinalita niya sa akin ang unang beses na nilapitan siya ni Cha. Noong akala niya ay may interes na sa kanya ‘yung babaeng ‘yun.

Inisip ko na ngayon ay nagbubunga na nga ang lahat ng panunuyo niya kay Cha. Masaya siya, lalo na ngayon na nakita niyang ayos naman ako sa kanilang dalawa.

Ayos ako dahil hindi naman niya alam kung ano ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.

“Ayos lang ako.” bulong ko sa sarili. “Ayos na ang ganito.”

Hindi ko pa lubusang naimumulat ang aking mga mata ngunit hinahanap ko na ang aking cellphone. Tumutunog kasi ito ng malakas. Tulad ng ipinangako ay tumatawag nga si Seb upang marahil ay gisingin nga ako.

“H-hello.” mahina kong sabi sa linya.

“HELLOOOOOOO!” malakas nitong sigaw mula sa kabilang linya.

Agad ko namang inilayo ang aking cellphone mula sa aking tainga dahil sa lakas. “Bwisit.” sambit ko at muling ibinalik ang cellphone sa tainga. “Sebastian, ang aga pa! Wala pang 3AM oh.”

Natawa lang siya. “Gising na, boy. Ang kupad mo pa naman kumilos.”

“Ikaw ang makupad, gago. Tulog muna ako saglit.” pakiusap ko.

“Hindi pwede!” pagbabawal niya. “Bangon na, Chard. Wag na matigas ang ulo, para ka na namang bata eh.”

“Matutulog lang, bata agad? Iba ka rin eh.” sagot ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.

“Basta bumangon ka na at mag-toothbrush. Baho ng hininga mo eh.” pang-aasar pa nito. “Abot dito. Baho!”

“Ulol!” bigla kong sagot. “Sige na.”

“Sige. Bumangon ka na ah. Sapak ka sakin!” pagbabanta pa niya,

Bigla ko na lang ibinaba ang cellphone ko at naghikab ng napakalakas at nag-unat ng katawan habang nakahiga pa rin.

Nakapikit pa rin ang aking mga mata, iniisip kung may nangyari kaya sa kanila noong gabing iyon. Sino bang niloko ko? Malamang meron. Kilala ko si Seb, hindi niya rin mapapalampas ang ganoong mga pagkakataon.

Napapabalik na ulit ako sa pagtulog nang biglang pumasok si Zeke ng kwarto kung saan ako natutulog at biglang binato ako ng tuwalya matapos buksan ang ilaw.

“Huy, gumising ka na!” bungad niya. “’Yung boyfriend mo, este bestfriend mo, tinawagan ako at pinapabangon ka na dahil paniguradong hindi pa rin daw bumabangon diyan.”

“Alam mo ikaw, Ezekiel, isa ka ring panira ng buhay eh. Gising na ‘ko kanina pa, pre. ‘Wag kang ano diyan.” sagot ko sa kanya.

Alas-kwatro ng madaling-araw kami umalis ng baha ni Zeke. Sa passenger’s seat ako nakapwesto at gaya nga ng napag-usapan ay siya ang magmamaneho. Nagprisinta rin naman si Brett na humalili sa kanya kung sakaling napapagod na siya.

Sa Starbucks malapit sa school na lang kami nagpasya na magkita-kita upang makapag-almusal na rin muna kami doon. Mabuti na lamang at 24/7 iyong bukas at kilala namin ang ilan sa mga nagtatrabaho roon.

Sina Marky, Brett, at Maddie ang pumwesto sa likod namin ni Zeke. Samantalang ang sa likod naman nila ay sina Jerry, Natalie, at Raya. Sa pinakadulo naupo sina Seb at Cha.

Sa buong biyahe namin ay panay ang tingin sa akin ni Zeke. Nag-aalala marahil sa kung anong nararamdaman ko patungkol kina Seb at Cha sa likod. Si Maddie naman ay walang-preno rin sa kakakwento sa akin kahit na sa likod nakapwesto. Mabuti na lang din at ganoon dahil hindi na masyadong sumasagi sa isip ko si Sebastian.

“Where are we gonna eat lunch?” biglang tanong ni Natalie habang nakasandal sa nobyang si Jerry. “It’s almost noon already.”

“Anywhere na lang siguro basta paglampas ng expressway.” sagot naman ni Brett.

“Mga ilang minutes pa ba bago tayo makaalis ng expressway?” tanong naman ni Raya. “I need to pee na rin kasi.”

“Roughly, 40 minutes?” tansya ni Zeke na tumitingin-tingin sa kanila sa rearview mirror.

“Konting tiis na lang, girl.” sabat naman ni Cha na nagpatawa ng bahagya kay Seb.

“I have an empty bottle here, Raya.” pang-aasar ni Seb. Binato na lamang ni Raya sa kanya ang hawak na maliit na unan habang medyo natatawa-tawa rin pati na rin ang iba.

Bigla sigurong napansin ni Seb ang pananahimik ko at bigla niya akong tinawag. “Tahimik ka diyan, Chard. You okay?” tanong niya.

Hindi ko magawang sumagot sa kanya. May malamig na pawis na tumutulo sa aking patilya. Malakas naman ang aircon ng sasakyan ngunit pinagpapawisan talaga ako ng matindi. Hindi ko na rin masyado maigalaw ang aking ulo dahil sa hilo.

“Sleepyhead still?” sabat ni Maddie patungkol sa akin. Akala siguro’y antok na antok lamang ako.

Maya-maya pa’y pinilit kong lumingon kay Zeke at sumenyas na nahihilo’t nasusuka. Agad naman siyang lumingon sa akin sandali at ibinalik ang paningin sa daan.

“Dude, are you okay? What’s wrong?” pag-aalala nito. “Hey, hey! Who has a candy or anything?” tanong niya sa iba naming mga kasama. “Chard’s being sick here.”

“Shit. May motion sickness ka nga pala, I forgot!” narinig kong sambit ni Seb sa likod.

Naririnig ko namang nagkakalkalan ng mga gamit ang iba sa kanila. Naghahanap marahil ng candy or kahit na anong makakatulong sa pagkahilo ko.

“Bro, are you gonna throw up?” tanong ni Marky.

“No, no! Please, don’t.” biglang tugon ni Natalie na sinang-ayunan naman kaagad nina Raya at Cha.

“Here, here.” biglang sabi ni Maddie. “This might help…” sabay abot sa akin ng eucalyptus gel na nakabukas na. Kinuha ko ito at inamoy-amoy.

“Why’d forget your meds kasi?” medyo pagalit na tanong ni Seb. “Alam mo naman na mabilis kang mahilo eh.”

Hindi ko na lamang siya pinansin at pilit pa ring pinipigilan ang sarili na masuka. Si Zeke naman ay kumuha ng ilang tissues at pinunas-punasan ang aking noo’t leeg gamit ang kanang kamay. Patingin-tingin lang siya sa akin dahil sa nagmamaneho pa nga rin siya.

“He placed them in his massive bag sa likod yata eh.” tugon ni Zeke sa tanong sa akin ni Seb. “Let’s get it when we park at the stop over na lang.”

Pinakikiramdaman ko kung anong sunod na gagawin o sasabihin ni Seb, ngunit wala na rin siyang naging imik patungkol doon.

“Brett, bro. Could you adjust his seat and recline a little?” pabor niya kay Brett. “Konti lang so he could at least lay down.”

Agad naman akong tinulungan ni Brett na mai-adjust ang sandalan ng aking upuan.

“Alagang-alaga ka talaga ng kapatid mong hilaw, Chard!” pang-aasar ni Jerry na ikinatawa naman ng lahat. “Prinsipeng-prinsipe ang datingan sa’yo ng bromance niyo eh.”

“Ayos na po ba ang pakiramdam niyo, kamahalan?” dagdag ni Brett matapos akong tulungan sa aking sandalan.

Nagawa ko naman na lingunin sila kahit papaano at ngitian habang dinadampi-dampian pa rin ni Zeke ng tissue ang aking mukha. Nakita ko ang pag-aalala ni Seb, ngunit may kung anong bagay rin akong napansin sa kanyang reaksyon na hindi ko na lang din masyadong inintindi.

Humupa man sa pagpapawis ang aking mukha, ay may kaunting hilo pa rin akong nararamdaman nang dumating kami sa stop over.

Iba-iba ang gusto nila na kainan kaya’t nagkanya-kanya na lang na lakad kung saan gusto kumain. Naghanap naman kaagad sina Natalie, Raya, at Maddie ng comfort room kaya’t nauna na silang umalis. Sina Brett, Jerry, at Cha naman ay nagsabi na sa Taco Bell na lang kakain. Sinabihan ni Seb si Cha na susunod ito dahil aasikasuhin lang daw ako sandali.

“You should go, bro. Ako na lang bahala dito kay Chard.” pagmamagandang-loob ni Zeke kay Seb.

“No, it’s fine.” sabi naman sa kanya ni Seb na pumwesto sa pinuan ng aking upuan upang pababain na ako.

“I’ll get your meds na lang muna.” sambit ni Zeke sa amin bago bumba at nagtungo sa likod ng van upang kunin ang bag ko.

“Nasa bandang likod na bulsa lang ‘yon, pre. Thanks!” paalala ko sa kanya.

“Lagi kong sinasabi sa’yo na dapat kahit sa bulsa mo na lang ilagay ‘yung mga gamot mo kapag may biyahe tayo, diba?” pagpapagalit sa akin ni Seb. “Para namang hindi ka nakikinig, Chard. Palagi na lang ganito!”

Napansin kong may pagka-inis ang tono ng kanyang pananalita kaya’t pagkababa ay hinayaan ko na lang na siya na ang magsara ng pinto at nagtungo kaagad ako kay Zeke sa likod.

“Tignan mo, hindi ka na naman nakikinig.” dagdag pa niya habang sumusunod sa aking likuran.

“Oo na, Seb. Next time, promise.” mahinahon kong sagot.

“Puro ka ganyan, tapos ano? Ganito ka na naman.” mahina lang naman ang boses ni Seb noong mga oras na iyon, pero ay pasigaw pa rin ang tono ng kanyang inis na pananalita. “Baka naman pag-uwi natin pabalik ng Manila, aarte-arte ka na naman ng ganyan.”

“Bro.” pag-aawat ni Zeke kay Seb dahil nakita niya rin na nakakunot na rin ang aking noo at hindi nagustuhan ang huli niyang sinabi.

“Hindi ako nag-iinarte, Seb.” tugon ko sa kanya.

“Hindi nga. Pero kakaganyan mo, lahat kami nadadamay sa’yo.” bigla niyang sagot sa akin. “Pati sina Cha natakot na baka masuka ka pa kanina.” dagdag pa niya.

“Don’t worry, hindi na ako magpapabigat ulit sa’yo.” sabi ko. Agad ko na lamang kinuha ang gamot kay Zeke at umalis.

Nagpakawala ng isang malakas na buntong-hininga si Seb at tumingala. “That’s not what I meant!” sigaw niya sa akin.

“Yo! What’s happening over there?” sigaw ni Jerry na napalingon pala sa amin, pati na rin sina Brett at Cha.

“Seb!” sigaw naman ni Cha. Naglakad na sila pabalik sa amin.

“Bro, let’s chill.” sabi sa kanya ni Zeke.

Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya na hinablot niya ang aking kaliwang braso paharap sa kanya.

“Aray ko, Seb! Parang gago ‘to.” sigaw ko rin sa kanya.

“Makiramdam ka naman kasi, Chard!” hawak niya pa rin ang aking braso. “’Yang mga ganyang asta mo, panira ng bonding eh. Time to relax ‘to diba? Unwind-unwind, bonding. ‘Wag mo naman i-spoil.” sabi pa niya.

Bigla kong tinabig ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa akin. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Noon ko lang narinig sa kanya ang mga ganoong salita.

“What the fuck is wrong with you?!” galit kong tanong sa kanya. “Anong ini-spoil ko? Bakit ako panira? Nahilo lang ako, Seb! Kung anu-ano na sinasabi mo diyan, gago ka.”

“Wait. You, guys, need to calm down.” pagsingit ni Zeke na tumataas na rin ang boses.

“No, Zeke. This is between us, just us! ‘Wag ka na muna makisali, pre. Masyado ka nang mapapel eh.” tugon sa kanya ni Seb matapos itong humarap sa kanya at marahang itinulak sa balikat.

“Hey, hey! Chill, bro!” sabi nina Brett at Jerry na malapit na sa amin.

“Seb, para kang gago!” bigla kong sabi sa kanya. “Nakikita mo ba sarili mo ngayon? Ang init-init dito oh. Kasing init ng ulo mo!”

“Eh, etong batang ‘to eh. Biglang umaasta na parang akala mo kung sino.” pagrarason ni Seb. “Sino ka ba ha? Kailan ka lang naging kaibigan, akala mo magulang ka kung umasta ngayon.”

“What the fuck? Naririnig mo ba mga sinasabi mo, pre?” sagot sa kanya ni Zeke.

Nakita ko na parang naiinis na rin si Zeke dahil sa inaasta ni Seb kaya’t tinutulak-tulak na rin nito si Seb sa dibdib. Sa takot na baka ay magpang-abot pa sila, bigla ko siyang nilapitan at inakbayan upang kayagin palayo.

“Ezekiel, tumigil ka. Tara na. Lock mo na lang ‘yung sasakyan.” pag-aaya ko sa kanya.

Bakas naman sa mukha ni Seb ang pagkadismaya. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ‘yung init ng ulo niya na ‘yon.

Hindi naman ganoon kadaling mag-init ang ulo niya noon. At kahit na hindi sila masyadong close ni Zeke ay maayos naman ang pakikitungo nila sa isa’t-isa kahit noon pa. Madalas pa nga silang maglaro ng basketball eh.

Hinahawak-hawakan na lang ni Cha ang likod ni Seb upang pakalmahin ito kahit papaano. Sinenyasan rin ako ni Brett na ilayo ko na rin muna si Zeke.

“Magpalamig ka ng ulo mo, gago! Bigla ka na lang nagagalit nang walang dahilan, you fuck.” huli kong sabi kay Seb bago siya muling sinimangutan at naglakad na palayo kasama si Zeke.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: A Beautiful Artifice (Part 4)
A Beautiful Artifice (Part 4)
Gusto ko na namang maiyak, ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s1600/A+Beautiful+Artifice.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s72-c/A+Beautiful+Artifice.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/a-beautiful-artifice-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/a-beautiful-artifice-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content