$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 10)

Sa paglipas ng mga araw ay pinili kong gawing normal ang buhay sa opisina. Mabuti na lamang at madalas akong ipadala sa field at wala pang pagkakataon para magkaharap ulit kami.

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

"I know your life can go on without me, that you can be happy without me, that you can survive without me. But even if you turn me away, I will still choose to stay with you and be your sweetest stranger forever."

Josh

Sa paglipas ng mga araw ay pinili kong gawing normal ang buhay sa opisina. Mabuti na lamang at madalas akong ipadala sa field at wala pang pagkakataon para magkaharap ulit kami. Nakikita ko siyang pumapasok sa opisina namin at kinakausap ang mga kasamahan ko, hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi ako kausapin o nagkakataon lamang na wala siyang issue sa aking team kaya wala rin siyang dahilan para kausapin ako. Madalas gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang kausapin, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Mommy. Pero nauunahan ako ng takot, ng hiya, paano kung hindi niya ako pansinin o kaya naman ay magalit siya sa akin. Isa pa ay hindi ko rin naman siya kinakikitaan ng sign na gusto niya akong kausapin. Kung binabati man niya ako ay napakapormal at madalas pa ring Engr Villanueva ang tawag niya sa akin.

“Kuya Paul, handa na akong kausapin ka, please iparamdam mo naman sa akin na hindi ka na galit.” Bulong ko isang beses pagkalampas niya sa harapan ko at gaya ng dati hindi niya ako tinawag sa pangalan ko.

Isang umaga, nadatnan ko si Shayne sa office namin.

“Hi Josh!” masayang bati nito.

“O anong ginagawa mo dito Miss Carillo?”

Kunwari ay nagpakapormal ako, marami kasing tao na nakatingin sa amin. Bakit kasi ang dami ng laging nakatingin sa babaeng ito. Saka ko siya hinila papunta sa table ko.

“Ano ba, ang sungit mo umaga pa lamang nakasimangot ka na, ano bang problema mo?” naiinis niyang tanong sa akin saka inalis ang nakakapit kong kamay sa braso niya.

“At bakit ka narito? Please ha, marami akong gagawin, may deadline ako today kaya kung pwede lamang bumalik ka na don sa lungga ninyo at asikasuhin mo yung hinihingi kong copy ng mga benefits ng mga tao sa field. Patapos na yung project pinapaalala ko lamang sa iyo.”

Hindi ko siya tiningnan tuloy ako sa pag bubukas ng laptop na kinuha ko sa drawer ng table.

“Hoy, Mr Josh Patrick Villanueva, opisyal ang pagpunta ko dito, hindi porket gwapo ka at boyfriend kita ay pupunta ako dito kahit oras ng trabaho.” Napatingin ako dahil sa sinabi niya.

Nakataas na naman ang kilay ng babaeng ito at nakapamewang pa ang isang kamay, paano kaya niya yun nagagawa na hindi gumagalaw ang mata niya habang parang nakasiksik na sa hairline niya ang kilay niya.

“O sige Miss Shayne Carillo, ano na ang dahilan ng pagpunta mo dito, kung hindi ko pa alam gusto mo lamang akong makita kaya ka narito, dami mo pang palusot.” Natatawa ko namang balik sa kanya.

“Shut up! Kung hindi lang kita mahal.”

“Oo na, alam ko iyon, 5 taon mo ng sinasabi iyan at paulit-ulit pa, dali na at marami akong gagawin” Ibinaba naman niya ang hawak na folder.

“Birthday kasi ni Boss Angelo,” mahina niyang sagot. Siya ang HR Manager namin.

“So narito ka para manghingi ng contribution? Sige lagyan mo na ako kung magkano man mamaya ko babayaran pag kain natin, sige na alis na” hindi ko siya tiningnan habang nagsasalita ako. Nagbrowse ako sa mga files sa laptop ko.

“Yuck! Ang Cheap ha! What do you think of me Bombay, naniningil? Itong ganda kong ‘to, sayang lamang ang kaseksihan ko kung collector lamang ang tingin mo sa akin.” Umikot pa siya para ipakita talaga sa akin ang magandang korte ng kanyang katawan. Lalo na ang ipinagmamalaki niyang pwet.

“Totoo namang napaka sexy ng lukang-lukang ito,” iyon ang naibulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siya, kaya para hindi niya mapansin ay itinuon ko ang pansin ko sa aking ginagawa.

“Hoy Mr Villanueva marami iyong pera hindi no’n kelangan ang contribution mo” alam kong nakataaas ang kilay ng mataray na babaeng ito kaya hindi ko tinitingnan.

“Pwede ba Shayne, huwag kang OA, hindi bagay sa isang amasona ang mag inarte. Ang pangit mong tingnan alam mo ba iyon? Akala mo lang maganda ka kasi lagi kang naniniwala sa sabi ng Mommy mo.”

Pang aasar ko, nakilala ko na kasi ang Mommy niya kasi madalas naman akong nakakapunta sa bahay nila sa Davao isa pa ilang linggo pa lamang kami sa Manila ay sumunod na rin at napakakulit din talaga.. Madalas ko ring nakakabiruan pag pumupunta ako sa kanila.

“Shut up, isususmbong kita kay Mommy.” Nginitian ko lamang siya.

“Ano nga ang dahilan ng pagpunta mo dito aside from gusto mo lamang akong makita. So given na iyon hindi na ako nagtataka.”pangiti-ngiti kong sabi sa kanya

“Josh, konti na lang malapit na akong mapikon, nakakainis ka na talaga. Haist kung hindi lamang masamang pumatay ng gwapo, matagal na akong nakapatay. Ganito ba kahirap ang maging girlfriend ng isang gaya mo? Sana alam ito ng mga babaeng nagpapantasya sa iyo, ganito kahirap ang pinagdadaanan ko, hmp! tiyak matatakot ang mga iyon na mapansin mo.” Napangiti naman ako sa kanyang logic.

“So ano ngang koneksyon don ng pagpunta mo dito, crush mo siya at gusto mong magregalo papasama ka sa pagbili? Busy ako hindi kita masasamahan saka huwag kang umasa may asawa na iyong tao, hindi ka no’n papatulan.” sarkastiko kong sabi sa kanya.

“Nakakainis naman ‘to e, wag ka ngang magselos alam mo namang mula ng maging tayo, hindi ako kahit minsan nagtaksil sa iyo. Napaka faithful ko para mag-isip ka ng ganyan. Kahit naman masama ang ugali mo at hindi ko alam kung saang planeta nanggagaling ang pagka antipatiko mo, ikaw pa rin ang mahal ko, at hindi iyon magbabago.” Hinawakan niya ako sa braso. Huminga lamang ako ng malalim.

Haist, papaano ko ba talaga natagalan ng mahigit limang taon ang baliw na ito. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ka dramahan niya dahil alam ko na kahit siya man ay natatawa sa mga sinasabi nya.

“So ano nga, bilisan mo kasi, madami talaga akong gagawin.” Wala sa loob kong tanong.

“Kasi ako ang pinag oorganize niya ng party, simpleng party lamang naman iyon, ang gusto lamang niya malaman kung ilan ang sasama, so isinagot na kita, kasi syempre kasama ako, natural dapat nandon ka. Kaya mag sign ka ng confirmation dito.”

“Ha! Bwiset naman, sigurado kang payag ako, wala ba akong lakad sa araw na iyon, paano kong hindi ako pumirma? ”naiinis kong tanong sa kanya.

Alam naman niya na ayaw na ayaw kong sa mga party-party, ayoko sa maiingay at lalong ayoko sa mga inuman. Iyon pa ang isa sa mga impluwensiya sa akin ng pagtira sa probinsiya kasama ang aking Lolo at Lola.

“Hindi mo gagawin iyon kasi, isang buwan kitang hindi kakausapin.” Mataray na banta niya saka itinulak papalapit sa akin ang folder.

“Ahh ganon ba, so lalong hindi ako mag sa sign,” iniusod ko palayo sa akin yung folder, “pabor kaya sa akin iyon, haha,” at itinuloy ko ang ginagawa ko.

“Josh naman, nakakainis ka ng talaga, hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo, please naman, mag sign ka na, kahiyaan na kasi ito.” Muli niyang pakiusap.

Nakita ko ang maamo niyang mukha, kita ko ang pagseseryoso, kahit baliw ang babaeng ito kapag ganong seryoso na, bumibigay na rin ako, ayoko rin naman na nahihirapan siya dahil sa loob ng limang taon aaminin ko may nararamdaman din ako para sa kanya. Kahit naman kasi makulit siya ay maraming magagandang traits na mahirap tanggihan.

“Okey sige mag sa sign na ako pero sa isang kondisyon, gagawin mo yung hindi mo ako kakausapin ng isang buwan ha,” sabay tawa ng malakas.

“Mag sa sign ka ba o sasapakin kita,” napalakas ang boses niya kaya napatingin lahat sa amin. Ako man ay nabigla rin hindi ko alam na sisigaw siya ng ganon. Sabagay gawain talaga niya ang biglang sumigaw pag naiinis.

“Nako, pasensiya na, iskandalosa lang ang babaeng ito, sige na huwag na ninyo kaming pansinin. Haist, ano bang naging kasalanan ko at pinarusahan ako ng ganito, naging mabuting anak naman ako at walang inagrabyadong tao sa buong buhay ko.”

Kunwari ay pag da drama ko. Habang tinitingnan ang nasa list. Hmm, wala naman sa list si Kuya Paul, sige na nga sasama na ako. Hindi rin naman ako titigilang ng bwisit na babaeng ito.

As expected sinundo ko siya sa bahay nila at maaga kaming pupunta dahil siya nga ang organizer. Naupo lamang ako sa isang bakanteng bangko habang siya ay abala sa pagbibigay ng instructions mula sa sounds, sa nag ke cater at kung anu-ano pang pinagsasabi niya. Ayoko ngang sumama sa kanya magmumukha lamang akong bodyguard niya. Madalas niya akong lapitan at tinatanong kung okey lamang ako. Tinatanguan ko lamang siya. Bahala siya tutal hindi naman talaga ako kasama, pinilit lamang niya.

Maya-maya ay nakita kong nagdadatingan na ang mga bisita. Lumipat ako doon sa upuan na sinabi ni Shayne na doon kami pupuwesto, nang mapadako ang pansin ko sa papadating, nakita ko agad ang pamilyar na mukha. Si Kuya Paul, naloko na, kaya pala ayokong sumama dito kasama pala siya. Siguro ay hindi na kailangan ng confirmation ng mga department heads kaya hindi ko nakita ang pangalan niya. Mababatukan ko talaga itong si Shayne hindi man lang ako winarningan na narito pala si Kuya Paul. Nagpalinga-linga ako at hinanap ko si Shayne, nakita ko siya may kausap agad ko siyang nilapitan at hinila papuntang CR kita ko naman na parehas silang nabigla ng kausap niya.

“Ano ba, huwag mong sabihin na bigla kang nagkaroon ng matinding pagnanasa sa akin, pero Josh huwag naman dito sa CR, gawin mo namang romantic first time ko kaya ito. Huwag mo namang i take advantage na gusto kita kaya gagawin mo kahit dito. Ang cheap naman.” Kahit mapapatawa na ako ay pinilit kong magpigil dahil naiinis talaga ako.

“Hoy babaeng may sayad, bakit hindi mo sinabing kasama si Kuya Paul, sinadya mo bang i set up ako.” Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla.

“Ha! Narito si Kuya Paul, why at saka bakit, hindi ko naman siya pinapirma dahil alam kong hindi ka sasama pag alam mong narito siya.”

“Ewan ko sa’yo, nakakainis ka nga, hindi mo man lang binanggit na kasama pala siya, napaka awkward naman na narito kami parehas tapos nag-iiwasan baka mapansin pa iyon ng ibang empleyado.”

“Promise hindi ko talaga alam, pano ba to? Gusto mo ba paalisin ko siya? Gate Crasher kaya siya,” Nang bigla siyang matigilan.

“Shocks! alam ko na si Kenzo ang may kagagawan niyan naalala ko nakiusap siya sa akin na ipagreserve ko siya ng isa pa, akala ko naman taga Accounting ang isasama niya wala talaga akong idea na si Kuya Paul ang sinabi niya. Check mo ang list ko meron don nakalagay Accounting Staff. Haist sana kahit gwapo siya hindi ako pumayag. Bakit kasi ang hirap tanggihan ng mga gwapo? Masasapak ko talaga ang lalakeng iyon pag nakita ko”

“Sira, department head iyon, pwede ba namang paalisin mo iyon at saka ano ang iisipin non sinabihan kita kaya paalisin mo siya. Lalo mong paguguluhin. At kung ipinagreserve siya ni Kenzo, pano siya naging gate crasher ha?”

“Ano bang gagawin ko ngayon? Sige ganito na lamang don na lamang tayo pupwesto malayo sa kanila para hindi kayo magkabanggaan. Saka wala naman sigurong dahilan para magka engkwentro kayo, unless isasayaw ka niya at tatanggi ka tapos pag may nagyayang iba sasama ka.”

Haist, kahit mapipikon na ako. nakakalimutan ko kapag kaharap ko ang baliw na ito, mababaliw din yata ako, napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nagawa kasi hindi naman siya papayag na umuwi ako dahil nga wala siyang sasakyan at ayoko rin namang iwan siyang mag-isa kahit papaano ay may malasakit din ako sa kanya kahit madalas na nakakainis.

Naging maayos naman ang party, masayang-masaya si Sir Angelo, Nagpasalamat na lamang ako at hindi nga kami nagkabangga ni Kuya Paul dahil sa totoo lamang hindi ko pa rin alam kung papaano siya haharapin. Biglang nagsalita ang Emcee na videoke time, nagulat ako nang tawagin ang pangalan ko. Napatingin ako kay Shayne kahit na malayo siya sa akin alam niyang alam kong siya ang may pakana bakit tinawag ang pangalan ko. Nag peace sign lamang siya at kunwari ay pinaglapit ang mga kamay na parang nagdarasal. Napailing na lamang ako dahil huli na para mag inarte, kahiyaan na ito, kaya nang muli akong tawagin ng Emcee, tumayo na ako, palakpakan naman ang mga tao.

Hinanap muna ng mata ko ang celebrant. “Sir Angelo, Happy Birthday!” ngumiti naman siya.

Napapunta ang tingin ko kay Kuya Paul, nakatingin lamang siya sa akin na parang walang emotion. Wala naman akong maisip na kakantahin pero dahil nakita ko si Kuya Paul na nakatingin naisip ko kantahin ang isa sa mga favorites niya. Baka sakaling maalala pa niya ang mga pinagsamahan namin. Hinanap ko ang Firehouse at sakto naroon ang paborito niya.

I see forever when I look in your eyes

You're all I ever wanted

I always want you to be mine

Let's make a promise till the end of time

We'll always be together

And our love will never die

So here we are face to face

And heart to heart

I want you to know we will

Never be apart

Now I believe that wishes can come true

'Cause I see my whole world, I see only you

When I look into your eyes

I can see how much I love you

And it makes me realize

When I look into your eyes

I see all my dreams come true

When I look into your eyes

I've looked for you all of my life

Now that I've found you

We will never say goodbye

I can't stop this feelin'

And there's nothin' I can do

'Cause I see everythin' when I look at you

When I look into your eyes

I can see how much I love you

And it makes me realize

When I look into your eyes

I see all my dreams come true

When I look into your eyes

Oh, when I look into your eyes

I can see how much I love you

And it makes me realize

When I look into your eyes

We'll always be together

And our love will never die

When I look into your eyes

I see all my dreams come true

When I look into your eyes

When I look into your eyes

Nang magsimula akong kumanta, nakita ko siyang nakatingin sa akin, pero maya-maya ay tumungo at pinaglaruan ang laman ng baso, inalug-alog ito habang parang walang pakialam sa paligid. Sa kalagitnaan ng pagkanta ko sumabay na ang mga tao. Nag enjoy na rin ako at binigay ang best ko. Narito na rin lamang tutal kaya ko naman ang kanta dahil madalas namin iyong kinakanta ni Kuya Paul kapag wala kaming magawa. Nawala na rin sa isip ko ang nakakahiya. Palakpakan ang mga tao nang makatapos ako at bigla naman akong niyakap ni Shayne pagbalik ko sa upuan.

“Wow parang pang grand final ng The Voice ah”. Hindi ko na lamang siya pinansin at bigla kong ininom ang alak na nakita ko sa table namin.

“Sino naman kaya ang hahamon kay Sir Josh? Anybody from the crowd?” Tanong ng emcee. Bigla kong nadinig ang Sir PJ, Sir PJ, Sir PJ.

Napatingin ako kay Kuya Paul alam kong magaling siyang kumanta pero hindi ako sigurado kung papatulan niya ang sigawan nila. Ayaw niya ng mga ganon na parang napipilitan, kasi ugali niya pag gusto, gusto pag pinilit mo siya lalo siyang umaayaw. Sabagay hindi ko na rin naman siya kilala ngayon, hindi ko na alam ang mga gusto niya at ayaw, Nagkatinginan kami ni Shayne nang nakangiti siyang tumayo at inabot ang song book saka ito binuklat.

Hindi ako pamilyar sa intro ng kanta, pero parang malungkot. Unang line pa lang ramdam na ang lungkot sa kanta, Sinabayan pa ng malungkot na boses ni Kuya Paul. Ang galing talaga niya, yung emotion niya parang ibinuhos na niyang lahat sa pagkanta. Kung talent portion lamang iyon tiyak panalo na siya kasi boses at mukha niya ay madadala ka talaga. Kung kanina nang kumanta ako nakatayo ang mga tayo at nag we wave, kabaligtaran nang siya ang kumakanta. Tahimik ang lahat at parang nakikisama sa malungkot niyang boses.

What makes us cry

What makes us fall

Why does it all crumble at night

Since you've been gone

I carry on

Waiting for you to walk through the door

But the more I think of you

The more I want to say I miss you

Love's got a hold on me, oh my

Love can make you cry

I don't know how, I don't know why

But love can make you cry

So many things

I don't understand

You were always there holding my hand

If love is gone

Then just give me time

I know we can start over again

Cause the more I think of you

The more I want to say I love you

Love's got a hold on me, oh my

Love can make you cry

I don't know how, I don't know why

But love can make you cry

Hindi ko alam kung bakit ganon ang pakiramdam ko para akong maiiyak sa kanyang kanta. Parang ramdam na ramdam ko ang bawat lyric sa kanta niya. Para bang nararamdaman ko ang sakit, hindi ko alam bakit may bahagi ng utak ko na nagsasabing lapitan ko siya at magsorry, dahil sobra din siyang nahihirapan sa sitwasyon namin. Parang may nagtutulak sa akin na ito na ang pagkakataon para magka ayos kami. Sapat na ang mahigit na limang taon para tapusin ang anumang problema namin. Pero ang isang bahagi naman ng utak ko ay nagsasabi na mali inisip ko dahil sa kanta lamang iyon. Naalala ko si Mommy, ito na nga ba ang tamang pagkakataon para patunayan ko sa sarili ko at sa ibang tao ang nararamdaman ko. Hindi, hindi iyon maaari dahil maari ngang magkabati kami kung tama ang iniisip ko pero pag-uusapan kami ng mga tao, masisira kami baka lalo lamang magalit sa akin si Kuya Paul kapag nangyari iyon. Kinalimutan ko na iyon at pinanood na lamang siya sa kanyang pagkanta.

Ang husay talaga niya. Pero ang boses niya parang mag ka crack parang maiiyak siya, ilang beses siyang tumingala na parang nagpipigil ng pag-iyak. Ako man, parang maiiyak na rin, una sa pagkanta niya pangalawa sa itsura niya habang kumakanta, nakakadala talaga siya at higit sa lahat sa panghihinayang na nariyan lang siya kitang-kita ko na pero hindi ko pa rin makausap. Noong malayo siya wala na akong inisip kundi ang pagkakataong makita siya pero ngayong narito na siya parang may invisible na wall na kahit nasaan kami ay nakapagitan pa rin sa amin. Sobrang ang sakit na dahil lamang sa pagiging insensitive ko ganito ang sinapit namin. Kaya para ma divert ang attention ko tiningnan ko si Shayne. Noong una nakatanga siya kay Kuya Paul pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, nginitian niya ako habang nagpapa cute, Ano kaya ang nasa isip ng lukang-lukang ito at napapangiti.

“So anong meron diyan sa pangit na ngiti na iyan?” bulong ko sa kanya.

“Wala, I’m seducing Mr Perfect!” muli ay nakangiti niyang sagot.

“Shut up! Hindi ka nakakatuwa.”

“Mr. Suplado pinapangiti lamang kita kasi mukang Biyernes Santo iyang pagmumukha mo, kahit gwapo ka nawawala iyon pag nakasimangot ka.”

Hindi ko na lamang siya pinansin at muling nagsalin ng alak at uminom. Pagkatapos ng kanta, sa halip na sa table nila bumalik nakita ko syang dumiretso palabas. Maya-maya ay nakita kong sinundan siya ni Kenzo. May pinagdadaanan ba si Kuya Paul?

“Anong nangyari don?” tanong ng isa sa mga katabi namin.

“Nadala yata sa kanta, ang galing naman kasi ng pagkakakanta.”

“Baka may problema sa girlfriend.”

Pero diba lagi naman siyang pinupuntahan nong girlfriend niya,”

“Pwede rin palang maging bitter kahit ang gwapo ano?”

Iyon ang narinig kong bulungan sa paligid namin. Hindi naman nila alam na magkakilala kami ni Kuya Paul kaya hindi sila nahihiyang magsalita kahit nadidinig ko. Hanggang natapos ang party na kay Kuya Paul pa rin ang isip ko, iniisip ko pa rin ang ibig sabihin ng kinanta niya at bakit ganon ang naging reaction niya. Nasa sasakyan na kami pauwi nang magsalita si Shayne.

“Josh, okey ka lang ba?” pag-aalala niya.

“I’m fine bakit mo naitanong?” balik ko sa kanya.

“Sus, naman ako pa ba ang paglilihiman mo, kita ko naman na pagkatapos kumanta ni Sir PJ nawalan ka na ng kibo, kahit nagpapatawa ako walang effect sa iyo, samantalang dati naman bentang-benta sa ‘yo mga jokes ko. Ano bang meron don sa kinanta ninyong dalawa Bakit ganon ang mga reactions ninyo pareho? Nakakaloko kayong dalawa. Iyong kinanta mo at ang pagkakanta mo parang sa kanya lang e, kulang na nga lamang i dinedicate mo sa kanya. Pansin ko sa kanya ka lamang nakatingin. At siya naman hindi makatingin sa iyo ng diretso.” pag-uusisa niya.

“Iyong kinanta ko, paborito niya yun, dati madalas niya yung kinakanta pag naasar ako sa kanya, may gitara kasi siya, pag hindi ko siya kinakausap kinakantahan niya ako, o kaya naman sabay kaming kumakanta kapag walang magawa, o kaya ay kapag nagpapahinga kami galing sa pagba basketball. Hindi ko naman sinadya, kasalanan mo kasi, wala akong alam na kakantahin, binigla mo ako, kung hindi lamang ayokong mapahiya ka sa boss mo, mag wo walk out ako don at iiwan kita. Pero yung kinanta niya, kanina ko lamang narinig yung kantang iyon, hindi ko alam na may ganoong kanta, ang lungkot tapos pinalungkot pa niya lalo nang kantahin niya. Siguro magaling lamang talaga siyang kumanta kaya lahat ng tao ganon ang naging reaction, kahit naman noon pa kapag kumakanta yun madadala ka talaga, talent talaga niya ang singing.”

“Pero naintindihan mo ba yung lyrics Josh, parang talagang sinasabi niya at hindi kinakanta, para sa iyo kaya iyon? Tapos napansin mo ba siya habang kumakanta, parang umiiyak siya hindi ko lamang sure kung pumatak yung luha niya kasi malayo tayo sa kanila, pero ramdam ko talaga umiyak siya kaya hindi na bumalik don sa table nila, hindi kaya affected pa rin siya sa presence mo? Hindi kaya dahil iyon sa sitwasyon ninyo?”

“Adik ka bang talaga? Hindi ba may girlfriend yung tao, malay mo may problema sila at idinaan lamang niya sa pagkanta yung dinadala niya, saka huwag mo ng guluhin ang isip ko naalala mo ba nong ipinakilala mo ako sa kanya, hindi nga niya ako natatandaan diba, hindi nga niya ako kilala, diba Engr. Villanueva itinawag niya sa akin.” Hindi ko naman masabi na ang girlfriend nga niya ang nagpabugbog sa akin.

“Aminin mo sa kin, hindi ka ba affected? Saka Josh hindi kaya may something sila ni Kenzo? Sayang talaga ang gwapo pa naman niya at ang hot. Tingnan mo naman ang concern sa mukha nang sundan niya si Kuya Paul.”

“Pwede ba huwag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo ko, ayoko nang mag-isip, mababaliw lamang ako. Isa pa kasalanan mo talaga ang lahat ng ito, isinama mo ako sa party na iyon, alam mo naman na hindi ako nag-iinom.” Ayoko talagang i-entertain sa isip ko ang sinasabi niya dahil alam kong lalo lamang akong masasaktan. Pero gaano nga ba ka-imposible na maging silang dalawa? Haist huwag naman po sana.

“Aba, hindi ko naman sinabi sa iyo, na uminom ka a, ikaw diyan ang basta na lamang inom nang inom kahit hindi sa iyo.

“Tama na please, hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon Shayne, limang taon na umasa ako, hindi ko alam kung paano ko pa kinakaya ang pumasok. Ang hirap araw-araw ang iniisip ko sana lagi na nga lamang akong nasa field. Kaya nga nagbabalak na talaga akong magresign e.” nakita ko naman ang paglungkot ng mga mata niya. Lalo na nang isubsob ko ang mukha ko sa manibela ng kotse. Naramdaman ko na lamang ang marahan niyang pag hagod sa likod ko. Salamat pa rin talaga at hindi ako iniwan ni Shayne kahit papaano nakakaramdam pa rin ako ng konting ginhawa kapag nailalabas ko ang sakit sa loob ko.

Paul

Hindi ko alam bakit ganon ang pakiramdam ko habang kumakanta, wala naman sa plano ko iyon. Ang gusto ko lamang ng pagkakataong iyon ay ipaabot sa kanya ang gusto kong sabihin. Gusto ko lamang marinig niya na iyon ang nararamdaman ko. Gusto ko ring malaman kung affected pa siya sa akin. Baka sakaling may nararamdaman pa siya. Pero iba ang nangyari ako ang naging emotional. Pinigil ko ang pagpatak ng luha ko sa pamamagitan ng pagtingala, pero hindi ko rin kinaya. Alam kong kita nila lalo na ng mga taong malapit sa stage ang pagpatak ng luha ko lalo na ang pag garalgal ng boses ko. Pero ang mas masakit parang wala lamang sa kanya. Noong una nakatingin siya sa akin pero nang lumaon nakita kong kay Shayne na ang attention niya. Iyong mga tinginan nila, sobrang sweet nila. Nakakainggit! Ang sakit parang dinudurog ako nang mga oras na iyon. Hindi ko na kayang bumalik sa table namin, kaya pagkatapos kong kumanta, diretso ako sa labas. At doon ko ibinuhos ang lahat ng emotion ko. Umiyak lamang ako nang umiyak. Gusto ko sanang sumigaw, magwala, pero alam kong mali. Nang maramdaman ko may tumabi sa akin. Nang lingunin ko si Kenzo.

“Okey ka lang ba bro?” iyon lamang ang narinig ko sa kanya,

“Ang sakit bro, ang sakit palang makita na yung mahal mo wala ng pakialam sa iyo dahil meron nang nagmamay-ari sa kanya. Ibang-iba na nga siya bro.” Hindi siya sumagot, hinayaan lamang niya ako habang parehas kaming nakatingin sa malayo. Maya-may ay bigla siyang nagsalita.

“Halika bro, sama ka sa akin may pupuntahan tayo.” Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa kotse niya.

Wala na akong nagawa kaya sumama na lamang ako. Wala kaming usapan habang daan. Tahimik siya habang nagda drive. Sa seaside kami nakarating. Nauna akong bumaba at nagpalinga-linga naramdaman ko katabi ko na siya. Naglakad-lakad kami na wala namang tiyak na pupuntahan.

“Wow, ang romantic mo naman bro, ano to date?” pagbibiro ko sa kanya.

“Consider this as one if you want.” Saka siya tumawa ng mahina. Diretso kaming naglakad papunta sa may batuhan.

“Gago, natsi-tsismis na nga tayo, gumaganyan ka pa.” Tumawa lamang siya na parang wala yun sa kanya saka naunang naupo sa isang bato. Naupo rin ako malapit sa kanya.

“Nakwento ko na sa ‘yo diba sa probinsiya ako lumaki. Malapit ang bahay namin sa tabing dagat. Lumaki kami ng dalawa kong kapatid na ang Lolo at Lola ko ang nag-aalaga sa amin dahil nagtatrabaho ang parents namin dito sa Manila at alternate silang umuwi kaya bale twice a month namin makita ang Mama at Papa ko na hindi pa magkasabay. Lumaki akong maraming sama ng loob sa kanila kasi nga bunso ako ang dami kong tanong na hindi masagot. Hanggang sa nag abroad si Papa at after one year sumunod si Mama, second year high school ako no’n at masamang-masama ang loob ko sa kanila. Twing umiiyak ako, isinasama ako ni Lolo sa tabing dagat, mauupo lamang ako, tapos mangunguha siya ng ibat-ibang size ng bato at ilalagay sa tabi ko.”

“Ibulong mo sa mga batong iyan ang lahat ng sama ng loob mo, lahat ng galit, pagtatampo at anumang sakit sa kalooban na nararamdaman mo, sa mas malaking bato, iyong malaking sama ng loob, sa maliit na bato yung maliit na sama ng loob hanggang maubos mo ang lahat ng iyon. Kung kailangan mong ulitin, ulitin mong ibulong sa iba pang bato. Kapag nailabas mo na ang lahat ng iyan, ibato mo sa dagat, yung pinakamalakas na pagbato para makarating siya sa pinakamalalim na kaya nilang abutin. Hayaan mong lunurin ng tubig ang anumang ibinulong mo sa mga bato at itago siya ng dagat doon para hindi ka na mabalikan.” Iyon ang laging sinasabi ni Lolo.

“At ginagawa mo naman?” nagtataka kong tanong.

“Oo, mula noong bata hanggang lumaki na ako at nagkaisip hindi ko pa rin nalilimutan iyon. Pumupunta pa rin ako sa tabing dagat kapag gusto kong gumaan ang pakiramdam ko” Nakangiti niyang sagot sa akin.

“Nagkakatotoo ba naman, nawawala ba ang sama ng loob mo.” Muli kong balik sa kanya. Hindi siya sumagot.

“Ginawa mo ba iyon nong umalis si Jaanah?’ Tumango lamang siya kahit hindi nakaharap sa akin.

“Hindi ko alam kung psychological pero in a way, nakakabawas, pag nasabi ko na sa mga bato at naihagis sila sa tubig magaan na ang pakiramdam ko. Bagamat naroon pa rin ang sakit dahil hindi naman nawala ang problema, pero hindi na siya ganon kahirap dalhin at nakapag-iisip na rin ako ng dapat gawin pagkatapos. Subukan mo bro, wala namang mawawala, tayo lamang naman dalawa ang narito.”

“Hindi ba mukha akong baliw non?”

“Dati ka ng mukhang baliw sa ginagawa mo diba, kaya wala ng mawawala huwag kang mag-alala.”

“Gago!” iyon lamang ang sinabi ko pero dumampot ako ng dalawang bato. Tinitigan ko muna sila.

“Bakit Patrick, bakit mo ako sinasaktan ng ganito, masaya ka bang nakikita akong nahihirapan, nakakabawas ba sa galit mo sa akin kapag nakikita mong halos mamatay na ako sa sakit. Ito ba talaga ang gusto mo. Ito ba ang magpapasaya sa iyo, masaya ka na ba ha, masaya ka na ba?” saka ko sabay na ibinato ng ubod ng lakas ang dalawang bato na hawak ko.

Naupo ako sa isang malaking bato pagkatapos habang pinagmamasdan sa dilim ang pagbagsak ng dalawang bato hindi ko naman nakita kung saan sila bumagsak kahit ang tunog nila hindi ko nadinig dahil sa maingay na alon sa harapan ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko tama nga si Kenzo gumaan nga ang pakiramdam ko kahit papaano ay nairelease ko ang gusto kong sabihin. Kumuha ulit ako ng bato at inulit ko ang ginawa ko. Hanggang mapagod ako at tahimik na pinagmasdan ang mahihinang alon na humahampas sa mga bato malapit sa akin habang tuloy pa rin ang agos ng aking mga luha. Muli akong naupo. Maya-maya ay naramdaman kong lumapit ulit siya sa akin.

“Baka maubos mo ang mga batong iyan wala ng matira sa iba may ibang tao rin na nangangailangan niyan.” Narinig ko mula sa aking likuran saka siya naupo sa aking tabi.

“Salamat bro, salamat at lagi kang nariyan sa aking tabi.” At bahagya kong tinapik ang kanyang balikat.

“Anytime bro, lagi akong narito kapag kailangan mo nang kausap, iyon lamang naman ang maibibigay ko sa iyo. Hindi ko kayang masolusyunan iyang poblema mo. Basta bro gaya ng laging sinasabi sa akin ni Lolo dati kapag may mabigat akong problema, walang isang taong bagyo, ibig sabihin lilipas din kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon. Kung hindi man kayo magkaayos ni Patrick baka dumating ang taong talagang nakalaan para sa iyo, huwag kang mag-alala sa mabuting taong gaya mo tiyak may naka reserve na mabuti. You deserve to be happy bro. Alam kong mabuti kang tao, nagmahal ka lamang at kung nakasakit ka man, hindi mo iyon sinasadya at hindi mo yun kasalanan dahil kilala kita hindi mo kayang manakit lalo pa at mahal mo.”

Hindi ako sumagot pero matagal ko ring pinag-isipan ang sinabi niya. Sana nga pagkatapos ng lahat ng ito, ng lahat ng pinagdaanan ko, may maganda sanang naghihintay sa dulo nito. Kung anuman ang inihahanda ng tadhana o ni kupido man sana naman hindi na magtagal dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang nararanasan kong sakit.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 10)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 10)
Sa paglipas ng mga araw ay pinili kong gawing normal ang buhay sa opisina. Mabuti na lamang at madalas akong ipadala sa field at wala pang pagkakataon para magkaharap ulit kami.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/ang-tangi-kong-inaasam-part-10.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/ang-tangi-kong-inaasam-part-10.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content