$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 11)

Nang makauwi ako naalala ko noong may itinanong ako kay Kuya Paul, sabi niya kahit may ginawa akong masama sabihin ko pa rin sa kanya kasi kahit magalit siya tatandaan kong mahal pa rin niya ako.

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

"It is amazing the things you realize when you lose someone: you get mad at yourself for not saying the things you could have a million times, you take for granted the days spent doing nothing when you could have been with them. Anyone can be taken, at any time in our lives, but we always wait until they are gone to say the things we never had the courage to before."

Josh

Nang makauwi ako naalala ko noong may itinanong ako kay Kuya Paul, sabi niya kahit may ginawa akong masama sabihin ko pa rin sa kanya kasi kahit magalit siya tatandaan kong mahal pa rin niya ako.

“Kuya Paul, bakit hindi ko magawang lumapit sa iyo ngayon, bakit natatakot ako sa iyo. Dati naman lahat ng tanong ko kaya mong sagutin at kahit hindi ako magsalita alam mo kung may gusto akong itanong o may gustong sabihin. Sana lumapit ka sa akin, sana kumustahin mo naman ako, missed na missed ko na ang boses mo missed na missed ko na ang patawag mo sa akin ng Pat. Ang pagluluto mo ng breakfast natin, yung magkasama tayong maglalaro ng basketball at matutulog na magkatabi.

“Kuya Paul sana ganon ka pa rin, kahit sobra ng dami ng gusto kong sabihin at ipaliwanag sa iyo, sa ngayon Kuya Paul isa lamang ang gusto ko munang itanong. Mahal mo pa ba ako Kuya Paul?” Ang tagal kong nakatitig sa kisame habang inaalala ang mga ginagawa namin dati. Iyong pag-aalaga niya nong bata pa ako, pagtuturo at paggawa ng mga assignments at school projects ko, pagpapakain niya sa akin, pagpapaligo at ang pagpapatulog, ang kanyang magic words “Good night Baby Pat, sweet dreams!” Naramdaman ko na lamang ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. Pumikit na lamang ako at pinilit na makatulog. Nakakapagod din pala ang pag-iisip.

Isang tanghali may tinatapos ako kaya nagpasabi ako kay Shayne na late na kami maglunch, nagulat na lamang ako nang makita ko si Dianne biglang pumasok sa office namin. Hindi ko alam kung papaano siya kakausapin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko takot ba o galit. Nagkataon pa naman na wala ng tao sa office dahil nagla lunch na. Napatayo akong bigla.

“Patrick sorry sa nangyari, ngayon ko lamang na realize na napaka laki kong tanga.” Mabuti naman at iyon ang pakay niya. Hindi ako kumibo pero hindi rin naman ako nagpakita na hindi ako intresado sa kanya.

“Alam ko favorite mo ang chocolates kaya dinalhan kita, Noong college kami basta nakakita si Paul nang chocolates lalo’t cadbury at snickers ikaw lagi ang naiisip niya. Eto tanggapin mo peace offering ko sa iyo.” At inilagay niya sa table ang isang paper bag. Naisip ko nakakapag-isip din pala naman ng normal ang barumbadang ito.

“Hindi mo na naman kailangang gawin iyan Miss Dianne.” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

“Kailangan Patrick alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo ako idinemanda. Sorry ulit. Tama ka naman pala, Pinasubaybayan kita at totoo ang sinabi mo wala na nga kayong ugnayan ni Paul. Dahil may girlfriend ka na kaya lalo akong naguilty sa ginawa ko sa iyo. Pwede bang maging magkaibigan tayo?” at inilahad niya ang kamay niya.

Hndi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil naguguluhan pa rin ako. Pero likas na yata sa akin ang hindi marunongmagtanim ng galit sa kapwa kaya ngumiti ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya. Bagamat wala akong balak makipag kaibigan sa kanya mas mabuti na rin sigurong tapusin ko kung ano man ang hindi namin pagkakainitindhan para hindi na rin ako nag-aalala kapag nasa labas, dahil kahit naman anong sabihin ay kinakabahan pa rin ako lalo na at madalas gabi ang labas ko ng opisina.

Ayan, friends na tayo, siguro naman pwede na akong maupo, saka ko lamang napansin na pareho kaming nakatayo.

“Ayy, sorry, sure have a seat.” Iyon lamang ang naisagot ko at naupo na rin ako. Inisip ko tapos na pero mukhang hindi pa aalis ang babaeng ito, ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta niya dito.

“Gaya ng sinabi ko, alam ko namang may girlfriend ka at hindi ka intresado kay Paul hindi ba?” hindi ako sumagot, nanatili akong nakatingin sa kanya. Kapag naman pala hindi nagagalit ay maganda rin ang babaeng ito. Mukhang mayaman ay sosyal. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Since ayus na naman tayo, may hihilingin sana akong pabor sa iyo, Baka naman matulungan mo kaming magkabalikan ni Paul.” Hindi ko talaga ineexpect na sasabihin niya iyon, of all people bakit sa akin.

“Alam kong nabigla ka sa sinabi ko pero base sa napag-alaman ko, si Paul lamang yata ang patay na patay sa iyo. Mukhang hindi naman naging kayo, kasi may naging girlfriend ka naman pala noong highschool at nang mag college ay naging kayu ni Shayne Carillo hanggang ngayon. Kaya naisip ko kung ikaw ang tutulong sa amin magkabalikan baka matauhan si Paul na wala siyang pag-asa sa iyo.” Kung sabagay wala namang nakaalam noon liban sa isang barkada ko noong highschool ang closeness namin ni Kuya Paul ay hindi na pinagtakhan ng mga tao dahil bata pa kami ay sanay na silang lagi kaming magkasama. Mas marami nga ang may alam na totoong magkapatid kami.

“Pero Miss Dianne, hindi nga kami nag-uusap dahil marami kaming misunderstandings bago ako pumunta ng Davao at nag-aral don.” Pangangatwiran ko, baliw yata talaga ang babaeng ito at ako pa ang gagawing tulay nila.

“I know that, galit lamang siya kasi iniwan mo siya at hindi ka na nagpakita sa kanya. Hindi ba magandang pagkakataon ito para magkabati na ulit kayo at ibalik ang dati ninyong samahan bilang mag kuya? Alam ko namang namimiss mo rin iyon kaya huwag ka ng tumanggi. In the long run magiging ate mo rin naman ako at nangako naman ako sa sarili ko na lahat ng taong malapit kay Paul ay magiging malapit din ako. Hindi ko talaga kayang mawala siya. I hope you understand.” Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot. Napipi yata akong bigla. Nakakabigla naman talaga ang taong ito. Nanatili akong nakatingin lamang sa kanya.

“Basta ha, mula ngayon, tutulungan mong magkalapit ulit kami.” Napilitan na lamang akong tumango para matapos na ang lahat pero hindi ko alam kung tama ang naging sagot ko. Kasi hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin at lalong hindi ako sigurado kung kaya ko iyong gawin.

“Good, sabi ko na nga ba e tama ang taong nilapitan ko.” Nakangiti niyang sagot.

“Pero Miss Dianne, hindi ko maipapangako na magagawa ko iyan kaagad kasi sa ngayon kailangan munang magkaayos kami ni Kuya Paul dahil hindi ko rin magagawa ang sinasabi mo kung hindi naman kami nag-uusap, Basta makaasa ka na gagawin ko ang magagawa ko pero huwag ka munang umasa sa magandang resulta.”

“Yes I agree, naiintidihan ko ang ibig mong sabihin and thank you in advance, O paano mauuna na ako, baka naabala ko ang tanghalian mo.” Tumango lamang ako at lumabas na rin siya. Nakahinga ako ng malalim ng sumara ang pinto.

“Gosh, ano ba itong pinagagawa ko. Tama bang pumayag ako sa baliw na iyon?” nakatitig lamang ako sa iniwan niyang paper bag nang muling bumukas ang pinto.

“Siyanga pala, Patrick, i hope alam mo namang dapat confidential ang pinag-usapan natin ha, wala sanang makakaalam nito lalo na si Paul.”

“Yeah, i know!” iyon lamang ang naisagot ko dahil nabigla talaga ako sa pagbalik niya. Agad naman siyang lumabas pagkatapos magpasalamat. Haist ang babaeng iyon feeling close agad kami, pumapasok ng hindi man lamang kumakatok.

Paul

Sabi nila “There is a time for everything”. Naniniwala naman ako don, kahit nga sa love, dapat tama ang timing. Pero may pagkakataong kailangan ding kumilos Hindi naman siguro pwedeng basta ka na lamang maupo at hihintayin mo iyong para sa iyo. Kailangan ka rin kumilos at gawin iyong part mo. Paano kung along the way habang paparating iyong tamang tao na para sa iyo ay biglang may humarang sa kaniya na akala ay siya na ang para sa kanya. Dapat ay unahan mo siya bago maging huli ang lahat.

Sabi ni Kenzo, may nakalaan daw para sa akin kung hindi man si Patrick mayroon at mayroong darating. Siguro tama siya, pero sa ngayon ayoko pang isipin iyon gagawin ko muna ang part ko hanggang mapa prove ko na hindi nga si Patrick iyon. Sinubukan kong maghintay at umasa sa tadhana nadahil mahal ko siya at sabi niya mahal niya ako kaya magiging kami no matter what. Pero sa loob ng halos anim na taon walang nangyayari. Naisip ko lamang baka kailangan ko na talagang kumilos.

Ilang gabi ko ng pinag-isipan ang lahat ng ito. Kakausapin ko si Patrick kung sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman para sa akin tatanggapin ko na lamang, ibalik lamang namin yung dating kami. Bago naman naging kumplikado ang sitwasyon namin masaya naman kami. Pwede pa siguro iyong ibalik. Pinag-isipan ko kung paano ko siya i a approach. Papuntahin ko kaya sa opisina, muka namang nakaka intimidate baka ma pressure lamang siya. E kung sa office nila, hindi naman maganda dahil personal ang pag uusapan namin. Kung yayain ko kaya siyang mag dinner sa labas. Papayag kaya siya?

“Bro hindi kaya mas maganda kung puntahan mo siya sa bahay nila diba doon naman kayo nag-umpisa, mas mararamdaman niya ang sincerity mo kung doon kayo mag-uusap gaya ng dati” suggestion ni Enzo nang minsang mabanggit ko sa kanya ang mga choices ko.

Mukha ngang mas maganda iyon.

Kaya pinaghandaan ko na ang lahat, pupuntahan ko siya sa kanila. Tama bibisatahin ko rin ang bahay namin at makumusta si Ninang. Bakit ba hindi ko naisip iyon. The best nga siguro iyong option.

Isang tanghali, balak ko sanang sabihan si Patrick na pupunta ako sa kanila, ayoko naman kasing mambigla. Alam ko namang hindi na siya gaya ng dati na pagtataguan ako pero kahit na mas mabuti na iyong alam niya. Inabangan ko ang paglabas niya normally dumadaan siya sa HR para sunduin ang girlfriend niya saka sila sabay na kakain. Pero hindi siya dumarating at sure ako nasa loob din si Miss Carillo kaya naisipan ko na lamang puntahan sa office nila. Medyo malayo pa ako ng matanawan kong papalabas naman si Dianne mula doon. Anong gingawa niya don?

“Pambihirang babae ito aba, hindi pa rin nagsasawa. Ilang ulit na rin siyang punta nang punta sa office ko at kung anu-ano ang dinadala. Nalaman ko rin sa kanya nanggagaling ang mga chocolates at flowers na natatanggap ko. Kung hindi lamang kabastusan sasabihan ko ang guard na huwag siyang papasukin.”

Nagkubli ako para hindi niya ako makita dahil tiyak kukulitin na naman ako ng babaeng iyon. Habang pinagmamasdan ko siyang papalayo, nag-iisip naman ako kung paaano ko kakausapin si Patrrick. Nawala sa isip ko ang plano ko nang makita ko si Dianne. Palapit na sana ako nang makita kong bumalik siya.

“Haist, panirang babae, ano kaya ang gagawin niya doon at bumalik pa. Nainis na ako, nasira na ang plano ko kaya nagpasya na akong lumabas at sa ibang araw na lamang kausapin si Patrick. Tinawagan ko na lamang si Kenzo na hintayin ako doon sa dati naming kinakainan. Bad trip talaga. Sumakay ako sa kotse pero hindi ko pa pinaandar nang makita kong lumabas si Dianne na ngiting-ngiti.

“Ano na naman kaya ang ginawa niya at ganon ang itsura. Naalala ko na galing siya sa office ni Patrick. Kinabahan ako, baka inaway niya si Patrick. Baka tinakot alam ko naman na maypagka terorista ang babaeng iyon palibhasa pinalaking spoiled ng mga magulang kaya akala lahat ng magugustuhan makukuha, kailangang alamin ko kung anong ginawa niya sa office nila Patrick.

Dali-dali akong bumaba ng kotse ko nang makita kong umalis na ang kotse niya. Pumasok ulit ako sa building. Pagbukas ng elevator halos patakbo ako sa pinto ng office nila, subalit nagulat ako sa aking nakita. Hindi iyon ang inaasahan ko.

Josh

Pagkasara ng pinto, bumalik ako sa aking ginagawa pero hindi talaga ako maka focus, sobrang nasira ni Dianne ang mood ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipag-usap sa babaeng iyon. Dapat sana ay ipinamukha ko na lamang sa kanya na galit ako. Dapat ay kung pinatawad ko man siya iniwasan ko ang makipag lapit at lalong makipagkasundo sa kanya.

“Ang tanga-tanga mo talaga Josh Patrick!” gusto ko sanang iuntog ang ulo ko sa table.

Maya-maya ay bumukas ulit ang pinto, napahawak ako sa ulo ko subalit si Shayne pala. Mabuti na lamang at hindi si Dianne, kung hindi ay baka hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Josh, matagal ka pa ba diyan, gutom na talaga ako, lets go na.” sabay upo sa isang bangko.

“Saglit lang isesend ko lamang may dumating kasing malaking insekto, naistorbo ang ginagawa ko dapat kanina pa ako tapos.” Wala sa loob kong sagot sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya pero hindi sya nagsalita nang mapatingin siya sa paper bag na naroon pa rin sa pinaglagyan ni Dianne.

“Wow may chocolates, para sa akin ba ito? Salamat naman at naging sweet ka rin sa wakas. Kukuha na ako ha.”

Hindi pa ako nakakasagot ang marinig kong bumukas ulit ang pinto. Napailing ako nang makita ko si Miss Dianne na naman, nakangiti. Diyos ko naman, isa ba talagang malaking sumpa ang babaeng ito? Bakit ba ayaw niya akong tigilan?

“Last na to, Patrick, nakita ko kasi si Miss Carillo na pumasok dito, yayayain ko sana kayung mag lunch now, hindi pa rin ako kumakain, para naman ma sealed ang friendship natin. I hope pagbibigyan ninyo ako”ngiting-ngiti siya habang nagsasalita.

Batuhin ko kaya ng stapler ang babaeng ito o kaya ay tape dispenser nang mawala ng tuluyan ang ngiti niya. Pero nagpaka plastic na lamang ako para huwag ng humaba ang kwento.

“Nako, sorry, but not now, ang dami kong deadline today. Some other time perhaps.” Mabilis kong sagot. Ano ba namang tao to may sa engkanto ba talaga ito, bakit ba sobra ng kulit at bigla-bigla na lamang sumusulpot. Kuya Paul, minahal mo ba talaga ang babaeng ito?

“Okey, just let me know when you are free, I really have to go, have a nice day!” hindi na ako sumagot. Salamat at sumara na ulit ang pinto. Lumipat ako sa upuan sa harap ni Shayne habang ginugulo ang aking buhok. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sirang-sira na ang araw ko.

“Tara, lets eat” yaya ko kay Shayne. Nakita ko naman ang nagtatanong niyang tingin sa akin.

“Whats that, Mr Villanueva? Pwedeng paki explain sa akin, who’s that monster na makapal pa yata sa palitada ng room ninyo ang make up, at ang hikaw ha, muka siyang Christmas Tree kapag summer.” Nakataas ang kilay na tanong ni Shayne. Natawa lamang ako sa Christmas tree pag summer. Ano kayang kaibahan non sa ordinaryong Christmas tree. Ito talagang babaeng ito ang daming alam.

“Pwede ba Shayne, huwag mo muna akong tanungin, sasabog yata ang ulo ko ngayong oras na ito.” Iyon pa lamang ang nasasabi ko ng biglang bumukas ang pinto. Tumayo ako at biglang hinalikan sa lips si Shayne, hindi ko alam kung ano ang naging reaction niya pero sigurado akong nabigla sa ginawa ko kaya hindi rin nakakakilos. Pero mas nabigla ako paglingon ko nanlamig ang buo kong katawan sa aking nakita. Patay bakit si Kuya Paul ang nakatayo doon.

Paul

Nakatalikod sa akin si Patrick habang nakaupo si Shayne at nakapikit, hindi nila napansin ang pagbubukas ko ng pinto. Naghahalikan sila. Biglang napalingon si Patrick. Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla

“Ahh, sorry, sorry, akala ko walang tao may kukunin lang sana ako sa table ni Engr Velez, kailangan ko kasi iyon before 2 pm. Sorry ulit tatawagan ko na lamang siya,” natataranta kong sabi sabay sarang pintuan. Pagkalabas ko napasandal ako sa pader naramdaman ko ang nag-uunahang pag tulo ng mga luha ko. Pumikit lamang ako at dinama ang sakit. Wala akong masabi. Sobrang sakit.

Ganito pala iyong pakiramdam wala akong masabi, parang nanghina akong bigla. Nang maramdaman kong may ilang empleyado ang paparating saka lamang ako parang natauhan, mabilis akong nagpunas ng luha at saka diretsong tinumbok ang elevator.

“Bakit pa ba ako nasasaktan, hindi ba dapat expected ko na iyon. Limang taon na sila. Baka higit pa ron ang kanilang ginagawa. Pero bakit ang hirap pa ring tanggapin.” Iniuntog ko lamang sa manibela ang aking ulo. Parang hinang-hina pa rin ako sa aking nakita. Nang biglang tumunog ang phone ko.

“Bro, saan ka na gutom na talaga ako, anong oras na pasado ala una na?” si Kenzo.

“Bro, biglang sumama ang pakiramdam ko, uuwi na ako, sorry kumain ka na, mag halfday lang ako, ang sakit talaga ng ulo ko.” Pagdadahilan ko saka ko inend ang call. Muling tumunog ang cellphone ko at nakita ko si Kenzo ulit. Pero hindi ko na sinagot. Nang muli itong tumunog dinampot ko at ini off.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta nang mga oras na iyon. Hanggang matanaw ko na lamang ang seaside kung saan kami pumunta ni Kenzo noong birthday ni Sir Angelo. Pinagmasdan ko ang dagat hindi ako bumaba sa kotse. Hanggang naalala ko ang ginawa ko noon. Bumaba ako at dahil mainit walang tao sa dati naming inupuan. Muli dumapot ako ng bato at saka iyon pinagmasdan.

“Pat, hanggang kailan mo ako sasaktan, hindi pa ba sapat ang lahat ng naranasan ko,” lumuluha kong bulong. At muli ay ibinato ko ng ubod ng lakas. Saka ako tumingala.

“Lord, tapusin mo na naman po ang lahat ng ito, hirap na hirap na po ako.” Hindi ko alam ung gaano pa ako katagal na nakaupo sa batong iyon. Pero naramdaman ko ang hapdi sa balat kaya nagpasya na akong bumalik sa sasakyan. Wala akong alam na pupuntahan pero gusto ko talagang makalimot. Ayokong magpakalasing kahit iyon lamang ang naiisip kong paraan. Hindi ko na kayang biguin ang mga magulang ko. Sila lamang ang meron ako at si Kenzo. Nangako ako kay Papa na aayusin ko na ang sarili ko at ngayong ayos na hindi ko na ito sisirain ulit.

Nag drive ko pauwi sa amin sa Tagaytay. Nabigla man sina Papa at Mama masaya sila at umuwi ako kahit wala sa schedule. Hindi naman ako nagbigay ng anumang dahilan. Pinilit kong maging okey sa harapan nila. Pagkatapos ng konting kwentuhan pumasok ako sa kwarto ko at doon iniiyak ang lahat. Ang hirap hindi ko magawang magalit sa kanila dahil karapatan naman nila iyon hindi naman nila ako niloloko dahil hindi naman kami. Pero sobrang sakit.

Josh

“Ahh, eh, sorry, sorry, akala ko walang tao may kukunin lang sana ako table ni Engr Velez, kailangan ko kasi iyon before 2 pm. Sorry ulit tatawagan ko na lamang siya,” at isinara ang pinto, kitang-kita ko ang pagka bigla niya. Ako naman ay hindi makakilos lalong hindi nakasagot sa kanya. Ang plan ko lamang naman ay mapahiya si Dianne at nang huwag nang bumalik pa dahil nakakainis talaga siya. Hindi ko naman sukat akalain na si Kuya Paul ang papasok.

“Ano ba Josh, ano bang ibig sabihin ng kalokohang ito. Bakit ba bigla-bigla kang naghahalik, Kailan ka pa naging manyakis?” Nakakainis!” reklamo ni Shayne habang pinupunasan ng kamay niya ang kaniyang labi. “But wait huwag mong sabihin na pinagseselos mo si Kuya Paul at my expense. Well sana naman ay sinabihan mo ako para ginalingan ko ang pag arte. Iyong may ungol at liyad ng balakang para maging realistic” ang maarte niyang sabi sa akin. Pagkatapos magbago ang isip.

“Shut up! baliw, halika na at kakain na tayo, o kaya ay uuwi na lamang ako, Haist, mababaliw din yata ako. Ano ba talagang nagawa kong kasalanan bakit pinahihirapan ako ng ganito? Bakit ba ang dami ng baliw sa mundong ito?”

“Hmp, Wait, dito muna tayo baka biglang bumalik si Kuya Paul, pwede take 2 promise gagalingan ko na yung magrereact talaga siya sa makikita. Finally I made it nahalikan na rin kita Josh Patrick.” Napapailing na lamang ako pinuntahan ang pintuan at dali-daling lumabas.

“Hoy Josh Patrick, ang rude mo talaga, kailan kaya tutubuan ng sweetness iyang katawan mo?” Nakita kong napapatingin sa amin ang mga nakakakita dahil sa ingay ng babaeng ito. Hindi bale medyo nasasanay na rin sila sa bunganga ni Shayne ang alam lamang nila lagi kaming nag away.

Habang kumakain kami hindi ako tinigilan ni Shayne kung ano talaga ang nangyari. Alam ko namang i owe her an explanation kaya ikinuwento ko sa kanya ng buo.

“Shocks, si Kuya Paul, gwapo nga wala naman palang taste. Yung babaeng iyon ang girlfriend niya. Ang cheap niya ha, san kayang surplus section niya nabili yung damit niyang iyon? Kailan ba nauso ang ganong style at ang make up talo pa ang sasali sa Miss Gay ” maraming pang pang ookray ang nadinig ko sa kanya.

Hindi ako makakontra dahil kahit naman sino ang magsabi magaling ang fashion statement ng babaeng ito, Ilan na nga bang modeling agencies ang lumapit sa kanya pero tinanggihan niya dahil wala raw sa bokabularyo niya ang rumampa at idisplay ang kanyang itsura. Iba din kasi ang utak ng babaeng ito, sapat na sa kanya na alam niyang maganda at sexy siya.

“Wala naman akong pakialam kahit maglakad pa sya na naka Maria Clara o kahit anong itsura niya, ang ikinakainis ko ay yung ako pa ang ginawa niyang bridge para sa kanila ni Kuya Paul. Baliw na ba talaga ang babaeng iyon? Tapos ayun nakita pa ni Kuya Paul na hinalikan kita, ano ang iisipin non, nasa public place tayo gumagawa ng ganon.”

“Sabi mo nga ang alam niya hindi naman naging kayo, kaya hindi siya nag-aalala. Teka, naging kayo ba talaga baka naman assuming ka lamang na naging kayo nga.” Pang aasar sa akin ni Shayne.

“Ang kapal din ng mukha mo, kamukha mo si Miss Dianne, diba pinakita ko pa sa iyo yung necklace na binigay niya sa akin ng pumayag akong maging kami, saka umabot naman kami ng one month yun nga lang hindi kami nakapag celebrate ng monthsary dahil nga naging kumplikado na ang lahat.”

“Wow, heavy talaga, one month lang naging kayo?” halos pasigaw na tanong niya.

“Shayne naman iyang bibig mo, iiwanan kita dito sinasabi ko sa iyo.” Naiinis kong reklamo sa kanya saka ko siya sinamaan ng tingin.

“Josh kasi, one month talaga? Tapos, almost 6 years ka ng ganyan? Josh, hindi kaya ang OA mo na,

“Anong ibig mong sabihin?”

“Sigurado ka bang iyong one month na iyon naretain pa sa memory ni Kuya Paul. Ngayon mo lamang nabanggit sa akin na ganon lang pala kaikling panahon na naging kayo. Naisip mo ba yung possibility na hindi ka naman niya ganoon kamahal nong time na iyon kaya sa loob ng halos anim na taon hindi siya nag effort na lapitan ka.”

Napaisip din ako kaya hindi ako nakasagot sa kanya, paano nga kaya?

“Don’t get me wrong Josh, kasi may isang taon na tayong magkakasama sa kumpanya pero ni minsan ba kinausap ka niya as ex o kahit yung sinasabi mong pag ke care niya as younger brother? Baka its time for you to look around. Pero hindi ako ang tinutukoy ko. Kahit ibang babae o lalake pa. Ang sa akin lang naaawa na ako sa iyo, kasi bukod sa boyfriend kita kahit hindi mo ako girlfriend ikaw din ang bestfriend ko kaya nasasaktan ako sa nakikita ko sa iyo. Josh don’t you think six long years of suffering is worth it para sa isang buwan lamang pala ninyong relasyon?”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Ngayon lamang ako nasukol ng babaeng ito. Hindi ko siya magawang barahin o kontrahin, nanatili lamang akong nakatungo na parang bata na pinagagalitan habang pinaglalaruan ko ang pagkain ko.

Hindi na ako bumalik sa opisina bagkus ay sumakay ako sa kotse at nagdrive lang. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero parang gusto kong takasan ang kasalukuyan. Baka nga tama si Shayne, umaasa lamang ako pero wala na talaga.

Paul

“Anak, may sasabihin sana kami ng Papa mo sa iyo.” Biglang sabi ni Mama nang walang nagsasalita sa amin. Nasa terrace kami noon na madalas naming gawin kapag magkakasama kami. Ang sarap lamang sa lugar na iyon, kahit summer ramdam na ramdam ang malamig na simoy ng sariwang hangin.

“Ano yun “Ma?” napatingin ako sa kanya, bahagya akong kinabahan, sa kanilang dalawa mas joker si Mama, naisip ko baka may sakit na naman siya. Pero tumingin siya kay Papa. At si Papa ang sumagot.

“Gusto kasi ng Mama mo na magbakasyon muna sa bahay natin sa Manila. Naiinip na kasi dito, gusto rin niyang biisitahin ang mga Lola mo sa Laguna.”

“Yun lang naman pala, akala ko naman kung ano na ang problema, pinakaba ninyo ako.” nakangiti kong sagot.

“Pero anak, gusto sana namin mga isang buwan para naman sulit, namiss ko na rin ang bonding namin ng Ninang mo, ang tagal na ng huli kaming magkausap, wala pa naman kahilig-hilig iyon makipagtext.” Si Mama.

“Kaya lang Ma. Maninibago kayo don, kasi yung iba nating gamit ipinalipat mo dito.”

“Ayus lamang yun, naroon pa rin naman ang kama natin, ang TV, saka yung mga gamit sa kusina na sabi mo ay palitanna lamang kaya hindi mo ipinadala dito.” ngumiti lamang ako.

“Ano Cel, naniwala ka ng papayag si Paul, ang tagal mong pinag-isipan paano sasabihin sa kanya.” Si Papa.

“Akala ko kasi mahihirapan tayong kumbinsihain siya.”

“Nako Ma, ang gusto ko lamang ay maging masaya kayo, kung saan kayo masaya ayus lamang sa akin, basta huwag na kayong magta trabaho yun lamang ang pakiusap ko.” Nang makita ko ang ngiti mula kay Mama, naisip ko na ito na lamang talaga ang nagpapasaya sa akin.

“Pero Anak, huwag mo namang kalimutan ang sarili mo, malakas pa naman kami at kaya namin ang aming sarili. Isipin mo rin ang kasiyahan mo.” Si Papa

“Hindi ka na bumabata, kumusta na pala si Josh, naalala ko naikwento ng Ninang mo na nakabalik na pala siya at engineer na rin, natuwa nga ako at pati talaga sa course ay sinundan ka, sabi niya noong bata pa kayo ay gusto niyang maging nurse. Nagkita na ba kayo?”

Kita kong tinapik ni Papa sa hita si Mama, kaya natahimik kami pare-parehas. Nasabi ko minsan kay Papa na magkasama kami sa kumpanya pero hanggang doon lang. Nauna silang pumasok habang ako ay ineenjoy pa rin ang lamig ng hangin. Maya-maya ay naramdaman kong tumabi sa akin si Papa.

“Pagpasensiyahan mo na ang Mama mo ha, alam ko namang iniiwasan mong pag-usapan si Josh.”

“Okey lamamg iyon Pa, hindi naman talaga maiiwasan yun.”

“Alam ko rin kasing hanggang ngayon ay siya pa rin at nahihirapan ka sa sitwasyon ninyo.”

“Nasasaktan lamang po ako ngayon, pero lilipas din ito.”

“Kaya lalo akong nahihirapan kasi gusto kitang tulungan pero wala akong magawa.”

“Huwag kang mag-alala Pa, malalampasan ko rin ito.”

“Alam ko Paul kahit hindi mo sabihin may problema ka kaya ka umuwi.”

Hindi ko na napigil ang luha ko, yumakap lamang ako kay Papa, at parang batang umiyak lamang nang umiyak.

“Paul, kung hindi mo na kayang lumaban, bumitaw ka na.”

“Gusto ko na Pa, pero nasasaktan pa rin ako.”

“Mas masasaktan ka kung patuloy kang umaaasa at maghihintay.” Humiwalay ako sa kanya at muling tumanaw sa kawalan

“Mahal ko pa rin siya Pa, sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi kopa rin siya magawang kalimutan”

“Siya ba, alam mo ba kung ano ang nararamdaman niya para iyo ngayon?

“Hindi ko po alam Pa, aaminin ko sa halos isang taon na magkasama kami sa iisang kumpanya, pero hindi pa kami nagkaron ng pagkakataong mag-usap o nag0uusap man kami yung tungkol lamang sa trabaho, hindi personal.”

“Bakit hindi mo lapitan, baka nagpapakiramdaman lamang kayo?”

“Kumplikado na po ngayon, may girlfriend na po siya.”

“Mahirap nga iyan, e yung si Dianne, wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo?”

“Pa kinalimutan ko na po siya, at kung anuman ang namagitan sa amin tinapos ko na po iyon.

“Basta Paul, lagi mong tatandaan na anuman ang mangyari, narito lamang kami ng Mama mo ha. Wala man akong magawa para mabago ang sitwasyon ninyo pero narito kami handang makinig sa iyo. Huwag mong kalilimutan lagi ka naming uunawain dahil mahal ka namin anak.” Tumango lamang ako.

Hindi ko na kayang biguin ang mga magulang ko. Sapat na sa akin na masaya sila pipilitin kong kayanin kung anuman ang hirap na pinagdaraanan ko basta makita ko lamang silang nakangiti. Maari ngang hindi pwedeng makuha mo ang lahat.

Masaya ako sa pagkakaroon ng magulang na gaya nila, kaya siguro dapat makuntento na ako doon. Kung hindi man ako successful sa lovelife at least successful naman ako sa pamilyang meron ako.

Naiwan pa rin ako, matagal-tagal na at medyo malamig na nang maispan kong pumasok, Pero sa halip na sa kwarto ko tumuloy ako sa dulong kwarto. Naalala ko ang usapan namin ni Mama nang inaayos ang kwartong iyon.

“Paul, anong room ito, sabi mo hindi ito guest room?” tanong ni Mama

“Basta ‘Ma gusto ko may isang room na ganito sa tabi ng room ko. Kapag aayusin mo ang room ko pakiayusin mo rin ito ha kahit walang gumagamit nito sana laging maayos.”

“Bahala ka nga, ayaw mo namang sabihin para kanino ang room na ito.”Paano ko ba sasabihin sa kanya na pangako ko kay Patrick iyon. Na kapag nagkabahay na ako may sariling room siya na anytime na gusto niyang pumunta pwede siyang pumunta.

Pinagmasdan ko lamang ang kabuuan ng kwarto. Napakalungkot. Isang kama, isang side table, isang cabinet at isang table malapit sa pinto. Hindi ko pinalagyan ng kahit anong dekorasyon dahil hindi ko na alam ang gusto niya. Baka hindi niya magustuhan kapag nakita niya. White and gray ang kulay ng room saka na lamang niya ipabago kung may gusto siyang baguhin. Para akong tanga patuloy pa ring umaasa na babalik sa akin si Patrick at itutuloy kung anuman ang naputol sa amin.

“Patrick tinupad ko naman lahat ng pinangako ko sa iyo. Kung inabot man ng isang taon bago kita nabalikan, bumalik naman ako. Pero bakit ikaw parang tuluyan mo na akong iniwan?”

Naramdaman ko ang muling pagpatak ng mga luha ko. Pero gaya ng pangako ko kay Papa, kakayanin ko ito, o mas tama siguro na kailangang tanggapin ko ito. Kahit nasasaktan ako wala naman akong magagawa.

“Iparamdam mo naman sa akin na nasasabik ka pa sa akin, na ako pa rin ang Kuya Paul mo na sabi mo ay mahal na mahal mo dahil hanggang ngayon gusto kong ikaw pa rin ang Baby Pat ko. Mahal na mahal kita Patrick.”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 11)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 11)
Nang makauwi ako naalala ko noong may itinanong ako kay Kuya Paul, sabi niya kahit may ginawa akong masama sabihin ko pa rin sa kanya kasi kahit magalit siya tatandaan kong mahal pa rin niya ako.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/ang-tangi-kong-inaasam-part-11.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/ang-tangi-kong-inaasam-part-11.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content