By: Ryan Tuluyan na kaming tumulak pa Manila. Sabi ni boss bukas na lang daw ako mag-report para makapagpahinga daw ako. Siya naman ay dumer...
By: Ryan
Tuluyan na kaming tumulak pa Manila. Sabi ni boss bukas na lang daw ako mag-report para makapagpahinga daw ako. Siya naman ay dumerecho pa ng office kasi may mga mahalagang bagay daw siya na kailangan ayusin. Sabi ko nga papasok na lang din ako para matulungan siya, pinigilan niya ako. Nagpasalamat na lang ako dahil alam ko namang hindi ako mananalo dahil siya ang boss ko.
Nakarating ako ng bahay at kahil pagod ay hindi ko nagawang magpahinga. Sa halip ay binuksan ko ang laptop ko at nag search ulit ako ng mga information about kay boss. Gusto ko makita yung sinasabi niyang girlfriend. Hindi naman ako nabigo at nakita ko kaagad siya.
Si Elise...
Napakaganda niya at tila anghel ang mukha. Isang picture lang ang nakita ko at kasama niya doon si Geremy na ngiting-ngiting nakaakbay sa kanya. Para bang proud na proud si Geremy na si Elise ang girlfriend niya.
Nakaramdam ako ng inggit. Hanggang pangarap ko na lang talaga si boss. Alam ko naman na hindi ako gugustuhin ni boss kahit ba napapansin ko na nagiging malambing siya sa akin. Ang alam ko kasi naaalala niya lang ang pumanaw na kapatid niya.
Nakatulog ako na si Geremy lang ang laman ng aking isip hanggang sa panaginip siya ang laman nito.
Sa panaginip...
Nakarinig ako ng parang alarm pero hindi ko alintana yun dahil nakahiga ako sa kama ni Geremy habang nakikita ko siyang palapit na naka white sando na hulmang-hulma sa maskulado niyang katawan at naka boxer shorts na makikita mo ang magandang pagkakatubo ng balahibo sa kanyang mga binti. Napakasarap niyang tingnan. Onti-onti siyang lumapit na nakangiti sa akin habang may dala-dalang tray na may lamang mga pagkain.
Inilapag niya ang tray sa side table at umupo sa tabi ng kama ko. Nakangiti lang ako sa kanya at titig na titig pa din siya sa akin habang nakangiti. Dahan-dahan niyang inilapit ang mga mukha niya, pumikit lang ako na bahangyang naka pout ang aking mga labi at naghihintay sa halik ni Geremy. Palapit ng palapit...bumilis ang tibok ng puso ko.
Tapos biglang siyang naglaho at parang nakaramdam ako ng lindol at onti-onting nilamon ng kawalan. May narinig akong mahinang boses na tinatawag ako "Riju, anak" boses ng isang babae, napakalamig ng boses na yun pero maya-maya ay napalitan ng parang pasigaw na boses.
"Hoy Riju! wala ka bang balak na bumangon? Alas-sais kinse na. Kanina pa nag-a-alarm ang cellphone mo. Mag prepare ka na sa pagpasok mo." habang yugyog ako sa balikat. Kaya pala parang lumindol sa panaginip ko.
Anak ng tokwa.
Tuluyan na akong nagising. Tiningnan ako ni mama at parang hinihintay na bumangon ako.
"Ano bang panaginip mo at parang nakanguso ka kanina. Pipiktyuran pa naman sana kita." tawang-tawang sambit ni mama. Makulit talaga itong si mama, kahit minsan bungangera. Pero love na love ako niyan.
Tulala lang ako na nakatingin kay mama. Hinintay ko yung espiritong lupa ko na muling sumanib sa akin.
"Mama naman, ang ganda na ng panaginip ko eh." pagdadabog ko. Tawa pa din siya ng tawa. Nang marealize ko kung anong oras na ay agad-agad na akong kumilos para mag ready para sa trabaho.
"Gwapo ba?" aniya na may kasamang ngiting nanunukso.
Wala naman talaga akong maitatago sa kanya, dahil anak niya ako at ramdam niya lahat ng kinikilos ko. Alam niya na bakla ako kahit hindi ko pa final na sinasabi sa kanya yun.
Napakamot na lang ako ng ulo at tuluyan ng bumangon upang maghanda sa aking pagpasok.
-------
Sabi ni Geremy may late meeting daw kami with the client. Dinner time daw iyon at sa isang restaurant daw gaganapin. Pinagre-ready niya ako ng mga bagay na kailangan niya.
Mag-iisang taon na ako sa company.
Pero naguguluhan pa din ako kay Geremy. Minsan malambing siya at mabait. Madalas naman ay masungit at suplado. Bipolar ata 'to at may saltik sa utak. Kasi minsan ang trato niya sa akin ay parang wala kaming pinagsamahan. Nasisigawan niya ako madalas at tumatahimik lang ako. Tapos bago mag lunch break ay may nakikita akong peace offering sa table ko. Minsan isang box na pizza, minsan naman ay burger, basta kung anu-ano lang. Tapos titingnan ko siya at nahuhuli kong hinihintay niya pala ang magiging reaction ko sa peace offering niya. Saka ko siya ngingitian na parang pinapatawad ko siya at makikita mo naman sa mukha niya na relieved siya.
Pero masasabi ko ngayon na may konting closeness na talaga kami. Madalas nga akong tuksuhin ni Ms. Kills (Ms. Kilay).
Nagla-lunch kami ngayon ni Ms. Kills at nilalantakan ang peace offering na pizza ni boss.
"Kung hindi ko lang alam na straight yan si Boss, iisipin ko nililigawan ka niya." sinasabayan ng makahulugang ngiti.
"Tumigil ka nga diyan Ms. Kills, kakapanood mo ng koreanobela, ayan tingnan mo nalason na yang utak mo."
"Kunwari ka pa, kinikilig ka naman." dugtong niya pa.
Alam niya na kasi ang pagkatao ko kaya malaya na siyang biruin ako ng mga ganyang bagay. Nanghinayang pa nga siya at inamin niya na gusto niya pa naman daw ako. Sabi ko nalang na "Sorry, hindi tayo talo". Pero natutuwa naman ako at naasahan ko siyang ilihim yung tungkol sa akin. Dahil dun mas lalo kaming naging close.
Sa totoo lang kinikilig naman talaga ako sa mga ginagawa ni Geremy kahit na madalas ay masungit siya. Lalo na kapag nagtatanga-tangahan na naman ako. Pero nararamdaman ko na may concern siya kahit na idinadaan niya ito sa pagsusungit.
Nakabalik na ako sa office at inasikaso ang mga dapat asikasuhin para sa meeting mamaya.
Nag ring ang phone ko, si Boss ang tumawag. Pinapapunta ako sa loob ng office niya.
May ginagawa ako that time kaya mediyo occupied ang isip ko at naiwan ata ang utak ko sa paper works na ginagawa ko. Ewan ko ba, matagal na ako sa company niya pero hindi ko pa nakasanayan 'yong glass door na nagsisilbing portal sa office ko at office niya.
Dire-derecho ako ng pasok sa loob ng office niya. Dahil nga napaka-clear nung glass door at occupied ang isip ko. Sobrang lakas na bumungo ako sa door na iyon at dumausdos pababa. Imagine mo 'yong pisngi at labi mo na nakalapat sa glass. Ganoon ang naging itsura ko habang dahan-dahang nag-slide pababa.Sa ganoong ayos ko ay nakuha ko pang makita ang itsura ni boss na gulat na gulat at animo'y nagpipigil ng inis at tawa dahil sa pagkakayupi ng mukha ko.
Hindi lang 'yon, dahil sa sobrang kaswertehan ko, na outbalanced ako dahilan upang pumasok ang ulo ko sa maliit na trash bin na malapit sa door na iyon.
Mabilis na tumakbo si boss sa kinaroroonan ko.
Dahil sa kamalasan at katarantahan na nangyari. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko magawang tumayo at parang namanhid ang mukha ko sa impact ng katangahan ko.
'Ano na naman ba itong nagaganap. Kahit kailan ka talga Riju.' sa isip ko.
"Ano ba Riju. Mag-iisang taon ka na dito sa company ko pero hindi mo pa din kabisado yang door na yan." pagsinghal niya. Nakalapit na pala siya sa akin.
Kahit na nakapasok ang ulo ko sa bin ay nakita ko mula sa butas ang mukha niya, 'yong nagpipigil ng tawa na may halong pag-alala.
Mediyo na delay 'yong pagkakabawi ko sa nangyari sa akin. Inalalayan ako ni boss sa pagtayo. Inalis ko ang trash bin na nakapasak sa ulo ko na siyang paghagalpak ng tawa ni boss. Hindi ko alam kung bakit humagalpak siya lalo sa pagtawa habang turo-turo ang mukha ko.
Nainis ako sa tinuran niya pero may part sa puso ko na natutuwa dahil ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganoon. Parang mas masarap pakinggan 'yon at nakalimutan kong nasa kasamaang palad pala ako ng oras na iyon.
"Y-yong, 'yong tissue..." tawang tawa pa din siya na nakahawak sa tiyan niya. Hindi niya halos mabuo ang salita niya dahil sa kakatawa. Mauubusan na yata siya ng hininga at pulang-pula na ang mukha.
Dahil nga sa namanhid ang mukha ko, noon ko lang napansin na may tissue palang nakapasak sa ilong ko.
Noong oras na iyon naisip ko na sana, naging asong gala na lang ako o kaya sana bumuka ang lupa at kainin ako ng tuluyan ng maglaho. Sobra-sobra ang kahihiyan at lagi pang natataon na nadiyan si boss.
At napansin ko pa na may konting laway na dumikit sa salamin. Agad ko iyong pinunasan gamit ang sleeves ko.
"Are you okay? May masakit ba sa iyo?" nakabawi na siya sa pagtatawa niya. Pero may konti paring pagpipigl akong nakita sa mukha niya.
Pero kinilig ako sa tinuran niya. May kasama kasing pag-aalala sa boses niya habang hawak-hawak niya ako sa balikat at chini-check kong may masakit ba sa akin.
"You're wounded!" nakita ko ang pagkataranta niya na nakatingin sa pisngi ko. Nawala din 'yong pagpipigil niya ng tawa.
Hinawakan ko 'yong bahagi ng pisngi ko na tiningnan niya at nakapa ko 'yong dugo.
Agad siyang tumungo sa first-aid kit at pagbalik niya ay may bitbit na siyang bulak, alcohol at band-aid.
Akmang hahatakin niya ako upang paupuin sa malapit na upuan na naroon. Pero umiwas ako.
"It's okay boss, ako na lang po ang gagawa." mediyo ilang na pagkakasabi ko. "Sorry din sa katangahan ko." dugtong ko at akmang aabutin ang first-aid na hawak niya.
"No, let me handle this." tuluyan niya na akong hinatak at pinaupo. Hindi pa din nawala 'yong pag-aalala sa mukha niya.
Hindi na ako tumutol, baka daanin na naman ako sa pagiging boss niya.
"I'm sorry." sambit niya habang inaasikaso niya ang pisngi kong may maliit na sugat.
Parang may kamay na humaplos sa puso ko sa narinig ko na iyon. Hindi ko napigilang ngumiti ng palihim kahit na nahahapdian ako sa tuwing dumadampi ang bulak na may alcohol sa sugat ko.
"Bakit ka ngumingiti? Nasaktan ka na nga, nakukuha mo pang ngumiti." patuloy pa din siya sa pag-aasikaso ng sugat.
'Eh ikaw kasshhiii eeeh. Ene be nemen yen. Kenekeleg eke eeeh.. Ene be!' sa isip ko.
"Wala po." ngumiti pa din ako. Hindi ko talaga kasi kayang pigilin 'yong kilig na naramdaman ko.
Napatitig siya sa akin ng ilang segundo at huminto sa ginagawa niya. Sobrang lapit pala ng mga mukha namin sa isa't isa. Tumingin siya sa mga ngiti ko. Dahil nailang ako ay inalis ko ang ngiti na 'yon. Tumaas ang tingin niya sa mga mata ko at nagkatitigan kami. Parang napaka-magical ng moment na 'yon. Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko at huminto sa pag-ikot ang mundo. Lahat ng nasa paligid ko ay parang bumagal. May something sa mata niya na parang kinakausap ako. Nalulunod ako sa mga titig na 'yon. Parang ayoko na matapos ang sandaling 'yon. Noon ko lang siya nakatitigan ng ganoon katagal.
Maya-maya ay binawi niya ang pagkakatitig sa akin at mabilis na umiwas. Inilagay niya din ang bulak na may alcohol sa kamay ko at mabilis na tumalikod. Parang bigla-bigla na namang nagbago ang aura niya. Galit ba siya?
"Ikaw na ang gumamot sa sarili mo at bumalik ka nalang dito kapag okay ka na." malamig na pagkakasabi niya at tuluyang nakaupo sa swivel chair.
Hala ano 'yon? Hindi ko na talaga siya mabasa, parang kanina lang ay concern na concern siya sa akin. Tapos biglang magsusungit at napaka-cold.
Kinuha ko ang alcohol, bulak at band-aid at dahan-dahang lumabas sa office ni boss pabalik sa office ko.
Naguguluhan ako sa inasta niya, nawala tuloy sa isip ko na may kailangan pala akong tapusin sa table ko.
Nagtungo na kami ni boss sa restaurant na paggaganapan ng meeting. Isang seafood restaurant.
Oo, seafood restaurant. At allergic ako sa seafoods. Gusto ko sanang sabihin kay boss na may allergy ako. Pero mahalaga ang business deal na ito. Sino ba naman ako diba?
Nandoon na din ang apat na Japanese client na makaka-meeting namin.
Habang nag-uusap sila at about sa investment ay sinusulat ko naman ang mga important details na napag-uusapan. Hindi ko naman kailangan sumabat dahil si Geremy na ang bahala sa pakikipag-usap. Kapag tinatanong lang ako saka ako nagsasalita.
Dahil sa galing ni Geremy sa pakikipag deal. Maganda ang naging flow ng usapan.
Tinanong ako kanina ni Geremy kung ano ang gusto kong kainin ay umaayaw lang ako at nagdahilan na busog pa. Hindi ko kasi masabi na may allergy ako sa seafood. Tsaka noong tiningnan ko ang menu ay wala akong maintindihan, napaka sosyal ng mga pangalan na 'yon at noon lang ako nakarinig ng ganoon.
Ang alam ko lang kasi ay kalamares, ginataang kuhol, ginisang bagoong alamang, bagoong balayan at pinakuratang pugita. Malay ko ba sa mga kaartehang pangalan ng pagkain na nakalista doon. Iyong iba nga ay parang pangalan ng tao.
Dumating na 'yong mga inorder na pagkain. Sobrang dami nito at sa tingin ko hindi kayang ubusin.
Nagsimula na silang sumubo pero hindi ko pa din ginagalaw ang plato ko. Kaya sumulyap sa akin si Geremy na parang nagtatanong.
"Why are you not eating?" tanong niya.
Ngumiti lang ako at nag-isip. Hindi naman siguro kaagad eepekto ang allergy ko kong kaunti lang ang kakainin ko. Napagpasyahan ko ng kumuha ng pagkain.
Hipon 'yon na may kung anu-anong hinalong soup. 'Yong pangalan na binanggit ni Geremy na tawag sa pagkain na iyon ay parang katunog nung kanta ni Megan Taylor, All About That Bass. (I'm all a bouillabaisse, bouillabaisse, no treble. Haha Waley!). Ayon! Bouillabaisse ang tawag.
Hayss bahala na. Sana hindi mamaga ang mukha ko pag kinain ko to. Kakarampot lang ang kinuha ko dahil sa takot kong magka-allergy.
Nagsimula na akong kumain, masarap naman talaga siya at napadami na yata ang pagkain ko. Ang kaso parang may after taste. Hindi ako mapalagay sa nalalsahan ko. May nakita akong kulay green na parang mustard na katabi ng parang kanin na nilukot na may palamang pipino at isda sa loob na hindi ko malaman kung ano ang tawag (Wala kasi akong hilig sa mga seafoods at Japanese food). Kumuha ako ng isang kutsara nun at inilagay ko sa plato ko. Sa tingin ko ito lang ang makakatanggal ng after taste.
Isinubo ko ng buo ang isang kutsara na iyon at ngumuya. Nakita kong sinulyapan ako ni Geremy na parang nagtataka sa ginawa ko.
Maya-maya ay may nalasahan akong sobrang anghang na pumasok at lumukob sa nasal cavity ko. Dali-dali akong kumuha ng tissue at tumagilid na niluwa ang bagay na iyon. Lumingon ako kay Geremy na nalukot ang mukha sa pagtataka na parang natatawa pero inabutan ako ng isang bao ng tubig.
Agad ko iyong ininom at nasamid ako. Malakas ko iyong nailuwa sa plato ko. May mga konting talsik pero hindi naman iyon umabot sa pagkaing nakahanda doon. Dahilan para mapatingin ang apat na client.
Nasapo ko ang aking bibig at tumingin kay Geremy. Na noon ay nakatingin sa mga client. Nilipat ko ang tingin ko sa mga client na parang aliw na aliw at tuluyang natawa sa nagawa ko. Natawa na din si Geremy.
Akala ko noon ay magagalit si Geremy at baka masira ang business deal na iyon. Pero kabaliktaran ang nangyari. Mukhang aliw na aliw 'yong mga hapon at si Geremy.
Inexplain ni Geremy 'yong bagay na kinain ko, WASABI daw iyon. Nagtataka nga daw siya kanina at ang dami ko daw kinuha.
Tuwang-tuwa naman ang mga hapon, marami narin daw kasi silang na-experience sa mga Filipino friends nila na ganoong scenario.
Kahit napahiya ay nakitawa na lang din ako at panay sorry sa mga kaharap ko.
Bakit ba lagi akong minamalas. Kakambal ko na talaga yata ito.
Natapos na ang aming kainan. Nag-final deal at closed na ito. Saka nagkamayan at nagsialisan.
Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa sasakyan. Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkakahilo at hirap na huminga. Pakiramdam ko din namamaga at namumula ako na parang lasing. Ito na ang ikinakatakot ko. Tumama na naman ang aking allergy.
Lumingon si Geremy sa akin.
"What happened to you face?" pag-aalala niya.
"N-nothing." tipid kong sagot.
Para na akong lasing na pasuray-suray ng lakad. Pinilit kong maging normal pero hindi ko na talaga kinaya. Bigla akong na outbalance. Narinig kong sumigaw si Geremy.
Hindi ako bumagsak sa lupa. Dalawang matatag na braso ang yumakap sa akin at napadikit ako sa matipunong dibdib ni Geremy.
Nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya. At nagsisigaw ng tulong.
"G-Geremy." sobrang hina kong sambit ng pangalan niya. At tuluyan nang nagdilim ang paligid ko.
Itutuloy.........

COMMENTS