By: JR Nakaraan: Sumilip muna sya sa loob ng shower room para masiguradong walang tao. Nang masiguro nyang wala ng tao. Lumabas sya ng pinto...
By: JR
Nakaraan: Sumilip muna sya sa loob ng shower room para masiguradong walang tao. Nang masiguro nyang wala ng tao. Lumabas sya ng pinto para kunin ang sabon sa bag. Ngunit nagulat sya ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran, at dahil sa pagkagulat nya, nabitawan nyang bigla ang tuwalya sa kanyang katawan..
Lagot na, hubo’t hubad pa man din sya…
“ Huuuuyyyy!” sabi ng boses sa kanyang likuran. Dahil sa pagkagulat, nabitawan nya ang tuwalya at nahulog ito, buti nalang at napigilan nyang mahulog ito ng tuluyan sa sahig at natakpan nya kagad ang maselang bahagi ng kanyang katawan maliban sa kanyang pwet. Paglingon nya ay medyo nawala ang kaba nya dahil si Stephen lang pala ang gumulat sa kanya. Matalik na kaibigan nya ito simula palang nung highschool, mabuti nalang at parehas silang nakapasa sa university na inapplyan nila at parehas pa sila ng kursong kinuha. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nagawa nyang kalimutan ang kanyang mapait na karanasan sa kanyang ex, si Kate.
“Langya ka! Akala ko kung sino na.” sigaw nya sa kaibigan. “ Oh, bakit parang gulat na gulat ka, meron ka bang tinataguan dyan at dahan-dahan ka pa kung maglakad kanina?”
“Wala, siraulo ka! Nakalimutan ko lang yung sabon ko kaya lumabas ako ng banyo, at tsaka madulas ang sahig kaya dahan-dahan ako maglakad.” pagdadahilan nya. Napaisip din sya kung bakit nga ba sya parang aligaga na may makakita sa kanya sa cr sa ganung kalagayan. Eh kung tutuusin, ok lang naman yon kasi kung meron mang papasok, siguradong lalake iyon at walang malisya lang syang titignan nito. Pero bakit nga ba? “Fuck” sabi nya sa sarili. Iniisip nya ba na ayaw nyang makita sya ni Evan sa ganung itsura? OO, sabi ng utak nya. Ayaw nyang makita sya nito sa ganung itsura, baka lalong hindi nanaman nya alam ang kanyang gagawin.
“ Teka nga, bakit nga ba nandito ka? Tsaka akala ko hindi ka makakapunta?” bawi nyang tanong sa kaibigan. “ Eh, akala ko kasi hindi ka makakasama, niyaya din ako ni Arthur kanina sa school, tinanong ko kung maglalaro ka din, sabi nya, hindi nya sigurado kung makakasama ka, kaya humindi ako.” paliwanag nito sa kanya.
Hindi na akward sa kanya kahit na makita sya ng kaibigan sa ganong ayos na halos hubo’t hubad. Matagal na nyang kilala ang taong ito at halos iisa nalang bituka nila. Lalo na noong highschool sila na halos hindi sila magpaghiwalay. Kahit sa kalokohan, sila rin ang magkasama. Partners in Crime, ika nga. Nung minsan nga, nagpustahan sila kung sino sa kanila ang unang magkaka girlfriend pag parehas silang single at ang matalo, magiging alipin sa loob nang isang linggo.
“Teka, hindi ka na ba maglalaro? Kakadating ko palang uuwe kana?” tanong nito sa kanya. “ Ah, eh, hindi na, kasi susunduin ko pa sa Jessie sa mall. Bala pagalitan yun ni Mama pag umuwe na hindi ako kasama, I’m sure magrogrounded na naman yun.” pagsisinungaling nya sa kaibigan. Ayaw man nyang gawin ito, mas mabuti nang ganito nalang kaysa malaman pa nya ang totoong dahlian, mahirap na.
“Nagtext saken si Jessie kanina, tinanong kung kasama mo ako, hindi ka daw kasi nasagot sa tawag pati text nya. Sabi nya, wag mo na daw syang sunduin, kasi mama mo nalang daw ang susundo sa kanya. Magpapasama ata sya sa mall, meron atang bibilhin.”
Agad nyang kinuha ang cellphone nya sa bag at nakita nga nya, sampung missed calls galing kay Jessie. Nabasa din nya ang text nito tungkol sa pagcancel nang pagsundo nito sa kanya.
“ Oh, panu ba yan, eh di hindi ka na uuwe muna?” paninigurado nito sa kanya. “ Hindi na din naman ako makakapaglaro, basa na ko pre, tingnan mo nga oh”.
“ Eh di hintayin mo nalang ako, tapos sabay na tayo umuwe. Kahit isang game lang. Saglit lang naman to.” nagpacute pa ang mokong sa kanya na tila batang nagmamakaawa para bilhan ng candy. “ Oh sya sige, mauna kana dun. Tatapusin ko lang tong pagshoshower ko.”
“Yesss! Salamat bespren! Hehe, hindi ka talaga makatanggi saken.” ginulo pa nito ang buhok nya. “ Gago! Pasalamat ka at nacancel ang pagsundo ko kay Jessie kungdi uuwe kang mag-isa.”
“ Eh alam ko naman na hindi mo ko matitiis, diba?” pang-aasar pa nito sa kanya. Totoo naman yun, sa lahat ng bagay na nagawa nito para sa kanya, maliit na bagay lang ang hintayin nya ito. Sa totoo lang, hindi na nya kailangan sabihin pa yun, kung hindi lang dahil sa taong iniiwasan nya eh, di sana magkasama pa silang maglalaro nito ngayon.
“Sige na, bilisan mo at nag-uumpisa na sila dun sigurado.” pagtataboy nya sa kaibigan.
Pagkatapos nya mag shower, dumiretso sya sa bench kung nasaan ang iba pa nilang tropa. Umupo sya sa bandang itaas para hindi sya maistorbo. Mas mabuti pang maglaro nalang sya ng paborito nyang pampalipas oras tuwing bored sya sa bahay, ang Hay Day! Corny man sa iba, wala syang pakialam dahil nag-eenjoy sya sa larong ito. Ayaw na nyang laruin ang COC, masyado na kasing common, gusto nya yung tipong hindi pa gaano kilala.
Pagkaupo nya eh nakita nya na naglalaro na si Stephen at nagulat sya dahil ang katapat nito sa laro ay yung taong iniiwasan nya, si Evan. Pero nagtataka sya kung bakit parang seryoso ang itsura ni Stephen samantalang kanina lang eh parang wala ng bukas kung makangiti ang loko nang pumayag syang hintayin nya ito.
Lihim syang natuwa sa sarili dahil sa nakikita nyang pinipisikal ng kaibigan si Evan. Ewan nya, pero parang natutuwa sya na nakakaganti sya dito sa katauhan ni Stephen pero sa isang banda, parang me kutob syang hindi nya mainitindihan. Nasa ganun syang sitwasyon nang mapansin nyang nakatingin nanaman sa kanya si Evan, at nakangisi nanaman ito.
But this time, mas wide ang ngiti nya dahil mas kita ang mga ipin nito. “ Nang-aasar ba tong loko na to?” tanong nya sa sarili. Iniwas nya ang tingin dito at binaling ang tingin nya sa kaibigan. Pero nakita nya na para lalong naging seryoso ang itsura ni Stephen buhat kanina. Nakatingin din ito sa kanya. “Teka, anu bang nangyari sa mokong na ito at parang galit na ang itsura nya?” pagtataka nya. Alam na alam nya na galit ang kaibigan dahil sa kilos at itsura nya. Kilala nya ito kaya alam nya kung seryoso o nagloloko ang kaibigan nya. Sa pagkakataong ito, galit ito. Sure sya dun. Pero bakit? Tanong pa din nya sa sarili. Wala naman syang natatandaan na ginawa nya bago sila maghiwalay kanina. “Baka me nangyari na hindi ko alam.” sabi nya sa sarili. Minabuti nyang magtanong kay Gener, nakita nya kasing nag pasub ito sa iba nilang kasama.
“Pre, anung nangyari kay Stephen? Bakit parang galit na galit?” tanong nya kay Gener.
“Ewan ko pre, pagdating nya dito, ok naman sya. Nakangiti pa nga. Tapos nung tinanong nya kung sino-sino ung makakalaban, tinuro ko sila. Tapos sinabi ko na si Evan yung kabantayan mo. Tsaka sya din dahilan kung bakit ka bumagsak kanina” pagtatakang sabi din nito.
Hindi na sya sumagot at ayaw na nang mag-usisa pa bagkus eh, bumalik nalang sya sa taas. Takang taka man, mas maganda nang tanungin nalang nya ang kaibigan mamaya pagkatapos nang game.
Habang tumatagal eh mas lalong nagiging pisikal ang bantayan ng dalawa. Kung tutuusin, mas pisikal maglaro si Stephen kesa sa kanya. Pero hindi naman ito kagaya nang iba na madumi maglaro, pero nagtataka pa rin sya kung bakit ganong klaseng maglaro nag kaibigan nya ngayon.
SI Evan naman, halatang hindi nagpapatalo din. Sinasabayan ang pisikal na laro ng kaibigan nya. Umabot sa sukdulan ang banggaan ng dalawa ng biglang mag drive muli si Evan at sinahod ito ni Stephen. Pagbagsak ni Evan, nauna ang balikat nito at tumama sa stante ng ring ang tuhod nito.
Pagkatayong pagkatayo ni Evan, hinanap kagad nito ang taong taong gusto nyang makita. Sinugod nya si Stephen at akmang sasapakin buti nalang at naawat sya ng kanyang mga kakampi at napigilan sya sa gusto nyang gawin. Si Stephen naman eh nakangisi lang, at halatang hindi nya pinagsisihan ang nangyari.
Dahil sa nangyari, pati sya ay napasugod sa court, Agad nyang nilapitan ang kaibigan para awatin ito at ilayo sa ibang kasama ni Evan. “ Stephen, tama na yan.” habang hinihila nya ang kabigan. Hindi naman ito sumagot bagkus eh tiningnan lang sya nang diretso sa mata. Hindi naman sya naiintimidate dito, hindi kagaya ng kayang gawin ni Evan sa kanya.
“Don’t be stupid! Alam kong sinadya mo yon kanina. Anu ba kasing nangyari sayo ha?! Kanina lang eh ang ganda-ganda ng ngiti mo tapos ngayon kulang nalang eh umusok yang ilong mo sa galit.” naaasar nyang tanong sa kaibigan. “ Eh panu kung naging masama ang bagsak nya ha, panu kung merong masamang nangyari?! May magagawa ka ba?” dugtong nya.
Wala na ang ngisi ng kaibigan nito pero napalitan naman ng napakaseryosong mukha. He never saw Stephen like this serious before. Parang sinasabi ng mga mata nya na sya ang dahilan kung bakit nag-iba ang mood nya. Gusto pa sana nyang pagalitan ang kaibigan but he felt that it won’t do anything good. Bagkus eh, nilapitan nya ang ibang kateam ni Evan at humingi ng despensa.
Palapit sya kay Evan para humingi ng despensa nang biglang itong humarap sa direksyon nya at naramdaman nanaman nya ang malakas na presensya neto. Parang nawala lahat ang sasabihin nya nang bigla itong tumingin sa kanyang mga mata.
Ganun pa man, kailangan nyang patunayan dito na hindi sya naiintimidate sa presensya nito. Actually, wala naman syang dapat patunayan dito kungdi sa kanyang sarili. Gusto nyang patunayan na kaya nyang harapin ang taong ito.
“Ah, eh, pre! Pasensya kana sa kaibigan ko, baka may problema lang kaya ganon ang nangyari. I hope your ok.” buong lakas ng loob nyang sabi.
“ I think you should not be the one asking for sorry. But it’s ok. I’m fine.”sarkastikong sagot nito sa kanya. Naangasan sya sa sagot nito sa kanya, pero iniisip nya na may karapatan naman ito dahil ang kaibigan naman talaga nya ang may kasalanan at ito ang agrabyado. Pero hindi nya napigilan ang sarili dahil ayaw nyang napapahiya sa ibang tao.
“ Kaya nga nahingi ng sorry pre. Kung meron mang masakit dyan sa katawan mo, I’m willing to take you to the hospital para matingnan ka.” Paangas nya ring balik dito.
“ No need, I can manage. Pakisabihan nalang yung kaibigan mo na wag dalhin ang init ng ulo sa laro. If he has a problem with someone, komprontahin nya ito. Wag syang mang damay ng ibang tao.” nakapuntos nanaman ito sa kanya.
Kung hindi nya lang alam na ang kaibigan nyan ang may kasalanan eh baka sinabayan na din nya ang pagiging sarkastiko nito. Para makaalis sa sitwasyon na iyon, minabuti nalang nyang kumalma at wag nang dagdagan pa ang init ang sitwasyon.
“ Oh pre, since ok ka naman. Mauna na kami. Hindi na naming tatapusin ang laro. Iuuwe ko nalang ang kaibigan ko para wala ng gulo.” sabay talikod nito sa kausap.
Hindi na nya hinintay ang sasabihin ng kausap at tumalikod na sya dito. Nakita naman nya si Stephen na nakatingin sa kanila at andun nanaman ang napakaseryosong mukha nito. Habang papalapit sya dito, eh sya namang layas nito sa labas ng court.
“ Anak ng teteng, hindi naman ako ang involve sa nangyari pero bakit parang ako nag dahilan ng lahat?” yun ang tanong nya sa sarili. Hindi nya maintindihan kung bakit yun ang nararamdaman niya.
Lumabas sya ng court at nagpaalam na sa mga kaibigan nya. Akala nga nya eh, hindi na sasabay sa kanya si Stephen sa pag uwe pero nakita nya ito na nakatayo sa tapat ng sasakyan nya. Paglapit nya eh tiningnan syang muli nito at andun pa din ng seryosong mukha nito.
“ Anung sinabi mo sa kanya?” tanong nito sa kanya.
Itutuloy…

COMMENTS