By: Kurug WTF????!!!!! Nagulat at napatulala ako sa nakita ko. Mali. Maling mali si Erick sa pagkaka-described niya kay RD. Hindi ito ang in...
By: Kurug
WTF????!!!!!
Nagulat at napatulala ako sa nakita ko.
Mali. Maling mali si Erick sa pagkaka-described niya kay RD. Hindi ito ang inaasahan kong makikita.
Itong taong nasa harap ko ay tila walang pores dahil sa kinis ng balat nito. Hindi siya gaanong maputi pero napakalinis niyang tingnan. Sobra akong namangha sa bulto ng kanyang katawan. Mistula isa siyang greek god na bumaba sa lupa upang mang-akit ng mga nilalang na naninirahan dito. Litaw ang hubog nun kahit na nakaupo siya.
Mas tumindi ang paghanga ko dahil sa singkit niyang mga mata, kahit noon ay nakasuot siya ng reading glass.
Hindi siya gwapo.
Dahil sobrang gwapo niya.
Tumigil na yata ang mundo. Parang lahat ng nasa paligid ay hindi gumagalaw. Sasayad na yata ang baba ko sa lupa dahil sa pagkakanganga ko.
May kahawig siyang modelo, si Jiro Shirikawa.
Parang gusto kong tumakbo at umuwi muna ng bahay upang maligo ng sampong beses bago muling humarap sa nilalang na ito. Mataas naman ang level ng confidence ko pero ngayon sobra akong na conscious sa itsura ko ng mga oras na iyon. Ibang-iba ang lakas ng presensya niya. Hindi ko ito inaasahan. Lalo na noong nabasa ko ang awkwardness na nakapinta sa mukha niya. Hindi ko alam kong nagagwapuhan din ba siya sa akin o napapangitan?
Kahit na nasabi ko noong nag-uusap pa lang kami sa telepono na hindi ako gwapo. Hindi ko pa din maiwasang mahiya, ‘yong tipo kasi ng kaharap ko ngayon ay out-of-my-league. Parang pangarap na too good to be true.
Nakaramdam lang ako ng konting disappointment noong napansin kong hindi ganoon ka brusko dating niya. Mahahalata mo kasi sa pananamit niya na isa siyang paminta. I have nothing against sa paminta dahil isa din ako sa mga ‘yon. Pero iba lang talaga kasi ang preference ko sa isang lalake. Ang tipo ko kasi ay brusko, ‘yong lalaking-lalaki pumorma at parang magkatropa lang kami na magkasama kapag tiningnan ng iba. Marahil narin siguro na ayoko magpahalata sa ibang tao na bisexual ako. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang preference sa pagpili ng partner, kaya alam ko naiintindihan niyo ako.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napako talaga kasi ako dahil sa paghanga sa kanya na kahit may konting pagkadismaya. Mas nangibabaw kasi ang paghanga ko sa kanya.
Tumikhim siya na nagpabalik sa akin sa katinuan. Humugot muna ako ng lakas ng loob saka ako nagsalita at naglahad ng kamay para makipag-shakehands.
“Hi, I’m Yeow nga pala. Nice meeting you at last!” nilawakan ko ang ngiti ko dahil alam kong ito ang isa sa mga assets ko.
Inabot niya ang aking nanlalamig na kamay. Ewan ko ba hindi naman ako sa Alaska nakatira pero bakit ganoon katindi ang panlalamig ng kamay ko.
“RD.” tipid niyang tugon ngunit kasabay nito ang napakagandang ngiti na lalong nagpagwapo sa kanya. May braces pala siya, kaya pala medyo iba yung tunog ng boses niya sa telepono.
Mamatay na yata ako sa mga oras na iyon.
“Have a seat.” Pag-aya niya.
Oh shit!! Ang ganda ng accent niya. Maiihi na ata ako.
Mabilis ko namang kinuha ang upuan sa tapat niya at agad na umupo.
Tahimik lang kami. Nagpapakiramdaman sa bawat isa. Parang may namumuong tensiyon sa pagitan namin. Nakatuon lang ang mga mata niya sa binabasang libro. Alam ko ‘yong librong binabasa niya dahil fan ako ng libro na ‘yon. At dahil sa libro na ‘yon ay nakaisip ako ng mapag-uusapan namin.
Hindi ako sanay sa ganoong awkwardness kaya naisipan kong basagin ang katahimikan.
“Ano yang binabasa mo?” kahit alam ko na kung ano ito. Sinadya ko ‘yon para magsimula na kami ng usapan.
“Harry Potter and the Half Blood Prince.” Ngumiti siya ng tipid na lalong ikinagwapo niya.
“Talaga? Potterhead ka din? Ako din eh… Pero hindi ko pa nabasa lahat. Pero alam ko na ang mangyayari, nabasa ko na kasi ang Deathly Hallows.” Sinadya kong may excitement sa tono ko para mawala na nang tuluyan ang mga pesteng daga na nasa dibdib ko.
“Hindi ka naman nagtanong, kaya hindi ko na sinabi.” Bahagyang nag-pout ang kanyang mapupulang labi. Para siyang batang nagpapa-cute at ang sarap panggigilan.
Hindi ko tuloy napigilang tigasan sa itsura niyang iyon. Mabuti na lang at may mesang nakapagitan sa amin, kung hindi, makikita niya ang pagbubukol nito.
Nag-iba na ang mood ng usapan, naging masaya ito. Nawala na iyong pagkakailangan namin sa isa’t isa. Kung anu-ano ang napagkwentuhan namin. Nalaman ko na pinag resigned pala siya ng papa niya sa dating trabaho upang humanap ng review center para mag take ng board exam.
Sa tuwing nagsasalita siya ay hindi ko mapigilang mapanganga dahil sa paghanga. Nakita ko kasi ang katangian ni Lorraine (Ex-gf ko) na hinahanap hanap ko sa isang tao. Para siyang male version ni Lorraine.
Laging natutuon ang mga tingin ko sa mga singkit niyang mata na napakasarap titigan at sa mga labi niyang mapupula na masarap halikan. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil ibang-iba na ang nararamdaman ko. Parang gusto ko siyang yakapin minu-minuto, kaso baka isipin niyang manyak ako. Ewan ko ba, first time lang naming magkita pero ganito na agad ang nararamdaman ko sa kanya.
Para akong natatae, na naiihi na ewan. Hindi mawala-wala ang kabog ng dibdib ko. Nakakapanibago ang mga pakiramdam na iyon, hindi ako sanay pero napakasarap damhin.
Oo, aminado ako. Na love at first sight ako. Nadagdagan pa lalo ang paghanga ko dahil sa galing niya sa pakikipag-usap. Hindi yata kami maubusan ng topic at ganung-ganun ang katangian na gusto ko sa isang tao.
“Ano tara na? Baka wala tayong abutan kung magtatagal pa tayo dito.” Tanong ko sa kanya sabay tayo.
Narepresenta kasi ako noong nakaraan habang nag-uusap kami sa telepono na sasamahan ko siya sa pupuntahan niya. Pero ngayon ko lang nalaman na review center pala ang pupuntahan namin. Sa bandang Manila ang marami noon kaya doon kami tutungo.
Saka siya tumayo na siyang ikinabigla ko. 5’10” o 5’11” ata ang height niya pero mas mukha siyang matangkad kaysa sa akin kahit na 6’1” ako. At mas lalong gumanda ang pustura niya sa pagkakatayo niya. Parang may kung anong excitement na dumaloy sa katawan ko nang masilayan ko ang kanyang pwetang maumbok. Hindi ko na talaga naiintindihan ang nangyayari sa akin. Hindi ko naman 1st time makakita ng ganoong gwapo. Pero si RD ibang-iba eh. Malakas ang dating niya sa akin.
“Akala ko ba aalis na tayo?... Bakit naka tayo ka lang diyan, anong hinihintay mo Pasko?” Tanong niya na parang nang-aasar. Kita niya kasi sa itsura ko ang pagkabigla.
Bumalik ako sa katinuan at nakaramdam ng hiya dahil sa reaksyon ko.
“W-Wala naman, nagulat lang ako. Hindi ko inaaasahang ganyan ka katangkad. Parang mas matangkad ka pa sa akin.” Alanganin akong ngumiti.
”Hmm.. May gusto sana akong itanong, kaso nahihiya ako.” Nagsimula na kaming maglakad noon.
“Ano naman ‘yon?” sabay lingon sa akin.
“Ang ganda kasi ng katawan mo… Nagwo-workout ka ba?”
“Hindi ah!” Bulalas niya.
“Hindi? Sa ganda ng katawan mong yan?” parang hindi ako makapaniwala.
“Siguro sa body type na meron ako, kaya maganda ang katawan ko. Sa tingin ko isa akong Mesomorph na kahit hindi ako mag gym ay maganda pa rin ang katawan. Ikaw naman, sa tingin ko isa kang Ectomorph dahil maliliit ang mga buto mo. Hard gainer ka sa tingin ko.” Mahabang paliwanag niya.
Hindi ako nakaramdam ng pagyayabang sa tono niya. Sa halip ay napahanga niya lalo ako dahil marami siyang alam. Yun naman talaga kasi ang gusto ko, gusto ko yong marami akong nalalaman sa kausap ko. Hindi yong typical facts lang, gusto ko ‘yong parang walking encyclopedia na kausap.
In short, nakikita ko talaga sa kanya si Lorraine. Plus factor na lang talaga ‘yong good looks niya.
Dahil sa kadaldalan ko sa pagkukwento ay hindi ko napansin na muntik na pala akong mahagip ng jeep. Pero mabilis akong nakabig ni RD. Hawak niya ang bewang ko ng kanang kamay niya, habang ang kaliwa ay sa balikat ko. Konting-konti na lang, para na siyang nakayakap sa akin. Natulala ako dahil sobrang lapit ng mga mukha namin. Saka ko na lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Kaya agad akong bumitaw sa kanya at kunwari inaayos ko ang damit ko. Baka mahalata kami ng mga tao.
Sa muling pagkakataon ay napahiya ako sa harap ni RD dahil sa katangahan ko. Pero hindi ko naman siya nakitaan ng pagkadismaya. Parang nakangiti pa nga siya dahil sa pagkakadikit namin kanina. Agad-agad tuloy na napalitan ng kilig ang hiyang naramdaman ko.
Tumawa na lang ako para hindi mahalata ni RD na kinikilig ako.
Sa FX papuntang Manila sa gitna ako naupo habang siya naman ay nasa tabi ng bintana. Hindi ko talaga maalis yung tingin ko sa kanya. Napansin ata niya ang pagsulyap-sulyap ko sa kanya, kaya nagsalita siya.
“Baka matunaw ako niyan sa kakatitig mo” Sabay iling pero nakangiti.
Nag kunwari ako kahit obvious naman na siya talaga ang tinitignan ko.
“Huh? Yung kalasada yung tinitignan ko, ngayon lang ako nakadaan dito.”
“Ok sabi mo eh… Dapat kasi pa-simple ka lang hindi yung obvious.” Sinabayan ng mahinang tawa. Ramdam ko naman noon na parang kinikilig din siya dahil makikita mo sa mukha niya ang galak.
“Luh! Over confident? Wag ganun nakakamatay yan.” Pagde-depensa ko.
Sa totoo lang, ipinalangin kong mawala na lang na parang bula dahil sa kahihiyan. May mangilan-ngilang pasahero kasi na nakakarinig at napatingin sa amin. Medyo may kalakasan kasi yung boses niya. Mistula tuloy akong fire extinguisher sa kapulahan.
“Okay, sabi mo eh.” matipid pero pansin ko pa rin ang ngiti sa kanyang labi.
‘Juicekolored! Ang mga ngiti niya. Yun palang ulam na bes!’ sa isip ko.
Makita ko lang siyang nakangiti, nagrarambolan na ang emotions sa dibdib ko. May parte sa utak kong umaasa na ang mga ngiti na iyon ang magdadala ng pag-asa sa akin. Ang pag-asa na magtagumpay sa puso niya. May parte din sa isip ko na baka nalilibang lang siya sa mga inaasal ko.
Bibihira lang naman talaga kasi ang nagkakatuluyan sa mga gantong relasyon na sa text-text lang nagsimula. Madalas talaga, sex lang ang habol. Pero si RD, gusto kong forever na siya na kasama ko.
Nang makarating kami sa lugar, inisa-isa namin ang mga review centers na nag ke-cater ng Engineering review. Ang soonest ay February next year pa kaya naman nag ikot-ikot pa kami hanggang Espana. Mag-aala singko na noon at halos palubog na ang araw kaya naman dali dali naming pinuntahan ang last review center sa listahan niya.
Nang makalabas kami sa huling review center, biglang pumasok sa isip ko na magpa-piggy back ride sa likod niya na siyang ikinagulat niya. Gusto ko kasing maramdamang madikit ang katawan ko sa malapad niyang likod. Naisip ko kasi baka sa susunod hindi na siya magpakita sa akin dahil baka hindi niya ako type. Kaya sinulit ko na, kasi type na type ko siya. Kalimutan na ang hiya-hiya bes! Sugod lang! Attack kung attack!!! Wala namang mawawala kung susubukan diba?
“Aba duma da moves ka ah” kahit gulat ang tono niya ay hindi ako nakaramdam ng pagtutol.
Kayang-kaya niya akong buhatin at napakatatag ng katawan niyang hindi man lang na-outbalance.
Ako ang mas brusko kumilos sa aming dalawa pero ako yata itong parang babae na nagpakarga sa kanya. Ang wirdo ko talaga.
Kinilig tuloy ako at lalong na-excite. Hindi ko alam kung naramdaman niya ba ang alaga kong nagsimula ng magwala sa mga oras na iyon. Grabe ang sarap sa pakiramdam na nakasakay ako sa likod niya. Nakakanginig ng kalamnan. Parang gusto ko na siyang hubaran habang pababa kami ng hagdan. Ibang-iba ang dating ng init ng katawan niya. Pilit nitong pinupukaw ang katawang lupa ko.
Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi, para akong nasa ulap ng mga oras na iyon, gusto kong huminto ang oras para mas mahaba ang pagpasan niya sa akin.
Sa totoo lang abot hanggang pluto ang kilig ko noon hindi ko ma express sa words yung pakiramdam ko nung mga panahon na nasa likod ako ni RD. Gusto kong sumigaw, magtatalon sa sobrang kilig. Ang weird kasi first time kong naramdaman ito sa kakakilala ko lang.
Tama nga si Eric, mabango nga siya, sobrang bango na hindi ko namalayan na nakahilig na ang ulo ko sa kaliwang balikat niya. Sinasamsam ko ang bango niya na tila mauubos na kakasinghot ko.
“Baka kasi hindi na maulit, sinusulit ko lang yung chance” Alam kong parang kamatis na yung mukha ko dahil ramdam na ramdam ko ang init mula sa aking tainga papunta sa aking mukha.
Patuloy niya akong binuhat hanggang makababa kami sa ground floor, hinawakan din niya ang mga hita ko tanda ng kaniyang pag-sang ayon sa maitim kong balak..(evil grin)
Hinatid ko siya sa mall na pinagkitaan namin kanina. Doon din pala ang sakayan pauwi sa kanila. Kaya nagkwentuhan pa ulit kami habang nasa pila. Pagkasakay niya sa FX agad kong kinuha ang aking cellphone para i-text siya.
“Slmat sa time, sobrang ng enjoy aq” text ko sa kanya bago ako sumakay ng bus.
Para yata akong naka-drugs noon na hindi ko mapigilan ang ngiti ko (although hindi pa ko nakatikim ng kahit anong droga, nkikita ko lang yung reaction ng tropa ko pag humihithit sila ng crystal meth o tiyongke). Hindi ko mapigil ang sarili kong kiligin kapag naalala ko yung piggy back ride. Inamoy-amoy ko din ang mga braso ko, dumikit kasi ang pabango niya. Pag-uwi ko ng bahay itatago ko lang ang damit na ito hanggang mawala na ang amoy.
Mukha tuloy akong tanga, lutang na lutang kaya hindi ko napansin ang kundoktor na kanina pa pala ako tinatawag para magbayad.
“Hoy!! Madami pang pasehero mamaya kana mag day dream.” Pasigaw na may halong ngiti ang nagpabalik ng aking ulirat.
Nagulat tuloy ako na parang napahiya. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita kong nakatingin din pala sa akin ang ibang pasahero. Na lalong ikinapula ko.
Umi-english si manong may nalalaman pang day dream. Agad kong hinugot ang wallet ko sa aking bulsa at nagsabi kung saan ako bababa, saka ko inabot ang bayad.
Nag vibrate ang cellphone ko, napangiti ako sa excitement na tingnan kung kanino galing. At na disappoint ako ng malamang hindi pala kay RD galing.
1 message received from Eric.
Nalungkot tuloy ako bigla. Pero nanalangin pa din ako na sana hindi pa ito ang huli naming pagkikita ni RD. Sana nagustuhan niya din ako.
“Tungaw and2 aq s tindhan, ano iku2wen2 mo?” laman ng text niya.
“Leche ka! Akla q si RD na ang ngtxt. Oo, pauwi n aq. C u n a bit”
“K” huling message niya.
Hindi na ko nag reply pa ubos na kasi yung free text para sa buwan na iyon sigurado dagdag bayarin nanaman.
Pag dating ko sa lugar namin, dumiretso ako sa tindahan ni Eric, hindi ko pinahalata yung tuwang nararamdaman ko.
“Pormang porma ah, parang aatend ng burol” nang-aasar niyang puna sa porma ko.
Typical naman yung porma ko noon, yun nga lang naka gel kasi ako para swabe ang itsura ko. Alam ni Eric na ayaw na ayaw ko mag gel dahil binabalakubak ako sa tuwing gagamit ng kahit anong hair products.
“Gago pag-naka gel burol agad? Namo!” Naka ngiti kong pangbabara sa kanya.
“Ano yung ikukwento mo nung nakaraang nag text ka?” Nakangisi pa din, siguro na wiweirduhan talaga siya sa porma ko.
“Nagkita na kami ni RD.” naka-Poker face kong tugon, ayaw ko kasi na mahalata niya na gusto ko na din si RD.
“Talaga, kelan, saan at nag sex na ba kayo?” Kitang kita ang kislap ng mga mata niya, parang sabik na sabik sa impormasyong manggagaling sa akin.
“Namo sex agad! Hindi mo ko katulad sex agad!.. Kanina lang kami nagkita, nagpasama sa akin, may pinuntahan lang kami”. Pag dedepensa ko.
Tumawa siya ng pagkalutong-lutong.
“Kaya pala mukha kang pumunta sa burol, gwapo diba?”
“Ulol, gusto mo ikaw ang iburol ko!... Sakto lang hindi naman gaya ng pagkakalarawan mo”. Hindi ko na napigilang ngumiti ng napakalawak.
“Hindot ka! Kaya pala para kang nasa ulap sa pagkalawak ng ngiti mo!” Saba’y ngiting nakakaloko.
Isang taon pa lang kami na magka-ibigan ni Eric ngunit kilalang kilala na niya ako sa isang tingin pa lang kung nag sisinungaling ako o kung iba yung sinasabi ko sa body language ko sa sinasabi ko.
“Oo na gwapo nga, pero hindi mo naman sinabing mukha siyang paminta!" Tinaasan ko talaga ang boses ko para maalis sa isipan niya na gusto ko na din si RD.
"Ungas, basta gwapo, ok na yun! Choosy pa?" Sabay gulo sa naka gel kong buhok.
Nag kwentuhan pa kami at madami akong itinanong sa kanya, tulad ng ayos ng buhok. Ang totoo niyan matagal na niya akong pinapunta sa salon na pinag tatrabahuan niya, nung nalaman ko ang presyo napamura nalang ako (P500 ang basic hairstyle, depende sa style pwede pang tumaas sa P500). Niloko niya pa nga ako dati na “CHUPIT” na lang daw para makalibre ako. (Chupa+Gupit=Chupit). Pinagmumura ko lang siya noon ng 1TBMX (Trillion Billion Million Times). Noong panahon na iyon madami ka ng mabibili sa P500, isa pa parang buong araw ko ng sweldo iyon. Gusto ko din malaman kung paano ako maghahanap ng damit, ang alam ko lang kasi ng mga panahon na iyon yung pormahang rasta/rakista/trasher.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko namang hinugot sa bulsa ko, ramdam ko noon na sumabay ang galaw ng mga mata ni Eric kung saan nakalagay ang cellphone ko. Mukhang mas excited pa siya sa akin.
1 message received from RD
Parang gusto ko nang tumalon sa tuwa, kung wala lang si Eric sa harapan ko ay ginawa ko na ‘yon. Grabe, text pa lang ni RD natataranta na ako.
"Home na, kaw b?" sabi niya sa text.
Tuluyan na akong napangiti sa kilig. Na-wirduhan na si Eric sa inasta ko. Simpleng text lang nagigimbal ang buong pagkatao ko. Eh anong magagawa ko, inlab na ako eh?
"Siya yan no?" Tanong ni Eric ngunit alam naman niya na si RD nga iyon, tanong na kumpirmasyon lang.
Tumango lang ako bilang pag sang ayon.
Agad naman siyang ngumiti sa pagkaka-excite niya.
"Ok sige alam ko na yan. Umuwi ka na, mga galawan mo eh. Balitaan mo nalang ako pag nag sex na kayo!"
"Namo! Hindi ako mag ku-kwento!” pang-iinis kong tugon.
"Tanga! Alam ko na kung anong makikita mo. Alalahanin mo, una siyang naging akin." Sinabayan ng pag taas ng kilay at ngisi.
"Namo talaga!!!!!! Ge una na ko hindi pa ko kumakain" pagpapaalam ko.
Habang naglalakad pauwi, nag reply ako kay RD
“Kkauwi q plang, kain lng aq tpos twagan kta”Habang naka ngiti, nawala kasi yung agam agam ko kanina na baka hindi na siya mag text sa akin dahil na disappoint siya sa itsura ko.
“Aq din” Mabilis niyang tugon sa text ko.
Pag pasok ko ng bahay napansin agad ng mama ko ang malawak na ngiti sa aking mga labi, siguro na wiwirduhan din siya sa inaasal ko nitong nagdaang linggo.
“Para kang baliw ngiti ng ngiti” Naningkit niyang puna pag pasok ko ng pinto.
“Ma’ walang basagan ng trip” Sabay halik sa pisngi, ang totoo niyan madalas akong sabihan ng bastos ng mga bago kong kakilala dahil parang wala akong galang sa mga magulang ko.
Pinalaki kasi nila ako na parang tropa lang nila, yung tipong pag gusto ng erpat ko manuod ng X Rated film sakin siya nag papasalang dahil hindi siya marunong gumamit ng VCD player (opo tama kayo VHS at VCD pa ang uso nung kabataan ko, kaway kaway ulit sa mga batang 90s), tapos sabay naming papanuorin hangang makatulog siya. Ang ending solo ko ang panunood ng porn at alam niyo na ang susunod na mangyayari habang nanunuod ng porno. LMAO
Agad akong pumasok sa aking kwarto para magpalit ng damit para matawagan ko na si RD, iba kasi talaga yung dating niya sa akin para akong asong ulol pag si RD ang pinag usapan.
Kinuha ang telopono sa sala at dali daling dinial ang numero ni RD
“Hello good evening po sino kailangan nila?”Sagot ng bata sa kabilang linya, si Kat ang bunsong kapatid ni RD.
“Good evening din, pwede ba kay kuya RD mo?” Mabait kong tugon sa kabilang linya.
“Wait lang po ah, tatawagin ko nasa taas po siya eh, kadarating lang” Magiliw niyang sabi, ang galang talaga ng kapatid ni RD, ayon kay RD tatlo silang magkakapatid si Ate Camille, RD at ang busong si Kat..
“Kuya telopono, si kuya Yeow” hindi ko mapigil ang lawak ng ngiti ko sa narinig ko, nakilala na ni Kat ang boses ko sa tuwing tatawag kasi ako siya ang nakakasagot ng telopono. Ang sabi ni RD iyon daw ang naka tokang gawaing bahay ni Kat, ang pagsagot ng telepono.
“Kuya sino si kuya Yeow, hindi ko pa siya nakikita bago mo ba siyang kaibigan?” dinig ko sa kabilang linya ang pag uusisa ni Kat kay RD kung sino daw ba ako.
“Kumain ka na dun, isusumbong kita kay mommy hindi ka nanaman kumain” Pananakot niya sa nakababatang kapatid.
“Oh akala ko ba kakain ka muna bago tumawag?” Alam ko na nakangiti siya sa kabilang linya, ramdam ko iyon sa tunog ng boses niya.
“Mamaya na, miss kasi kita agad, gusto ko marinig ang boses mo doon pa lang busog na ako” Pag papacute kong tono, doon kasi ako magaling alam kong swabe ang hagod ng boses ko pag nagpapa cute sa telepono.
“Bolero, pero kanina parang ibang tao yung kasama ko hindi ka kasi madaldal, ang tahimik mo kasi parang wala akong kasama kanina” pag papacute din niyang sabi, alam ko nag pout nanaman siya, naalala ko tuloy ang napaka gwapo niyang itsura kanina.
Hindi ko mapigil ang alaga kong tumigas ganoon siguro pag sobrang gusto mo ang isang tao, madami sigurong nakaka relate sa akin o sadyang kakaiba lang ako. Ganoon din kasi ang pakiramdam ko noon pag kasama o kausap si Lorraine laging naka tayo ang alaga ko. Marahil nagtataka kayo kung bakit ang bilis kong na in love kay RD iyan din ang tanong ko sa aking sarili, sobrang taas ng standards ko pag dating sa makaka relasyon ko. Ang gusto ko yung na chachallenge yung mental capacity ko, pag average o below average lang kasi madali akong nagsasawa, parang walang thrill, gusto ko yung dudugo ang ilong ko sa kausap ko dahil wala akong maintindihan, yung tipong after ng convo niyo hahanapin mo yung sagot kay pareng google. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.
“Nahihiya kasi ako parang may kasama akong artista, tapos ako yung alalay mo kaya nung naka kuha ako ng chance na magpa piggy back ride grinab ko na, baka kasi hindi ka na ulit makipagkita eh. Hindi man lang kita nahawakan, kaya sabi ko bahala na kung magagalit ka at least nahawakan kita.” Mahaba ngunit nahihiyang boses, sabi ko nga sa deskripsiyon ko sa kanya na parang he’s out of my league.
“Grabe ka naman sa pambobola mo, ok sige aaminin ko na partly disappointed ako kasi yung dating ng boses mo iba. Akala ko nga nagbibiro ka lang na office staff ka, kasi yung boses mo pang DJ talaga. So na picture ko sa isip ko na pormang DJ yung maangas, yung may mahangin na dating. All in all ok naman yung itsura mo lalo na yung smile mo, pati yung maganda mong mga mata, ang cute mo nga kanina nung tinititigan mo ko sa FX” Nagpakawala siya ng mahinang tawa, yung cute na tawa.
Totoo ba yung narinig ko? Na cutetan din siya sa akin, gusto ko himatayin sa sobrang galak, akala ko talaga wala na kong pag asa dahil malayong malayo ang antas ng itsura namin.
“T-Talaga ba, akala ko talaga hindi ka na mag titext ulit, ramdam ko kasi yung awkwardness mo kanina”
“Oo nga, kung hindi ka cute ipapasan ba kita, ang bigat mo kaya” Ramdam ko ulit sa tono ng boses niya na nag pout nanaman siya.
Ewan ko ba para na kong tanga na hindi maihi sa mga narinig ko, iba talaga pag galing sa taong gusto mo yung compliment na natanggap mo. Parang pede ka na mamatay, yung tipong pag narinig mo yung compliment niya buo na ang araw mo, mawawala lahat ng inhibitions mo.
“May icoconfess din ako eh” Nahihiya at nag aalangan kung dapat ko bang sabihin yung pagka dismaya ko sa kanya kanina.
“Ano naman yun?” Balik tanong niya sa sinabi ko
“Ang totoo niyan, medyo na disappoint din ako sa iyo, kung ibabase sa boses mo sa telepono macho ang dating mo, pero kanina medyo malambot ka. Ewan ko hindi ko na napansin yung pagka lambot mo, mas nangibabaw yung pagka gusto ko sa’yo. Inlab na ata ako.” Sinabayan ko ng pinaka sweet kong boses, nang sa gayon maramdaman niya na sinsero ako sa mga inilahad kong pag amin na in love na nga ata ako sa kanya.
As usual inabot nanaman kami ng madaling araw sa pag uusap, hindi kami nawalan ng topic na mapag uusapan, kapag nag open ako ng topic may karugtong na impormasyon agad siya. Para akong nakikipag usap kay Ernie Baron o sa mga millenials kay kuya Kim.
Kinabukasan agad akong kumain at naligo balak ko kasing magpa-gupit at bumili ng mga bagong damit para sa susunod na pagkikita namin ni RD presentable na kong tignan.
Nagsabi naman ako kagabi na may pupuntahan ako ngayong araw, subalit hindi ko sinabi sa kanya kung ano at saan ako pupunta para may element of surprise. Gusto kong paghandaan ang muli naming pagkikita, ang gusto hindi na cute ang maging reaksiyon niya sa muli naming pagkikita kung hindi gwapo. Yung tipong pang boyfriend material na, gustong gusto ko kasi si RD, parang hindi ko na nga siya mahal eh kasi ang totoo niyan parang mahal na mahal ko na siya. Yung tipong kulang ang araw mo kapag hindi kayo nag usap kahit sa text man lang, kay RD na umiikot ang mundo ko. Baka kasi iniisip ninyo na over acting ako sa nararamdaman ko kay RD, hindi nasusukat ang pagmamahal mo sa isang tao sa tagal o iksi ninyo magka kilala, nasusukat ito sa lalim ng nararamdaman ninyo sa isat isa.
Agad ko namang tinext si Eric kung saan ako makakahanap ng damit na bagay sa akin, nag text naman siya kaagad kung anong brands at kung ano ang mga bibilhin ko, kung anong kulay at disenyo. Sinabi rin niya kung saan ako magpapagupit at nagbilin na magbigay ng tip para sa susunod na pag punta ko ay maalala ako ng stylist.
Dali dali kong hinanap ang brands na nirekomenda ni Eric, buti na lang sakto ang araw na iyon sweldo nung Huwebes may extrang pera ako. Pumili ako ng polo shirt na sakto sa deskripsiyon ni Eric sinukat at tumingin sa salamin, namangha ako sa aking itsura parang hindi ako yung nakikita kong nilalang sa repleksiyon sa salamin. Tama nga si Eric mas gwapo ako pag nag ayos, agad kong sinukat ang iba pang mga damit ‘may bago na akong crush’ bulong ko. Kinuha ang aking cellphone at kumuha ng larawan sa fitting room (noong nangyari ito hindi pa uso ang word na selfie, ngunit uso na ang camera phone).
Pagkatapos kong bayaran ang binili kong damit ay agad akong pumunta sa restroom, gusto kasi suot iyong damit na binili ko bago tumungo sa salon na nirekomenda ni Eric. Agad ko namang nakita ang salon pamilyar kasi ako sa mall na pinuntahan ko kaya madali kong natunton ang salon, ang sabi ni Eric pag tinanong ako ng stylist kung anong gupit sabihin ko raw na siya na ang bahala, yung bagay sa hugis ng mukha ko.
Ganoon nga ang ginawa ko sinabi ko sa stylist na ibagay ang gupit sa hugis ng mukha ko, pagkatapos akong gupitan nag tanong ang stylist.
“Sir wax po ba o gel?”
“Ano bang bagay, hindi ko kasi alam kung ano ang dapat ilagay,first time ko kasi magpagupit dito” Nahihiya kong tugon
“Mmmm sige po, ako ng bahala”Naka ngiti, parang naaliw ata sa narinig na pahayag mula sa akin.
Kumuha siya ng wax at ipinahid sa aking buhok at inayos na parang ang dali lang para sa kanya ang ginagawang pag style ng buhok. Hindi ko napigilang magtanong dahil wala talaga akong alam pag dating sa pormahan.
“Ganyan ba ang tamang ayos, gaano karaming wax ang ilalagay?” Curious kong tanong sa kanya
“Sir mas bagay po kasi yung one sided na naka paling sa kaliwa para kitang kita yung maganda mong mga mata, na para kasing nangungusap pag tinitigan mo. Yung wax naman po ganito lang karami” Sabay kuha ng wax at pinakita ang dami sa’kin.
“Ah ganun ba sige maraming salamat”Binigyan ko siya ng matamis na ngiti bilang pagpapasalamat.
Nagbayad na ako sa cashier at iniabot ang P100 kong tip sa stylist, kung tutuusin maliit na halaga pa iyon sa ginawa niyang transformation sa’kin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ibang iba ang itsura ko ngayon bago ako bumili ng damit at nag pagupit, parang ibang tao na ang nakikita ko sa repleksiyon ng salamin, ‘sana magustuhan ni RD ang bago kong porma’ bulong ko.
“Sir don’t forget to smile, iyan ang best asset mo, smile palang ulam na” Para siyang kinikilig sa sinabi, hindi ko tuloy maiwasang mamula, ramdam ko kasi ang init ng tainga ko.
Hindi naman bago sa’kin ang pag fliflirt ng mga beki, katunayan sa dati kong trabaho marami silang nag ka gusto sa’kin, iyong tipong nagpapatalbugan kung sino ang mas close sa’kin. May isa pa nga akong ka-opisina na todo bakod na parang kami dahil walang makalapit sa’kin pag andoon siya. Hindi po ako nagyayabang sabi ko nga sa part 1 hindi ko nakikita ang sarili ko na attractive dahil sobrang dami kong insecurities sa katawan.
“Hehehe….. Salamat sa tip, sana magustuhan nga niya”
“Naku sir sa gwapo mong iyan for sure magugustuhan ng girl friend mo” Boses na nanglalandi, sabi ko sa isip ko ‘mali ka diyan, hindi siya girl, pa girl lang’.
Dahil Sunday naman at may extra pa akong pera nanood na lang din ako ng sine, iyon kasi ang way ko para itreat ang sarili ko, masaya akong nanunood ng sine na mag isa, mas ramdam ko kasi yung pinapanuod ko pag walang asungot na nagkukwento o nag kokomentaryo sa pinapanuod.
Gabi na nang matapos ang palabas, pagka uwi ko ng bahay ay tulog na ang aking mama, sanay naman siyang late na ko umuuwi ganoon na kasi ang nakasanayang uwi ko simula noong college days ko. Lagi kasi akong nayayaya mag inom o kaya dadayo sa ibang lugar para mag inom. Lmao
Nag text din ako kay RD na hindi muna ako makakatawag dahil pagod ako, kailangan kong gumising ng maaga para hindi ako ma late, kota na kasi ako sa late baka mabigyan na ako ng suspension letter.
Habang nakahiga, inisip ko na mag tapat kay RD kung paano ko nakuha ang cellphone number niya, gusto ko kasi na walang tinatago, yung tipong open book sa isat isa. Gusto ko kasi na mag build ng trust para mas solid yung samahan namin. Sana lang wala siyang violent reaction dahil hindi ko kakayanin, ngayon pa na mahal ko na siya.
Dahil sa sobrang pagod hindi napansin na naka tulog na pala ako, nagising ako sa ingay ng alarm ng cellphone ko, mabilis kong tinungo ang banyo para maligo at mag sepilyo. Pagka tapos maligo kinuha ko ang unipormeng naka sabit sa aparador, hindi ko maiwasan na mapangiti ‘Haay ang alaga talaga ng nanay ko, laging naka handa ang bawat gamit na kailangan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala siya sa tabi ko’ bulong ko sa isip ko.
Agad ko namang kinuha ang binili kong wax para ilagay sa buhok ko at ginaya ang porma na ginawa ng stylist kahapon sa buhok ko. Nang matapos ay nag muwestra akong ala Mr. Pogi ‘Ang Gwapo mo Yeow’.
Fifteen minutes ahead akong dumating sa opisina, napanisin ko na nagtitinginan ang mga kasamahan ko sa trabaho ‘Siguro nagtataka sila dahil maaga akong pumasok’ sa lublob ko ng biglang lumapit si Jay.
“Pre madami ka nanamang papa-iyaking babae niyan” panunudyo niya, sabay akmang mag fist bumb.
“Loko hindi ako babaero gaya mo!” Pagdedepensa ko, agad ko namang itinaas ang kaliwang kamao ko para makipag fist bump.
“Hayup kaya pala dikit ng dikit si Jane sa’yo”Nakangisi ng nakakaloko, parang double meaning yung sinabi niya alam ko naman na trip niya si Jane.
“Pre hindi ako yung lumalapit, kasalan ko ba kung gwapo ako?” Nagpakawala ako ng malakas na tawa, inaasar ko lang si Jay, kasi minsan na niya na-kwento na type na type niya si Jane kaso iba raw ang gusto nito. Hindi ko naman sinasabing ako iyon, talagang close lang kami ni Jane madalas kasi niya akong bigyan ng baon niya o kaya nag bibigay ng kung ano ano, hindi kasi ako mapag assume na tao hanggat hindi mo sabihin sa akin na type mo ako hindi ako mag iisip ng kung ano pa man.
Pagka upo ko sa station ko agad kong tinext si RD
“Gud morning, opis n may ssbhn aq mmya” Kinakabang text ko sa kanya, alam ko namang tulog pa sya, iyon ang daily routine ko babatiin ng good morning, before lunch dun lang siya mag rereply.
Habang ginagawa ang daily tasks ko nag vibrate ang cellphone ko. Alam kong si RD iyon, siya lang naman ang ka text ko, hindi naman kasi ako mahilig makipag text.
1 message received from RD
Binasa ko agad ang mensahe niya sa’kin.
“Gud morning din, na late k nnmn b? Ano yng ssbhn m?” Hindi ko maiwasang mapangiti, iba talaga ang epekto ni RD sakin, yung simple gesture niya lang solve na ko, kahit na pilit na pinapakalma ang tensiyonadong pakiramdam.
Wala ng atrasan dapat bago pa kami magkita inamin ko na sa kanya para hindi na ako kinakabahan ng ganito. Kung hindi man niya tanggapin ok lang hindi pa naman ganoon ka lalim yung nararamdaman ko sa kanya noon. Iba na kasi ngayon parang head over hills na ko sa kanya.
“Mya nlng pg lunch brk, tawag aq”
“Ok, bfast muna ko”
“Oks, ikain mo nalang aq, pede dn namang aq nlang kainin mo” Pang aakit na reply ko sa kanya.
“Ay teka mabbsog b q jan ;-)?”
Anak ng first time naming mag usap ng ganito, hindi pa ako nag tangka na bigyan o haluan ng makamundong pag uusap ang isang linggong ugnayan namin sa isat isa. Hindi tuloy mapigilan ng alaga ko na magwala, nawala tuloy ang tensiyong bumabalot sa katawan ko kanina sa halip napalitan iyon ng init na agad ko namang binawi.
“Nah nag jojoke lng aq, txt u l8r bc ngyn e may hnhbol na pending task”
“Ok” tipid niyang reply sa text ko
*****
Nang tumunog na ang bell hudyat na lunch break na, agad akong tumungo sa rooftop na usual routine ko every lunch break. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at hinanap ang numero ni RD.
Habang naririnig ko ang ring ng telopono sa kabilang linya hindi ko maiwasan ang kabog na dibdib ko, para akong natatae na ihing ihi sa kaba. Dinig ko rin ang pintig na puso ko na nakikipag unahan sa ring ng telepono ni RD. para akong hihimatayin sa sobrang nerbyos, basang basa na din ng pawis ang buong katawan sa tindi ng takot na nararamdaman ko ng oras na iyon. Pero disidido ako na ‘theres no way of turning back, I need to make things right’.
“Hello” Malamig na boses ngunit sobrang init sa aking pandama
“M-may s-sasabihin sana ako s-sa’yo” Utal utal kong bungad, ang init dito sa Pinas pero parang nasa antartic ang pakiramdam ko noon, nilalamig pero pawis na pawis.
Naramdaman ata niya na hindi ako kumportable sa kabilang linya.
“Ano yun, bakit parang may kakaiba sa’yo ngayon parang na fifeel ko na ninenerbyos ka?” Ang galing lang talaga niya kahit hindi niya ako nakikita alam na alam niya yung nararamdaman ko.
“M-May k-kilala k-ka b-bang A-Andrew?” Hindi ko mapigil ang panginginig ng bibig ko, naghalo halong emosyon ang naramdaman ko noon takot, panghihinayang at labis na kaba.
Andrew kasi yung laging ginagamit ni Eric pag nakikipag meet siya, yun din ang pakilala niya kay RD.
Natigilan siya alam kong nag iisip siya kung aaminin niyang may kakilala siyang Andrew “Andrew? Meron pero hindi kami gaanong magka kilala, bakit mo naitanong”
“Saan at paano mo siya nakilala?” Lakas loob kong tanong sa kanya.
“Teka bakit ang weird ng mga tanong, kilala mo ba yung Andrew na kilala ko?” Ramdam ko din ang tensiyong bumabalot sa katawan niya.
“Kaibigan ko kasi si Andrew, binigay niya yung number mo sa akin” Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng maputol ang kabilang linya.
SHIT ito na nga ba ang sinasabi ko eh, nag tangka akong tawagan ang number ni RD ngunit tanging yung recorded response ang narirnig ko
“THE NUMBER YOU HAVE DIALED IS MAD AT YOU AS OF THIS MOMENT PLEASE TRY TO CALL LATER”
TANGINA!!!!!! Anong gagawin ko mukhang wala ng pag asa……..
AN: Maraming salamat sa mga nag comment sa part 1, pasensiya na din at natagalan ang update nataon kasing holy week, nag bakasyon kasi kami ng pamilya ko sa probinsya.
Medyo detailed yung pagkaka kwento ko sa first two chapters, ito kasi yung pinaka tumatak na memory ko with RD, baka yung mga succeeding chapters ay medyo mabilis na ang pacing.
Question lang po, ano ang kaibhan ng pamintang buo sa durog? Until now clueless pa din ako. wala kasi akong mapagtanungan.

COMMENTS