$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Living the Dead Life (Part 3)

By: CountVladz Sa tinagal ng relasyon namin ni EJ, hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagbabago. Nag-iba na siya, at unti-unti nararamdaman...

By: CountVladz

Sa tinagal ng relasyon namin ni EJ, hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagbabago. Nag-iba na siya, at unti-unti nararamdaman ko ang pag-layo niya.

Hindi ko maintindihan ganong magkapareho naman ang schedule namin sa school. Binigyan ko siya bg space na gusto niya. Hinayaan ko siya na mapag-isa.

Sa iisang bahay kame nakatira pero madalas kaming hindi magkita. May pagkakataon na magkatabi kami matulog pero wala na yung dating siya na nakayakap o kaya naman nakahawak sa kamay ko. Miss na miss ko na siya, kahit nariyan lamang siya. Nasasaktan na ako.

Isang gabi, JANUARY 17, nagpaalam siya na tutulungan ang ate niya sa ParaƱaque na mag lipat ng gamit.

"Boi, dun muna ko sa ate ko ng 3 days, kasi tutulong lang ako maglipat ng gamit nila," si EJ
"Sama ako," sagot ko, "para tulong na din ako" dugtong ko pa.

"Wag na boi, babalik naman ako eh, tsaka alam mo naman yung lilipatan nila diba" si Ej

At isang yakap ang binigay niya sa akin, yakap na matagal kong hinanap, inaasam at na miss. Nagsalita siya

"Boi, sorry ha, may inaayos lang ako sa sarili ko kaya ako naging malayo sa yo nitong nakaraang araw, masaya ako dahil kahit naging ganon ako binigyan mo ko ng space na kailangan ko. At nagpapasalamat ako kasi ni hindi mo ko pinaghinalan na nagtataksil ako sayo. Ang suwerte ko sayo kaya mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala aayos din ang lahat, wag mo pabayaan sarili mo dito habang wala ako." Pagtatapos niya.

Nakita ko sa mata niya ang lungkot, isang malalim na isipin na maging ako hindi ko alam kung ano. Hindi ko alam na umiiyak ako, kayi bigla niyang pinunasan ang mata ko at hinalikan ako.
Pagkatapos kumain parang bumalik na ang lahat sa normal, bumalik kami sa dating kami. At muli kaming nagtalik. Isang kakaibang pagtatalik na punong-puno ng pagmamahal. Bawat dampi ng balat namin sa isat-isa parang baga na pumapaso sa amin. Parang kuryente na siyang nagpapangisay sa amin. Ang hind ko alam, ito na pala ang huling beses na magagawa namin iyon.

Kinaumagahan, maaga akong gumising para ipaghanada siya ng kanyang pagkain. Malambing siya na parang nagpapa alam pero hindi ko na iyon pinansin, dahil ayaw kong masira ang kanyang umaga at gusto kong magaan ang pakiramdam namin pareho dahil 3 araw lang naman siya mawawala. Pero ang 3 araw naging isang linggo, 2 at umabot ng tatlo.

"Hoy! Anong nangyayari kay Ej? Bakit hindi pumapasok? Ilang linggo na lang gagraduate na tayo oh ngayon pa siya mag ga ganyan?" Si clarisse.

"Nag-away ba kayo?" Tanong ni Jane.

Tumingin ako sa kanilang dalawa, at tuluyan ng bumuhos ang luha ko na naipon matapos ang tatlong araw na paalam sa akin ni EJ. Nakita nila Mark at Joseph ang pangyayari at dinala kami sa sasakyan ni Mark. Doon buong loob kong isinuko ang pighating nadarama ko at umiyak na parang wala ng bukas. At nakatulog ako, pag gising ko nalaman ko nasa tagaytay na kame. Nasa labas sila at ako nasa loob pa rin.

"Guys, salamat." Malungkot kong sabi sa kanila.

"Magpaliwanag ka na," si clarisse

Alam ng buong barkada ang namamagitan sa amin ni EJ, wala namang nagbago sakanila. Sumoporta pa sila sa amin. Kaya lalong naging matatag kaming magbabarkada.

"Si, Ej nagpaalam na mawawala lang ng tatlong araw, pero hindi na siya bumalik. Tinetext ko hindi sumasagot, kapag tinatawagan ko naman pinapatay ang phone. Nanahimik ako kasi ayaw kong panguhan siya sa kung ano man ang nangyayari sa kanya, kaya minabuti kong sarilihin na lang ito, para hindi din kayo,"

" Gago ka pala eh," putol ni Mark sa akin, "parang magkakapatid na tayo dito tapos di mo sasabihin sa amin? Ano ba kame sayo? Nagsabi ka man lang sana kahit kanino sa amin para hindi naiipon yang sama ng loob mo, tignan mo sarili mo ngayon, nakakaawa kang tignan." Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Mark sa akin. Kahit na galit ang pananalita niya ramdam ko ang concern niya sa akin. Kaya natahimik ako.

"Alam mo ba saan siya ngayon?" Si Joseph

"Sa bahay ng ate niya sa ParaƱaque, doon niya sinabi na mag stay siya."

Bigla-bigla sumakay ang lahay at hinila ako pabalik sa kotse.

"Kanina pa namin napag-usapan na hahanapin natin si EJ" si Jane, "masakit para sa aming mga kaibigan mo na makita kang ganyan," dugtong ni Clarisse.

Naluluha man nagsalita ako.

"Maraming salamat sa inyo, at sorry kung itinago ko sa inyo ito." Garalgal kong sabi.

"Pare, mukha lang kaming siga ni Mark pero mahalaga ka sa amin, kita mo nga tumahan ka lang dinala ka pa namin sa tagaytay. " si Joseph. Hindi man niya ipakita alam kong naluluha siya, at napatunayan ko iyon dahil sa pag galaw ng kanyang kamay sa mukha at pagtingin ni mark sa kanya.

Sa biyahe biglang may binanggit si Mark.

"Akala ko naman ayos lang ang lahat kasi nung huling naglaro kami ni EJ, nagbilin siya na alagaan ka namin habang wala pa siya kasi nga daw mawawala siya ng tatlong araw. Hindi ko sinabi sa inyo kasi sinabi naman niya na magsasabi sa yo" sabi ni Mark sa akin.

"Ano? Pati pala ikaw?" Si jane,

"Ako din eh," si Joseph

Maging si Clarisse ay sumang ayon na maging siya ay sinabihan.

Bigla akong kinutuban ng masama at tila isang mas malamig pa sa air-con ng sasakyan ang naramdaman ko.

Hindi ko gusto ang tumatakbo sa utak ko, kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak.

Inabot ng halos 5 oras ang biyahe gawa ng traffic.

Pagdating sa bahay ng kanyang ate, kumatok ako. At laking gulat ng kanyang ate ng makita ako.

"Boi! Bakit ngayon ka lang?" Sabi ni Ate Mai

"Po?" Nagtatakang tanong ko, "si..... Si Ej po? Baka pwedeng makausap ko po siya kahit saglit lang po?"

Nakita ko ang lungkot na bumalot sa kanyang mukha. Yung unang tingin mo pa lang alam mong may hindi magandang nangyayari.

"Ate Mai? Ano po ba talaga ang totoong nangyari?" Naluluha ko ng sagot, hindi ko na nga alam saan pa nanggagaling ang luha ko sa mata ganong halos maghapon na akong umiiyak.

"Hindi ko alam na, hindi mo alam, puntahan mo tong hospital na to, pasensiya ka na pero mas maigi na makita mo ang totoong nangyari, kung wala ka talagang alam marahil ay ayaw niya talagang ipaalam sayo," sabi ni Ate Mai.

"Hindi mo number ang nagtetext sa akin, at alam kong siya yung nag tetext sa akin at nagpapanggao na ikaw." Dugtong niya.

Sa narinig ko nagpa alam na ako at dali daling inaya ang mga kaibigan ko sa ospital na binanggit ni Ate Mai.

Pinit kong tatagan ang nararamdaman ko. Nagpakatatag ako, pero sa isip ko ang dami kong tanong. Anong nangyari? Bakit ayaw niya ipaalam sakin? Bakit nagpapanggap siya na ako? Ano bang meron?

Napatingin ang lahat sa akin at pull-over saglit.

Hindi ko alam na naisagaw ko ang katagang "Ano bang meron?!"

Tinignan ko sila pero nanatili akong matatag kahit sa sandaling lamang iyon.

"Pre, kung ano man ang malaman natin pagdating doon, sana maging matatag ka, maging ako hindi ko alam kung anong naghihintay sa atin doon pero alam ko at ramdam kong hindi iyon magamdang balita." Sabi ni Mark

Sa narinig ko tuluyan na kong bumigay at muli isang tahimik na iyak na lamang ang nailabas ko. Punong-puno ng pag-aalala.

Hindi ko napansin na malapit na kami sa aming destinasyon. At nakita ko na nga ang nakasulat

"PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL"

Halos hindi ako makahakbang sa kaba, sa takot, sa pagod. Pero pinilit ko pa rin na gumalaw at nilakasan ang loob ko. Derecho sa kuwartong nakasulat sa papel.

Kumatok ako at narinig ko ang boses ni EJ, sigurado akong siya iyon. Pero ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Parang may masakit sa kanya.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang Mama at Papa ni EJ. Nakaupo pareho sa magkabilang gilid ng kama. Habang si EJ nakahiga, naka dextrose, at may kung ano ano pa sa katawan kita ko din ang kanyang pangangayayat. Nakita ko ang luhang tumulo sa mata ni EJ, na siya rin namang naramdaman ko sa aking pisngi at narinig ko ang hikbi ng aming mga kaibigan. Batid namin sa aming nakita na siya ay may karamdaman, karamdamang malubha, sapat na dahilan upang lumayo siya amin, sa akin.

"Bakit?" Naluluha kong tanong, at isinara ang pinto ng kuwarto. Marahan pero puno ng sakit ang bawat galaw ko.mabigat bawat paghinga ko.

Pinilit ko paring magpakatatag habang nakayuko, nanghihina ako habang nakikita ko siya pero, miss na miss ko na ko siya. Kaya tumingin ako sa kanya, at maging mga magulang niya ay umiiyak na din, marahil batid na nila na wala akong alam at siya ang nagpapanggap na ako sa text sa kanila.

Nakita ko ang hinagpis ng bawat isa sa kuwartong iyon.

Unti-unti akong lumapit, wala mang tunog ang pag-iyak ko tuloy-tuloy naman ito sa pag-agos, muli akong nagsalita, "Bakit?Ej??

" May leukemia ako"

Itutuloy......

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Living the Dead Life (Part 3)
Living the Dead Life (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiVJZhvbCQGTY7hbjKH-Sq7AICjFr8cnymRnpbdjzmSgrwz0kSogPcCatJasbPjdUs81rK8v4hyphenhypheny1-vooR9qJp4IYozAW7UFDnFbQdClfwQt4EXIBv6xfEskSY1mSrVGmBSevB7NfXG_33T/s400/tumblr_oci3sqlajh1vtfdpfo3_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiVJZhvbCQGTY7hbjKH-Sq7AICjFr8cnymRnpbdjzmSgrwz0kSogPcCatJasbPjdUs81rK8v4hyphenhypheny1-vooR9qJp4IYozAW7UFDnFbQdClfwQt4EXIBv6xfEskSY1mSrVGmBSevB7NfXG_33T/s72-c/tumblr_oci3sqlajh1vtfdpfo3_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/living-dead-life-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/living-dead-life-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content