$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Picolo

By: Nicolo This is going to be my first story here,so I hope you like it guyth. Less kissing scene lang Ito. Masisisi mo ba ako kung magmama...

By: Nicolo

This is going to be my first story here,so I hope you like it guyth. Less kissing scene lang Ito.
Masisisi mo ba ako kung magmamahal ako? Masisisi mo ba ako kung maghangad ako ng isang bagay na gusto ko na mapasa akin? Eto ang tadhana ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ganun talaga e. Wala akong magagawa. Itinatak ko na lamang sa sarili ko na beautiful things don't ask for attention.

"Ken, Ayoko na"
"Teka Vince, Pag usapan muna natin to" Sabi ko sa kanya.
"Ken,tama na mabuti pa maghiwalay na muna tayo"

At ayun ang huling salita na narinig ko mula sa kanya. And then the next day nakita ko. May kasama na syang babae. Hanggang sa gumraduate kami ay Hindi na nya ako kinausap. Alam ko naman na pinagbigyan lang nya ako sa buong taon na iyon dahil Alam ko naman na kahit kailan Hindi nya ako kayang mahalin. Oo. Ako ang umamin sa kanya na mahal ko sya. Ako ang unang nagtapat ng pagmamahal ko sa kanya. Wala, palakasan nalang ng loob. Kung tatanggapin nya yung sinabi ko o Hindi. Hindi ko naman inaasahan na sasakyan nya yung kagaguhan na ginawa ko. 4th year highschool ako nung nagtapat ako sa kanya. Ka classmate ko sya sa lahat ng subject dahil block section kami. Discrete naman ako pero alam ng mga ka classmate ko na bisexual ako pero dahil may respeto sa akin ang mga ka classmate ko never nila akong kinutya. Yun nga nagtapat ako sa taong mahal ko at ayun ay si Vince. Vince De Castro. Mahal na mahal ko yung gago na yun kahit ganon yun. Isang taon din akong nagpakatanga, nagpa alila sa dakilang pag Ibig na inaakala ko. Buti na lang ay tapos na yun lahat. Tapos na yung kagaguhan ko. Dito ko rin napag isipan na sarilinin na lamang ang nararamdaman ko. Na kapag may gusto ako, wag ko na lang sabihin dahil more or less masasaktan lang din ako katulad ng nangyari sa akin nung 4th year hs ako. Siguro pag aaral na muna ang aatupagin ko kasi before anything else yun naman talaga ang importante eh yung makapagtapos ako.

So ngayon papasok na ako sa first day ng college ko.Well, Orientation palang naman to kaya Hindi pa ganon mahalaga. Mga rules at regulations palang naman ang Idi discuss doon at Alam ko naman na pareparehas ang rules at regulation ng lahat ng school. Kaya nakakaboring lang din yon.

Taga Sta. Rosa Laguna talaga ako at sa Calamba ako nag aaral ng kolehiyo kaya wala akong kakilala dito. Bago sakin lahat. I am taking  BS Mechanical engineering at eto ang first year ko sa college.

Nang Makarating ako sa entrance ay manghang mangha parin talaga ako sa eskuwelahan na Ito dahil may pagka castle type ang pagkakatayo ng school na Ito. Hindi naman Ito yung first time ko na pumunta dito sa school na to dahil noong summer ay nag entrance exam na rin naman ako dito at nag pa enroll. So nung nasa entrance ako. Nag swipe na ako ng ID para makapasok ako at bumati sa akin ang guard

"Good morning" sabi ng Guard
"Good morning rin po" nakangiti Kong sabi  Kay manong Guard.
Dirediretso lamang ako at bumungad sa akin ang canteen. Nasa kanang gilid ko ang canteen.
Dumire deretso pa ako at nakita ko na ang pamosong building na parang castle nga. Manghang mangha ako dito. Nag tanong tanong lang ako sa mga tao roon at nakarating narin ako sa room na pag gaganapan ng orientation namin.

Mabilis naman natapos ang orientation namin. Mga 1 hour and 30 minutes lang ang inabot ng orientation at syempre rules at regulation nga lang ang diniscuss samin at nagbigay ng puro papel na kailangang papirmahan sa magulang. Pagkatapos noon ay free time ko na. In fact pwede na nga akong umuwi eh pero napag desisyunan ko na mag stay muna dito at lumibot muna dito sa school. So yun nga nag libot libot ako at nakita ko na ang daming gazebo na vacant. Mga 10 Gazebos yun at yung kabilang dulo ay malapit sa gym at yung kabilang dulo naman ay malapit sa chapel. Napag desisyunan ko na dun ako sa malapit sa chapel na gazebo umupo. Sa harap ng mga gazebong iyon ay makikita mo ang napakalaking football field. Ang ganda tignan nito dahil sa malawak na espasyo nito. Palingon lingon lang ako at pinagmamasdan ko ng maigi ang kagandahan ng school ng biglang mahagip ng aking paningin ang isang lalaki sa may chapel. Nakaupo sya sa may hagdan paakyat ng chapel. Nakapants na black sya at nakahoodie na maroon with matching converse. Maganda yung porma niya pero Hindi ko makita yung mukha nya kasi nag ce cellphone sya. Hindi ko na lang pinansin yung lalaki na yun bagkus tumingin tingin na lang ako sa iba pang magagandang view dito at in enjoy yung preskong simoy ng hangin. Nang biglang

" Pre" Sabi nung lalaki kanina na nandun malapit sa chapel.
"Bakit? " tugon ko.
"Pre may pantawag ka ba? Please kailangan lang! " sabi nya sa kin na parang nagmamadali na nate tense na Ewan.
" Wait. Meron akong pantawag. Ano number ako na magta type" sabi ko sakanya .
"Ako na pre para mabilis" sagot nya.
Tinitigan ko lang sya at napansin ko na may itsura pala sya. Matangos yung Ilong nya na  bumagay sa mukha nya, ang haba din ng pilik mata nya at kapag tumititig sya ay parang nangungusap yung mga mata nya. Makinis sya at may katangkaran. Mas mataas lang sya ng konti sakin. Konti lang naman.

"Pre" tawag nya sakin at biglang bumalik ako sa aking sarili.
" ahh eto eto"  Sabay abot ko ng cellphone ko sa kanya.
Tinype nya yung number at biglang tumawag. Habang may kausap sya sa cellphone, nakatitig lang ako sakanya. Nakatitig na para bang sinasaulo ko yung bawat parte ng mukha nya.Natapos na yung pagtawag nya pero Hindi pa rin natatapos yung pagtitig ko sa kanya.

"Pre eto na yung phone mo salamat ha"  pagkatapos nyang mag salita ay Hindi na ako umimik. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit Hindi pa sya umaalis at umupo pa katapat ng inuupuan ko. Well, Hindi naman sakin tong gazebo, pero kung wala na syang kailangan sakin pwede na syang umalis Diba? Pero dahil sa na cu cute-an ako sa kanya, hinayaan ko na lang sya. Habang nakatingin ako sa kanya bakas ko ang lungkot sa kanyang mukha, gusto ko sana mag tanong sa kanya kung anong nangyari dun sa tinawagan nya pero we're  not close enough para gawin yon. 10 minuto pa ang nag daan at  binasag ko na ang katahimikan.

"Freshman Ka rin?" Walang emosyon kong tanong sa kanya habang nakatingin sa field.
"Oo" Sabay lingon nya sa kin.
"Anong course mo?" Sabay lingon ko sa kanya.
"ME" sagot nya sakin.
" ahh Mechanical Engineering Karin? " sabi ko sa kanya na medyo naka ngiti. Nag nod lang sya and then konting ngiti. Ilang minuto  pa ay nagpaalam din ako sa kanya agad.
"Ahh pano ba yan pre kailangan ko na umuwi"  tumayo ako saka nag paalam sa kanya.
"Sige pre Una na ako" pagpapaalam ko at tumango lang sya.

Kahit alam ko sa sarili ko na ayaw ko pa umalis. Kailangan na dahil hinihintay na rin ako sa bahay at ayoko rin namang gabihin dahil Hindi pa ako Sanay dito sa Calamba.
Nag Dali Dali nga akong umuwi kahit 3:00 palang ng hapon. Nang makarating ako sa aming bahay. Sinalubong ako nila mama ng ngiti.

"Anak ano? Kamusta naman yung unang araw mo sa school?" Ang sabi ni mama sakin habang nag sasaing para sa aming hapunan.

"Ahh ma, manghang mangha parin talaga ako sa school ko hahhaa ang ganda talaga non. Parang kayo" ang pagbibiro ko Kay Mama.
"Sus ikaw talaga anak!  Sige na pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit na ng damit. Magpahinga ka muna at Maya Maya ay kakain na Rin tayo" wika ni mama.
" Sige ma akyat lang ako ha" pagkapaalam ko Kay mama ay umakyat na ako.
Di naman kalakihan ang bahay namin pero sapat na Ito para saming tatlo nila mama at papa.
Oo solong anak lang nila ako. Kaya ganon na lamang ang pagmamahal nila sa akin. Lalo na si mama ramdam na ramdam mo talaga. Si papa rin naman Alam Kong mahal nya ako, sadyang mas expressive lang talaga ang mga nanay sa anak nyang lalake. Pagka akyat ko ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nagpalit na ako ng damit.  Inilabas ko na rin sa bag ko yung mga papipirmahan sa magulang para maipasa ko na agad bukas. Pagkatapos noon ay inilagay ko muna yung mga papers sa table sa right side ng Kama ko tapos humiga ako ng saglit tapos napaisip ako sa nangyari kanina. "Yung unang nakilala ko kanina sa school. Ayyy shit Di ko pa alam pangalan nya. Ano kayang pangalan nya?  Hmmm cute sya.  Bakit kaya malungkot yung lalaki kanina nung pagkatapos nyang makitawag sa akin? " mga tanong na tumatakbo sa akin habang nakahiga ako.

Hindi ko parin talaga sya makalimutan.
"Cute ba?* tanong ko sa sarili ko
"Wait , pag aaral lang atupagin mo ken" ang sabi ko ulit sa sarili ko
"Ayy Oo nga pala" malungkot na sabi ko sa aking sarili.
Malimit ko talagang kausapin yung sarili ko lalo na kapag mag isa ako. Ang daming pumapasok sa isip kapag ganon. Minsan mga pangarap ko sa buhay, minsan future ko. At nagkataon naman na sya yung naiisip ko.Ilang sandali pa ay tinawag na ako ni mama.

"Anak Tara na at kakain na tayo nila papa mo bumaba ka na. Halika na anak"

"Sige ma susunod ako eto na"

Ng makakain ako ng hapunan ay agad akong nagpaalam na matutulog na ako dahil bukas na ang Simula ng klase. As in yung may lecture na. Pagka paalam ko ay umakyat na ako sa kwarto ko at natulog. Kinabukasan ginising ako ng alarm ko. It's already 5:30 am na ng bumangon ako. Naligo ,kumain ,nag toothbrush and then umalis na ng bahay. 6:30 na ako nakaalis sa bahay kaht 8:00 pa yung first class ko. I make sure na Hindi ako male late. Aba mahirap na.
7:30 na ng makarating ako ng school. Sarado pa yung classroom. So nag intay lang ako sa labas ng room namin hanggang mag 8.

"Ang tagal naman buksan" bulong ko sa sarili ko. May dumarating narin na iba pang mga estudyante na kapwa ko freshman rin. Yung iba mukang matatanda na. Mukang tumanda na sa Engineering. Nag si datingan pa yung iba Kong magiging classmate hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko. Yung lalake kahapon. Yung nakitawag sa akin kahapon . At mukang papalapit sa akin. Naglakad pa nga sya at sa direksyon ko sya pumunta.

"Oy Pre dito ka rin pala?" Nakangiti nyang Sabi sa akin.
Napatitig na naman ako sa kanya. Pinagmamasdan ko na naman yung itsura nya. Bakit ganon ang linis linis nya kung tingnan? Yung uniform namin ay bumagay sa kanya. Pati yung backpack nya na black bagay din sa kanya. Kahit pasuutin mo to ng pangit na damit, Hindi magiging problema eh.

"Pre okay ka lang" Sabay hawak sa balikat ko na naging dahilan ng pagbalik ko sa wisyo.
"Ahh ano yun pre" Sabi ko sa kanya na parang nagulat.

"Sabi ko dito ka rin pala" sabi nya Sabay tanggal ng kamay nya sa balikat ko.
" Kingina mo bat mo tinanggal yung kamay mo?"  Pabulong Kong sinabi.
"Ano yun pre ? " Sabi nya sa akin.
"Pre ayan na binubuksan na nung guard yung room naten" palusot ko nalang. Buti na lang at binuksan na ng guard yung pinto.

"Pre  wala akong ibang kakilala dito ha" Sabi nya sa akin habang naglalakad kami papunta ng room.
"Lalo na ko Pre, wala akong kakilala dito, miski nga ikaw Di ko alam pangalan mo eh" Sabi ko sa kanya.

"Xavier nga pala pre" nakingiti nyang Sabi sa akin.
"Xavier Montecillo " pahabol pa nya. 
"Ahhh Ken nga pala, Ken Molina" Sabi ko naman sa kanya.

Nakaupo na kami ni Xavier ng dumating yung prof namin. Medyo parang strict yung prof kaya naging sobrang tahimik ng klase pag dating nya. Buti na lang at Hindi na kailangang mag pakilala isa isa dito at yun yung pagkaka Alam ko kasi ganon daw sa college wala ng introduce yourself. So yung teacher lang namin yung nagpa kilala samin. Si prof Richard teacher namin sa trigonomety. Andaming ni lecture samin eh first day palang. Parang ayoko na mag engineering hahaha.

"Ken" pabulong niyang tawag sakin habang kinukulbit nya ako kasi magkatabi lang naman kami. Since kami lang naman yung magka kilala.
"Bakit? Wag ka maingay makinig tayo!" Pabulong ko ring Sabi sa kanya.
"Ken, Ken " bulong pa nya.
"Ano?" Medyo nainis ako dahil bukod sa tawag nya may kasama pang kulbit yung ginagawa nya. Eh gusto ko kapag nag fo focus ako walang ibang gumugulo sakin. Ang hirap pa naman ng subject kaya napalakas yung pagkakasabi ko at Alam Kong narinig yun ng buong klase pati na rin yung prof na kasalukuyang nag susulat. Napatingin sakin lahat ng ka klase ko at eto na nga yung pinaka kinatatakutan ko, lumingon yung prof ng dahan dahan at pag kalingon nya ay walang reaksyon yung mukha nya. Tumayo sya ng maayos at inayos nya yung neck tie nya at saka nag salita.

"Sino yun?" Sabi nung prof na walang reaksyon. Hindi ako sumagot pero yung buong klase nakatingin sakin. Mas natakot ako nung inulit ng prof namin yung pagtatanong nya.
"ANG SABI KO SINO IYON?" May halong lakas na yung Boses nya at sobrang takot na rin yung mga ka classmates ko kaya pinapaamin na nila ako.
"Hoy umamin ka na!" Sabi nung nakaupo sa aisle 3rd row. Pinapaamin ako at para bang kasalanan yung nagawa ko.
Para kasing sira si Xavier ginugulo ako eh. Mag sasalita na Sana ako ng biglang itinaas ni Xavier yung kamay nya.

"Ako po iyon. Sir"  Sabi ni Xavier na halatang kinakabahan at nanginginig yung pagkakasabi.

"Huy Xavier ano ka ba?" Bulong ko sakanya. Alam Kong nakatingin na samin ang buong klase At pati narin si prof.

"LABAS"  Gigil na pagkakasabi ng prof namin Kay Xavier na may kasama pang pagturo sa pinto. Tumayo si Xavier ng nakayuko dahil sa sobrang takot at hiya. Naglakad sya papunta doon sa back door at biglang nagsalita na naman yung prof.

"LUMABAS KA RIN " Sabi nung prof.
Nang pagtingin ko sa prof ay sakin sya nakaturo at ganon parin ang reaksyon ng kanyang mukha. Hindi na ako nag reklamo dahil kami naman talaga yung Mali. Naglakad ako palabas ng room at ng makarating ako sa labas hinanap ko kaagad si Xavier. Madali ko naman syang nakita.

"Hoy Xavier anong ginawa mo? bat mo sinabing ikaw yon?" Sabi ko Kay Xavier habang naglalakad papalapit sa kanya. Tumawa lang sya na parang Hindi kinabahan. Pero kung titignan mo yung mukha nya kanina parang takot na takot.

"Hayaan mo na yun! Nagyari na eh hahhaa" Sabi nya sakin ng walang pag aalala.

"At least wala na tayo dun sa room na yun. Ang Oa ng prof naten Pre parang yun lang haha" Sabi pa nya sakin.
 Hindi na lang ulit ako sumagot sa kanya at hinayaan na lang yun. Tama naman sya at tapos na yun. Kaya wag na lang intindihin kahit nakaka praning.

 Lumipas pa ang mga araw na kami ni Xavier ang magkasama, nalaman ko na may dorm pala sya na malapit lang dito sa school namin. Minsan nga ay napunta kami ni Xavier sa dorm nya upang doon na lamang mag tanghalian. Bibili kami ng pagkain at doon na lang namin kakainin. Nalaman ko rin na Taga Pagsanjan Laguna pala talaga sya kung Saan nandun yung sikat na sikat na Pagsanjan Falls. Yung nanay nya ay nasa ibang bansa at yung tatay naman nya ay nagtatrabaho sa Coca Cola bilang Quality Control Engineer. Dalawa silang magkapatid at nasa Grade 10 palang yung kapatid nya. Madami kaming napagkwentuhan ni Xavier tungkol sa pamilya nya at pamilya ko which is Hindi naman naging awkward yung pag uusap namin. Pero may Isang bagay pa ako na gusto Kong malaman sa kanya, yung buhay pag ibig nya. Kung meron ba syang girlfriend ngayon? Kung nakailang girlfriend na sya? Hindi ko alam, basta gusto ko lang itanong.  Halos naka isang linggo na rin kami magkasama nitong si Xavier at wala naman syang ipinapakita na masama sa akin.

Maaga akong pumasok sa school pero Hindi sa school ang diretso ko. Kailangan Kong daanan si Xavier dahil napag usapan na namin yun sa text kagabi. Oo nakuha ko na yung number nya pero sya yung nag insist na kuhain number ko ha! Hindi ako. Hahaha kilig lang.

So nandito na nga ako sa dorm ni Xavier at kung idedescribe ko Ito sa inyo, masyado syang malaki para sa isa. Bagamat isa lang ang kwarto nito, kung titingnan mo ay malaki pa rin Ito. Nasa labas ako ng dorm at kumatok ako. Pagkatok ko ay chineck ko yung door knob kahit Alam Kong sarado iyon for sure. Pero nung pagpihit ko ng doorknob ay sya  namang nagbukas yung pinto.

"Ayy Shit Bat Di nag sasarado ng pinto itong si Xavier? Pano kung manakawan sya?" Sabi ko sa sarili ko. Dahan dahan akong pumasok sa dorm ni Xavier. Bumungad sa kin yung sala na may Flat screen na TV ,dumiretso ka pa ay nandun na ang kusina.Bakit parang walang tao. Ano ba tong si Xavier 7:30 na! Iniwan ko yung bag ko sa sala at dali dali akong umakyat sa itaas para I check kung nandun si Xavier. Pag akyat ko ay makikita mo na agad ang Kama dahil isa lang naman yung kwarto.Nang nandun na ako nakita ko si Xavier na tulog parin.  Kitang kita ko sya na nakadapa ang pagkakahiga. Kitang kita ko rin na nakaboxer lang sya at pansin ko rin ang kanyang malaking Puwetan, yung hita na malaman at batak na batak. Ngayon ko lang sya nakita ng ganito, nakaboxer at naka sando. Ang hot nya talaga. Dali Dali ko syang pinuntahan para gisingin. Niyugyog ko sya ng niyugyog pero antagal nya pa bago magmulat ng mata.

"Xavier, Xavier hoy loko ka may klase pa tayo" Pag gising ko sa kanya na may halong pag yugyog. Umungol lang sya na naghuhudyat na ayaw pa nya gumising. Konting yugyog pa ang ginawa ko at bigla nya akong hinila at sa lakas nya ay napahiga ako sa kanyang Kama. Ngayon ay magkatabi kami ni Xavier sa higaan. Hindi agad ako nakapag react dahil sa ginawa nya. Babangon sana ako ngunit hinila nya ulit ako pahiga at sa pagkakataong Ito ay nakadagan na yung paa nya sa mga hita ko kaya Hindi ako makagalaw. Nakapulupot rin yung kanang kamay nya sa akin kaya Hindi ko maikakailang nakayakap na sya sakin.

"Xavier ano ba may klase pa tayo!" Sabi ko sa kanya na nilalabanan yung pagkakayakap nya sakin. Ano bang magagawa ko, Hindi naman ako payat pero mas malakas talaga sakin tong taong to. 

"Uhhhmmm dito na muna tayo. Inaantok pa ako" sabi nya sakin habang nakapikit pa at nakayakap sakin. Alam ko sa sarili ko na kapag tumagal pa yung ganong pwesto namin ay mag Iinit pa lalo ako. Hindi ko maexplain yung sensasyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko Alam kung bakit Hindi ako nanlalaban sa kanya ngayon. Hinayaan ko na lang sya na nakayakap saakin dahil gusto ko rin naman. Nakatingin lang ako sa kisame biglang bumulong si Xavier.

"Dito ka matulog mamaya ken" bulong nya malapit sa aking tenga at biglang napaurong yung ulo ko dahil nakiliti ako.

"Luh Di ko Alam kung papayagan ako" Sabi ko sa kanya Sabay Lingon ko sa kanya. Paglingon ko kitang kita ko ng malapitan yung makinis nyang mukha, malaanghel na awra habang nakapikit parin sya.

"Sya Hindi kita papakawalan, dito lang tayo" Sabi nya sa kin biglang mulat. Kitang  kita ko yung transition ng muka nya kanina na malumanay nung nakapikit pa sya at ngayon na medyo seryoso yung mukha nya. Mas hinigpitan pa nya yung pagyakap nya sakin pero Hindi naman masakit.

"Oo na magpapaalam ako" Sabi ko sa kanya na parang maamong tupa na sumunod sa kanyang amo. Napalitan ng tuwa ang reaksyon ni Xavier sa sinabi kong iyon. Bigla syang bumangon at Dali dali nyang kinuha yung tuwalya nya at bumaba na sya para maligo. Tuwang tuwa ang loko. Nakahinga na ako ng maluwag. Nakahiga parin ako sa Kama ni Xavier at iniisip ko na dahil wala syang kasama dito kaya gusto nyang matulog ako dito dahil nakaka boring nga naman dito kapag mag isa.Hindi ko rin naman masisisi yung tao dahil ang hirap mag dorm. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pagkakahiga ko doon saka ako bumangon. Bumaba na ako upang maghintay Kay Xavier. Nasa sala ako noon. Sabay namang pag akyat nito. Oo nakita ko syang nakatapis pero Hindi ko na lang masyadong pinansin. Kotang kota na ako ngayong araw,umagang umaga palang.

"Xavier, Bilis mag 8:30 na late na late na tayo" sigaw ko.

"Oo Pababa na" Sabi naman nya Sakin. Ilang saglit pa ay nakita ko na syang pababa at kinuha ko na rin yung bag ko upang isakbit sa akin.

"Ano? Tara na! " Sabi ni Xavier ng. Nakangiti. Ibang iba talaga yung ngiti ni Xavier. Hindi ko Alam kung bakit. Iba yung dating nya sakin. Siguro crush ko na to. Lumabas na kami ni Xavier ng Dorm nya at as usual naka akbay na naman sya sakin at yun yung gusto ko.

"Bilisan na naten late na tayo" Sabi ko sa kanya na may halong pag aalala.

"Late lang , walang tayo" Tugon naman nya sa kin.

"Ahh Oo bilisan na naten male-late KA tsaka AKO, O Okay na ?" sabi ko naman sa kanya na medyo nakingiti pero nainis bigla.

" Hahaha joke lang ito naman" Sabi naman  nya sakin na nakangiti rin.

Kahit Alam Kong Biro lang yun. Bat nagagalit ako? Bat naapektuhan ako? Wala naman talagang kami diba? O e bat nagpapa apekto ako? Lakas ko eh hahahaha. Ano naasa ka na naman?

Nang nasa room na kami Hindi kami nag iimikan ni Xavier. Naramdaman nya yata na nagbago yung mood ko. As in Hindi talaga ako kumikibo. Dumating na rin yung prof namin at nag Simula nang magturo. Nakinig na lang ako ng mabuti dahil sa mahirap ang subject na trigonometry eh talagang kailangang mag pay attention. Bagamat mahirap ito, practice lang naman ang kailangan para ma master mo. Nakita ko rin na lumipat ng pwesto si Xavier sa harapan dala dala ang kanyang notebook at ballpen. Mukang makikinig rin sya. Natapos na ang klase at ang daming itinuro ng prof namin sa amin.

Naglalakad kami ngayon ni Xavier dahil bibili kami ng pagkain upang dalhin sa dorm niya upang doon kumain nang biglang nag salita sya.

"Huy Ken, Ba't ang  tahimik mo? Kanina ka pa Hindi naimik ah" Sabi nya sa kin.

"Tahimik ba ako? Nastress lang siguro sa subject ang hirap eh" Sabi ko naman sa kanya.

"Hinde,kanina ka pa kaya tahimik gusto mo magkwento? " Sabi nya sakin Sabay akbay.

Anong iku kwento ko sa kanya na hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari kanina? Na sinabi nya na walang kami? yun ba yung iku kwento ko sa kanya? Edi nalaman nya na nag iilusyon ako sa kanya. Kahit wala naman talagang kami.

"Hinde wala akong problema. Siguro nararamdaman ko lang talaga yung stress ng pagiging college" Sabi ko naman sa kanya.

Kinagabihan tumawag ako kila mama at papa na dito na muna ako matutulog kila Xavier.

"Hello Ma"

"Oh hello anak"

"Ma dito muna ako matutulog kila Xavier ngayon ha! Madami lang kaming tatapusin na project. Deadline tomorrow" Pagpapalusot ko Kay Mama.

"Eh anak pano yung damit mo? Anong isusuot mo bukas?" Pag aalala ni mama.

"Ma okay na papahiramin nalang daw ako ni Xavier sya na daw bahala"

"Sige anak tapusin niyo na yan. Sasabihin ko nalang Kay papa mo ha. Sige mag iingat kayo dyan"

"Sige po Ma, ba-Bye"

Nang makapag paalam ako Kay Mama bigla Kong naisip na bakit nga ba ako dito matutulog? Eh wala naman kaming dapat tapusin nitong mokong nato na project.

Nasa dorm kami ngayon ni Xavier at tapos na rin kami kumain ng hapunan. Nakauniform pa rin ako kaya gusto Kong manghiram ng damit kay Xavier nang biglang lumapit Ito galing sa kusina.

"Ken, Maraming salamat kasi sinamahan mo ako dito" Sabi ni Xavier Bago umupo sa tabi ko para manood rin ng TV.

"Wala yun, ano ka ba " Sabi ko naman sa kanya na Hindi lumilingon at nakaharap pa rin sa pinapanood.

"Basta salamat ken" Sabi pa nya sakin.

"Ken Di ka pa nag papalit, eto pahiramin kita ng damit" pahabol pa nya.
Umakyat sya sa itaas para kumuha ng damit at sumunod na rin ako sa kanya. Pinatay ko ang TV tapos Umakyat na rin. Binagyan ako ni Xavier ng shorts at White t shirt. Sya naman ay naka gray na t shirt at boxers. Pagkasuot ko ng damit ay natulog na kami ni Xavier. Pinatay na nya ang ilaw at nahiga na kami pero Hindi ako makatulog dahil namamahay ako, yung tipong Hindi ka mapakali kasi sanay ka doon sa sarili mong Kama. Kahit madilim ay aninag ko parin si Xavier dahil sa mga ilaw na nagmumula sa labas. Ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa ilalim ng ulo nya na parang ginagawa niyang unan ang mga Ito. Sinubukan Kong tawagin ang pangalan niya.

"Xavier" pabulong Kong sinabi.

"Gising ka pa?" pahabol ko pa.

"Bakit Di ka pa natutulog" mahina nyang tugon sa akin.

"Di ako makatulog " pabulong ko ulit sa kanya.

"Gusto mo lang yatang yakapin kita eh" Sabi nya sakin ng mas malakas kesa sa kanina.

"Gago ka " sagot ko naman sa kanya. Ilang sandali pa ay tinawag ko ulit sya para malaman kung gising pa sya. Gusto ko kasi syang tanungin tungkol sa buhay pag ibig nya. Curious lang.

"Xavier, pwede mag tanong?"

" Ano yun?" Nung pagka Sabi nya ay biglang syang umurong ng mas malapit pa sa akin at bigla nyang idinantay yung binti nya sa akin. Kulang na lang na iyapos nya yung kamay nya sa akin at mauulit na naman yung pwesto naming dalawa kaninang umaga.

"Kamusta love life? " Sabi ko sa kanya na medyo nahihiya. Okay lang sa kin kahit wag na nya sagutin kasi ang awkward ng ginawa ko. Gusto ko lang naman talaga magtanong. Lahat na kasi napag usapan namin pwera lang Ito.

"Wala ako no'n ngayon."  Sabi nya sa kin na walang reaksyon.

" Eh Dati ? "Tanong ko ulit sa kanya. Nang pagka tanong ko ay iniyapos na nga nya ng tuluyan yung kamay nya sa akin pero wala akong paki alam. Gusto Kong malaman kung anong nangyari.

"Oo meron, kaso iniwan ako" sagot nya sakin. Ramdam ko yung pagsasalita nya malapit sa aking tenga. Hindi ako nakakibo dahil sa lahat ng walang reaksyon nyang sagot sa akin ay parang eto yung pinaka masakit na nanggaling sa bibig nya. Gusto ko pang malaman kung anong nangyari pero Hindi ko Alam kung anong itatanong ko. Nang bigla ulit syang nagsalita.

"Si Claire..........  Iniwanan ako"  paputol putol nyang banggit sa akin.

"Sabi ko sa kanya baka.......... Baka pwede pa naming maayos........ pero sabi nya wala na daw talaga syang nararamdaman sa akin." Pautal utal nyang Sabi. Maya Maya pa ay nararamdaman ko na humihikbi sya at tanda iyon ng pag iyak. Hindi ko naman Alam na ganto pala ang pinag dadaanan nitong si Xavier. Maya Maya pa ay Hindi na lang hikbi yung naririnig ko. Kundi isang iyak na.

"Ti... na..... natanong  k...ko nga ang sa... ri .. rili ko kung ba bakit ganon na.... Lang ka... Ka dali ang I....iwan ako." Pautal utal pa nyang sabi habang naiyak. Mas hinigpitan pa nya yung pagkakayakap sa akin at alam kong kailangan nya ng comfort ngayon.Ramdam na ramdam ko talaga yung sakit na nararamdaman nya. Ang tanga ko kasi bat ko pa natanong 'to sa kanya. Kung Alam ko lang na ganito pala magiging reaksyon nya Edi Sana Hindi ko nalang pala naitanong. Niyakap ko sya at hinele ang kanyang ulo para I comfort sya.

"Sorry ha, naitanong ko pa" malungkot na pagkakasabi ko sa kanya. Ilang minuto pa ay natigil na sya sa pagkakaiyak.

"Okay lang yun, pero pre ikaw unang pinagsabihan ko nan. Wala pa akong napagsasabihan kaya ganto na lang yung emosyon ko." Sabi nya sakin na medyo maayos na ang pag sasalita.

"Kailan ba nangyari yan? Kailan ba niya sinabi sayo yan?" Tugon ko naman sa kanya.

"Tanda mo pa nung nakitawag ako sa yo? Yun yung time na nakipag break sya sakin. Through cellphone lang kaya mas masakit. Hindi pa naman ako nakakauwi ng pagsanjan kaya wala pang maayos na closure." Sabi pa nya sa akin. Mas magaan gaan na yung pag sasalita nya compare kanina.

"Pero hayaan mo na yun. Kalimutan na yun" Sabi nya sakin Sabay punas ng Ilong nya sa manggas ng damit na suot ko.

"Kadiri to" Sabi ko sa kanya na medyo umatras  palayo sa kanya.

"Ikaw eh pinaiyak mo ko" Sabi nya sakin na patawa tawa Sabay yakap ulit sakin pag ka pahid sa damit na suot ko.

"Basta ikaw, Wag mo akong papaiyakin ha" Sabi pa nya sakin Sabay kiliti sa aking tiyan.

"Xavier pota nakikiliti ako hahahhahha Xavier tigilan moko. Gabi na ,tama na"  Itinigil nya saglit yung pagkiliti nya sakin at inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko.

"Bakit? Sa Gabi naman talaga ginagawa to ah" Sabi nya sakin na may  pang aakit na boses. Yung lalim ng Boses nya nung sinabi nya  yun, Iba eh. Ginalingan.

"Gago ka,  iba yang iniisip mo. Magtigil ka" Sabi ko sa kanya na Hindi ko na ata maitago yung kilig ko. Buti na lang at patay yung ilaw kung hindi , makikita siguro yung pamumula ko.

"Gusto mo gawin natin yung iniisip ko? " Sabi pa nya sakin na may malalim na boses.

"Gago ka ,putangina mo!" Pero deep inside (juskolord gawin na nya kung anong gusto nyang gawin sa kin. Game na simulan na nya.) 

I felt a roller coaster emotion that night. It was great night to be remembered. Kulitan lang kami ng kulitan. Di namin namalayan alas dos na kami nakatulog to think na may klase pa kami tomorrow.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Picolo
Picolo
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhq89EBmX8Xwkwgkunxb1f9sN-fiH2SuHSPVbNGNXPgcX6MKCR843Md-zJDairS9C02IV_Gbw8oM-f34xRVA7FH7lWFGJTjEo1HD2fAhz0ssgqJgsSQ6c7Bg73DZxq02Qw1_13P6JcPolBr/s400/tumblr_ns4o47BEVP1u7waz7o3_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhq89EBmX8Xwkwgkunxb1f9sN-fiH2SuHSPVbNGNXPgcX6MKCR843Md-zJDairS9C02IV_Gbw8oM-f34xRVA7FH7lWFGJTjEo1HD2fAhz0ssgqJgsSQ6c7Bg73DZxq02Qw1_13P6JcPolBr/s72-c/tumblr_ns4o47BEVP1u7waz7o3_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/picolo.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/picolo.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content