By: N.D. List Isang mahinang katok ang gumising sakin kasunod ng mahinang ungol. Medyo kinabahan ako. Naiimagine ko ang isang lalakeng n...
By: N.D. List
Isang mahinang katok ang gumising sakin kasunod ng mahinang ungol. Medyo kinabahan ako. Naiimagine ko ang isang lalakeng nabaril na naghahanap ng tutulong sa kanya. Kinapa ko ang cellphone ko sa kama at tiningnan ang oras. Alas dos ng madaling araw. Kumatok ulit ang tao sa labas ng pinto at tumawag ng “TL.” Mahina at medyo utal. Nabosesan ko si Mico pero ayoko parin pagbuksan dahil kabado padin ako. Tumawag sya ulit.
Nung masiguro ko na sya yon, tumayo ako at binuksan ng bahagya ang pinto para silipin sya. Sya nga. Nakasandal sa pinto at parang hinang hina. O pagod? Kinabahan ulit ako nung may nakita akong basa at medyo mapula sa kanyang damit pero nawala agad ang kaba ko nung maamoy ko ang isang pamilyar pero ayaw na ayaw kong amoy. Nagsuka sya.
Binuksan ko nang tuluyan ang pinto at inakay ko sya patayo. Nung nakatayo na sya tumingin sya sakin at nakiusap kung pwedeng dun muna sya matulog sa kwarto namin. Dating kwarto naming dalawa bago ko sya pinaalis at sinabihan na maghanap ng ibang mauupahan.
“Ngayong gabi lang, TL, sige na.” Tiningnan ko ang kwarto nila. Sarado. Nakita kong may suka sa pinto kaya malamang at kumatok na din sya dun pero hindi sya pinagbuksan. Tinablan ako ng awa kaya pinapasok ko na din sya at inakay sa dati nyang kama.
Naupo sya at at tuluyan ng tumumba patalikod, napahiga at naglabas ng isang pamilyar ding ungol. Ungol ng nagsisising lasing. Nakatingin lang ako sa kanya.
Ilang minuto din syang hindi nagsalita kaya naisip ko na nakatulog na sya pero bigla syang nagsalita “Maliligo muna ako TL.”
Alam ni Mico na ayaw na ayaw ko ng amoy ng suka ng lasing. Nahiya siguro sya kaya kahit alam kong gusto na lang matulog at magpahinga, nagsabi sya na maliligo muna. Isa pa, maarte si Mico at malinis din sa katawan na isa din sa mga bagay kung bakit kami magkasundo.
Pinilit nyang bumangon kahit hinang-hina at hilong-hilo sya sa lasing. Tumingin sya sakin at iniisip ang sasabihin. “TL.. pwede bang..” Tumingin ako sa kanya ng may halong pagkainis. Naisip ko na balak nyang magpatulong sakin sa pagligo nya pero nahiya na rin siguro.
“TL, pwede bang humiram ako ng damit.”
“Tumango ako at sabay sabing “Sige.”
Pinilit ni Mico na tumayo at nagpasuray suray papunta sa banyo. Nung makita kong tutumba na sya at tumayo ako ng mabilis at sinalo ko sya bago pa man nya tamaan ang drawer malapit sa pinto ng banyo. Natamaan pa din nya ito ng konti kaya naglaglagan ang ibang gamit nakapatong dito. Tiningnan ko ang mga nalaglag at wala naman nabasag. “Pasensya ka na TL. Pasensa ka na talaga. Babawi ako sayo.”
Nakahawak sya sa doorknob ng banyo at matagal na hindi gumalaw.
“TL...” Hindi ako sumagot. Inantay ko lang ang sasabihin nya.
“TL.. hindi ko yata kayang maligo pero ayokong matulog ako ng malagkit ang katawan ko. Alam ko din ayaw mo ng mabaho sa kwarto.” Pautal at halos hindi nya matapos ang sinasabi nya.
“TL.. baka pwedeng patulong akong maligo”
Inaantay ko lang na sa kanya mismo manggaling yon dahil sa totoo lang ay malapit na din akong masuka sa baho nya. Mabuti na lamang ay nasa loob na kami ng banyo nung masuka sya ulit. Alam kong hiyang-hiya na sya sakin pero alam nya din na mahaba ang pasensya ko. At hindi din ako makakatulog na ganyan ang amoy ng kwarto.
Humawak sya sa shower handle dahil hirap syang nakatayo. Pahirapan ang pagtanggal ng damit nya dahil pinipigilan ko din syang matumba. Mas lalo akong nahirapan sa pagtanggal ng kanyang shorts. Pati ang kanyang brief ay may suka. Makinis ang kutis ni Mico at halatang lumaki sya sa luho. Maganda din ang hubog ng kanyang katawan dahil nag-ji-gym kami dati kasama ang dati naming kaibigan na si Jael.
Binuksan ko ang shower at sinimulan kong itutuk sa kanya. Inuna ko na ang brief nya na suot suot pa din nya dahil hindi ko tinanggal. Sinunod ko ang iba pang parte ng katawan nya na may suka para naman mabawasan ang nakakasukang amoy. Binaba nya ang brief nya. Medyo nagulat ako ng konti sa ginawa nya. Hindi ko akalain na gagawin nya yun na parang wala lang. Siguro medyo nandiri din sya sa suka nya at gusto nyang maglinis ng mabuti.
Shinampoo ko ang kanyang ulo at kinusot. Binanlawan ko sya ng mabuti gamit ang shower at sinabihan ko sya na “Ayos na siguro yan.” Tumingin sya sakin at hindi umimik. Kinuha nya ang sabon at nagpilit na magsabon ng katawan. Hindi ko alam kung nahihiya pa din sya sakin sa amoy nya o sadyang maarte lang talaga sya. Kinuha ko na din sa kanya ang sabon at sinabon ng mabilis ang katawan nya. Iniwasan ko na lang ang puwet at titi nya para hindi awkward. “Ayus na yan!”, sabi ko. Pinunas-punasan nya ng kanyang kamay ang kanyan tite kaya sinabayan ko ng tutok ng shower. “Ayus na yan!”, sabi ko ulit.
Lumabas ako para kumuha ng tuwalya. Pagbalik ko ay nakita ko syang nakaupo sa sahig at nakapikit. Nakaramdam nanaman ako ng awa at medyo naguilty din ako dahil talagang hindi ko man lang sya pinigiling maligo kahit hirap sya. Tinayo ko sya at sinandal ko sya sa pader at pinunasan. Pinunasan ko na din ang titi nya ng twalya para naman matuyo ang bulbul nya. Napansin ko na medyo tumigas ito. Pagkatapos ay dinala ko sya sa kanyang kama at binihisan. Kailangan ko pang maghanap ng brief na luma at medyo maluwang dahil mas malaki ang built sakin ni Mico. Matangkad. Makinis. Maputi. Gwapo. Tangina. May favoritism si Lord.
Nilinis ko muna lahat ng nalagyan ng suka at pagkatapos ay naligo na din ako kahit antok na antok nako. Paglabas ko ng banyo ay mukhang nakatulog na si Mico. Nahiga nako para matulog. Pagkatapos ng ilang minuto ay umungol si Mico. Inaalimpungatan yata. Masakit siguro ang ulo nya. Alam ko ang pakiramdam ng lasing.
Bigla syang nagsalita, “TL, sana tanggapin mo nalang ulit ako dito. Mas gusto kitang kasama kuya. Mas komportable ako pag ikaw ang kasama ko. Balik nalang ako dito kuya please.”
Sa sobrang kalasingan siguro ay pati kuya nya naaalala na nya.
“Namimiss na kita kuya. Sorry na.”
Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa sinabi nya. First time nyakong natawag na kuya. Sa sobrang lasing nya siguro hindi na nya alam kung sino saming dalawa ang kasama nya.
Nakaramdam ulit ako ng awa sa kanya pero naaalala ko pa rin kung bakit ko sya pinaalis. Hindi ko gusto ang ginawa nya. Nasaktan ako. At hindi ko din inexpect yun galing sa kanya. Na-overestimate ko yung respeto nya sakin. Sa kabilang banda, naisip ko din na na-pressure lang sya sa mga kaibigan nya. Nakikisama lang sya. Ewan ko. Ano man ang rason, nasaktan ako. Pero tapos na yon. Napatawad ko na sya pero hindi ko pa nalilimutan ang ginawa nya.
Naalala ko yung araw na una kong nakita si Mico. Naka-schedule ako nun na mag-interview ng mga applicants. Nakita ko ang mga applicants na nakaupo sa lobby ng office. Binati nila ako at ngumiti ako sa kanila. Nilapitan ko yung guard at kinausap.
“Yung unang apat lang daw po ang iinterviewhin nyo sir sabi po ni ma'am Chona. Yung isa po for final na.” sabi nung guard.
“Si Jael na daw po yung magiinterview sa huling dalawa kasi may papagawa daw po si Ma'am Chona sa inyo na report. Yung naka-blue palang po ang nakapag-exam at initial interview sir.”
“Sige papasukin mo na sya sa interview room, kuya.”
Pumunta muna ako sa pantry para uminom ng juice at magrelax ng konti. May isang agent na lumapit sakin at kinikilig ang pabirong nakiusap kung pwedeng sya nalang ang mag-interview dun sa unang applicant. Natawa ako.
Pagkatapos ay pumunta ako sa interview room. Nakaupo si Mico nung pumasok ako at tumayo sya at binati ako. Habang tinitingnan ko sya, naisip ko na ito yung batang hindi na siguro kailangan ng trabaho. Sa suot nya, halatang lumaki sya sa luho. Makinis ang balat. Mestiso. Mukhang ni minsan sa buong buhay nya ay hindi sya naalikabokan. Tagalog ang pagbati nya sakin kaya sinabihan ko sya na call center ang kumpanya namin kaya kailangan ko syang interviewhin sa ingles. Fluent naman sya. May natural na accent pa nga. Sinabi nya inglis daw madalas ang usapan nila sa bahay. Nasa states ang parents nya at duon sila nagtatrabaho. Maraming beses na daw syang pumunta doon pero ayaw nyang doon tumira. Lumaki daw sya sa kuya nya na may pamilya dito kaya mas pinili nyang makasama sya at tumira dito sa Pilipinas. Nagtapos sya ng Nursing dahil karamihan sa mga barkada nya ay yun ang kinuha. Nakikita ko na magalang na bata si Mico habang ini-interview ko sya. Matalino. Mababa ang loob. Nakagaanan ko kaagad sya ng loob. Masaya ang interview. Mahilig kasi akong magpatawa at isa sya sa mga iilang tao na nakakaintindi ng ilang sa mga jokes ko na iilan lamang ang nakakakuha. (End of first flashback) :)
Nagising ako sa lakas ng kulog. Malakas ang ulan sa labas. Tiningnan ko si Mico at nakita ko sya na nakaupo sa kama. Nag-iisip. Mukhang mabigat ang hangover.
“TL, good morning”, bati nya sakin na may kasamang ngiti.
Umupo ako sa aking kama at humarap sa kanya.
“Ayus ka lang?”, tanong ko.
“Ayus lang TL. Parang everytime na pumikit ako nakikita ko si Lord. Hahaha.”
Natawa ako. Bukambibig ko dati yun pag nilalagnat ako kaya ginagaya na nya.
“Wala ka bang susi sa kwarto nyo?”
“Meron naman TL. Actually sabay kaming umuwi ni Jepoy kagabi. Pero noon lang kasi ako nalasing ng ganon kaya natakot ako. Feeling ko mas safe ako kung ikaw ang kasama ko.”
Suka pala ni Jepoy yung nasa pinto kagabi. Na-flatter ako.
Naisip ko na ako na ang pinakamalapit na tao kay Mico dito sa Makati. Or at least dati. Bago ko sya iniwasan. Biglang syang naging awkward. Siguro naalala nya ang mga nangyari kagabi.
“Kuya.. yung kagabi.. pasensya ka na.”
Sumabat kaagad ako, “Wag kang mag-alala. May lakad ako ngayon. Paglabas ko mamaya at nabasa ako ng ulan makakalimutan ko na ang mga hitsura ng etits mo. Hahahaha”
Nagtinginan kami at sabay nagtawanan. Alam ko na alam nya na yung huling part ng “Fantastic Beasts and Where to Find Them” ang tinutukoy ko. Mahilig akong magbasa ng Harry Potter at ako yung naka-impluwensya sa kanya na basahin din ang series. Siguradong sabay sana maming manonood ng “Fantastic Beasts” pero umiiwas nako sa kanya nung mga panahon na yon. Kasama nyang nanood sina Jael pero alam kong ako ang unang nyang naisip nung pagkapanood nya ng movie. Saka wala naman hilig sa Harry Potter si Jael.
“Sige na, Mico. Aalis na din ako nyan. Balik ka na sa kwarto nyo. Tingnan mo si Jepoy baka kung ano na nangyari dun.” Parang ayaw pa nyang umalis pero napilitin nalang. Tumayo sya na malungkot ang mukha ang naglakad palabas ng kwarto. Tumigil sya sa may pinto at lumingon ulit sakin,
“Kuya, yung pinsan mo na sinabi mo na titira dito sayo dahil mag-aaral, mukhang hindi naman yata sya natuloy dito.” Hindi ako nakasagot kaagad.
“Kuya.. baka naman..”
Sumagot ako, “Hindi pako sigurado, Mico.. tumuloy muna sya dun sa kapatid nyang nagtatrabaho malapit dito. Pero mas malapit kasi dito ang school nya.” Hindi sya kumibo pero hindi parin lumabas.
“Kuya.. pag hindi sya natuloy baka pwedeng bumalik nako dito”, nag-aalangan nyang sabi. Nag-isip ako. Namimiss ko din sya pero parang ayaw ko nang maulit ang dati.
“Tingnan ko. Parang gusto ko din kasing mag-isa muna dito ngayon. Stressful sa office at mas narerelax ako pag mag-isa lang ako.” Nakita ko ang lungkot sa mukha nya. Nahiya na rin sya na humirit pa kaya lumabas na sya. “Sige, kuya. Salamat ulit.”
Pag-alis ni Mico, saka ko naramdaman na namiss ko din sya. Naluha ako. Nanikip ang dibdib ko. Masaya din ako nung kasama ko sya sa kwarto. Naramdaman ko na tuluyan akong maiiyak kaya lumapit kaagad ako sa pinto para i-lock ito.
COMMENTS