By: N.D. List Maraming pong salamat sa mangilan-ngilang nagka-interas magbasa ng kwento ko. Inuulit ko po, hindi po ako writer at wala po...
By: N.D. List
Maraming pong salamat sa mangilan-ngilang nagka-interas magbasa ng kwento ko. Inuulit ko po, hindi po ako writer at wala po akong alam sa creative writing. Sumubok lang po ako. Please be patient. :)
Paumanhin din po kung wala pang masyadong nakakalibog na nangyayari sa kwento. Ginagawa ko po ang lahat ng aking makakaya para mag-insert ng nakakalibog na eksena para naman akma pa din sa tema ng blog na 'to ang kwento ko. Pasensya na po kung nakukulangan.
Sa pagpapatuloy po ng kwento.
CONTINUATION NG FLASHBACK
Ginising ako ng alarm ko ng alas otso ng gabi. Kinapa ko ang switch at binuksan ang lamp shade at umupo muna at tumanganga. Si Mico ay himbing na himbing pa sa pagtulog. Nakatihaya. Bukol na bukol ang malaking biyaya. Tangina 'tong batang 'to. Pinagpala talaga. Pati titi mayabang.
Maya-maya'y gumalaw si Mico, nagkusot-kusot ng mata at tumingin sakin. "TL anong oras na?".
"Gabi na. Bumangon ka na dyan at papasok na tayo."
Nag-unat sya at lumiyad. Lalo tuloy bumukol ang mayabang nyang tite. Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Pagbukas ko ng ilaw ay kinuha ni Mico ang extra nyang unan at tinakip sa harapan nya. Tingnan mo 'tong mokong na 'to. Akala yata nya pag-iinteresan ko pa ang titi nya.
Tamayo ako at pumunta na ng banyo para maligo. Napansin ko ang drawer ko malapit sa salamin. Ibang klase talaga ang anak mayaman. Kung dati ay suklay at wax lang nakapatong sa drawer ko, ngayon ay halos mapuno na. May shaving cream, after shave, lotion, paper towel at kung ano-ano pang abubut. Yan ang mayaman. Andaming kalakal.
Paglabas ko ng banyo ay natutulog pa din sya. Dahil nakatapis sa baywang ko ang twalyang ginamit ko, kumuha ako ng isa pang twalya para magtuyo ng buhok. Umupo ako sa kama nya at tinapik tapik ang pisngi nya. "Hoy! Gising na!". Dumilat sya at ngumiti lang sakin. Tapos pumikit ulit. Inalog-alog ko ang dibdib nya. Wala.
"Mico, hindi ko pangarap maging yaya mo ha. Pag hindi ka tumayo ngayon dyan mawawalan ka ng tirahan. Pag na-late ka mawawalan ka pa ng trabaho!"
"Heto na nga!", biglang tayo nya ay nag-unat, nagkambyo ng naninigas na titi at nagkamot ng ulo gamit ang dalawang kamay. Pasuray-suray syang pumunta sa banyo.
Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay iniisip ko kung ano itong napasukan ko. Sanay akong mag-isa lang sa bahay. Walang iniintindi at malayang gawin ang lahat ng gusto. Kahit lumabas ako ng banyo na isa lang ang gamit na twalya dahil hindi ko na kailangan magtapis paglabas. Pwede akong maglakad lakad ng nakabuyangyang ang tite.
Pinatay ko ang aircon. Tahimik. Bigla akong napalundag at nagulat ng may malakas na nagsalita sa likod ko. "TL, PAABOT NAMAN NG TWALYA!!!!!".
"PUTANGINA NAMAN MICO!!! BAKIT KA BA NANGGUGULAT!!!"
"Hahahahahaha. Sorry, TL! Paabot naman nung twalya sa bag. Wala pala akong twalya dito", hagalpak ni Mico. Nakalabas ang ulo sa pinto at medyo nanginginig pa dahil pumapasok ang lamig sa banyo.
Kinuha ko ang twalya at inabot sa kanya. Sinarado nya ang pinto. Tapos bumukas ulit. "TL, yung isa pa pala. Yung kulay blue. Sa bag din".
"Tsk tsk tsk!"
Naupo ako sa kama pagkabihis ko at inaantay syang lumabas. Lumabas sya ng nakatapis din ang isang twalya at isa naman ay naka balabal sa balikat nya. Inaayos nyang mabuti nakabalabal na twalya at ingat na ingat na hindi makitaan ng nipples. Kutis mayaman talaga 'tong isang 'to. "Baby fats" and all.
"TL, wag mo nga akong tinitingnan ng ganyan. Hinuhusgaan mo ang baby fats ko. Pag ako nagka-abs pati ikaw mapapayakap sakin". Mabilis syang nangalkal ng damit, pumasok sa banyo at nagbihis. Pagkalabas ay mabilis na nag-ayus ng buhok, pumili sa apat na pares ng sapatos at sinuot ang napiling sneakers.
"O, TL. Ano pang tinatanga mo dyan? Pag na-late tayo baka mawalan pako ng trabaho ng dahil sayo", sabay labas nya ng pinto na tumatawa. Napangiti nalang ako at tumayo.
Sigh!
Sana'y akong mag-isa sa tinitirhan ko. Ngayon ay may kasama akong batang anak-mayaman na ngayon lang yata nahiwalay sa kanyang yaya.
Nung naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami pi-pick-up-in ng shuttle ay nadaan ulit kami sa kainan nina Camille. Napansin kong sumisilip-silip si Mico sa loob ng kainan. Umakbay sya sakin.
"TL, maaga tayong magising bukas. Kumain muna tayo dito bago pumasok."
"Sige. Ikaw lang naman ang nahihirapang bumangon ng maaga".
Walang naging problema si Mico sa trabaho. Madali nyang natutunan ang proseso at madaling masanay kumausap ng mga customer. Maayus din syang makitungo sa buong team na hawak ko at ganun din naman sila sa kanya. Madalas din syang makakuha ng commendation sa mga nakakausap nya na customer dahil bukod sa maalam sya sa service ng kliyente ay natural sa kanya ang magsalita ng ingles.
As usual, nag-extend nanaman ako at umabot ako ng kalahating oras pagkatapos ng shift bago natapos. Paglabas ko ng office ay nakita ko ulit si Mico na kausap si kuya Jov.
"O, andito ka pa. Diba binigay ko na sayo yung susi kanina", tanong ko.
"Wala naman akong gagawin dun, TL kaya inantay na kita."
"TL, daan tayo kina Camille ha. Dun nalang tayo mag-breakfast."
"Pwede din. Ayaw mo magbihis muna bago kumain? Mas gusto kong kumain ng mas komportable ang suot ko."
"Sige ayus lang. Bihis muna tayo."
Pagdating namin sa bahay ay nakita nanaman naman si Jael na nasa labas ang naggigitara.
"Oy, jamming muna tayo. Puta OT kayo ng OT. Naggigitara ka ba, Mico? O baka inuutusan mo lang isa sa mga katulong nyo na maggitara", pang-aalaska ni Jael.
"Tsk. Si TL Ja, O! Lakas mang-asar. Oo medyo marunong ako."
"Ayos! Kunin mo yung gitara sa loob, pre." utos ni Jael sakin.
Kinuha ko ang gitara sa loob saka ko binigay kay Mico.
Nagsimula syang tumipa at kumalabit ng string saka nya binutingting ng konti yung kwerdas para itono ang gitara. Nagsimulang mag-pluck.
"Ayos ha!", pagbibilib ni Jael.
"Tangina neto!", sabi ko. "Parang ikaw nalang ang anak ng Diyos ha. Binigay na sayo lahat. Anak-mayaman! Makinis! Heartthrob! Talented pa!"
"Siguro malaki din titi mo ano?" gatong ni Jael. Tawanan kami ng malakas an ikinapula nanaman ni Mico.
"Tsk! Sina TL lakas mang-alaska. Nag joint force pa kayo. Kay Jepoy ba 'tong gitara na 'to?", iniba ni Mico ang usapan.
"Kay kuya Jov yan. Yung guard natin. Minsan nagjajamming kami dito nun. Hindi naggigitara yong si Jepoy, puro DOTA ang alam nun... saka babae."
"Oy dota. Miss ko na yan. Dota tayo minsan, TL."
"Oo sige, kung gusto mo bukas after shift. Gamitin mo yung desktop ni Gab may naka install naman dun. Hindi naman nya ginagamit yon. Apple boy yan eh. Macbook parati ang gamit."
"Bakit, TL, nagsawa ka na ba sa dota?", baling sakin ni Mico.
"Hindi naman nagdodota yan. Puro libro yan", sabat ni Jael. "Ako nga lang ang gumagamit nong desktop na yon eh. Hahaha. Minsan nga dun nako sa kanya natutulog pag sobrang init. Wala akong aircon eh. Kinukumbinsi ko pang magpalagay si rich boy jepoy".
Masaya kaming nagjamming ng halos isang oras. Puro Eraserheads, Rivermaya ang mga binanatan namin. Halos pareho-pareho naman kami ng hilig ng music nina Jael. Bumanat din kami ng Matchbox 20 at ilang Maroon 5 songs. Hindi naman kami singer pero maayos naman kaming nakakakanta. Trip lang talaga. Nag-aya si Jael na uminom kahit tig-dalawang bote lang ng Redhorse pero tumanggi muna kami dahil nakapagplano na kami na kakain sa kina Camille. Nagkasundo kami na sa weekend nalang uminom.
=======================
BALIK TAYO SA KASALUKUYAN...
May nadinig ako nagsasalita sa labas kaya lumapit ako sa pinto.
"Ano pare? Ayus ka na dito? May susi ka ba? Mukhang hindi uuwi si Jepoy eh. Tutuloy siguro yon sa bahay ng girlfriend nya. Libog na libog kanina sa dance floor eh. Nakakahiya ang mga gago!", boses ni Jael.
"Ayus nako TL... may susi ako... Pahinga lang ako dito", boses ni Mico. Utal.
Matagal na hindi nagsalita si Jael. Nung mga ilang sandaling wala nang nagsasalita, naisip ko na baka umalis na sya kaya bubuksan ko na sana ang pinto ng may biglang kumatok.
Nakita ko na nasa harapan si Jael pagbukas ko ng pinto. Maliit talaga ang mundo.
MAGSISINGIT LANG AKO NG FLASHBACK TUNGKOL KAY JAEL:
Dahil siguro sa magkatabi kami ng tinitirhan, si Jael isa sa mga naunang naging kaibigan ko sa Makati. Sya din ang pinakamadalas kong makasama. Kasa-kasama sa break, after parties, out of town R&R ng office kung saan-saan. Partner in crime. Wala sya masyadong bisyo. Hindi nagyoyosi, hindi mahilig sa night out, konting inom. Well, hindi masyadong konti pero namimili din sya ng kasama. May pagka-low profile din kasi ng konti although magandang lalaki din at habulin. Tapat sa girlfriend at tipong family man type pag nag-asawa na. Well, almost tapat sa girlfriend. May mga pagkakataon din na may mga pinapatulan sya na hindi naman nya tinatago sakin. Halos kinukwento nya lahat sakin. Alam naman kasi nya sa tahimik akong tao at walang makakalabas pag kaming dalawa lang ang nag-uusap. Siguro ay masasabi ko naman na naging magkaibigan kami. Madali naman kasi syang pakisamahan kahit papano.
Problema lang talaga ang pagiging mainitin ng ulo nya. Typical na lalaking hindi magpapaisa. Hindi uurong sa away. Paminsan-minsan ay medyo selfish pero considerate din naman.
Nung una ay medyo aloof sakin si Jael. Ganon naman yata talaga. Pag bago ka sa opisina madalas nahuhusgaan ka ng mga dadatnan mong empleyado. Ikaw ang bagong salta at territorial ang pioneering employees. Outcast ka. Kaya minsan kailangan ding iwasang magmarunong. Lie low. Pero eventually na-realize naman ng karamihan na ayus naman akong makisama.
Siguro nagsimula yung kompetisyon namin nung unti-unti akong napapansin sa office. Unti-unting bumabango ang pangalan ko sa management. Siguro'y dahil pioneering sya kaya nakaramdam din ng konting selos at inggit. Nasa isip nya siguro na lagi akong napapaboran. Medyo unti-unting naa-highlight din ang kakulangan ng maraming TL sa office nung magsimula akong mag root cause analysis sa mga bagay na pumapalpak. Naging epal ako sa paningin nila.
Mas lalong tumindi ang pagkainis nya sakin nung nalaman nyang malaki ang agwat ng sweldo ko sa kanya. Noon sya nagsimulang magparinig ng kung ano-ano sakin sa facebook. Na pinagpiyestahan naman ng mga kabarkada nya sa office.
"Ang mga bakla talaga magaling sa management".
"Mag-ingat sa bading na maepal na kupal".
Kung ano-ano pa ang mga status na nilagay nya sa facebook na naging dahilan kaya hindi naging maganda ang environment sa office para sakin.
Nag-peak ang galit nya sakin nung isa ako sa dalawang napromote na CCM at sya naman ay kasama sa mga nag-apply na hindi pumasa. Hindi na kami nag-uusap nung mga panahon na yon. Napakalaki ng galit nya sakin. At dahil wala naman syang bala laban sa'kin, dinaan nalang nya sa paninira.
Pinamatinding paninirang ginawa nya sakin yung pagkakalat nya may pagnanasa ako kay Mico. In-imply nya na na-hire sya dahil ako ang nag interview at gwapo sya. Binahay ko pa.
"Ang mga baklang gago, nag-aampon ng gwapo. Diba, Mico?".
Hindi kumibo si Mico sa status na 'yon. Hindi din namin pinag-usapan. Pareho naman naming alam ang totoo. Ni minsan ay hindi din ako nagkaroon ng libog kay Mico. Mabait syang bata. Magalang. Natuwa ako na naging malapit kami sa isa't isa na parang magkapatid. Higit pa. Masaya ako pag uma-akbay sya sa'kin sa mall. Pag hinihintay nyako tuwing uwian. Kapag hindi sila kumakain ni Camille sa eatery nila hanggat di ako dumadating. Masarap kasama si Mico. Masarap yakapin. Guluhin ang buhok. Asarin. Gulatin. Takutin. Masarap maging kapatid. Mapagmahal. Pero yun lang ang naramramdaman ko sa kanya. Mahirap paniwalaan pero yun lang ang nararamdaman ko sa kanya noon.
Nagkaroon ng barkada si Mico na parati nyang kasa-kasama nung tumagal na. Mga barkada na pareho nya ng hilig. Dota. Basketball. Babae. Mga bagay na wala naman akong interes. Nakaramdam ako ng konting selos sa parehong paraan na nalulungkot ang isang tatay kapag napapansin nya na mas gustong kasama ng anak nya ang mga kalaro nya minsan. Iba ang saya nya pag kasama nya ang kaibigan nya. Konsolasyon sakin na pagkatapos ng maghapon na paglalaro, sa'kin pa din sya umuuwi pag gabi. Sa'kin parin sya tumatakbo pag may problema. Sakin yayakap pag nasasaktan. Ako parin ang kuya nya.
BALIK TAYO SA KASALUKUYAN:
Ilang sandali kaming nagkatinginan ni Jael. Tinatantya ang isa't-isa. Ito ang unang pagkikita namin ni Jael mula nung nagresign na sya sa office. Hindi din ako sumama sa send off party nya.
Hindi naman sya mukhang lasing. Yun ang maganda kay Jael. Umiinom sya para makisama pero hindi nya pinababayaan ang sarili nyang malasing. Siguro dahil din sa naka-motor sya parati. Kaya hindi din ako natatakot pag umuuwi kami galing inuman at nakaangkas ako sa kanya.
"Pare...", basag nya. Tumango lang ako.
Tahimik ulit.
"Ikaw na bahala dito", sabi nya sabay turo kay Mico. Saglit syang natahimik ulit. Mukhang nag-iisip ng sasabihin. Hindi din nya siguro alam kung ano ang sasabihin kaya nagpa-alam nalang din sya.
"Sige, pare..."
Bumaba na sya at naglakad palayo. Mukhang wala syang dalang motor. Siguro dahil nag-alala na baka malaglag itong lasing na 'to pag inangkas nya.
Habang palayo si Jael, napaisip ako kung tinuring nya akong kaibigan. Kung may halaga ako kahit konti sa kanya. Kung may kahit katiting man lang ba syang pagsisisi si ginawa nya sakin. Kung ano man, si Jael ang isang tao na kung pwede lang ay ayaw ko nang makita kahit kailan.
Nilapitan ko si Mico para akayin papasok. Nung hawakan ko sya para i-angat, pinilit nyang idilat ang mga mata nya, tumingin sakin at yumakap.
“Uy! Tara na!"
Siniksik nya ang mukha nya sa tiyan ko. Saglit akong natigil. Nag-alala ako na may makakita samin at magmukha kaming tanga.
“Uy, tayo na diyan! Lika na sa loob.”
Inangat nya ang mukha nya at tumingin sakin saglit, tapos ay napapikit ulit sa sobrang lasing. Nakatusok ang baba nya sa tiyan ko.
“TL, sorry sa mga nagawa ko… Tanggapin mo na ulit ako, TL”.
Saglit ulit akong natigil. Itatayo ko na sana sya nang biglang nag ring ang cellphone nya. Pinilit kong kuhanin nag cellphone nya sa bulsa para tingnan kung sinong tumatawag. Si Josh. Sinagot ko na din.
"Hey, I've been calling since Thursday! What's goin' on???"
"Josh, Gab 'to"
"Uy, Gab! Kumusta? Si Mico? Ano bang nangyayari sa batang yan? Nung Thursday pako tumatawag ah."
"Tulog sya, bro, nakainom. May problema ba? Gusto mong gisingin ko?"
"Ah, hindi na wag nalang, bro. Tawag nalang ulit ako bukas. Actually kausapin din sana kita. Sa Makati kasi ako either next week or the week after ng limang araw. Magche-check in naman ako sa hotel pero kung okay sana sayo gusto kong sa inyo muna tumuloy. Namimiss ko din kasi ang kapatid ko. Saka medyo nag-aalala din ako sa kanya. Nadadalas ata ang inom. Hindi ka ba nila kasama? Iba na ba ang mga kabarkada nya dyan? May problema ba sya?", Sunod-sunod na tanong ni Josh.
Hindi ako nakasagot kaagad. "Sige, bro, ayus lang. Walang problema. Usap nalang tayo next week. Text text nalang. Medyo busy din kasi ako sa office the past couple of months kaya di ko din masyadong nakakausap si Mico."
"Sige, bro. Pakisabi nalang kay Mico"
Pagka end ko ng tawag ay nakita ko ang wallpaper ni Mico sa phone. Picture naming apat nina Josh at Camille dun sa bahay nila sa Meycauayan kasama ang lola nila. Nakaupo si Josh at ang lola nila. Nakatayo naman kaming tatlo sa likod. Nasa gitna si Mico at nakahawak sa bewang ni Camille sa kanan at nakaakbay naman ang isang kamay sakin sa kaliwa. Sinuksok ko ulit ang cellphone sa bulsa ni Mico.
Tinayo ko si sya at inakay papasok. Inupo ko sya sa kama nya at humarap ako sa kanya. Napatingin sya sakin at nang makita nya ang mukha ko ay tinawag nyakong kuya.
"Si Gab 'to!"
"Kaya nga... Kuya kita diba... Ikaw ang kuya ko dito." Sinandal nya ang ulo nya sakin. Nakadikit ang pisngi sa tiyan ko. Yumakap ulit sakin.
"Ano bang nangyayari sa'yo at nadadalas ang paglalasing mo ng ganyan?"
"Ayaw mo kasi akong patawarin kuya... alam ko na nga ang mali ko eh... nagsisisi nako. Mahal kita kuya. Namimiss na kita. Pabalikin mo nako dito." pagmamakaawa nya.
Natahimik ako. Nakaramdam nanaman ako ng awa sa kanya. Madalas wala si Jepoy sa bahay at parating nasa girlfriend nya kaya malamang ay mag-isa lang syang natutulog parati sa kabilang unit. Hindi sya sanay mag-isa. Baka natatakot din. Ilang beses ko na syang nadinig na kumakatok pero hindi ko pinagbuksan. Kunwari nalang ay hindi ko nadidinig.
Sinalo ko ang ulo nya ng kamay ko at dinikit ang palad ko sa kabilang pisngi nya. Ginalaw ko ang hinlalaki ko at masuyong hinahaplos mukha nya. Bumuntong hininga ako.
"Ayus na tayo, Mico. Tigilan mo na ang kakainom ng ganyan. Ayos na tayo."
Pinilit nyang tumingin sakin. Nakatusok nanaman ang baba nya sa tiyan ko. Pinilit ngumiti.
"Tatanggapin mo na ulit ako dito?" Buo na ang ngiti nya. Parang bata. Pumikit ulit. Hindi ako sumagot. Hinawi ko ang buhok nya at tinulak palayo sa kanyang noo. Sinuklay suklay ng daliri ko ang buhok nya. Paano mo matitiis ang mukhang anghel.
"Ang sinabi ko lang ayos na tayo".
Matagal bago sya sumagot.
"Mahal mo bako kuya?"
Hindi din ako sumagot kaagad.
"Alam mo naman na mahal kita kahit di ko sinasabi. Namiss din naman kita. Na-dissapoint lang talaga ako. Pero hinahanap-hanap ko din ang pangungulit at panggugulat mo sakin. Namiss kita. Masakit din sakin."
Buong buo na ang ngiti ni Mico. Nagbalik ang ngiting parang kakainom lang ng gatas sa commercial. Pagkatapos ay bigla syang ngumuso.
"Kung mahal moko kuya kiss moko."
Sinampal ko sya ng mahina. Lasing talaga tong isang 'to.
"Parang kang gago!" sabi ko.
"Tsk! Kiss lang eh. Mahal moko diba?"
"Tangina nito! Pag mahal may kiss?"
"Sus... sige na nga kuya paliguan mo nalang ako. Baby moko eh. Para hindi amoy lasing ang kwarto."
Bumuntong hininga ako. Kinalas ko ang yakap nya at dahan-dahan ko syang hiniga. Nakababa pa din ang mga paa sa sahig.
"Wag kang gagalaw dyan."
Tinanggal ko ang pagkabutones ng polo nya. Tinanggal ko din ang pagkabutones ng pantalon nya at binaba ang zipper. Pinasok ko ang kamay ko sa kaliwang bulsa nya. Pagktapos ay sa kanan.
"Asan ang susi mo, kukuha ako ng damit mo sa kabila"
"Tsk! Brief mo nalang ang ipasuot mo sakin kuya. Gusto ko brief mo.", usal nya.
Hindi ko sya pinansin. Kinapa ko ang maliit na bulsa nya at nakita ko ang susi. Lumipat ako sa kabilang kwarto para kumuha ng damit.
Pagbalik ko sa unit ko ay nakita ko si Mico na nakahiga parin sa ganong posisyon pero wala nang damit. Hubo't hubad. Nakabuyangyang pati ang makinis at malaki nyang tite. Siraulo talaga 'tong isang 'to. Naisip ko tuloy na pinagtitripan lang ako ng gago.
Tumayo ako sa harapan nya at pinagmasdan ko ang hubad nyang katawan. Makinis. Maputi. Mapula ang nipple na dati ay tinatago-tago nya sakin. Nakikita ko ang kilabot sa makinis nyang balat na dala ng lamig. Unti-unti na ding nagkakahubog ang kanyang tiyan. Ilang buwan din syang sumama-sama samin ni Jael bago pa kami nagkaroon ng problema. Ang dating tinatago tago din nyang titi sakin ay nakabuyangyang na ngayon sa aking harapan. Malaki kahit hindi galit. Maamo at makinis na titi. Ang swerte na Camille sa isang to. Langit siguro ang naramramdaman ni Camille pag kinakain nya ang titi ng artistahin at anak mayaman.
Pinilit kong hindi tamaan ng libog. Huminga ako ng malalim.
"Hoy, BUNSO!" sarcastic ang boses ko habang tinatapik ang binti nya.
"Tumayo ka na dyan. Paliliguan ka na ni KUYA".
COMMENTS