$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Taste of A Sailor (Part 2)

By: JR the sailor “HE WANTS WAR?  I'LL GIVE HIM WAR”! Yun ang mga katagang Buong loob kong sinabi sa Sarili ko. JOKE!!! “Cease Fire tayo...

By: JR the sailor

“HE WANTS WAR?
 I'LL GIVE HIM WAR”!
Yun ang mga katagang Buong loob kong sinabi sa Sarili ko. JOKE!!!
“Cease Fire tayo mga Bes! Diplomatic talk lang kaya ko”. Biro ko sa aking sarili. Umiling iling ako at ngpakawala ng mahinang tawa.  Hindi pa ako nababaliw. Ayaw kong mas gumulo pa ang mga sitwasyon namin. Kung papatulan ko lang sya sa mga kagaguhan na ginagawa nya sa akin ay lalo lamang nya ako gugulihin at hindi patatahimikin.. Parang kumuha lang ang ako ng batong ipukpok sa aking ulo. As in MALAKING BATO! Siguro ay magpapalipat na lang ako ng Block para maiwasan sya. Tama ganun nga. Biglang nabuhayan ako ng loob!
-Sa School-
        Pagpasok ko pa lang sa gate ng School ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante na aking nakakasalubong. Tila hinuhubaran nila ako sa mga titig na yun. Ang iba naman ay nagbubulungan. Siguroy napanood na  nila ang kahihiyan na inabot ko kahapon.
“Ahhh sya pala yun? Hahahahha“ rinig kong sinabi ng isang babae

“Buti nga sa kanya! Montenegro ba naman ang kalabanin? Ang lakas lang  ng loob” gigil nitong sabi

“Di na nahiya, ayun nakita nya hinahanap nya. Ewan ko na lang kung makatagal sya dito sa campus” tilang nangagalaiti nitong sabi
        Para akong pinupunit sa mga narinig kong yun. Napagtanto kong napakalaking gulo pala ang napasukan ko.Naglakad na lang ako palayo upang hindi na marinig ang anuman sabihin nila. Dumiretso muna ako sa registrar upang mag inquire about sa paglipat ko ng section dahil maaga pa rin naman bago magsimula ang una kong klase.
-Sa registar office -

“  Goodmorning Maam,  Magpapalipat lang po sana ako ng section”, Magalang kong sabi sa Clerk. Sabay abot ng aking registration form”

 ‘Bakit naman Hijo? Eh nagsisimula na ang klase ah’, sagot nya sa akin na parang nagtataka.
‘ahhhmm….. Ehhhhhh…….. Ahh.. May problema po kasi Maam sa…
… schedule ko kaya gusto mgbago ng block,Oo tama sa schedule ko’, Pautal utal kong sambit

“ Ganun ba? Check ko muna kung may available slots pa sa ibang block. Pero kung wala na Mr. Rosales eh, You have no option but to remain on your block”
Habang chinecheck ng Registrar kung may available slots pa ay napapacross fingers ako. 

“Sana Meron pa. Sana. Sana”mahina kong bulong at kinangingiti namn ito ng registrar.  Pagkaraan ng ilang minutong pagchecheck sa kanyang computer.

“ Naku Hijo, sad to say wala na eh. Puno na lahat ng block tapos kayo na ang last section”, mahinahon na sabi nya.

‘Sigurado kayo Maam? Paki-double check namn po’, pakiusap ko sa kanya
“Wala na talaga Mr. Rosales”, paninigurado nya sa akin

‘Ahh Ganun po ba? Sige po salamat na lang po’, malungkot kong tugon sa kanya. At umalis na ng registrar window.
        Sayang! Sayang talaga! Akala ko ay magiging maayos na ang lahat.Akala ko ay maiiwasan ko na sya. Hindi pala ganun kadali. Bahala na. LIFE must go on. Pikit mata ko na lang tatanggapin ang kahihinatnan ko kung may gawin sya muli sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko sapagkat kahit man lang sarili koy hindi ko maipagtanggol. At nagtungo na nga ako papunta sa room.. Habang naglalakad ako ay biglang may mabibilis na yabag ng mga paa akong narinig patungo sa akin. Ramdam kong sa akin ito papunta. Natatakot na ako sa posibleng mangyari. Mabilis na lakad ang ginawa ko at ayaw ko nang lumingon sa likuran at baka kung anong kamalasan na naman ang abutin ko.

“Psssttttttt! Pssssttt! Pssssstttt!”
Sitsit nung taong sumusunod sa akin ngunit hindi ko ito pinapansin. Mas lalo akong kinabahan at natakot. Pinagpatuloy ko ang aking Mabilis na lakad.

“Pssstt! Edward! Edward! Psstttt!
Ngunit hindi ko pa rin sya nilingon at mas binilisan ko pa ang aking paghakbang.

Classmate! Classmate”!, Malakas nitong sigaw

 ‘At duon na ako napalingon. Si  Jacob.
Paglingon ko sa kanya ay napansin kong masaya ang awra ng kanyang mukha ngunit tila nagtataka rin ang kanyang istura dahil siguro sa aking kinilosHabang papalapit sya sa akin ay tila huminto ang oras, tila nag-isslowmotion ang lahat ng bagay, bawat kurap ng mata at ngiti ng kanyang labi ay sapat na upang mabuo ang araw ko. Bawat hakbang ng paa nya ay tila hinihila ako palapit sa kanya. Tila bumabagal ang bawat pagtakbo ng segundo at oras. Kay sarap pagmasdan ng taong nasa aking harapan. Ayaw ko na matapos ang tagpong iyun. Para akong nakalutang sa ulap. Pero kailangan kong hindi magpahalata at baka magtaka sya sa mga ikikilos ko.

“Uy Jacob! Goodmorning”, masigla Kong bati sa kanya sabay bitaw ng matamis na ngiti. Pinagtitinginan na rin kami (actually si Jacob lang talaga) ng ibang students dahil agaw pansin naman talaga ang kakisigan nitong si Jacob.

“Ang gwapo nya talaga”, pahabol na sabi ng grupo ng kababaihan sabay tumitili habang lumalakad palayo. Ngunit hindi sila pinansin ni Jacob at sa akin lang sya nakatingin. Isang nakkatunaw na ngiti ang binigay nya sa akin. Uwian na! May nanalo na! Sigaw ko sa aking isip habang pinagmamasdan ko ang blessing na bumungad sa akin.

“Goodmorning din Edward! Are you ok? Is there anything bothering you?” pag uusisa nito sa akin

‘Ahhh wala namn madami lang ako iniisip’,

‘Ohh bakit ang aga mo ata? Mamaya pa klase natin ahhh’, tila nagtataka kong tanong sabay tingin sa aking relo na suot.

 “Aahhh may pinuntahan lang ako dyan sa office, nag complete din kasi ako ng ilan kong deficiencies, sabay taas ng folder na hawak nya

“Ganun ba? Ahmm Kasama mo ba sina Stefano”? Sabi ko habang nililingon ko aking mata sa paligid ligid at tila nagmamatyag

“Hindi eh, ”.matipid nyang Sagot
“Sabay na tayong Pumunta ng classroom”, magalak na pag aanyaya nya at parang tugtog ng musiko ang dumampi sa aking tenga nung narinig ko yun. Sarap pakinggan.
Tulala ako habang pinagmamasdan sya.At hindi ko maiwasan titigan sya ng matagal..

“Uy Edward! Ayos ka lang”!? nagtataka nyang tanong sa akin.

“ Huh? Ahhmm.?Anu nga ulit yun?, paglilinaw ko sa kanya tila naguguluhan din sya sa aking inaasta.
Sabi ko sabay na tayong pumunta ng room.,

“Ahhh yun ba, OK”, casual kong sagot.
( Sure na sure na sure na sure sigaw namn ng aking isipan)
“ Pero gusto ko sana na dumaan muna tayo sa canteen,Pleaseeeeee! Pakiusap nya sa akin
 “ Ahh ganun ba? siguro ay Iintayin na lang kita sa labas ng canteen”, may pag aalinlangan kong sagot dahil ayaw ko munang bumalik sa lugar na iyun at sariwa pa ang lahat ng kaganapan.

“Uyy Ok lang ba Edward? Is there anything wrong?   pag uulit nito sa akin.
Napansin nya sigurong nag iba ang mood ko. At halatang hindi mapakali

“Ahhh wala to Jacob. Pwede bang mauna na ako sayo”? Biglang pagbabago ng isip ko

“Kasi kahapon…ahh. Ehh..Ahh. Uhh”,
Tila ngkanda pilipit pilipit na ang dila ko sa pagsasalita. At hindi lumabas sa bibig ko ang nais kong sabihin. 

“Edward,Alam ko ang nangyari Kahapon,”Malungkot at mahina nyang tugon sa akin.

“Alin”?, pagmamaang maangan ko sa kanya.

“Wag ka na magkunwari alam ko na lahat lahat,” tila naaawa nyang sabi sa akin.

“Edward, Pasensya ka na talaga sa best friend ko. Hindi nya dapat ginawa sayo yun. You dont deserve to be treated like that,Sobra akong naawa sayo that time nung pinanood ko ang video. . Kasi ni isang tao ay wala man lang tumulong sayo”, dagdag pa nya

 “Ahhh yun ba? Naku wala na sa akin yun. Nangyari na ang nangyari.
Medyo nakakahiya nga lang kasi nakita ng lahat. Pero hindi na mahalaga yun, hindi naman nila ako kilala eh. Kung magtatanim lang ako ng galit sa kanya ay baka lalo lang nya ako pag initan. Kung duon sya masaya, mang Trip ng mga taong walang laban eh bahala na sya dun. Konsensya na lang nya.”, pagpapaliwanag ko sa kanya“Pero hindi ko masisisi si Stefano. Siguro mali ako kahapon nung  sinigawan ko sya.Kaya nagalit sya ng husto. Siguro may pinagdadaanan syang mabigat kaya ganun na lang ang naging asta nya . Ako rin ang may kasalanan siguro”, pagpapatuloy ko habang nakikinig sya ng seryoso.

“ Edward bakit ganyan ka”? Taka nyang tanong sa akin at maging ako ay naguluhan.

“Huh? Anung bakit ganyan ka”?
(Pag uulit ko sa tanong nya)

“ Bakit napakabuti mong tao, bakit hindi ka marunong magtanim ng galit sa kapwa?  Despite ng ginawa nya sayo eh iniintindi mo pa rin ang kalagayan ng bestfriend ko”, at hindi ako makapaniwala na sa kanyang labi nagmumula ang mga salitang iyun.

,”Kung sa akin nangyari yan baka hindi na ako pumasok sa school o kaya ginantihan ko na lamang ang gumawa nun sa akin. Pero iba ka. Pinapahanga mo ako”, malambing nyang sabi at tila nakuryente ako sa sunod nyang ginawa. Sabay akbay at marahan nyang pinisil ang balikat ko(Nagulat ako sa ginawa at sinabi nya) Bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa akin. Kung pwede ko lang ibigay sa meralco ang lahat ng yun.
Hahaha Parang may tambol na. Magkakasunod na dumadagundong
“Dug. Dug. Dug. Dug. Dugggduggg” Pauulit ulit kong naririnig mula sa aking puso. At pilit kong ibinalik ang aking sarili at pinutol ang sandaling katahimikan.

“Naku hindi ako mabuting tao. Ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay mas makakabuti sa akin. Hehehe pero (ramdam kong namumula na aking mukha that time. Dahil hindi ko maitago ang kilig na aking naramdaman), pagsalungat ko sa kanyang sinabi.

-At nakarating na nga kami sa canteen-.
Humanap na kami agad ng mauupuan

”Edward, Anung gusto mo kainin? My
treat”! Masaya nyang pagaalok sa akin

“Naku wag na Jacob! Busog pa ako”Nahihiya kong tugon sa kanya bukod dun eh Busog pa namn talaga ako dahil hindi ako pwedeng umalis ng bahay na hindi kumakain. Sumimangot sya bigla sa sinabi kong yun.

Mahahalintulad sa isang batang iniwan ng kanyang kalaro ang naging reaksyon ng kanyang mukha. Pero sobrang cute nyang tingnan. Hindi nakakaasar.

“ Please wag ka na mahiya Edward, Magtatampo ako sayo nyan?
Pangbawi ko na rin sayo kasi naabala kita” pagpupumilit pa rin nya

“Mukhang hindi ata ako makkatanggi ahh” sa isip isip ko na lamang

“ Ahhh sige na nga. Ikaw na bahalang bumili. Wala din kasi ako maisip eh”, ani ko kay Jacob na tila nangungusap ang mga mata. Napalitan ng ngiti ang kaninang malungkot nyang mukha dahil sa sinabi kong yun.

“Yey! ako na ang bahala at maupo la lang dyan”, hindi pa rin ako makapaniwala sa inaasta ng makisig na lalaki na kasama ko. It's too good to be true. Matamis na smile lang ang ginanti ko sa kanya. Pagbalik nya ay nakita kong madami syang binili na pagkain. Tantya ko ay pwedeng limang tao ang maghati hati dun. Excited syang lumapit sa akin at inilagay sa lamesa ang tray.

“Taraaaannnnn! Kain na tayo”!Masaya nyang sambit sa akin at inihain ang kanyang mga binili.

“Next time ako naman ang taya”! Pero dun lang sa mura kasi alam mo na? Hahahaha, masaya kong alok sa kanya

“Sure! Basta galing sayo ay ok na ok. Aasahan ko yan Edward ha. Kahit anu pa yan”, pagsangayon nya sa akin at tila mukhang excited ang mokong. Hahaha yun nga, marami kaming napag usapan ni Jacob about sa buhay ng bawat isa. Nalaman kong nasa America ang kanyang Mommy, Daddy at ang dalwa nyang kapatid at mag isa lang sya sa kanilang mansyon. Tanging mga maids at house boy lang ang kasama nya sa bahay. Marangya man ang buhay nya hindi katulad ng kanyang bestfriend eh lumaki syang mabait at maganda ang pag uugali. May family business sila sa America kaya kung minsan ay duon sya nagbabakasyon kung walang pasok. Nagbigay din ako ng ilang impormasyon tungkol sa akin. Wala namn kasi akong maiikwentong kakaiba o interesting sa buhay ko. Simple lang akong tao mula sa simpleng pamilya. Tanging mga magulang ko lang ang yaman na meron ako. Sila lang.

“Alam mo Edward ang swerte swerte mo”, mahina nyang bulong sa akin at tila may lungkot sa tono nyang iyun.

“Huh? Ako swerte? Baliw ka ba? Eh kung tutuusin eh maraming may gusto ng buhay na meron ka, na meron Kayo, IDEAL LIFE ko na yun maiituring”Nagtataka kong sagot sa kanya

“Not that way Edward, You know what? Despite of all the things you've encountered and still encountering , You stay optimistic and I envy you for that, besides that yung family mo, napaka supportive nila sayo at alam kong mahal na mahal ka nila, wika nya sabay hawak sa braso ko, ramdam na ramdam ko ang sincerity mula sa kanya habang binibitawan nya mga salitang yun. Halos kuhanin nya naman lahat ng lakas ko dahil sa pagdampi ng palad nya sa braso.
Patuloy lang akong nakikinig sa anghel na ngsasalita sa harapan ko. Tila isang lullaby na nagpapatulog ng sanggol ang aking naririnig. Musika at kaysarap pakinggan.

“Ahhh ganun ba, siguro Im just enjoying the things that we have instead of wanting the things we don't have. Ako at ang family ko ay kuntento MUNA sa buhay na meron kami pero Syempre we're still aiming na makaahon sa kahirapan. ”paliwanag ko sa kanya habang sabay kagat sa sandwich na binigay nya.         Pinagmamasdan lang nya akong kumakain. At nahihiya ako sa tagpong yun. Awkward kaya na may nakatingin sayo habang kumakain tapos ganito pa kagwapo. Napansin kong kumuha sya ng tissue at binigay nya ito sa akin. At Tinuro nya na may kaunti akong mayonnaise sa labi dahil sa sandwich na kinakain ko, pinilit ko itong pinunasan agad ngunit hindi ko alam kung saang banda. Natatawa syang tumingin sa akin dahil kahit anong gawin kong punas ng tissue ay hindi nito naalis ang mayonnaise sa aking labi. Sobra na akong nahihiya sa tagpong iyun dahil para akong batang madungis hahhaha

“Ako na nga Edward “, sabay kuha ng tissue at pinahid sa bandang may madumi.Tumigil na namn aking mundo, slow motion na naman ang  lahat ng bagay sa paligid. Pakiramdam ko ay ang haba haba haba habaaaaaaaaa ng buhok ko.  Ramdam kong namula na ako that time. Sobrang kilig na ang dulot nun sa akin. Tinalo nito ang ihi at maasim na mangga sa pagpapakilig sa akin. Halos mahimatay na ako sa saya na aking nararamdaman..

“Uyyy Edward! Ayos ka lang”? pagalala nyang tanong.

“Ah. Oo. Ayos na ayos” sabay kuha ng tissue sa kamay nya at ako na ngpunas sa dumi. para hindi maging awkward ang pakiramdam namin sa oras na yun.

“TAYO na sa Room dahil malapit na rin magtime oh”, pag aanyaya ko sa kanya.

“Room lang, Wala pang TAYO,” seryoso nyang sabi sa akin at ilang segundo lang ay nagpakawala sya  ng malakas na tawa. Hahahahhahaha. Joke!   kaysarap nyang pagmasdan habang tumatawa.

“Grabe ka Jacob! Ayos mga banat mo ahhh! Hahhaha”, At ako naman ay napatawa na rin dahil sa sinabi nya.
Pero sa ngayon ay pumunta muna tayo sa room at malapit na magumpisa ang klase,natatawa kong sabi sa kanya.
At Tumayo na kami at inayos na ang aming gamit.Nagtaka ako sa sunod nyang ginawa…Inabot nya ang kanyang kamay para bang gustong makipag shake hands.

“Friends”? , nangingiti nyang sabi
FRIENDS!! sabay pakawala ko ng abot tengang ngiti. (BOYFRIEND pwede rin hahahhaha)

Yes Officially Friends! Sigaw nya at akoy medyo nahiya dahil pinagtitinginan na kami sa canteen.

“SSSSSsssshhhh”.. pagpipigil ko sa kanya.

At nakarating na nga kami ng room at pagbukas ko ng pinto ay halos andun na lahat ng kaklase namin. At lahat ng tingin nila ay sa amin nakatutok. Tila gulat at manghang mangha sila kung bakit kasama ko si Jacob. Lumakas ang kabog sa dibdib ko. At isa na namang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ng ganito. Si Stefano. Matatalim ang tingin nyang yun. Kung nakakahiwa lamang ito dahil sa kataliman marahil ay nasugatan na ako haha.

“Ohhh! Wow! bakit mo kasama BestFriend ko”? Bulyaw nya sa akin.

“Ako ang sumama sa kanya Stef saka pwede ba wag muna ngayon masyado pang maaga”, pagtatanggol sa akin ni Jacob.

Ohhhh. I see! Pre nakahanap ka na pala ng bagong Bestfriend at hindi man lang ako nainformed? Sarkastiko nitong pagkakasabi sabay kunot ng kanyang noo.

“Pwede ba Stefano, stop acting like a kid! Ayaw ko nang palakihin to”, medyo may kalakasang sabi ni Jacob.

“Bwisit talagang Edward yan! Panira ng umaga”, sabay lingon sa akin ni Stefano.         Pero hindi ko na yun pinansin at lutang ang aking isipan sa mga oras na yun. Patong patong na ang aking problema at hindi ko na alam ano ang uunahin. Isang malalim na buntong hininga na lang ang aking pinakawalan. Hayyyyy buhay…
         Nagdaan ang araw, at linggo Sobrang pasalamat ko dahil wala nang nangyari masama sa akin. Naging normal na ang takbo ng buhay ko bilang estudyante. Nagkaroon na rin ako ng kapanatagan ng kalooban.
At mas naging Close kami ni Jacob, lagi nya akong sinasamahan kumain or gumawa ng school projects.Madalas nagpapatulong sya sa mga topics na hindi nya masyadong maunawaan. Dahil mahilig akong mag aral ay ako lagi ang nilalapitan nya. Alam kong mas ikinagagalit ito ni Stefano. Ayaw nyang nakikitang magkasama kami ng bestfriend nya. Akala ko ay Maalis na ang takot at kaba sa aking puso. Pero ngkamali ako ng akala. MALING MALI.

        Biyernes, Alas 3 ng hapon ng natapos ang huling klase namin. Naghanda nang magsiuwian ang lahat ng aking classmates. Excited lahat dahil Sabado bukas at walang pasok.Balak ko sanang dumaan muna ng library upang humiram ng ilang books para sa aming mga homeworks . Nais ko din dumaan  sa isang bakeshop katabi ng school dahil gusto kong bumili kahit simpleng cake man lang dahil ngayong araw ang BIRTHDAY ko(Oo walang nakakaalam sa kaklase ko na kaarawan ko ngayon. Ayaw ko na rin ipaalam sa kanila dahil mukhang wala din silang pakialam).May konte pa naman akong pera naipon mula sa aking allowance para pambili nun. Nang biglang may nagsalitang lalaki sa aking harapan.

“ Coffee’?, excited na paanyaya ni Jacob sa akin, hindi agad ako nakasagot sa alok nya.

Huh? Coffee? Tayong dalawa lang?Bakit? Para saan? Kelan?
Sunod sunod kong tanong kay Jacob dahil ngtataka ako kung bakit nya ako inaaya.

Ohhh. Relax ka lang? Isa isa lang ang tanong, mahina ang kalaban hahahaha natatawa nyang sagot

“Yes, tayong dalawa lang, Bakit?
Kasi“wala lang”.Medyo busy kasi tayo these past few days eh. Besides that I want to have some sip of coffee before this week ends. Game?

Marami kasi ako gagawin eh, tapos may bibilhin pa ako, katwiran ko sa kanya.

“Ahhhmm Saka paano si Stefano?”, sabay tingin ko kay Stefano na seryoso ang mukha at tila hinihintay si Jacob matapos makipag usap sa akin.

“Jacob! Matagal pa ba yan? Bakit mo ba kinakausap yan!? Gusto ko nang umuwi!” Maktol nitong sigaw kay Jacob habang bitbit na nya ang kanyang bag at  animoy inip na inip na sa paghihintay.
“Ako na bahala dyan kay Stef. Anu na Edward? I need your answer now”, tila nagmamadali nitong tanong sa akin.
Sige na nga, pero hindi ba nakkahiya
 sayo tugon ko kay Jacob

“Ssssshhhhh. No! Of course not!  Bukal sa kalooban ko lahat ng ginagawa ko, and kaibigan kita kaya wala ka dapat alalahanin’, at kinilig na namn ako sa mga sinabi nyang yun ang sarap sarap pakinggan. At ilang sandali pa ay humarap sya kay Stefano.

“Stef, ahh pupunta sana kami ni Edward sa Coffee Shop parang gusto ko munang mgrelax. Wanna join us?”, mahinahon nyang sabi.

“Wait, What? Pinaghintay mo ako dito para lang sabihin na gusto mo mgrelax kasama ang UGOK na yan sa Coffee shop?Iba ka rin no”? sarkastikong inis nyang sabi sabay tingin sa akin ng masama.

“Akala ko ba magalalaro tayo ngayon ng BASKETBALL?? sumbat nya kay Jacob

“Naku Sorry Bestfriend,nakalimutan ko. Pwede bang next time na lang’,sabay tingin ko  kay Jacob na tila gulat na gulat sa kanyang mga sinabi.

“NO! Ano ako option? I don't have idea na LOW CLASS type of people na pala ang gusto mong mga kaibigan. Saka ayaw kong kasama yang mokong na yan”tila wala ako dun kung alipustahin ako ni Stefano. Ang sakit sakit lang ng mga naririnig ko. Nanliliit ako sa mga sunod sunod na sinabi nya. Pinili ko na lang manahimik.

“Tama na Stefano, umaatake na naman pagiging isip bata mo! Kung ayaw mo sumama then e di ayaw. Tapos! , You dont need to humiliate others just to protect your ego” sabay tingin sa akin ni Jacob.
BAHALA KA DIYAN! sabay talikod ni stefano at naglakad palayo
BLAGGGGGGGGGG!
        Isang malakas na bagsak ng pintuan ang umalingawngaw sa loob na apat na sulok ng kwarto. Kapwa tahimik kami ni Jacob, walang imikan at tila nagpapakiramdaman.

“Siguro wag na natin ituloy Jacob, nawalan na ako ng gana. Marami pa naman pagkakataon na darating but not today”, malungkot kong paliwanag sa kanya.

“Again,Ako na ang nagsosorry Edward sa sinabi ni Stef. Hindi na sya talaga natuto.Alam ko nawala na ang mood mo. DAMN! Kasalanan ko na naman kung bakit nasira ang hapon mo”, inis nitong paliwanag sa akin.

“Naku wala ka dapat ihingi ng sorry Jacob wala kang ginagawang masama sa akin. Suyuin mo na bestfriend mo at baka maabutan pa si Stef sa labas at sana eh mag usap kayo ng maayos para magbati na rin kayo, mahirap patagalin ang tampuhan ng mag bestfriend , pahabol kong sabi habang isinasakbit ang aking backpack sa likuran.

“Thank You Edward, napakabait mo talaga. . Sana ganyan din si  Stef.. Promise babawi ako sayo ASAP”! sabay bigay sa akin ng matamis na matamis na ngiti. (kung Nakka diabetes lang ang tamis ng ngiti nya malamang matagal na akong diabetic hahhaha)

“Oo na, kahit hindi mo namn kailangan bumawi. Mag iingat ka sa pag uwi. Enjoy your weekends at sana eh maayos nyo na yang tampuhan nyo”, pamamaalam ko sa kanya at naiwan na nga akong mag isa sa loob ng classroom.Nang natapos akong mag review at nahiram ko na ang kailangan kong mga libro ay nagpasya na rin akong umuwi. Hindi ko napansin na medyo takip silim na pala(6:00pm) Pagkalabas ko ng gate ay may nakita akong dalawang matangkad na lalaki. Napansin kong nakatingin silang parehas sa akin. Tingin ko ay students rin sila sa pinapasukan ko. Hindi ko na yun pinansin dahil hindi ko rin naman sila kakilala. Dumaan muna nga ako sa bakeshop upang bumili ng simpleng cake.  Pagkaabot ko ng bayad ay agad kong Kinuha ang binili ko at lumabas na ng shop. Pagkatapos nun ay napagpasyahan kong maglakad na lang papuntang terminal ng jeep pauwi sa amin dahil walking distance lamang ito mula sa school. Wala na rin masyadong tao that time. Habang naglalakad ay may napansin akong taong sumusunod sa akin. Binilisan ko pa ang lakad dahil masama na ang kutob ko sa mga mangyayari. Halos lakad takbo na ang ginawa ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Nakita kong halos tumatakbo na rin yung Dalawang lalaki na sumusunod sa akin. Nang biglang lumabas sa madilim na parte ng pathway si Stefano! Napatigil ako, pero patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib ko. Mas lumakas.

“SAAN KA PUPUNTA”!? medyo malakas nyang sabi at may pagbabanta sa tono ng kanyang pagsasalita.

“Stef? Ano to? Uuwina ako! Anu gagawin nyo sa akin?” Tila naiiyak kong tanong sa kanya. Tatakbo sana ako palayo sa kanya ng bigla akong hinawakan nung Dalawang lalaki na sumusunod sa akin. At kasamahan pala sya ni Stefano. Hinawakan nila ako sa balikat at sa aking braso. Sobrang higpit at lakas ng kanilang pagkakahawak. Masakit.

‘Oopppsss. Relax ka lang. Tuturuan ka lang namin ng leksyon”, sabi nung isang lalaki.

Paglingon ko kay Stef ay isang malakas na suntok ang binungad nya sa aking sikmura. Kung hindi ako hawak ng dalawang tukmol ay malamang natirapa na ako sa lupa. Nabitawan ko rin ang hawak kong cake na nakalagay sa kahon. At natapon ang laman nito.
Halos umikot ang paligid ko nung oras na yun. Malakas ang kanyang suntok at sumuka ako ng aking laway. Nakakapanghina. Napakasakit. Umikot ang aking paningin. Nang biglang may humawak ng buhok ko pataas lna parang sinasabunutan.

“Sorry Edward, wala ngayon ang Knight and shining armor mo”! hahaha Sabay pakawala ng mahinang tawa. Kasunod nun ay isang malakas na tadyak pa ang aking naramdaman sa aking dibdib. At isang suntok sa mukha. At ilan pang hindi mabilang na sipa at suntok ang aking tinanggap. Wala akong kalaban laban nung oras na yun. Sipa duon, suntok dito.

Tama...n-nnaa SS-tefano? Hagulhol kong pakiusap sa kanya.

Layuan mo ang Bestfriend ko! Layuan mo sya! LAYUAN MO KAMI! ANU BA GUSTO MO? PERA? CELLPHONE? GUSTO MONG MAGING SIKAT KAYA PINAGSISIKSIKAN MO ANG SARILI MO SA AMIN?? galit na galit na sabi ni Stef sa akin sabay suntok na naman sa mukha ko.
 Bakla ka siguro! Bakla! sabay ngiti na parang demonyo at dinuraan ako sa mukha. Tila hindi na tao ang kaharap ko, isang demonyong nagtatago sa katauhan ng anghel na mukha. Kahit hinang hina na ako that time ay pinilit ko pa ring tumayo at humarap sa kanya at tinitigan sya sa mata. Hindi ko namamalayan na umaagos na parin ang aking luha kasama ng dugo at ng aking pawis. Luha ng sakit, inis, galit at awa sa aking sarili

“ Una hindi ako intt.. terasado.. sa yaman..na meron kayo… dahil pina.. laki.. akong...kuntento na kung ano lang meron kami .. Walang… kahit.. Anong…. Bagay akong.. Hiningi o hiniling .. Sayo Stefano at sa inyo  paputol putol kong paliwanag sa kanya dahil nanghihina pa rin ako sa bugbog na inabot ko.
 Pangalawa, Hindi..ako ang lumapit kay Jacob.. . para.. Makipag kaibigan sa kanya.. .. hagulhol kong sabi. Kung gusto mong layuan ko ang NAG-IISANG TAONG nakipagkaibigan at kumakausap sa akin, Sige pagbibigyan kita! garalgal kong pagpapatuloy.Pangatlo, Hindi ko..naman.. Intensyon na iparamdam sayo.. na… inaagaw ko. sayo ang bestfriend.. mo..,sa lahat kasi ng tao sa campus natin eh… sya lang kasi yung nakikinig at nakakaunawa sa akin… sya lang ang nagkalakas loob na lapitan ako. Ni isang tao Stef , walang gustong lumapit at kumausap sa  akinDahil yun sa pagbabanta mo, hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko bawat araw.Para akong may ketong na laging nilalayuan at pinagtatawanan. Na ang bawat sandali ko sa school ay binubuo ng kahihiyan, kaba at takot dahil hindi ko alam kung may mangyayari ba sa aking masama at anytime pwede mo akong pagtripan., paputol putol kong sabi sa kanya habang patuloy pa rin ako umiiyak.Iyak ng bata parang inagawan ng laruan. Ramdam ko pa rin ang pagdaloy ng malagkit at mainit na dugo sa aking ilong. Tila natigilan si Stefano halatang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko
“Kung marami pa akong sakit na naidulot sayo. Eh Sige bugbugin mo pa ako! Suntukin mo pa ako! Sipain mo pa ako! Kung ito lang ang paraan upang tigilan mo na ang panggugulo mo sa buhay ko! Malaya kang saktan ako”, basag na ang aking boses habang sinasambit ang mga katagang yun.

ANO STEF!? Sapat na bang rason yang mga sinasabi mo? Para gawin mo sa akin ang bagay na ito! NAPAKABABAW MO! Napaka SELFISH MO! Lahat na na sayo! Ako? Isang kaibigan lang meron ako pinagdadamot at inilalayo mo pa! AYOS KA RIN NO? Dahil alam mong wala akong kalaban laban ay madali lang sayo pagtripan ako! Kung ikinasasaya mo ang pagpapahiya at pananakit sa akin, malugod ako at kahit paano ay nakatulong akong pasayahin ka. Kahit kapalit nun ay ilang gabing walang tulog, puro luha at trauma ang aking nararanasan, Hindi ko alam na aabot sa ganitong punto ang tindi ng galit mo sa akin!Masaya ka na ba? Ano sumagot ka! Masaya ka na ba? Fulfilling ba sa pakiramdam? Sumbat ko sa kanya.

Sorry rin kasi hindi ako pinanganak na kasing Yaman nyo! Oo ako na yung Cheap, Low Class, hampas lupa, pobre anu mang gusto mong itawag sa akin! Ako na yung hindi dapat kinakaibigan ng mga katulad nyo! Kasalanan ko bang maging mahirap? Kung hindi mo ako kayang ituring na kaklase o kaibigan, kahit ITURING MO MAN LANG SANA AKONG TAO, inilabas ko na lahat ng hinanakit ko sa kanya. Patuloy pa rin sa pag agos ang maalat na tubig sa mata ko. Hindi makatingin ng diretso sa mata ko  si Stefano. Tila natauhan at nakonsensya dahil sa mga hinanakit na aking nailabas. Alam kong nakaramdam rin sya ng awa dahil sa mga nakita nyang sugat at dugong matatagpuan sa ibat ibang parte ng katawan ko.

“TAMA NA YAN! Tapos na ang trabaho nyo, bitawan nyo na sya at maari na kayong umalis,mabilis nyang utos . Sabay takbo nung dalawang lalaki papalayo. Naiwan kaming dalawa ni Stefano dun. Nakatungo lang sya at hindi makatingin sa akin.  Kahit nanghihina at nahihilo akoy pilit kong pinulut yung cake na binili ko para sa aking sarili . Kahit madumi na at may konting sira ito ay mababasa pa rin yung dedication na nakalagay na “HAPPY 20th BIRTHDAY EDWARD”. Alam kong nabasa rin yun ni Stefano at alam kong nagulat sya. Nagsimula na naman dumaloy ang aking luha. Hindi ko mapigilan mapahikbi at mapahagulhol. Sobra na akong naaawa sa sarili ko. Ang ganda ng birthday gift sa akin sa isip isip ko. Nakatingin lang ako sa Cake habang umiiyak. Napansin kong nababasa na ito ng luha at dugo mula sa akin. Andun pa rin si Si Stefano, hindi gumagalaw, gulat at malungkot ang reaksyon. Tila malalim ang iniisip.
        Sinubukan kong Tumayo kahit mahirap. Kahit pagewang gewang ang bawat hakbang ko ay pinilit ko pa rin maglakad para umuwi. Nakailang hakbang pa lang ako ay meron  tumigil na pulang kotse sa aking harapan. Mabilis na bumaba ang driver nito, hindi ko masyadong maaninag kung sino ito dahil sa akoy medyo nahihilo at may luha rin sa aking mata. At ramdam kong patakbo itong lumapit sa akin.
“MY GOD! EDWARD! ANU NANGYARI SAYO!?SINO GUMAWA NITO SAYO ” ? nalaman kong si Jacob pala ang sakay ng kotse na yun at kita kong sobrang pagalala sa kanyang mukha.
Wala akong binitiwang salita. Wala na akong lakas para mgpaliwanag pa.
Lumingon lang ako kung saan nakatayo pa rin si Stefano. Susugudin na sana sya ni Jacob ngunit pinigilan ko sya at hinawakan sa kanyang braso.
“Jacob Ok lang ako, wag mo na ako intindihin. Ayaw kong mag away kayo ng bestfriend mo. Sabi ko naman sayo ayaw kong nakikipag away ka dahil lang sa akin,” Naghihina Ngunit mahinahon kong sabi sa kanya habang  umiiyak pa rin . (ang martir at tanga ko no? Nakakainis!)
Anu ka ba Edward!? Kapakanan pa rin ng iba ang iniisip mo! Hindi na tama to! Sigaw sa akin ni Jacob. Pero sa ngayon ay dadalhin muna kita sa Hospital para magamot yang mga sugat mo.
“Wag na Jacob , Ok na ok lang ako. Kailangan… ko… na rin umuwi baka hinahanap na ako sa amin ,S-Sayang… din… tong… cake na nabili ko kahit sira at madumi na. Pwede pa siguro to. Nakalimutan kong sabihin sayo na Birthday ko pala ngayon, ang ganda ng birthday gift sakin ng bestfriend mo! Naluluha kong paliwanag sa kanya Sabay senyas nang “Ok lang“ talaga at binigyan sya ng pekeng ngiti.
“LOOK WHAT YOU'VE DONE STEF! Kainin ka sana ng konsensya mo Brad! Hindi ka na naawa sa kanya! Hindi na kita Kilala! Hindi na ikaw yung Stefano na bestfriend ko”! Gigil na sabi ni Jacob at nakita kong may namumuong luha na rin sa mata nito.
Hinawakan nya ako sa mukha at pinagmasdan ang aking mga sugat at pasa. Nakita ko na tumutulo na rin ang luha sa kanyang mata. Ang hirap pagmasdan na nasasaktan ang nag iisang taong umiintindi at nagpapahalaga sayo. Hindi ko kayang makita syang lumuluha. Ang sakit sa dibdib. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mukha at pilit syang pinapakalma.
“Sssshhhhh. Ayos lang ako Jacob. Wag ka na mag alala. Please . Wag ka na umiyak. Pa birthday mo na sa akin to” pagpapatahan ko sa kanya habang pinagmamasdan pa rin ang anghel na umiiyak sa harapan ko.     Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Kahit masakit dahil sa mga pasa at sugat ay napalitan ito ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na parang ligtas ako sa mga bisig nya. Pakiramdam na panatag ang kalooban ko.  Pakiramdam na ayaw ko na matapos ang oras na yun.. Yakap ng isang anghel. Walang katumbas na saya. Hindi pa rin sya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin ng..
“HAPPY BIRTHDAY EDWARD”, sabay mahinang Bulong sa akin at mas hinigpitan rin nya ang kanyang yakap.
Pero Ilang saglit pa bago ako makapagsalita ay hindi ko na talaga kinaya. Tuluyan na akong natumba at nawalan ng malay.  Ramdam kong may mga brasong sumalo sa akin. At Napansin kong may tao nang kumakarga sa akin papasok ng sasakyan. At tila nagdilim na ang lahat at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

ITUTULOY…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Taste of A Sailor (Part 2)
Taste of A Sailor (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhjbwpMrjRWGeDjN0u_YTt8ljOBUFWpTiIs6sAOMpWOfDR4pIZ3VZbAqEKQH6jK4GY_kM7K591PbC6J1ZmT23DYYWoEWvv_KVFAKzHB7fAlYm8-AweW7DHFRYEP1RM42QIGJr9oBP73YNdD/s400/17662643_1294355983991680_7581714903577133056_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhjbwpMrjRWGeDjN0u_YTt8ljOBUFWpTiIs6sAOMpWOfDR4pIZ3VZbAqEKQH6jK4GY_kM7K591PbC6J1ZmT23DYYWoEWvv_KVFAKzHB7fAlYm8-AweW7DHFRYEP1RM42QIGJr9oBP73YNdD/s72-c/17662643_1294355983991680_7581714903577133056_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/taste-of-sailor-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/taste-of-sailor-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content