By: JB He's still driving at maya-maya kinausap niya ulit ako. Rex: Never ka pa talaga nagkabf? Ako: Hindi pa e. Rex: Why? Ak...
By: JB
He's still driving at maya-maya kinausap niya ulit ako.
Rex: Never ka pa talaga nagkabf?
Ako: Hindi pa e.
Rex: Why?
Ako: E kasi di naman ako out.
Rex: E bakit may PR ka?
Napaisip ako sandali sa tanong niya...
Ako: Curious lang kasi ako, gusto ko makipag-usap sa mga bi or gay.
Rex: Wala ka pang nameet kahit isa?
Ako: May mga nagyayaya pero di ko sila minimeet?
Rex: Kung ganon, ako yung una mong nameet?
Ako: Ganon na nga. haha
Rex: Gusto mo ba ako?
Medyo napangiti ako sa tanong niya, nakikita ko rin siyang ngumingiti at tumitingin sa'kin. Nararamdaman ko na masaya siya na nakita niya ako, hindi na ako gaanong nabahala kung magugustuhan niya ba ako o hindi.
Ako: Ahmmmm... Di ko pa masasabi e pero sa tingin ko, nice ka naman.
Rex: Gets kita, gusto mo pa ako makilala.
Ako: Oo
Natahimik kami at siya naman, nagfocus sa pagdadrive niya kasi medyo naging magulo yung trapiko, naririnig ko pa nga siya na nagrereklamo na, nakikita ko na, may masungit siyang side. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya naisipan kong magtanong sa kanya...
Ako: Saan pala tayo pupunta?
Rex: Saan mo ba gusto?
Sabay tiningnan ako ng matalas, tagos yung tingin niya, kinilabutan ako sa tingin niya. Tinawanan ko lang siya sa tanong niya at tinawanan niya lang din ako.
Ako: Kahit saan.
Rex: Saang hotel mo ba gusto?
Nagulat at kinabahan ako sa tanong ni Rex. Ano nga bang ginagawa kapag pumupunta at nagchecheck in sa hotel? Isa lang naman ang maiisip mo agad.
Pagkatapos niyang bitawan ang tanong na yon, napakunot noo ako at sumagot.
Ako: Huh!!
Tiningnan ako ni Rex na may halong pang-aasar.
Rex: Saan nga? ha?
Ako: Halaa..
Rex: Hahahaa hindi joke lang! sa KFC tayo, dun sa Roxas Boulevard. Kakain.
Ako: Ah… (Sabay lingon sa bintana ng sasakyan)
Rex: Natakot ka yata sa tanong ko.
Ako: Medyo. hahaa
Rex: Wag ka mag-alala, harmless ako.
Hindi ako tumingin sa kanya at tumawa na lang sa sinabi niya. Sana nga hindi siya nananakit. hahaa
---
We're along Roxas Boulevard na..
Rex: Malapit na tayo. Hanap lang ako kung saan pwede magpark.
Ako: Sige lang.
Rex: Gutom ka na ba?
Ako: Hindi naman gaano.
Gutom talaga ako ng mga oras na yon, nahihiya lang talaga ako na ipaalam kay Rex.
Rex: Treat ko na, magdedate tayo.
Napatingin ako sa kanya at tumawa, deep inside, kinikilig talaga ako pero gusto kong ipakita na di ako gaanong naaapektuhan sa mga sinasabi niya. Yung normal lang na reaksyon kung baga. At buti naman treat niya kasi magkano lang ang dala kong pera.
---
Kakapark lang ng kotse ni Rex sa isang parking lot, walking distance lang sa kakainan namin. Hinihintay ko lang ang hudyat nya kung bababa na kami ng kotse nya pero napatigil lang sya at nanatiling nakaupo.
Ako: Di pa tayo bababa?
Sumandal ng bahagya si Rex at tumingin sa'kin.
Rex: Mga 5 minutes, relax muna tayo.
Ako: Ah..sige
Hindi ko maintindihan kung bakit gusto nya muna magrelax sa loob ng sasakyan, wala akong ma-open na topic sa kanya, tahimik lang kami. Naglabas sya ng cellphone nya at tila may tinetext, at that time, nagkaroon ako ng chance na matitigan at pagmasdan sya. Ang cute niya, parang gusto kong hawakan yung mukha nya lalong-lalo na ang balbas nya at facial hair nya, bukod don, parang nakita ko na rin yung seryosong side nya sa pananahimik nya. Mas bagay sa kanya maging seryoso.
---
Mga ilang minuto lang ang nakakalipas, nasa loob pa kami ng kotse, napansin ko si Rex na hinahaplos ang mga braso niya..
Rex: Nilalamig ako ah.
Napatingin ako sa kanya at medyo napaisip sa sasagutin ko..
Ako: Ahh… Oo nga medyo malamig.
Rex: Kailangan ko yata ng yakap.
-
Nakatingin sya at nakangiti nang sinabi nya yon. Ako naman napatawa sa sinabi niya, alam ko na non na gusto niyang yakapin ko siya.
Rex: Haaay! Yakapin mo nga ako please.
Nakatingin ako sa kanya, seryoso ang mukha niya at hinihintay niya na aksyunan ko siya ng yakap. Wala na akong nagawa, since gusto ko naman din talaga, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Ang mga braso ko, pinadaan ko sa balikat nya at sya naman nakayakap sa katawan ko. Ang higpit higpit ng yakap niya sa'kin, ramdam ko ang mga kamay niya sa likod ko, yung facial hair nya sa may pisngi niya, ramdam ko sa leeg ko. Habang magkayakap kami, nararamdaman at naririnig ko rin ang paghinga niya, at naaamoy ko siya. Ang bango niya, lalaking-lalaki ang dating ng amoy niya. Iba ang pakiramdam ko habang magkayakap kami, masarap sa feeling, may kayakap ka na cute guy at parang kinocomfort niyo ang isa't-isa. Gusto ko pa talaga magtagal ang pagyayakapan namin, masyado akong nasiyahan. Inabot siguro ng labin-dalawang segundo bago kami bumitaw. Una naming pagkikita ngunit ganon na kami kaintimate.
---
Hinawakan ni Rex ang kamay ko at pabulong na nagsalita..
Rex: Tara na kain tayo.
Ako: Ok.
---
Paglabas namin ng sasakyan, nagdalawang isip pa kami kung sa KFC o McDo kami kakain hanggang sa mapagdesisyunan namin na sa McDo na lang dahil may namimiss daw na kainin si Rex sa fast food chain na yon. Habang kumakain kami, kinwento niya sa'kin ang tungkol sa kanya, tungkol sa pamilya niya, sa mga problema niya at kung ano-ano pa. Nalaman ko na rin na isa siyang certified accountant, out na sya sa sa pamilya niya ngunit separated na ang kanyang mga magulang at kasama niyang nakatira sa bahay ang bunso niyang kapatid at ang mama niya. Nagpakilala na rin ako kay Rex at nagshare ng mga problema ko at kung ano na lang maisip ko na pwede kong ikwento sa kanya.
---
Tapos na kami kumain, nagcr muna sandali, nanalamin at naglakad na patungo sa parking lot. Tahimik kami naglalakad, medyo nauuna siya sakin, mas mabilis siya maglakad. Natatanaw na namin ang kotse non nang biglang tumigil siya sa paglalakad at tumabi sa'kin maglakad. Napansin ko na dinidikitan niya ako at naramdaman ko na lang ang kamay nya na ipinipilit ding idikit sa kamay ko. Binulungan niya ako..
Rex: Ok lang ba na magholding hands tayo?
COMMENTS