$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 3)

By: JB Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang kinilig na kinilabutan ako sa tinanong niya. Hindi na ako sumagot, nginitian ko na lang siy...

The Guy From PR

By: JB

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang kinilig na kinilabutan ako sa tinanong niya. Hindi na ako sumagot, nginitian ko na lang siya at doon ko na naramdaman ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko at ang pagtiklop ng mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko na siya ring ginawa ko. Naglalakad kami at tinutungo ang parking lot na magkaholding hands. Bumilis ang tibok ng puso ko, diretso lang ang tingin ko pero alam ko na nakatingin si Rex sa'kin.

---

Narating na namin ang kotse ni Rex sa parking lot, Inalis niya muna ang pagkakahawak sa kamay ko at chineck ang oras sa kanyang relo..

Rex: Alas siete na Gab. Ano oras ka ba uuwi?

Ako: Siguro mga 10.

Rex: Ah sige..dyan ka lang..

Binuksan ni Rex ang kotse banda sa inuupuan niya, sa driver's seat at may kinuha. Pagkasara niya ng pintuan ng kotse at pagkabungad sa'kin, nakasuot na siya ng cap. Ang cute at attractive pa rin niya tingnan nakasuot man siya ng cap o hindi. Siya yung guy na pagdating sa hairstyle ay simple lang, Yung simpleng style at pagkakaayos lang ng buhok, siguro kahit magpakalbo siya, bagay pa rin sa kanya lalo pa't may facial hair siya.

Rex: Tara! Lakad lakad muna tayo. Maaga pa naman.

Ako: Sige, saan tayo?

Rex: Sa seaside

Ako: Sige.

Malapit-lapit lang ang seaside mula sa kinaroroonan namin kaya nilakad na lang namin.

Nagsimula na naman kami maglakad, nauuna na naman siya umusad sa'kin. while we're walking, I was expecting na hahawakan niya ulit ang kamay ko, sinusundan ko lang siya at nakatingin lang sa kanya habang naglalakad kami hanggang sa marating na namin ang seaside. Doon bumungad sa'min ang iilang mga tao na maaaring namamasyal lang sa lugar. Yung iba nakatambay at nakaupo malapit sa dagat...sa Manila bay, may iilan na nagjojogging at meron ding nagbibisikleta, nabaling saglit ang atensyon ko sa kanila at nang tumingin ako kay Rex, napansin ko na pinagmamasdan niya ang isang masayang pamilya sa di kalayuan na kumakain, nagtatawanan at mababatid mo pa ang isang ginang na sinasaway ang naglilikot niyang anak. Patuloy kami sa paglalakad, at maya-maya lamang, sinabayan at tinabihan na ako ni Rex sa paglalakad, maraming tao kaya alam ko na hindi niya hahawakan ang kamay ko..

Rex: Ang sarap lang maglakad-lakad dito.

Ako: Oo nga e, mahangin pa at maaliwalas.

Rex: Nakapunta ka na naman dito no?

Ako: Oo, maraming beses na, madalas kaming buong pamilya.

Rex: Hmmmm ok.

Tumungo tungo si Rex at yumuko.

Ilang saglit lang, sumenyas siya, ang kamay niya ay nakadireksyon malapit sa dagat kung saan may iilang nakaupo at nakatambay.

Rex: Dito muna tayo. Upo tayo.

Di na ako nagsalita at sumunod na lang kay Rex. Umakyat kami at umupo sa mataas na semento sa gilid ng Manila bay at humarap sa dagat na may reflection ng ilaw mula sa mga gusali sa di kalayuan, mas ramdam namin ang lakas ng hangin at ang simoy na nanggagaling sa dagat, masarap sa pakiramdam na pagmasdan ang dagat at natatanaw din ang mga bangka at yate. Napatingin ako kay Rex, seryoso rin niyang pinamamasdan ang dagat at dinadama ang paligid, nabatid niya na nakatingin ako sa kanya, kaya napatingin din siya sa'kin at ngumiti.

Rex: tinititigan mo ako lagi ah.

Tumawa ako sa sinabi niya, pansin niya siguro lahat ng pagkakataon na nakatingin ako sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya.

Rex: Wag ka lang mahiya na tumingin sa'kin. (sabay labas ng pamatay niyang ngiti)

Ako: Hahaa masarap ka kasi tingnan.

Rex: Ano? masarap akong tikman?

Ako: Tingnan!! hahaa

Rex: Ahh akala ko...

Napahawak ako sa pisngi ko at umiling-iling. Di ko pa naman siya natitikman, I would love to, pero hindi ko muna balak. hahaa

Nakatingin si Rex sa'kin na tumatawa ng malakas.

Rex: Sorry ah, bigla yata akong nabingi.

Ako: Ayos lang.

Rex: Bakit masarap ako tingnan?

Ako: Wala.

Rex: Bakit nga? gusto kong malaman.

Tumingin ako ng diretso sa dagat at mahina na nagsalita.

Ako: Kasi nga cute ka.

Rex: Ano?

Ako: Ay! basta!

Rex: Ikaw ah

Napatingin ako sa kanya at nagreact.

Ako: Bakit?

Rex: Wala....basta!! hahaa

Tumawa lang kami at sabay na inilipat ang atensyon sa tahimik na dagat..

Ako: Nakita kita kanina, tiningnan mo nang matagal yung isang pamilya don.

Rex: Ahh..wala, natutuwa lang ako sa kanila.

Ako: Ganun lang din kaming pamilya kapag namamasyal kami dito. Kayo ba? napasyal na rin kayong pamilya dito?

Rex: Oo, dati. Ngayon hindi na. Diba nga, hiwalay na ang parents ko.

nakalimutan ko na hiwalay na pala ang parents ni Rex, nakwento lang pala niya sa'kin nung kumakain kami.

Ako: Oo nga pala.

Rex: Namiss ko lang din siguro nung kasama pa namin si Papa at buo pa kami. Madalas kami dati dito.

Rex: Di ko rin kasi tanggap na naghiwalay ang parents ko.

Ako: Hanggang ngayon?

Rex: Oo, maiisip ko pa rin talaga minsan kung bakit kailangan pa nila maghiwalay, masaya naman kami dati.

Sa pagkakataong iyon, batid ko na ang lungkot sa mga mata ni Rex at ang biglaang lumbay na naramdaman niya nang mapag-usapan na ang pamilya. Hindi ko alam ang nangyari sa pamilya niya at gusto ko sanang malaman.

Ako: ok lang ba kung tanungin ko kung anong nangyari?

Rex: Mahabang kwento Gab. Ayoko na ibalik pa sa alaala ko at pag-usapan pa.

Ako: ah ok, naiintindihan ko

Ilang sandali lang ay kumilos at bumaba sa pagkakaupo si Rex, tinitigan ko siya at nakita ko pa rin ang bagsak na mukha niya.

Rex: Dito ka lang Gab ah. Bibili lang ako ng pagkain at inumin.

Ako: Sige Rex.

Sinundan ko ng tingin si Rex habang siya ay naglalakad, mabagal ang lakad niya at payuko-yuko. Yung mga sandaling iyon, lalo kong nagustuhan si Rex, nakita ko kay Rex how family-oriented he is. Napakaimportante sa kanya ng pamilya niya at ganon din ako at nalungkot din ako para sa kanya, wala na siyang nagawa at magagawa pa sa hiwalayan ng parents niya.

---

Nagcellphone lang ako habang naghihintay kay Rex, ilang minuto na akong naghintay sa kanya at habang naghihintay, sumagi sa isip ko na baka gusto muna mapag-isa ni Rex at ilabas ang nararamdaman niyang lungkot kaya medyo matagal siya makabalik, ayaw ko naman sumang-ayon sa iniisip kong posibilidad na iniwan na ako ni Rex, hahaa di naman ganon si Rex. Nang dumating si Rex, may dala siyang pagkain at apat na canned beers na obvious na binili niya sa isang convenience store dahil sa supot nito..

Rex: Medyo nagtagal ako, naghanap pa ako kung saan pwede makabili.

Pabiro naman akong nagsalita.

Ako: Oo nga e, akala ko nga di ka na babalik.

Rex: huh? di naman ako ganon. Di ako nang-iiwan.

Ako: Buti naman kung ganon.

Rex: Ikaw talaga! (sabay abot sa akin ng isang canned beer)

Rex: umiinom ka naman diba?

Ako: Oo naman.

Kinuha ko ang beer na inabot niya sa'kin, binuksan at ininom agad, siya ring kuha ni Rex ng isang beer na iinumin niya. Doon na kami nagsimulang magkwentuhan ulit, tungkol sa ginagawa namin sa buhay, siya bilang accountant at ako bilang estudyante. Konti lang ang mga nakwento ko sa kanya, sinasagot ko ang mga tanong niya pero tipid lang ako magsalita, kapag close ko na kasi ang isang tao, dun na ako nagiging palakwento. Si Rex naman, talagang may pagkadaldal, bukod sa mga ginagawa niya sa trabaho, kinikwento niya rin sa'kin ang mga karanasan niya noong siya'y nag-aaral pa, at ang mga kalokohan na ginagawa niya kasama ang mga classmates niya, tuwang-tuwa ako sa kanya habang kinikwentuhan niya ako, sisingit lang ako bigla ng pagsasalita pag relate na relate ako sa mga sinasabi niya. Pinapakinggan ko lang siya at pinapanood. Kung papansinin mo, bukod sa cuteness niya at appeal, malinaw na malinaw siya magsalita, the way na magsalita siya...makikita mo na may taglay siyang talino at sense of humor.

Maya maya lang nang maubos na namin ang tig-dalawang lata ng beer, nagulat ako nang biglang kinuha ni Rex ang kanang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang kaliwang kamay niya. Napatingin lang ako kay Rex at hinayaan siya. Pinalo palo niya ng mahina ang palad ko na binawian ko ng galaw pataas ng kamay ko, nararamdaman ko ang lambot ng palad ni Rex sa palad ko.

Rex: mas malaki ang kamay mo Gab.

Ako: oo nga, mas mahaba kasi ang mga daliri ko.

Rex: mas mahaba din kaya ang ano mo?

Ako: ang ano ko?

Rex: hahaa basta! pero parang mas mahaba yata yung ano ko kaysa sa'yo.

Napakunot ang noo ko.

Ako: ikaw talaga, kung ano-anong naiisipan mo.

Naramdaman ko bigla ang muling pagtiklop ng mga daliri ni Rex sa pagitan ng mga daliri ko na siya namang muling pagbilis ng tibok ng puso ko. Seryoso ang pagkakatingin ni Rex sa'kin nang ginawa niya yon ngunit sinundan niya rin ng tawa..

Rex: ang lambot ng palad mo, ang sarap hawakan.

Ako: Yung sa'yo rin e.

Habang magkatinginan kami ni Rex ay biglang napansin ko na bumukas at umilaw ang phone ko, ang ate ko tumatawag. Napabitaw ako sa pagkakahawak namin ng kamay ni Rex at sinagot ang tawag.

Tila pinapauwi na ako sa bahay sa pag-uusap namin ng ate ko sa phone at binanggit din ni ate na hinahanap na ako ni mama kaya pagbaba ko ng phone call ay sinabi ko na agad kay Rex na uuwi na ako at anong oras na din, 9:30 pm na ng gabi. Sumang-ayon agad si Rex at nagtungo na kami agad sa kotse niya.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 3)
The Guy From PR (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/the-guy-from-pr-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/the-guy-from-pr-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content