$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 4)

By: JB He's driving and we're on the way sa bababaan ko. Nagkaroon pa rin ng pagkakataon si Rex na hawakan ang kamay ko habang na...

The Guy From PR

By: JB

He's driving and we're on the way sa bababaan ko. Nagkaroon pa rin ng pagkakataon si Rex na hawakan ang kamay ko habang nagdadrive siya, nagugulat na lang ako na kinukuha niya ang kamay ko sa kagustuhang maghawak kamay kami. Nakatingin lang ako sa kanya at batid ko ang kasiyahan na nararamdaman niya at ako rin, ang saya lang sa pakiramdam na kahit di pa kami official at di pa namin napag-uusapan ang tungkol sa amin ay alam ko at nararamdaman ko na may namamagitan na sa'min ni Rex. Pero napapaisip pa rin talaga ako, ganito na kami kasweet pero walang ligawan na naganap, di ko pa talaga alam kung magiging official na kami na magjowa ng gabing iyon at kung anong maisasagot ko kapag nag-open si Rex ng tungkol sa amin..sa status namin.

Napapansin ko na kahit sweet kami e medyo dead air sa loob ng car niya kaya nag-open ako ng topic na gusto ko talagang tanungin sa kanya.

Ako: Nakailang bf ka na pala?

Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

Rex: I have 3 exes. Last one was 3 or 4 months ago.

Ako: Sino yung pinakanagtagal sa 3 exes mo?

Rex: Yung una. 1 year and 3 months kami.

Ako: Ay sayang! ang tagal ah.

Rex: Oo, pero di ko naman kasi talaga siya gusto nung una pa lang, close na kami before siya nanligaw. Sinagot ko sya kasi feeling ko naman, magwowork kami. Di ko siya gaanong kamahal nun. I was trying to love him more pero habang mas tumatagal...nawawala. Kaya I decided na hiwalayan siya.

Wala akong mareact sa sinabi niya, Bukod sa di ako madaldal, gusto ko lang magtanong nang magtanong at makinig sa kanya since parang ready naman siyang kwentuhan ako about sa past relationships niya.

Rex: Ayun! kaya di na kami nagtagal pa lalo.

Rex: yung second one, 4 months..pa-5 months na yata kami, di ko na medyo maalala. Ako rin yung nakipagbreak, di ko na kasi nagugustuhan ugali niya, kaya siguro mas madali ko siya nakalimutan. haha

Ako: Ahhh...

Ako: E gaano naman kayo katagal nung last?

Rex (smiling): 5 months lang kami.

Ako: Di kayo nag-anniversary. haha

Rex: Oo nga e. Bata pa kasi yon, kasing edad mo lang.

Ako: Ah ok. ano namang dahilan?

Rex: Ahmm..

Ako: ano??

Rex: Hindi kasi..ang dahilan, meron na pala syang jowa. Parang naging kabit ako. Ganon.

Ako: Hala! grabe naman siya. Two timer!

Rex: Eto yung talagang nasaktan ako, kasi minahal ko siya, ganun din naman yung nafifeel ko sa kanya na mahal niya ako. Pero..

Habang nagsasalita siya, nakikita ko na umiling-iling siya kaya parang ayoko na..ayoko na ituloy pa niya ang kwento niya, nakapagpaalala na naman ako sa kanya ng malungkot niyang karanasan.

Ako: Ah sige..wag mo na ituloy.

Ibinalik niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nagsalita

Rex: Bakit?

Ako: Baka malungkot ka ulit at mukang di ka pa kasi nakakamove on.

Rex: That was 6 months ago na. Sa tingin ko nakamove on na naman ako.

Ako: Baka kasi bumalik na naman sa'yo yung sakit na naramdaman mo..pinaalala ko pa.

Rex: Nope. Mahirap lang talaga tanggapin noon na niloloko niya ako

Rex: Pero wala na talaga, Past na yon.

Ako (tumungo): Ok.

Ngumiti ng bahagya si Rex at ibinaling ang tagos na tingin niya sa'kin.

Rex: Ang importante naman nandito ka na.

Kinilig ako sa sinabi niyang yon. Pinipilit ko na hindi ngumiti pero naramdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko to! parang nahuhulog na ako kay Rex. Ayokong ipahalata kaya mas binaling ko na lang ang atensyon ko sa bintana ng sasakyan at tumingin tingin sa labas.

Rex: Matanong ko lang pala.

Ako: Ano yun?

Rex: Ahhh...pumayag ka na yakapin ako at magholding hands tayo. Anong ibig sabihin non?

Ako: Ahmm..ano bang sasabihin ko. hahaa

Rex: naguguluhan ka pa?

Ako: parang.

Tiningnan ko si Rex na tumutungo-tungo..

Rex: pero hindi naman sa nagmamadali ako or minamadali kita..

Ako: ......

Rex: Gusto mo ba na maging tayo na?

I really like Rex, muka naman siyang mabait at understanding, di ko lang alam kung bakit naguguluhan pa ako. Meron sa loob ko na nagsasabi na ayoko ko pang pumasok ng relasyon, may halong takot na nararamdaman. Kahit curious ako na magkabf at ilang beses na akong pinakilig ni Rex, naaalala ko bigla ang sinasabi sa'kin ng bestfriend ko na maghinay-hinay muna ako, wag kong madaliin na magkajowa, kung meron man magkagusto sa'kin, kilalanin ko muna ng lubos, dun ako sa sincere at seryoso.

Nakailang tingin sa'kin si Rex habang nagdadrive siya, he's waiting for my answer..

Rex: ano Gab? maiintindihan ko naman kung ayaw mo or ayaw mo muna.

Ako: Siguro....hindi muna Rex. I want to know you more, I guess hindi pa naman ito ang huling pagkikita natin? I hope na hindi nga.

Napayuko ako nang kaunti dahil sa may nararamdaman akong pagkahiya sa sinabi ko, maaaring napaasa ko si Rex dahil naging ok lang sa'kin na maging ganon kami kasweet sa unang pagkikita namin although gustong gusto ko talaga yung nangyari, ang hirap na hindi tumanggi sa kagaya ni Rex na ang lakas makaattract.

Rex: ok lang naman sa'kin Gab.

Rex: At syempre! hindi ito ang huling pagkikita natin.

nginitian ako ni Rex at binawian ko rin siya ng ngiti.

Ako: sure ka? willing ka pa rin makipagkita ulit sa'kin?

Rex: Oo naman at masaya ako na nagkita na tayo.

Ako: sana nga ok pa sa'yo.

Rex: bakit naman magiging hindi?

Ako: baka kasi magbago ka na pagkatapos nito.

Nang mga oras na yon, nakatigil ang kotse ni Rex at iba pang mga sasakyan sa isang intersection dahil naabutan kami ng red light, malapit-lapit na rin kami sa bababaan ko at familiar na sa'kin ang lugar.

Rex: huh? di ako magbabago, ano ka ba! I will be here lang, di ako mawawala. Hihintayin lang kita.

Nakangiti at pagalaw-galaw, pataas-baba ang mga kilay ni Rex nang sinambit niya iyon. Kahit kinilig at natouch ako sa sinabi niya, di pa rin nawawala ang mga katanungan sa isip ko kung seryoso ba siya o hindi.

Ako: Hope so.

Tinitigan ako ni Rex at sinimulang haplusin ang kamay ko, para bang sinasabi niya na wag na akong pangambahan pa.

---

Napakalapit na ng bababaan kong lugar, nagtanong si Rex..

Rex: 10:30 na ng gabi, ano bang sinabi mo sa bahay niyo? anong sinabi mo na pupuntahan mo

Ako: Actually minsan lang naman ako makauwi nang ganitong oras, baka nagtataka na sila. Ang sinabi ko....pupunta ako sa bahay ng classmate ko sa Pasig para gumawa ng report.

Rex: Ah..hahahaa yun pala ang pinaalam mo.

Ako: oo e, yun ang naisip kong idahilan.

Rex: hahaa nice! (sabay tapik sa likod ko)

Tumawa lang ako at lumingon-lingon sa dinadaanan namin hanggang sa marating na namin ang bababaan ko, sa tapat ng isang convenience store kung saan ko rin siya hinintay bago kami nagkita. Apat na liko at apat na street ang bahay ko mula sa convenience store, I decided na dito kami magkita, malayo-layo mula sa bahay, nang sa ganon, walang maaaring makakita sa'kin at may makaalam na may kinita ako. Maraming chismoso't chismosa banda sa amin kaya hangga't maaari ay mag-ingat ako lalo na't hindi ako out sa pamilya ko.

Ako: Dito na ako Rex.

Rex: Are you sure? dito kita ibababa?

Ako: Oo dito na lang. Onting lakad na lang naman.

Rex: Sige, ingat ka Gab.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at bumaba, nang umakma na akong isara ang pinto ng kotse, narinig ko si Rex na sumisigaw ng "wait!" nagtaka ako at hinila ang pinto ng sasakyan para alamin ang sasabihin ni Rex.

Rex: wait lang!

Ako: Bakit Rex?

Rex: uhmm..kiss ko?

Napaurong ang ulo ko, ngunit binawi niya agad ang sinabi niya.

Rex: Hindi hahaa gusto ko lang sabihin na magtext ka pag nakauwi ka na, wala na kasi yata akong load.

Ako: Ahh..oo itetext kita.

Rex: Sige. Bye! ingat ka ah.

Ako: Ikaw din, ingat bye!

Sinara ko na ang pinto ng sasakyan, nagsimula na itong umandar papalayo sa akin, sinundan ko pa ng tingin ang kotse ni Rex hanggang sa nakalayo na ito.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 4)
The Guy From PR (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/the-guy-from-pr-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/the-guy-from-pr-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content