$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Totek (Part 8)

By: SJ Kinakabahan ako habang hawak ang Liemposilog at bag ko. Hindi ako mapakali. Naamoy ko ang amoy ng pagkain pero di tulad kanina na tak...

By: SJ

Kinakabahan ako habang hawak ang Liemposilog at bag ko. Hindi ako mapakali. Naamoy ko ang amoy ng pagkain pero di tulad kanina na takam na takam akong kainin ito. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dinadaga ako. Napautot pa ko sa sobrang kaba. HMP! Ang baho! Pero sobrang kabado talaga ako. Hindi ko alam kung didire direcho lang ba ko papasok ng bahay at di sya papansinin, o aawayin ko sya at palalayasin. Pero bahala na! Bahala na si Tarzan!

Tuloy tuloy lang ang paglalakad ko papunta samin. Nakatalikod ang lalakeng naghihintay sa harap ng bahay ko. Alam ko si Philip yun. Ayan na, ilang hakbang pa ay nasa bahay na ko. Biglang lumingon yung nakatayo sa direksyon ko. Shit! Hindi ko alam pano magrereact. Habang palapit ng palapit ay nararamdaman ko na umuusbong ang galit para sa dating kaibigan. Akala ko ay awa ang mararamdamn ko pero hindi. Binigyan ko sya ng masamang tingin kahit pa medyo malayo ako. Nanggagalaiti talaga ang aking mga mata at punong puno ng galit. Sa talas nga ng tingin ko ay pwede itong makahiwa. Dire direcho ako papunta sa direksyon ng bahay ko.
Nagdidilim ang paningin ko sa galit. Pero ng makarating sa harap ng bahay at naharap ko na sya. Imbis na mas lalong matinding galit ang naramdaman ay biglang panghihina at pagkahiya ang naramadaman ko. Hindi ko inaasahan ang makikita ko at mararamadaman ko. Hiyang hiya ako.

At andun nga ako, nakatayo hawak ang bag ko at ang liemposilog na inorder ko. Galing sag alit ay napalitan ang aking emosyon. Pagkamangha at pagkahiya ang naramdaman. Hindi ko alam kung pano magrereact sa harap nya. Nararamdaman kong namumula ang mukha ko dahil sa kaninang galit at ngayon naman sa hiya. Bigla tuloy akong nanliit.

“James…. Ikaw pala…..”, pilit kong tinago ang hiyang sinabi sakanya.

“Hahahaha! Oo, ako nga..”, natatawa nyang sinabi sakin. Mas lalo tuloy akong nahiya.

“So..sorry.. Kala ko kasi..”

“Akala mo kasi si Philip? Kaya nga medyo natakot ako sa tingin mo kanina. Para kang papatay sa tingin mo sakin kanina. Hahahaha!”, mas natatawa nyang sinabi. Mas lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko.

Nampucha naman kasi! Sobra silang magkamukha, kung di mo talaga lalapitan ay di mo malalaman kung sino ba tlga sila si Philip o si James. Sa sobrang galit ko pa ay di ko tuloy napansin na si James pala yun. Hays! Kakahiya!! Kakainis!! Grrrr!!

Agad kong binuksan ang gate at pinto ng bahay at pinapasok sya. Kumuha ako ng maiinom sa ref at binigyan sya habang nakaupo sya sa sofa. Sabi ko naman na hintayin ako at magpapalit lang ako ng damit. Pagkapalit ay nahihiya akong nilabas si James.

“Napasugod ka ata. May problema ba?”, nahihiya kong tanong sakanya.

“Ah eh.. Kasi ano eh…”, utal utal nyang sinabi.

“A-a-a-a-no?!”, pabiro kong ginaya sya.

“Hahahaha! Hmm.. May favor sana ako sayo.”

“Oh, ano yun?”

“Ah..ah kasi, papagawa sana ako sayo ng book report.”

“Oh.. tapos? Anong problema dun?”

“Eh.. kasi.. ano eh.. Jerry, nakakahiya kasi.. Ahm.. kasi.. alam mo naman na dahil lang sa pagvavarsity namin kaya kami nakapag aral dyan diba? Kung di kami varsity, malamang, sa public highschool kami nagaaral.. Ah.. eh.. Hmm.. What I’m trying to say is.. wala kasi ako mababayad sayo..”. nahihiya at utal nyang sinabi sakin.

Nagisip ako ng paraan. Hmmmm.. Alam ko na!!!

“Hmmmm.. Ganun ba.. O sige.. ganto na lang. Papayag ako gawin yang book report mo. Hindi na rin kita pababayarin.”, ngiti kong sinabi sakanya.

“TALAGA?!”, sabik nyang tugon.

“Ops ops ops! Pero may kapalit yun….”, sinabi ko ng may pilyong ngiti na sinabi sakanya.

“Ha? A..ano naman yun?!”

At dahan dahan akong lumapit sakanya at nilapitan sya ng mas malapit. Tiningnan sya sa mata habang may pilyong ngiti. Mukhang kinakabahan sya sa paglapit ko dahil bigla syang biglang nagfreeze sa kinakatayuan at namula.

“Bat ka namumula?”, pilyo kong tinanong sakanya.

“HA! Hindi ah!! Ano ba kasi yun?!”, medyo irita nyang sinabi.

“Oops! Bat galit ka agad dyan?! Ganto, pumunta ka dito sa isang araw.”, ngiti kong sinabi sakanya.

“HAA??! Bakit?! Ano gagawin ko dito?”, medyo kabado nyang tinugon sakin.

“Relax! Diba gusto mo gawin ko yang book report mo pero di ka makakabayad? Pwes, ang kapalit ng pag gawa ko nun ay..”

“Ay ano??”

“Ano pa ba! Tutulungan mo ko gawin ung isa kong project! Pagddrawing kasi yun diba?! E magaling ka kaya dun!!”, natatawa kong sinabi.

Bigla namang nawala ang bakas ng kaba sa mukha ni James. At medyo natawa ito.

“Sus! Yun lang pala!! Akala ko naman kung ano na!! Hahahaha!”

“At ano naman sa tingin mo ang ipagagawa ko sayo?! Paglinisin ng bahay? Paglaba? Hahahaha! Di naman ako ganun kasama noh! Hahahaha!!”

Nagtawanan naman kaming dalawa. Di ko maiwasan ang hindi tumawa ng todo lalo na naiimagine ko ng paulit ulit ang ichura nya kanina na kinakabahan. Kulang na lang ay gumulong ako sa sahig kakatawa. Nakita ko rin sya na tumatawa sa sarili kaya mas lalo akong natawa. Hahahaha!

“Hahahaha! Teka, kumain ka na ba?! Tara kain tayo!”, natatawa ko pa rin sinabi.

“Hindi na. Medyo late na rin ee. Tsaka kumain na ko kanina sa bahay bago pumunta dito. Naki favor na nga ako, makikikain pa ko. Nakakahiya naman.”

“Sus! Tara na! Tatlong kanin naman yung inorder ko ee. Tig isat kalahati nalang tayo!” At naghain na nga ko ng dalawang plato sa lamesa. Wala na syang nagawa dahil hinila ko na sya sa lamesa at pinaupo. Nahain ko na rin kasi ang pagkain at nahati ko na. Wala na syang choice.

“Salamat ha. Nakakahiya naman.”, nahihiya nyang sinabi.

“Nako, wag mo na isipin yun! Kaso pasensya ka na! konti lang ulam natin. Di ko naman alam kasi na andito ka. Eh?! Teka, pano mo nga pala alam kung anong oras ako umuuwi?”, paguusisa ko sknya.

“Ah.. yun ba? Tinanong ko kasi kay Jenny. Alam ko kasing gumagawa ka ng book report ng iba kaya nagbakasakali ako. E sabi sakin ni Jenny mga gantong oras ka daw nauwi. Nahihiya naman ako magtanong sayo sa school dahil hindi naman talaga tayo ganun ka close.”, pagpapaliwanag nya.

“Ahh.. ganun ba.. sus! Dapat nilapitan mo na lang ako sa school!”, tugon ko sknya habang kumakain kami.

“Ah, eh.. Nahihiya nga kasi ako kasi wala akong pambayad. Kay asana gusto kita makausap kaya sinadya na lang kita dito sa inyo.”

“Hmmm.. Ganun ba. O sya, kumain ka na jan. Basta punta ka dito sa isang araw ha. Di kasi ako pwede bukas. May training kami sa pep ee.”

“Wow! Sumasayaw ka din pala?! Narinig kasi kitang kumanta dati. Pero di ko alam na sumasayaw ka din pala.”

“Aba! Oo naman noh! Ako pa! Multi talented ata ako.”, sabay tumayo ako at sumayaw ng ala macho dancer ng onti sa harap nya.

“Hahahaha! PWede ka ng macho dancer!”, natatawa nyang pinagmasdan ako.

“Ulul! Hindi ako macho dancer noh! Hahahahah!”

At natapos na kami kumain. Sinamahan nya ko maghugas ng pinagkanan namin. Hindi pa kasi sya nakakatulog sa bahay kaya hindi ko sya hinayaang maghugas ng plato. Ewan, sabi kasi yun sa pamahiin ee. Wla namang masama kung susundin.

Habang naghuhugas ako ng plato ay nagkkwentuhan naman kami ni James. Hindi ko alam na makulit pala ito at napaka palakwento. Hindi tulad ni Philip na medyo tahi tahimik at medyo seryoso. Si James ay natural na komedyante din. Nagkwentuhan kami ng mga 30 mins bago pa sya tuluyang umuwi. Pagkauwi naman nya ay natulog na ako agad dahil may pasok pa kami kinabukasan.

Friday nun kaya huling araw ng klase para sa linggo. May training pa din kami pagkatapos ng klase at bukas naman ang pagpunta ni James sa bahay. Medyo excited na rin ako sa pagpasok dahil bumalik na sa normal ang lahat. Sya nga pala, nagbreak na din kami ng girlfriend kong si Maria. Iba yung pangalan noh?! Wala na kasi kami ni Joyce, dalawang linggo na. Tapos kakabreak lang naming ni Maria 2 days ago.. Sa ngayon ay single ako. Dalawa nalang ang babae sa buhay ko that time. Ang dalawa kong bestfriend na babae na sila Jenny, at Leah.

Natapos na ang klase at agad akong dumirecho sa training ng pep kasama si Jenny. Mas naging pahirapan ang training di tulad noon. Ilang linggo na lang kasi at araw na ng competition na sasalihan namin. Pero dahil Friday ngaun at walang pasok bukas ay nagyaya ang grup na maginuman. Balak naming magmalate sana, kaso nakakahiya dahil mga naka jogging pants lang kami. Wala naman kaming alam na bar na medyo di nakakahiya pumunta kahit naka jogging pants pa rin kami. Nagiisip ang lahat ng bigalng nagsalita si Jenny.

“Kaila Jerry walang tao.”, bigla nyang sinigaw sa grupo. Bigla tuloy akong napatingin sakanya. At sinasabi sa tingin ko na “anong pinagsasabi mo dyan!”

At ayun! Dahil sa sinabi ni Jenny ay kinulit ako ng makasama ko na sa bahay na lang daw. Napatingin ako kay Jenny at dinilaan ako habang nakangiti at naka peace sign pa sakin. Hays, ano pa bang magagawa ko?! Imbis na sana magpapahinga na ko!! Oo nlng!!!!

Wala na kong nagawa dahil nakakahiya namang tumanggi. Kaya pumayag na rin ako na sa bahay na lang ganapin ang inuman. Kinurot ko si Jenny sa tagiliran dahil sa inis ko. Pero syempre pabiro kong ginawa yun. Tinawanan lang nya ako.

At nakarating na nga kami sa bahay. Kasama ang halos lahat ng miyembro ng pep. Maliban sa iba na malayo pa tlga ang bahay. O kaya ay pagagalitan pag di umuwi agad. Pero halos lahat talaga, andun. Kasama si Gab, ang coach namin. First time ko sya maksama sa labas. Sa training ko lang kasi sya talaga nakakausap. Madalas kasi ay sya ang nagsspot sakin sa stretching. Para mas mapabilis daw ang pagiging flexible ko ay sya na ang bahala sakin. Pero aside from training, di ko talaga sya nakakausap.

Nagsimula ang inuman at nasa kwarto kami nag inuman. Kanya kanya kaming pwesto, Nasa kanto ako ng kwarto, dun ako pumwesto at umupo. Hindi ako nakadikit mismo sa kanto, kasya pa ang isang tao kung tutuusin. Katabi ko naman si jenny sa kabila pa. Tapos kanya kanyang pwesto na ang lahat.

Umiikot na ang tagay at nagkakasarapan ng kwentuhan. Mga past competetions din na nasalihan nila ang topic, mga superb na routine ng ibang bansa ang pinaguusapan at kung ano ang pwede naming gayahin sa mga yun. Sobrang interesado naman ako sa topic kasi bago lahat yun sakin. Kaya sobrang nakikiusisa talaga ako.

Nang medyo tumagal ang inuman ay tinamaan na ko ng espiritu ng alak. Dahil din sa pagod, marami samin an medaling tinamaan. Hindi pa naman lasing pero alam mong tipsy na ang karamihan. Hindi ko na lang napansin na akin nanaman ang tagay. Pero ang mas kinagulat ko ay iba na ang nag abot sakin ng tagay. Hindi na ang kaninang nsa harap ko na si Lj ang nag abot. Si Gab, ang coach ko na ang nakaupo sa kaninang pwesto ni Lj. Sya rin ang nag abot ng tagay sakin. Pagka abot ko naman ng tagay ay pumwesto na syang tuluyan sa tabi ko. Sya ang umupo dun sa sulok at espasyo sa tabi ko. So ngayon, dalawa na ang katabi ko. Si Gab na nasa kaninag bakanteng sulok, at sa kabila naman ay si Jenny. Hindi ko alam bat tumabi sakin si coach Gab since di naman kami close. Pero hindi ko din alam na kung bakit sat wing nagtatama ang balat naming ay may kakaibang init na dumadaloy sa katawan ko. Shit! Lasing na ata ako.

Madaling araw na at natapos na din ang inuman. Ang iba ay nagsiuwian na rin. Maging si Jenny ay nagpaalam na ring umuwi. Sinakay ko sya ng taxi pauwi sakanila. Ang iba naman ay nagpaiwan dahil mamaya nalang daw sila uuwi dahil malayo ang bahay nila at di na rin daw sila makakauwi dahil sa lasing na. Wala namang problema sakin dahil sanay naman ako na may nakikitulog sa bahay. Ang pinagtataka ko lang dahil pati si Gab, ang coach naming ay dun na rin natulog. At tumabi pa sakin sa paghiga!!!

Patay na ang ilaw at sobrang dilim ng paligid. Itim pa ang kurtina ko. Ayaw ko kasing may pumapasok na liwanag kahit konti sa kwarto ko. Lalo na nung panahong depress ako. Pinalitan ko ang kurtina ko ng itim para kahit umaga ay di ako masilaw sa liwanag ng sikat ng araw. Remember? Naging lasinggero ako dahil sa mga sunod sunod na problema. Kaya ayun, nakasanayan ko na itim na ang kurtina ko.

At ayun na nga, magkakatabi kaming lahat sa pagtulog. Katabi ko sa aking kaliwa ang paderr at sa kanan ko naman ay si Gab, ang aming coach. Yakap yakap ko ang isang mahabang unan habang nakaharap sa pader. Lasing at antok ako pero di ako makatulog. Nararamdaman ko kasi ang katawan ng coach ko sa tabi ko na napakainit dahil sa pagkakainom ng alak. Nagiinit pa ako lalo dahil nakainom ako.

Pinilit kong matulog at wag mag paapekto sa init na nararamdaman ko. Pero sadya kong ikinagulat ng biglang gumalaw si coach. Bigla itong tumagilid paharap sa akin. Ramdam ko na tuloy ang kanyang mainit at amoy alak na hininga sa aking batok. Na sya namang nagdadala sa aking mas nakakapasong init na talagang dumadaloy sa buong katawan ko. Tinitigasan na ko.

Nasa ganoong position kami ng biglang naramdaman ko ang kamay ni coach Gab sa bewang ko. Nakapatong lang yun dun. Medyo matagal. Pero mamayat maya ay gumagalaw ito. And before I knew, nakayakap na ito ng tuluyan sakin at hinawakan ang kaliwa kong kamay. Alam kong gising sya. Pero di ko alam kung alam nyang gising ako. Pero hindi din ako gumalaw para ipaalam na gising na ako. Naghihintay lang ako sa susunod nyang gagawin. Tahimik. Nakakabinging katahimikan. Tanging ang tunog lang ng mahinang aircon ang maririnig mo. Malamig ang hangin na galing sa aircon pero mainit naman ang singaw na nilalabas ng katawan namin ni coach Gab. Gumalaw naman bigla ang kamay at biglang lumalapit ang kamay nya papunta sa aking bukol. Nang bigla nyang dakmain ito ay napagalaw ako sa gulat. Bigla naman ako nitong niyakap ng mahigpit. Hinawakan ko ang kanyang kamay para hindi nya na gawin ulit yun. Sumenyas ako sa kanya na inaantok na ako at wag nya ng ipagpatuloy ang balak. Natakot ako. Hindi ko alam kung bakit. Kaya naman mas nilapit ko ang unan sa bukol ko para di nya na ulit mahawakan. Mas hinigpitan ko ang yakap sa unan. Hanggang sa dahil sa sobrang hilo at lasing ay nakatulog na ako.

Nagising kami ay bandang alas 9 na ng umaga. Agad namang nagsiuwian ang mga natirang kasamahan ko sa pep pati na rin sa coach. Wla akong binitawang salita sakanya at ganun din naman sya. Dedma. Parang hindi naganap ang nangyari kagabi. Pero nakita ko na bago ito umalis ay nakangiti ito sa akin at kinindatan ako. Shit! Anong eksena mo!!

Bumalik ako ng 3pm sa school dahil may training pa din kami. Kahit pa medyo naiilang ay pumunta pa rin ako. Pagdating na pagdating ko sa school ay hindi pa nagsisimula ang training dahil wala pa si coach at ang iba pang members. Actually 4 pa naman kasi talaga ang training. Kaya ng makita ko si Jenny ay agad kong kinwento ang nangyari nung nag lights off na sa bahay.

“Hahahahaha! Obvious naman kasi na type ka ni coach! Hello! Ako nga captain na ng highschool pero once lang ako na spot nyan sa stretching. Tapos ikaw, lage ka nyang iniispot? HAHAHAHA!!”, natatawa nyang sinabi sakin. Natahimik alang ako at di sumagot. Napanisin ni Jenny yun kaya nagtanong ito ulit.

“Type mo?”, curious nyang sinabi.

“Hindi noh!!!!”, sarkastikong kong sagot kay Jenny.

“Nako Jerry, ayan ka nanaman ha. In denial nnmn ang drama mo sa buhay ha! Nakooooo!!”

“Ano ka ba! Kahapon ko nga lang nakausap talaga yung tao ee! Ano gusto mo, mahal ko n rin agad?! At tsaka isa pa…… alam mo na….”

“Hmmmm.. O sya, basta keep me posted ha. Kung ano ng mangyayari sa inyo ha.”

“Nako, walang magiging “inyo” dahil hindi magiging “kami”.”, tanging tugon ko kay Jenny.

At dumating na nga ang iba pa naming kasamahan namin at si coach Gab. Sinimulan na naming ang training. Una ay nag jog muna kami around the area bago pa nagstretching. Sya nanaman ang nagspot sakin. Kung dati ay walang malisya sakin kung sya man ang mag spot sakin, ngayon ay meron na. Hindi ko maiwasang mahiya lalo na pag nakikita ko syang nakangiti sakin habang iniistretch ako. Minsan pa ay kumikindat ito sakin lalo na pag magkaharap kami. Hindi tuloy ako makapag focus sa ginagawa ko. At mas lalo ata akong pinagpawisan.

Nag sisitups ako nun at nakatuhod naman sya sa paa ko. Sa twing aangat ako ay nakikita ko syang ngumingiti sakin habang binibilangan ako. Mas hinihingal tuloy ako agad. Don ko lang kasi napansin talaga ang mukha nya. Noon kasi ay di ko masyado ito napapansin, or rather, di ko tlga pinapansin. Pero eto ngayon, mas napapansin ko ang mapupungay nyang mata, makapal nyang kilay, manipis nyang lips, at mukha nyang maliit. Gwapo naman neto! Hanggang nsabi ko sa sarili ko. “Mukha talaga pala syang pusa. Hihihi”

Natapos na ang training at nagcool down na kami. Pagod na pagod kaming lahat dahil medyo may hang over pa ng konti sa inuman. Yung iba nga ya nagyaya pa ng inuman ulit sa bahay kaso tumanggi muna ako dahil nga may usapan kami ni James ngayon. Nanghihinayang man ang iba, lalo na si coach Gab dahil bakas ito sa kanyang mukha ay wala silang nagawa. After naming magcooldown ay nag meeting muna kami at pagtapos ay nagpahinga muna ng konti.

Nang matapos makapagpahinga ay nagpalit na kami ng damit. Nakasando na lamang ako at nakajogging pants at tsinelas. Tinago ko na sa bag ko ang dalawang tshirt na nagamit ko at ang rubber shoes na ginamit ko. Niyaya ko na si Jenny na mauna na kami. Gusto sana ni Jenny na sumama sa iba para mag inuman kaso mas pinili nyang samahan nlng ako sa paguwi.

Nakarating na kami sa pintuan ng gym at akmang bababa na sa hagdan ng biglang nagulat kami sa nakitang nakaupo patalikod sa may hagdan at tila may hinihintay. Nang mapansin naman kami ay bigla itong tumayo at humarap samin. Mas kinagulat ko pa ng malamang kung sino ang taong nakaupo.

“James?”

Pagkamangha at pagkagulat ang naging reaksyon naming ni Jenny ng biglang tumayo at humarap samin si James na kaninang nakaupo sa hagdan. Hindi ako makapagsalita at ganun din si Jenny. Parehas kaming clueless kung sa ano bang ginagawa nya dun.

“Oh, James, anong ginagawa mo dito?”, pagtataka kong tinanong sakanya. As in nagtataka talaga ako.

“Ah eh, kasi ano eh, Walang magawa sa bahay, at tska di ko alam anong oras ang tapos mo dito kaya nagpasya akong hintayin ka na lang matapos para sabay na tayo pumunta sa inyo.”

Gulat pa rin ang reaksyon naming ni Jenny sa tinugon ni James. Pero biglang humarap sakin si Jenny at ngumiti at sinabing..

“Oh eh, may kasama ka naman pala umuwi ee. Edi, pano yan, sama nalang ako sa inuman. Text text nalang bes.”, sarkastikong nakangiti nyang sinabi sakin.


Pero bago pa ko makahindi kay Jenny ay nagulat ako ng bigla na itong bumeso sakin at nagbbye sabay balik sa mga kasamahan namin. Pero mas nagulat ako ng biglang kunin ni James ang bag ko at sya ang nagbitbit.

“Huy, ano ka ba, akin na yan.”, bigla kong nasabi sakanya.

“Okay lang noh. Mukha na ring pagod ka kasi. Tska baka di mo na magawa yung book report ko.”, sabay tuloy tuloy na syang bumaba ng hagdan para di ko na mabawi ang bag ko sakanya.

HInayaan ko na syang bitbitin ang bag ko dahil alam kong hindi nya na rin ibibigay ang bag ko sakin. Sa hiya ko sakanya ay nagtaxi na kami papauwi para naman hindi na sya maabala pa sa pagbitbit ng bag ko. Tahimik lang ako sa taxi dahil pagod din ako.

Nang makababa ng taxi ay agad kaming pumasok sa bahay. Umakyat ako sa kwarto at agad naligo. Kakahiya naman kasi, ang baho ko na dahil sa pawis sa pagtraining. Pagtapos ay bumaba na ko ulit at hinarap na si James.

“Uy, pasensya na ha. Naligo muna ako. Ang baho ko na kasi. Alam mo na, galing training.”

“Ok lang yan. Ganyan din ako pero nagpapahinga muna ako paguwi bago maligo. Pero nakapagpahinga naman tayo sa taxi at nakatsinelas naman na ikaw kaya ok lang. Teka, asan na pala yung materials mo para maumpisahan ko na.”

Agad kong nilabas ang lahat ng materyales ko sa pagddrawing at para sa project nay un. Binigyan ko na rin sya ng materials para makagawa na rin sya ng kanya. Ako naman ay nagtungo muna sa kusina at nagluto. Menudo ang menu ko for that night. Isa kasi yun sa paborito ko.

Habang nagluluto naman ay binuksan ko ang laptop at inumpisahan na ang book report ni James. Pabalik balik ako sa pagluluto at paggawa ng project nya. Sya naman ay abala din sa pag drawing ng project naming dalawa. Parehas kaming tahimik at ang tanging ingay lang ay ang music na tumutogtog galing sa laptop. Nang biglang may nagtext sakin. Si Jenny.

“Bes, where kau? :)”

“Ngiti ka jan. Sa bahay.”

“Uiiii. :) Gawa nyo?”

“Ui ka jan. Project to. Gwa q buk rport ny tpos xa gwa nung art q.”

“Ayieee. Swit nmn.”

“Swit ka jan! Project 2 sbi!”

“Hahahaha! Pikon. Hnp ka pla kuts. Sbi q uwi k ksby llke. Bgla simangot. Hahahaha!”

“Loko loko! Hahaha!”

“Tmaan ata kuts sau ihh. Hihihi”

“Lol. Gue na, luto p q. txt u l8r.”

At yun na nga. Natapos na rin ako magluto at niyaya ko munang kumain si James kahit pa medyo late na para magdinner.

“Kakain nnmn ako dito sa inyo? Nakakahiya naman. Dapat di ka na nag abala.”, sabi ni James.

“Naku, wala yun. Di pa rin kasi ako kumakain. Alam ko kumain ka na, pero minsan lang kasi ako may kasabay. Wag mo naman ako tanggihan oh.”

“Sure! Pagkain ata yan noh! Teka, masarap ka ba magluto?!”, pangaasar nyang sinabi. Aba! Loko to ah! Baka di mo alam, madami nainlove sa luto ko. Kahit pa kapatid mo! Hahahaha!

“Ewan ko lang. Tikman mo na lang.”, ngiti kong tugon sakanya.

Nang makaupo kami at nagsimulang kumain ay biglang napatigil si James sa pagkain.

“Wow. Ang sarap mo din pala magluto! Damn! Singer na, dancer na, cook pa! Astig mo boy!”, papuri nyang sinabi. Hindi ko na pinansin yung sinabi nyang yun at nginitian lamang sya. Masarap naman talaga ang luto ko, pero tila mapait ang panlasa ko ngayon. Lalo na sat wing napapatitig ako sa mukha ni James. Eksaktong eksakto kasi halos ang mukha nila ni Philip. Sa twing nakikita ko sya ay nakikita ko si Philip. Alam ko, magkaiba sila ng katauhan pero halos iisa ang kanilang mukha. Kung tutuusin, mas gwapo si Philip dahil medyo baby face at inosente ang aura ng mukha nito. Unlike si James na lalaking lalaki pag tiningnan mo. Pero parehas pa rin silang gwapo.

Pilit kong tinago ang nararamdaman kay James. Kahit pa sa bawat tingin ko sakanya ay bumabalaik ang sakit ng ginawa sakin ni Philip. Ang mga panlalait na ginawa nya sakin, ang pagmamaliit, ang pananakit. Wala na ang mga pasa sa katawan ko pero prang nararamdaman ko nanaman ito. Naluluha ako. Gusto kong umiyak. Pero sa tinagal tagal ko ng umiiyak ay nakuha ko na ata ang talent ng pag pigil sa pagbagsak ng luha. Mas nacontrol ko na ang aking emosyon. Inisip ko din na iba si James kay Philip. Halos iisa ang mukha, pero magkaibang katauhan.

Dun na nakitulog sa amin si James dahil inaantok na din daw ito at tinatamad na rin umuwi. Isa pa ay di pa rin nya tapos ang project namin. Pero ang project nya ay natapos ko na at naiprint ko na. Ipapasa na lang.

“Wow, ambilis ah. Pinagisipan mo ba talaga ang nilagay mo sa book report ko? Hahahaha!”, pabiro nyang sinabi.

“Aba! Oo naman noh! May narinig ka na bang bumagsak sa mga ginawan ko? Hmp!”, medyo irita kong sagot.

“Oooh, joke lang. Toh naman. Hahahaha.”

Ibang iba talaga sya kay Philip. Kung si Philip, pikon at sensitive, si James naman ay sobrang palabiro at masiyahin. Napangiti tuloy ako. Napa isip ako na siguro masarap ngang kaibiganin si James.

Niyaya ko ng matulog si james dahil Linggo naman bukas at wala kaming pasok kaya pwede nya ng ipagpatuloy ito bukas. Agad na kaming pumunta sa kwarto at pinahiram sya ng twalya at pambahay at agad muna sya nagshower. Time check. 1:30am. Ako naman dala na rin ng sobrang pagod sa training, pagluluto at pag gawa ng book report ni James ay nakatulog na agad ako.

Nagising ako ng marinig ko ang alarm ng cellphone. Pero di ko cellphone yun kasi iba ang tone ng alarm. Napamulat ako at nagising ng tuluyan ng makita ko ang mukha ni James na malapit sa mukha ko. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Natawa ako dahil pag natutulog ito ay talagang magkamukha sila ng kanyang kambal. Pero galing sa saya ay nalungkot ako. Naalala ko ung mga times na magkatabi kami ni Philip sa pagtulog at mukha rin nya ang nakikita ko sa umaga. Madalas pa na suot din nya ang damit ko tulad ngayon na suot ni James ang damit ko. Bigla ko tuloy namis si Philip.

Mga ilang minuto din akong nakatitig sa mukha ni James ng biglang gumising ito dahil sa patuloy pa ring pag tunog ng alarm. Unti unti nitong iminulat ang mga mata na kinahiya ko naman kasi nakatitig pa rin ako sakanya. Nang mapansin nyang bigla akong pumikit at nagtulug tulugan ay ngumiti ito at nagsalita. Bigla tuloy ako dumilat uli.

“Makatingin ka naman. Sabay tulog kunwari? He he he. Gising na po. Nag alarm talaga ako at masisimba tayo. Peram uli ng damit ah.”, antok antok nyang sinabi ng nakangiti.

Npahiya ako sinabi nya kaya bigla kong iniwas ang tingin sakanya at nag unat. Tumayo ako agad at nagtungo sa banyo para maligo ng dahil na rin sa sobrang hiya. Ahehehe. Pero medyo kinilig ako sa tagpong yun. Pero teka?! Ano daw?! Magsisimba kami?!

Medyo gulat ako dahil first time ko na may magyaya sakin magsimba. Napangiti ako dahil natuwa ako ng malaman kong relihiyoso pala sya. Pagtapos ko maligo ay nagulat nlng ako ng di maabutan si James sa kwarto. Narinig ko nlng na may tao sa baba. Nang makapagbihis ay bumaba ako at nakita kong may nakahain ng almusal sa lamesa. Another first sakin. Usually kasi, ako ang nagluluto para sa bisita ko pero ngayon ay may nagluto para sakin.

“Pasensya na ha, nakialam na ko sa kusina mo. Kain na tayo. Para makaligo na rin ako pagtapos.”

Tulala lang ako na umupo at sinimulan naming kumain. Natahimik ako dahil sa gulat. First time ko kumain ng almusal na iba ang nagluto.

“Huy, pangit ba lasa? Bat ang tahimik mo?”, pagaaalalang tanong ni James.

“Ha? Hindi noh! Nagulat lang ako kasi first time ako ipagluto ng iba.”, nahihiya kong sagot saknya.

“Ah.. Ganun ba. Pasensya ka na ha. Baka kasi di tayo umabot sa simba ee.”

“Hindi, ok lang. Masaya nga ko eh.”, ngiti kong sinabi sakanya.

After kumain ay naligo na sya at ako naman ay naghugas ng pinagkainan namin. Maya maya ay bumaba na ito at nakabihis na ito. Napanganga ako dahil magaling din sya pumili at magdala ng damit. Kahit hindi nya pa cabinet ang kanyang pinagkuhanan e alam na lam nya ang bagay sakanya. Pababa nito at nanghiram na din ng sapatos. Tinuro ko naman ang cabinet ko na naglalaman ng sapatos. Opo, cabinet dahil marami po akong sapatos. Hindi ko din alam bakit.

“Ang ganda nmn nitong running shoes mo. Nag track and field ka din ba dati?”, tanong ni James.

“Ah, naku hindi. Naaliw lang ako sa design nyan, dalawang beses ko pa lang nasuot yan kasi hindi bagay sa mga damit ko.”

Kinuha nya ang isang pair ng mga leather shoes ko at sinuot na ito. Handang handa na kami sa pag alis.

Nang maka alis ay agad kaming nagpunta sa simbahan. Buti na lang ay di pa ito nagsstart. Niyaya ko muna si James sa isang candy stand at bumili ng yosi.

“Oh, you smoke?”, nagulat nyang tanong ng bigla akong magsindi ng yosi.

“Ah, oo. Pero bihira na since nagstart ako mag training.”

“Tigil mo nay an. It’s bad for your health. Lalo na dancer ka na ngayon. Tsaka kumakanta ka pa. Makakasira lang yan sayo.”

Pero hindi ko pa rin pinatay ang yosi ko. Pero hindi ko rin naubos dahil siguro sa tagal ko di nakapagyosi e medyo nahilo ako kaya kalahati lang ang niyosi ko. Nagcandy na rin ako para mawala ang masamang amoy sa hininga. Pagtapos nun ay pumasok na kami sa simbahan at naghanap ng mauupuan.

Nagsimula ang misa at tahimik kaming nakinig na magkatabi ni James. Masarap sa pakiramdam ang makapagsimba ulit ng may kasama. Usually kasi dati ay mag isa akong magsimba. Iba talaga ang pakiramdam kapag nakapagsimba ka.

Masaya na malungkot ang sermon sa misa ng araw na yun. Tungkol ito sa pagpapatawad. Kung pano pinahirapan si Kristo upang pagbayaran an gating mga kasalanan at tubusin tayo sa tiyak na kapahamakan. Naiyak pa ko ng sinabi ni Kristo habang nakapako sya na “Patawarin ang sanlibutan dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Tumagos yun sa kaloob looban ko. Alam ko kasi sa sarili ko na may mga tao pa rin akong hindi napapatawad sa puso ko. Naalala ko ang dalawang mahalagang tao sa puso ko na ngayon ay pinagtatamnan ko na ng galit. Nakonsensya ako bigla. Nalungkot, namiss ko rin kasi sila. Ang dating masayang samahan pero ngayon ay wala na. Nakakalungkot. Pero totoo..

Nagpatuloy ang misa at kami ay magkatabi pa rin ni James na nakikinig. Nang lumaon ay sinabi samin na maghawak kamay dahil kakanta na ng “Our Father”. Kinuha ni James ang kamay ko at hinawakan yun. Balewala lang sakin dahil karaniwang tagpo yun pag kumakanta tlaga ng “Our Father”. Pero ng bigla akong napatingin kay James habang umaawit ay bigla akong na conscious. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa pagkakahawak ng kamay namin ay bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil bas a pag tinitingnan ko sya e nakikita ko si Philip? O dahil sa magkahawak kamay kami? Hindi ko alam kung alin, pero mabilis talaga ang tibok ng puso ko.

Natapos na ang samba at niyaya ko sya sa mall para kumain. Ngunit tumanggi ito at sa bahay na lang daw kami kumain.

“Luto ka na lang.”

“Huh? Kain na lang tayo sa labas. Tinatamad ako magluto ee.”

“Hhmm. Tige na, gutto ko tikim iba luto Jerry ee.”, sinabi nya na parang bata na nagbababy talk pa. Natawa ako bigla sa ginawa nyang yun.

“Oh sya, sige na nga. Daan pa rin tayo sa mall at bibili ako ng ingridients para sa lulutuin ko.”

Habang nasa grocery kami ay tinxt ko si Jenny, Ben at Leah.

“Pssshhhttt! Jenny, Ben, Leah, pnta kau haus now na. Dun na kau lunch. Luto aq. Wla n inarte. Punta haus ah. Naun na! –GM”

Si James nanaman ang nagbitbit n gaming pinamili. Hindi na ko nakipagtalo pa dahil alam ko namang kahit anong sabihin ko at pagpupumilit ko ay sya pa rin ang magbibitbit nun. Sumakay na kami at pauwi at nakarating din ng maayos. Agad kong sinimulan ang pagluluto habang si James naman ay pinagpatuloy ulit ang project naming dalawa. Maya maya naman ay dumating na ang tatlo kong bisita.

“Uy, par. Anong luto naten ngaun?”, agad na bungad sakin ni Ben.

“Oh, par. Carbonara. Paki kuha nga yung quikmelt sa ref.”

Agad naman kinuha ni Ben ang inutos ko at nilagay sa tabi ng mga sahog. Lumapit naman sila Jenny at Leah upang bumeso sakin.

“Ava, mukhang masarap ito ha.. Panira ka ng diet. Hehehehe.”, mahinahon na sinabi ni Leah.

“Nako Leah, ano pa bang idiet mo sayo? E ang payat mo nga? Ano idiet mo? Buto? Hahahaha! Joke lang!”, pabirong tugon namn ni Jenny kay Leah.

“Nako magtigil nga kayo at mag ayos nalang kayo ng pinagkainan natin. At tsaka kausapin nyo nga yung isa dun. May kasama po kaya ako. Ayun oh!”, sabay turo kay James.

Actually, kilala naman nila si James at matagal na nga nila toh kilala ee. Pero di talaga sila close kay James dahil si Philip talaga ang close nila.Ngayon lang talaga nila nakasama si James na walang ibang kasama ito. Lumapit nanaman sakin si Jenny. Agad naman silang nagkasundo sundo dahil hindi rin naman talaga mahirap pakisamahan si James. At isa pa ay kalog to kaya madaling makakuha ng kaibigan.

“Hhmmm. Same face, pero different personality to ha.”

“Sinabi mo pa..”, napangiti kong sinabi.

“Oo nga ee. Kalog ee.”

“Oo, di tulad ni Philip, sobrang seryoso.”, nakangiti kong sinabi.

“Oo, ang lakas nga ng sense of humor. At madali syang pakisamahan.”

“Napansin ko nga din yun ee. Di talaga tulad ni Philip. Sakit sa ulo. Hehehe.”, nakangiti pa din ako.

“Hoy, ano bang problema mo? Kanina ka pa ngiti ngiti dyan. Nagtatanong lang ako, nginiti ngiti ka pa dyan! Eherm! Jerry, don’t tell me… pati eto… nako haa… ang kati lang ha.. kapatid yan Jerry, kambal pa.”

“Oh, anong pinagsasabi mo dyan. Hindi noh!”

“Oo kasi di xa tulad ni PHILIP. Iba tlga sila ni PHILIP. E lahat ng sinabi mo may PHILIP. Aba, dapat lang. Nako Jerry ha. Si Philip ay hindi si James. Magkaiba silang tao. Kung ano man si Philip, hindi si James yun. Wag mo syang kakaibiganin kung ang rason mo lang ay dahil para syang si Philip. Mali yun.”

“Ano ka ba. Relax. Alam kong magkaiba sila. Hindi ko sila kinukumpara. Lumapit yung tao ng maayos. Ala namang pagtabuyan ko. Ang sama naman tingnan pag ganun diba?”

“Oh, basta malinaw tayo.”

Natapos na akong magluto at kumain na kaming sabay sabay. As usual, pinuri nang luto ko. Ganado talaga ako actually magluto sa di malamang kadahilanan. Masaya ako ngayon. Yun ang nararamdaman ko. Marahil dahil nakahanap ulit ako ng bagong kaibigan. At yun ay sa katauhan ni James.

Pagtapos naming kumain ay nagligpit na ang mga babae n gaming pinagkainan. Habang si Ben naman ay nagpunas ng lamesa. Si James naman ay pinagpatuloy na uli ang pagtapos sa project namin. Ako naman ay naupo muna sa sofa habang tinitingnan ang gawa ni James. Namangha ako sa nakita dahil napakagaling ni James sa pagdrawing at pagkulay. Buhay na buhay ang drawing nya.

“James, matanong ko lang. Alin ba ang akin dito? Hehehehe.”

Agad na inabot sakin ni James ang isang illustration board na ginawa nya. Namangha ako sa nakita. Ako ang nasa drawing. Nakasuot ako ng gear sa pag gera. Yung tipong Spartan. Nakataas ang isang kamay na may hawak na spada habang ang isang kamay ay may hawak na kalasag. Nakakapagtaka lang dahil ang mukha ko dun ay di galit. Malungkot ito at umiiyak. Meron ding nakalutang na mascara sa harap ng mukha ko. Maskara ng isang joker. Kita din sa picture na habang nasa ganun akong pustura ay nakaharap ako sa isang salamin at kita ang reflection ko doon. Pero imbis na reflection na naka gear din ay isang nakatayong ako lang na nakasimpleng damit ngunit walang ekspresyon sa mukha. Mukhang blangko ang utak at pati ang mga mata. Parang nakatingin sa kawalan. Hindi ko naman naintindihan ang drawing kaya tinanong ko syasa ibig sabihin nun.

“Ah.. Kasi yan ang pagkakakilala ko sayo. Hindi man kitang lubusang kilala ay kahit papano ay may naririnig naman ako tungkol sayo. Lalo na, madalas ka maikwento ng kambal ko…….”, medyo natahimik sya ng sinabi nya ang kambal nya. Pero nagpatuloy din sya. “Pansin ko kasi para kang isang warrior na lumalaban. Pilit mong pinapakita sa lahat na lumalaban ka at masaya ka, pero hindi nila alam na maskara lang yun, dahil sa loob mo ay umiiyak ka at nanghihina. Yung nsa reflection mo naman ay isang parte sa sarili mo na tinitingnan ka ng walang buhay. Pilit na nagiisip at tulala sa ano nga ba ang nagyari sa kinalabasan ng buhay mo. Ahm, parang nilalabanan mo ang sarili mo, habang ang reflection mo ay nagtataka bakit dalawang mukha na ang meron ka. Parang ganun.”

Natameme ako sa sinabi ni James. Hindi ko alam pero kuhang kuha nya ang nararamdaman ko sa ngayon. Ito na yata ang best way para idescribe ako sa mga panahong ito.

Nang bandang hapon ay nagsiuwian na ang lahat. Ako naman ay naiwan sa bahay at nakatitig sa ginawang drawing ni James. Napaisip ng malalim. Napaluha. “Eto na ba ako ngayon? Nasaan na ang dating ako?”, tanong ko sa sarili.

Nagisip isip ako nung mga sandaling yun. Nang bigla kong maalala ang sermon sa misa noong araw nay un. Ang tungkol sa pagpapatawad. Hays, kelan ko kaya magagawa ito? Kelan ako titigil sa pakikipaglaban sa sarili ko? Nasa isip ko ng panahong yun si Philip. Unti unti ko syang namis..

Mag 2nd quarter na. 3 weeks nlng at exam na. Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga bitbit ang project ko. Sumabay din samin si James sa lunch. Konting kwentuhan, tapos ay bumalik na ito sa mga kaibigan. Katabi ko noon sila Jenny, Ben, at Leah, alam kong may sinasabi sila pero di ko gaano maintidihan at masabayan. Nasa isip ko pa rin ang tungkol sa sermon at sa ginawang drawing ni James.

Nasa ganun akong posisyon ng mapatingin ako sa kabilang dulong side ng cafeteria. Nakita ko si Philip na kausap ang mga kaibigan. Halatang nagbibiruan sila dahil panay hagikhikan at tawanan ang makikita mo sa kanilang mukha. Namis ko tuloy sya lalo. Ang mga ngiting yun, na dati ay isa ko sa mga nagiging dahilan. Philip, ano bang nangyari satin……..?

Pagkatapos ng klase ay wala kaming training para sa pep kaya napagdesisyunan na naming umuwi. Pauwi n asana kami ng bigla akong napatigil sa paglalakad.

“Jenny, kain muna tayo sa labas..”

“Ha? bakit?”

“Wala lang.. Ayoko lang muna umuwi….. Tsaka gusto kita makabonding..”

“Nako Jerry ha, sige gawin mo kong tanga! Bonding?! Eh lage kaya tayo magkasama. Ang sabihin mo, may gsto kang pagusapan. Tama ba?”

Kilala na nga ko ni Jenny kahit papano. She can read whats in my head. Basa nya na ang mga kilos ko.

“Ocge na, tara na. San ba tayo kakain?”

Nagpunta kami sa mall at naghanap ng kakainan. Pagkatapos umorder at dumating ng pagkain ay di pa din ako nagsasalita. Hanggang sa kumakain na kami ay tahimik pa din ako..

“Ako nageenjoy sa dinner na to. Lalo na libre ee. Kasi bday ko tlga ngaun kaya tayo kmain ee. Hindi para magusap tayo ee.”, naka taas kilay at sarkastikong sabi sakin ni Jenny.

“Ah.. Ano kasi..”

“Tungkol saan ba…?”

“Jenny.. Ive been thinking kasi..”

“Wow! Taray! Nag iisip na sya ngaun! Charot!! Ano ba yun?”

“Si Philip…….”

“Hmmmm.. What about him? Ay teka, mis mo na sya at gusto mo na makipagayos kaso masyado mataas ang pride mo kasi nasaktan ka?”

“Ahh.. ehh..”

“Sus! Kung maghihintay ako magsalita ka, kahit pa 24 hours tong kainan na to e magsasara na lang to na di ka magsasalita jan! Gets mo? 24 hours? Magsasara? Amff.”

“Oo Jenny. Inaamin ko…”

“Hmmmm.. Guess uli. Kasi Jenny napagisip isip ko na ayoko na ng ganto. Nahihirapan na ko sa sitwasyon ee. I want to patch things up at gusto ko ng maging masaya ulit. Hindi ung saya sayahan lang. Tama ba?”

“Eh kung ikaw nlng kaya ako?! Amff..”

“Nako Jer, sabi ko naman kasi sayo, magaling ako sa ganyan. Ganto lang yan ha.. Kung gusto mo talaga maayos then alam mong mabuti mong gawin mo? Umpisahan mo sa sarili mo. Wag mo muna isipin sila. Sarili mo muna. Puro naman kasi sila. Ok, alam kong mahal mo, pero Jer, mahalin mo muna sarili mo noh..”

I guess Jenny is right.

“Jer, try mo muna admit sa sarili mo mga mali mo.. Think about everything na nangyari.. Accept mo mga mali at pagkukulang mo. Alamin mo muna self worth mo. Mahalaga yun.”

Nakakatuwa. Kasi kng tutuusin,, wala pa talaga akong sinasabi kay Jenny. Pero eto, alam nya na agad ang advice na ibibigay nya sakin. And tama sya. Tama na. Ako naman. Kung gusto ko maayos ang lahat, kailangan ko muna simulan sa sarili ko. Dati ok naman ako dba? Kasi nga, mahal ko ang sarili ko noon. Pero dahil sa nagmahal ako ng iba, akala ko dapat puro sila nlng. Pero mali pala, dapat mas mahalin ko pa rin ang sarili ko.

“Alam mo Jenny, you never fail to amuse me. Salamat sa pakikinig ha…”

“Huh?! Pakikinig?! Eh wala ka ngang sinabi jan!! Ako lang tong puro dada!! Hahahaha!!”

“Kaya nga ako nagpapasalamat kasi andyan ka at dumadada. Kasi ikaw ang nagtatapat sakin sa salamin sa twing di ko na makita ang sarili ko. Pilit mo ipinapakita sakin ang mga bagay na sinasadya kong di tingnan.”

“Jerry, matalino ka naman ee. Actually, alam mo nmn ang gagawin. Ewan ko lang ba tlga sayo bat mas pinipili mo na magpakatanga.”

“Maka-tanga naman!!”

“Eh ano pa ba tawag sayo?!!”

“Bilisan mo na nga lang kumain jan! Hahahahahahahaha!!”

Tumigil sa pagkain si Jenny at tumingin sakin at ngumiti.

“Oh, anong eksena yan?! Hahahahaha!!”

“Wala, natutuwa ako kasi narinig ko ulit after a long time ang tawa mo. Yung totoong masayang tawa.”

Ngumiti lang ako kay Jenny at tumungo sakanya.

Kinabukasan ay pumasok ako sa skwelahan ng masaya. Magaan na ang pakiramdam ko. From this day on, aayusin ko na talaga ang buhay ko. Iisa isahin ko ang mga bagay na gusto ko ayusin. Pero sisimulan ko na sa sarili ko. Nasa isip ko din na one day, makikipag ayos na ako kay Philip after ko maresolve ang issues ko sa sarili ko. Masayang masaya talaga ako at napakagaan na ng loob ko.

Pagdating ko sa gate ng school ay masigla ako. Kahit pa si manong guard ay binati ko ng isang masigla at masigasig na “Good Morning!”, pilit ko ginagaya ang pagbati noon ni Art sakin. Hays, kamusta na nga kaya sya?

Pagka akyat ko sa room ay agad kong binuksan ang pinto at sumigaw ulit ng isang masaya, masigasig, at masiglang “GOOD MORNING!!!” sa lahat. Ngiti agad ang sinalubong ko sa mga kaklase ko.

Nang makita ko si Jenny ay nakatingin ito na parang nagulat. Pero mas nagulat ako. Namutla at kinabahan. Yung tipong nawalan ako bigla ng dugo at naramdaman ang agarang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na nakaupo sa tabi ni Jenny..

“A…………..?!”

Ahm Guys Next Chapter Hahatiin ko ang Haba ng story kasi ahm baka agad matpos if lagi mahaba aahha  Thanks pala sa mga comment nyo nkaka inspire     …. Dapt mabitn kayo ahahah joke hope you enjoy .. last na to mhba .. ahm isa din plang dhlan alm nyo nmn mga tao .. pag masyado mhaba yung story minsan d n tntpos tntmad na aahhah btw thanks sainyo

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Totek (Part 8)
Totek (Part 8)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjTUycjuRHaGNuUgaaW3M5pePPx5v8a3alGnxekc5YG32JtBbzeHoS5A1QEtuSBfiVv1d6nghQs5Gtcw1F5rxBx-I8-lLomuwWP8cjGWvshca_MiAhC17SUaQEtMVn3qLCfbvx61adcFPB2/s400/13707373_1293074660748016_1960571916_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjTUycjuRHaGNuUgaaW3M5pePPx5v8a3alGnxekc5YG32JtBbzeHoS5A1QEtuSBfiVv1d6nghQs5Gtcw1F5rxBx-I8-lLomuwWP8cjGWvshca_MiAhC17SUaQEtMVn3qLCfbvx61adcFPB2/s72-c/13707373_1293074660748016_1960571916_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/totek-part-8.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/totek-part-8.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content