$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

A Beautiful Artifice (Part 10) Finale

Santuaryo is a pinoy gay indie film that centers on the unfolding narration of a young man named Archie played by Basti Romero

By: Joshua Anthony

Kinabukasan ay halos tanghali na kami gumising. Agad kaming naligo at naghanda dahil napag-desisyunan namin na kumain sa labas o kaya ay mag-drive thru na lamang at sa daan na kumain.

Nag-impake rin siya ng ilang mga gamit dahil napag-usapan din namin na dumaan kina Zeke upang kunin ang aking mga gamit at saka umuwi ng Cavite dahil bakasyon naman na. Sinabi ko rin sa kanya na sasamahan ko siya next week upang kausapin ang aming dean patungkol sa kanyang mga kulang na requirements.

Halos segu-segundo niya akong halikan kahit na sa aming paglalakad papuntang parking area. Sa loob naman ng sasakyan ay hinahawak-hawakan din niya ang aking kamay at saka ito hahalik-halikan.

"Masaya ka ba, Chard?" tanong niya habang patingin-tingin sa akin at sa daan dahil nagmamaneho siya.

"Sobra!" nakangiti kong sambit sa kanya.

"Magsisimula tayo ulit ha?" sabi niya. "Lahat ng bad memories natin in the past, papalitan natin ng mas exciting and more meaningful, happier moments. I promise."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago ipinatong ang ulo sa kanyang balikat. Hinahalik-halikan naman niya ang aking ulo.

"Kailan natin sasabihin kina Mama? Pati kina Tita Liza?" seryoso kong tanong.

"Ngayon!" bigla niyang sabi.

"Nge! Kelan nga..." natatawa ko namang sabi habang ipinupulupot ang aking kaliwang kamay sa kanyang matikas na braso.

"Ngayon nga. Kaya nga tayo uuwi diba?" sagot niya. "Hindi ka pa ba ready? Kasi ako, okay lang sa akin kahit kailan mo gusto."

"Ready naman. Alam ko naman na matatanggap nila tayo eh." tugon ko.

"Oh, 'yun naman pala eh." natatawa niyang sabi. "Tapos tonight, Skype naman tayo kina Mommy and Daddy. What do you think?"

"Okay." bigla kong sagot.

"Okay!" sabi niya na ginagaya ang aking tono. "Okay! Okay! Okay!" pang-aasar niya habang itinataas-taas pa ang mga balikat.

Natatawa ako at tumingala ng bahagya upang pagmasdan ang kanyang mukha.

"Ang gwapo talaga ng boyfriend ko oh." sabi ko sa kanya. "Swerte-swerte ko naman!"

Bigla niya akong tinignan sandali at saka ibinalik ang tingin sa daan. "Hala... Mas swerte kaya ako sa'yo." sagot niya. "Ang bait-bait mo tapos sobrang maalaga pa. Gwapo rin!"

Hinalik-halikan ko siya ulit sa pisngi na parang matandang nangigigil sa apo. "Gwapo-gwapo! Bait-bait din ng bebe ko!"

"Bebe?" natatawa niyang sabi. "Yoko nun!"

"Huh? Eh anong tawag ko sa'yo?" simangot ko sa kanya.

"Uhm... Let me think." nakangiti niyang sabi.

"Sebby Boy!" bigla kong sagot at saka tumawa ng malakas.

Natawa naman din siya at kiniliti-kiliti ako. "Sebby Boy pala ha? Yari ka sa'kin ngayon." pagbabanta niya habang patuloy akong kinikiliti.

"Stop!" natatawa kong pagpipigil.

Umayos ako ng upo at lumapit sa tabing bintana habang patuloy siyang tinititigan. Maamong mukha, nakangiting mga labi, matitingkad na mga mata.

"Sebby Boy! Sebby Boy!" patuloy kong pang-aasar.

Muli niya akong kiniliti. "Ang kulit mo ah." natatawa pa rin niyang sabi at saka tumitig din sa akin.

"Bakit ganyan ka makatitig?" tanong niya.

Sasagot na sana ako ngunit napansin ko ang pangkunot ng kanyang noo nang ibinalik ang tingin sa daan. Nagtaka ako kaya't ibinaling ko rin doon ang aking paningin.

"Holy fuck!" bigla niyang sigaw.

"S-seb?" tugon ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nakaramdam na lamang ako ng takot at nakikita na umiikot ang aking paligid. Napapapikit ako habang nararamdaman ang pagkakahawak sa akin ni Seb ng mahigpit.

Umaalog-alog ang paligid at hindi malinaw sa akin kung saan papunta ang aming sasakyan. Tumingin ako kay Seb na humahalik-halik sa aking kamay. Kitang-kita ko ang pangungusap ng kanyang mga mata.

"Sebastian! Anong-"

Agad ko na lang naramdaman ang malakas na pagtama ng aming sasakyan sa isang malaking bagay at saka nawalan ng malay.

Ramdam ko ang sakit ng aking ulo at katawan habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Dahil sa tindi ng liwanag ay hindi ko maaninag kung nasaan ako at sino ang tao sa aking paligid. Naririnig ko rin ang malakas na tunog ng aircon at ilan pang mga kagamitan sa paligid.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kamay ng isang tao na hinahaplos ang aking ulo.

"Anak... Anak?" isang pamilyar na boses. "Anak, si Mama ito."

Ilang sandali ko pang pilit na ini-adjust ang paningin sa paligid bago tuluyang pinagmasdan ang mukha ng aking ina.

"N-nasan..." panimula ko. "...tayo..."

"Nasa ospital tayo, anak." mahinahon na sagot ni Mama sa akin. "Si Papa mo ay may binalikan lamang sa sasakyan sa baba."

Nang tuluyan nang malinaw ang aking paningin ay inilibot ko ang aking mata sa paligid. Maliwanag na kwarto, maaliwalas. Ngintian ko si Mama ngunit may kung anong sinasabi ang aking isipan na pinipilit akong bumangon.

Bahagya akong kumilos at pinilit na maupo kahit papaano. Hindi man nagawang makaupo ay naiangat ko naman ang aking ulo at saka isinandal iyon sa headboard ng aking hinihigaan.

"Anak, hindi mo pa yata kaya?" pag-iingat ni Mama.

Nakita ko naman sina Zeke at Jerry na nagising mula sa couch sa tapat ng aking higaan at saka tahimik na lumapit sa akin. Nginitian ko sila at saka sinilip kung sino pa ang isang natutulog sa couch.

"Uh, si Maddie." sabi ni Zeke na parang nalaman agad ang tanong sa aking isipan. "Medyo napuyat eh." nangingiti pa niyang dagdag.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Papa kasama sina Brett at Marky.

"Chard!" biglang sigaw ni Brett nang makapasok. "Mabuti naman at gising ka na!"

Nginitian ko rin sila ni Marky. Lumapit naman sa akin si Papa at hinalikan ako sa noo.

"Kaya mo na ba? Higa ka na lang muna, anak." sabi ni Papa na nginitian ko lang din.

Sinisilip-silip ko pa rin ang pinto kung may iba pa bang papasok. Hindi ko alam kung sino ba ang hinihintay ko dahil sa totoo lang, hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyayari. Inikot ko ang aking paningin sa kanilang lahat. Para naman silang natutulala at nagtitinginan na waring hindi alam kung ano ang dapat na gawin.

"Ma?" lingon ko kay Mama. "May kulang ba?"

Hindi naman makatingin sa akin si Mama. Nalilito rin ako dahil hindi ko maalala kung sino baa ng hinahanap ko. Napapikit ako at nakita sa isipan ang mukha na may matitingkad na mga mata. Agad akong dumiilat at napaupo.

"Seb?" bigla kong sambit. "Si Sebastian, Ma? Nasaan si Sebastian, Ma?"

Nakita ko si Maddie na bumangon na rin at napapatingin sa paligid.

"Ma, Pa?" napapansin ko ang paglakas ng aking boses. "Zeke, huy! Nasaan ba si Seb? Jerry, Brett!"

Tuluyan na akong bumangon at akmang tatayo na, ngunit pinigilan ako nina Papa at Zeke.

"Pa, bakit?" takang-taka pa rin ako. "Marky! Maddie! Si Seb?"

Lahat sila ay halos hindi ako matingnan ng maayos sa mga mata. Nagyuyukuan din sila at nagtitinginan sa isa't-isa.

"Anak, kasi..." sambit ni Papa na nilingon naman si Mama na umiiyak na.

"Bakit? Pa, ano?" naiinis na ako dahil sa hindi nila pagsasalita.

"Chard, kasi..." nanginginig na tugon ni Papa. "H-hindi siya n-nakaligtas, anak."

Agad akong niyakap ni Mama. Maging sina Zeke at iba pa ay nagsimula nang lumuha. Si Jerry ay tumalikod upang lumapit sa pader at doon isandal ang katawan.

"Ilang oras din siyang unconscious, pero hindi na talaga kinaya ng katawan niya." dagdag ni Papa.

Para akong binuhusan ng malaming na tubig at saka nanghina. Bumibilis din ang aking paghinga kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin, nagsimula na lamang akong magsisigaw.

Pinapakalma nila ako, ngunit hindi ko sila pinapansin at patuloy lang ako sa pagsigaw. Tumayo rin ako at biglang hinila ang karayom na nakakabit sa aking kamay. Nagpagtirapa sa sahig at nagwala.

Kasabay ng pagbuhos ng emosyon ang pagbuhos ng mga alaala na mayroon ako kasama si Sebastian. Mga masasayang alaala na ngayon ay lungkot at sakit ang idinudulot sa akin.

"Hindi pwede, Ma!" naglulupasay ako sa sahig at pilit naman na inaalalayan nina Papa at Zeke. "Hindi totoo 'yan!"

"Anak..." pagsusumamo ni Mama.

"Sabihin niyo na hindi 'yan totoo, Ma, Pa!" patuloy kong pag-iiyak.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Zeke. "Zeke, hindi 'yun totoo 'di ba? Tol, sabihin mo naman na hindi 'yun totoo!" pagmamaka-awa ko. "Seb! Seeeeb!"

Hindi ko mawaglit sa aking isipan ang kanyang mga ngiti. Ang ningning ng kanyang mga mata. Ang aliwalas ng kanyang maamong mukha.

"Ma, Pa! Si Seeeeb!" para akong nagsusumbong sa kanila. "Maddie! Please, sabihin niyo na hindi 'yan totoo... Jerry, Brett!"

Hindi ko alam kung papaano mawawala ang sakit dahil gusto kong magalaho na rin lang. Halos mapaos ang aking boses dahil sa kakasigaw at kakaiyak. Kasabay noon ay ang pagbabalik-tanaw ko sa kanyang mga pangako. Bumuhos ang lahat ng iyon, kasabay ng kanyang mga ngiti, na parang ulan.

"Nakikita mo 'yan? Walang hindi kaya 'yan."

"Tabi lang tayo lagi. Magkasama." "Magsisismula tayo ulit ha?"

"Mas exciting and more meaningful, happier moments."

"I promise."

"Mahal na mahal kita, Chard."

Siguro ay nasa isang oras na rin akong naghihintay dito sa tapat ng isang boutique. Ang tagal kasi ng mga hinihintay ko. Pero ayos lang naman, nakalilibang din naman pagmasdan ang mga taong naglalakad sa paligid.

Halos apat na taon na rin nang iwan ako ni Sebastian. Oo, masakit at halos hindi ko kayanin. Ngunit kinaya ko. Para sa aming dalawa, kinaya ko.

Nagtapos ako ng pag-aaral at isa na ngayong guro. Hindi nga lang nangyari na sa isang pampublikong paaralan ako sa Pilipinas nagturo. Dito kasi ako sa isang primary school sa London agad nakahanap ng trabaho.

Sa awa naman ng Diyos ay nakapasa sa mga kailangan at dahil na rin siguro sa pagtitiyaga ay natanggap din. Mas mabuti na rin kung tutuusin dahil mas malaki ang sahod. Mas malaki ang maipapadala ko kina Mama at Papa sa Pilipinas. Pinahinto ko na rin kasi sa pagtuturo si Mama para sa bahay na lang sila ni Papa.

Tinulungan ako nina Tito Lance at Tita Liza na makapagturo dito. Sa kanila rin ako nakitira noong mga unang buwan ko rito. Nang makapag-ipon ay nakahanap na rin ako ng isang maliit na apartment upang matirhan.

"Dada!" sigaw sa akin ni Basty habang tumatakbo papalapit sa akin. Agad ko naman siyang nilapitan at saka kinarga.

"Hay nako, pasensiya na at late kami. Kailangan daw kasi niyan mag-poopoo, so we had to go to a fastfood to use their toilet." natatawang pagpapaliwanag ni Cha sa akin.

"No, don't worry about it." sabi ko sa kanya at saka hinalikan naman sa pisngi si Basty. "You went into a store to poopoo?"

Natawa lamang si Basty at saka niyakap-yakap ako.

"You're gonna go to school na tomorrow?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw!" makulit niyang tugon.

"Manang-mana talaga sa tatay niya! Always says, 'Ayaw! Ayaw!' all the time!" natatawang sambit ni Cha habang pailing-iling matapos akong halikan sa pisngi.

Nagbunga ang relasyon nina Seb at Cha.

Isang gabi habang ipinagluluksa namin ang bangkay ni Seb ay nagpakita sa akin si Cha at sinabi na siya nga raw ay buntis. Iyon daw ang kanyang dahilan kaya siya lumayo sa amin. Hindi ko magawang magalit noon sa kanya dahil alam kong biktima lang din siya ng sitwasyon namin kaya nagsumikap akong tulungan siyang sabihin iyon sa aming pamilya.

Wala namang pag-aatubiling tinanggap nina Tita Liza at Tito Lance si Cha bilang parte na rin ng kanilang pamilya. Isang taon matapos manganak ay tinulungan pa nila ito na makapag-aral muli at makapagtapos din. Matapos noon ay sumunod sila ni Basty dito London at nanirahan na rin dito.

Ako ang tumayong pangalawang ama ni Basty at masaya naman ako dahil napamahal na rin ako kaagad sa bata. Si Cha naman ay nagsisimula na ring maghanap ng panibagong pag-ibig.

"You ready to go?" tanong ko kay Cha na tinanguan lang ako at saka humawak sa aking braso.

"Where do you wanna eat, buddy?" pangungulit ko kay Basty na tumatawa-tawa lang din.

"There's this guy in my office who's really good-looking!" sabi ni Cha sa akin. "I gave him your number! Hahaha!"

"Wait. You, what?" natatawa kong tugon sa kanya.

Siguro nga ay nag-iiba ang ating mga pangarap. Maaaring dahil sa mga taong ating pinahahalagahan at kung minsan naman ay depende na lang din sa kung saan tayo dalhin sa agos ng buhay. Ngunit ano man ang dahilan ng pagbabago ng landas, ang pinakamahalaga ay ang gawin iyon dahil iyon ang iyong nais.

Alam kong ito ang pangarap ni Seb at ako ang tumupad. Hindi ko ipinagpalit ang sarili kong pangarap para dito.

Ito kasi ang pangarap ko. Si Sebastian ang pangarap ko.

W A K A S

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: A Beautiful Artifice (Part 10) Finale
A Beautiful Artifice (Part 10) Finale
Santuaryo is a pinoy gay indie film that centers on the unfolding narration of a young man named Archie played by Basti Romero
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s1600/A+Beautiful+Artifice.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s72-c/A+Beautiful+Artifice.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/a-beautiful-artifice-part-10-finale.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/a-beautiful-artifice-part-10-finale.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content