$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 13)

Saturday morning nasa bahay na ako nina Shayne dahil gaya ng dati kelangan ko siyang sunduin.

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

“I tried to forget you, but the harder I tried, the more I thought about you.”

Josh

Saturday morning nasa bahay na ako nina Shayne dahil gaya ng dati kelangan ko siyang sunduin. Haist, pinanindigan na talagang boyfriend niya ako kaya lahat ng lakad namin kailangan susunduin at ihahatid ko siya. Mabait naman ang Mommy niya kaya lamang gaya ni Shayne makulit.

“Josh, matanong ko nga pala, kailan ninyo pala balak magpakasal ni Shayne.” Hindi ko alam bakit bigla niya yung itinanong. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso ng juice.Nag-isip ang ako ng isasagot.

“Ahm, Tita, pag naging kami na po ni Shayne.” Nakangiti kong sagot, alam naman niya ang relasyon namin.

“You mean, hanggang ngayon hindi ka pa napapasagot ng anak ko?” Tumango ako.

“Napaka bagal na babae! Kung ako si Shayne hindi kita pakakawalan, pipikutin kita.” Ang natatawa niyang sabi saka tumabi sa akin.

“Tita, huwag kang ganyan, baka umuwi na ako at hindi na sumama sa swimming namin, lagot ka kay Shayne.” Sagot ko saka umusod palayo sa kanya.

“Ikaw talaga Josh, hindi na mabiro, alam ko naman ang tungkol sa inyo, basta ha, malaki ang tiwala ko sa iyo,”

“Nakakatakot naman kasi baka nga ipapikot ninyo ako.”

“Haha, hanapan mo na kasi ng magiging boyfriend yang kaibigan mo.”

“Ang taray Tita, kaya natatakot ang mga lalake na manligaw.”

“Ganon ba. Sabagay! Kahit ako takot diyan pag nagalit na. Ikaw lang ang nakakapagpatigil diyan. Basta ikaw na ang bahala sa kanya. At lagi kayong mag-iingat ha.” Ngumiti lamang ako sa kanya.

“O ano naman agenda ninyong dalawa, Mommy baka ibinebenta mo ako sa lalakeng iyan ha,” nakita ko si Shayne pababa ng hagdan.

“Sabi ni Tita bantayann daw kita baka magwala ka don” natatawa naman ang Mommy niya

“Mommy, huwag kang umasa na may pasalubong ka, nag kiss lang siya saka tumalikod.”

“Tita, alis na po kami.” Natatawa pa rin si Tita habang papalabas kami.

“Basta yung bilin ko ha, ingat kayo don.”

Sa Pier ang meeting place namin. And as expected napakaingay ni Dianne. Beso-beso na feeling super close na talaga kami. Pati kay Shayne ay talagang parang dati na silang magkakilala.

Nakita ko si Kenzo, nginitian niya ako.

“Kumusta ang biyahe bro?” bati niya.

“Ayus lang, as usual umaga pa lamang matrafic na.

“Oo nga, ininvite ko nga si Shayne na sa bahay na lamang kayo mag stay kagabi para hindi kayu mahirapan sa umaga. Sa San Juan lang kasi kami, kabilang bayan lamang. Sa amin nga natulog si Paul kagabi” Tiningnan ko naman si Shayne.

“O huwag mo akong tingnan ng masama, alam ko kasi ang isasagot mo, hindi pwede kasi mag prepare ka pa ng dadalhin mong gamit.” Agad na sagot nya kahit wala pa akong itinatanong.

“Wala naman akong sinabi ah.” Pagpapatawa ko.

“O baka mag LQ pa kayo nyan, may next time pa naman. Basta pag gusto ninyong magbakasyon, sabihin nyo lang, Lolo at Lola ko lang nakatira sa house namin kaya walang problema, lapit din kami sa dagat pwede kayung mag swimming.”

“Iyon naman pala e, balik na lamang tayo sa inyo bro, bakit lalayo pa tayo?” Si Kuya Paul. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin. Nakangiti siya sa amin. Wow sobrang gwapo, naka shorts lang siya at black na t-shirt pero super hot.

“Morning Sir PJ!” bati ni Shayne. Ngumiti naman siya.

“Morning Boss!” bati ko rin pagkatapos ng ilang sandali ng pagkatulala.

“Good morning Patrick, are you ready?” sagot niyang ngiting-ngiti pa rin. Pambihira talagang ngiti iyon aba, napaka perfect. Nakakasira ng katinuan. Bakit ba parang ang sarap niyang yakapin at paghahalikan.I yong mata talaga niya pag nakangiti parang nang-aakit. Ang sarap lamang niyang pagmasdan.

“Okey Guys, kumpleto na tayo, lets go!” si Miss Dianne.

“Siyanga pala, this is Jaika, my best friend. Makakasama rin natin siya. , Friend sila yung mga kaibigan ko, and he is

Kenzo yung sinasabi ko sa iyo.” Pagpapakilala niya sa isang mukang sosyalin din na babae. Lumapit naman siya kay Kenzo at nakipagkamay. Sabay-sabay kaming pumasok sa Terminal 2. Biglang parang nagkaroon ng tensiyon sa grupo kami lamang ni Shayne ang nagkukulitan habang naglalakad.

Napakatahimik ng byahe namin. Katabi ko si Shayne, Katabi ko naman sa kanan si Kuya Paul, habang nakahilig sa balikat niya si Dianne. Sa unahan naman namin si Kenzo at si Jaika na dinig kong panay ang kwento kay Kenzo. Tango lang at iling ang nakikita kong sagot ni Kenzo sa kanya.

Naramdaman kong naghikab si Shayne,

“Hey matutulog ka na naman natulog ka nga lamang sa buong biyahe natin kanina.” Bulong ko sa kanya.

“Antok talaga ako, ang aga akong ginising ni Mommy, kasi sabi mo raw maaga tayong aalis.” Pabulong niyang sabi sa akin.

“Kung hindi kita ipinagising di pagdating ko tulog ka pa. Tama lamang naman ang gising mo ah, wala pa akong 10 minutes na naghintay.”

Sagot ko sa kanya, ramdam ko na nakatingin sa amin si Kuya Paul, habang inihilig ni Shayne ang ulo nya sa may dibdib ko at iniyakap ang isang braso sa akin. Naisip ko katabi rin namin si Dianne, kailangang panindigan namin na may relasyon talaga kami, kaya niyakap ko rin siya at kunwari ay hinagod ang kanyang buhok.

“Sige, gisingin na lamang kita pag nasa Puerto na tayo.” At kiniss ko siya sa ulo saka ako pumikit.

“Excuse me Dianne, punta lang ako sa wash room.” Narinig kong sabi ni Kuya Paul kay Dianne.

“Sama ako,” bulong ni Dianne.

“Sira!” yun ang narinig kong sagot ni Kuya Paul, at naramdaman ko ang pagtayo niya.

Hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog na rin ako pero matagal pa rin iyon hindi pa bumabalik si Kuya Paul..

Nang magmulat ako ng mata tulog pa rin si Shayne pero malapit na kami. Kaya ginising ko siya. Kaso lalong hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin talagang tulog pa. Eto talagang babaeng ito napakasarap ng tulog kapag bumibiyahe. Sabagay aminado naman siya, kaya nga ayaw na ayaw niya hanggat maari ang mag drive dahil madali siyang antukin pag nasa sasakyan.

“Puerto Galera na ba?”Tanong niya habang nagkukusot ng mata at palinga-linga.

Tumango naman ako. Muli ay binuksan niya ang bag niya at nag retouch saka sinuklay ng daliri niya ang kanyang buhok. Ang ganda talaga niya kahit bagong gising mukha siyang anghel dahil sa napakaamo niyang mukha. Nilingon ko si Kuya Paul. Hindi ko alam bakit nakasimangot siya samantalang si Dianne ay naglalagay ng lipstick sa napakapula niyang lips.

Nakababa kami at nakarating sa resort na hindi ko nadinig ang boses niya. Laging sa malayo nakatingin.

“Guys, here’s your key, originally kami sana ni Jaika magkasama sa isang room, kaya lamang naisip ko na parang mas gusto kong kasama si Paul, So Jaika would you mind kung share kayo ni Kenzo ng room, nag inquire na ako, wala ng available e, buti nga napa reserve ko tong 3 rooms.”

Ngumiti lamang si Jaika, samantalang nagkatinginan si Kuya Paul at si Kenzo at nagbulungan.

Inabot ko ang susi dahil sure naman akong share kami ni Shayne sa room. Kinuha ko ang mga gamit naming dalawa at sabay kaming pumasok.

Nakita kong kasunod namin si Kenzo at si Jaika na hirap na hirap sa kanyang dala pero hindi tinulungan ni Kenzo. Naiwan si Kuya Paul, nakatayo pa rin katabi si Dianne.

Paul

Bagamat hindi talaga ako sang ayon na sumama sa swimming na pinlano ni Dianne. Wala na akong nagawa. Pumayag na raw sina Patrick at Shayne ayon kay Kenzo. Ayoko namang maging KJ. Saka gusto ko ring bantayan si Patrickl, Noong high school kasi siya takot siyang lumangoy sa malalim kasi nagka trauma yata noong minsang nag-outing ang class nila na muntikan na siyang malunod. Kaya mula noon mahirap siyang pasamahin pag swimming. Hindi ko alam paano siya nakumbinsi nina Shayne at Kenzo na sumama. Sabagay kasama ang girlfriend niya kaya siguro napilitang sumama. Mabuti na iyong naroon ako para mabantayan siya.

“Bro, daan tayo sa unit mo, kuha ka ng gamit at sa amin ka na mag stay tonight, mahirap na baka hindi ka sumipot bukas.” Biglang sabi ni Kenzo habang palabas kami ng building.

“At sino may sabi sa iyo na ikaw ang magdedecide sa gagawin ko?” sarkastiko kong sagot.

“Wala kang magagawa, nakuha ko na ang susi mo kaya sa ayaw mo at sa gusto iiwan mo ang car dito at makikisakay ka sa akin or mag taxi ka pauwi sa condo mo at mag commute papunta sa pupuntahan mo bukas kung hindi ka sasama sa amin.” At itinaas pa niya ang susi saka lumayo sa akin. Kinapa ko ang bulsa ko, wala nga ang susi ko.

“Alam mo minsan naiisip ko, kaibigan ba talaga kita?” naiinis kong tanong sa kanya.

“Wala ka namang choice kaya huwag ka nga mag inarte.”

“Dati ka sigurong miyembro ng budul-budul gang, pano mo nakuha ang keys nang hindi ko namamalayan?”

“Secret, walang clue!”

Napailing na lamang ako at huminga ng malalim saka umuna papunta sa sasakyan niya,

“Dali buksan mo na bago magbago ang isip ko at tumawag ng pulis.”

“Anong reklamo mo, kidnapping?”

“Hinde, rape!” saka ako tumawa ng malakas.

“In your dreams!”

“Bilisan mo na at baka mamaya mga tao dito ang tumawag ng pulis?’

“Bakit naman?”

“Kasi may nangyaring homicide sa parking area.” Tumawa lamang siya ng nakakaloko.

Gaya ng sinabi niya, no choice naman kaya sa halip na mainis ay tumahimik na lamang ako. Pagkababa namin ay hindi pa rin niya ibinigay ang susi. Sa halip siya ang nagbukas ng unit at saka nahiga sa kama habang naghahanda ako ng mga dadalhin. Pagkatapos gaya ng sinabi niya ay tumuloy kami sa bahay nila sa Batangas. Tulog na ang Lolo at Lola niya nang dumating kami at palibhasa kumain naman kami sa bulalohan sa Lipa kaya hindi na rin siya nag-abalang maghanda ng pagkain. Inabutan niya ako ng isang bote ng beer nang makitang nakaupo lamang ako sa terrace habang nakatanaw sa dilim.

“So anong plano?” tanong niya sa aking maya-maya.

“Plano saan? Paano ako makakapag plano e kinidnap mo na ako.”

“Ang corny mo, obvious naman na sinet up ni Dianne ang lakad na ito para masolo ka.”

“Sakyan na lamang ang kalokohan niya na sinang-ayunan mo, pero pagkatapos nito never na akong sasama, sabi ko naman sa iyo, mas bagay kayong dalawa.”

“Ewan ko nga sa iyo, ikaw nga na 99% na mabait hindi mo kinaya ang ugali non, ako pa?”

“So aminado ka na ngayon na mas mabait ako sa iyo?”

“Bilisan mo matulog na tayo, don ka na lamang ulit sa dating room ni Kuya, hindi tayo kakasya sa bed ko.” Dati na naman ako nakakatulog sa bahay nila at single nga lamang ang mga bed doon.

Pagdating namin sa pier, hindi agad ako bumaba. Nakita ko si Dianne, maya-maya ay dumating si Patrick at si Shayne. Putek, bakit ba sobrang lakas ng dating ni Patrick. Kahit naka maong lamang siya at blue na muscle shirts, parang siyang model. Nakakagigil ang itsura niya. Nakita kong nilapitan siya ni Kenzo. Alam ko naman ang intensiyon niya ang batiin si Shayne. Habang nag-uusap sila lumapit ako. Narinig kong Ininvite pala ni Kenzo si Shayne na sa kanila na rin mag stay kagabi para hindi mahirapan sa traffic pero hindi sinabi ni Shayne kay Patrick.

“Iyon naman pala e, balik na lamang tayo sa inyo bro, bakit lalayo pa tayo?” bati ko sa kanila paglapit ko. Nakita kong napatingin sa akin si Patrick at gaya ng dati iyong napaka inosente niyang mga mata. Iyon yung isa sa mga namiss ko sa kanya, iyong mga tingin na punum-puno ng paniniwala, iyon bang feeling mo lahat ng sinasabi mo sa kanya ay totoo. Ganon kasi siya dati sa akin. Kaya hindi ko magawang magsinungaling sa kanya. Ayokong sirain ang tiwalang iyon pero nangyari pa rin, nasira ko pa rin ang tiwala niya at hanggang ngayon hindi ko alam kung papaano ibabalik.

“Morning Sir PJ!” bati ni Shayne. Nginitian ko naman siya.

“Good morning Boss!” bati rin ni Patrick.

“Good Morning Patrick! Are you ready?”

Iyon lamang ang naisagot ko. Ngumiti lang siya, Gusto ko sanang sagutin na kung bawat morning ay ikaw ang makikita, hindi lang good, very good ang bawat umaga. Ang sarap sana ng usapan namin dahil nagungulit si Kenzo na next time ay sa kanila kami. Kaso lang bakit nga ba sa bawat magandang kwento laging may kontrabida at dumating na nga ang bruha.

At tinotoo ang kanyang sinabi na hahanapan ng blind date si Kenzo. Kita ko naman na nawala ang ngiti ni Kenzo, pasimple ko siyang kinindatan kasabay ang nakakalokong ngiti.

“Bwisit nga palang talaga itong ex mo, bulong niya sa akin saka ako pasimpleng siniko.”

“Karma ang tawag diyan, ikaw kasi masyadong kang excited diba dapat expect the unexpected.”

Sa loob ng barko. Magkatabi kami ni Patrick sa kaliwa niya si Shayne habang sa kanan ko naman si Dianne.

Nakakailang lamang dahil lagi siyang nakapulupot sa akin. Naramdaman ko na nagbubulungan ang dalawa sina Patrick at Shayne. Ang sweet lamang nila. Ang sakit sa tenga ng kasweetan nila parehas. Maya-maya nakita kong humilig si Shayne sa dibdib ni Pat, samantalang niyakap siya ni Pat saka hinalikan sa buhok, parang sasabog ang dibdib ko.

“Excuse me Dianne, pupunta ako sa wash room.” Bahagya kong itinulak ang ulo niya para mapalayo sa akin.

“Sama ako!”

“Sira!” yun lamang ang sinabi ko saka tumayo. Ayoko na sanang bumalik sa upuan namin, kaya lang nahihilo ako sa pagkakatayo kaya napilitan akong maupo ulit. Nakita ko naman ang naiinis na mukha ni Kenzo nakatingin habang natutulog pa rin ang dalawa. Wala akong nagawa kundi tumabi kay Dianne. Pero iniiwas ko ang katawan ko para hindi siya makasandal.

Pagkababa namin, dali-dali akong lumayo sa kanila, una, nasasaktan pa rin ako sa nakikita kina Pat at Shayne pangalawa ay naasiwa na talaga ako sa ginagawa ni Dianne. Lumapit lamang ako sa kanila nang makita kong padating si Dianne dala ang susi.

“Guys, here’s your key, “Nakatingin siya kina Patrick.

“Originally kami sana ni Jaika ang magkasama sa isang room, kaya lamang naisip ko na parang mas gusto kong kasama si Paul, So Jaika would you mind kung share kayo ni Kenzo ng room, nag inquire na ako, wala ng available e, buti nga napa reserve ko tong 3 rooms.” Ngumiti lamang si Jaika, samantalang nakatingin sa akin si Kenzo.

“Pwede bang umuwi na lamang ako,” bulong ko kay Kenzo na kita ko rin ang sama ng mukha.

“Bro, sasama ako kung uuwi ka, ngayon ako naniwala na tama ka nga, mali ang desisyon ko na ituloy ito,” ang halos nakasimangot na niyang bulong.

“So naniwala ka na sa karma?” Tumango lamang siya na parang bata.

Pagkapasok namin, nagpalinga-linga muna ako. Malaki ang room, pabagsak akong naupo sa sofa, samantalang si Dianne ay inayos ang mga gamit niya sa cabinet.

“Akina iyang mga damit mo, ilalagay ko dito para hindi malukot” sabay lapit sa akin at kukunin sana ang bag ko.

“Huwag na, hindi na kailangan.”

“Ang arte naman, amin na nga.”

“Hoy Dianne, magpasalamat ka na at sumama ako dito. Huwag ka ng mag expect ng higit pa roon.” Nakasimangot kong sagot sa kanya.

“E di salamat, ang sungit mo pa rin.”

“At ipinapaalala ko lamang sa iyo, hindi tayo magkatabing matutulog, its either you sa kama at dito ako sa sofa or dito ka at doon ako. Kung ayaw mo bibigyan kita ng dalawa pang choices, sa labas ako magpapalipas ng gabi or uuwi ako ngayon din.”

“Hayy, bakit ka ba ganyan sa akin, ano ba talagang naging kasalanan ko sa iyo.”

“Huwag ako ang tanungin mo, mas alam mo ang sagot.”

“Please Paul, mag-usap naman tayo ng matino, hindi iyong lagi kang galit.”

“Wala ako sa mood. Pasensiya na” saka ako lumabas at naglakad papuntang tabing dagat.

Josh

Pagkapasok namin ng room, mabilis akong nahiga sa kama, nakita ko naman si Shayne na nakatingin sa akin.

“O, what’s the meaning of that look?”

“Wala, masama ka bang tingnan?”

“Shayne, wala akong tiwala diyan sa mga ngiti mong iyan, pinapaalala ko lamang sa iyo, huwag mo akong pagsasamantalahan ha, at promise papatayin kita kahit pulis pa ang tatay mo.”

“Ang kapal ng mukha nito, gwapo ka nga malisyoso ka naman.”at tinaasan na naman ako ng kilay niya, Alisin ko kaya ang kilay niya kapag natutulog, ano kaya ang reaction niya pag gising.

“Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Mukha ba akong rapist?”

“Oo!”

“Ganon ha,” sabay lapit sa ‘kin at kiniliti ako. Alam niya kung saan ang kiliti ko kaya para alisin niya ang kamay niya ay kiniliti ko rin. Nagsisigaw naman siya habang nakadagan sa akin. Napaka eskandalosa talaga ng babaeng ito. Nang biglang bumukas ang pinto.

“Guys are you o… Oh my. Sorry, tatanong ko lamang sana kung ok kayo at yayain ko na sana kayong mag lunch.”

Gumulong si Shayne sa tabi ko, at saka yumakap sa akin.

“We’re fine Miss Dianne, thanks for asking, don’t worry susunod na rin kami in a while.” Maarte niyang sagot. Hindi naman ako nakapagsalita.

Mabilis din siyang nagpaalam at isinara ang pinto.

Itinulak ko naman si Shayne. “Abusada! Nanantsing ka lang” sabay tawa ng malakas.

“Haha, nakita mo ba ang pag ka shock ng babaeng Christmas Tree?”

“Luka-luka, hilig mo talaga sa ganyan, dapat nag artista ka na lamang, best actress ka siguro.”

“Ayokong pagkaguluhan ng fans!”

“Naniwala ka naman? Dali mong utuin. Pero maiba ako hindi ko talaga alam kung ano ang nasa utak ng babaeng iyon.”

“Baka pipikutin niya si Kuya Paul, remember magkasama sila sa iisang room?”

“Hindi pala ikaw ang papatayin ko siya pala…hahaha!”

“Bukam bibig mo na talaga ang pagpatay ano?” Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natahimik sandali. Pero may naalala ako.

“Ano sa palagay mo ba papatulan ni Kenzo yung Jaika?”

“Who knows, kung parehas ang taste ni Kuya Paul at ng bestfriend niya, malamang kasi mukhang kagaya rin ni Miss Dianne yung Jaika e.”

“Sana patulan na lamang niya.”

“Kawawang mga lalake, mga walang taste, hey, pinagseselosan mo ba si Kenzo?”

“Hinde!”

“Ipokrito!”

“Tara na, labas na lang tayo at baka kung anu-ano na ang iniisip ng mga yon sa atin, tiyak naikwento na ni Miss Dianne ang nakita niya.”

Paglabas namin si Miss Dianne lamang at si Jaika ang nasa table. Nasaan kaya ang dalawa.

“Oh here you are, kain na tayo. Mamaya na raw kakain yung dalawa. Wala pa raw silang gana. Kain na tayo tapos swimming na tayo ha. Don muna tayo sa swimming pool sa likod habang mainit, maganda ron covered yun tapos mamayang hapon na tayo sa dagat” Malambing na anyaya ni Miss Dianne, nakangiti naman sa amin si Jaika.

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa room para magpahinga, nakahiga ulit ako sa bed habang si Shayne ay nag-aayos ng mga gamit namin.

“Josh, hindi mo ba naisip para tayong mag-asawa ngayon, nasa loob ng iisang room, iisa ang kama at magkasama sa cabinet ang mga damit natin?

“Para lamang, pero hinde.”

“Hmp, antipatiko, hindi man lamang sakyan ang wishful thinking ko.”

“Ayoko, ayokong magkatotoo ang wish mo na yun.” Nang biglang may kumatok sabay bukas ng pinto. Si Dianne. Ano ba talaga ang babaeng ito hindi kaya naturuan ng salitang privacy. Bigla-bigla na lamang pumapasok.

“The pool is waiting, come on guys!” saka isinara ulit ang pinto. Napatango na lamang kami ni Shayne.

“Ano yun coordinator natin o tour guide?” natatawa tanong ni Shayne sa akin.

“Well at least may silbi siya, aside from being walking Christmas tree!”

“Ang rude mo, nagpapaka kind na nga yung tao, nilalait mo pa.

“Wow, a little concern?”

Paul

Nakakainis talaga, mali ang desisyon ko na sumama dito. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos naming magtalo ni Dianne. Hindi ko matagalan na kasama siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit lahat ng ginagawa niya ay nakakainis. Minsan naawa na rin naman ako sa kanya kaya lamang, bakit hindi siya makaintindi sa sinasabi ko. Ang gusto ko lamang naman ay lubayan niya ako. Ilang ulit ko na bang sinabi sa kanya na imposible na ang magkabalikan pa kami.

Nagkalad ako sa may buhanginan pero may kainitan pa pati ang singaw ng buhangin ay mainit. Lalong nakakainit ng ulo. Maganda sana ang tubig at madalang ang tao pero hindi ko maappreciate dahil sa pagkainis ko kay Dianne. Nakakita akong ng isang puno na nakabuwal na may mga mga malalaking bato sa ilalim. Tamang-tama na pagpahingahan. Naupo ako sa buhangin pasandal sa isang makinis na bato at pinagmasdan ang tahimik na dagat. Hindi pala maganda ang dagat kapag walang alon. Ang kulay blue niyang tubig ay para bang isang malawak na kalungkutan. Ganito rin siguro ang buhay ang boring pag walang challenge pero kapag puro challenges naman hindi rin okey dahil parang dagat na binabagyo hindi mo rin maappreciate ang ganda. Maya-maya ay may narinig akong tunog ng gitara. Nang lingunin ko si Kenzo.

“Nakahiram ako ng gitara at magpapalipas sana ng oras nang matanawan kitang naglalakad, naisip ko mas kailangan mo ito kesa sa akin. “ nakangii niyang bati.

“Aminin mo na alam mong mas magaling akong mag gitara kesa sa iyo.” Sagot ko.

“Oo na, haha, ikaw na ang super man.”

“Kumusta naman kayo ni Jaika, kayu naba?

“Bwisit ang babaeng iyon, ang daldal”

“Haha, and then.”

“And then ka diyan, hindi nauubusan ng kwento, hindi naman ako intresado, saka tuwang tuwa sa mga jokes niya, ang corny naman.”

“Tapos?”

“Tapos na, nagka pagkakataon ako, naalala ko na nakita ko to sa reception sabi ko hihiramin ko lamang. Akala niya tutugtugan ko siya kaya excited. Hindi ako bumalik sa room at naglakad-lakad lang sakto nakita kita.”

“Ngayon naniniwala ka na sa akin na hindi ka dapat pumayag na pumunta dito?”

“Oo na, huwag mo na akong sisihin,” saka iniabot sa akin ang gitara. Nagsimula naman akong tumugtog.

“Ano gusto mong kantahin?”

Madalas kaming ganon pag nasa amin, tutugtog ako tapos kakanta siya. Aliw na aliw nga si Mama sa boses niya dahil napaka lamig daw pakinggan.

“Wala ako sa mood kumanta, ikaw na lamang.” Ang wala saloob niyang sagot.

Kumanta ako yung isang love song, habang naupo siya at nagbabato ng maliliit na bato sa buhangin.

“Bro, naalala mo iyong kinanta mo ng mag videoke tayo bago ka pumunta ng Germany?

“Ang dami kong kinanta noon, gago ka kaya non, pinakanta mo ako nang pinakanta. Namamalat nga ako kinabukasan”

“Yung last na kinanta mo yung luma.”

“Ah yung For Just a Moment?”

Noon kinanta ko yun kasi naalala ko si Patrick. Parang lahat ng nangyari sa amin are Just for a Moment, Parang panandaliang saya lamang at pagkatapos wala na. Inisip ko kasi noon hindi na kami magkikita pang muli. Pero mali, nagkita kami ulit. Kaya lamang nagkita lang hindi na rin nadugtungan ang dating saya.

“Yeah, yun nga, kantahin mo nga ulit.”

We laughed until we had to cry

And we loved right down to our last goodbye

We were the best I think we'll ever be

Just you and me

For just a moment

 

We chased that dream we never found

And sometimes we let one another down

But the love we made

Made everything alright

We shone so bright

For just a moment

 

Time goes on

People touch and they're gone

And you and I will never love again

Like we did then

 

Someday, when we both reminisce

(We'll both say)

We'll both say there wasn't too much we missed

And through the tears

(And through the tears)

We'll smile when we recall

We had it all

For just a moment

 

Time goes on

(Oh)

People touch and then they're gone

But you and I will never really end

We'll never love again

Like we did then

 

We laughed until we had to cry

And we loved right down to our last goodbye

Pagkatapos kong kumanta tahimik lamang siya.

“Bakit gusto mo yung kanta?” tanong ko sa kanya, habang tumutugtog pa rin.

“Kasi ang ganda ng lyrics.”

“Akala ko ba ayaw mo ng emo, sabi mo ako lang yun at hindi bagay sa iyo.”

“Wala lang parang naisip ko lamang ang pagiging masaya is just for a moment lamang? Noong kinanta mo iyon sabi ko ang ganda bagay na bagay sa pag-alis mo. But later narinig ko iyon sa radio narealize ko mas tama yata sa akin yun kasi parang pagkatapos kong maging masaya kasunod noon lungkot na. Noong bata pa ako pag dumating ang parents ko ang saya, after a few days wala na ulit. Nang mag highschool ako ang dami kong naging girlfriends pero puro pansamantala lang naghihiwalay din kami, hanggang naging kami ni Jaanah akala ko forever na iyon, yun pala, pansamantala lang den.”

“Bro, batukan kaya kita, ang lakas mong maka emo ngayon ah, inlove ka ba?”

“Oo”

“Kay Jaika?”

“Ihataw ko kaya sa batok mo iyang gitara, hindi na baling magbayad ako.”

“Kanino nga?”

“Sa iyo!” sabay tawa ng malakas

“Tadyakan na lamang kita, ayoko nga sa iyo.”

“Lalong ayoko sa iyo, kumanta ka na lamang hindi bagay sa ‘yo ang magpa cute.”

“Cute talaga ako at hindi ko kalangang magpa cute, itaga mo iyan sa ulo mo.”

Natawa lamang ako kasi si Patrick lamang ang nagsasabi sa akin ng ganon. Putek naman kasama na naman siya sa mga naiisip ko. Kailan kaya ako tatantanan ng memories niya.

Nakita ko si Kenzo tahimik at nakatingin lamang sa dagat.

“Naalala mo si Jaanah?” Hindi siya kumibo.

“Umaasa ka pa rin ba na babalikan ka niya?”

“Hindi na, naisip ko lamang ang mga nasayang naming mga pangarap. Ang dami naming plano. Sa lahat ng plano ko kasama siya.”

“People touch and they're gone , And you and I will never love again, like we did then”biro ko sa kanya habang kumakanta. Tumingin naman siya sa akin.

“Ikaw ba tanggap mo na talagang hindi na kayo pwede ni Patrick?” halos pabulong niyang tanong sakin.

“Iyon ang gusto kong gawin pero masakit pa rin hindi ko alam hanggang kailan ko mararamdaman ito. Ikaw ba, naka move on na sa kanya? Ang duga mo naman kasi ayaw mong sabihin sa akin ang totoo, pero madalas naman kitang makitang tulala.”

“Gago ka ba, kung pareho tayong depress anong mangyayari sa atin parehas baka magpakamatay na lamang tayo ng sabay.”

“Ang sagwa no’n bro, pag nagpakamatay tayo ng sabay, parang Romeo and Juliet lang, lalong iisipin ng mga tao may relasyon tayo.”

“Kaya nga kelangan kong maging strong para sa iyo.”

“Thanks bro, pero kung hindi mo na kaya, pwede ka namang sumuko, pwede rin naman ako ang magpalakas ng loob mo.”

“Bro, walang biro, tinamaan talaga ako kay Shayne. Kaya lang ang hirap, kailangan kong maging kontrabida sa kwento nila. Hindi ko matanggap na pang villain ang itsura ko dapat bida ako e.”

“Ayaw mo ba non para bago naman?”

“Ayoko bro, madalas namamatay ang kontrabida sa end of the story.”

“Minsan naman nagiging hero bago mamatay?”

“Pero namatay pa rin.”

“At least hero.”

“Tang ina naman pare, patayin mo na lamang kaya ako, kanina ko pa napapansin gustung-gusto mo akong mamatay.”

“Gago, natatawa lamang ako kasi parehas tayo, parang pag ipinilit natin ang gusto nating mangyari magiging kontrabida tayo sa love story nila at kailangan nating sirain ang magandang relasyon nila.”

“Ang saklap ng kapalaran natin, sige kanta ka na lamang ulit, yung masaya, puro ka dramahan naman ang pinag-uusapan natin.

“Anong gusto mong kantahin ko?”

“Bahala ka, kahit ano!”

“May alam akong kanta, bagay sa iyo,”

“Ano yun?

“Alam mo ba yung Die a Happy Man?”

“Oo gusto ko yun, sige, Thomas Rhett?” Tumango ako.

Baby, last night was hands down

One of the best nights

That I've had no doubt

Between the bottle of wine

And the look in your eyes and the Marvin Gaye

Then we danced in the dark under September stars in the pourin' rain

 

And I know that I can't ever tell you enough

That all I need in this life is your crazy love

 

If I never get to see the Northern lights

Or if I never get to see the Eiffel Tower at night

Oh, if all I got is your hand in my hand

Baby, I could die a happy man

 

Happy man, baby

Mmm

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 13)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 13)
Saturday morning nasa bahay na ako nina Shayne dahil gaya ng dati kelangan ko siyang sunduin.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/ang-tangi-kong-inaasam-part-13.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/ang-tangi-kong-inaasam-part-13.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content