$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

My Innocent Lover (Part 9)

By: Lord Iris Hi Guys! Dumadami na ang bashers ni Cyril hahahah. Pero aminin niyo, natatawa kayo sa character niya hahahah. Sa mga nagsasabi...

By: Lord Iris

Hi Guys! Dumadami na ang bashers ni Cyril hahahah. Pero aminin niyo, natatawa kayo sa character niya hahahah. Sa mga nagsasabi naman na hindi na believable eh ok lang. Magpopost pa naman sana ako dito ng story na magic realism ang genre pero 'wag na lang, baka kasi 'di rin believable hahahah.

I'm fictionist ok? Pasensya na kung hindi ko kayang abutin 'yung "believable" na standard para sa inyo.

Btw... Even you bash me or what. I won't fall as long as may mga sumusuporta sa akin. Jusme! Marami akong problema sa buhay na posibleng mas malaki pa sa problema niyo at my young age. Wala akong lugar para isipin ang negativities niyo ahahhah.

Naiintindihan ko rin naman kahit papaano kung bakit inis kayo kay Cyril. Masyado na kasi kayong open minded.

Salamat sa lahat ng mga sumusuporta at tumatangkilik sa story ko na ito. 'Wag kayong mag-alala, kapag lumabas ang conflict ay lalo kayong maiinis kay Cyril. I love you all!

.....

Cyril POV

"Paulit! Anong sabi mo Cy? Love mo ako? Ulitin mo! Gusto ko marinig!" Seryosong sabi ni Eros.

Napatakip na lang ako sa bibig ko...

"Babydoll!!! Narinig ko yun eh! Nag I love you too ka sakin! Ulitin mo!!! Wala ng bawian hahahahha." Tumatawang sabi ni Eros.

Babydoll niya ako? Hahahhaha parang kinikilig ako...

Pero hindi! Hala! Anong gagawin ko? Di ko alam kung anong isasagot ko. Paano na si Luther? Baka umiyak si Luther. Ayoko maka-sakit ng tao...

Di ko naman alam kung bakit lumabas sa bibig ko yun eh...

"Cy... Pag di ka sumagot... Hahalikan na kita." Nakangiting sabi ni Eros.

Umiling-iling ako ng mabilis dahil sa kaba... Ayokong magsinungaling. Di ko kaya magsinungaling pero ayoko din masaktan si Luther...

"Mmm... Sir baka hinahanap po ako ni Era. Pupuntahan ko po siya..." Natataranta kong sabi.

Aalis na sana ako ng bigla na lang hawakan ni Eros ng mahigpit ang kamay ko...

"No! Dito ka lang! Tell me!!!! Tell me that you love me!!!" Sigaw ni Eros at parang nagiging devil na naman siya.

"Sir... Ano po kasi eh... Mmmm..." Di ko matapos na sabi.

"Spill it out! Ano bang masama kung mahal mo din ako?" Tanong ni Sir na halatang galit na.

"Ayoko po na masaktan si Luther." Naiiyak kong sabi.

"Anong gusto mo? Pagsabayin kaming dalawa ganun? Pumili ka samin!" Sigaw sa akin ni sir.

"Mahirap po yun..." Sabi ko kay Eros.

Nilapit ni Eros ang mukha niya sa akin at ramdam ng mga labi ko ang mainit niyang hininga...

"Alam ko na-pressure ka pero gusto mo bang tulungan kita na mag-decide?" Nakangiti niyang tanong na parang may ibang iniisip.

Parang konti na lang ay bibigay na ako... Gusto kong sabihin na mahal ko din siya pero importante din sa akin si Luther...

"Paano po?" Kinakabahan kong tanong.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa...

Bigla niya akong hinalikan sa labi...

Parang huminto lahat ng nasa paligid ko at hindi ko alam ang nangyayari...

Ang sarap sa pakiramdam... Ang lambot ng mga labi ni Eros... Passionate siya... Ang gentle ng pagkakahalik niya...

Naalala ko... Iba to nung nahalikan ko siya dati nung napatid ako. Mas mainit... Mas masarap sa pakiramdam...

Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakahalik sa akin...

Hinawakan ni Eros ang mga pisngi ko at tinitigan niya ako sa mga mata ko...

Salamin ang mga mata sa kaluluwa. Magkahalong lungkot at saya ang nakikita ko sa mga mata niya...

"I love you Cy... I can't afford to loose you." Seryoso niyang sabi.

Ramdam ko ang mainit na mga palad ni Eros sa mga pisngi ko...

Medyo naiilang ako... Nahihiya ako sa sarili ko...

"Kuya Cyril!!! Kuya Cy!!!! Kuya Eros!!! Nasaan po kayo???" Rinig kong sigaw ni Era sa labas.

Naka-lock ang pinto kaya mukhang hinahanap na kami ni Era...

"Sabi ko sa inyo sir eh... Hinahanap na po ako ni Era." Natataranta kong sabi.

Lumabas na kami ni Eros at nakita nga namin si Era sa hallway kasama si Luther na nakatitig sa amin...

"Anong ginawa niyo sa loob?" Seryosong tanong ni Luther.

"Gumawa ng baby haaahaahaah." Biglang sabi ni Eros.

Nanlaki ang mga mata ko at natataranta ako!!!

Biglang sumama ang tingin ni Luther kay Eros pero tawa lang ng tawa si Eros...

"Hala! Hindi Luther! Nag-usap lang kami ni Eros!" Kinakabahan kong sabi.

"Talaga? Akala ko kung ano na eh..." Sabi ni Luther.

"Cy... Aminin mo na kasi... Nag-love making tayo kanina..." Natatawang sabi ni Eros.

"Eros ano ba? May bata oh!!!" Sabi ni Luther at itinuro niya si Era.

"Ay sorry!!!" Biglang sabi ni Eros pero natatawa pa din siya.

"Ano po yung love making?" Tanong bigla ni Era.

"Mmm... Ano yun eh... Basta! Ginawa namin yun ni Kuya Cy mo kanina." Sabi ni Eros kay Era.

"Eros!!!!!!" Sigaw ko.

"Umayos ka nga Eros! Di nakakatuwa mga biro mo... Ang manyak mo!!!" Inis na sabi ni Luther.

"Manyak? Ako??? Tingnan mo nga sarili mo naka-boxers ka lang!" Sabi ni Eros kay Luther.

At ngayon ko lang napansin... Wala ngang suot si Luther kundi boxers...

Nagwawala ang abs ni Luther...

"Luther magbihis ka naman..." Sabi ko sa kanya.

"Iisipin ko pa ba yun? Eh pano kung na-rape ka na ni Eros edi huli na ako?" Sabi ni Luther.

"Anong rape? Mutual decision kamo." Natatawang sabi ni Eros.

"Eros uupakan na kita!" Inis na sabi ni Luther.

"Sige ba!!!" Sabi ni Eros at parang mag-aaway ng sila.

"Uy ano ba???? Napaka-immature niyo naman!!! Subukan niyo mag-away at wala akong kakampihan sa inyong dalawa." Sabi ko.

"Sorry Babydoll ko..." Sabi ni Eros.

"I'm so sorry my Angel..." Sabi naman ni Luther.

"Nakakakilig po hahahahha." Biglang sabat ni Era.

Parang namumula na naman ako...

"Kuya gutom na po ako... Breakfast po tayong dalawa... Iwanan na po natin yan sila kuya. Yaan po natin sila hahahah." Sabi ni Era at bigla niya akong hinatak.

So yun... Nag-breakfast kami ni Era at tinakbuhan namin sila Eros at Luther kasi naman... Parang mga bata mag-away... Dinaig pa kami ni Era...

At dahil di ako kumakain sa umaga ay pinilit pa ako ni Era...

"Kuya... Favorite ko po yung inorder natin..." Sabi ni Era.

"Anong inorder mo Era?" Tanong ko.

"Red velvet po na cake." Sabi niya sa akin.

"Hala! Talaga Era? Favorite ko din yun eh kaso minsan lang ako bumibili kasi mahal yun." Sabi ko sa kanya.

"Edi pareho po pala tayo ng favorite na cake hhahah." Sabi ni Era.

"Favorite din yun ng mama ko! Kaso wala na siya... Pero naalala ko dati nung buhay pa siya palagi niya yung pasalubong sa akin." Natutuwa kong sabi kay Era.

"Po? Eh favorite din po yun ni papa... Nagmana po yata ako kay papa..." Sabi sa akin ni Era.

"Ganun? Ang galing naman hahahha." Sabi ko sa kanya.

"Kuya... Kapag si Kuya Luther po ang sinagot niyo... Kapatid niyo pa rin po ako ah?" Malungkot na tanong ni Era.

"Syempre naman! Pero wag mo isipin yun Era... Problema yun ni Kuya Cy mo." Sabi ko sa kanya.

"Thank you po! The best po talaga kayo! Mas gusto ko pa po kayong kuya eh... Sana po kayo na lang ni Kuya Eros." Sabi niya.

Hindi na ako nagsalita... Ngumiti na lang ako sa kanya...

Nakakatuwang bata... Parang kapatid ko na talaga siya at sobrang close namin ni Era... Matalagal ko na kasing gusto na mag-karoon ng kapatid...

"Hoy Cyril!!! Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh..." Biglang sabi ni Eros.

Lumingon ako at mukhang hingal na hingal na siya... Pawis din siya...

"Bakit po kayo hinihingal?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang hinanap ko kayo ni Era!!!" Sigaw ni Eros.

Halatang nagpipigil ng tawa si Era...

Lumapit si Eros kay Era at...

"Era... Tulungan mo ako... Magpasama ka kay Luther na mag-swimming para ma-solo ko si Kuya Cyril mo." Sabi ni Eros kay Era.

"Sige po Kuya! Ubusin ko lang po itong favorite cake namin ni Kuya Babydoll..." Nakangiting sabi ni Era.

Enebeyen... Pati si Era babydoll na din ang tawag sa akin...

"Sige Era... Alis lang kami ni Kuya Cyril mo ha? Ingat ka... Bibigyan kita ng gift pagbalik natin sa bahay... Bye!" Sabi ni Eros at bigla niya akong hinatak.

Hinatak ako ni Eros at hindi ko talaga alam kung saan niya ako dadalhin...

"Eros saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hinahatak niya ako.

"Sa langit..." Nakangiti niyang sabi habang hinahatak ako.

Parang namula na lang ang mga pisngi ko dahil nag-iinit ang mga pisngi ko...

Hinayaan ko na lang na hatakin ako ni Eros... Bahala na siya kung saan niya ako dadalhin...

Nakarating kaming dalawa sa isang malawak na bermuda at may malaking puno doon sa dulo... Huminto kami ni Eros at umupo siya doon sa tabi ng puno...

"Cyril babydoll ko... Upo ka dito sa tabi ko please..." Malambing at nakangiting sabi ni Eros.

Parang kinikilig ako... Natutuwa ako at nakangiti na si Eros at malambing na siya ngayon...

Lumapit ako at umupo ako sa tabi ni Eros. Nakasandal kaming dalawa sa malaking puno...

"Cyril... Lapit ka sakin dali... May ibubulong ako sayo." Nakangiting sabi ni Eros sa akin.

"Tayo lang naman po dito eh... Bakit may ibubulong pa po kayo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta... May ibubulong ako sayo." Nakangiti niyang sabi.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at iniintay ko ang ibubulong niya sa akin...

"Lapit pa... Ang layo mo pa din eh... Baka may ibang makarinig." Nakangiting sabi ni Eros.

Nilapit ko na ang mukha ko sa kanya at halos idikit ko na ang tenga ko sa mga labi niya...

Bigla akong hinalikan ni Eros sa pisngi at nabigla ako...

Napatitig ako sa kanya nakangiti lang siya sa akin... Umiwas na lang ako ng tingin kay Eros...

Eros POV

Cyril... Habang tinititigan ko ang napaka-inosente niyang mukha ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya...

"Cy... Sandal mo naman yung ulo mo sa balikat ko..." Sabi ko sa kanya.

Parang alanganin pang sinandal ni Cyril ang ulo niya sa balikat ko pero tinuloy niya pa din... Mukha namang komportable siya sa akin...

"Cy... Masaya ka ba ngayon?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Syempre naman po... Masayang-masaya po ako." Natutuwa niyang sagot sa akin.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang mga nagpapasaya sayo?" Tanong ko sa kanya.

Gusto kong malaman ang mga bagay na nagpapasaya kay Cyril. Gusto ko na maging masaya siya... Gusto kong ibigay lahat ng kailangan niya...

Nilagay ni Cyril ang daliri niya sa baba niya at halatang nag-iisip...

"Masaya po ako dahil marami po akong dapat ipag-pasalamat." Nakangiti niyang sabi.

"Huh? Tulad ng ano?" Tanong ko.

"Mabait ka na po... Napapangiti na po kita... Nakakasama ko po si Era... Nakakapag-aral po ako ng maayos at nandiyan po si Luther at kaibigan ko siya." Nakangiti niyang sabi.

Ang simple niyang tao... Masaya siya sa mga simpleng bagay... Di ako nagkamaling mahalin ang Cyril ko...

"Eh... Ano naman ang mga bagay na magpapasaya sayo?" Tanong ko ulit.

"Mga bagay? Wala po..." Masaya niyang sabi sa akin.

"Wala? Imposible!" Sabi ko sa kanya.

"Masaya po ako na nakakapag-aral. Pangarap po ni mama na maka-tapos ako eh... Kaya gagawin ko po ang gusto ni mama." Nakangiti niyang sabi.

Gusto ko pa siyang makilala... Gusto ko siyang angkinin...

"Anong pangalan ng mama mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Carmen... Carmen Cortez. Matagal na pong patay si mama." Sabi ni Cyril at mukhang nalungkot siya.

"Sayang... Di ko na makikita ang biyenan ko..." Nakangiti kong sabi.

"Biyenan talaga Eros?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Syempre naman! Papakasalan pa kita eh..." Nakangiti kong sabi.

"Ta...talaga po?" Nauutal niyang tanong sa akin.

Tumango ako sa kanya... Totoo naman talaga... Papakasalan ko si Cyril sa ibang bansa once na maging kami! Babakuran ko na siya...

Parang namumula na naman ang mga pisngi ni Cyril... Hahahah kinikilig siguro siya. Ang cute niya talaga...

"Ikaw na lang ba mag-isa? Wala ka bang ibang kamag-anak?" Tanong ko ulit kay Cyril.

"Wala po... Wala po akong kilala." Sabi niya sa akin.

"Kung ganun... Kami na ni Era ang bago mong family... Ako ang papa at ikaw ang mama..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti na lang din si Cyril... Napaka-sweet niyang ngumiti...

"Hindi ka ba nahihirapan sa buhay mo Cyril? Aral sa umaga... Trabaho sa gabi. Di ka ba napapagod?" Tanong ko ulit.

Umiling-iling siya sa akin at...

"Masaya po ako sa buhay ko... Sanay po akong di natutulog." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pakasalan mo na kasi ako... Pag pinakasalan mo ako... Ang gagawin mo na lang ay pasayahin ako sa bed at ibibigay ko lahat lahat ng gusto mo... Ikaw ang magiging mundo ko..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Pasayahin sa bed? Ano po yun?" Inosente niyang tanong.

Nagpipigil na lang ako ng tawa... Napaka-inosente talaga...

"Eros bakit naman kita papakasalan? Di naman tayo." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Kaya nga... Sagutin mo na ako tapos pakasalan na kita." Sabi ko sa kanya.

Umiling-iling ulit siya at...

"Sabi po ni mama dati... Magtrabaho daw po muna ako bago ako magpakasal..." Nakangiti niyang sabi.

"Yun naman pala eh! Diba nagtatrabaho ka na? Oh edi pwede ka nang magpakasal pagkatapos mo mag-aral." Nakangiti kong sabi.

Di siya maka-sagot... Halatang na-corner ko siya hahahha...

"Cyril... Miss mo na siguro ang mama mo no? Ako din eh... Miss na miss ko na si mama ko." Sabi ko sa kanya.

"Opo miss na miss ko na si mama..." Sabi ni Cyril at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Bakit ba nawala si mama mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Nagkasakit po siya eh... Yung panahon po na yun ang pinaka-madilim sa buhay ko. Halos hindi ko po kayanin ang mga naranasan ko..." Sabi ni Cy at mukhang naiiyak siya.

"Pwede ko bang malaman lahat? Pwede mo bang i-kwento sakin ang naging buhay mo noon?" Tanong ko ulit sa kanya.

Tumango si Cyril at...

"Masaya po ako noon kahit kaming dalawa lang ni mama ang magkasama sa buhay. Wala po kaming ibang kamag-anak..." Sabi ni Cyril.

"Kaso nagkasakit po si mama... May leukemia po siya nun. Naubos po ang pera namin..." Sabi ni Cy at parang nalulungkot na siya.

Nakinig lang ako sa kwento habang nakatitig sa kanya...

"Araw-araw ay nasa ospital ako para bantayan si mama... Ako ang nagdo-donate ng dugo sa kanya kahit underage pa ako para lang madugdungan ang buhay niya..." Sabi ni Cy at parang tutulo na ang mga luha niya.

"Lahat ng trabaho na kaya ko... Pinasok ko para lang mapagaling si mama pero wala... Kinuha din siya sa akin. Wala akong masandalan... Nasanay akong mag-isa." Seryoso niyang sabi.

Hindi ko alam na sobrang sakit pala ng pinag-daanan ni Cyril...

Ngayon alam ko na... Kahit kelan hindi ko siya papaiyakin...

"Nasaan ang papa mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Di ko po siya kilala eh... Ang sabi po ni mama boss niya daw po si papa. Nung nabuntis daw po siya ay di daw naniwala si papa tapos nagpakasal siya sa iba... Ayos lang naman po... Masaya naman ako kay mama..." Nakangiti niyang sabi.

"Ang gago naman ng papa mo! Di mo ba alam ang pangalan niya?" Inis kong tanong sa kanya.

"Wala po akong pakealam... Wala po akong papa. Ayokong makilala siya." Biglang sabi ni Cyril.

Nagulat ako... Akala ko ay gusto niyang makilala ang papa niya...

May tinatago rin pala si Cyril na sama ng loob... Di ko rin naman siya masisi dahil nga iniwan siya nga papa niya tapos ganun pa ang pinag-daanan niya sa buhay...

"Eros and Cyril... Sitting on the tree... K-I-S-S-I-N-G." Nagulat na lang ako ng bigla na lang may kumanta.

Tumingi kami ni Cyril sa gilid at si Era pala ang kumakanta...

"Baliw ka talagang bata ka..." Natatawa kong sabi kay Era.

"Kuya Cyril oh! Baliw daw ako?" Sabi ni Era kay Cyril na nagmamaktol.

Natatawa lang si Cyril at...

"Ako din naman baliw eh... Baliw kay Kuya Cyril mo kaya pareho lang tayo haahahaah." Sabi ko kay Era.

"Tama na po ang lambingan niyo diyan... Hinahanap po kayo ni papa." Biglang sabi ni Era.

"Ay ganun? Sumunod din si papa mo hahahhaa." Sabi ko.

Sumunod din pala stepdad ko... Kala ko hindi yun susunod kasi palagi yung busy eh haaahaaahaah...

Luther POV

Naka-upo na lang ako sa pantalan...

Ang sakit na rin ng mga paa ko kaka-lakad dito sa resort nila Era... Paano ko ba naman mahahanap si Cyril eh pinag-tutulungan ako nung magkapatid na yun...

Di ko rin kabisado itong resort...

Tinitingnan ko ang malalim na dagat at ang horizon dahil malapit nang lumubog ang araw... Maganda talaga ang view sa beach na ito...

Hindi ko alam kung hanggang saan ang sakop ng kayamanan nila Eros o dapat kong sabihin ay ang stepdad niya na si Mr. Vermillion...

Pati surname at kayamanan ay binigay din kay Eros kahit si Era lang naman ang totoong anak...

Mabait naman si Eros dati... Close na close kami dati...

Pero bakit ganun kalupit ang tadhana?

Wala bang puso si Eros?

Wala ba siyang konsensya sa mga ginawa niya sa aking pagkakamali?

Oo napatawad ko na siya pero ang sakit sakit pa din... Inagaw niya sa akin noon si Shane ngayon naman alam kong nasa kanya rin ang puso ng mahal kong si Cyril...

Bakit ganun? Bakit kailangang maramdaman ko ito? Ang sakit...

Sobrang sakit isipin na lahat ng efforts ko para kay Cyril ay wala lang kumpara sa binibigay na saya sa kanya ni Eros...

Nakikita ko sa mga inosenteng mata ni Cyril... Si Eros ang mahal niya...

Paano ako? Sinong magmamahal sakin?

Bakit ganun? May mali ba sa akin? Mabait naman ako... Di kagaya ni Eros na may kagaspangan ang ugali. Gwapo naman ako... Magkapantay lang kami ng standard ni Eros pagdating sa looks. Lahat naman ibibigay ko kay Cyril... Lahat ng gusto niya... Lahat ng kailangan niya...

Pero para saan pa? Alam ko naman na si Eros ang gusto niya... Si Eros ang kailangan niya...

Alam ko... Hindi kayang sabihin sa akin ni Cyril na si Eros ang mahal niya. Alam ko... Ayaw ni Cyril na masaktan niya ako...

Isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko kay Cyril... Napaka-linis ng kalooban niya. Selfless siya...

Alam ko na kailangan ni Cyril ng taong masasandalan niya... Kita ko sa mga mata ni Cyril na ayaw niyang mag-isa...

Gusto kong mapa-sakanya ako...

Gusto kong mahalin ako ni Cyril...

Bakit? Ano bang nagustuhan niya kay Eros? Binabastos na nga siya ni Eros di pa niya alam...

Anghel si Cyril... Hindi lang dahil sa hitsura niya kundi pati na rin sa mabuti niyang kalooban...

Alam kong nag-iisa lang si Cyril...

Buti pa yung pinsan ko na si Raypaul at yung forever niya na si Kith... Meant to be talaga sila...

Nakaka-inggit naman... Kahit pala poging kagaya ko nasasawi din...

Kung ano man ang desisyon ni Cy... Tatanggapin ko... Ayos lang... Gusto ko lang naman makita na masaya siya araw-araw...

Mabuti naman talaga ang intensiyon ko kay Cyril eh...

Pero kapag ginago ni Eros si Cyril... Aagawin ko si Cyril sa kanya! Ilalayo ko siya kay Eros once na makita kong umiiyak si Cyril dahil sa lalakeng malibog na yun!

"Luther umiiyak ka ba?"

Nabigla ako... Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako lumingon at nakita ko ang mahal kong si Cyril...

"Hhhmmm... Napuwing lang ako Cy..." Sabi ko sa kanya at ngumiti ako.

Umupo si Cyril sa tabi ko at tinititigan niya lang ako...

Ang cute talaga niya...

"Umiyak ka Luther eh..." Sabi niya sa akin na parang bata.

"Hindi nga... Ayos lang ako." Sabi ko sa kanya at nginitian ko ulit siya.

"Eh bakit namumula eyes mo?" Inosente niyang tanong sa akin.

"Hindi nga ako umiyak..." Sabi ko ulit sa kanya.

"Talaga? Bad kaya magsinungaling." Sabi niya ulit sa akin.

"Tama na nga... Ang kulit mo talaga Cyril. Isa pang tanong... Hahalikan na kita tingnan mo." Seryoso kong sabi.

So ayun... Nag-pout na lang ang lips niya. Concern pa rin siya sa nararamdaman ko...

"Nandito yung papa nila Era... Tinatamad daw sila na hanapin ka kaya ako na lang naghanap sayo." Sabi niya sa akin.

"Talaga? Salamat Cy..." Sabi ko at napapangiti na naman niya ako.

"Halika na Luther... Hinahanap ka din ng papa nila Era eh..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Mamaya na... Dito muna tayo. Dito ka muna sa tabi ko kahit saglit..." Sabi ko sa kanya at parang naluluha na ako.

"Sige... Pero wag kang iiyak... Naluluha ka na naman eh." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ngumiti na lang din ako... Gusto ko lang na makasama siya...

"Cyril... Pwede ba kitang yakapin?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Hhhmmm... Sige ok lang." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Lumapit ako sa kanya at binalot ko si Cyril sa mga braso ko... Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito na lang kami palagi...

"Cyril... Masaya ka ba kapag kasama mo ako?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre naman! Importante ka sa akin eh..." Masayang sabi niya.

Parang maiiyak na lang ako bigla...

Shit! Ang lakas talaga ng tama ko kay Cyril... Napapaluha ako...

"Luther..." Mahina niyang sabi.

"Hhhmmm? Ano yun?" Tanong ko habang niyayakap siya.

"Salamat..." Sabi niya.

"Salamat saan?" Tanong ko at sinandal ko ang baba ko sa balikat niya.

"Salamat sa lahat..." Sabi ni Cy...

"Ano ka ba? Wala yun... Lahat naman ng ginawa ko para sayo ay ginusto ko. Kase... Mahal kita." Sabi ko sa kanya.

"Salamat Luther... Ikaw ang bestfriend ko. Sana lagi ka lang nandiyan para sa akin." Sabi ulit ni Cyril.

"Oo naman... Nandito lang ako kapag kailangan mo ako. Lagi kitang sasaluhin. Kapag may ginawa sayo si Eros na kabastusan sabihin mo sa akin." Sabi ko ulit sa kanya.

"Maraming-maraming salamat Luther. Sobrang thankful ko at nakilala kita... Sobrang swerte ko at nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya mo. Salamat..." Nakangiting sabi ni Cyril sa akin.

Napangiti na lang din ako... Yun na lang ang panghahawakan ko. Mahalaga pa din ako kay Cyril kahit papaano... May puwang ako sa puso ng taong mahal ko...

Kaso meron siyang dapat malaman...

May sikreto ako... Sa kanya ko ito dapat sabihin...

"Ehem! Cy... May sasabihin ako sayo..." Seryoso kong sabi.

"Ano yun Luther?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"May sikreto ako... Wag mo ipag-kakalat ha? Sayo ko lang sasabihin." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Syempre naman Luther! Mapag-kakatiwalaan mo ako..." Sabi sa akin ni Cyril.

Medyo nakahinga ako ng maluwag...

Oras na para sabihin ko sa kanya ang sikreto ko...

"Diba Cy... Nai-kwento ko na sayo dati na nagkagusto ako kay Shane?" Sabi ko kay Cyril.

"Oo...  Bakit Luther? May hindi ka ba sinabi?" Tanong niya sa akin.

Tumango lang ako at...

"Nung panahon na yun... Gustong-gusto ko si Shane pero bago pa ako magka-gusto kay Shane... May isang tao akong minahal..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Huh? Sino Luther?" Tanong ni Cyril na parang bata.

"Si Eros..." Sabi ko sa kanya.

Halatang nagulat si Cyril sa sinabi ko at hindi siya nakapag-salita...

"I once loved him before... First love ko yung gagong yun haahahahaah..." Tumatawa kong sabi.

"Huh? Ang gulo... Diba si Shane ang gusto mo? Bakit si Eros din?" Tanong sa akin ni Cyril.

"Si Eros ang una kong minahal... Maniwala ka sa akin Cy... Nung mga bata pa kami, mabait si Eros tapos gwapo pa siya kaya nahulog ako... Bestfriend ko din si Eros nun kaya close na close kami..." Sabi ko kay Cy.

"Anong nangyari?" Tanong niya sa akin.

"Siyempre bata pa kami nun... Di ko maintindihan kung bakit nagkaka-gusto ako sa lalake... Alam ko na lalayuan ako ni Eros. Pinilit kong kalimutan ang special kong nararamdaman sa kanya para isalba ang friendship namin... Pero nakilala ko si Shane... Natuon ang attention ko kay Shane... Nagka-gusto ako sa kanya at niligawan ko siya... Pero sila ni Eros ang nagkatuluyan..." Malungkot kong sabi sa kanya.

Nakatitig lang sa akin si Cyril at halatang nagtataka siya...

"Ang sakit sa dibdib... Pinilit kong kalimutan si Eros at nagmahal ako ng bago. Pero yung minahal kong babae ay inagaw niya... Ang sakit na yung dalawang taong special sayo ay iniwan ka at niloko ka..." Sabi ko at napaluha na ako.

Nabigla ako ng yakapin ako ng mahigpit ni Cyril... Ngayon niya lang ako niyakap ng ganito...

"Wag ka na umiyak Luther..." Sabi ni Cyril at naiiyak din siya.

"I just want someone to love me... At ngayon nakilala kita. Mas mahal kita... Mas matindi yung nararamdaman ko para sayo... Pero feeling ko, aagawin ka lang din sakin ni Eros." Sabi ko kay Cyril at lalong bumuhos ang mga luha sa mga mata ko.

Lalong humihpit ang pagkaka-yakap sa akin ni Cyril...

"May taong nakatadhana para sayo Luther... Wag kang mawalan ng pag-asa. Balang araw... Mamahalin ka nung tao na yun higit sa kaya mong ibigay sa kanya..." Sabi sa akin ni Cy.

"Nasaan na siya? Ayoko nang masaktan Cyril... Sana ikaw na lang. Sana ikaw na lang ang magmahal sa akin. Gusto ko ikaw na lang..." Umiiyak kong sabi.

Hindi sumagot si Cyril... Ang sakit. Sana ako na lang ang nagmamay-ari ng puso niya... Sana ako na lang...

"Mga traydor kayo!!!"

Nagulat kami ni Cyril at may biglang sumigaw sa likod namin... Lumingon kami at nakita namin si Eros... Halatang galit ang mukha ni Eros...

"Mga taksil!!! Mga walanghiya!!!" Sigaw ni Eros at nagulat ako nang bigla niya kaming itulak ni Cyril.

Nawalan ako ng balanse... At dahil naka-upo kami ni Cyril sa gilid ng pantalan ay mahuhulog talaga kami sa dagat...

Nalaglag ako pero nakakapit ako sa lubid ng yacht...

Pag-tingin ko sa itaas ay nakita kong nahulog si Cyril sa dagat... Wala akong choice kung hindi ang samahan si Cyril... Syempre till death do us part dapat kami hahahhah...

Bumitaw ako sa lubid at lumangoy ako sa direksiyon ni Cyril...

Agad kong nakuha si Cyril at halatang hindi siya marunong lumangoy... Pinakapit ko na lang si Cyril sa likod ko para di siya malunod...

"Ano Cyril? Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Salamat Luther..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Bitawan mo si Cyril ko!!!" Sigaw ni Eros sa taas ng pantalan.

"Tanga ka ba? Eh malulunod si Cyril kapag binitiwan ko siya." Sabi ko kay Eros.

"Akin lang si Cyril!!!" Sigaw ulit niya.

"Edi agawin mo siya sakin hahahah." Natatawa kong sabi.

Bigla na lang tumalon sa dagat si Eros at lumangoy siya papunta sa amin ni Cyril...

"Akin na si Cyril..." Seryosong sabi sa akin ni Eros.

"Ayoko nga... Pagkatapos mo kaming itulak dito kukunin mo siya sakin." Inis kong sabi.

Ang sama ng tingin sa akin ni Eros at tumingin naman siya kay Cyril...

"Hoy babydoll ko! Bumitaw ka diyan kay Luther! Dito ka sakin..." Maangas na sabi ni Eros kay Cyril.

"Hhmmpphh!!! Ayoko nga! Pagkatapos mo akong itulak... Pangalawang beses mo na yan ginawa sa akin eh." Sabi ni Cyril na parang batang nagtatampo.

"Uy sorry na... Nagawa ko lang naman yun kasi nagselos ako... Magkasama kasi kayong dalawa." Sabi ni Eros at parang bumait na siya.

"Hhhmmpphh!!! Basta ayoko sumama sayo... Lam mo naman na di ako marunong lumangoy tapos itutulak mo ako." Sabi ni Cyril.

Halatang inis si Cyril pero mukha pa din siyang mabait...

"Hala!!! Uy sorry na babydoll ko..." Sabi ni Eros at para siyang tupa na bumabait.

"Luther dun na tayo sa beach..." Sabi sa akin ni Cyril.

"Yes my Angel..." Nakangiti kong sabi.

Napanganga na lang si Eros at halatang galit na siya sa akin hahahah....

"Pag di ka kumalas diyan kay Luther aagawin kita sa kanya." Seryosong sabi ni Eros kay Cyril.

"Kapag ginawa mo yun... Magagalit ako sayo. Di kita papansinin." Sabi naman ni Cyril.

Napatitig ako kay Cyril... Seryoso din si Cyril sa sinabi niya. Halatang paninindigan niya yun...

Napatitig din si Eros kay Cyril at halatang nabigla si Eros kaya di na siya nagsalita...

Lumangoy na lang ako papunta sa beach habang naka-pasan sa akin si Cyril at nasa likod naman namin si Eros. Tahimik lang kaming tatlo...

Nang maka-ahon kami sa beach ay...

"Thank you Luther..." Nakangiting sabi ni Cyril sa akin.

"Your welcome my angel..." Nakangiti kong sagot.

"Cyril sorry na..." Biglang sabi ni Eros kaya napalingon kami ni Cyril.

"Di ka naman nagbabago eh... Masama pa din ugali mo." Sabi ni Cyril kay Eros.

"Sorry na... Magiging mabait na ako." Sabi ni Eros na parang batang naiiyak.

"Halika na Luther... Magbihis na tayo at nilalamig na ako kanina pa." Sabi ni Cyril at nanginginig na nga siya.

"Hhhmmm sige... Bihis na tayo." Sabi ko kay Eros.

Naka-yuko lang si Eros nang iwan namin siya ni Cyril...

"Hinahanap pala tayo ng papa ni Era." Sabi ni Cyril.

"Huh? Nandito si Mr. Vermillion?" Tanong ko sa kanya.

Tumango si Cyril sa akin at...

"Gusto ka rin daw niya maka-usap." Sabi ni Cyril.

"Sige... Pagkatapos natin maligo puntahan na natin siya." Sabi ko.

Naglakad na lang kami ni Cyril at medyo malayo na rin si Eros pero natatanaw pa rin siya...

"Cy... Bakit mo yun ginawa kay Eros?" Tanong ko kay Cyril.

"Ang alin?" Tanong niya rin sa akin.

"Yung sinungitan mo siya..." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko kasi ng ganung tao... Ayoko nung hindi marunong magtanda. Ayoko nung hindi tumutupad sa pangako... Paasa siya... Kakasabi niya lang na magbabago siya. Wala naman tayong ginagawa na masama tapos tinulak niya tayo..." Sabi ni Cyril.

Ngayon naintindihan ko na... Gusto ni Cyril na magbago si Eros...

"At meron pa akong isang dahilan..." Sabi ni Cyril.

"Ano yun Cy?" Tanong ko sa kanya.

"Ayoko nung taong nang-iiwan... Iniwan ka niya diba? Gusto ko na maramdaman niya yun para di na niya ulitin. Iniwan din ako ng papa ko... Iniwan ako ng mama ko... Walang natira sakin kaya ayoko ng ganung tao. Alam ko kung gaano kasakit mag-isa. Sobrang sakit..." Sabi ni Cyril.

Halatang may lungkot sa mga mata ni Cyril... Alam kong malalim ang pinanghuhugutan niya...

"Ako dito lang sa heart mo..." Sabi ko habang tinuturo ang heart ni Cyril.

"Di kita iiwan Cy... Kahit di mo ako piliin... Nasa tabi mo lang ako." Sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Cyril at niyakap ko din siya...

"Salamat Luther... Maraming salamat." Sabi ni Cyril habang naka-yakap siya sa akin.

Niyakap ko din si Cyril at napatingin ako kay Eros sa malayo...

Nakita ko na tumulo ang mga luha ni Eros at pinunasan niya yun... Halatang galit si Eros at naglakad na lang siya palayo...

Alam ko na nasasaktan na si Eros...

Pero ganun naman talaga... May isang masasaktan sa amin. May isang magiging masaya pero kahit ganun... Di ako lalayo kay Cyril...

Eros POV

Ang sakit... Habang tinititigan mo ang taong mahal mo na kasama ang iba...

I can't afford to loose him... He is my only love. Pero paano ako hihingi ng tawad kay Cyril kung sinira ko ang pangako ko sa kanya na magiging mabait na ako?

Siguro masyado lang akong na-paranoid na baka anytime si Luther ang piliin niya. Sana ako ang piliin niya... Bakit ganito? Nahihirapan na akong ipaglaban si Cy... Kinakabahan ako sa kung ano ang mangyayari...

Alam ko maraming mabubuting asal si Luther na wala ako... The truth is... I'm just a piece of shit...

Worthy ba ako para kay Cyril?

Ang hirap kapag di mo alam ang iniisip ng tao... Sino kaya ang mas matimbang sa amin ni Luther?

"Kuya! Kanina pa kita hinahanap... Nag-aalala na po ako. Hinahanap ka na din po ni papa." Biglang sabi ng nasa likod ko.

Di ako lumingon...

Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Era...

"Kuya Eros are you crying?" Tanong sa akin ni Era na halatang nag-aalala.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Niyakap ko na lang ang kapatid ko dahil siya lang ang pamilya ko. Si Era na lang ang kadugo ko...

"Kuya nag-away kayo ni Kuya Cy?"

Tumango lang ako at hinihigpitan ko na lang ang yakap kay Era...

"Era... Bad ba si kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Kuya hindi po! Salbahe ka po minsan pero hindi ka po bad!" Sabi ng kapatid ko sa akin.

"Tingin mo... Am I the right guy for Cyril?" Naluluha kong tanong.

"Oo naman po kuya!" Sabi ni Era.

"Tingin mo... Love ba ako ni Cyril?" Tanong ko ulit sa kanya.

Hinawakan ni Era ang mga pisngi ko at tumititig siya sa akin...

"Kuya... Love ka po ni kuya Cy... Totoo po yun! Nararamdaman ko." Nakangiting sabi sa akin ni Era.

"Paano mo naman nasabi?" Malungkot kong tanong.

"Kuya... Secret lang po natin. Nung pumunta po dati si ate Shane sa house natin, nalungkot po si kuya Cyril kasi di mo siya pinapansin." Nakangiting sabi ni Era.

"Talaga? Totoo ba yan?" Tanong ko sa kanya.

"Opo kuya! Tapos nung pumunta po dito sa beach si ate Shane... Nung nag-usap po kayong dalawa, parang naiiyak po si kuya Cy kasi nawala ka bigla." Sabi sa akin ni Era.

"So ibig sabihin love niya din ako?" Tanong ko kaya Era.

Tumango lang sa akin si Era... Mahal ba talaga ako ni Cyril? Siguro di niya lang masabi kay Luther na love niya ako kasi baka malungkot si Luther...

"Paano ako hihingi ng sorry kay Cyril? Paano ko siya papaaminin sa totoo niyang nararamdaman?" Tanong ko kay Era.

"Simple lang kuya... Alam ko ang sagot." Nakangiting sabi ni Era.

"Ano??? Anong sagot?" Pabigla kong tanong sa kanya.

"Use your heart kuya." Nakangiting sabi ni Era.

"Huh? Ginagamit ko naman eh..." Nagtataka kong sabi.

"Lahat dapat galing sa heart mo kuya... Si kuya Cy... Gusto niya na sincere ka. Pag nag-sorry ka na, papatawarin ka niya kapag di mo na yun uulitin." Sabi sa akin ni Era.

Napag-isip isip ko, tama si Era. Mas bata siya pero binigyan niya ako ng payo. Para siyang si Cyril... Malinis ang kalooban. Pareho silang mabait at madaling magpatawad...

"Salamat Era... Wag ka mag-alala bibilhan kita ng red velvet na cake bukas." Sabi ko sa kanya.

"Yehey!!!! Si kuya Cyril din po favorite ang red velvet." Sabi ni Era.

"Talaga? Edi bibilhan ko din siya para peace offering." Sabi ko sa kanya.

"Ano pang hinihintay mo kuya? Dali na! Kausapin mo na si kuya Cy!" Sabi ni Era.

"Sige... Era puntahan ko muna si Cyril. Ikaw naman... Punta ka dun sa papa mo." Sabi ko sa kanya.

"Hinahanap ka po ni papa." Sabi niya.

"Mamaya na... Mas importante si Cyril." Sabi ko sa kanya.

"Sige po kuya goodluck!" Sabi ni Era.

Naglakad na ako palayo at hinahanap ko na naman si Cyril... Sure ako na kasama niya si Luther...

Nakapunta ako sa mini resto dito sa resort at nakita ko nga si Cyril na kumakain kasama si Luther...

Pumasok ako sa loob at pumunta ako sa table nila Cyril...

"Cyril... Usap tayo please..." Sabi ko sa kanya.

"Pwede ba Eros mamaya na? Kumakain pa nga kami eh..." Inis na sabi ni Luther.

"Manahimik na ka nga! Pakain ko sayo hotdog ko eh!" Inis kong sagot.

"Eros may hotdog ka?" Nagtatakang tanong ni Cyril.

Tumingin ako kay Luther... Bigla na lang siyang napasampal sa mukha niya at nagpipigil ng tawa...

Hindi ko rin alam kung matatawa ba ako kay Cyril pero baka magalit lang...

"Sige Cyril... Mag-usap na lang tayo kapag tapos ka na kumain." Nakangiti kong sabi sa kanya at nagpipigil ako ng tawa.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Cyril sa akin at kay Luther...

"May nakakatawa ba? Anong meron?" Tanong ni Cyril sa amin na halatang walang kaalam-alam.

"Hotdog..." Sabi ni Luther.

Di ko na mapigilan at tumawa ba kami pareho ni Luther... Hanggang ngayon napaka-inosente ni Cyril...

Lalo lang akong natatawa kapag tumitingin ako sa mukha ni Cyril na halatang nagtataka...

"Ano ba kasi yun?" Medyo inis na tanong ni Cyril.

"Nevermind Cy... Basta kain ka muna tapos usap tayo please." Seryoso kong sabi sa kanya.

Tumingin muna si Cyril kay Luther at ngumiti lang si Luther sa kanya na tanda ng pagpayag nito...

"Sige Eros..." Mahinang sabi ni Cyril.

Umupo na lang muna ako sa may table nilang dalawa at hinihintay ko lang naman matapos kumain si Cyril...

Nang matapos kumain si Cyril ay tumingin lang siya sa akin...

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong sa akin ni Cyril.

Tumingin ako kay Luther at parang gusto ko ng konting privacy kaming dalawa ni Cyril...

"Ehem! Luther baka pwedeng iwan mo kaming dalawa?" Tanong ko kay Luther.

"Bakit? Gaano ba ka-importante yan?" Sagot niya sa akin.

"Alam mo nakakainis ka talaga!" Inis kong sabi sa kanya.

"Yan na naman? Mag-aaway na naman kayong dalawa?" Tanong ni Cyril na halatang may halong inis.

"Gusto lang kitang maka-usap..." Seryoso kong sabi kay Cyril.

"Sige... Dun na lang tayo mag-usap sa may beach." Sabi sa akin ni Cyril.

Tumango lang ako at nginitian ko siya pagkatapos ay lumakad na kaming dalawa palayo... Nakita ko si Luther na parang malungkot na ewan...

Pumunta kaming dalawa ni Cyril sa beach at dahil gabi na rin ay halos madilim na ang paligid...

"Anong sasabihin mo?" Biglang tanong sa akin ni Cyril.

"Hhhmmm... Cy... Gusto ko lang sana mag-sorry sa ginawa ko sa inyo ni Luther." Sincere kong sabi sa kanya.

"Ok lang yun!" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Lalo akong nagtataka... Ok lang pala pero inis siya sa akin kanina?

"Hhmmm... Bakit nagalit ka Cy kung ok lang pala?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nainis ako kasi bad ka na naman ulit... Akala ko magbabago ka na para sa akin tapos ganun ka pa din." Sabi niya na parang dismayado.

"Sorry Cy... Ayoko lang kasi na masyado kang napapalapit kay Luther. Nagseselos kasi ako..." Medyo malungkot kong sagot.

"Naiintindihan ko naman... Pero sana maging mabait ka na... Gusto ko lang na magbago ka dahil para sayo din naman yun..." Seryoso niyang sabi.

"I will do anything just for you..." Sincere kong sabi kay Cyril.

Tinitigan ko ang mga mata ni Cyril at halatang may pag-aalala siya sa akin...

"Cy... May itatanong lang sana ako..." Malungkot kong sabi.

"Ano yun Eros?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya sa tanong ko kaya napalunok na lang ako...

"Cy... Tingin mo? Karapat-dapat ba ako para sa iyo?" Seryoso kong tanong.

Halatang nabigla si Cyril sa tanong ko at tumitig lang siya sa mga mata ko...

Huminga siya ng malalim at...

"Oo Eros... Importante ka sa akin." Seryoso niyang sabi.

Napansin ko na parang medyo nag-matured na siya... Hindi na siya kagaya ng dati pero inosente pa din...

"Cyril... Pwede bang sagutin mo ako sa itatanong ko?"

Huminga ako bg malalim at lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko...

"Mahal mo ba ako?" Naluluha kong tanong sa kanya.

Yumuko si Cyril... Hindi ko makita ang mukha niya. Ansakit sa dibdib... Hindi niya masabing mahal niya ako...

Namumuo na lang ang luha sa mga mata ko... Ngayon malinaw na sa akin. Mahalaga ako sa kanya pero di niya ako mahal...

Naramdaman ko na lang ang mainit na mga luhang tumutulo sa mga mata ko...

Sobrang sakit... Hindi ako ang kailangan niya. I'm just a piece of shit. Ayos lang... Mas mapapabuti naman siya doon kay Luther...

Ang hirap... Di ko pala alam na ganito kasakit... Parang sinibat ang puso ko...

Tumalikod na lang ako at nagsimula na akong humakbang palayo... Nanginginig ang mga tuhod ko at patuloy lang ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko...

"Kaya mo bang manatili sa tabi ko?" Biglang tanong ni Cyril.

Napahinto ako sa paghakbang...

Lumingon ako kay Cyril at nakita ko ang mga mata niyang lumuluha din...

Nakatitig lang kami sa isa't-isa at binalot kami ng malamig na ihip ng hangin na galing sa dagat...

"Di kita iiwan kung gusto mong manatili ako sayo..." Lumuluha kong sagot sa tanong niya.

"Nabuhay akong mag-isa... Nung nakilala kita at nung naging kaibigan ko si Luther at Era... Ayoko nang maiwang mag-isa ulit." Umiiyak na sabi sa akin ni Cyril.

Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya...

"Ikaw lang ang taong mahal ko sa buong buhay ko... Mananatili ako sa tabi mo." Umiiyak kong sabi.

"Kaya mo bang ipangako na di mo ako sasaktan?" Umiiyak na tanong ni Cyril.

"I will make you even brighter than diamonds. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung makita kitang nasasaktan dahil sa akin." Seryoso kong sagot.

Tumahimik si Cyril at tanging paghikbi na lang ang naririnig ko mula sa kanya...

"Sabihin mo lang kung kailangan mo ako... Kung di mo ako mahal ay lalayo na lang ako." Umiiyak kong sabi.

Di siya sumagot... Totoo na hindi naman talaga niya ako mahal...

Yumuko na lang ako...

"Mahal kita..."

Parang nag-eco  ang mga salitang narinig ko... Napaharap ako bigla sa mukha ni Cyril...

"Mahal na mahal kita Eros... Bago mo pa ako mahalin, mahal na kita."

Tumitig ako kay Cyril puro luha ang mga mata niya...

Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang hinalikan ng mariin sa labi...

Parang huminto ang paligid at tanging hampas ng alon ang maririnig habang hinahalikan ko ang malambot na mga labi ni Cyril...

Itutuloy...........

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: My Innocent Lover (Part 9)
My Innocent Lover (Part 9)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhvmXPh0LnVrGNgB2stUStSSeUWqfcxg3xZ6KmYUv_c6uGMH_HhIeXy9C90aFYFIZEXhR6uUxr0638bh_nuydsnuW7QKbDtMXYAHvuRXkV9sM-rzG_z65VQf5HwjKoqyOU6tjMtbsOO178Z/s400/tumblr_ok2bmjKMeY1vlt1r0o1_540.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhvmXPh0LnVrGNgB2stUStSSeUWqfcxg3xZ6KmYUv_c6uGMH_HhIeXy9C90aFYFIZEXhR6uUxr0638bh_nuydsnuW7QKbDtMXYAHvuRXkV9sM-rzG_z65VQf5HwjKoqyOU6tjMtbsOO178Z/s72-c/tumblr_ok2bmjKMeY1vlt1r0o1_540.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/my-innocent-lover-part-9.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/my-innocent-lover-part-9.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content