$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Not All Love Stories Have Endings (Part 6)

By Raleigh Pagkagaling ng Hie Jinja shrine ay nag breakfast kami sa isang Japanese-owned Italian café malapit sa isang prestihiyosong p...

Not All Love Stories Have Endings

By Raleigh

Pagkagaling ng Hie Jinja shrine ay nag breakfast kami sa isang Japanese-owned Italian café malapit sa isang prestihiyosong private school.

Dating school ko yun noon, at sabi ni Ryou ay dun din sya nag-aral ng middle, junior, at high school. Shocks, coincidence! Baka nga nagkita na kami dati, hindi lang namin alam...

Mejo tago ang café pero nakita ko agad dahil sa unique exterior nito na kakaiba sa mga katabing establishments.

Infact ay yung mga cute na puting patio offset umbrellas ang nakaagaw sa atensyon ko. Mula sa stone walls, tables, wrought iron lantern desk lamp, outdoor chairs, potted plants...

Pati ang mga lamp posts at bintana ay Italian-style kaya maiimagine mo na nasa labas ka ng isang authentic café sa Florence.

Nagpark si Ryou sa may metered-parking saka pinagbuksan ako ng pinto. Magkahawak-kamay kami nang pumasok sa café, at tumunog ang chime dun sa pintuan.

Amoy agad ng freshly brewed Italian coffee ang sumalubong sa amin. Bumungad ang display table ng mga nakakatakam na miniature pastries na naroon malapit sa counter.

Maliit lang ang café pero maganda ang interior design at comfortable ang ambience ng lugar. Sakto lang ang room para sa private occassions, max na siguro ang 25-30 katao.

Affordable din ang selections nila kaya maraming nagpupunta dito, studyante man o salary workers. Fresh ang mga ingredients, malinis ang areas, at tidy-looking ang staff.

Ang pinakagusto ko sa lahat ay malaki din ang serving size nila kaya you get value for the money you pay. Sobra pa nga kung tutuusin.
Mababait ang mga staff at palaging nakangiti. Chef mismo ang may-ari. Ang mga servers mismo ay ang anak nya at mga kaibigan at kaklase nito; pwede kasing mag part-time ang mga highschoolers dito sa Japan.

In fact, kaibigan nila yung binatang naaksidente na inoperahan ko kamakailan lang. Hanggang ngayon ay coma pa din ang batang iyon although his vitals are within normal range. Na operahan na din ang fracture nya.

Vibrant ang pinta ng interior at maraming painting na nakasabit sa mga dingding. Mistulang art museum ang tema sa loob, lamang ay ginawa nilang "fun-and-fresh" para swak sa mga bagets at feeling young.

Sa may window seat kami dinala at nakakatuwa dahil may mga potted plants doon sa window sill. Sa isang banda ay may bookshelf.

Punong-puno ito ng mga libro in different languages, na sya namang nagpa-excite saken. Nabasa ko ang pangalan ng isa sa mga author: Søren Kierkegaard. Isa yun sa mga paboritong author ni Sean...

Umorder si Ryou ng pasta, garlic bread, English scones with clotted cream, at isang tasa ng freshly brewed Italian coffee. Halos lumuwa ang mata ng teenage waitress sa gwapo ni Ryou habang kinukuha nya ang order namin.

Kung hindi ko tinapik yung bata ay siguradong bukas pa ako makakaorder. Sinubukan ko ang egg's benedict with hollandaise sauce, cold cucumber soup, at jasmine tea. Keri na din kahit di ako kumakain ng egg yolks.

Marami kaming napagkwentuhan ni Ryou, mostly about childhood experiences namin. Kung tutuusin ay malayong-malayo ang aming mundong kinalakhan pero parang pinagtagpo talaga kami ng tadhana.

Ang sweet nya. Sinusubuan nya ako ng pasta at gustung-gusto nya na iisang kutsara lang yung ginagamit namin para sa cucumber soup.

Wala syang pake kahit pagtinginan kami ng ibang costumers. Panay din ang pagkuha nya ng mga candid photos at selfies.

Magkahawak-kamay pa din kami pabalik sa kotse. Nagtake-out ako ng isang box ng Italian cream cupcakes for dessert, anim lang naman ang laman.

Sa byahe pauwi ay nagpatugtog si Ryou ng mga sikat na anime theme songs at nakikikanta kaming dalawa dito.

Ang masaklap ay ilang beses nyang inulit-ulit ang theme song ng Doraemon at naki sing-along dito na syang kinasakit ng tyan ko sa katatawa.

Naroon din ang theme songs ng SlamDunk, Ghostfighter, Dragon Ball Z, InuYasha, Flame of Recca, etc. Hindi ko na alam yung iba kaya nakikinig na lang ako kay Ryou kahit pa sintunado at mali-mali ang mga lyrics nya.

Paminsan-minsan ay sinusubuan ko sya ng cupcake at nagpupumilit din syang subuan ako. Mamaya ibangga nya pa yung sasakyan kapag hindi ko sya pinagbigyan. Iba din ang saltik ng yakuza eh.

Kinuha nya ang cupcake na hawak ko (yung isinubo ko sa kanya) saka inilapit sa mukha ko. Saktong kakagat na ako ng mag swerve ang sasakyan dahil biglang nag change lanes sya.

Ramdam ko ang pagtama ng malagkit na cream frosting sa nguso ko. Nabigla naman si Ryou nang tingnan nya ako. Kinuha ko yung cupcake sa kamay nya.

"Ai-chan sorry!" sabi nya kahit mukhang natatawa na sya.

"Nagpupumilit kasi eh... teka may tissue ka ba dito?" maktol ko sabay hanap ng tissue sa glovebox.

"Eto may panyo ako." nilingon ko sya, hawak-hawak pa din yung cupcake.

"Akin na."

Nabigla ako nang ginamit nya ang hintuturo para kunin yung kumalat na frosting. Unhygeinic naman! Sasawayin ko sana sya nang bigla nyang isubo ang hintuturo nya.

"Mmm, charap... sayang eh. Hehehe."

Sa pagkahiya ko ay bigla kong isinubo ang hawak kong cupcake para itago ang pamumula. Successful naman, kaso lang bumara ang cupcake sa lalamunan ko. Daig ko pa ang may COPD sa lakas ng pag-ubo.

"Hahahaha!! Wait..wait. Okay ka lang? Ahahahaha!" teka..di ko alam kung concerned sya sakin o pinagtatawanan lang ako eh.

Pulang-pula ang mukha ko nun, dahil sa hiya at muntik nang malagutan ng hininga. Pero mas lamang yung pagkakilig dahil hinihimas-himas ng banayad ni Ryou ang likod ko.

Saka ko lang naalala na kinain ko ang cupcake na may kagat nya. Eeee! Indirect kiss!

Ang sarap ng ganitong joyride, yung nagtatawanan lang habang ini-enjoy ang sariwang hangin at company ng isa't-isa.

Yung mahihiling mo na sana hindi na magtapos ang byaheng yun. Na sana palagi kayong magkasamang dalawa.

Nakarating kami sa condo at pinagbilinan nya ako na susunduin nya ako mamayang 5pm para sa salu-salo sa bahay nila. Hinawakan nya ang kamay ko at akmang hahalik nang biglang nag ring ang phone nya.

Biglang kumunot ang noo nya at hinugot ang cellphone mula sa bulsa, at napamura nang makita nya ang pangalan ni Orio sa screen. Pasimple akong lumabas ng sasakyan.

Nasa pinto na ako nang lingunin ko sya, at nakita kong hinahampas nya ang manibela habang may sinisinghalan - este...kinakausap sa phone.

Natawa ulit ako nang maimagine ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Orio. For sure makakatikim na naman ito ng paa sa mukha pag uwi ng Bocchan nila.

Pagkapasok ng pintuan ay nagbihis muna ako ng pambahay saka pumili ng mga cd mula sa rack sa tabi ng tv set. Isinalang ko na din ang popcorn sa microwave (syempre extra cheesy) bago kinuha ang telepono at nagdial.

"Hello, Doc Aiden po ito. Pwede po ma check yung schedule ko?"

Since hindi pa nakakabalik lahat ng doctors ay irregular pa din ang shifting. Baka magulat na lang ako na ipatawag ng hatinggabi.

"Ah, Aiden-sensei. Bukas po ay off day ninyo, wala pong naka sched na operasyon mamayang gabi, pero the day after tomorrow ay on-call po kayo. After po nun ay code white tayo. Enjoy po sa Tanabata Festival." Sagot ni Kishima-senpai na nasa kabilang linya.

"Haha, Kishima-senpai? Para sa bata lang po ang Tanabata!" Patukso kong pahayag.

"Naku Aiden-sensei, hindi ah! Pati mga matatanda ay naniniwala pa din sa Tanabata. Subukan mo lang kasi, malay mo ay magkatotoo ang hiling mo... na magkaroon ng lovelife!" Sinabayan nya pa ito ng hagikhik.

Katulad ko, pamintang buo din si senpai. Nung una ay natatantyahan kami, pero later ay lumabas ang resulta ng DNA test: sisters nga kami. Saka ko na ikukwento kung pano nangyari.

"Haha, ayoko! Di nagkakatotoo ang mga wish ko eh. Saka, hanap ka muna ng sa'yo bago mo ako pagsabihan nyan."

"Ter! May nahanap na ako last week nung nasa convention ako. Nasa Hokkaido nga lang sya. Dun na lang ako magbabakasyon tuwing leave ko. Alam mo na, malamig sa Hokkaido, kailangan maglimlim ng manok para mainitan ang itlog." Humagikhik ulit ang bakla.

Pareha din kasi kaming uke (bottomesa) kaya ganyan sya makapagsalita sa akin.

"Di ako naiinggit..."

"Well, maghanap ka na kasi ng papa mo."

"Tseeh! Magtrabaho ka na nga senpai, di yang nag-dedelusyon ka na naman dyan. Mamaya ma diagnose ka pa na schizophrenic eh."

"Sus eto naman! Parang di ka ma bola ter. Pero yaan mo, papakita ko picture ng gwaping kong papa pagbalik mo dito."

"Eeww senpai, wag kang ganyan. Di bagay sa malalim mong boses yang pinagsasabi mo."

"Haha, tawag na ako sa DR. Umagang-umaga puro vajay-jay makikita ko. Kakaumay na! Sana may betlog at hotdog naman para sa almusal.. Byers na!"

Tumawa ako nang ibinaba ko ang telepono. Masaya kausap si Kishima-senpai kasi daig pa nya ang babae kung makatili kahit brusko ang anyo nya. Kung sa tingin, hindi mo aakalaing pusong dalaga sya.

Papano ko nalaman? Accidentally kaming nagkita sa isang gaybar sa Shinjuku Ni-Chome (gay district sa Tokyo) habang nagha-hunting ako ng pwede kong maka one-night stand. Stressed kasi ako nun, magpaparaos lang sana (pero no penetration).

Saktong pagbukas ko ng pintuan sa isang mejo discreet na gaybar ay nakita ko agad si senpai na pumuporma sa isang middle-aged office worker. At dahil may chime ang pintuan ng bar, napalingon sya nang bumukas yun at nagtama ang mga mata namin.

Nagkahiyaan pa kami, pero kalaunan ay inamin namin na iisa ang pakay sa 2-chome. Akala nya rin nung una ay seme (top) ako dahil halata daw sa build ng katawan ko.

"Kung okay lang sa'yo sensei, tayo na lang partner ngayong gabi eh." pang-aakit pa nya. "Mukhang mag-eenjoy ako sa'yo."

"Ah, senpai hindi pwede eh... kasi ano..."

"Kasi ano? Sige na. Don't worry, uke ako."

"Ayoko talaga senpai..." umiling-iling ako.

"Mukhang masarap yang kargada mo ha... patikim naman oh? Masarap ako mag-bj."

"Senpai.. kasi naman..."

"Bakit ba? Masarap naman akong kantutin ah." mejo inis na sya nun.

"Eh gusto ko ako yung kinakantot eh!"

"Ha???"

"Senpai, uke ako. Iced tea, bottomesa.."

"What the..!!! Shit! Hindi halata sayo ha!"

"Speak for yourself. Di halatang ikaw yung pinapasok ng titi."

"Shit, sayang naman. Hmph! Uhm.. pwede magjakol na lang tayo?"

"Ew, ayoko. Mas gusto kong top yung kajakol ko."

"Shit.. wala talaga akong chance makita yang sayo..."

Simula nun ay naging close na kami ni senpai. Sya yung first gay friend ko. Magkasama kami lagi, kaya nabansagan kaming Papable #1 and #2.

Wala akong ginawa maghapon kundi ang mag movie marathon dahil mejo bored ako. Nakatatlong bags ako ng popcorn -- eeww, so unhealthy. Inumpisahan ko sa Azumi, Rush Hour series, at The Bounty Hunter.

Syet, ang gwapo talaga ni Gerard Butler! Bortang-borta eh, dagdag mo pa ang yummy pecs, facial hairs, saka yung balbon nyang katawan. Raaawwwrrr!!

Pero mas gwapo parin ang pinagnanasaan kong yakuza...

Speaking of, hindi sya nagpaparamdam. Sana nga sumama na lang ako dun para maipagbake sya ng cake. Mas nakahiligan ko kasi magbake ng pastries kesa sa pagluto ng mga dishes.

July 7th, birthday ni Ryou at celebration din ng Tanabata festival. Usually, ang mga bata ay nagsusulat ng kanilang wish sa tanzaku (colored paper) at isasabit sa sanga ng kawayan.

Napakagandang tingnan nito dahil nagiging makulay itong wish tree. Kinabukasan ay ipapaanod ito sa ilog o sa dagat, or susunugin bilang offering.

Noong nandito pa ako, pinapaanod pa namin sa ilog ang kawayan. Pero dahil sa environmental concerns, nag switch sila sa pagsusunog.

Imagine mo na lang kung anong mangyayari sa ilog kung lahat magtatapon dito. Mas cool yung sinusunog, like, parang giant bonfire..

Pagpatak ng 4pm ay naligo na ako ulit at nag-ayos. Dapat gwapo ako sa paningin ng mahal ko para hindi nakakahiya. Kinuha ko na din ang regalo ko at isinilid sa aking bulsa.

Saktong 5pm ay kumatok na sa pintuan ko si mofo. Pinapasok ko muna sya sa unit para pagsilbihan ng tsaa.

"Happy birthday, Bocchan..." bati ko.

"Salamat, babe."

Kinabig nya ako at hinalikan, torrid. Nalalasahan ko pa ang tsaa mula sa kanya. Nagsipsipan kami ng dila at halos daganan ko na sya sa sofa.

"Fuck babe. You're so hot..."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nya saka marahang ikiniskis ang nabubuhay kong alaga sa matigas nyang ari. Nagustuhan naman nya ito.

"Ryou.. we need to go."

"Just a minute."

Pinagpatuloy namin ang halikan at sipsipan ng dila at laway. Libog na libog kaming dalawa, pero siguradong maiipit kami sa trapik kung hindi pa kami aalis.

As usual ay hawak-kamay kaming bumaba papuntang kotse nya. Sa labas pa lang ng unit ko ay marami nang taong naglalakad at puno ng decors ang kalsada. Pagdating ng mainroad ay halos usad-pagong ang mga sasakyan.

Maraming tao ang naka yukata, at meron ding nagdadala ng mga bamboo trees, yung payat na klase na tinatawag sa Japan na sasa, at puno ng mga tanzaku na nakasabit sa mga sanga.

Masikip ang traffic dahil sa bugso ng mga turista, pati na ang pagsara sa ibang mga daanan para sa festival. Pati yung diversion roads nagsisikip din dahil sa double-parking. Mejo nakakapang-init ng ulo, pero wala naman kaming magagawa.

Maraming streamers na nakasabit sa mga establishments at buildings. Mataas din ang pinaglagyan nila ng mga kawayan na puno ng tanzaku. May mga colored lights din silang pinapailaw. Nakakaaliw ang tanawing iyon.

Sa kabilang dako naman ay sinara ang daanan papuntang mga shrine. Walang pwedeng sasakyan na lumapit, kaya puro naglalakad na tao ang makikita. Ang cute tignan ng mga bata na naka yukata.

Malapit nang 7pm nag makarating kami kina Ryou. Normally hindi aabot ng isang oras mula sa condo papunta ng kanila. Sa gate pa lang ay madidinig na may kasiyahang nagaganap.

At ang makukulay na bamboo trees na iyon ang nadatnan ko nang makapasok kami ni Ryou sa bakuran nila. Puno din ng naglalakihang fukinagashi (streamers) ang mga malalaking puno na patungo sa garden nina Ryou.

Majority ng mga nakasabit na decors ay mga paper cranes for long life and health. Ganun na ba talaga kaaga mamatay ang isang yakuza?

Blangko man ang expression nya, makikita naman sa mga nagniningning nyang mata na masaya sya. Nasa likuran ko rin ang isang kamay nya. Para akong babae na inaalalayan at kilig na kilig naman ako.

"Ah, magandang gabi po, Aiden-sensei!" Tawag ng mga shatei at kyodai sa akin nang makita nila kami, kaya't napa-bow ako at nag good evening din sa kanila.

Pinilit nila akong magsulat din sa tanzaku at isinabit yon sa pinakamataas na sanga ng pinakamataas na kawayan doon. Minsan pakanta-kanta din sila ng Sasa no ha, sara sara - theme song ng tanabata.

"Kamusta ka na sensei?" Tanong ng pamilyar na boses sa gilid ko.

Paglingon ko ay nakatayo sa hindi kalayuan si Masaru, yung batang muntik na akong masaksak (see part 2).

"Sueno-kun! Kamusta ka? Kamusta ang ate mo? Bakit nandito ka?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya paglapit ko.

"Ah...eh, ayos na po si Ate. Nakauwi na sya kahapon. Saka salamat po ulit sa tulong, ganun din sa pagbigay ng trabaho sa amin Bocchan." Nakangiti sya, at kitang-kita ang malaki nyang ipinagbago.

Mas naging healthy sya kumpara noong una namin syang makita, bagama't makikita pa din ang bakas ng pasa na alaala ng pagsuntok ni Ryou sa kanya.

Mas maayos na din ang pananamit nya at mukhang nakakakain na sa tamang oras. Hindi na sya sing payat nung una.

"Bah...gwapo natin ah! Buti kung ganoon." Tuwang-tuwa ako.

"O, wag mong payagan na magtrabaho muna sya ha. Di pa magaling ang tahi sa tyan nun." bilin ko ulit.

"Uhm, opo! Saka sensei, di naman po ako gwapo. Nadala lang sa pustiso." Narinig ito ng mga kalapit na mga yakuza, kaya't nagkatawanan sila.

"Lupet ng suntok ni Bocchan ano? Natanggal din ipin ko sa suntok nyan eh!" Hataw pa nang isang kyodai, kaya nagkatawanan naman.

"Sige, pagtawanan nyo ako! Mamaya uubusin ko yang mga ipin nyo!" Pasinghal ni Ryou, pero nakangiti din sya.

"Buti na lang po may nakakarelate sa akin." Biro naman ni Masaru, kaya nagkantiyawan naman sila.

"Saka, si Orio-niisan lang po ata yung hindi natatanggalan ng ngipin kapag sinasapak ni Ryou-Bocchan."

"Hoy bata, bakal ang ngipin ko! Saka ilang suntok na ang natikman ko, kaya hindi madaling matibag ang ngipin na to!" Sigaw no Orio, sabay kagat sa isang malaking piraso ng karne.

Saktong duon tumama sa buto ng karne ang ngipin nya, kaya natanggal ang isang incisor nya.

"Haa!! Malakas pala ah! Karne lang katapat nyan eh!" Kantyaw ni Ryou habang di magkamayaw ang lahat sa katatawa.

Maririnig din ang lakas ng halakhak ni Rin na nanonood lang sa kanila. Like father, like son. Nasa dugo ang pagiging sadista.

"Ahh.. sensei, nga pala, gusto ka pong pasalamatan ni Mama. Tanggapin mo po sana ito."

At ipinakita nya sa akin ang isang charm na may nakasulat na kanji para sa "good health". Kulay green ito at napakaganda ng intricate patterns na halatang handmade. Na touch ako.

"Marunong po kasi si Mama manahi ng mga omamori, kaya gumawa po sya ng para sa inyo. Saka pina-bless nya po doon sa may jinja na malapit sa amin. Sana po--" niyakap ko sya ng mahigpit at nagpasalamat.

"Oy, oy, Sueno! Kalas na at baka madagdagan yang nawawala mong ngipin!" Sigaw ni Orio habang hawak ang natanggal nitong incisor.

May dugo pa sa labi nya, hindi ko alam kung galing sa ipin o sa karneng kinagat nya. And I don't wanna know.

"Seloso pa naman yang nasa tabi ni Ai-chan!" Dugtong ni Rin, kaya kumalas na si Masaru sa akin.

"Sorry po, Ryou-Bocchan. Saka salamat ulit sensei." Nag bow ang namumulang bata bago kumaripas ng takbo.

"Teka nga, bakit dito kasi tayo sa labas. Upo tayo dun. Magsisimula na eh."

Iginiya nya ako paakyat sa bahay at patungo sa may verandah (yung may Koi pond sa ilalim). May nakalagay na din na mga lamesa dito at mga floor cushions kaya naupo kami dun sa may bakanteng mesa sa harap.

"Magsisimula ang ano?" Tanong ko sa kanya habang may naglalagay ng mga pagkain sa mesa namin.

Dalawa lang kaming nakaupo doon, kaya feeling ko ay exclusive para sa amin ang table na yon at lihim akong kinilig.

Hindi pa man sya nakakasagot ay hinawi ang makapal at malaking itim na kurtina na hindi ko napansing nakasabit sa puno at tinatakpan ang view ng hardin nila.

Mayroong nakaset-up na mini theater stage doon, at naka kabit sa sanga ng mga puno ang mga mumunting ilaw na nagmistulang mga bituin sa dilim.

May mga inilawan ding lanterns na nagsilbing dekorasyon. Ang ganda ng pagkakagawa, parang mini-concert sa ancient Edo.

Pina-dim ang ilaw doon sa amin, at nagsimulang tumugtog ang musika. Traditional music iyon at sa ganda ay inakala kong audio lang.

Nagulat ako nang makita ang grupo ng mga kyodai at shatei sa isang banda na tumutugtog ng mga instrumento, lalu na si Uchida-san na tumutugtog ng koto.

Isang shadow puppet-play ang ginawa nila, talagang nakakahanga ito. Hindi mo aakalain na pulos barako ang nakahawak sa mga puppets dahil swabe ang paggalaw dito.

Parang lumilipad ang mga paper dolls sa ere, at spot-on din ang pag patay-sindi ng mga ilaw. Nakakadala ang sound effects na ginagawa ng mga manunugtog.

Kung mag downside sa performance ay ang boses na gumanap kay Orihime. Barako na pinilit maging babae -- ang sagwang pakinggan.

Ang Tanabata Festival ay commemoration ng dalawang nag-iibigan na sina Orihime at Hikoboshi, na nagkikita lamang ng isang beses sa isang taon, at iyon ay kung hindi umuulan.

[NOTE: imagine yung play na nafeature sa The Karate Kid (2010) starring Jaden Smith at Jackie Chan. Ganitong-ganito yun. Miniature version lang...]

Si Orihime ay isang prinsesang nagtatahi ng magagarang mga damit sa tabing-ilog (nirerepresenta ng Milky Way galaxy). Sa ganda ng mga gawa nya, nagustuhan ito ng ama nyang hari ng kalawakan.

Lalung pinaghusay ni Orihime ang pagtatrabaho, na ikinatuwa ng kanyang ama. Sa pagka-busy nya ay hindi nya nabigyang halaga ang kanyang pansariling kaligayahan.

Puno ng pighati, nawalan sya ng pag asa na makahanap ng tunay na pag-ibig, kung kaya't ang kanyang ama ay naawa sa kanya, at ipinagtagpo sila ni Hikoboshi na isang magpapastol ng mga baka.

Agad naman silang nahulog sa isa't-isa at di kalaunan ay nagpakasal. Sa labis na ligayang tinatamasa, hindi na nila nagawa pang asikasuhin ang kanilang mga trabaho.

Sa kapabayaan, ang mga alagang baka ni Hikoboshi ay napadpad sa kalangitan at hindi na din nananahi si Orihime, kung kaya't nagalit ang ama niya. Pinaghiwalay at pinagbawalan silang magkitang muli.

Nagmakaawa ang prinsesa sapagkat mahal nya si Hikoboshi, at dahil hindi sya matiis ng kanyang ama, pinagbigyan ang kanyang kahilingan.

Pinayagan silang magkita ng isang beses sa isang taon, sa ikapitong araw ng ikapitong buwan, kapalit ng pagbabalik ni Orihime sa pananahi.

Sa unang pagkikita nila ay nahirapan si Orihime na tawirin ang ilog Milky Way, kaya't labis-labis ang lungkot nya. Mistulang narinig ng mga magpie (di ko alam kung anong ibon sa tagalog ito) ang kanyang mga daing.

Lumapit ang napakaraming magpie at gumawa ng tulay gamit ang kanilang mga pakpak upang makatawid si Orihime. At doon ay muling nagtagpo ang landas ng mag-asawa.

Sinasabing kapag umuulan ay tumataas ang tubig sa Milky Way at hindi lalapit ang mga magpie, kung kaya't maghihintay ang nag-iibigan ng isa pang taon upang magkitang muli.

Kaya ipinapanalangin ng mga tao na sana ay huwag umulan sa Tanabata upang magtagpo ang landas ng dalawang pusong nag-iibigan.

Natapos ang shadow play nila, at talagang pumalakpak ako ng malakas. Nakatingin ako kay Uchida, na may maliit ding ngiti sa kanyang mukha.

Di ko sukat akalain na makakagawa ng magandang musika ang mahahabang daliri nyang iyon. Ang isang tahimik na lalaki ay may itinatagong talento pala.

Lumitaw ang kagwapuhan nya dahil sa talento at yukata. For sure maraming babae ang mahuhumaling at maghahabol sa kanya.

"Ang ganda ng play..." tanging nasabi ko kay Ryou.

Maraming lumalapit sa mga nagtanghal at binabati sila sa kanilang performance. Di tuloy ako makasingit. Babatiin ko pa sana si Uchida-san. Mamaya na lang siguro...

"Alam mo ba, yun ang pinakamagandang performance nila."

"Ows?"

Parang imposible naman yata. Sa galaw nila, aakalain mong araw-araw nilang ginagawa yun.

"Uh-huh. Saka ngayon lang napilit si Uchida na tumugtog ng koto. Sayang yung talent nya kung itatago."

"Ang galing nya ano? Sarap pakinggan ng musika."

"Oo nga... saka mabuti at nagustuhan mo." Sabi nya na may pag-aalinlangan.

"Syempre naman! Kung pwede lang araw-araw ay makakita ako ng mga ganitong play eh."

Unang nood ko kasi ng play na ito ay kasama ko si ojii-san. Nasa plaza yun, maraming tao at masikip. Grabe ang siksikan ng mga tao at dahil maliit pa ako nun, muntik na akong maipit. Simula noon, hindi na muli ako sumama sa panonood.

"Para yon sa'yo." Seryoso nyang sabi.

Natigilan ako. Para saken? Eh sya ang may birthday.

"Haha, ano ka ba? Para sa'yo yon. Hindi kaya ako ang may birthday."

"Matagal nang hindi kami nakakapag play. Kaso sabi ko darating ka kaya ayun nagplano silang gawin ang play para na din makita mo. Salamat at nagustuhan mo."

"Pwera biro?"

"Oo nga. Para sa'yo yun, promise!"

Tinaas nya pa ang kanang kamay nya.

"Hoy baba mo yang kamay mo. Kakahiya." saway ko sa kanya habang inaabot ko ang kamay nya para ibaba yon.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at ikinulong sa mga palad nya. Dinampian niya ito ng isang halik. Namula ako...

"Promise. It was for you." Mahina nyang sabi.

Nagtama ang mga tingin namin at sabay kaming ngumiti bagamat nagliliyab ang mukha ko. Biglang may nagpalakpakan sa paligid namin kaya nag poker face mode ako.

"Ayeee! Nahihiya pa eh! Kiss na ka--- Uugghhkk!!"

Natumba si Orio mula sa kinauupuan nya nang tumama ang lumipad na ashtray sa noo nito.

"Gutom ka ba? May paa pa ako dito!" Pasinghal ni Ryou na namumula ang pisngi.

"Bocchan ehh... masakit.." naiyak ulit si Orio.

"Naku..kahit kelan talaga kayong dalawa... tsk." Napa iling na lang ako.

Natanggal na nga ipin nung isa, magkakabukol pa noo nya. Kawawang nilalang.

Matapos ang pagkanta para kay Ryou (nakabusangot as usual, pero halatang na touch!) ay kumain na kami at nag umpisa na ang inuman at kantahan.

Masaya yon dahil gitara lang ang ginagamit pantugtog at meron namang magaganda ang boses sa grupo nila. Nakikikanta din ako paminsan-minsan kapag alam ko ang awitin.

Saktong napadaan si Uchida-san sa isang tabi kaya agad ko syang hinabol para kausapin. Hinawakan ko ang kamay nya para mapansin nya ako.

"Uchida-san! Ang galing mo kanina ha." Nakangiti ako sa kanya.

"Ah...ah, umm.. s-salamat Aiden-sensei."

Nahihiya nyang sagot at namumula sya ng konti. Ang cute nyang tingnan kaya tumawa ako.

"Nakakainggit naman ang talent mo. Sana makatugtog din ako ng kasing ganda ng pagtugtog mo." Sinuri ko ang mga daliri ng kamay nya na hawak ko.

"G..gusto mo.. uhm, turuan kita?"

"Naku wag na. Kuntento na akong makinig sa pagtugtog mo, Uchida-san. Tagos hanggang buto yung mensahe ng bawat nota."

Napangiti ako habang naaalala ang pakiramdam habang nakikinig sa tutog nya.

"H-hindi n-n-naman..." nauutal nyang sagot.

Mejo nanlalamig ang mga daliri nyang hawak ko pa din... or was it my imagination?

"Magaling ka nga, maniwala ka. Napapaabot mo sa amin ang kahulugan ng musika kahit walang lyrics yon. At isang malaking karangalan ang makinig sa tugtog mo."

"Uhmm... salamat."

Nahihiya pa din sya, pero may konting ngiti na sa mukha nya.

"Ai-chaaan!" sigaw ng isang bata sa malayo.

"Haha.. ang cute mo Uchida-san! Sige, dito muna ako ha. May batang naghahanap sakin eh."

Pinisil ko muna ang mga pisngi nya bago ako lumapit kay Ryou dahil tinatawag nya ako.

"Alis tayo." Nagmamadali nyang tugon sabay hawak sa kamay ko.

"Ha? Eh bakit?"

"Paiinumin na naman nila ako. Ayoko malasing noh!" Nagmamadali pa din sya pero naamoy ko ang sake sa kanya..

"Lasing ka ata?"

"Hindi. Dalawang baso ng sake lang to. Di pa nga ako tipsy eh."

"Eh san tayo pupunta?"

Nagtataka pa din ako nang hinila nya ako papuntang sala, kung saan kokonti lang ang tao.

Sigurado, isang oras pa lang at mag-iiba ng anyo ang salang ito. Maraming katawan ang kakalat, dadanak ang maraming dugo. Ganito ang inuman sa bahay nina Ryou.

"Tatakas tayo." Sabi nya sabay hila sa akin pababa para maisuot ko ang sapatos ko.

Nagtataka man ay sumunod ako sa kanya. Sino ba naman ang gustong malasing? Baka mamaya mapagtripan din ako.

Pinagbuksan nya pa din ako ng pinto bago nya pinaharurot ang kotse palayo sa bahay nila. Wala kaming kamalay-malay na may nakamasid pala sa amin.

Nagdrive si Ryou at ininda namin ang trapik sa kalye. Marami pa ring tao, pero lumuwag ang trapik pagdating sa expressway. Mejo pataas ang daan, kaya nagtataka ako kung saan nga ba kami papunta.

Huminto sya at nagpark sa isang malawak na lote na naiilawan ng iilang lamp post. Konti lang ang sasakyan na naroon.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at magkahawak kamay kaming pumasok sa isang parke. May mga bakas na nagdiwang sila ng tanabata kanina, pero kokonti na lang ang tao dito ngayon.

Kahit gabi ay naka-on ang mga ilaw, kaya kitang-kita ang mga magagandang bulaklak bagamat nakatiklop ang mga ito. Siguro ay mas magandang pumunta dito sa umaga dahil full bloom ang mga flowers.

May nadaanan kaming fountain, pero closed yung mga building sa bandang harap. Bakit maraming museums dito? Saka parang Western-style yung design ng building.

Sa kabilang danan naman ay naiilawan ang isang malawak na parke. Sarap siguro mag jogging sa umaga dun. Naamoy ko ang dagat. Marahil ay nasa Tokyo Bay kami.

"Saan ba tayo?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Mmh? Ah, nasa Minato-no-Mieru Oka Koen (Harbor View Park)." Sagot nya na ngayon ay sini-swing ang magkahawak naming kamay. [pls check it out! Maganda dito guys :)]

"Sa Yokohama Bridge? Bakit mo ako dinala dito?" Pagtataka ko. May kalayuan kasi ito sa kanila.

Mejo maalinsangan dahil summer. Kapag umaga naman ay parang impyerno sa init itong Tokyo. Buti at aircon ang condo ko, kundi siguradong lalabas ang mga sungay at buntot ko.

"Saka diba mas maganda pag umaga dahil kitang-kita ang paligid? Balita ko maraming mga rosas dito."

"Yup. Ito ang tinaguriang teritoryo ng mga rosas sa Kanagawa Prefecture at maraming iba't-ibang uri ng bulaklak ang matatagpuan dito na namumulaklak all throughout the year...

Pero kaya kita dinala dito dahil mas romantic kapag gabi." Sabay kindat sa akin. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil duon.

"Yeah, right. Ang init kaya! Pinagpapawisan ako oh." Pasaring ko na nag-iinit ang mukha.

"Naman! Kasi nga hot ako, hehehe. Halika dito." At bigla nyang tinakpan ang mga mata ko.

"Sandali lang! Wala akong makita eh.."

Pilit kong kinukuha ang mga palad nyang nakatakip sa mata ko, pero masyado syang malakas.

"Akong bahala.. lakad ka lang ng direcho....oops! May pader! Liko ka sa kaliwa...wait, wait..konti lang, ayan.. sige derecho..." at nagpatuloy kami sa ganun.

Infairness malinaw ang instructions nya kaya hindi ako nadapa o natisod man lang. Talagang maka-castrate ko sya kapag nag faceplant ako sa mga rosas dito.

Nakadikit ang likod ko sa dibdib nya habang naglalakad kami, at parang lumulusot ang init galing sa katawan nya papunta sa puso ko. Lumalakas ang kabog ng puso ko, at nararamdaman kong mas nahuhulog pa ako sa kanya.

"Babe, wait. May steps eh.. baka mahulog ka." Pigil nya nang hahakbang na ako.

"Edi tanggalin mo yang kamay mo."

"Nope.. masisira ang surprise ko sa'yo."

"Bocchan, dapat nga ikaw yung sinosorpresa kasi ikaw ang may birthday. Not me."

"Nah.. diba it's better to give than to receive?"

Nilagyan nya ng piring ang mata ko saka maingat na tinali sa likod ng ulo ko.

"Tsk.. I hate surprises." Tanging nasabi ko at napasigaw ako nang buhatin nya ako, princess-style.

"Hoy nakakahiya! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya.

"Okay lang. Walang nakakakilala satin dito. Wag ka malikot, mahuhulog tayo!" Warning nya kaya natigil ang pagpupumiglas ko.

Hagdan nga eh, diba? Mabalian pa ako ng spine pag nahulog at ma paralisa ako. Worse, hindi na tatayo si junyor! Pag nagkataon negative zero ang sexlife ko.

"Andami kayang tao dito! Ibaba mo na kasi ako."

Naramdaman ko ang mahinang pag-uga na sinyales ng pagbaba nya sa hagdan.

"Konti lang sila. Yaan mo. Ibababa kita pag wala nang hagdan."

Masarap palang makulong sa mga bisig nya. Matitigas ang mga masel at feeling ko ay safe na safe ako kapag magkasama kami.

Mabango din ang natural nyang amoy na iniihip ng mahinang hangin papunta sa ilong ko. As I said, parang jasmine yon. Kung pwede lang sana araw-araw ganito eh.

Nakapulupot ang kamay ko sa leeg nya dahil takot akong mahulog. At hindi yon dahil naglalandi ako noh.

At least pag natumba kami, di lang ako yung mababalian, diba? Damay-damay sa pagiging impotent. Together we stand, united we fall!

Naramdaman kong inilapag nya ako, at naririnig ko ang tunog ng mga alon, at mas matindi ang amoy ng dagat banda dito.

Mas malakas at mas malamig ng konti ang hangin. Unti-unti nyang inalis ang piring at napakusot ako sa mejo nanlalabo kong mga mata.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at unilagay yon sa metal railing na nasa harapan ko, at kinabahan na naman ako dahil baka nasa gilid kami ng bangin. All the while, nasa likod ko si Ryou.

"Open your eyes, babe." Bulong nya sa tenga ko na syang nagpatayo ng mga balahibo ko.

Pagdilat ko ng mata ay tumambad ang magandang tanawin; para akong nasa Disney movie na Tangled.

Nakasabog sa kalangitan ang mga nagniningning na mga bituin. Sa kalayuan ay nagkikislapan ang mga ilaw sa syudad pati na sa kabilang isla.

Namangha ako sa Yokohama Bridge na naiilawan at sa isang cruise ship na pumapalaot sa ilalim nitong napupuno din ng ilaw.

May panaka-nakang pagbusina ng mga sasakyan na madidinig, ngunit ang mga iyon ang nagsilbing musika na nakikisabay sa ihip ng hangin.

Pati ang reflection ng mga ilaw sa dagat ay nakakadagdag sa magical-feel ng moment na yon.

"Ryou...ang ganda.."

Alam kong nanlalaki ang singkit kong mga mata habang nakatingin sa tanawing iyon.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya habang nakahawak sa bewang ko.

Tumango lang ako. Unang beses kong nakapunta dito at kasama ko pa ang lalaking mahal ko. He's really full of surprises at parang pinaghandaan talaga nya kung saan nya ako dadalhin.

"Salamat kung ganun..."

"Ano ka ba? First time kong makapunta dito. Ako ang dapat magpasalamat sa'yo for showing me this magnificent view."

Nakapako ang tingin sa tanawin. Waring hindi ko mai-alis ang mga mata ko doon. Isa itong mahika sa mundong ginagalawan ng mga ordinaryong tao.

Naramdaman ko ang mahinang pagtawa nya, kaya't napasandal ako sa dibdib nya. Solo namin ang area dahil walang turista sa parteng ito.

Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan namin. Ang malalakas na kabog ng dibdib ko lang ang naririnig ko. Maging ang mabilis na tibok ng puso ni Ryou ay nararamdaman ko.

Mahal ko na talaga sya at di ko mapigilan na lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Sino ba namang tanga ang hindi maiinlab sa mga gestures nya?

No guy likes to start over with someone new and get to know him. Learning how to feel comfortable with a guy all over again; giving himself mind, body, and soul to a guy again; going through that awkward phase of being body shy around a guy again.

Sharing secrets and spilling out thoughts and emotions to a guy again. Meeting a new guy's family and getting to know them all over again, and in turn, meet the new guy's parents hoping that they'll be accepting.

Opening up and letting a new guy see the real side of you all over again, fight through trust issues and place your trust in another man again...

Work on your insecurites so you won't push a guy away all over again. Give your heart to another guy and learn to love someone new all over again.

Kinakabahan man, naglakas-loob akong aminin sa kanya ang tungkol sa aking nakaraan. Bahala na si Iron Man!! Niyaya ko syang umupo sa isang bench habang nakatingin pa din sa view.

"Ryou..." panimula ko, hawak ang mga kamay nya, at huminga ng malalim.

"Ryou? May sasabihin sana ako sa'yo... alam kong mahirap itong unawain, kaya hindi kita masisisi kung pandidirihan at iiwasan mo ako kapag nalaman mo ang totoo... ang lihim na itinatago ko..."

Wala syang imik, at hindi ko magawang tumingin sa kanya. Ngunit hindi naman nya inaalis ang kamay sa pagkakahawak ko, at least may reassurance.

Mahal ko sya and I'm ready to lay myself bare before him. Huminga ulit ako ng malalim...isa pa...dalawa... bago nagsimula.

"16 ako nang magpasyang bumalik ng US para mag aral sa Stanford University. Mataas ang grades ko at isa ako sa may top marks sa entrance exams kaya naaccept ako sa premed program kahit pa mas bata ako sa mga classmates ko.

Nagsimula ang classes, at dahil likas akong mahiyain, hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga kaklase ko. Kaya they were all shocked when I got the highest marks sa quarter exams.

Kahit seniors nauungusan ko kapag may competition sa academics. Napapataob ko din sla sa mga debate competitions.

Dahil dun, minsan ay napapagtripan ako ng classmates at higher years kasi nga Asian ako, alam mo na, uso pa ang racial discrimination noon. I did stood up to them kaso, hindi mapigilan na mag gang-up sila para patumbahin ako.

Which was pathetic, dahil hindi pa ako masyadong matangkad noon, at may pagkapayat pa ako kahit nag aikido ako dito. Hindi ko din ugaling mag stoop down sa level nila.

Kaya one day after a debate competition, which I won best speaker and best debater, pinagtulungan akong i-bully ng mga seniors. Kinuwelyuhan ako nung isa na almost 3x ang laki sa akin, akmang susuntukin ako. Luckily, may nakakita at nagsumbong sa security.

Dahil ayoko ng gulo, we decided na bigyan na lang ng disciplinary actions ang mga higher years na yon, pero hindi sila ieexpel kasi naawa din ako.

Magpapasalamat sana ako dun sa nagsumbong, pero laking gulat ko dahil pamilyar sya sakin. Classmate ko sya before ako nag-aral dito sa Japan.

His name is Sean Connor, class crush noon. Malaki ang pinagbago nya, mas gumwapo saka lumitaw yung pagka-Brazilian nya, lumaki din ang katawan nya from work-out.

He was fun to be with, may saltik din like me, and our brains were always on the same wavelength kaya nagkakasundo kami. There and then naging close kami ulit.

Come junior year ay may nakilala ako from another department, si Alayne, na naging classmate namin ni Sean sa Maths. Ayun, naging magbestfriend kaming tatlo.

Nang senior na kami ay nag-iba na ang tingin ko kay Sean; hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita at nakakasama. I feel elated whenever he's with me.

Nakakaramdam ako ng selos kapag may nagpapacute sa kanya, at naiinis ako kapag nagkakatabi sila ni Alayne sa tuwing nagsosolve ng math problems.

May times din na mag-aaway kami, maglalambing sya, tapos mawawala na lang yung galit ko. Hindi ko kayang hindi kami magkibuan ni isang oras.

Hindi ko alam kung papano at bakit, pero nahulog ako sa kanya. I just woke up one day and realized that I love him. Ayokong mawala sya sa tabi ko.

Akala ko hindi na kami magkikita after grad kasi nagdecide ako na mag proceed to post grad studies while nagplano si Sean na pumasok sa Navy SEALS.

Sasabihin ko sana na gusto ko sya, pero naunahan ako ng takot. Baka mandiri sya sakin, baka ipagkalat nya yun, and worst baka kamuhian nya ako.

Grad ball namin nang aminin nyang matagal na nya akong mahal, freshmen pa lang kami. Natakot syang sabihin sakin kasi baka layuan ko sya at isumpa.

And although alam kong gusto ko sya, nag-aalinlangan ako dahil lalaki kaming dalawa. Na maraming hahadlang sa amin, maraming manlalait at manghuhusga dahil nagmahal kami ng kapwa lalaki.

Nang gabing yun ay natikman ko ang first kiss ko from Sean... and God, it made me crave for more. Simula noon ay naniwala na ako sa fairytale.

That our love was not the easy and convenient type. Hindi man tama sa paningin ng iba pero alam namin ang sinisigaw ng puso namin. That love knows no gender.

Despite the social stigma, nagsimula syang manligaw. Araw-araw, he made me smile at pinaramdam na importante ako sa kanya, na gusto nya akong makasama against all odds.

He proved na he was serious about it when he gave up his plan to sign up sa Navy SEALS at nag-apply kasama ko sa MD degree.

Matagal kong itinago ang bagay na ito sa pamilya ko, until nasiguro ko na matatanggap nila ako, kami ni Sean. Sinabi ko sa parents ko ang tungkol sa gender identity ko at ang panliligaw ni Sean.

Dun na nag-umpisang magkanda leche ang buhay namin. Ngunit mahal ko na sya noon eh, and I wanted to be with the guy who makes me happy. I wanted to give that happiness a shot, and I know I'll find it with him.

Oo Ryou, I'm gay..."

Tiningnan ko sya sa mata, pero hindi ko mabasa ang expressions nya siguro dahil madilim, kaya kinabahan ako. Saglit na katahimikan, at muntik na akong mapalundag sa gulat nang tumunog ang barkong dadaong na sa pier.

"Ituloy mo." Mahinang sabi nya.

Hindi ko pa din mabasa ang expression nya, wala ring emosyon ang boses. Nag-aalala man ay wala na akong nagawa kundi magpatuloy.

"Tumutol sina Dad, umiyak si Mum. Bakit daw ako naging bakla? San sila nagkulang? Pati si Kuya gusto akong bugbugin, pero pinaglaban ko yung sinisigaw ng puso ko.

I was thrown out of the house and almost got disowned. Dad threatened na pahihintuin ako sa studies, pero buti na lang nasa scholarship ako. Nagpart-time din ako sa Starbucks at isang pastry shop.

Hindi ko sinabi kay Sean yung naging gulo sa pamilya ko, kasi sya mismo ay nakikipag-away din sa pamilya nya para ipaglaban ako...

Si Argyll, second cousin at bestfriend ko, ang una kong nilapitan at kahit nabigla sya ay tinanggap nya ako. He's the person who supported me unconditionally matapos akong talikuran ng parents ko.

Kahit ayaw nya kay Sean, sinuportahan nya yung desisyon ko nang piliin ko ang kaligayahan ko. Mejo hostile ang trato nya kay Sean, pero ni minsan ay wala syang sinabing masama sa kanya.

He's the guy who talked bravely to my parents at ipinaliwanag na hindi ko ginusto maging bakla dahil gusto kong magdamit-babae o magpa sex change. Nagising na lang ako isang araw na mahal ko na si Sean.

That I was their son, their own flesh and blood, at sila dapat ang unang umintindi sa akin, hindi ang humusga. Na ako pa din si Aiden na anak nila at walang nagbago...

Pinauwi ako nila Dad sa bahay after three months kahit hindi pa din nila ako kinikibo. Si kuya umalis ng bahay dahil wala daw sya baklang kapatid. Masakit yon, sobra.

Ayoko na sanang makipagkita kay Sean para matapos na ang gulo, pero hindi nya ako sinukuan. Hindi sya tumigil iparamdam sa akin na may nagmamahal saken.

I fell even more, at sinagot sya noong junior clerks na kami kahit pa tutol ang lahat sa relasyon namin. Walang magawa sina Dad dahil hindi kami mapaghiwalay, kaya kinausap na lang nila kami ng masinsinan.

Eventually, ipinakilala namin ang isa't-isa sa mga magulang namin. Natagalan man, naaccept din kami ng both sides at anak na din ang turing ng mga magulang namin sa isa't isa. Naging close ulit kami ni Kuya Jeremy, at naging barkada sila ni Sean.

Naging masaya kami nun, kahit minsan maraming tampuhan. May times na nadi-disregard namin ang isa't-isa dahil sobrang busy. Ni hindi namin ma celebrate ang monthsary namin eh, but we weathered through it all.

I graduated Magna and I had the highest honors, at may honors din naman si Sean; relationship goals namin yon para ipakita sa pamilya namin na hindi hadlang ang pag-iibigan namin, bagkus ay ito ang naging inspiration.

Through good times and bad times, he was my bestfriend, my light, my armor and protector, my lover. Magkasama kaming nagmature emotionally and we shared a bond deeper than what those heterosexual couples have.

Nagkasundo kaming Neuroscience ang papasukin namin, at hindi nga nagtagal ay naka graduate kami at sabay nagresidency, up until we had our different subspecialties.

Tinupad namin ang pangako sa parents namin, and they gave us their blessings nang magpasya kaming mag settle down. And so, kinasal kami two years ago, after ang almost 10 yrs of dating.

Masaya kami nun, we got job offers at the same high-end hospital, nakapagpatayo ng sariling tahanan, nagpundar ng kotse at nakabili ng maliit na villa for vacation.

Konti lang ang nakakaalam na kasal kami, kasi nga maraming nagtataas ng kilay sa gay couples. We were civil kapag nasa trabaho, no PDAs allowed sa hospital, but we seemed like bestfriends dahil magkasama kami parati.

We built our own little paradise, and we were too intoxicated with bliss; everyday was full of love... and maybe I was too inlove to see the signs kahit pa noong nagdedate kami ni Sean."

Napatigil ako at huminga ng malalim. Sinasariwa yung alaala na parang kahapon lang nangyari... hindi ko mapigil ang pamumuo ng luha.

"The day before our wedding anniversary, nagtalo kami. We were supposed to go on a cruise, pero nakalimutan nya ito and he reasoned na marami daw syang inaasikaso.

Syempre nasaktan ako dahil hindi man lang nya naalala ang napag-usapan naming magbabakasyon to celebrate our first year as married couple.

Payag naman ang head ng department namin nung nagpaalam ako pero ewan ko ba kung bakit nag schedule sya ng operations sa araw ng anniversary namin.

Hindi kami nag usap the whole day, nakakapanibago dahil hindi umaabot ng oras ang hindi namin pagkakaayos. No phone calls, no texts, no voice mails...

Umuwi sya kinagabihan at niyakap ako ng mahigpit. He said sorry over and over; he kissed me tenderly, made love to me. Parang bumalik kami sa pagiging newlyweds.

I woke up on the day of our anniversary na masaya at nag-iisip ako na sa weekend na lang kami magbabakasyon. Sayang kasi yung tickets para sa cruise. I was smiling as I woke him up with kisses.

Nagulat na lang ako nang sinabi nyang he wanted to end it all. Sawa na syang magpanggap, sawa na syang magsinungaling. Gusto nyang magka-anak, pero hindi posible yon sakin.

Pinagtapat nyang may relasyon sila ni Alayne at kaya nya ako sinuyo para humakot ng investors ang kumpanya nila kapag naassociate ito kumpanya namin.

Natulala ako...tapos tumawa ng malakas. Solid ang acting nya eh. Inakala kong joke lahat yun kasi joker talaga sya. I was expecting na tatawa sya anytime.

Pero hinubad nya ang singsing nya, inapakan saka tinapon sa labas ng bintana..." naalala ko yung sakit at nanlabo ang mata ko.

"Seeing is believing diba? Iniwan nya ako dun sa bahay namin. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, gusto syang habulin pero sabi ng utak ko huminahon kasi prank lang nya yon.

Nang matauhan ay lumabas ako at hinanap yung singsing na tinapon ya. Nahirapan ako kasi malago yung hedge sa garden sa tapat ng bahay namin.

Matagal akong naghanap, nagkanda sugat ang mga kamay pati kuko ko sa kakahawi ng mga halamam.

Halos lumubog na ang araw nang nakita ko yun sa pot ng gardenia na itinanim naming dalawa.

Alam mo ba? Gardenia ang naging bulaklak ko nung kinasal kami. Kasi ang meaning nito ay 'untold love' or 'secret love'...

Akala ko sign ang gardenia na babalik sya kasi symbol ito ng trust, hope, protection. Kasi poprotektahan nya yung pag-iibigan namin laban sa mga mananakit at hahamak sa akin, sa amin.

Naghintay ako magdamag na umuwi sya, hawak-hawak ko yung pot na yun. Hinihintay kong bumukas ang pinto saka sasabihin na 'You got pranked!' kasi paborito nya yung show na Punk'd ni Ashton Kutcher..

Malaki ang ngiti ko nang bumukas ang pinto at sinalubong ko sya. Si Dad at Mum pala yon... tumatawag daw sila sa bahay pero walang sumasagot; kahit sa ospital hindi ako mahanap.

~flashback~

'Dad, Mum.. Napadalaw po kayo?'

'Anak you were here all along?' Nalilitong tanong ni Mum.

'Ha? Eh bahay ko to. Hinihintay kong umuwi si Sean. Naiwan nya yung ring nya.'

Hawak-hawak ko pa din yung ring na maingat kong nilinis. Masakit yung pinky finger ko, nahiwa yung kuko eh.

'Laurence, what's happening?'

'May sched OR sya ngayon. Hinihintay ko nga umuwi kasi pupunta kaming..'

'Laurence, son...have you been sleeping?' Nag-aalalang tanong ni Daddy.

'Son, you look like a ghost. And your eyes are full of dark circles.'

'What's happening, sweetie?' Alalang tanong ni Mum. 'You were absent for a week sa ospital.'

'Mum what are you talking about? I filed a three-day leave for the anniversary and I got the OK. I still have two days left...'

'Son... your anniversary was six days ago.' Maingat na sabi ni Dad habang nakatingin kay Mum.

'Nak... what's going on?'

One second nakatingin ako sa kanila, the next second sahig na ang nakikita ko. Bigla ring nagdilim ng paningin ko sabay ng mga tili ni Mum.

Pag gising ko ay puro puti ang surroundings, tapos numb ang kaliwang kamay ko. Pagtingin ko dito ay nakainsert ang isang IV cannula na naka-attach sa drip.

Nakakasilaw yung araw sa may bintana. Luminga-linga ako, andaming mga bulaklak pero wala ni isang gardenia. Yung sunflower pa na hate ko ang pinakamarami.

'Darling...are you okay?' Si Odette.

What is she doing here? Diba nasa France na sya?

'Aunt Marisse? Aiden's awake!'

'Hey Odette, what are you doing here?'

Pinilit kong umupo. Tsk, ang hirap pag nakatali sa IV, di ako makagalaw ng maayos. Mejo nanginginig pa yung mga kamay ko.

'Aiden, sweetie... are you alright?' Naluluha ang Mum.

Teka, ano bang ginagawa namin dito? When was I brought to the hospital?

'Mum I need to get home. Baka nag-aalala na si Sean. I was waiting for him to come home after his surgeries eh. Did you call him? Did you tell him kung nasaan ako?'

'Nak... please just rest..' pigil nya nang akma akong tatayo.

'No..can I please have my phone? I just need to call him. Worrywart pa naman yon.'

Hinahanap ko ang phone ko pero wala yun dito. Naiinis na ako, ang sakit pa ng ulo ko at nahihilo ako. Pilit akong pinapahiga ni Mum.

'Dear.. just stay still, ok?'

'Odette, I'm fine. Can you call him? My phone's not here. I think I left it in my bedside drawer. Please tell him that I'm...'

'Aiden!' Napasinghal si Dad kaya natigilan ako.

Pangawalang beses ko pa lang syang narinig magalit, the first time ay noong pinalayas nya ako. Nagflashback sakin ang nangyari at nakaramdam ako ng takot.

'For Pete's sake just rest, ok? Dou-ahou! You were hypotensive and hypoglycemic, not to mention dehydrated. Are you trying to kill yourself? Just what the hell happened?'

'Dad, no! Why would I do that? I told yo--'

Bumukas ang pinto at pumasok si Sean. Natutuwa ako nun, salita ako ng salita kahit nanghihina ako. Marami akong tinatanong at kinukwento sa kanya.

Natatawa pa ako nang ikwento kung papano ko nakita ang singsing sa pot ng gardenia namin. It's really our lucky flower. Sabi ko na nga ba, it was all a prank.

Pinaalis nya ang iba kong bisita at kahit ayaw ni Dad ay umalis din sya. Naiwan kaming dalawa ng asawa ko sa loob. Malungkot nyang tiningnan ang IV na nakakabit sa akin. I was still smiling when he sat in front of me.

'Do you know what those gardenias meant?'

'Honey.. it's our secret love. A symbol of trust, hope, and protection, gaya ng pag-aalaga natin sa pagmamahalan natin.'

'Aiden... I'm sorry this happened to you.'

Lumapad ang ngiti ko, he's really concerned about me. Grabe kung mag worry si Sean. Ang swerte ko sa kanya.

'What are you apologizing for?'

'But that flower also symbolizes renewal and freedom. Aiden, alam ko masasaktan kita, but I have to ask for my freedom.. and to renew myself with Alayne..'

'Honey! Naku ha, ang hilig mong magbiro. Pati si Alayne kinakasabwat mo. May saltik ka talaga.'

'Aiden, please...' hinawakan nya yung kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit wala na yung pamilyar na init ng palad nya. Kinabahan na ako. Aiden na lang, wala nang endearment...

'Aiden, I'm sorry.. please let me go. Kung mahal mo ako, hahayaan mo akong maging masaya sa piling ng mahal ko. At si Alayne yon...'

'Sean...honey, you're kidding right? Please stop this.. Nasaan ba si Alayne? Baka bini-video nya tong biro nyo tapos ipapadala sa 9GAG or wherever...' pinagpapawisan na ako ng malamig.

'Fuck, Aiden Laurence! Biro ba to, ha?!'

Sumisigaw na sya nun, at tinapon nya ang papel na hawak nya. Tumama sa mukha ko, malakas. Seryoso ba to? Ayokong buksan yon.

'...hin...hindi m-mo na ba ako mahal? Yung...yung anniversary trip natin this weekend? Tuloy pa tayo diba... joke mo lang to eh..tama na please, masakit kasi...'

Hinawakan ko kamay nya, pero nagpumiglas sya at winaksi yun saka lumayo. Natanggal ang cannula, lumabas ang dugo sa ugat ko. At dahil mahina ako, hindi ko magawang tumayo para lumapit sa kanya.

'Aiden, I want kids.. with my own flesh and blood. Mahirap bang intindihin yon? Magna Cum Laude ka diba? Topnotcher ka diba? You're the best neurosurgeon in town pero bakit hindi mo maintindihan ang sinasabi ko?'

Wala nang emosyon ang mga mata nya. Wala na ang dating ngiti sa mukha nya kapag kinakausap ako. Sumisikip ang dibdib ko, maiiyak na yata ako.

'Pano naman ako? Pano yung kasal natin? Wait.. we can still fix this, diba.. tell me what to do to fix this... Let's call Tita Agnes! She offered na maghahanap ng surrogate para sa atin right? We'll have a baby soon, honey.. teka, I have her numb-...'

Hindi ko alam kung bakit blurred masyado yung mata ko. Parang may malaking bato sa lalamunan ko at pinipiga nang husto ang puso ko.

Ni hindi ko maramdaman na malakas ang daloy ng dugo mula sa sugat ko. Woww... ang pula ng dugo ko. Kala ko berde yung lalabas eh.

'God, Aiden! All of us have the right to be stupid, but you're abusing your privilege!! How can I make you understand? I USED YOU to get what I wanted. For the sake of my family's business.'

'Grabe ka naman Sean ohh.. masakit na yang biro mo, di na nakakatuwa...'

'Well you know what? YOU GOT PRANKED! I don't love you, never had, and never will!' It was the first time na sumigaw sya, puno ng poot.

'Divorce papers... I need you to sign them. I need to have my freedom back. Alayne doesn't want to hurt you either, pero mahal namin ang isa't-isa. It's time for me to build a family...'

'Pero pamilya tayo diba? Yung singsing... sa gardenia tumama.. diba ma-..'

'Puro ka gardenia-gardenia eh! Wala nang meaning yan, okay? Please, Aiden... just let me go...'

Nakatingin lang ako sa likod nya habang papalayo sya. Wala na yung lalaking minahal ko. Wala na yung pag-ibig na iningatan ko.

I sat there, tumutulo ang luha, habang tinatanong ng mga tao sa paligid ko kung anong nangyari. Kung bakit andaming dugo, kung san papunta si Sean...

Hindi ako makahinga. Gusto ko lang mawala yung sakit sa puso ko, baka nagkaka myocardial infarction ako. I stared at Dad's worried face, and darkness swallowed me back...

Nakauwi ako after 3 days, but I felt even more worse kesa nung mag-isa kong hinintay ang pag-uwi ni Sean. Tinanong ako ni Dad about sa papel na binigay ni Sean, pero wala akong imik.

'Odette, can you come here? Let's have a drink...' paanyaya ko sa kanya.

---

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Gusto kong makalimot sa lahat. Magpapakalango ako sa alak kahit na hindi pa ako nakakatikim nito.

Hindi ko kayang sabihin kay Argyll at Kuya Jeremy ang nangyari samin ni Sean. Ipinagmamalaki ko palagi si Sean kay kuya, at pinagtatanggol mula kay Argyll.

Siguradong pagtatawanan nila ako, o di kaya ay pagtutulungan nilang bugbugin si Sean. Parehas pa naman silang warfreak. Hindi ko sya kayang saktan. Ayoko syang masaktan...

Di pa man nakakarating si Odette ay napagtripan ko na si pareng Johnny Walker. Naubo pa ako, parang sinusunog yung lalamunan ko. Pero masarap yung ganitong pakiramdam para makalimutan ko ang kirot sa dibdib ko.

Pinagpawisan ako, masyadong mainit. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagpatuloy ko ang pagsalin ng alak sa baso at nilagok ito. Parang hinahagod ang dibdib ko, naiibsan ang sakit.

'I don't love you, never had, and never will!'

Paulit-ulit kong naririnig yun. Tumulo na naman ang maiinit na luha sa pisngi ko.

Hindi ko na mapigilan ang sarili. Nilaklak ko ang alak mula mismo sa bote nito. Lumakas ng lumakas ang kabog ng puso ko.

'Aiden, dahling? Wh...what's happening? Why are you so red?'

'Odette? Ah, shorre deaahh. I fink i finishhhed ze bottle...?'

Hindi ako lasing pero slurred na ang pagsasalita ko. Tsk, kainis pag amateur ka sa inuman.

'Aiden, you need to stop. Your chest and your face looks so red.'

'Hmm..a-nooo, no, no, no. Me ish not red..hic!'

'My goodness! You are drunk!'

Parang naninikip ang dibdib ko. Ang bilis ng pulso ko, hindi ako makahinga. Shit... pero masarap si Johnny eh. Try ko kaya si Remy Martin...?

'I ish not!'

'You need to stop it...'

Natumba ako. Naninilim ang paningin ko, hindi ako makahinga at pakiramdam ko ay sinasakal ako..

'You gotta be shitting me!'

Ang huli kong narinig ay ang malakas na tili ni Odette kasabay ng panicked nyang boses. May tinatawagan sya, ewan ko sino. Nawalan na ako ng malay.

~end of flashback~

Turned out allergic ako sa alcohol. Muntik na akong maintubate pagdating sa ER dahil konti na lang at sasara na ang larynx ko.

,Buti at nagrespond ako sa epinephrine. Muntik nang mahimatay si Mum nang malaman kung anong nangyari sakin.

We were officially divorced after 2 months. Dalawang buwan na hindi ko alam kung realidad ba o panaginip lang ang lahat. Nagising na lang ako one day na single ulit ang civil status ko.

The world I built for a decade was easily shattered in a flash. It was hell walking over expectations versus reality. Hindi ko alam kung anong direksyon ako iikot.

Pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho sa ospital, umaasa na kapag nagkita kami ni Sean, babalik yung nararamdaman nya para sakin. Umaasa na magigising syang hindi nya mahal si Alayne.

Araw-araw nananalangin ako na sana panaginip lang lahat yon. Pero mahina ata ako sa mga santo, Diyos, tooth fairy, at kay Santa Clause eh. Ni minsan hindi natupad ang prayers at wishes ko.

Ang sakit pala ng feeling na kahapon magkasama at magkayakap kayo, tapos kinabukasan babalik kayo sa pagiging strangers. Na yung mga ngiti nyang dati rati ay para sa akin, ngayon iba na ang pinapasaya.

Yung mga katagang ako dapat ang nagsasabi, ngayon sa iba na nya naririnig. Yung mga kamay na ako ang hinahawakan, ngayon iba na ang nakahawak.

Gumugwapo sya araw-araw, nakangiti, palaging masaya. He kept everything professional between us, and I stood there pretending to be happy. I faked a smile everyday; I was an expert at hiding my tears.

Everyday, a piece of me falls apart hanggang wala nang natira sa sarili ko. I gave my whole heart to love the guy whom I thought loved me to infinity.

Ang sakit kasi hindi ako ang mundo nya, hindi ako ang nagpapasaya sa kanya. Ang sakit... kasi yung kasama kong bumuo ng sariling naming mundo, iniwan lang kaagad ako.

Ang sakit... kasi andali nyang nakalimot habang andun ako, nakatingin lang palagi sa likod nya, umaasang lilingon sya at sasabihing mahal nya ako.. na kailangan nya ako.. na ako na lang ulit...

And now you know my dark past, Ryou... I'm gay, I was married, had a divorce, still desperately trying to rebuild my old self."

Nakatingin ako sa malayo, naduduwag akong tumingin sa kanya. Dumadaloy pa din ang luha sa mga mata ko, ramdam ko pa din yung hapdi ng nakaraan.

"When was your anniversary?" Tanong nya matapos ang mahabang katahimikan.

"28th of August. Yan din ang anniversary namin nung magboyfriend pa kami..."

Natahimik ulit sya... matagal yon, nakabibingi. Nagsi-alisan na din yung mga tao dito sa park. Kami na lang ang natira.

"Ryou, alam ko sa paningin ng iba madumi ako kasi nagmamahal ako ng lalaki. Ayos lang, tanggap ko din naman kung lalayuan mo ako at pandidirihan.

Sanay na din naman akong masaktan, yung tratuhin nang ganun. Maiintindihan kita. Kaya okay lang talaga kung ayaw mo na akong makita o makasama..."

Gusto kong humagulgol, pero hindi pwede. Ayokong kaawaan nya ako. Ayokong mapilitan syang makipagrelasyon sakin dahil sa awa.

Ayokong mawala si Ryou, pero ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. I can't hurt the person I love.

"May...ma.." napabuntong hininga sya. Di ko magawang tingnan sya. "Mahal mo pa ba sya?"

"Hindi na... kasi..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Kasi ano?"

Pinilit nya akong humarap sa kanya kaya wala akong nagawa. Nagtama ang paningin namin, pero hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.

"Kasi mahal na kita, Ryou..." bulong ko, pero parang napakalakas yon sa aking pandinig dahil tahimik ang paligid.

"Sensei..."

Naipikit ko ang mga mata ko at bumagsak ang mga luha. May halong lungkot kasi ang boses nya, at halatang nahihirapan sya. Alam ko ang boses na to...

"Sshhh, sensei..tahan na..."

Pinunasan nya ang mga luha ko, na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Sorry, Ryou...sorry kasi bakla ako... sorry kasi minahal kita. Sorry sa lahat-lahat..."

Hindi ako magkanda ugaga sa pagsasalita dahil napapahikbi ako. Pinilit kong ngumiti para sa kanya, kahit mahirap. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Sorry ha.. ganito ang tingin ko sa'yo. Sya nga pala, tanggapin mo tong regalo ko.."

Saka iniabot ko sa kanya ang kahon na may lamang relo. Vintage Rolex yon, at nahirapan akong hanapin ang store na sinabi ni Lolo na pwede kong mapagbilhan.

"Aiden? Vintage Ro--"

"Rolex 1966, very rare 18ct yellow gold day date with champagne linen and diamond dial, 18ct yellow gold president bracelet." Putol ko sa kanya.

"Sorry, yan lang yung nakayanan ko."

"Masyadong mahal ito ah? Alam mo diba na ayaw kong ginagastusan ako?"

"It's fine... gusto kong ibigay yan sa'yo kasi ikaw ang pumasok sa isip ko nang makita ko yan."

At least maganda yung farewell gift ko sa kanya, at nasabi ko na din na mahal ko sya. Swerte ko dahil naranasan kong maging masaya sa 2weeks na nakilala ko sya.

Eto na siguro ang great luck ko, yung makilala at magkaroon ng chance na mahalin sya. Eto rin siguro ang great curse nya, ang makilala at mahalin ng isang baklang katulad ko.

Papano nga ba maka-cancel out ng swerte ko yung kamalasan nya...? Iisa lang ang kailangang gawin...

"Isuot mo sa akin.."

"Ha? Nakakahiya naman..."

(Di ka ba nandidiri na hawakan kita?)

"Sige na.. pabirthday mo na sakin to."

Wala akong nagawa kundi sundin sya. Siguro huling pagkikita na namin to. Sunod-sunod ang paglunok ko pero ayaw mawala ng malaking bato sa lalamunan ko at nanginginig ang kamay ko nang isuot ko ang relo sa kaliwang kamay nya.

Tama nga ako, sakto lang ang strap at bagay na bagay, na para bang ginawa ang relong ito para sa kanya. Kahit sako ang isuot nya ay magiging fashion trend ito.

"Sensei..." lumalayo na sya, ramdam ko.

Gusto ko syang yakapin at halikan... Ipadama na mahal ko sya, na hindi ko sya sasaktan... pero alam kong ayaw nya yun.

"Ryou... okay lang ba? Na kahit hindi mo ako gusto, okay lang ba na mahalin pa din kita?" Pagbabakasakali ko.

(Ayokong mawala ka.. mahal kita! Please wag kang lumayo..)

"Sensei... sorry, hindi ko matatanggap ang nararamdaman mo para sa akin... kung..."

Lumunok sya, halatang nahihirapan. Ayokong makita syang ganun..."k-kung pwede sana ay ---"

Ayokong marinig ang kasunod. Dahil sa akin kaya sya mapipilitang magsalita ng masama. Mabait sya, kahit yakuza pa sya.

(Mahal na mahal kita...)

"Ssshhhh.. okay na, Ryou. Wag mo nang ituloy. Naiintindihan ko, ramdam ko..."

Ang sakit piliting ngumiti sa harap ng mahal mo, lalo pa't mukhang nahihirapan din sya. Pero wala kang magagawa, kailangan mong gawin ang tama...

"Sensei... sorry.."

"Wala kang kasalanan... sorry ha? Ito pa yung naisukli ko sa lahat ng kabutihan mo. Yaan mo, di na ako magpapakita sa'yo. Happy birthday ulit. Salamat sa lahat lahat."

Tumayo ako at hinalikan sya sa noo, sa huling pagkakataon. Sinubukan kong ngumiti habang naglalakad palayo sa taong pinagbuksan ko ng puso ko kahit pa nga wasak ito.

Ilang beses man akong lumayo, alam kong walang sinuman ang pipigil sa akin, o di kaya ay hihila pabalik sa akin. Sanay na ako ng ganun. Lalo ko lang sasaktan ang sarili ko kapag nagbakasakali ako.

Naranasan ko na yun sa mga magulang ko, pati na kay Sean. Kaya walang silbi ang umasang hahabulin ako ng katulad ni Ryou. Pero di ko pa din mapigil humiling na sana...

"Sensei sandali!"

Sigaw nya kasabay ng malalaking hakbang. Kailangan mo ba ako...?

"Ryouichiro..." humikbi na ako.

"Okay lang ako, promise. Di ako tatalon sa dagat."

"Anong gagawin mo? Maglalakad pauwi? Malayo tayo sa condo mo."

Ayaw kong makita ang pag-aalala sa mga mata nya.

"Malapit lang naman yan. Lakarin ko lang, exercise na din yon. Sige na, uwi ka na. Baka nag-aalala na sila sa'yo."

Di ko mapigilan ang pag agos ng luha.

"Sensei naman eh..."

"Sabing ok lang ako eh. Maiintindihan ko naman kung nandidiri ka, kasi nakakadiri naman talaga ako. Wag mo lang pilitin yung sarili mo na lumapit sakin. Ayokong nahihirapan ka."

"Sensei..."

"Sorry Ryou..." may halong sakit ang boses nya, kaya kinain na ako ng konsensya ko.

"Sensei, hatid na kita... halika na."

Wala na, malayo na talaga sya... hindi ko na ulit mararamdaman yung mga yakap nya, yung mga halik nya... Mahal kita!

"Ryou... napipilitan ka lang eh. Okay na, maglalakad na lang ako.. sige na, ayos lang talaga."

Pinahid ko ang luha ko. Timang na, tanga pa. Alam na ngang straight yung nasa harap nya, nainlab pa din. Ako na talaga ang reyna ng mga assumera. Sino ba naman ang naiinlab sa loob ng dalawang linggo?

Pinilit kong ipakita na ayos lang ako. Ngumiti ako, may pa tawa-tawa pa ng konti. Nakayuko lang si Ryou, todo iwas ng tingin. Bagsak ang mga balikat at halatang nasasaktan.

Ayoko nang ganun! Ayokong malayo sa kanya, pero mas ayokong makitang nasasaktan sya. At lalong ayokong sisihin nya ang sarili nya dahil sa pag-iyak ko. Masaktan na ako, wag lang sya...

"Sensei... patawad."

Bulong nya habang umiihip ang malamig na hangin. Iyon ang pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya. Mas masakit pa yun nang sabihin ni Sean na ni minsan hindi nya ako minahal.

Naglakad sya palayo. Sinundan ko ng tingin ang likod nya, umaasa na naman na sana ay lumingon sya at tumakbo papunta sakin at sabihin na mahal nya din ako.

But he said those words with finality, at alam kong anu man ang mangyari, hindi nya ako kayang mahalin.

'Ryou... tandaan mo, bakla man ako, minahal kita ng totoo. Anuman ang sabihin nila laban sa'yo, hindi ako maniniwala kasi pinakita mo sakin kung sino ka talaga...

I wish I could have been better for you.. Mahal na mahal kita! I love you more than anything else in this world and there's nothing I would want better than to hold on to you forever.

Pero alam kong mas makabubuti na ang ganito. I love you, so I'll let you go..."

Gusto kong isigaw yun, pero walang lumabas sa lalamunan ko. I will get through this.

Dapat pala hindi na ako nagtapat. Sana tinago ko yung nararamdaman ko. Sana nakuntento ako sa friendship namin. Sana hindi ako nagpadala sa mga pa-sweet nya.

Sana hindi ko sya minahal. Sana hindi na lang kami nagkakilala. Sana babae na lang ako... Sana pumayag syang manatili ako sa tabi nya kahit hindi nya ako kayang mahalin...

Kailangan ba talagang masaktan? Kasalanan ba ang maging bakla? Kung naging babae kaya ako, mamahalin nya rin ako?

Ako ba ang may kasalanan ng gyera sa Syria? Ako ba ang nagpakana ng Holocaust? Ako ba ang nagdisenyo ng palpak na nuclear reactor sa Chernobyl? Ako ba ang mastermind ng 9/11?

Love knows no gender? Tangina!! Sino bang nagsabi nyan? Sarap upakan eh... Makaimbento nga ng anesthesia para mawala tong sakit sa dibdib ko. Iimbento na rin ako ng osmotic regulator tablets para pwedeng itigil ang pagluha anytime.

(Ryou, balik ka na... ang lungkot ko eh, kasi mahal talaga kita.. Alam ko naman hindi mo ako kayang mahalin, pero ansaket sampalin ng katotohanan na kahit kailan hindi ka magiging akin...)

May pumutok sa hindi kalayuan. Ang gaganda ng fireworks, sinasabing bulaklak ito ng kalangitan. Napakaliwanag nito, mukhang nagbubunyi na nakakapagbigay saya sya sa mga tao.

Gustong-gusto ko ang manood ng fireworks, parang magic kasi ito sa paningin ko. Sumasaya ako kapag nakikita ko ang pagsabog ng mga bituin na may iba't-ibang kulay sa kalangitan.

Pero this time, nabigo itong mapasaya ako. Mabigat na mabigat ang puso ko. Nakatingin ako sa fireworks, nakangiti, pero iisa lang ang nasa isipan ko: wala na sya.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Ang alam ko lang, nakakasilaw yung sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Kung pwede lang sanang ibalik yung oras, gagawin ko, wag lang mawala yung minamahal ko.

Sa sobrang pagod at kaiiyak ay nakatulog akong iisa ang hinihiling: sana pag mulat ko ng mata ay bumalik si Ryou..

---

Papaano na ang puso ni Aiden-sensei? Matutupad ba ang kanyang hiling? O mawawala na ng tuluyan si Ryou-bocchan? May magpaparamdam bang bago?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Not All Love Stories Have Endings (Part 6)
Not All Love Stories Have Endings (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEib9WqOWiZeKZu8Ox1DuxLjazaMm34Rsfxdno6HCFAT-GZAj0KLibT8Q043zAWSEfeteFqMgKX3DmveicmBjSimhNf2pQ5OmBTcQJmCFipjJkXubAkSuFMnbdbPmyHVBMu5NpbRcLIhfikM/s320/Not+All+Love+Stories+Have+Endings.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEib9WqOWiZeKZu8Ox1DuxLjazaMm34Rsfxdno6HCFAT-GZAj0KLibT8Q043zAWSEfeteFqMgKX3DmveicmBjSimhNf2pQ5OmBTcQJmCFipjJkXubAkSuFMnbdbPmyHVBMu5NpbRcLIhfikM/s72-c/Not+All+Love+Stories+Have+Endings.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/not-all-love-stories-have-endings-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/not-all-love-stories-have-endings-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content