$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Taste of A Sailor (Part 3)

By: JR the sailor Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa akin na nanggagaling mula sa bintana.Dama ko ang init dumadampi sa aking bala...

By: JR the sailor

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa akin na nanggagaling mula sa bintana.Dama ko ang init dumadampi sa aking balat galing sa sinag ng araw.Naramdaman kong nakahiga pala ako sa isang malambot at malaking kama. Pinagmasdan ko ang paligid at inikot ang aking paningin.Napansin kong malinis, maganda at maaliwalas ang kwarto. Malaki ang espasyo sa loob at may malaking chandelier na nakasabit sa taas ng kisame. Kumpleto sa gamit ang silid na yon,may Flatscreen TV,Sofa, Refrigerator, mahabang dining table, Piano at marami pang iba. Sobrang laki nito para sa isang kwarto lang. Parang ganito na ang kabuuan ng bahay namin kung susumahin. Napako ang mga mata ko sa orasan na nakasabit sa pader. 8:45 na pala ng umaga.

“Nasaan ako”? Tila nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
       
        Akmang tatayo ako mula sa aking pagkakahiga ay naramdaman ko ang biglang pagsakit at pagkirot ng aking katawan. Biglang bumalik  lahat sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Naalala ko lahat nang kaganapan na sinapit ko sa kamay ni Stefano.

Bigla na lang akong natigilan at pumatak ang maalat na tubig sa aking mata.

“Ang sama sama nya, Hindi ko akalain na magagawa nya sa akin yun”, Buong paghihinagpis kong bulong habang umiiyak.

Biglang may pumasok sa loob ng kwarto.

“Ohhh Edward, Gising ka na pala” si Jacob habang nagmamadali at patakbong lumapit sa akin.
Pinunanasan ko na rin ang aking luha at inayos ang sarili.

“Kamusta na pakiramdam mo? How do you feel?May masakit pa ba?”, nag aalalang tanong sa akin nyang tanong at umupo sya tabi ng higaan ko.

“Ahm ayos na ako Jacob, Salamat pala sa pag aalaga sa akin dapat sa bahay mo na lang ako dinala, naabala ka pala tuloy ”, sagot ko namn sa kanya.

“Teka Nasaan pala ako?” Pahabol kong tanong sa kanya.

“You're here in my room, dito na kita dinala kagabi at agad kong tinawagan   si Tita Chloe, She's a Medical Doctor , kapatid sya ni Mama at malapit lang bahay nya dito. Hindi ka na raw kailangan dalhin sa Hospital, tinurukan ka na lng ng pain reliever at nilinisan ka na lang namin”, pagpapaliwanag ni Jacob at napansin kong ibang damit na ang suot ko.

“Naku naman, Nakakahiya na sa inyo Jacob,Grabeng abala na ang naidulot ko sayo Teka sino pala nagpalit ng damit ko?” , nahihiya kong sabi sa kanya.

“Sshh. Edward, ako ang dahilan kung bakit nangyari sayo to, Im fully liable for this. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sayo”, malungkot na paliwanag ni Jacob.

“And don't worry, ang mga Maids ang nagpalit ng damit mo, Kaya wala akong nakita na hindi dapat haha” at isang nakakalokong tawa ang binitiwan nya.

Bigla na lang ako namula sa mga sinabi nya, nakkahiya sa loob loob ko.

“Pero salamat talaga Jacob sa lahat ng tulong mo, Kung hindi ka dumating baka kung ano na nangyari sa akin”, mahinang tugon ko sa kanya.

“Stop saying Thank You and Sorry Edward, Like what I said, I am liable for this. Saka kaibigan kita kaya andito ako para tulungan ka sabay bigay ng matamis na ngiti at kindat sa akin”, as usual kinilig na naman ang lola nyo hahahhaha.

“Saka importante Ka sa akin”,pahabol nyang sabi at tila hindi ako makapaniwala sa sinabi nya at nagulumihanan ako bigla. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

“Huh? Ako? Importante.. para.. sayo? Tugon ko sa kanya na medyo nanginginig.

“What I mean is Importante ka kasi Kaibigan kita”,pagpapaliwanag nya

“Ahhh ganun ba,salamat” dugtong ko naman”(, OUCH!KAIBIGAN LANG PALA HAHAHA ASSUMMING KASI BES!)

“Nasaan pala Si Stef”? tanong ko sa kanya.

“Ssshhh. Let's not talk about Him for now, Please?” Pakiusap sa akin ni Jacob.
“Ok”. Sagot ko sa kanya

Tumayo si Jacob at pumunta sa may telephone.

“Hello Manang, Pakidala na po dito yung mga pagkain”, pag uutos nito sa kausap nya..

“Edward may kukuhanin lang ako sa labas ha. Tumawag ka lang kung may kailangan ka”, paalam sa akin ni Jacob tanging pagtango lang ang aking ginanti sa kanya.

Mga Sampung minuto na ang nakalipas at hindi pa rin sya bumabalik ng biglang bumukas ang pintuan….

Nagulat ako dahil sunod sunod pumasok ang maids at may dalang maraming Maraming pagkain. May rice ,pork caldereta, lasagna, spaghetti, carbonara, fried chicken, pancit,Chopseuy,steamed lapu lapu, Shanghai spring rolls,marami ring desserts akong napansin, pati isang buong lechon na may mansanas sa bibig na ikinalaki ng mata ko, mayron din nagdala ng assorted color na balloons at isang malaking fondant cake na ikaningiti ko na sya namang hawak ni Jacob . Sobra akong namangha sa aking nakikita .Never pa ako naipaghanda ng ganito sa tala ng buhay ko at never ko naisip na mangyayari sa akin yun. Ang ibang maids naman ay may dalang mga boxes na naka gift wrap. Kahit malaki ang kwarto ay halos magsikip ito dahil sa mga bagay at pagkain na dinala nila.

“BELATED HAPPY BIRTHDAY EDWARD!!” sigaw  ni Jacob at mukhang excited na excited ang mokong. At kumanta silang lahat ng Happy birthday Song kasama ang mga houseboys and Maids. Napapangiti na lang ako sa mga nangyayari. Lumabas na rin sila after nilang maiprepare ang lahat.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung oras na iyon. Very surreal. Lumapit si Jacob sa akin dala ang cake na may nakasinding kandila. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa saya, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari at para akong nakalutang sa ulap.

“Make a wish and Blow the Candle Edward”! Excited na utos ni Jacob

Sinunod ko ang sinabi nya. Pinikit ko ang aking mata at hinipan ang kandila.

Sinampal sampal at kinurot ko ang aking sarili sa pag aakalang nananaginip lang ako.

“Arrrraayyy! Totoo nga!” bulong ko sa aking sarili habang nakangiti

“Hahahha Hindi ka nananaginip Edward”, tumatawang sambit ni Jacob.

“Nakakainis ka Jacob! You dont need to do this! I dont deserve anything Iike this” , naiiyak kong sabi sa kanya

“Ayaw mo ba? Hindi mo ba nagustuhan? May iba ka pa bang gusto?” , malungkot nyang tanong sa akin.

“Gustong gusto ko lahat ng to Jacob” . sabay bigay ng isang mahigpit na yakap sa kanya. (Pati ikaw gustong gusto ko hahaha char)

“Maraming maraming Salamat sa lahat Jacob, Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya”, bulong ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya.

Bigla akong bumitaw sa pagkakayakap Nagulat ako sa ginawa ko at  natauhan dahil naisip kong hindi ko dapat ginawa yun. Tila namumula na ako sa hiya.

“Naku Sorry Jacob, nadala lang ako ng emosyon ko, sobrang saya ko lang talaga Pasensya na”, halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

“Hahaha baliw ka talaga Edward! Ok na ok lang, halika nga dito, I want that Hug again”,

“Its enough to say “you're welcome” sabay lumapit sya sa akin at inakap muli ako. Sobrang sarap sa pakiramdam ng yakap na yun,para akong dinuduyan papuntang langit. Naramdaman ko rin bumilis ang tibok ng puso ko. Dugg. Dugg. Duggg. Duggg. Dug! Heto na naman sya bulong ko sa aking sarili.

“Hindi ko hahayaan na may mananakit at magpapaiyak ulit sayo Edward, kahit sino pa sila, ako na ang makakalaban nila at Hinding hindi kita pababayaan”, seryosong bulong sa akin ni Jacob at hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Hindi ko na alam ang sasabihin at gagawin ko.

Totoo ba tong naririnig ko? Sa kanyang labi ba ngmumula yung mga binitiwan nyang salita? Hindi ko na talaga maitago ang kilig na aking nararamdaman. JUICE COLOURED Pero imposible naman na may ibang Ibigsabihin yung mga ginagawa nya, siguro ganun lang talaga sya sa mga kaibigan nya. Maraming bagay pa ang tumatakbo sa isipan ko ngunit isinantabi ko na lang muna ang mga ito at ninanamnam pa ang mga masasayang nangyayari sa akin.

“Wala na akong masabi Jacob, sobra sobra na ang ginagawa mo sa akin,napakaswerte ko dahil isa ako sa mga naging kaibigan mo. Its too good to be true”, bumitaw na ako sa pagakakayakap at humarap sa kanya.

“Im also thankful that you're one of my friends. You are very optimistic and genuine person, and I like those characters of yours”, pagpapaliwanag nya.

“Pero don't make it to the point na mapapahamak ka sa mga bagay na gagawin mo dahil lang sa akin,Tama na yung ako na lang ang mabubugbog. Please Jacob magpromise ka na wala kang gagawing ikakapahamak mo”, paninigurado ko sa kanya.

“Yes Boss! I promise! ” Sabay taas ng kanang kamay na parang nagpapanatang makabayan.

HAHAHAHA sabay kaming nagpakawala ng malakas na tawa.

“Kain na TAYO Edward,gutom na gutom na ako eh”, paanyaya sa akin ni Jacob

“Kain lang, walang TAYO”, seryosong sabi ko sa kanya at nag iba bigla ang timpla ng mukha nya. Naging malungkot

“Hahahhahaha, Joke”, hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa.

“Ikaw ha Edward! gumaganti ka ha! Lagot ka sa akin sabay lapit at kinikiliti ako sa may bandang bewang at tiyan

“Hahhahaha Tama Na Jacob, nakikiliti na ako ng sobra. Hahaha”. Pakiusap ko sa kanya pero hindi pa rin sya tumitigil.

Isa! Dalawa! Tatlo! ,Hahhaaha suko na ako Jacob! Please! hahaha, hindi ko pa rin mapigilan tumawa ng malakas.

Hindi ko na rin macontrol ang galaw ng aking katawan dahil sa ginagawa ni Jacob.

Nang biglang na lang kaming na out-of-balanced parehas. Natumba at napahiga kami sa malambot na kama.
Nasa ibabaw ko ngayon si Jacob at nakadagan sya sa akin. Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mukha.Natulala na rin sya at hindi gumagalaw. Tila tumigil na naman ang ikot nang mundo ko nung oras na yun. Ang mga mata nyang nangungusap, ang matangos nyang ilong at ang mapupula at manipis nyang labi na tila hinihila ako palapit dito, Ramdam ko rin ang mainit at mabango nyang hininga na dumadampi sa aking mukha. Tila Anung sensasyon ang aking naramdaman nung oras na yun. Damang dama ko ang bawat kurba ng kanyang katawan dahil nakapatong sya sa akin. Tuluyan na akong nawala sa katinuan, daig ko pa ang nakatikim ng droga sa oras na yun. Ang taong pinapangarap ko ay ilang dangkal na lang ang pagitan sa akin ngayon . Hindi ko kayang alisin ang titig ko sa kanya.Pero kailangan kong gumising sa panaginip na yun at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makagawa ako ng hindi kanais nais.

Ilang segundo kaming natigilan at pati si Jacob ay napako na sitwasyon namin  at nakatingin lang din sya sa akin. Umubo ako kunwari na tila ginigising si Jacob sa pagkatulala nya.

“Ahem! Ahem! Jacob, mag diet ka nga ang bigat bigat mo na eh”, ang biglang lumabas sa bibig ko upang maputol ang awkward na sandaling yun.

At mukhang nagbalik sa huwisyo si Jacob at mabilis tumayo at namumula ang mukha.

“Baliw ka talaga Edward, hindi kaya ako mataba puro muscles kaya to”! Sabay taas ng t-shirt na suot, pinakita nya ang kanyang 8 pack abs at bigla akong napalunok ng laway at tila natulala sa aking nakikita. . (yummyness mga bess! Maincourse to Dessert! Complete Meal! Haha)

“Hoy! Baka pasukan yan ng langaw, pakisarado po hahaha” pang aasar sa akin ni Jacob dahil hindi ko napansin na na nakanganga na pala ako

“Huh? Feeling ka rin no! Gutom lang yan Jacob ! Kumain na nga lang tayo puro ka kalokohan”, inililihis ko na ang usapan dahil sobra nang nakakahiya ang inaasta ko sa harapan nya at baka makahalata na sya.
At nakita kong ngumiti si Jacob ng nakakaloko.

Pagkatapos namin kumain ay pinaligpit na ni Jacob ang lahat ng nakahanda at pinabalot, iuuwi ko daw lahat ng pagkaing yun para kay Inay at Tatay. Hindi na rin ako makatanggi dahil sa pagpupumilit nya. Ihahatid na lang daw ako ng driver nya mamaya pauwi ng bahay. Tumango na lang ako sa kanya biglang pag sang ayon.

“Ahhmm Jacob, marunong ka bang tumugtog ng Piano”? Tanong ko sa kanya sabay tingin sa piano na nasa harapan namin.

“Yes, bata pa lang ako ay mahilig na ako sa Music. Since then, Nag enroll ako sa ibat ibang music schools para mahasa ang skills ko sa pag play ng ibat ibang music instruments , I know how to play the guitar, Violin,Cielo, bass, saxophone, drums, lyre at marami pang iba” pagkukwento ni Jacob

“Wow, napaka talented mo pala!” Tila mangha kong sambit sa kanya

“Pero piano ang pinaka favorite kong iplay sa lahat, Ikaw ba Edward, marunong ka bang mag piano or guitar”? Baling nya sa akin.

“Hindi ako ganun kabihasa gumamit ng piano pero may konti rin akong alam, nung highschool kasi ay may lumang piano sa school na ginagamit ng mga MAPEH Teachers para sa pagtuturo”, pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Bukod sa sobrang luma na nito ay wala na rin sa tono ang ibang keys, Nanunuod lang ako sa Youtube ng mga free tuorials para matuto, hilig ko rin kasi ang musika at pag awit”, pahabol kong tugon sa kanya.

“Ahh ganun ba, ayos yan lalo tayong magkakasundo! Kapag may free time ka pumunta ka dito at tuturuan kita ! nakangiting pagaanyaya  sa akin ni Jacob.

Lumakad sya Patungo kung nasaan ang piano at umupo sa harap nito. Lumingon muna sya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti bago simulan ilapat ang kamay nito sa mga tiles. At nagsimula na syang tumugtog at nagulat din ako dahil bumukas ang kanyang mga labi.

Spend all your time waiting
For that second chance
For a break that would make it okay

There's always some reason
To feel not good enough
And it's hard at the end of the day

Oh I need some distraction
Oh, beautiful release
Memories seep from my veins

And maybe empty
Oh, and weightless and maybe

Halos matulala ako sa mga nangyayari,nakakamangha, iba ang arrangement ng kanta na tinutugtog nya kumpara sa original song na ANGEL ni Sarah Mclachlan, mabagal at punong puno ng emosyon halos madala ako.Bawat linya na binibitawan nya parang tinutusok ang puso mo.Nagtatayuan na rin ang mga balahibo ko sa braso.  Hindi rin sya tumitingin sa mga tiles, halatang bihasa na sya pagtugtog nito.

In the arms of the ANGEL
Fly away from here
From this dark, cold hotel room
And the endlessness that you fear
You are pulled from the wreckage
Of your silent reverie
You're in the arms of the ANGEL
May you find some comfort here.

You're in the arms of the ANGEL
May you find some comfort here.

Natapos na ang kanta biglang akong nalungkot parang ayaw ko matapos ang kanta,hindi ko mapigilan ang mapaluha, ramdam na ramdam ko ang awitin na yun. Bagay na bagay sa sitwasyon ko ngayon .

May problema ba Edward? Hindi mo ba nagustuhan? “Nagtataka nyang tanong sa akin

“Napakahusay Jacob, I was just carried away by the song and the way you delivered it”, manghang paliwanag ko sa kanya.
“Salamat Edward at naappreciate mo yung ginawa ko, Next time ikaw naman ha”, wika ni Jacob

“Ahhm Sure, but unlike you, Im not that good so dont expect anything from me”, tugon ko sa kanya .

Maghapon kaming nagkwentuhan ng ibat ibang bagay.Pagkatapos nun ay napagpasyahan ko nang umuwi. Dala ang mga pagkain at regalo na binigay nya sa akin ay ipinahatid na nya ako sa driver. Medyo gabi na rin ako nakarating sa bahay at ipinaliwanag ko na lang sa magulang ko ang lahat ng nangyari, as in lahat lahat. Labis silang nag aalala at nalungkot sa sinapit ko.

LUNES, at pasukan na naman. Hindi tulad ng dati na may pag aalinlangan akong humahakbang palabas ng bahay papuntang school, ngayon ay puno na ng positive vibes ang aking nararamdaman. At yun ay dahil kay JACOB.

Kakalabas ko pa lang ng pintuan palabas ay may nakita akong pamilyar na kotse na nakaparada sa harap ng aming bahay.

“What? Jacob? What in the world?” Bulong ko sa aking sarili at tila nagtataka pa rin kung bakit sya nandito

“Goodmorning Edward!” Masiglang bati nya sa akin.

“Goodmorning din Jacob, Bakit ka pala nandito? Saka paano mo nalaman ang bahay namin?” Tanong ko sa kanya.

“Hep! One at a time lang ang questions Ok? Hahaha,” at bumaba sya sa kanyang kotse.

Para syang Hollywood star na bumababa sa kanyang pulang sportscar, suot ang faded blue denim na jacket na may Plain t-shirt sa loob nito .At Bagay na bagay rin sa kanya ang fitted na black ripped jeans at lalo nyang kinagwapo ang suot nitong multi-colored na shades. Hayyyyyyyyyyyyyyy

Grabe napakagwapo namn ng nilalang na to! Lord! Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko para makatanggap ng ganitong BOYFRIEND este Bestfriend pala haha, bulong ko sa aking sarili. At nagsalita na lang sya bigla..

“Nandito ako para sunduin ka, sabay na tayong papasok sa school from now on”, nakangiti nyang paliwanag sa akin.

“Huh? Jacob, sobra na naman yata…”. Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay hinila nya ako sa kamay at inalalayan papasok sa loob ng kotse

“Alam ko na tatanggihan mo ako Edward, but whether you like it or not, You'll come with me” haha sabay paandar ng kanyang kotse.

Hindi ko na maexplain ang nararamdaman ko that time at hindi ko na rin alam ang sasabihin ko. Inisip ko na lang Siguro ay nagiguilty lang sya kaya nya ginagawa to. Feeling nya sya talaga ang main reason bakit ako inaaway ni Stefano. Never naman siguro magkakaroon ng pagtingin sa akin si Jacob, lalaki sya at hindi nya alam na bisexual ako. Malabo talaga. Saka ayaw ko mag expect ng anuman, masasaktan lang ako ng sobra.
 Been there, done that. Haha

Pagkarating namin sa school ay dumiretso na agad kami sa classroom. Pagbukas ko ng pinto ay inilibot ko muna ang aking paningin ngunit hindi ko makita ang taong nagdulot sa akin ng sakit, externally and internally. Hindi ata pumasok ngayon si Stefano. Nakahinga ako ng maluwag. Dahil nattrauma pa rin ako tuwing naalala ko ang nangyari( ang hirap naman talaga siguro mag moved on agad agad).
Napansin ata ni Jacob na mukha akong kinakabahan, at hindi mapakali.

“Everything will be fine, Just stay with me Okay”? Malambing na sabi nya sa akin.

(Wooohhhhh! 3-0 na mga Bes,! Nakakainis talaga tong si Jacob, ang lakas maka boyfriend material hahaha.)

“Thank You” tanging tugon ko sa kanya.

Again, bumalik na sa normal ang buhay ko. Wala na akong naging problema kay Stefano, tila hangin na lang ako sa kanya, wala syang pakialam kung anuman ang ginagawa ko. Malimit ko syang nakikitang malungkot, malayo ang tingin at nag-iisa. Hindi rin kasi sya kinakausap ni Jacob. Malamang ay may tampuhan pa rin ang dalawa. Ilang beses na ako nakiusap kay Jacob na makipag ayos na sya kay Stefano ngunit mabilis na iling lang ang sagot nya sa akin at hindi ko na sya kinukulit about dun . Nag patuloy ang pagkakaibigan namin ni Jacob, Lagi pa rin nya akong hatid sundo papasok sa school at pauwi ng bahay. Mukhang masaya naman ata sya sa kanyang ginagawa. Hindi ko sya nakikitaan ng pagkapilit at pagod. Kaya hindi ko na rin sya pinipigilan.

Biyernes at natapos na naman ang mghapon at naghanda na ang lahat para umuwi. Sinabihan ko na rin si Jacob na umuna na sya dahil may kailangan pa akong isauli na mga libro sa library at Excited rin ako kasi balak kong kumuha ng monthly allowance ko sa Office of Student Affairs bilang isang scholar ng school, makakatulong sa akin ng malaki yun dahil hindi ko na kailangan humingi pa ng baon sa aking magulang at pambili ko na rin ng ibang personal na gamit  . Medyo matagal na proseso din yun at baka matagalan pa ako. Nung una ay ayaw nyang pumayag dahil baka daw may masama na naman mangyari sa akin. Pero dahil makulit ako ay napilit ko rin sya.

“Dont worry Jacob, I will be more careful from now on, Tatawagan na lang kita if may nangyari sa akin, pakiusap ko sa kanya

“Ang tigas talaga ng ulo mo Edward, basta mag iingat ka ha, mukhang hindi ka naman ata magpapatalo eh” seryoso nyang sabi

“Wag ka na po magalit, Promise mag iingat na ako sa susunod”,tugon ko naman.

Naghiwalay na kami ng way, sya ay papuntang parking lot at ako namn ay sa library. After kong maayos ang dapat kong asikasuhin ay nagpasya na rin akong umuwi. Alas 4 pa lang naman ng hapon.
Hindi ko alam bakit naisipan kong dumaan sa may bandang parking lot ng school , kung tutuusin eh malayo pa ang iikutin ko kung duon ako dadaan pero hinila ako ng aking mga paa duon. Nagbabaka sakali na makita ko pa si Jacob kahit imposible na. Tago ang parking lot at madalang mapadaan dun ang walang sasakyan(haha malamang)

“Maaga pa naman, maglalakad lakad muna ako”, bulong ko sa aking sarili

Habang naglalakad ako ay may nakita akong grupo ng mga lalaki, siguroy lima sila, mukhang  students sila ng ibang department. Napansin kong nakapaikot ang mga ito sa isang pamilyar na tao.Oo si Stefano nga ang nakita ko. Mukhang may away na mangyayari sa loob loob ko(kapag nga naman minamalas ka oh oh, anu bang meron sa Biyernes ng Hapon at laging may bugbugang ganap haha) . Nagkubli ako sa nakaparadang van malapit dun, natatakot kasi ako na baka madamay ako sa away nila.

“Hoy! MAYABANG! Hindi ka mapoprotektahan ng pera mo”! Hahaha Sigaw sa kanya ng isang lalaki.

Ngunit hindi nagsasalita si Stefano at seryoso lang ang mukha.

“Eh pipi ata tong maangas na to eh,” bulyaw naman nung isa.

May hawak na baseball bat ang isa sa mga kasama ng mga ito. Nasaksihan ko kung paano ito ipinalo  kay Stefano, ngunit nakaiwas sya.

Hinawakan naman sya sa kanyang braso at kamay nung mga nasa likod nya, tila wala na syang kawala ngayon, naalala ko ang tagpong yun. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya at tulad nya eh wala syang kalaban laban. Walang handang tumulong.

Isang malakas na suntok sa mukha ang binigay sa kanya ng mga ito. Ang iba naman ay sinipa sya sa kanyang tagiliran. Tila galit na galit. Naawa ako sa kanya sa tagpong yun. Kahit hindi naging maganda ang pakikitungo nya sa akin ay hindi pa rin tama na pag tulungan sya ng mga ito.

“Bigyan mo na kasi kami”, dinig kong sinasabi ng lalaki habang sinuntok nya si Stef

Si Stefano naman ay walang reaksyon sa nangyayari. Kahit anong gawin sa kanya ay blangko ang mukha nito. May mga sugat at dugo na rin kang makikita sa kanya.

Akmang hahampasin na sya ng baseball bat ng isa miyembro ng grupo ay lumabas ako sa pinagtataguan at nagmamadaling pinuntahan si Stef,  hindi na kaya nang konsensya ko na manuod lang at hayaan syang mabugbog.

Bigla kong idinipa ang mga braso at kamay ko para hindi matuloy ang paghampas sa kanya.

“Oopppss mga Tol, wala naman sanang ganyanan, balato nyo na sa akin   to” tila kinakabahan kong sabi sa kanila.

“Hoy! Pakialamero umalis ka dyan! Baka gusto mo ikaw ang hampasin ko nito”, pananakot ng isang lalaki habang itinaas at pinakita ang Baseball bat na hawak. Kinabahan ako sa sinabi nila at hindi ko na alam ang gagawin.

‘Nagtawag ka pa ng kakampi eh Totoy na totoy pa pero cute naman hahaha” malakas na tawanan nila.

“Anu ba naging problema nyo dito kay Stef at baka pwede natin pag usapan”, pag uusisa ko sa kanila at hindi ko na pinansin yung huli nilang sinabi.

“Humihingi lang naman kami ng pang inom eh, balak namin kasi pumunta ng Bar mamaya eh alam kong
Rich Kid tong si MR.MONTENEGRO”,tila nagmamayabang na paliwanag nito.

“Eh kaso masyadong madamot at matigas tong gagong to eh”! Inis na bulyaw nung isa.

Mukhang lango sa marijuana ang mga lalaking to, dahil sa amoy sigarilyo, makikita mo rin na sobrang Pula ng mata nila . Mukhang hindi madadaan sa diplomatic talk ang mga to bes! . Napatingin ako kay Stef at tila gulat na gulat ang kanyang reaksyon nagtataka siguro kung bakit ako naroon at ano ang ginagawa ko.

“Stef wala ka bang balak bigyan sila kahit labag sa kalooban mo para lang tantanan ka na nila”, tila nakikusap kong sabi sa kanya

“Hahaha I prefer being hit continuously rather than to give cash for these shitty asshole Bastards, teka bakit ka ba nandito hindi ko kailangan ng tulong mo” pagmamatigas nitong sabi at pansin kong duguan na rin ang mukha nya

“Gago pala talaga to eh, tuluyan na natin Tsong!” , sabay kuha ng maliit na kutsilyo nung isa na ikinalaki ng mata ko.

Hep! Hep! Hep! Teka muna mga tol, magkano ba gusto nyo? Tanong ko sa kanila Dahil wala na akong choice para madistract sila.

“10K! Bakit? meron ka”? pagbabanta nito sa akin

“Huh? Ang laki naman!” gulat na gulat kong sabi

“Isa ka pa eh! Mga Pre isama na natin to, bugbugin na rin yan puro satsat!” , sabay turo sa akin ng isa sa kanila.

Naalala ko nga pala na kakukuha ko lang ng 5k na allowance. Alam ko kailangan ko to pero kung hindi ko ito ibibigay sa kanila baka kung anu sapitin nitong si Stefano. Konsensya ko pa kung may mangyaring masama sa mokong na to. Wala ata talaga balak magbigay tong si Stef.

 “Bakit ba naman sa dinami dami ng taong magmamalasakit sa kanya eh ako pa. Ako tong kinamumuhian nya. Hayyyy. Bahala na. Pera lang yan” bulong ko sa aking sarili.

“OH ANO NA! ? Tila inip na inip na ang mga ito at anytime ay tila gagawa ng hindi maganda.

“Ahhh. Ehh. Pwede bang 5k lang? Yun lang kasi ang meron ako”. natatakot kong alok sa kanila

Tumingin si Stefano sa akin, Nakita kong hindi sya makapaniwala  sa sinabi ko, bukod kasi sa alam nyang mahirap lang ako eh at walang pera , hindi nya akalain na yung taong kinaiinisan at ginagawan nya ng masama ay sya palang tutulong sa kanya.


“Pwede na yan! Sayang lang oras natin dito kay Yabang , Buti pa dito kay Cute may nahita tayo!”, Sigaw nung mukhang lider ata ng grupo.

Agad kong kinuha ang pera na nakalagay pa sa maliit na brown envelope. Labag man sa kalooban ko ay binigay ko na rin sa kanila para matapos na ang lahat

Next time ulit Cute hahhahaha, sabi pa ng isa habang kinuha ang sobre at sabay sabay nagtawanan.

“Pasalamat ka YABANG dahil may KAIBIGAN kang handang sumagip sayo! Baka kung hindi yan dumating baka pinaglalamayan ka na ngayon”, paliwanag nung isa habang naglalakad palayo

“Hindi kami natatakot makulong HAHAHA” pahabol pa ng isa.

(CONFIRMED! lango nga sila sa Marijuana dahil tawa sila ng tawa hahahaha)
        Agad silang sumakay sa kanilang sasakyan at humarurot paalis. At nakahinga na ako ng maluwag sa oras na iyon.
Naiwan kaming dalawa ni Stefano sa parking lot. Nakaupo lang sya sa tabi. Marami syang tinamong sugat at gasgas sa katawan. Naawa ako sa kalagayan nya, bukod sa nakikita ko ang sarili sa kanya ay hindi nya deserve  ng itrato ng ganun. Kahit sino, kahit ano pa man ang antas sa buhay.

Napansin kong hindi nya inaalis ang tingin sa akin , hindi pa rin sya makapaniwala sa ginawa ko.

Habang pinupulot ko ang bag nya nakakalat sa daan, pati na rin ilang libro na laman nito. At pinuntahan ko sya.

“Ok ka lang ba Stef? Dalhin na kita sa Clinic, malala ang lagay mo ohh” tila nag aalala kong sabi sa kanya

“Why are you doing this to me?” Seryoso nyang tanong sa akin.

“NakaDRUGS ka ba? Hindi mo ba natatandaan kung ano ang ginawa ko sayo before?” pahabol nyang tanong

Sshhhh. Hindi ngayon ang tamang oras para pag usapan yan Stef, mas mahalagang mabigyan ka muna ng first aid, mahinahon kong paliwanag sa kanya at nginitian sya ng matamis.

“Tatawag lang ako sa First Aid Team para kumuha ng stretcher, mukhang hindi mo kayang tumayo at maglakad. Dyan ka lang ha wag kang aalis” nagmamadali akong tumakbo papuntang Clinic dahil baka kung ano pa mangyari sa kanya. Sinundan lang nya ako ng tingin.

Ngunit halos pagsakluban ako ng langit pagpunta ko dun.Sarado na to, nakalimutan kong Half day nga pala ang Clinic kapag Friday. Dali dali akong pumunta ng Guard House para magpatawag ng ambulance para sa Hospital na sya dalhin, hindi rin naman nya kayang magdrive eh. Tama yun nga! Brilliant Idea!

Pagkatapos nun ay binalikan ko sya,dumaan muna ako ng Mabilis sa canteen upang bumili ng tubig para kay Stef. Pagdating ko dun ay nakita kong nakasandal sya sa isa sa mga sasakyan dun at halatang nanghihina.

“Stef, inom ka muna oh, para medyo lumakas ka ng konte” at sabay bigay sa kanya ng tubig,

Ako na ang nagpainom sa kanya dahil wala narin syang lakas. Hindi na  sya tumanggi at mukhang uhaw na uhaw na rin. Nakatitig lang sya sa akin that time. Nakakatunaw na tingin.  Halos nangungusap ang kanyang mata. Mga matang humihingi ng paliwanag sa nangyayari.Kahit duguan ang mukha nya ay makikita mo pa rin ang kanyang kagwapuhan, nakatingin lang kami sa bawat isa at nagpapakiramdaman. Ng biglang dumating ang ambulance at sinakay na nga si Stef sa stretcher at ipinasok sa sasakyan . Wala na rin ako nagawa ng isinama ako ng nurse sa loob  dahil kailangan daw may kasama ang pasyente sa Hospital. At ilang minuto pa ay nakarating na rin kami. Pinasok na sa ward si stef at akoy umupo muna sa may waiting room. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako dahil sa pagod.

“Sir? Sir? Excuse me po”, naramdaman kong tinatapik ako ng isang nurse dun.
“Ayyy sorry po, hindi ko alam na nakatulog na pla ako”, nahihiya kong paumanhin sa kanya

“Kayo po ba ang kasama ni Sir Stefano Montenegro”? Tanong nya sa akin

“Opo, Ako nga”, magalang kong sagot habang kinukusot ang aking mata na parang kagigising lang

“Stable na po ang lagay nya, Nasa Room 206 po ang pasyente” masayang balita sa akin ng nurse.

Ewan ko, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nagmadali akong  pinuntahan sya . Ngunit pagdating ko duon ay mahimbing ang kanyang pagkakatulog, napansin kong may benda rin sya sa ulo at binti. Naupo ako sa upuan na katabi ng kama nya at pinagmasdan ang kawawang nilalang.

“Yan kasi ang tigas ng ulo mo,  pinaiiral kasi ang Pride Stef, minsan ayos din naman magpakumbaba”, marahan kong bulong sa kanya. Alam kong hindi nya ako naririnig dahil sa himbing nang pagkakatulog nito. Kaya nagkalakas loob akong kausapin sya hehehe

“Kung iniwasan mo na lang sana sila hindi ka magkakaganito, hindi ka naman super hero , wala kang super powers para kayanin silang lahat tsk tsk” pagpapatuloy ko.

“Kahit ganyan ka, kahit gaano kasakit at kasama ang ginawa mo sa akin hindi ko kaya ng konsensya ko na pabayaan ka na lang, ayaw kong mangyari sa iba ang nangyari sa akin Stef”, para akong baliw na nakikipag usap sa taong mahimbing na natutulog.

“Bakit ka nga ba galit na galit sa akin Stef ? Or hindi mo lang talaga ako gusto bilang tao dahil mahirap lang ako”, mahina at malungkot kong tanong sa kanya

Dahil sa lamig ng aircon at nakakabinging katahimikan sa loob ng silid na yun ay hindi ko napansin na nakakaramdam na pala ako ng pagkaantok, ilang saglit pa ay nakatulog. na nga ako.

STEFANO  P. O. V
Akala siguro ni Edward na natutulog ako. Nakakatuwa sya habang kinakausap ako kahit alam nyang hindi ko sya maririnig. Para akong batang sinesermonan ng magulang.

Pero ramdam ko pa rin ang hapdi at sakit ng mga sugat na natamo ko sa mga adik na yun..Ganito siguro ang nararamdaman ni Edward nung ginulpi ko sya. Nakokonsensya na talaga ako.

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam bakit ginagawa ni Edward sa akin to. Sa kabila ng lahat ng katarantaduhan na ginawa ko sa kanya ay Heto sya iniligtas ang buhay ko, nasa tabi ko binabantayan at inaalagaan ako.

Santo ba sya? Napakabait na nilalang, Tama nga si Jacob, napakabuti nyang tao, mas lalo akong nakokonsensya sa mga ginawa ko sa kanya. Ang tanga tanga ko talaga. Hindi kasi ako nag-iisip.Mali lahat ng paratang ko sa kanya. Mali ang pagkakakilala ko kay Edward. Lahat ng yon ay kabaligtaran. Halos sirain ko ang buhay nitong taong to. Taong handa akong tulungan sa kabila ng lahat…

Saan kaya galing ang pera na binigay nya? Di ba mahirap lang sya? Kung sino pa yung walang wala sa buhay ay ito pa ang kayang magbigay at handang tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Ibabalik ko na lang yun sa kanya kapag nakalabas na ako. Mas gusto ko pa syang makilala kaso nahihiya ako.Baka hindi pa sya handang magpatawad. Gusto ko syang maging kaibigan, naiinggit ako kay Jacob.
Wait! Huh? Anu ba tong sinasabi ko! Bakit ako humahanga kay Edward?
Bakit ako nakakaramdam ng weird na feeling sa kanya. Hayyyy STEF GUMISING KA! ANUNG GINAWA NI EDWARD SA AKIN, BAKIT AKO NAGKAKAGANITO?

ITUTULOY

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Taste of A Sailor (Part 3)
Taste of A Sailor (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhjbwpMrjRWGeDjN0u_YTt8ljOBUFWpTiIs6sAOMpWOfDR4pIZ3VZbAqEKQH6jK4GY_kM7K591PbC6J1ZmT23DYYWoEWvv_KVFAKzHB7fAlYm8-AweW7DHFRYEP1RM42QIGJr9oBP73YNdD/s400/17662643_1294355983991680_7581714903577133056_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhjbwpMrjRWGeDjN0u_YTt8ljOBUFWpTiIs6sAOMpWOfDR4pIZ3VZbAqEKQH6jK4GY_kM7K591PbC6J1ZmT23DYYWoEWvv_KVFAKzHB7fAlYm8-AweW7DHFRYEP1RM42QIGJr9oBP73YNdD/s72-c/17662643_1294355983991680_7581714903577133056_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/taste-of-sailor-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/taste-of-sailor-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content