$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 7)

By: JB Kinabukasan, ganon pa rin sa kasanayan, gumising ako ng maaga para pumasok sa school, meron agad akong message mula kay Rex. (ON...

The Guy From PR

By: JB

Kinabukasan, ganon pa rin sa kasanayan, gumising ako ng maaga para pumasok sa school, meron agad akong message mula kay Rex.

(ON TEXT MESSAGE)

Rex: "Good morning!! gising ka na! maaga pasok mo!"

Ako: "Kgigising lng po, anong oras kna ntulog?"

Nireplyan ko muna siya at nag-asikaso na agad maligo, kumain at magbihis. Paalis na ako nang mabasa ko na ang reply niya.

(ON TEXT MESSAGE)

Rex: "2 oras lng tulog ko"

Nareplyan ko lang si Rex nang nasa school na ako kasama ang classmates ko.

(ON TEXT MESSAGE)

Ako: "kaya mo nman yan. bumawi ka lng ng pahinga lagi"

Nang mga oras na yon, abala kami ng classmates ko sa kailangan naming matapos na web design at namomroblema sa errors ng mga codes namin sa isang programming subject, dagdag pa ng mga kulang namin ng mga kagrupo ko sa isang thesis namin. Masyado akong busy sa school at ganun din siguro si Rex kaya naisipan ko na itext siya at ipaalam na busy ako at sobrang stress sa school.

Kahit busy ako at maraming iniisip, talagang dumadaan pa rin sa isip ko si Rex, kaya habang hawak ko ang phone ko, naghihintay pa rin ako na magreply siya.

2pm na at sobrang madami pa ring gawain sa school nang mareceive ko ang tatlong sunod-sunod na text ni Rex.

(ON TEXT MESSAGE)

Rex: "Oo kinakaya ko nman, nsanay na rin ako"

Rex: "Kaya mo yan gab! isipin mo lng ung sinabi ko. hahaa"

Rex: "sobrng busy rin ako ngaun, sguro maya nlng tyo mag-usap bfore matulog"

Ako: "ok sige Rex"

Magrereply pa sana ako ng mahaba pero dahil sinabi naman ni Rex na mamaya na lang kami mag-usap...nireplyan ko na lang siya ng maiksi na may pagsang-ayon sa huling text niya. Tinuon ko na ang pansin ko sa ginagawa ko sa school.

---

Pagsapit nang gabi bago matulog ay nakapag-usap nga kami ni Rex, nagkamustahan ng kalagayan sa school at sa work at kahit nakakaramdam ako ng pagod at siya rin dahil sa trabaho niya, sige lang ang biruan at tawanan namin habang nag-uusap. Pagkatapos nang halos isang oras na pag-uusap ay hindi muna ako nakatulog agad dahil sa mga kailangan ko pang tapusin na gawain sa school, si Rex naman ay may inaasikaso namang documents at paper works from work at may tinatapos din na gawain. Habang di pa kami natutulog, at may ginagawa pa, sige rin ang palitan namin ng texts kahit puro late replies.

---

Kinabukasan ay nagkatext at nagkausap pa rin kami, palitan ng "good morning" sa umaga, palitan pa rin ng texts pag nagkakaroon ng chance habang siya'y nasa work at ako'y nasa school, at pag-uusap sa phone after dinner or before matulog. Sa mga sumunod pang araw ng weekdays; Wednesday hanggang Friday, ganun lang ang ginawa namin ni Rex para makausap ang isa't-isa. Kahit busy kami pareho at di naman kami tunay na magbf, nakapagbigay pa rin kami ng time sa isa't-isa. Dahil dito, lalo pang naging strong ang feelings ko para kay Rex, habang paulit-ulit kaming nakakapag-usap, unti-unti ko siyang mas nakilala, nakita ko pa ang iba pa niyang ugali lalong lalo na ang mga good attitude niya, sa sunod-sunod na pag-uusap namin na yon, mas naging komportable na akong kausap si Rex at mas nakakabiruan ko na siya. Hindi ko inexpect na magiging ganito kami after ng meetup, hindi ko alam ang nakita sa akin ni Rex at bakit ganun na lang ang binibigay niyang oras sa akin, bakit tila kumakapit siya at hindi niya hinahayaan na maputol ang connection namin. Hindi ako ganon kasigurado kung ano nang tingin sa akin ni Rex, gusto kong isipin na gusto talaga ako ni Rex, nagiging sweet siya minsan sa pag-uusap namin ngunit di siya nagpaparamdam ng panliligaw o kagustuhan na maging kami pa, di ko alam kung gusto pa ni Rex na maging kami at kung kaibigan na lamang ang ituturing niya sa'kin pero isa lang ang alam ko, isa lang ang nararamdaman ko......nahuhulog na ako kay Rex.

---

Sumapit ang araw ng Sabado, nasa bahay ako ng classmate ko sa Pasig at gumagawa ng thesis, nakatext ko pa si Rex at napagpasyahan namin ni Rex na magkita ulit ng mga 8pm dahil gabi rin ang napag-usapan ng mga classmate ko na uwian at si Rex naman ay maaga ang off sa trabaho. Nang uwian na, hindi ako sumabay sa ibang mga classmates ko na kasabay ko pagpunta, sinabi ko sa kanila na may susundo sa akin at may pupuntahan pa. Sa katotohanan ay napagkasunduan namin ni Rex na susunduin niya ako sa may palengke sa Pasig.

Nakasakay na sa jeep ang iba kong mga classmates at ang classmate ko na lang na pinagtuluyan namin ng bahay sa Pasig na si Joyce ang kasama ko. Pinauuwi ko na si Joyce sa kanila para makapunta na ako sa meeting place namin ni Rex pero talagang makulit itong si Joyce at gusto pang hintayin ako na makaalis, nagmamatigas pa rin si Joyce hanggang sa tumawag na lang si Rex at sinabing malapit na siya sa palengke, sandali lang kami na nag-usap ni Rex sa phone dahil naiilang ako sa pakikinig nitong si Joyce sa usapan namin, sinabihan ko lang si Rex na papunta na ako sa palengke. Wala na akong nagawa pa at pumunta na lang sa palengke nang kasama si Joyce, dahil medyo nababahala ipinaalam ko kay Rex na may kasama ako habang naghihintay.

(ON TEXT MESSAGE)

Ako: "Rex ksama ko pa isang classmate ko, ang kulit e, ayaw pa umuwi, hihintayin pa ako na mkaalis"

Rex: "ah ganun ba, anong bang sinabi mo sa knya, san ka pupunta"

Ako: "wala, sinabi ko lng na may susundo sa'kin at may pupuntahan pa ako"

Rex: "Ahh..wag klng pahalata. Act normal lang"

Hindi na ako nakapagreply agad at lampas isang minuto ay tumawag si Rex at inaalam kung saan ako banda naghihintay. Habang naghihintay ay may itinanong itong si Joyce sa akin.

Joyce: Sino ba yang susundo sa'yo?

Napatigil ako saglit at napaisip ng isasagot.

Ako: Ahh..ano...pinsan ko.

Joyce: san naman punta niyo?

Ako: may ano lang....nagpapasama lang siya sa'kin.

Bahagyang tumungo lang si Joyce at ilang sandali lang ay may tumigil na sasakyan sa harapan namin, sasakyan ni Rex, bumukas ang bintana nito at nakita ko sa loob si Rex na dumungaw mula sa driver's seat, nag-hi pa siya kay Joyce at dali dali akong pinasakay sa sasakyan niya. Nagpaalam ako kay Joyce at agad binuksan ang pinto ng kotse at sumakay. Nang makaandar na ang kotse, sabay kami nagkatinginan ni Rex at nagngitian.

Rex: kamusta ka naman?

Ako: eto medyo stress sa school.

Rex: kaya mo yan, ganyan talaga! IT pa course mo.

Ako: ikaw ba? Accountancy course mo non ah. Hindi ba mas stress ka non.

Rex: Oo stress talaga, every year may exam pa kami. Pag hindi nakapasa sa exam na yon, laglag ka na.

Ako: Oo nga, ganon din sa school namin.

Mga ilang minuto habang nag-uusap kami ni Rex ay nagtext si Joyce. Nang mabasa ko ang text, napakunot noo ako

(ON TEXT MESSAGE)

Joyce: "Gab, wafu nman ng pinsan mo? may gf na yon?"

Ako: "hahaa napansin mo p tlaga, wla sya gf!"

Joyce: "tlga? pkilala mo nman samin yan. haha"

Umatake na naman ang taglay nito ni Joyce na kaharutan. Sa mga kaklase kong babae, siya talaga ang halata na mahilig sa mga lalaki, sa edad niyang 18 ay lampas sampu na yata ang naging bf niya sa pagkakaalam ko.

Sa text na iyon ni Joyce, nag-isip ako ng pwedeng ireply para di na siya magpumilit pa.

(ON TEXT MESSAGE)

Ako: "pwede nman, pero ang alam ko, may nililigawan na to e, di na to makikipagkilala sa babae. hahaa"

Joyce: "Ayt! seyeng nemen. lol"

Ako: "kaharutan mo na nman haaha"

Joyce: "e ang gwapo nga kasi e"

Ako: "Wag siya Joyce! haaha"

Biglang nagsalita si Rex dahil sa napansin niyang may katext ako.

Rex: sino ba yang katext mo?

Ako: Ah...yung isang classmate ko lang.

Rex: lalaki o babae?

Ako: huh? bakit tinatanong mo kung babae o lalaki?

Rex: di mo sinagot tanong ko.

Ako: haha babae!!

Rex: ahh..

Ako: bakit mo nga natanong?

Napangiti si Rex at sumagot

Rex: e baka kasi lalaki e, baka maging kaagaw ko yan sayo"

Napagalaw sa kanan ang mga mata ko, sa direksyon ng bintana dahil hindi ko alam kung paano ko pipigilin ang naramdaman ko sa tila agad na pagkapossessive ni Rex sa akin.

Ako: wala naman sigurong mang-aagaw.

Rex: paano naman ako makakasiguro?

Ako: Ano ka ba, wala naman sigurong ibang magkakagusto sa'kin.

Rex: ha? di ako naniniwala.

Tumawa ako at kunwaring ibinaling na lang ang tingin ko sa phone ko.

Rex: Oh! may itetext ka na naman. Magkasama na nga tayo tas busy ka pa sa pakikipagtext.

Ako: hahaa tiningnan ko lang yung oras.

Rex: ahh...

Tiningnan ko ng matagal si Rex at habang nagdadrive siya, pansin ko talaga na masaya siya na nagkita na naman kami. Di na ako gaanong nahiya kahit napapatingin din siya sa'kin. Habang tinitingnan ko siya, kinuha na naman niya ang kamay ko. Diretso at maluwang lang ang daan at pwedeng kahit isang kamay lang muna ang ipangmaneho ni Rex, nagkaroon na naman kami ng pagkakataon na magholding hands.

Rex: eto yata ang gusto mo, magholding hands tayo, tinititigan mo na naman ako e.

Ako: hala! napilitan ka ba?

Rex: hindi ah! namiss ko tong malambot mong kamay.

Ako: ako din namiss ko yung sa'yo.

Rex: talaga ba! ako namiss mo naman?

Ako: hahaa oo naman.

Nakita ko na naman sa pagkakataong iyon ang killer smile ni Rex. Parang gusto ko na lang pangitiin si Rex lagi at naisip ko na, sabayan ko na rin siya sa mga pagpapakilig niya, lalong gumagwapo si Rex kapag ngumingiti siya. Ang sarap lang talaga niya titigan.

Mga ilang sandali lang ay nagtanong muli si Rex.

Rex: after ba ng first meetup natin...nagPR ka pa?

Ako: Hindi! busy ako sa school tsaka before rin tayo mag-usap, bihira lang talaga ako makapag-online. Ikaw ba Rex?

Rex: sa tingin mo?

Ako: ano nga?

Humigpit ang hawak ni Rex sa kamay ko at tiningnan pa ako ng ilang segundo.

Rex: nandito ka na e. Bat maghahanap pa ako sa PR.

Ako: Weh?

Rex: Haha oo nga!

Napangiti ako sa harapan ni Rex at napatingin sa bandang ibaba dahil na naman sa kilig. Hindi na ako gaanong nahiya pa na ipakita kay Rex ang pagkakilig ko sa kanya.

Rex: napapangiti kita ng ganyan.

Rex: kinikilig ka yata.

Ako: haha baliw!

Rex: wag mo na ideny, kitang-kita ko na kinikilig ka sa'kin.

Ako: oo na....lagi mo akong pinapakilig. Alam mo ba?

Napangiti ng malaki si Rex sa pag-amin kong iyon. Di ko alam kung paano ko naisipan na umamin nang ganon, ang alam ko lang sa sarili ko ay satisfied ako at mas nagiging komportable na akong kasama si Rex.

Rex: Talaga ba? edi papayag ka na niyan?

Ako: haha hindi naman ako nadadala agad.

Rex: Gusto mo pa yata na bigyan kita ng flowers at lumuhod pa sa'yo.

Ako: hindi naman. hahaa

Rex: basta sabihin mo lang. Alam mo naman na naghihintay lang ako.

Papilit akong napangiti at naramdaman ko ang pagbitaw ni Rex sa kamay ko upang makapgdrive ng maayos at maipark ang kotse sa pupuntahan naming mall.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 7)
The Guy From PR (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content