By: Joshua Anthony Pumupungay-pungay pa ang aking mga mata habang nakatulala sa windshield ng sasakyan ni Chard. Sa front seat ako nakaupo h...
By: Joshua Anthony
Pumupungay-pungay pa ang aking mga mata habang nakatulala sa windshield ng sasakyan ni Chard. Sa front seat ako nakaupo habang si Basty naman ay kasama ang kanyang lola sa likod.
Naiilang din ako kaya’t panay ang aking sulyap sa side mirror, nagbabakasaling makita kung tinitignan din ba ako ng ina ni Chard. Pamilyar kasi ang kanyang itsura.
“Will we be able to pick up strawberries, dad?” tanong ni Basty sa ama na nagmamaneho.
“Yes, bud.” mabilis nitong tugon. “Now go back to your seat with nan and keep your belt. Ma, si Basty oh.” pagpapatuloy niya.
Hindi naman siya pinansin ni Nate, ni ang lumingon sa lola.
“Have you been there, Nate?” lingon naman sa akin ng bata.
“Surprisingly, I haven’t yet.” ngiti ko sa kanya. “My friends have been asking me to go there, I’m just not really into it.”
“We must be really special to you that you decided to come with us, yeah?” pangungulit niya.
Napakurap lamang ako ng mabilis at saka muling ibinalik ang tingin sa daan bago naubo ng marahan. Kita ko sa aking gilid na nilingon din ako sandali ni Chard. Lilingunin ko rin sana siya, ngunit baka mapahiya lamang ako kung makitang natatawa siya.
“Dito ka na ba ipinanganak, hijo?” biglang tanong sa akin ng ina ni Chard. Mahinahon at banayad ang kanyang boses. Mapaanyayang tunog na nagdudulot ng kapahingahan.
Bigla ko siyang nilingon at nginitian. “Hindi po, ma’am.”
“Nako, Tita Edith na lang. O kaya ay Mama Edith.” sabi niya. “Ganoon naman ang tawag sa akin ng mga kaibigan nito ni Chardy.”
“Ma!” biglang sabat ni Chard na sandali rin akong nilingon. “Please, just… Forget about that stupid name.” natatwa niyang dagdag.
“Ganda nga pakinggan eh.” tugon ko naman habang nangingiti rin sa kanyang ina.
Pagdating sa farm ay hindi ko na ikinagulat ang dami ng tao. Agad na dumeretso sina Tita Edith at Basty papasok habang ako ay hinihintay si Chard bago tuluyang pumasok din.
Habang naglalakad papunta sa akin ay hindi ko maiwasang muling humanga sa kanyang itsura. Simpleng damit lamang ang kanyang suot kung tutuusin, ngunit ang lakas ng dating.
Pagdating ay sumimangot siya at umiwas ng tingin.
“I’m sorry, I look like I just woke up.” sabi niya na mahina kong ikinatawa. “I really do, don’t I?” dagdag pa niya.
Gusto kong sabihin na hindi at napakagwapo niyang tignan, ngunit mawawala muna ako sa katinuan bago iyon masabi sa kanya ng harapan.
“Your mama seems nice.” pag-iiba ko ng usapan. “Where’s your dad?”
Muli ay ibinaling niya ang paningin sa kung ano man ang nasa paligid. Siguro ay ilang segundo muna ang nagdaan bago niya ako ako muling tiningnan.
“He, uh…” panimula niyang sagot. “He died just a month ago, actually.”
Nanlaki ang aking mga mata. Good job, Nate.
“I—” gitla. “I’m so sorry, Chard…”
Nginitian niya ako. Kita ko rin naman sa kanya ang kalungkutan. “No, it’s fine. Really.”
Nais ko na lamang na kunin ako ng kalangitan at hindi na bumalik pa. Ngunit biglang sumagi sa isip ko si Jackson. Sino na ang mag-aalaga sa kanya? Marahil ay si Nanay Vivian.
“Oi!” biglang gulat sa akin ni Chard. “Don’t worry about it. It’s completely fine!”
Nginitian ko lamang siya.
“We decided to come here because this is where they met, my parents.” paliwanag niya. “Mama wants to throw his ashes somewhere here.”
Muli, nanlaki ang mga mata ko. Lumunok ako ng laway at saka medyo lumapit sa kanya.
“B-but…” sabi ko. “Isn’t that illegal?”
Kumunot ang noo niya.
“I mean…” lunok ng laway. “People who eat those strawberries…”
“Y-yeah?” tugon niya. Nalilito marahil. “What about them?”
“Makakain nila abo ng tatay mo kapag sinaboy niyo rito…” mahina kong tugon.
Nakamamangha ang tibay ng mga mata ni Chard sa pagtitig sa akin habang nakakunot ang noo. Hindi man lang kumukurap. Ako naman ay napapakamot ng ulo dahil baka bigla na lang niya ako sapakin dahil sa pagtutol ko sa plano nila.
Bigla na lamang humagalpak sa kakatawa si Chard. Ako naman ngayon ang nalilito. Napapaluhod na siya kakatawa at hinahampas pa ang kanyang mga hita.
“W-what?” sambit niya sa pagitan ng mga tawa.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa lakas ng kanyang mga tawa. Napapalingon ako sa mga taong nagsisipagdaanan na natatawa rin sa itsura ni Chard.
“Bakit?” tanong ko. “Stop! Why? I missed the funny part.”
Bigla akong niyakap ni Chard habang natatawa-tawa pa rin.
“Uh… People are staring?” tugon ko at bumitaw sa kanyang yakap.
“You are hilarious!” natatawa niyang sagot. “I wasn’t talking about here—strawberry farm. I was talking about here in Baguio!”
Hindi ko na rin napigilan ang sarili at natawa na rin. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha kaya’t iniiwas ko na rin ang paningin sa kanya.
“We still haven’t figured out where to, but not here. Definitely, not here!” paliwanag niya habang may pagpipigil pa rin sa tawa.
Bigla na lamang ako naglakad papasok at iniwan siya habang natatawa. Ang lakas pa rin ng tawa niya sa likod ko habang naglalakad.
Naging masaya naman ang mga ginawa namin doon sa farm. Hindi rin maitago ni Basty ang galak dahil sa mga strawberries na napitas. Gagawamitin daw namin ang ilan doon para sa aming pagbe-bake.
Iniwan na muna nila kami ni Tita Edith dahil naiihi raw si Basty at sinamahan ng kanyang ama. May parte sa akin na nais makipag-kwentuhan kay Tita Edith ngunit hindi ko alam kung ano ang itatanong. Ayaw ko naman itanong sa kanya ang mga bagay patungkol sa kanyang namayapang kabiyak.
Nakaupo kami sa isa sa mga benches tanaw ang maaliwalas na mga bulubundukin ng lugar. May mga ibong nagkakantahan din sa ‘di kalayuan at ang mga tao ay tahimik lang din na nagmamasid-masid.
“Napakaganda ng lugar na ito, ano?” panimula ni Tita Edith. “Dito ka rin ba ipinanganak, anak?”
Nilingon ko siya at nginitian. May kung ano sa kanya na maaliwalas sa pakiramdam. Siguro ay patungkol iyon sa kalmadong pakiramdam sa piling ng isang ina.
“Hindi po, Tita. Sa Makati po ako ipinanganak.” sagot ko. Sa lahat ng mga taong nagtanong sa akin ng personal, madalas ay ngiti o maiikling sagot lamang ang nasasabi ko.
“Lumipat kayo rito?” sunod niyang tanong. Iniisip ko kung sasagutin ko ba siya sa tanong niyang iyon o hindi.
“Ako lang po.” ngiti ko sa kanya.
Nginitian lang din ako ni Tita Edith at saka huminga ng malalim bago muling ibinaling ang paningin sa tanawin. Tinapik niya ako ng marahan sa balikat.
“Siguro ilang araw o ilang linggo, hindi pa namin alam, na kami ay lalagi rito.” kalmado niyang pagsasalaysay. “Wala naman dapat maghilom sa kahit na sino sa amin dahil wala namang sugat.” pagpapatuloy niya.
Hindi ko mawari kung ano ang isasagot ko doon o kung kailangan ko bang sumagot talaga. Muli niya akong tiningnan.
“Parang diyan sa iyo ay maryoon, anak.” pagngiti niya. “Kung nais mong magkwento ay handa akong makinig.”
Nararamdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Yaong pakiramdam kapag alam mong maiiyak ka na. Ibinuka ko ang aking bibig dahil nais kong magpasalamat, ngunit bigla ko na lamang siyang niyakap.
Walang ni isang salita na nagmula sa akin, ngunit ramdam kong nakarating sa kanya ang pasasalamat ko.
“Hala, ma!” biglang sabi ni Chard sa likod ng aming upuan. “Bakit mo pinaiyak si Nate?” pang-aasar pa niya.
“Hindi ako umiiyak.” bigla kong sabat dahil hindi naman talaga ako umiiyak.
Magaan sa pakiramdam ang presensiya ni Tita Edith. Parang si Nanay Vivian din. Parang si Mommy.
Matapos kong bumitaw at ngumiti kay Basty na walang reaksiyong nakatingin lamang sa akin ay tumayo na rin si Tita Edith bago nagwikang nagugutom na raw siya. Papunta sa sasakyan ay hindi binibitawan ni Basty ang aking kamay. Hindi talaga mahirap mapamahal sa batang ito.
Sa isang malaking kainan sa malapit na lamang kami nagpasyang kumain. Masasayang bagay ang aming napag-kwentuhan. Si Basty ay hindi mapigil ang sarili sa pagtawa ng malakas dahil sa mga kwento ni Chard patungkol sa kanyang kabataan at kung gaano siya kapilyo.
Napansin ko na lamang din ang aking sarili na nagbabahagi na rin ng mga sariling kwento patungkol sa aking kapilyuhan noong ako ay bata pa. Maging si Raya ay naisasali ko na rin sa mga kwentong aking sinasabi.
Siguro ay nasa alas-tres na ng hapon nang kami ay lumisan sa kainan. Panay rin kasi ang pag-order nila ng mga inumin at iba pang maaaring makain matapos namin mananghalian. Amoy na amoy sa loob ng sasakyan ang mga strawberries na aming dala-dala. Nilagyan din ako sa isang supot ni Chard na dalhin ko raw pauwi.
Inihatid nila ako hanggang sa tapat ng aking tinitirhan. Nais daw makigamit ng banyo ni Tita Edith kaya’t inanyaya ko na rin silang pumasok. Pagkapasok ay ilang segundong kumakahol sa kanila si Jackson, ngunit agad ding napatahimik ni Basty.
Pagkalabas ng banyo ay patingin-tingin sa paligid si Tita Edith at nagpasalamat sa akin. Nang makalapit ay niyakap niya ako. Si Chard naman ay parang baliw na nakangiti lamang sa amin.
“Chardy,” sambit ni Tita Edith sa anak. “You should help him with his ceiling.” utos niya sa anak habang itinuturo ang kumukulubot kong kisame sa bandang kusina.
Ibinaling doon ni Chard ang paningin at saka nilibot-libot pa ang paningin sa paligid. Napapikit na lang din ako dahil oo, may mga bahagi nga rito na kailangan na ngang ayusin.
Muli ko tinitigan si Chard. Ang mapupula niyang mga labi na nakanguso kasabay ang bahagyang pagkunot ng mga noo, marahil ay nag-iisp kung ano pa ang dapat gawin.
“H-hindi po, Tita.” pagbasag ko sa sariling katahimikan. “Ayos lang po ‘yan. Huwag niyo po ‘yan alalahanin.”
Bigla lamang akong tinapik ni Tita sa balikat at saka nginitian bago naglakad papalabas ng pinto.
“Si Chard na bahala diyan bukas o sa isang araw, anak.” sambit niya habang naglalakad. “Maraming salamat ulit, anak. It was so nice meeting you.”
Pagkalabas ni Tita Edith ay agad kong hinarap si Chard upang kumbinsihin na huwag na iyong alalahanin. Kaya ko naman iyon gawan ng paraan, wala pa nga lang akong gana na gawin ang mga iyon. Nginitian lamang ako ni Chard habang itinataas-baba ang mga kilay bago lumabas na rin at nagpaalam.
Wala pang isang minuto nang maisara ko ang pinto ay bigla na namang kumatok-katok si Basty habang isinisigaw ang aking pangalan. Pagkabukas ay nakita kong hawak niya ang isang basket ng mga strawberries.
“Your berries!” nakangisi niyang sabi.
“Thank you so much, bud.” nakangiti kong pasasalamat sa kanya.
“What do you plan cooking for tonight?” tanong niya. “It must be very festive because it’s the Christmas Eve.” dagdag pa niya.
“Just some pasta? I’m not really sure.” sagot ko. “Why do you ask?”
“Are you gonna be alright?” muli niyang tanong.
Hindi ko alam ang isasagot. Pang-ilang Noche Buena ko na ba ito na mag-isa? Alam ko na hindi ganoon kasaya. Mapayapa, oo. Hindi masaya.
“Yeah!” pagsisiguro ko sa kanya. “I’m sure you’ll open lots of gifts tonight?” pag-iiba ko ng usapan.
“Yeah. I hope I get Cozmo! You’ll like him, for sure. He’s a robot.” sagot niya.
May sasabihin pa sana siya ngunit tinatawag na siya ni Chard. Agad na lamang niya iniabot sa akin ang basket at saka nagpaalam. Tinanaw kong muli si Chard sa sasakyan. Nakangiti lamang siya at iniiling-iling ang ulo dahil siguro sa kakulitan ng anak.
Mabilis na sumapit ang gabi. Matapos makapagluto at kumain ay muli kong tinrabaho ang aking tinatapos na project. Naisumite ko na rin ang iba dahil maaga ko itong natapos.
Bago matulog ay nag-video chat kami ni Candice at kinukulit-kulit ako patungkol kay Chard. Si Sir Marky ay walang habas na namang ibinahagi sa kanya ang pamamasyal namin sa farm nitong umaga lang.
Parang isang normal na araw lamang ang kapaskuhan para sa akin. Maging ang maglagay ng mga palamuti sa bahay ay hindi ko kinatutuwang gawin. Aksaya lamang sa panahon at pagod, para sa akin.
Dating gawi: pagkagising ay ipapasyal si Jackson upang gawin ang kanyang dapat gawin sa labas, maliligo, kakain ng umagahan, magbabasa o kaya nama’y aasikasuhin ang proyekto para sa pag-aaral.
Mabuti na lamang at may pagkain pa rin akong tira kagabi; hindi ko na kailangan pang magluto ngayon araw. Si Jackson ay panay tulog lang din ang ginagawa. Animo’y pagod sa kung anong bagay na tinapos at ngayon lamang nakapagpahinga.
Biglang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang text message.
“Let’s fix your house today?” si Chard.
Seryoso talaga siyang ayusin ang aking tinutuluyan. Paskong-pasko at ito ang nais niyang gawin?
“I told you already, it’s fine. Don’t worry about it. Just enjoy the holiday with your family.” sagot ko.
“Sayang naman. Nandito na kami sa labas.” laman ng sunod niyang text.
Dali-dali kong binitawan ang cellphone ko ay saka nagtungo sa pintuan upang tignan kung totoo ngang nasa labas na siya.
Una kong napansin ang isang malapad na tabla na nakatali at nakapatong sa bubong ng kanyang sasakyan. Si Chard ay nakangiting nakasandal sa pinto ng driver’s seat. Si Basty naman ay agad ding lumabas ng sasakyan na may suot pang safety hat na siyang nakapagpangiti sa akin.
Naunang lumabas sa akin si Jackson at nagtatakbo patungo kay Basty. Lumabas na rin ako upang tumulong sa kung ano pang kailangan bitbitin.
“Are you serious?” natatawa kong bungad kay Chard. “It’s Christmas day.”
“Well…” ang tanong tugon niya.
Natatawa rin siya at may pakamot-kamot pa ng ulo. Hindi ko maiwasang yumuko dahil nararamdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi.
“Took us one whole eternity to find a hardware that isn’t close.” biglang sabat ni Basty na siyang mas nagpapula sa aking pisngi.
Mas nahihiya na ako dahil sa sinabi niyang iyon. Nang tingnan ko si Chard ay ngumiti lamang siya at saka nag-kibing balikat bago tumalikod at nag-umpisa nang kumuha ng mga gamit.
Halos naka-tatlong balik kami sa sasakyan upang magpasok ng mga gamit. Bumili rin kasi sila ng pintura at iba pang mga kagamitan. Hindi ko alam kung papaano sila magagantihan.
Habang inaasikaso ni Chard ang kisame ng aking maliit na kusina ay iniinit ko rin ang mga pagkain na aking niluto kagabi. May dala din silang ilang putahe na kailangan na lang ding initin. Si Basty ay tahimik na naglalaro sa kanyang iPad habang nakahiga sa tabi ni Jackson. Maya’t maya rin siyang umuungol ng malakas at sinasabayan ang mga pampaskong tugtog sa aking speaker.
Dumating din sina Sir Marky at Candice na may mga bitbit ding kung ano. May regalo sa akin si Candice na isang libro. “Wonder Boys” ni Michael Chabon.
Kung hindi nagkakantahan, ay nagsasayawan sina Candice at Basty kasama si Jackson habang kami naman nina Sir Marky at Chard ay pagpipintura at pamamartilyo ang inaatupag.
Ito ang unang beses na naging ganito kaingay ang aking tinutuluyan. Ito rin ang unang pasko ko rito na may iba akong kasama maliban kay Jackson.
Matapos kumain ay kami na lamang ni Chard ang naiwan sa mesa. Nagpaalam na si Sir Marky dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin. Si Candice naman ay abalang-abala sa pakikinig sa mga kwento ni Basty.
Nakaupo pa rin kami ni Chard habang isa-isa kong pinagpapatong-patong ang mga ginamit na mga plato’t mangkok. Hindi ko man siya direktang tinitignan ay alam kong nakatitig siya sa akin. Kinlaro ko na lamang ang aking lalamunan at saka tinanong kung nasaan si Tita Edith. Nasa tinutuluyan lang daw nila at malamang ay nagbabasa ng libro.
“She’s especially fond of you, do you know that?” sabi niya.
“Tita Edith?” tanong ko.
“Yeah. She told me how much she likes your spirit.” nangingiti niyang sagot habang marahang kinukuskos ng kuko ang mga natuyong pintura sa mga kamay.
“Well…” tugon ko. “Gusto ko rin si Tita Edith. You have a beautiful family, actually.”
“Where’s your family?” bigla niyang tanong.
Kumurap ako nang mabilis. Iniisip kung ano ang isasagot o kung sasagot pa ba.
“Uh—” pauna kong sambit. “Makati.” sagot ko habang tumatango-tangong nakatingin sa kanya.
Nakatitig lang din siya sa akin. Marahil ay nakikiramdam kung may sunod pa ba akong sasabihin. Hindi ko rin naman mawari kung itutuloy ko pa ba ang aking sagot. Baka kasi hindi na siya interesado.
“Can I hear your story?” naiilang niyang tanong bago ngumiti.
Nilingon ko na muna sina Basty at Candice. Akala ko’y nakikinig sila sa aming usapan. Nakita ko namang abala pa rin sila sa sarili nilang pagdidiskusyon kaya’t muli kong hinarap si Chard.
Ibinuka ko ang aking bibig at payuko-yuko. Wala akong kaide-ideya kung papaano sisimulan ang aking kwento o kung desidido na ba talaga akong ibahagi iyon sa kanya na kailan ko pa lang nakilala.
Natawa na lang ako nang bahagya.
“Oh wow. Where do I start?” sambit ko. “Well, my parents hate me. I did something that really broke their hearts. Let’s just say, I disappointed them.”
Hindi ko na sana itutuloy pa ngunit nang tignan ko si Chard, nakita ko sa mga mata niya ang kaseryosohan. Interesado siya sa aking kwento. Hindi siya naaawa lamang, hindi katulad ng iba ko nang nabahaginan ng aking sarili.
Hindi ko kasi nais na maging kaawa-awa sa paningin ng iba. Ang gusto ko lamang ay taingang handang makinig sa akin.
“I was in love with someone. Nagkataon na iyong taong iyon hindi ako kayang ipaglaban.” pagpapatuloy ko. “Nakatali na raw kasi siya sa iba at may pananagutan.”
Huminga ako nang malalim. Nilalaro ng aking mga daliri ang mga kubyertos sa aking harap.
“Funny how easy it is for some to promise something. It’s even funnier how most people—like me—easily fall for those promises. Stupid promises.”
May nagsasabi sa akin na tignan kong muli ang mga matang iyon ni Chard, ngunit sa di malamang kadahilanan ay hindi ko magawa.
“Matapos ang ilang linggo na hindi na kami nakakapag-usap, naisip ko na if he couldn’t fight for us, I could. Kaya umalis ako ng bahay at pinuntahan siya. Kahit ilang beses na akong pinagbawalan nina Dad, hindi ko sila pinakinggan. Pero sa bandang huli ako pa rin pala ang talo. Wala naman siya sa bahay nila nang dumating ako.”
Napansin ko ang isang maliit na paru-paro sa labas ng aking bintana. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang mawala na sa aking tanaw.
“Umuwi ako sa bahay namin ng gabing iyon na umiiyak sa lungkot at takot—lalong lalo na kay Dad. It’s hard to have a parent who already has planned your entire life for you. Akala ko magagalit siya, sisigawan niya ako, palalayasin. Naghihintay lamang siya sa sala. Nang makita ako ay tinitigan lamang niya ako at hindi na kinausap pa magmula noon.”
Bigla kong nilingon sina Basty at saka tumayo.
“Tama na muna ‘yan.” sabi ko kay Chard. Nakangiti. “Paskong-pasko!”
Dinretso ko na lamang ang pagliligpit ng plato at inilagay sa lababo. Kailan ba ang huling beses na ganito karami ang aking hugasan?
“You have a really great story, Nate.” sambit niya at saka tumayo upang tulungan ako sa mga hugasin.
Hindi ko na siya sinagot. Hinayaan ko na lamang na mag-usap kami sa katahimikan.
Nauna silang magpaalan ni Basty sa amin ni Candice. Inihatid namin sila hanggang sa sasakyan at ilang minuto pang nagtawanan bago tuluyang magpaalam.
Pagkabalik sa aking tinutuluyan ay nag-umpisa nang sa pang-aasar si Candice sa akin. Ilang beses niya rin itinawa ang kadaldalan at kakulitan ni Basty. Siguro ay may ilang minuto pa bago ako tumugon sa mga sinasabi niya.
“I told Chard.” maikli kong sabi sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata at saka ako niyakap.
“At least, nagtitiwala ka na ulit sa iba.” natatawa niyang sagot habang yakap-yakap pa rin ako. “Way to go, Nate! Way to go…”

COMMENTS