$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Painful Bliss

By: Lord Iris Hi guys... I'm Lord Iris. I'm sad to say na this is the last story that I will send here. It's a farewell story fo...

By: Lord Iris

Hi guys... I'm Lord Iris. I'm sad to say na this is the last story that I will send here. It's a farewell story for me. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa akin. Salamat sa lahat ng papuri niyo noon. Huli na ito kaya sana pagbigyan ako ng admin.

Pasensya na sa mga typo dito sa story. Hindi ko na kasi ako nag-edit. Sana ay magustuhan niyo pa rin.

.....

Pain and Bliss... Are they contradict each other? I think the answer is no. They actually help each other. You can't feel pain if you don't feel joy and you can't feel that bliss if you never experieced real pain.

- Lord Iris

"Mamimiss kita Tres... Lagi kang tatawag sa akin ha?"

"Oo naman Ace! Syempre mamimiss din naman kita," sabi ni Tres

Niyakap ko na lang ng mahigpit si Tres. Mag-aaral na kasi siya sa Manila.

"Sige na... Bye na Ace. I should go. Dumaan lang talaga ako dito para magpaalam sa'yo."

"Hmmm... Pwede bang..." Nahihiya 'kong sabi.

Tumingin siya sa akin. Hindi ko matapos ang sasabihin ko. Nahihiya kasi ako.

Maya-maya ay ngumiti na si Tres. Ang gwapo talaga niya. Akala ko ay imposible na magkagusto siya sa katulad ko.

"Do you want me to kiss you?"

Tumango na lang ako sa tanong niya. Nahihiya kasi akong magsabi. Mahiyain talaga ako.

Ngumiti siya at nilapat niya ang mga labi niya sa noo ko. Sayang... Dapat sa lips eh. Ok lang kiss pa rin 'yun hahahah.

"Salamat Tres... Mag-iingat ka palagi. Kakain ka dapat sa tamang oras. Alagaan mo ang sarili mo. Wala ako sa tabi mo para alagaan ka. Unahin mo ang pag-aaral mo." Sabi ko.

"Opo! Para kang nanay ko kung magpa-alala," natatawa niyang sabi.

Ngumiti na lang ako. Tumalikod na siya at nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin.

Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Masakit sa akin na malayo si Tres. Lagi kasi akong mag-isa kapag wala siya.

"Sandali!" Sigaw ko.

Lumingon siya sa akin at halatang nagtataka siya.

"Babalik ka pa ba? Babalikan mo pa ba ako Tres?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim. Kinakabahan ako sa sasabihin niya sa akin.

"Kung talagang tayo, gagawa ng paraan ang tadhana para sa ating dalawa," sabi niya.

Ang layo ng sinabi niya sa tanong ko. Kilala ko si Tres. Natatakot ako na baka mamaya ay makahanap siya ng iba sa Manila.

"Basta kung sakaling magkagusto ka sa iba o kung sakali na ipagpapalit mo ako, dapat sa babae. Maiintindihan ko kung may mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa'yo na hinahanap mo sa isang babae. 'Wag na 'wag mo akong ipagpapalit sa lalake rin. Hindi ko 'yun matatanggap kasi sisisihin ko ang sarili ko kung ano pa ang wala sa akin para ipagpalit mo rin ako sa lalake dahil binibigay ko naman ang lahat ng kaya ko." Mahina 'kong sabi.

"Ang bait mo talaga Ace. 'Wag kang mag-alala... Hindi naman ako madaling magkagusto kaagad sa iba."

"Kung ganun hihintayin kita. Lagi mong isipin na merong Ace na nag-aantay sa'yo na bumalik," naluluha 'kong sabi.

Ngumiti lang siya sa akin. Napakaganda ng ngiti ni Tres. Kahit sino siguro ay mamumula kapag nginitian niya.

"Mahal kita Tres..." Sabi ko.

"Mahal din kita Ace."

Naglakad na siya palayo. Binibilang ko ang bawat hakbang niya palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid ko. Napatulo na ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

Hindi ako dapat malungkot. Mahal ko si Tres. Alam ko na babalik siya. Hihintayin ko na lang siya. Nagsimula na akong mapangiti.

Masiyahin akong tao. Ako nga pala si Ace. Inaamin ko na hindi ako gwapo. Moreno ako at hindi makinis ang mukha ko hahahaha.

Hindi ako gustuhin kaya swerte ako dahil pinatulan pa ako ni Tres. Sobrang gwapo niya kasi. Isa lang siguro ang maipagmamalaki ko... Mabait ako.

Natatakot din ako kasi gwapo si Tres. Alam ko na maraming nagkakagusto sa kanya. Baka kasi makahanap siya ng mas better kesa sa akin. Kailangan ko lang magtiwala kay Tres.

Madali akong magpatawad. Maalalahanin ako, loyal at maawain. Sabi ni Tres ay 'yun daw ang nagustuhan niya sa akin.

Umuwi na ako sa bahay. Mag-isa na naman ako. One year na lang at college na ako. Sabi nila mama gusto raw nila na sa Manila ako mag-college kaya isang taon lang ang hihintayin ko para makasama ko ulit si Tres.

Wala akong kasama sa bahay. Literal na mag-isa ako. Sinusustentuhan lang ako ng mama ko. Minsan si papa, minsan step mother ko. Minsan naman step father ko.

Masakit para sa akin ang mag-isa. Wala naman akong magagawa kung hindi ay tanggapin ang lahat.

Masiyahin naman akong tao. Madali lang akong mapasaya. Simple lang naman kasi akong tao.

Naging kami ni Tres kasi close kaming magkaibigan. Magkababata kami at kilala ko ang buong pagkatao niya. Tinanggap ko ang lahat sa kanya.

Swerte talaga ako kay Tres. Maraming nagkakagusto sa kanya pero ako pa ang pinatulan niya. Alam niya naman kasi na bakla ako. Medyo malambot ako kumilos pero lalake pa rin ako magbihis.

Lumipas na ang mga araw at buwan. Nung una ok naman ang usapan namin ni Tres sa phone.

Lagi 'kong inaabangan ang mga text at tawag niya. Naging madalang na siyang magparamdam hanggang sa nawala na siya bigla.

Hindi ko alam kung bakit pero nawalan na kami ng communication. Hindi ko na siya ma-contact. Hindi naman siya active sa social media. Minsan online siya pero wala siyang message kahit tuldok man lang.

Torture para sa akin 'yung mukha akong tanga na nag-aabang ng mga text niya kahit wala naman.

Nalulungkot ako... Hinihintay ko pa rin si Tres. May tiwala ako na babalikan niya ako.

Binuhos ko lahat ng atensyon ko sa pag-aaral. Alam ko naman na uuwi rin si Tres dito sa probinsya sa bakasyon. Kakilala ko kasi ang mga magulang niya pero hindi nila alam na kami ni Tres.

Dumating na ang bakasyon. Wala pa rin si Tres. Inayos na ni mama ang apartment ko sa Manila. Bukas na ako aalis at wala pa rin si Tres.

Naglakad-lakad muna ako sa sea wall. Malamig ang hangin... Mamimiss ko rin ang probinsya namin kapag pumunta na ako bukas sa Manila.

Napansin ko na may lalakeng naglalakad din papunta sa direksyon ko pero medyo malayo siya. Magkasalubong kami...

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Unti-unti 'kong nakikita ang mukha nung lalake. Maputi siya at kahit medyo malayo ay alam mo nang gwapo siya.

Mag hawig 'yung lalake kay Ronnie Alonte. Ang gwapo naman niya.

Tumingin muna ako sa dagat. Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Tres ba siya? Unti-unti 'kong hinarap ang mukha ko doon sa lalake.

Siya nga si Tres! Medyo nag-matured siya at may muscles na siya kaya hindi ko siya namukhaan kaagad.

Nanginginig ang mga tuhod ko. Nilakasan ko ang loob ko at lumapit ako sa kanya. Namumuo na ang luha sa mga mata ko.

"Tres..." Mahina 'kong sabi.

Ngumiti siya sa akin. Nakita ko na naman ang napakaganda niyang ngiti. Niyakap ko siya kaagad ng mahigpit.

"Miss na miss na kita Tres," naluluha 'kong sabi.

Napansin ko na ako lang ang yumakap. Kumalas na lang ako at tinitigan ko siya. Mas gwapo na siya ngayon.

"Kamusta ka na?" Tanong ko.

"Ayos lang... Ikaw?"

"Masaya ako na nakita na kita ulit. Kakauwi mo lang ba?"

"Oo... Kagabi lang ako umuwi," sabi niya.

"Nababasa mo ba 'yung mga text ko sa'yo? Nag-aalala ako... Akala ko kung ano na ang nangyari kasi hindi na kita ma-contact," sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan na ako.

"May nasabi ba akong hindi mo gusto?" Kabado 'kong tanong.

"Tanga lang 'yung maghihintay ng matagal kung hindi naman na nagpaparamdam sa'yo," seryoso niyang sabi.

Natahimik ako... Alam ko na unti-unti nang namumuo ang mga luha ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko kasi sumisikip na ang puso ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na nagpakatanga ako.

"Sorry Tres... Sorry kasi hinintay talaga kita. Nagtiwala ako na magiging ok ang lahat kapag bumalik ka na. Sorry kasi tanga pala ako na naghihintay sa'yo," sabi ko.

Natahimik na lang siya. Pinipigilan ko na tumulo ang luha sa mga mata ko.

"I'm sorry... I'm not that faithful. I really can't imagine being with you forever. Alam mo naman siguro na puppy love lang 'yung sa atin."

Mas masakit ang sinabi niya ngayon. Parang bala na bumaon sa dibdib ko ang sinabi niya.

Puppy love? Hindi naman kami bata. College na nga ako next year eh.

"No... Don't apologize. Kasalanan ko naman kasi. Kasalanan ko kasi umasa ako na mamahalin ako ng kagaya mo. Masyado kang perfect para lang sa isang katulad ko."

Hindi ko na kaya. Alam ko na konti na lang ay tutulo na ang mga luha ko.

"Sige Tres... Masaya ako na nakita kita ulit. Kailangan ko nang umuwi. Sana maging masaya ka palagi," sabi ko at pinilit 'kong ngumiti.

Tumalikod na ako. Binilisan ko ang lakad ko palayo sa kanya.

Nagsimula nang tumulo ang mainit na luha sa mga mata ko. Alam ko naman na kaya akong ipagpalit ni Tres. Alam ko naman na makakahanap siya ng mas better kesa sa akin.

Kasalanan ko kasi umasa ako sa kanya. Kasalanan ko kasi naniwala ako na totoo ang pagmamahal niya.

Pinunasan ko na lang ang mga mata ko. Ngumiti na lang ako. Masyado yata akong ilusyunado para umasa na may magmamahal sa akin ng totoo.

Umuwi na ako kaagad sa bahay. Nakaayos na ang mga gamit ko. Hindi na ako nakakain kasi sobrang sama ng loob ko sa nangyari.

Totoo naman kasi... Hindi kami bagay ni Tres kasi gwapo siya. Ano lang ba ako kung ikukumpara sa kanya? Masakit pero 'yun ang totoo.

Kinabukasan ay sumakay na kaagad ako ng bus papunta sa Manila. Inayos na ni mama ang apartment na titirahan ko. Medyo may kaya kasi si mama.

Sakto lang ang apartment para sa akin. Sanay naman ako na mag-isa.

Gusto ko sanang kumuha ng tourism at gusto 'kong magtrabaho sa airlines kaya lang baka hindi ako makapag-trabaho kasi hindi ako kagwapuhan.

Medyo malayo pa ang pasukan at nakatambay lang ako sa apartment. Nakakabored mag-isa.

Nang dumating na ang unang araw ko sa college, medyo naninibago ako kasi ibang-iba na ang mga nakakasalamuha ko at pati 'yung terms iba na.

Active naman ako sa kinuha 'kong course. Hindi naman po sa pagyayabang pero masasabi ko na may utak naman ako.

Mag-isa lang ako palagi. Habang kumakain ako ng fries sa isang fast food ay bigla na lang may lalakeng umupo sa harapan ko.

"Hi..." Nakangiti niyang sabi.

Ang gwapo niya. Mahaba ang mga pilik mata niya, maputi siya tapos matangkad. Makapal ang mga kilay niya. May hawig siya kay Alex Aiono.

"Hmmm... Hi..." Naiilang 'kong sabi.

Hindi kasi ako mahilig makipag-socialize sa ibang tao. Nakakahiya rin kasi ang gwapo ng kausap ko.

"Napansin ko... Ang galing mo kanina sa klase," nakangiti niyang sabi.

Ang ganda ng ngiti niya. Naalala ko na. Namumukhaan ko siya. Kaklase ko siya sa ibang subjects.

"Thank you..."

"I'm sorry... I forgot to introduce myself. I'm Wayne..." Sabi niya at nakikipag-shake hands siya.

"I'm Ace..."

Nakangiti lang siya sa akin. Inaamin ko... Ang gwapo niya lalo na kapag ngumingiti siya.

Tingin ko, may kailangan siya kaya siya lumalapit sa akin. Syempre alam ko naman na hindi ako gwapo at hindi ako gustuhin kaya malamang may kailangan lang siya.

"Hmmm... Anong kailangan mo sa akin?" Deretsahan 'kong tanong.

Ngumiti lang siya... Sabi ko na nga ba may kailangan siya eh.

"Alam ko kasi na matalino ka. Isa nga lang 'yung mali mo sa quiz tapos halos lahat hindi nakapasa. Gusto ko sana na magpatulong sa'yo para pumasa rin naman ako," nakangiti niyang sabi.

Tumahimik na lang ako. Hindi ako interesado. Umpisa pa lang ay may kailangan na siya sa akin. Hindi naman siya lalapit kung wala siyang kailangan.

Baka mamaya kapag hindi na niya ako kailangan ay hindi na niya ako papansinin. Ganyan naman kasi madalas ang mga tao.

"May nasabi ba akong mali? Ayaw mo ba akong tulungan?" Alanganin niyang tanong.

"Hindi naman sa ganun... Give me a reason why should I help you," deretso 'kong sabi.

"Ililibre kita! Kahit anong gusto mo basta tulungan mo ako," sabi niya.

Libre? Wala naman sigurong masama diba? May kapalit naman kung tutulungan ko siya.

"Ok deal..."

Ngumiti na lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

Ganun nga ang nangyari. Laging nagpapatulong sa akin si Wayne. Mabait naman siya. Medyo nahihirapan nga siya sa lessons.

Pumupunta palagi si Wayne sa apartment ko tapos minsan may dala siya chocolates, ice cream o fruits kapag nagrereview kami.

Masarap naman kasama si Wayne. Nagrereview kami ngayon para sa quiz namin bukas.

"Ace... Hindi ka ba nabo-bored? Aral lang ang inaatupag mo tapos wala ka pang masyadong kaibigan."

"Syempre nabo-bored din ako. Sayang kasi ang tuition kung hindi ako mag-aaral ng mabuti. Baka mamaya kapag bumagsak ako, wala nang magpa-aral sa akin," sabi ko.

"Bakit? Sino ba ang nagpapa-aral sa'yo?" Tanong ni Wayne.

"Minsan si mama, minsan si papa, minsan 'yung step mother ko at minsan naman 'yung step father ko," seryoso 'kong sabi.

Medyo nalungkot ako sa sinabi ko kay Wayne. Natahimik na lang siya. Masakit... Wala akong pamilya.

"Ikaw? Masaya ba ang buhay mo? Sikat ka sa school tapos marami kang kaibigan," sabi ko.

Varsity kasi si Wayne sa school namin kaya sikat siya. Marami ring babae ang nagtitilian sa kanya.

"Ok naman ako... Ikaw Ace? May girlfriend ka na ba?" Tanong niya.

"Hahahahah imposible 'yan!"

"Bakit naman? Ok ka naman kasama. Mabait ka naman," sabi niya.

Umiling-iling na lang ako. Natatawa ako sa kanya. Paano ako magkaka-girlfriend eh bakla ako.

"Hindi ka pa ba nagkaka-girlfriend?" Tanong niya.

"Hindi pa..." Tipid 'kong sabi.

"So hindi ka pa pala nakakaranas ng love?" Natatawa niyang tanong.

"I have an exboyfriend before," seryoso 'kong sabi.

Nawala 'yung pagtawa niya at naging seryoso siya bigla.

"I don't expect that. Akala ko medyo malambot ka lang talaga kumilos," seryoso niyang sabi.

"Don't worry... Hindi naman ako gagawa ng masama sa'yo," sabi ko.

"Huh?" Nagtataka niyang tanong.

"Ganyan naman kasi kayong mga straight lalo na kapag gwapo. Akala niyo porke't bakla mamanyakin na kaagad kayo. Uunahan na kita... Iba ako. Hindi ako hayok sa laman. Loyal ako magmahal," seryoso 'kong sabi.

Tinawanan niya lang ako. Grabe naman... Seryoso 'yung pagkakasabi ko tapos tinawanan lang ako.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko.

"Ikaw kasi... Masyado kang defensive," natatawa niyang sabi.

Tumahimik na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"May sasabihin ako... Secret lang natin ito ah? Mukha ka namang mapagkaka-tiwalaan," sabi niya.

"Sige... Ano ba 'yun?"

"Minsan attracted din ako sa lalake lalo na kapag gwapo. Bisexual yata ako. I'm not sure about my sexuality," seryoso niyang sabi.

"Ok... Normal lang naman 'yun. Ang mahalaga mahal mo 'yung tao," sabi ko.

Nabigla ako dahil lumapit sa akin si Wayne. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at tinitigan niya ako.

"A-ano bang ginagawa mo?"

"Sabihin mo nga Ace... Type mo ba ako?" Seryoso niyang tanong.

"Hmmm... Oo gwapo ka pero hindi ako 'yung tipo ng tao na basta na lang madaling nahuhulog. Ayokong gumawa ng paraan para saktan ko lang ang sarili ko," seryoso 'kong sabi.

Ngumiti na lang siya at bumalik na siya sa pagrereview. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ako 'yung tipo ng tao na madaling magkagusto.

Bihira lang naman ako ma-inlove at aminin niyo, mahihirapan lang kayo na makitungo sa tao kung may feelings kayo lalo na kapag ayaw naman sa inyo. 'Yun ang natutunan ko kaya ayokong umasa.

"Pwede bang i-kwento mo naman sa akin kung bakit kayo nagkahiwalay ng exboyfriend mo?" Tanong ni Wayne.

"Hmmm... Magkaibigan kami simula pagkabata sa probinsya. Siya lang ang kaibigan ko. Hindi ko naiwasan na magkagusto sa kanya. I confessed my feelings for him. Inalok niya ako kung gusto niya na maging kami. Syempre pumayag ako... 'Yun ang pinaka-masayang araw sa buhay ko. Kahit kami lang ang nakaka-alam ng relasyon namin, masaya ako. Kaso pumunta siya dito sa Manila para mag-aral. Hinintay ko siya kahit nawalan kami ng communication. 1 year akong naghintay sa kanya. Nung bumalik na siya, akala ko magiging masaya na ako. Pero hindi pala..."

"Bakit naman? May iba na ba siya?" Tanong ni Wayne.

Umiling-iling na lang ako. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko.

"Hindi ko alam kung may iba na siya pero ang sabi niya puppy love lang daw 'yung sa amin. Alam mo kung ano 'yung pinaka-masakit na sinabi niya?"

"Ano?"

"Sabi niya... Tanga lang ang maghihintay ng ganun katagal nang walang communication," sabi ko at pinunasan ko ang mga mata ko.

Tinitigan na lang ako ni Wayne. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Tanga lang 'yung taong gagawa nun. Siya ang tanga Ace... Hindi ikaw," seryoso niyang sabi.

"No... Tama naman siya. Kasalanan ko kasi hinintay ko siya. Kasalanan ko kasi minahal ko siya ng totoo," sabi ko.

"Why are you blaming yourself? Ganyan ka ba kabait?"

Ngumiti na lang ako sa kanya ng mapait. Ayokong sinisisi ang ibang tao sa mga pagkakamali nila.

I want Tres to realize his own mistake like I did. Ang masakit lang ay hindi man lang siya humingi ng tawad sa akin.

"Hmmm... Ace, tapos na akong mag-review. Ok na ako para sa exam bukas. Sama ka sa akin. Libre kita ng burger," nakangiting sabi ni Wayne.

Pumunta kami ni Wayne sa isang fast food at binilhan niya ako ng burger, fries at sundae.

Naglakad na kami ni Wayne pabalik sa apartment ko. Maya-maya ay may batang humingi ng pagkain sa amin.

"Kuya pwede po bang akin na lang 'yung pagkain mo? Gutom na po ako," sabi nung bata kay Wayne.

Hindi niya pinansin 'yung bata. Hinawakan na lang ako ni Wayne at hinahatak niya ako.

"Tara na Ace... Don't entertain him," seryoso niyang sabi.

Hindi ako nakinig kay Wayne. Kinausap ko 'yung bata.

"Sige... Sa'yo na lang itong burger at fries," sabi ko at inabot ko 'yun sa bata.

Natuwa naman ang bata at kinain niya kaagad ang burger.

"Salamat po kuya! Buti ka pa mabait hindi kagaya nung pogi na kasama mo," sabi nung bata.

"Ay hahahah sige na... Aalis na kami," nakangiti 'kong sabi sa bata.

Naglakad na lang kami ni Wayne palayo. Hindi ko alam kung bakit medyo natahimik siya.

"Hmmm... Bakit binigay mo 'yung pagkain mo sa bata?" Tanong niya bigla.

"Kawawa naman siya eh... Gutom na siya. Mukha namang mabait 'yung bata," sabi ko.

"Marami kasing mga snatcher na bata dito sa Manila," sabi niya.

"Huh? Alam ko naman... Pagkain naman ang hinihingi nung bata," sabi ko na lang.

Napangiti na lang si Wayne tapos tinitigan niya ako.

"Mabait ka pala talaga," sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Ginawa ko lang naman ang tama. Nabalot na lang kami ng katahimikan.

"Ace... Alam mo, hindi ka mahirap mahalin."

Napatingin na lang ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.

"Masyado kang mabait. Nandiyan sa'yo lahat ng magagandang qualities and traits ng isang tao," nakangiti niyang sabi.

"Hahahah... 'Wag mong sabihin 'yan," natatawa 'kong sabi.

"Bakit?"

"Kasi hindi mo naman ako magugustuhan," mahina 'kong sabi.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin 'yun. Umiwas na lang ako ng tingin kasi ayokong makita ang mukha niya na dismayado.

"Tumingin ka sa akin..." Sabi niya.

Humarap na lang ako sa kanya. Seryoso lang siya.

Hinawakan niya bigla ang mga pisngi ko. Ang init ng mga palad niya. Tinitigan niya ako ng mata sa mata.

"Kung magmamahal man ako ng lalake, ikaw 'yun.... You are perfect, just the way you are," seryoso niyang sabi.

Umiwas na lang ako ng tingin. Ramdam ko na namumula na ang buo 'kong mukha dahil sa ginawa niya.

Sobrang kinilig ako sa sinabi niya pero ayokong umasa. Masasaktan lang ako. Hindi kami bagay. Tumahimik na lang ako. Malabo na magustuhan niya ako.

Gwapo si Wayne... Simpleng tao lang ako. Hindi ako gwapo. Mabait lang ako at 'yun lang ang meron ako.

"Oh paano? Uuwi na ako Ace," sabi niya.

"Hmmm... Mag-ingat ka pauwi," sabi ko na lang.

Lumipas ang mga araw at lalo kaming nagiging close ni Wayne. Delikado... Alam ko na napapalapit ang loob ko sa kanya. Bukod kasi sa gwapo eh sobrang bait pa niya.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa ganung tao? Gwapo siya, mabait, mayaman tapos may utak din naman.

Nang matapos na ang exam namin ay sembreak na. Wala akong magagawa kung hindi ang mag-stay na lang sa apartment ko.

Maya-maya ay tumunog ang phone ko. Nag-text sa akin si Wayne.

.....

Ace, sabay tayong kukuha ng card at magpapa-enroll ha? Gusto ko na kaklase pa rin kita. Kapag tumanggi ka, magtatampo ako...

.....

Napangiti na lang ako. Sana ay maging close pa kami ni Wayne. Inaamin ko na nagugustuhan ko na talaga siya.

Dumating ang araw ng kuhaan namin ng grades. Sabay na kaming kumuha at sabay naming binuksan ang sobre.

"Wow! Pasado ako lahat!" Masaya niyang sabi.

"Congrats..." Sabi ko.

"Ikaw Ace?" Tanong niya at kinuha niya ang card ko.

"Grabe Ace! Dean's lister ka," sabi niya.

Ngumiti na lang ako. Nag-aral naman ako ng mabuti kaya masaya ako na kasama ako Dean's lister.

"Ace... Malaki ang naitulong mo sa akin. Sana lagi kang nandiyan para sa akin," seryoso niyang sabi.

"Hindi ako mawawala... Tutulungan naman kita hangga't kaya ko," nakangiti 'kong sabi.

Nilibre ako ni Wayne sa isang resto. Nag-celebrate kaming dalawa. Masaya ako kahit magkaibigan lang kaming dalawa.

Lumipas ang mga araw at sembreak. Wala rin akong masyadong balita sa kanya. Hindi naman kasi siya nagtitext sa akin.

Lumipas ang mga araw at bigla na lang nagtext sa akin si Wayne.

.....

Ace, please tulungan mo ako. Pumunta ka sa bahay...

.....

Nagreply ako sa kanya. Tinanong ko kung ano ang nangyayari. Hindi na siya nakapag-reply.

Kinabahan ako sa text niya sa akin. Nagmadali akong pumunta sa bahay nila Wayne. Medyo malaki ang bahay nila.

Walang tao pero bukas ang gate. Binuksan ko lahat ng kwarto para hanapin siya.

Maya-maya ay nakita ko siya sa isang kwarto at namimilipit siya sa sakit.

Tumakbo ako para alalayan siya...

"Wayne, anong nangyayari sa'yo?" Nag-aalala 'kong tanong.

Hindi siya makapagsalita at namimilipit lang siya sa sakit ng giliran niya kaya nag-aalala ako ng sobra. Tumawag na ako ng taxi at hinatid ko siya sa hospital.

Sabi ng doctor ay kailangan daw siyang operahan agad dahil sa appendix niya. Kinuha ko ang phone ni Wayne at tinawagan ko ang parents niya.

Agad namang pumunta ang parents niya. Alalang-alala sila. Hindi ako umalis ng hospital. Nagdadasal ako sa mini chapel na sana maging successful ang oparasyon sa kanya.

Naging maayos naman ang lahat. Sabi ni Wayne ay nagti-training daw siya as varsity kahit kakatapos lang kumain.

"Sabi ko naman sa'yo palagi mong aalagaan ang sarili mo," sabi ko.

"Sorry na... 'Di na mauulit," sabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Kung hindi ka dumating, baka may masama nang nangyari sa akin. Maraming salamat Ace," sabi niya.

"Wala 'yun! Magpagaling ka na..." Sabi ko na lang.

Natulog na siya... Mabuti na lang at ok na si Wayne. Nagdesisyon ako na umuwi muna para maligo dahil ilang araw na ako sa hospital.

Habang naglalakad ako sa lobby ay bigla na lang akong hinarangan ng parents ni Wayne.

"Hmmm... Bakit po? May problema po ba?" Tanong ko.

"Do you have a special relationship with our son?" Tanong ng papa ni Wayne.

"Ay wala po..." Sabi ko.

"Don't deny it! Kitang-kita namin kung gaano ka nag-alala sa kanya. Kung wala ka baka kung ano na ang nangyari sa anak namin. Lagi ka niyang kinukwento sa amin. Ikaw ang dahilan kaya pasado lahat ng grades niya ngayon," sabi ng mama niya.

"Hmmm... I think I love your son but it doesn't mean that we have a special relationship. Magkaibigan lang po talaga kami," seryoso 'kong sabi.

Hinawakan na lang ng mama ni Wayne ang mga kamay ko.

"We thank you for all your efforts. Maganda kang influence for our son. Please continue being on his side always. Ngayon lang siya tumino. Madalas siyang mag-skip ng klase niya dati at mababa ang grades niya. Sobrang nagpapasalamat kami at naging matino siya dahil sa'yo. We don't mind kung maging kayo basta mabuti ang lagay ng anak namin," nakangiting sabi ng mama niya.

"Ta-talaga po?" 'Di makapaniwala 'kong tanong.

Tumango lang siya at ngumiti siya sa akin. Napangiti na lang din ako.

Mabait naman pala ang mga parents ni Wayne. Sinabi ko ang lahat kay Wayne at tuwang-tuwa siya.

"Kung ganun ok lang pala kila mama na bisexual ako?" Tanong niya.

"Absolutely yes," nakangiti 'kong sabi.

"Kung ganun... Kapag gumaling ako ay liligawan na kita kaagad," sabi niya.

Nagulat ako... Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko.

Hindi ko alam kung bakit pero simula nung gumaling si Wayne ay nililigawan na niya ako. Kahit sa school ay kaming dalawa palagi ang magkasama.

Kinikilig ako sa ginagawa niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Sobrang saya niya at tanggap ng mga magulang niya ang sexuality niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko ka mahalin siya. Sinagot ko na kaagad si Wayne. Tinago namin sa ibang tao ang relasyon namin maliban sa mga magulang niya.

Masaya ako na kasama ko siya. Lagi akong masaya kapag nandiyan siya.

Hindi ko inakala na magiging kami ni Wayne. Birthday niya ngayon at sa isang bar ginaganap ang birthday niya.

"Guys... I would like to introduce my boyfriend, Ace," nakangiting sabi ni Wayne.

Halatang nagulat ang mga bisita niya. 'Yung iba ay tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa. 'Yung iba naman nagbubulungan pa.

Ayos lang naman... I don't care about them. I only care about what Wayne would feel. Nakangiti lang si Wayne at nakahawak lang siya sa kamay ko.

Maya-maya ay nag-iinuman na ang mga tao. Hindi ako umiinom kaya nakaupo lang ako sa isang tabi.

Nakatingin lang ako kay Wayne. Masaya siya na kasama ang ibang mga kaibigan niya. Napapangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya.

"Wayne... Hinay lang sa pag-inom," sabi ko.

"Ace naman.... Hayaan mo na. Birthday ko naman eh," sabi niya.

Ngumiti na lang ako. Maraming bisita si Wayne at inaamin ko na halos nandito ang mga naggagwapuhang mga nilalang. Magaganda rin 'yung mga babae kaya parang out of place ako.

Pumunta muna ako sa cr. Naghilamos ako...

"Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa'yo ni kuya."

Lumingon na lang ako. Nakita ko ang isang lalake. Magkahawig sila ni Wayne pero mas bata siyang tignan. Mukha siyang masungit at lalapa ng tao.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Medyo nakakasakit 'yung ginagawa niya.

"Magpapaka-bakla na nga lang si kuya, sa katulad mo pa," seryoso niyang sabi.

Medyo namumuo ang luha sa mga mata ko. Hindi kasi ako sanay na ginaganito.

"Kilala ko si kuya, 'di kayo magtatagal. Ipagpapalit ka rin niya," sabi pa niya.

"Grabe ka naman magsalita... Hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa kuya mo," sabi ko na lang.

He just rolled his eyes. Lumabas na siya ng padabog sa cr. Siguro immature lang siya kaya ganun.

Pero inaamin ko... Medyo nasaktan ako sa mga sinabi niya.

What if lokohin lang ako ni Wayne? Ayoko namang mag-isip ng ganun. Kilala ko si Wayne... Mabait siya. Hindi niya ako lolokohin.

Lumabas na lang din ako ng cr. Nagtataka ako kasi wala si Wayne.

Hinanap ko siya sa bar pero wala talaga. Nasaan siya? Lumabas na lang muna ako ng bar.

May naghahalikan sa labas. Papasok na sana ako sa loob pero nag-sink in sa akin kung sino 'yung lalakeng nakikipaghalikan.

Si Wayne... May kahalikan siya na babae. Sumikip bigla ang dibdib ko.

Ramdam ko ang pagtulo ng mainit 'kong mga luha. Ang init ng halikan nila. Kahit kailan ay hindi kami naghalikan ni Wayne. Smack lang...

Pinunasan ko na lang ang mga luha ko. Tama ang kapatid ni Wayne, lolokohin nga lang ako ng kuya niya.

Bakit? Bakit niya ako niloko? Dahil ba hindi ako gwapo? Dahil ba bakla ako? Dahil ba boring akong kasama at hindi siya nag-eenjoy?

Ang sakit... Nagtiwala ako sa kanya. Hindi ko inakala na kaya niya akong lokohin.

Naglakad na lang ako papunta sa kanila. Napatingin sa akin si Wayne at halatang nabigla sila nung babae.

"Ace, let me explain... Hindi ko sinasadya," kabado niyang sabi.

Hindi ako makapagsalita. Tumutulo lang ang mga luha ko. Hindi ko siya magawang sumbatan.

"Hmmm... I have to go," sabi nung babae.

Umalis na siya at kaming dalawa lang ni Wayne ang naiwan.

"I'm sorry Ace. Hindi ko naman sinasadya," kabado niyang sabi.

"I trusted you..." Sabi ko at hindi ko na napigilang humagulgol sa iyak.

Yumuko na lang ako. Ayokong makita siya. Paulit-ulit 'kong nakikita sa isip ko ang halikan nila nung babae.

"I'm so sorry Ace. Please... Nakainom lang kami kaya namin 'yun nagawa. Ikaw lang ang mahal ko Ace," sabi niya.

Ang sikip ng dibdib ko. Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang sikmuraan. Gusto ko siyang sumabatan pero hindi ko magawa.

"Am I not enough?" Humahagulgol 'kong tanong.

"Ace, hindi naman sa ganun. Kasalanan ko naman. Patawarin mo na ako. Pakiusap... Ayusin natin ito," sabi niya at parang naiiyak na siya.

"Alam ko naman na hindi ako gwapo. Alam ko naman na hindi ako 'yung ideal na tao para sa'yo. Alam ko na bored ka kapag kasama mo ako. Alam ko na may hinahanap ka sa iba na wala sa akin. Alam ko na mag-isa lang ako. Alam ko na wala akong buong pamilya kagaya mo. Alam ko na wala akong masyadong kaibigan. Pasensya na kung hindi ka masaya sa akin. Kasalanan ko kaya naghanap ka ng iba. Kasalanan ko kasi ganito lang ako..." Humahagulgol 'kong sabi.

Bigla niya akong niyakap. Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha niya sa balikat ko. Totoo naman ang sinabi ko. Ganito lang ako kaya siya naghanap ng iba.

"Ace... Pangako, hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko. 'Wag mo namang sisihin ang sarili mo. Sorry kasi marupok ako. Sorry kasi nasaktan kita. Please... Give me another chance," umiiyak niyang sabi.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong sisihin siya. Alam ko naman kung saan lang ako dapat lumugar. Alam ko naman na magkaiba ang mundo naming dalawa.

"Do you really love me?" Tanong ko.

"Of course Ace! I really love you! Hindi na kita sasaktan! Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko... Please... Ayusin natin ito. Ayokong matapos ang relasyon natin. Gusto kita... Ayokong mawala ka sa akin," seryoso niyang sabi.

"Please... 'Wag mo akong iiwan Ace," umiiyak niyang sabi.

Hinawakan ko ang mga pisngi niya. Hinarap ko ang mukha ko sa kanya.

"Hangga't sinasabi mo na mahal mo ako, hindi ako mawawala sa tabi mo," sabi ko.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Sobrang sakit... Mahal ko siya kaya dapat ay patawarin ko siya. Oo... Alam ko na tanga ang prinsipyo ko. Alam ko na tanga ang paniniwala ko. Ayoko lang din naman na mawala siya.

"Salamat Ace..."

"Mamahalin kita... Nandito lang ako para sa'yo. Kung sakaling magmahal ka ng iba, sabihin mo kaagad sa akin. Hindi ako magagalit. Hindi ako magsasalita ng masakit. Ang gusto ko lang, maging masaya ka dahil mahal kita," umiiyak 'kong sabi.

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Gusto ko lang naman ibigay ang best ko para sa kanya. Gusto ko lang naman na wala akong pagsisihan dahil naibigay ko ang lahat ng kaya 'kong ibigay para sa kanya.

Ganito ako... Selfless ako magmahal. Ayoko lang kasi ng iniiwan ako.

Ayokong iwan siya dahil alam ko ang pakiramdam ng iniiwan. Alam ko ang pakiramdam ng mag-isa. Ayokong maramdaman ulit na mag-isa ako kaya ayoko ring iwan siya.

Ang tanga ko ba? Oo... Alam ko naman. Kasalanan ko ba na ganito ako? Mag-isa lang kasi ako. Ayoko lang naman kasi na maging mag-isa ulit ako.

Lumipas din ang isang taon at bumalik naman kami sa dati ni Wayne.

Naging sweet naman siya ulit sa akin. Masaya naman ako ulit sa kanya. Hindi naman siguro sayang ang sakit at sakripisyo ko para sa kanya.

"Ace... Baka maging busy ako these days. Alam mo naman na malapit na ang intrams," sabi niya.

"It's ok... I can wait for you. Manunuod na lang ako ng game mo," nakangiti 'kong sabi.

Bigla niyang pinisil ang pisngi ko.

"Ang bait naman talaga ng boyfriend ko! Swerte ko talaga sa'yo," sabi niya.

Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Oh bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Pwedeng... Humingi ng kiss?" Alanganin 'kong tanong.

Ngumiti lang siya at hinatak niya ako palapit sa kanya. Hinalikan niya ako ng mariin sa noo.

Ngumiti lang siya sa akin at umalis na siya. Nagtataka ako... Bakit sa noo niya lang ako hinalikan? Parang nalungkot tuloy ako bigla. Ganun din kasi si Tres dati.

Sabi nila, kapag hinalikan ka raw sa noo ay tanda 'yun ng paggalang. A kiss on a forehead is worth a hundred kiss than lips.

Dapat ay hindi na ako nag-iisip ng kung ano-ano pa.

Nagdaan ang mga araw at wala na siyang masyadong paramdam. Lalo akong nalulungkot kasi busy na siya ngayon.

Inintindi ko na lang si Wayne. I love him so I will wait for him.

Lumipas ang mga araw at hindi alam ni Wayne nanunuod ako minsan sa mga trainings niya. Masaya ako habang pinapanuod ko siya.

Maya-maya habang nanunuod ako ay may babaeng lumapit sa kanya at pinunasan ang pawis niya.

Sumikip bigla ang dibdib ko. Hindi ako bobo para hindi ko malaman ang dahilan. Ramdam ko na namumuo ang mga luha ko.

Ano ang dapat 'kong gawin?

Dapat siguro ay ibigay ko ang best ko. Kailangan 'kong maging mas sweet sa kanya para marealize niya ang worth ko.

Inabangan ko si Wayne pagkatapos ng training niya. Pinunasan ko ang mga luha ko para hindi niya mahalata.

"Wayne..."

Napatingin siya sa direksyon ko. Halatang nabigla siya. Pinauna na niya ang mga kasama niya sa varsity.

"Bakit napadaan ka dito Ace?" Tanong niya.

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?"

"Oo naman... Tapos naman na ang training namin," sabi niya.

Kinuha ko ang binili 'kong tubig sa bag at binigay ko sa kanya.

"Ubos na 'yung water jug mo kanina kaya binilhan kita," sabi ko at pinilit 'kong ngumiti.

Napangiti naman siya at ininom niya ang binigay 'kong tubig.

"Miss na kita Wayne," sabi ko at hindi ko na naitago ang kalungkutan ko.

"Ako din naman Ace, miss na kita," sabi niya.

Bakit ganun? Hindi ko maramdaman na miss niya ako. Bakit parang sinabi niya lang na miss niya ako pero hindi naman?

"Napanuod ko kanina ang training mo. Ang galing mo pala Wayne..." Sabi ko.

"Ay salamat naman Ace. Varsity ako kaya dapat lang na magaling ako."

"Wag mo sanang masamain ang itatanong ko... Sino 'yung babaeng nagpunas ng pawis mo kanina?" Mahinahon 'kong tanong.

"Fan ko lang 'yun," sabi niya at tinawanan pa niya ako.

Umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko alam ang dapat 'kong sabihin.

"Uy... Nagseselos ka ba?" Seryoso niyang tanong.

Yumuko na lang ako. Hindi ko maitago na nalulungkot ako. Hindi naman ako nagseselos. Nalulungkot lang ako.

Naramdaman ko na hinawakan niya ang balikat ko.

"Ace, ayokong may samaan tayo ng loob. Please... 'Wag ka nang mag-selos. Wala kaming relasyon nung babae. Humahanga lang talaga siya sa akin," seryoso niyang sabi.

Huminga na lang ako ng malalim. Nalulungkot lang ako lalo sa ginagawa niya sa akin.

"Ok... Maniniwala ako sa'yo. Kahit hindi ka magsabi ng totoo, maniniwala ako sa'yo," seryoso 'kong sabi.

I really mean it. Maniniwala ako sa mga kasinungalingan niya. Kahit hindi siya magsabi ng totoo ay maniniwala pa rin ako.

"I know that I make you feel sad. Hindi ako nagsisinungaling."

"I love you... I will trust you. I will believe in your words," sabi ko at napatulo ang luha ko.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Maya-maya ay humarap siya sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Please... Stop crying. I know na wala akong time ngayon para sa'yo. Pasensya na..."

"Ok... Don't mind me, Wayne. Manunuod ako sa game mo. Hayaan mo... Magiging ok din ako. 'Wag mo na akong isipin," sabi ko at pinilit ko nang ngumiti.

"Sure ka ba talagang ok ka lang?" Nag-aalala niyang tanong.

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na naman ako ng pilit. Halatang duda siya sa sinabi ko.

"Sige na... Dapat nagpapahinga ka na ngayon. Hindi ko gusto na abalahin ka. Alam ko naman kung saan lang ako lulugar sa'yo. Don't think too much. Isipin mo muna ang game mo," nakangiti 'kong sabi.

Naglakad na lang ako palayo sa kanya. Nagsinungaling ako... Ang totoo ay hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar sa kanya. Hindi ko alam kung may lugar ba talaga ako sa buhay niya.

Siguro ganito ako kasi namimiss ko lang siya. Pansin ko na nagbago na rin siya. He is not sweet this past few weeks.

Masakit... Masakit para sa akin na ganito lang ako. Hindi ko magawang magalit sa kanya.

Natatakot ako na baka anytime ay iwan niya na lang ako. Gwapo siya at sikat kaya madali siyang makakahanap ng ipapalit sa akin.

I'm just nothing. Ginagawa ko ang best ko para hindi niya ako iwan. Ginagawa ko ang lahat para hindi na siya maghanap ng iba.

Kahit nalulungkot ako, ok lang. Kahit masakit, titiisin ko. Ganun naman talaga ang pagmamahal diba? Kailangan mong tumanggap ng sakit para sa taong mahal mo.

It's not just how much you give. It is also about how much you wanna risk.

Dumating na 'yung araw ng intrams namin at umupo na kaagad ako sa unahan para makita ko si Wayne.

Napangiti na lang ako at nakita ko si Wayne kasama ang team mates niya na nag-stretching. Kahit kami lang ang may alam sa relasyon namin, masaya naman ako.

Tumingin ako sa paligid... Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. Nakaupo si Tres sa may dulong part ng venue pero malapit siya sa direksyon ko. Bakit nandito si Tres? Anong ginagawa niya dito?

Ang alam ko ay sa ibang school siya nag-aaral. Alam ko na kapag intrams ay pwede naman ang outsider sa amin pero anong dahilan at nandito si Tres?

Tumingin na lang ako kila Wayne. Ayokong makita pa ako ni Tres. Dapat ay hindi ko na siya pansinin.

Nagsimula na ang game nila. Magaling talagang maglaro si Wayne. Nagtitilian ang mga babae at maraming nag-cheer sa kanya.

Maya-maya ay na-shoot ni Wayne ang bola. Naka-3 points siya. Tumingin siya sa direksyon ko at kumaway siya tapos ngumiti.

Ngumiti na lang din ako at pasimple akong kumaway. Tumili naman ang babae na katabi ko. Akala niya siguro ay siya ang kinawayan ni Wayne.

Masaya ako dahil sikat na sikat si Wayne sa school. Masaya ako sa achievements niya.

Pero malungkot ako... Malungkot ako kasi sa bawat shoot niya ng bola ay hindi ako maka-sigaw. Gustong-gusto 'kong isigaw na proud ako kay Wayne. Gusto 'kong isigaw na boyfriend ko siya. Gusto 'kong ipagmalaki siya sa lahat ng tao.

Kaso hindi pwede... Hindi ko pwedeng gawin ang mga bagay na gusto ko. Alam ko na masisira ang pangalan niya. Hindi ako worth it para ipagpalit ang karangalan niya.

Nanalo ang team ni Wayne. Namumuo ang luha sa mga mata ko habang pumapalakpak ako.

Hindi niya alam na sobrang proud ako na bortfriend ko siya. Hindi niya alam na sobrang swerte ko dahil sa kanya.

Lalo akong nalungkot... Did he feel the same thing for me? Proud din pa siya na boyfriend niya ako? I'm just nothing. Wala akong maipag-mamalaki sa kanya.

Pagkatapos ng game ay inabangan ko si Wayne. Gusto ko siyang batiin sa pagka-panalo ng team niya. Gusto 'kong sabihin na proud ako sa kanya.

Lumabas si Wayne kasama ang team niya. Kumaway ako sa kanya para mapansin niya ako.

Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti siya. Lumapit naman siya sa akin kaya ngumiti na lang ako.

"Hi... Ang galing mo kanina. I just want to congratulate you. Hindi talaga ako nanunuod ng sports pero dahil nandun ka, nanuod ako," nakangiti 'kong sabi.

"Thank you sa suporta mo Ace. Masaya ako at nanuod ka," nakangiti niyang sabi.

Tumingin ako sa team niya. Parang naaabala ko yata sila.

"Hmmm... Ace, may celebration kami ngayon. Tsaka na lang ako babawi sa'yo," sabi niya.

"Ok lang... Take your time. Mag-enjoy ka Wayne," sabi ko at pinilit 'kong ngumiti.

Naglakad na siya palayo kasama ang team niya. Binibilang ko ang bawat hakbang niya.

"Pre sino 'yun?" Tanong ng team mate ni Wayne.

"He's one of my closest friend," maikli niyang sagot.

Naramdaman ko na lang na kumirot ang dibdib ko. Namumuo ang luha sa mga mata ko.

Oo... Alam ko naman na hindi siya handang sabihin sa iba na boyfriend niya ako pero masakit. Hindi ko maiwasan na masaktan kahit hindi naman dapat. Wala akong karapatan.

Tinext ko na lang si Wayne para i-congratulate ulit siya. Ang totoo ay wala na talaga siyang time sa akin.

Hindi na siya nagti-text, hindi na siya tumatawag. Masakit para sa akin na wala siyang time. Ayoko kasi nung nanglilimos lang ako ng oras sa iba.

Lumipas ang mga araw at wala na talaga siyang paramdam sa akin.

Nalulungkot ako... Alam ko na busy siya at baka maabala ko lang siya.

Nasa apartment ako ngayon. Maya-maya ay may humintong kotse sa tapat ng apartment ko. Kotse 'yun ni Wayne kaya agad akong lumabas para buksan ang pinto.

Pagpasok namin sa loob ay niyakap ko kaagad ng mahigpit si Wayne.

"I really miss you... Ang tagal mong walang paramdam sa akin," sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"I miss you too..."

Bakit ganun? Hindi ko maramdaman na miss niya ako? Bakit hindi maramdaman ng puso ko na nasasabik siya sa akin?

Nilapag niya lang ang bag niya sa upuan.

"Wait lang Ace... Punta muna ako sa cr. mamaya mag-date tayo," nakangiti niyang sabi.

Tumango na lang ako sa kanya. Pumunta naman kaagad siya sa banyo.

Biglang tumunog ang phone niya sa bag. Lumapit ako para tignan kung sino ang tumatawag.

Pagbukas ko ng bag ay tumambad sa screen ng phone niya ang pangalan ng tumatawag. 'Mahal', 'yun ang nakalagay sa screen.

Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig ako sa phone. Ramdam ko na namumuo na ang mga luha ko.

Ang sakit... I waited him! I trusted him!

Bakit? Am I not enough? Bakit kailangan niya akong lokohin ulit?

Maya-maya ay lumabas na siya sa banyo. Napatingin siya sa akin at halatang nabigla siya dahil umiiyak ako.

"Are you ok? What happened Ace?" Nag-aalala niyang tanong.

"Tumawag 'yung mahal mo..." Malamig 'kong sabi.

Yumuko na siya... He is not denying it. Totoo nga na may mahal na siyang iba. Ang sakit... Kaya pala hindi na siya ganun ka-sweet. Kaya pala halos wala na siyang paramdam.

"Why? Diba sabi ko naman kapag ayaw mo na sa akin, sabihin mo kaagad? Bakit? Bakit niloloko mo ako? Hindi ba sapat ang lahat? I waited you kahit wala kang time. Tiniis ko naman 'yung pagiging cold mo sa akin. Pinagbibigyan naman kita sa mga gusto mo. Bakit? Bakit naghanap ka pa ng iba?" Sabi ko at napaiyak na ako.

"I'm so sorry..." Mahina niyang sabi.

Umupo na lang ako sa sahig. Umiiyak ako... Hindi ko alam na kaya niya akong lokohin ulit.

He promised... I trusted his words. Naniwala naman ako sa kanya. Bakit? Bakit pinagpalit niya pa rin ako? Tinakpan ko na lang ang mukha ko habang umiiyak.

"I'm so sorry... Please forgive me. Ayokong magalit ka. Patawarin mo ako," sabi niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap ako sa kanya.

"Ipakilala mo siya sa akin. Gusto 'kong makilala siya. 'Wag kang mag-alala, hindi ako galit. Gusto ko lang makita ang hitsura niya. Gusto 'kong maintindihan kung bakit mo ako pinagpalit sa kanya," sabi ko.

Tinitigan niya lang ako. Halatang naguguluhan niya.

"Pagkatapos nito... Lalayo na ako sa'yo," seryoso 'kong sabi.

"No! Gusto ko na maging kaibigan pa rin kita. You're too kind... I'm such a jerk. Please... Forgive me," sabi niya at naluluha na rin siya.

"If you want me to forgive you, ipakilala mo sa akin 'yung taong nagpapasaya sa'yo ngayon. Hindi ako magagalit. Gusto ko lang siyang makita. Gusto ko lang masigurado na masaya ka at hindi ka niya sasaktan," sabi ko.

Yumuko na lang siya... Kailangan 'kong tanggapin. Hindi na niya ako mahal. Mahihirapan lang siya kung isisikisik ko pa ang sarili ko sa kanya.

Hindi ko gawain na isiksik ang sarili ko lalo pa at alam ko naman na wala na akong lugar sa kanya.

"Sige... Ipapakilala ko siya sa'yo. Promise me... Hindi mo siya aawayin," sabi niya.

"Bakit? Tingin mo ba ganung klase akong tao Wayne? Parang hindi mo ako kilala. Alam mo naman na hindi ko gagawin 'yun," sabi ko.

Yumuko na lang siya. Umalis na siya sa apartment ko. Hanggang ngayon pala ay hindi niya pa rin ako kilala.

Ang sakit... Ramdam ko na hindi siya naging masaya sa akin. May utang na loob lang siya kaya niya ginagawa ang mga bagay na sweet pero ang totoo, hindi niya ako mahal.

The world is too cruel. The world is so unfair. Binigay ko naman ang lahat ng alam ko na magpapasaya sa kanya. It's still not enough.

I am still not enough for him. Tanggap ko naman na hindi talaga kami bagay. Gwapo siya at sikat tapos mayaman. Ano lang ba ako? Wala lang naman ako sa kanya.

Ngayon... Pakiramdam ko ay mag-isa na naman ako. Sanay naman ako na lagi akong iniiwan. Sanay naman ako na sinasaktan lang at pinagpapalit sa iba.

Bakit ganito? Mabait naman ako. Kulang pa ba ang kabutihan ko? Bakit walang nagmamahal sa akin?

Ngayon ang araw na ipapakilala niya sa akin 'yung ipinalit niya.

Kinakabahan ako... Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko lang masiguro na masaya si Wayne sa kanya. Gusto ko lang malaman kung talagang mas worthy 'yung tao na 'yun kesa sa akin.

Nakaupo lang ako dito sa swing ng park. Hinihintay ko si Wayne.

Nasasaktan pa rin ako dahil sa ginawa niya. Wala naman akong magagawa kasi sarili niyang desisyon 'yun eh.

"Ace..."

Lumingon ako at nandito na pala si Wayne. Ngumiti na lang ako nang makita ko siya. Umupo rin si Wayne sa katabi 'kong swing.

"Pasensya ka na talaga... Sobra akong nakokonsensya sa ginawa ko sa'yo. You're so kind... Sorry... May nakita kasi akong tao na mas minahal ko kesa sa'yo..." Seryoso niyang sabi.

"Ok lang... Naging masaya rin naman ako sa'yo kahit saglit lang. Magiging ok rin ako," sabi ko.

"Sana mahanap mo 'yung lalake na para sa'yo. Sana mahanap mo na agad 'yung hindi ka sasaktan kagaya ng ginawa ko. I'm such a jerk... I know na sinayang kita but I can't help myself falling in love with other guy."

"Huh? Other guy?" Gulat 'kong tanong.

Tumango lang siya sa akin at alanganin siyang tumingin.

Lalo akong nalungkot... Akala ko naman babae ang ipinalit niya sa akin.

"I thinks he's better than me..." Mahina 'kong sabi.

Sinabi ko na sa kanya noon ang sinabi ko kay Tres na sana kung ipagpapalit niya ako ay sa babae.

Lalo akong nalulungkot... Bakit naghanap pa siya ng lalake din? Siguro gwapo 'yun tapos manly.

"Sana maging friends pa rin tayo..." Sabi ni Wayne.

"Of course..."

"Huh? Ok lang na maging friends tayo Ace? Payag ka? After what I've done?" Nagtataka niyang tanong.

Tumango na lang ako sa kanya at pinilit 'kong ngumiti.

"I love you... I can't hate you kahit niloko mo ako. Alam ko naman na may hinahanap ka sa iba na hindi ko maibibigay sa'yo so I can't blame you either," sabi ko.

Tinitigan na lang niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagka-awa sa akin.

"You're too kind..." Sabi niya.

Umiwas na lang ako ng tingin. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.

"I'm sorry... Medyo natagalan yata ako."

Sabi ng isang boses sa likod ko. Tumayo na si Wayne para lapitan 'yung lalake. Hindi muna ako lumingon.

"Hmmm... Ace, nandito na siya," sabi ni Wayne.

Inipon ko muna ang lakas ng loob ko at unti-unti akong lumingon para harapin silang dalawa.

Paglingon ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Wayne at nung lalake na magka-holding hands.

Sumisikip na ang dibdib ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nakikita ko sa harapan ko.

Hindi ko inakala... Bakit sa lahat ng tao... Bakit? Bakit siya pa ang ipinalit sa akin? Bakit siya?

"Ace... I would like you to meet Tres. He's my boyfriend," sabi ni Wayne.

Halatang nagulat din si Tres nang makita niya ako. Namumuo ang luha sa mga mata ko. Ang sakit... Bakit si Tres? Bakit 'yung tao na unang nanloko sa akin ang ipinalit niya?

Ramdam ko ang pag-ihip ng patay na hangin sa aming tatlo. Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ako makapag-salita.

"Ace... Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Wayne.

"Bakit? Sa lahat ng tao, bakit si Tres pa?" Umiiyak 'kong sabi.

Yumuko na lang ako. Halatang naguguluhan si Wayne sa sinabi ko. Hindi naman nagsasalita si Tres. Halatang nagulat din siya.

"I don't get it... Ace, ano ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Wayne.

Alam ko na gulong-gulo si Wayne. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtataka. Halatang wala siyang alam sa nangyayari.

"Si Tres! Siya 'yung lalake na hinintay ko noon tapos pinaasa niya lang ako. He's my first boyfriend. Siya 'yung tao na nanloko sa akin! Bakit siya pa ang ipinalit mo sa akin Wayne? Bakit siya?"

Halatang nagulat si Wayne at napatingin na lang siya kay Tres. Yumuko lang si Tres at natahimik siya.

Sobrang sakit... Bakit silang dalawa pa ang magkasama?

"How could you be so cruel?" Madiin 'kong tanong.

Ang sakit... Mga manloloko sila. Parehas lang sila na niloko at pinaasa ako.

Sobrang sakit na 'yung dalawang tao na minahal mo ng totoo ay niloko ka lang. Sobrang sakit na 'yung dalawang tao na sinaktan lang ako ay magkasama at masaya.

Ang sakit na makita ko silang magkasama samantalang ako, nag-iisa. Bakit? Sa lahat ng tao bakit naging sila?

"You two... You hurt me so much. Bakit niyo ako sinasaktan ng ganito? Pareho ko naman kayong minahal ng totoo..." Umiiyak 'kong sabi.

Hindi na sila nagsalita. Kita ko na nasasaktan sila sa sinasabi ko.

"Magsama kayong dalawa! Parehas kayong manloloko. Parehas kayong sinungaling. Parehas kayong paasa. Parehas kayong hindi tumutupad sa mga pinangako niyo. Sana magtagal ang relasyon niyo..."

Umatras na ako at naglakad na ako palayo. Ayoko nang makita sila.

Bakit ganito kalupit ang mundo sa akin? Bakit? Tinanggap ko naman na may iba na si Wayne pero bakit kailangan na si Tres pa?

Bakit sila pa ang masaya at magkasama? Bakit hindi na lang din ako mahalin ng totoo?

Naging tapat naman ako. Naging loyal naman ako. Nagmahal naman ako ng totoo. Bakit? Bakit kailangan na ako ang masaktan?

Binigay ko naman lahat ng kaya ko. Ginawa ko naman ang lahat ng kaya ko. Paano nila ako ginawang tanga? Bakit nila ako pinaasa?

Naglakad-lakad na lang ako sa kalsada habang umiiyak.

Mabuti at walang tao sa kalsada kaya walang nakakakita sa akin.

Ramdam ko ang pag-ihip ng malamig na hangin. Ramdam ko na naman na mag-isa lang ako. Lagi naman akong mag-isa.

Lagi naman akong niloloko. Lagi akong walang kasama. Bakit ganito ang mundo sa akin?

Sabi nila no man is an island pero bakit mag-isa lang ako? Ano ba ang purpose ko sa mundo? This world hates me. This world gives me pain.

Sumpa ba na maging bakla? Hindi ko naman ginusto na magmahal ng lalake. Kung pwede lang, mas gugustuhin ko na maging straight kaso hindi talaga.

Si Wayne... Ako ang dahilan kaya pumayag ang mga magulang niya na magmahal siya ng lalake.

Ako ang dahilan kaya naging malaya siya. Ako ang dahilan kaya tinanggap ng parents niya ang sexuality niya.

Kaya ba hindi na siya natakot na magmahal ng lalake? Ginamit niya lang ako para maging malaya siya. Ginamit niya lang ako! Ang sakit... Kaya pala hindi ko maramdaman na mahal niya ako kasi iba ang gusto niya.

Si Tres pala ang kinawayan niya habang naglalaro siya; hindi pala ako. Ang sakit... Umasa lang ako.

Akala ko mabait siya... Akala ko mabait silang dalawa pero hindi. Manloloko silang dalawa. Pareho silang mapanakit.

Habang naglalakad ay may napansin ako na hino-hold up sa isang eskinita. Kinukuha nung lalake ang phone at wallet nung isang lalake.

Nag-isip ako... Kailangan ko siyang tulungan. Nagtago na lang ako sa may poste para hindi ako makita.

"Pulis! Pulis! May mga pulis!" Malakas 'kong sigaw.

Halatang nagulat ang holdaper at tumakbo naman siya kaagad palayo. Swerte 'yung lalake at hindi niya naibigay ang phone at wallet niya.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at humarap ako doon sa lalake.

Nabigla ako... Kilala ko siya. Kapatid siya ni Wayne. Siya 'yung nagsabi na lolokohin lang ako ni Wayne.

"Ikaw ba 'yung sumigaw na may pulis?" Tanong niya.

Tumango lang ako sa kanya at tinitigan ko siya sa mga mata niya.

"Ligtas ka na... Siguro dapat ay umuwi ka na," sabi ko.

Tumalikod ako... Maglalakad na sana ako palayo pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hmmm... Thanks for saving me. How can I repay you?"

"You don't have to repay me," sabi ko na lang.

Tinitigan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Nahiya siya at tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin.

"Maybe... We should go in fast food kung ok lang sa'yo? Treat ko naman," sabi niya.

Ganyan na ganyan si Wayne. Parehas yata sila.

"Umuwi ka na lang," sabi ko.

"No! Please... Ayos lang naman siguro diba? Wala namang masama? Treat ko naman," sabi niya.

Tumango na lang ako sa kanya. Grabe... Ngayon pa talaga kami nagkita ng kapatid ni Wayne kung kailan wala na kaming dalawa ng kuya niya.

Pumunta na lang kami sa isang fast food at binilhan niya ako ng fries at sundae.

"Kamusta na nga pala kayo ni kuya?" Tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. Naluluha ako...

I have to be strong. Hindi ko pwedeng ipakita na mahina ako lalo na sa harapan niya.

"Hmmm... I guess may tampuhan kayo. Pasensya na nga pala sa nasabi ko sa'yo doon sa bar. Medyo magaspang talaga ang ugali ko at nakainom pa ako," seryoso niyang sabi.

"Wala na 'yun. Sobrang tagal na nun. Isa pa... Tama naman ang sinabi mo," sabi ko.

Napalunok siya... Alanganin siyang tumitig sa akin.

"Why?" Tanong niya.

"Your brother broke up with me. Pinagpalit niya na ako sa iba," sabi ko.

"Alam mo na pala..." Sabi niya.

"Tingin mo... Gaano na sila katagal ni Tres?"

"I think... It's about 6 months. Pumupunta na kasi si kuya Tres sa bahay. Wait nga... Kilala mo si kuya Tres?" Tanong niya.

Kaya pala malamig na sa akin si Wayne this past months. Kaya pala nanuod sa school si Tres nung intrams.

"Yeah... He's also my exboyfriend," sabi ko.

Nasamid siya bigla nung kinain niya ang fries. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Ewan ko ba... Pinilit niya ako na i-kwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin simula sa panloloko si Tres hanggang sa panloloko si Wayne.

Masarap din naman pala siyang kausap. May sense naman siyang kausap kaya hindi sayang ang oras ko.

"Grabe... Ang sakit naman pala nung naranasan mo. 'Yung dalawang tao na minahal mo ng sobra, sila pa 'yung nagkatuluyan," sabi niya.

Tumahimik na lang ako. Ayoko rin naman magsalita at nai-kwento ko na sa kanya ang lahat.

"I'm sorry... I forgot to introduce myself. I'm Spade..."

Inaabot niya ang kamay niya sa akin. Gusto niyang makipag-shake hands.

"Ace..." Sabi ko at nakipag-kamay na ako sa kanya.

"Oh... Spade and Ace huh? Parehong nasa baraha. Bagay tayo..." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Tigilan mo ako... Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo," inis 'kong sabi.

Tinawanan niya lang ako ng mahina. Nakakaasar... Parang ewan. Hindi na ako mahuhulog ulit ng ganun kadali. Hinding-hindi na ako masasakan ulit.

"Oh paano? Aalis na ako... Salamat sa time mo," sabi ko.

"Thank you ulit sa pagligtas mo sa akin. Tama nga si kuya... Sabi niya mabait ka raw," sabi ni Spade at ngumiti na siya.

"Wag mong babanggitin sa akin ang pangalan ng kuya mo. Ayoko na siyang makita o marinig kahit kelan..." Madiin 'kong sabi.

Tumalikod na ako at umalis. Hindi naman siguro masama kung magalit na ako diba?

Everytime that people hurt me, lagi 'kong sinisisi ang sarili ko pero hindi naman siguro masama na mapuno ako diba? Sobra na eh... Sobra na akong nasaktan.

Pagdating ko sa bahay ay nandito pala ang mama ko. 'Yung totoo 'kong mama.

"Bakit po kayo nandito?" Tanong ko.

"Anak... Malapit lang kasi talaga dito ang bahay namin ng tito mo. Anak... Gusto ko sana na tumira ka na sa amin. Payag naman ang daddy mo. Ayos lang ba anak?"

Napatitig na lang ako kay mama. Kahit minsan hindi ko naramdaman na mama ko siya. Pinanganak ako sa mundong ito na isang malaking pagkakamali.

Wala naman akong nagawa. Pumayag ako sa desisyon ni mama.

Lumipat na kaagad ako sa bahay ng step father ko. Malaki ang bahay ng step father ko. Halatang mayaman sila.

Walang anak si mama pati ang step father ko kaya siguro bored sila sa bahay. Graduating na ako... Kung kailan malapit na akong maka-graduate tsaka lang nila naisip na kupkupin ako.

Medyo naiilang din ako sa kanila ng step father ko. Hindi ako sanay na may kasama sa bahay.

Mas gusto ko pa 'yung mag-isa lang ako sa bahay. Ayos lang na mag-isa ako atleast tahimik at hindi ako naiilang.

"Wag kang mahihiya Ace kung may kailangan ka. Sabihin mo lang sa akin," nakangiting sabi ng step dad ko.

"Opo tito..." Sabi ko na lang.

Akala ko magiging safe ako. Akala ko kukupkupin nila ako. Akala ko magiging ok ako.

Pero hindi pala... Akala ko mabait siya pero hindi. Hindi ko inakala na impyerno pala ang mararanasan ko sa bahay na ito.

Ginawa nila akong katulong. Pagod na pagod akong pagsilbihan sila.

Kaunting mali ko lang, sinasaktan ako ng step dad ko. Hindi alam ni mama ang nangyayari kasi madalas siyang gabi na umuuwi.

Madalas ay pumapasok din ako sa school na may mga pasa. Wala namang nagtatanong kasi wala akong masyadong kaibigan.

"Hoy! Diba sabi ko plantsahin mo 'yung mga damit ko?"

"Katapos ko lang po maglaba. Sige po... Paplantsahin ko kaagad," sabi ko.

"Umayos ka kung ayaw mo na plantsahin ko ang pagmumukha mo," sabi ng step dad ko.

Sumusunod ako sa gusto nila. Hindi ako nagpapakita ng magaspang na ugali.

Tama naman si tito... Siya ang nagpapalamon sa akin kaya dapat sumunod ako sa gusto niya.

Kaya lang masakit... Ngayon, lalo lang napamukha sa akin na isa lang akong alila. Walang nagmamahal sa akin.

Naranasan ko rin na pasuin ng sigarilyo ng step dad ko.

Isang araw umuwi ng lasing ang step dad ko. Alam ko na lalong masama ang ugali niya.

"Hoy Ace! Wala pa rin ba 'yung nanay mo ha?"

"Hindi pa po umuuwi..." Sabi ko.

"Ipagluto mo nga ako! Nagugutom ako!" Sigaw niya.

"Pero tito... Hindi po kayo nagbigay ng pang-grocery," sabi ko.

Nagulat ako at bigla na lang niya akong sinapak.

"Nagrereklamo ka ba ha? Palamunin ka lang dito kaya wala kang karapatan na magreklamo!"

Nung gabi na 'yun binugbog ako ni tito. Nakatulog na lang ako sa sahig sa sobrang pag-iyak. Hindi rin ako makabangon kasi masakit ang katawan ko ngayon.

Totoo ba ang sinabi nila? May nunal kasi ako sa daluyan ng luha. Totoo ba na paiiyakin lang ako ng mga taong mahal ko?

Oo alila ako ngayon. Oo walang nagmamahal sa akin pero aabutin ko ang mga pangarap ko.

Kahit saktan nila ako, kahit bugbugin nila ako, hindi ako susuko.

Kaya 'kong abutin ang mga pangarap ko. Hindi ako natatakot na may mawala sa akin dahil wala namang meron ako.

Ang sakit! Mas masakit sa akin 'yung mga salita na parang kutsilyo na sinasaksak sa dibdib ko kesa 'yung mga pambubugbog ni tito.

Mas masakit 'yung walang nag-aalala sa akin. Mas masakit na wala si Wayne.

Sobrang sakit na kung kailan ko siya pinaka-kailangan, iniwan na niya ako at pinagpalit sa iba.

'Yung tao na dapat tumutulong at pinagtatanggol ako, niloko at sinaktan lang din ako.

Kinaumagahan ay pinilit ko nang tumayo. Kailangan 'kong pumasok sa school kaya pinilit ko ang sarili ko na bumangon.

Graduating na ako... Kapag nakahanap ako ng trabaho ay lalayas na ako dito.

Nasa school ako ngayon. Oo... Kaya ko pa ring pumasok sa school kahit binubugbog ako. Kailangan 'kong maka-graduate para mabuhay ako.

Kahit masakit ang katawan ko, nakikinig pa rin ako sa prof.

Pagkatapos ng klase ay naglakad na ako sa hallway ng school. Balak ko sanang bumili muna sa canteen. Hindi ako makapag-almusal sa bahay kasi nandun si tito.

"Ace..."

Narinig ko ang boses ni Wayne sa likuran ko. I just ignored him. I continue walking along the hallway.

Binilisan ko ang lakad ko but I suddenly felt his hand. Pinigil niya ako sa paglalakad at hinarap niya ang mukha ko sa kanya.

"It's real... The rumors are real. Totoo nga na may mga pasa ka raw," sabi niya.

Tinitigan ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. Agad naman siyang bumitaw.

"How are you? Nangangayayat ka na Ace. Saan mo nakuha ang mga pasa mo? I'm so worried about you..." Seryoso niyang sabi.

Kita ko ang sincerity sa mga mata niya. I should avoid him. Sinira na niya ang relasyon namin kaya wala nang dahilan para mag-usap pa kami.

"I have to go..." Malamig 'kong sabi.

Aalis na sana ako pero bigla siyang humarang sa dadaanan ko.

"What do you want from me?" I asked.

"Gusto 'kong malaman kung anong nangyayari sa'yo. Gusto 'kong malaman kung saan mo nakuha ang mga pasa sa mukha mo," sabi niya.

"You don't need to know," sabi ko.

Maglalakad na sana ako nang hawakan niya ako sa braso ko. Hindi ko napigilan na mag-react dahil sa hapdi.

Nagulat si Wayne... Itinaas niya bigla ang sleeve ng shirt ko. Tumambad sa kanya ang mga pasa ko sa braso. Agad 'kong binaba ang sleeve ko.

"Ace! Please! Gusto 'kong malaman ang nangyayari sa'yo. Balita ko wala ka na raw sa apartment mo," sabi niya.

"Why? I don't even know you. Iniwan mo na ako diba? Now... Leave me forever. Dapat si Tres ang iniintindi mo, hindi ako. Dapat siya ang inaasikaso mo," sabi ko.

Halatang bumigat ang pakiramdam niya sa sinabi ko. Kitang-kita ko 'yun sa mga mata niya.

"We're still friends..." Mahina niyang sabi.

"No... We're not! Iniwan mo na ako diba? Nabuhay akong mag-isa so I can handle myself. It's such a waste of time having a chit chat with you," sabi ko.

Kita ko na namumuo ang mga luha niya. Halatang pinipigilan niya 'yun. Naglakad na ako palayo.

"Ace... Nag-aalala lang naman ako..."

Rinig ko ang basag niyang boses. Halatang nasaktan siya sa mga binitawan 'kong salita.

"Sana inisip mo 'yan bago mo ako ginamit at niloko," malamig 'kong sabi.

Hindi na siya nagsalita. Naglakad na lang ako palayo. Ayoko nang magkaroon pa kami ng koneksyon kasi sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang ginawa nila sa akin ni Tres.

Hindi ko alam kung bakit... Namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Binilisan ko na ang paglalakad ko palayo. Ang sakit... Sobra na eh.

I always blame myself kahit kasalanan ng iba. Inabuso nila ang kabutihan ko. Ngayon... Kailangan 'kong maging matatag para sa sarili ko.

Yeah... Sarili ko na lang ang meron ako ngayon. Walang nang nagmamahal sa akin. Mag-isa lang ako.

Ang labo na ng paningin ko dahil sa mga luha. Maya-maya ay naramdaman ko na lang ma bumunggo ako sa dibdib ng kung sino.

"I'm sorry... I know that I'm stupid," sabi ko agad.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagulat ako dahil tumambad sa akin ang mukha ni Spade.

"Why are you crying?" Tanong niya.

"It's not your problem... 'Wag mo akong alalahanin. Aalis na ako..." Sabi ko sa kanya.

"No! I will never let you go hangga't wala kang sinasabi sa akin," he said firmly.

I started to cry harder. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako bigla.

I felt his warmth. Hindi ko alam kung bakit but I feel comfortable with him. Kumalma ako dahil sa yakap niya.

Dinala ako ni Spade sa isang fast food na kinainan namin dati. Nag-order ulit siya ng paborito 'kong fries at sundae.

"Tale everything..." Sabi niya habang ngumunguya ng fries.

I'm not good in socializing other people. Hindi ko alam kung bakit but I already started telling him everything.

Hindi ko alam kung bakit nadiktahan niya ako at sinabi ko ang lahat sa kanya. I feel comfortable with him.

Gumaan ang pakiramdam ko habang nagkukwento ako sa kanya ng mga nangyayari sa akin.

"Too bad for you... I really can't imagine why my brother left you. Kung sa ugali lang, halata naman na mas angat ka kay kuya Tres," sabi niya.

"Yeah... Sa ugali lang. How about other traits?"

Natahimik na lang siya. Gwapo si Tres at ganun din si Wayne kaya mas bagay naman talaga siya.

Akala ko ay ang pagmamahal ay walang pinipiling gender. Mali pala ako, sabi ko kay Wayne at kay Tres noon, kung ipagpapalit nila ako sana sa babae pero hindi... Sa lalake pa rin. Sa lalake na mas gwapo sa akin. Lalo 'kong naramdaman kung ano lang ako.

"Wait lang... Punta muna ako sa cr," sabi ko.

Inayos ko muna ang sarili ko. Ngayon na lang ako ulit humarap sa salamin.

Naaawa ako sa tao na kaharap ko sa salamin. Puro pasa ang mukha niya at nangangayayat na. He look so depress.

Ganito na ba ang hitsura ko? Hindi ko na naalagaan ang sarili ko.

Paglabas ko sa cr. ay bumalik kaagad ako sa table namin ni Spade. Nagulat ako dahil hawak niya ang phone ko.

Halatang napansin niya ako at nanginig pa siya dahil nagulat siya.

"Why did you get my phone?" I asked.

Hindi siya sumagot at iniwasan niya ako ng tingin. Kinuha ko na lang ang phone ko at binuksan ko.

Pagbukas ko ay nakalagay sa contacts. Anong ginawa niya?

"Are you checking kung may connection pa kami ng kuya mo?" Seryoso 'kong tanong.

Hindi siya nagsalita... What is this feeling? Parang may iba siyang dahilan. Parang may ginawa siya.

"Ehem! Napansin ko lang, ang nakalagay sa contacts mo... Mama, step mom, dad and step dad," sabi niya.

Tumahimik na lang ako. Wala naman akong balak itanggi. Apat lang ang nasa contacts ko. Binura ko na kasi ang number ni Wayne.

"Check again your contacts... I gave my name," sabi niya.

Kumunot na lang ang noo ko. Pagtingin ko ay nakalagay na nga ang pangalan niya at may heart pa.

"You're too naughty. Salamat sa time mo Spade. Kailangan ko nang umuwi sa bahay," sabi ko.

"Ok... Ingat," sabi niya.

Bumalik na ako sa bahay. Walang tao ngayon sa bahay. Nasa trabaho yata sila. Mabuti na rin at mapapanatag ang loob ko.

Lumipas ang mga oras. Hapon na rin kaya naghanda na ako ng lulutuin sa kusina kasi baka bugbugin na naman ako ni tito.

Habang naghihiwa ako ng patatas sa kusina ay bigla na lang may kumatok sa gate ng bahay.

Lumabas ako para tignan kung sino. Nanlaki ang mga mata ko. Nakahinto ang kotse ng dad ko. 'Yung totoo 'kong dad ang nandito.

"Hi dad..." Mahina 'kong sabi.

Nanlaki ang mga mata ni dad. Halatang nagulat siya nang makita niya na puro pasa ang mukha ko.

"What happened to you?" Galit niyang tanong.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Kung hindi pa ako tinext ng kaibigan mo, hindi ko pa malalaman ang kagaguhang ginagawa sa'yo dito!" Sigaw niya.

Nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya... Tama... Si Spade... Kaya niya kinuha ang phone ko hindi lang para ilagay ang number niya. Kinuha niya rin ang number ni dad.

Akala ko wala siyang pake. Hindi ko alam na tutulungan pala ako ni Spade.

Kita ko ang galit sa mukha ni dad. Umiwas na lang ako ng tingin.

Gusto ko siyang sumabatan. Gusto 'kong sabihin na kasalanan niya kasi inabanduna niya rin ako.

Pero hindi ako ganun... Hindi ko kayang sumbatan ang mga taong mahal na mahal ko. Kahit iniwan ako ni dad, mahal ko pa rin siya.

Agad akong kinuha ni dad at inimpake niya ang mga gamit ko.

Wala akong idea kung saan niya ako dadalhin. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse.

Maya-maya ay huminto kami sa isang building. Condo pala 'yun. Umakyat kami and we stopped sa isang unit. Medyo malawak sa loob.

"Naghahati kami ng mama mo sa bayad ng renta mo sa apartment. Gusto niya napanagutan ka rin pero pinabayaan ka niya. Dito ka na titira sa unit na 'to," sabi niya.

"Thank you..." Naluluha 'kong sabi.

He just tapped my shoulder and again, he left me. Wala na naman si dad. Mag-isa na naman ako.

Ganyan sila... Wala silang time sa akin. Minsan tinitipid ko rin ang allowance ko kasi nakakalimot silang magbigay minsan. Nahihiya naman ako na magsabi.

Maybe I'm still blessed. Medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko nang mailayo ako sa step dad ko na binubugbog ako.

Kailangan 'kong magpasalamat kay Spade. Kinuha ko na ang phone ko para tawagan siya.

"Oh? Namiss mo ako kaagad?" Bungad niya sa kabilang linya.

"Don't act as if I don't know what you've done," sabi ko.

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.

"Let me explain... Gusto lang kitang tulungan ok? 'Wag kang magalit na tinawagan ko ang dad mo para ipaalam ang lagay mo," sabi niya.

"You really don't know me. I always look on people's kindness," sabi ko.

Natahimik na lang siya sa kabilang linya. Ako naman ang huminga ng malalim.

"I'm not mad about what you've done. Tumawag ako para magpasalamat sa'yo Spade..." Sabi ko.

"Thank you sa ginawa mo..." Sabi ko pa sa kanya.

"I'm sorry... Akala ko magagalit ka. Based on what you said to me, ayoko nang makita ang dad mo kung ako ang nasa position mo. Tama si kuya... Tama talaga siya... You too kind," sabi niya.

"Malaking bagay 'yung ginawa mo para sa akin," sabi ko.

"Ok... Are you free tonight?" Tanong niya.

"Yeah... Why?"

"I'll fetch you... Mag-ayos ka," sabi niya.

Binaba na niya ang tawag sa phone. Lumipas ang mga oras at nag-ayos na ako kagaya ng sinabi niya.

Tinext ko na lang sa kanya ang lugar nitong bago 'kong unit.

Maya-maya ay may kumatok na sa pintuan ng unit ko. Binuksan ko naman kaagad at nagulat ako sa tumambad sa akin.

He is wearing fit tattered black shorts, sweat shirt na may design na baraha (Spades to be exact) at naka-high cut shoes siya.

Napalunok na lang ako... I'll admit it, ang lakas ng dating niya.

"Stop staring at me... I already know that I'm handsome," sabi niya.

Nabigla tuloy ako at agad naman akong umiwas ng tingin. Sobrang nahiya tuloy ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Lumabas kami at may kotse pala siya.

Si Wayne... Palagi siyang nakangiti pero iba si Spade, he always look serious. Maldito siyang tignan. Pero pareho silang gwapo in their own way.

Pumunta kami sa isang park. Kahit gabi na ay maliwanag sa park kasi maraming ilaw. Naglatag siya ng tela at umupo kami.

Ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin ngayong gabi.

"Is it cold? Do you want me to hug you?"

Nagulat ako sa tanong niya. Umiling-iling na lang ako. Maya-maya ay bigla siyang tumawa ng mahina.

"Why?"

"Alam ko na gwapo ako. I thought that you like me. Mali ako... Hindi ko alam na kahit pala gwapo ako, hindi ka agad nahulog sa akin," sabi niya.

Kumunot na lang ako noo ko dahil sa sinabi niya.

"I will love a person because of his or her heart. Hindi ako basta tumitingin sa hitsura. Looks always deceives people but not me. Swerte lang ako at pinatulan ako ni kuya mo," sabi ko.

"Kamusta ka na? Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Ayos lang... Ok na ako. Makaka-graduate na rin naman ako. I'm contented with what I have now," sabi ko sa kanya.

"Yeah... Alam ko na kung bakit nagustuhan ka niya," sabi niya.

"Why?"

"You're contented in simple things. Alam ko... You can't hide it. You just want to be love. 'Yun lang ang gusto mo pero hindi mo makuha," sabi niya.

Tumahimik na lang ako. Totoo ang sinasabi niya at hindi ko ugali na magsinungaling.

It sounds stupid pero pagmamahal lang naman ang gusto ko. Gusto ko lang na mahalin ako.

"I like you Ace..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Napatitig na lang ako sa kanya.

"What kind of like is that?" Tanong ko.

"You saved me from a holdaper guy. There are loads of good looking people out there but admit it, almost all of them uses their look to deceive and please people. Almost all of them are not serious in relationship. And you're here... You're in front of me. Ikaw na hopeless romantic, ikaw na seryoso magmahal. I realized something... You're too special. I like you..." Seryoso niyang sabi.

Tinitigan ko na lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I want to court you... Can I?"

Binawi ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kumunot na lang ang noo ko dahil sa kanya.

"You're younger than me... Gwapo ka... Makakahanap ka ng iba. You will also end up breaking me. Please... Marami namang iba," sabi ko.

"But..."

"You should not do that okay? Masakit pa para sa akin 'yung ginawa ng kuya mo. Do you think that I can forget all this pain that easy?"

"Use me to forget all that pain," seryoso niyang sabi.

Napalunok na lang ako. Maya-maya ay lumiwanag ang langit.

Tumingin ako sa itaas at may fireworks display pala... Ang ganda... Napangiti na lang ako.

"You have the sweetest smile, Ace. Alam ko na matutuwa ka sa fireworks kaya dinala kita dito," sabi niya.

Tumingin na lang ako sa kanya. I will not gonna let myself fall again. Alam ko na masasaktan niya lang ako.

Pumikit na lang ako... This is happening again. Ramdam ko na kapag kumagat ako sa pain niya, ako lang ang kawawa.

Lumipas ang mga araw... Lalong naging malapit si Spade sa akin.

Hindi ko na siya maintindihan. Siniseryoso niya ang sinabi niya kahit pinagbabawalan ko siya. Una sa lahat... Hindi kami bagay, pangalawa ay gwapo siya at pangatlo, gusto ko munang unahin ang sarili ko.

Nag-focus ako sa pag-aaral dahil malapit na akong maka-graduate. Inaamin ko naman na napapalapit ang loob ko kay Spade.

Andami niyang ginagawa. Lagi siyang may effort sa akin. Hindi naman ako tanga pero hindi naman kasi talaga kami bagay. It's so strange na kakakilala lang niya sa akin eh gusto na niya agad ako.

I don't believe na ganun lang kadaling magkagusto sa isang tao.

"Ace... For you..." Sabi ni Spade.

Nagulat ako at bigla siyang naglabas ng chocolates na hugis heart.

"Uy ano ba? Hindi ka ba nakikinig sa akin ha? I already told you to keep yourself away from me. You should stop that," seryoso 'kong sabi.

"Ok... I'm not courting you but we're friends right?"

Kumunot na lang ang noo ko. Nilagay niya ang chocolates sa bag ko.

"Next year kasali na ako sa varsity," sabi niya.

"Really? Well, that's good to hear," sabi ko na lang.

Parehas pala sila ng kuya niya na mahilig sa sports.

"Oh paano? May klase pa ako na papasukan. Alis muna ako," sabi ko.

Umalis na ako... Sa totoo lang sa isip ko ay ayoko ng mga ginagawang effort sa akin ni Spade pero may isang hibla pa rin sa sarili ko na gusto 'yung ginagawa niya.

Masakit 'yung ginawa ng kuya niya sa akin. Wala na nga akong balita kay Wayne. Mabuti na lang at hindi nagsasabi si Spade tungkol sa kuya niya kasi ayoko na talaga.

Pagdating ko sa room ay hindi daw papasok ang prof namin. Umalis na lang ulit ako.

Naglakad ako sa hallway... Nakita ko si Spade at Wayne na nag-uusap.

"Kamusta na siya?" Tanong ni Wayne.

"Ok naman siya kuya. Tinutulungan ko naman siya," sabi ni Spade.

Pakiramdam ko ay ako ang pinag-uusapan nila kaya nagtago muna ako sa gilid at nakikinig ako sa kanila.

"Oh basta kuya... Ipapasok mo ako sa varsity ah? Ginagawa ko naman ang pinag-usapan natin," sabi ni Spade.

"Oo naman... Basta palagi mong bantayan si Ace," sabi ni Wayne.

"Should I really have to do it? I mean... Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya. Kailangan ba na lagi akong dumidikit sa kanya? Marami na akong ginawang efforts. I think it's enough," sabi ni Spade.

Napatakip na lang ako sa bibig ko. Totoo ba ang narinig ko?

"Kung gusto mo talaga na ipasok na kita sa varsity, dapat lagi akong may balita kay Ace. Kailangan niya ng tao na masasandalan so kailangan ka niya," sabi ni Wayne.

"Bakit mo ba kasi pinapagawa sa akin ang mga bagay na 'to?" Tanong ni Spade.

"I just wanted to make sure na ok si Ace. Alam ko na kailangan niya ng masasandalan. Nakokosensya ako... Dapat kasi magkaibigan pa rin kami pero hindi na..." Sabi ni Wayne.

"At kapag nasiguro ko na ok na siya? Ano nang mangyayari?" Tanong ni Spade.

Hindi na ako nakapag-pigil. Masakit na kasi kaya ako na ang sumagot.

"Pagkatapos nun... Pwede mo na rin akong iwan sa ere," sabi ko.

Ang sakit... Kaya lang pala lumalapit sa akin si Spade dahil inuutusan siya ni Wayne. Kaya pala... All this time pineke niya ang lahat. All I saw is fake.

'Yung pag-aalala ni Spade, 'yung efforts niya at lahat ng ginawa niya napipilitan lang siya. Hindi niya talaga ako gusto.

This time... This time I need to be brave. Kailangan ko silang harapin.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at lumapit ako sa kanila. Halatang nagulat sila pareho.

"Frow now on... Hindi mo na kailangang lumapit sa akin Spade. 'Yun pala ang totoo... May usapan kayo niyang kuya mo kaya ka lang lumalapit sa akin. You're acting that you care for me but you really don't!" Sabi ko.

Napaiwas siya ng tingin sa akin. Namumuo ang luha sa mga mata ko. Masakit... Bakit? Lagi na lang akong sinasaktan.

"Wayne... Bakit mo ginawa 'to? Hindi pa ba sapat na niloko at pinaasa mo ako? Ngayon, ginagamit mo pa ang kapatid mo para paasahin na naman ako!"

"No Ace! I just want to know if you're alright! That's my only intention. Hindi ako makalapit sa'yo kaya..." Naputol niyang sabi.

"Kaya ginagamit mo ang kapatid mo para paasahin na naman ako! Don't lie to me to protect my feelings. You know what? I'm fine! I'm alright! Hindi niyo ako kailangang lokohin! Hindi niyo ako kailangang paglaruan! Kaya ko na ang sarili ko so let me go!" Mariin 'kong sabi.

Naglakad na ako palayo... Namumuo ang luha sa mga mata ko. Hindi pala totoo lahat ng pinakita sa akin ni Spade.

"Ace..."

Napahinto ako... Narinig ko ang boses ni Spade. Gusto ko ring marinig ang sasabihin niya.

"Please forgive me..."

Hindi ko na siya pinansin. Naglakad na lang ako palayo sa kanilang dalawa.

Bakit? Kaya ko naman ang sarili ko. Siguro masyadong nakonsensya si Wayne sa ginawa niya sa akin.

Ang sakit... Akala ko ay totoong kaibigan ko na si Spade pero hindi naman pala. Lahat ng pag-aalala niya ay may dahilan.

Ginawa niya 'yun hindi dahil bukal sa kalooban niya. Gusto niya lang pala na makapasok sa varsity kagaya ng kuya niya. Bakit? Wala ba siyang tiwala sa sarili niya para gawin niya 'yun?

Bakit ganun sila sa akin? Akala ko nag-aalala siya. Akala ko kaibigan ko talaga siya 'yun pala hindi.

Gusto ko lang naman ng totoong kaibigan. Pati ba naman kaibigan pinagkakait pa sa akin.

Hindi ako sanay na makipag-socialize sa ibang tao kaya masaya ako na naging kaibigan ko si Spade. Sabi ko na nga ba... Masasaktan ulit ako.

Mabuti na lang at hindi ako nagpadala sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya ako na-deceive.

Sigurado ako na pagkatapos ng usapan nila ng kuya niya, mawawala na rin bigla si Spade. Mabuti na lang at nalaman ko ng maaga.

Mabuti na lang at nalaman ko na kaagad ang panloloko nilang mag-kuya sa akin. Nakakainis... Pareho sila. Pareho silang magkapatid. Parehas nila akong sinaktan.

Lumipas din ang mga araw at wala nang paramdam si Spade. Natutuwa naman ako... Mabuti na rin 'yun. Doon din naman kasi papunta ang lahat.

All my life, inintindi ko ang mga taong malapit sa akin. I forgot myself... Dapat ay sarili ko naman ang intindihin ko ngayon. Dapat ay matutunan 'kong tanggapin at mahalin ang sarili ko.

Sarili ko lang naman ang meron ako. Dapat ay pinahahalagahan ko kung ano ako ngayon.

Masyado akong naging mabait. Masyado akong nagtiwala.

Nag-focus ako sa pag-aaral ko dahil kaunti na lang, makakatapos na rin ako. Naglalakad ako ngayon sa labas ng school dahil uwian na.

Sinaksak ko na lang ang earphones ko. Nakikinig ako ng music habang naglalakad.

Maya-maya ay bigla na lang may kumapit sa akin. Itinulak niya ako sa gilid ng kalsada. Naguluhan ako... Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Pagtingin ko sa lalake ay si Spade pala. Nakayakap siya sa akin. Tinanggal ko na lang ang earphones ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Tanga ka ba? Muntik ka nang mahagip ng kotse kung wala ako! Dapat hindi ka nagsusuot ng earphones habang naglalakad!" Galit niyang sabi.

First time 'kong nakita na galit siya. Alam ko na masungit siya pero ganito pala siya magalit.

"Sa-salamat..." Sabi ko na lang.

"Oh ayan! Quits na tayo! You saved me before and I saved you now," sabi niya.

Tumango na lang ako sa kanya. Mabuti at wala na siyang utang na loob sa akin.

Tumalikod na ako sa kanya at sinubukan ko na humakbang palayo. Nabigla ako at hinawakan niya ang wrist ko kaya napahinto ako.

"Bakit?" Tanong ko.

Nakayuko lang siya... He is acting so weird. Hindi ko na siya maintindihan. Dapat ay lumalayo na siya.

"Please... I want to earn your forgiveness," sabi niya.

Humarap siya sa akin. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya. Lalo akong naguguluhan sa kanya.

"W-why?" Utal 'kong tanong.

"I miss you..." Seryoso niyang sabi.

Binawi ko na lang ang wrist ko sa pagkakahawak niya. Naguguluhan na ako sa kanya.

"I should go..." Sabi ko.

"Wait! Please... Ano ang pwede 'kong gawin para mapatawad mo na ako? Kahit ano gagawin ko," sabi niya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" Naguguluhan 'kong tanong.

"Gusto ko na maging kaibigan kita ulit..." Mahina niyang sabi.

Ayokong maniwala sa kanya pero seryoso siya. Ayokong maniwala... Bakit? Bakit parang totoo ang sinasabi niya.

"Pakiusap... Kahit ano gagawin ko basta mapatawad mo ako. Gusto ko lang na maging magkaibigan tayo ulit," sabi niya.

Huminga ako ng malalim... Ano kaya ang pwede 'kong gawin? Ang hirap naman... Wala akong maisip.

"Oh sige na! Pinapatawad na kita!"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko sa kanya. Kumunot pa ang noo niya.

"Ano? Ganun lang kadali? Pinapatawad mo na ako kaagad?"

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na ako. Hindi naman ganun kabigat ang ginawa niya.

"What the... How can you still smile at me after what I've done?"

"I have million of tears to cry, but I choose to smile."

"Grabe... Halika..."

Bigla niya akong hinatak kaya nagtataka ako sa kanya.

"Uy saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Rome... Ipapa-beatify na kita sa Santo Papa," sabi niya sabay tawa.

Napangiti na lang ako. Masungit siya pero marunong din pala magbiro. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa.

"Oh paano? Seryoso ka ba talaga? Bakit ang bilis mong magpatawad? Friends na ba talaga tayo?" Tanong niya.

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na ako ulit.

"Friends..." Sabi ko at nakipag-kamay pa ako sa kanya.

"Wag kang mag-alala, this time totoo na ako sa sarili ko," seryoso niyang sabi.

"Can I ask you a favor?" Mahina 'kong tanong.

Bigla niya akong inakbayan. Ramdam ko na totoo na siya ngayon.

"Yeah... Anything..." Sabi niya.

"Hmmm... Pwede ka bang pumunta sa graduation ko? Sure kasi ako na walang pupunta sa akin," mahina 'kong sabi.

"Sure! 'Yun lang naman pala eh!" Sabi niya at ngumiti na siya.

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Napansin niya yata 'yun kaya bigla na siyang naging seryoso ulit.

"Sige na.. I have to go home. Umuwi ka na rin," sabi ko.

Naglakad na ako papunta sa sakayan. Umalis na rin si Spade.

Mukha namang totoo na ang sinasabi niya ngayon. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Ginamit lang naman siya ni Wayne.

Isa pa... Wala naman siyang mapapala sa akin kung may iba pa siyang motibo diba? Kita ko naman na mas ok ang approach niya sa akin ngayon.

Lumipas na rin ang mga araw at graduation ko na. Tama nga ako, hindi makakapunta ang mga magulang ko.

Nagsimula na ang ceremony at hindi ko pa nakikita si Spade.

Dahil same course kami ni Wayne, halos magkalapit lang ang upuan namin pero hindi ko siya magawang kausapin. Ako pa ba ang unang mag-approach?

Medyo nalulungkot na ako. Bakit wala pa si Spade? Nangako siya sa akin eh. Gusto 'kong tanungin si Wayne kung bakit wala ang kapatid niya eh graduation din naman niya pero wala akong lakas ng loob para harapin siya.

Natapos na ang ceremony at cum laude ako. Wala man lang umakyat sa stage para samahan ako. Nakakalungkot...

Natapos ang graduation at wala man lang akong nakita kahit anino ni Spade. Siguro nga ganoon talaga ang mga tao, paasa. Wala naman akong karapatan na magalit. Sino lang ba ako para tuparin niya ang pangako niya diba?

Aalis na sana ako nang bigla na lang akong harangin ni Tres.

"Anong kailangan mo? I should go," seryoso 'kong sabi.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang siya sa akin. Sinubukan ko na tumalikod at si Wayne naman ang nakaabang sa akin.

"Ano bang kailangan niyo? Uuwi na ako."

"Hmmm... Gusto sana naming humingi ng sorry sa'yo, Ace. Alam namin na pareho ka naming sinaktan at pinaasa. Patawad..." Sabi ni Wayne.

"Sorry Ace... Sana ay mapatawad mo pa kami ni Wayne," sabi ni Tres.

Kita ko sa mga mata nila ang sincerity. Hindi naman ako 'yung tao na madalas hinihingian ng sorry. Minsan ay kalimutan na.

Maybe I'm still lucky at nag-effort pa sila na kausapin ako.

"If you want me to forgive you two, forget everything that you've done to me," seryoso 'kong sabi.

"Gusto ka pa rin namin na maging kaibigan," sabi ni Wayne.

"Sige... Kalimutan niyo na lahat," sabi ko sa kanila.

Nagulat ako at bigla nila akong niyakap. Naiilang tuloy ako.

"Let go of me..."

Kumalas na rin sila at nakangiti lang sila sa akin.

"Nasaan nga pala si Spade?" Tanong ko naman.

"Hmmm... We're not that close pero alam ko na pupunta siya ngayon sa graduation ko. Hindi ko rin alam kung bakit wala siya," sabi ni Wayne.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Baka mamaya may aberyang nangyari kay Spade.

"Bakit Ace? May something na ba sa inyo ni Spade?" Nakangiti niyang tanong.

"He just promised that he will be with me in my graduation. It seems like he already broke his promise," sabi ko.

"Huh? Kilala ko naman si Spade. Tumutupad siya sa usapan lalo na sa mga pangako niya," sabi ni Wayne.

"Ok... I should go. Bye..."

Naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa. Bumigat ang loob ko. Hindi man lang nag-text sa akin si Spade.

Ang alam ko ay magkaibigan kami ulit. Siguro ay may maganda siyang rason kung bakit hindi siya pumunta or maybe, I'm not that important para tuparin ang pangako niya.

Napayuko na lang ako habang naglalakad. Dapat ay sarili ko na lang ang iniisip ko ngayon.

Lumipas ang mga araw at naghahanap na rin ako ng trabaho. Mahirap pala mag-apply ng trabaho.

Nagulat na lang ako at nag-ring bigla ang phone ko. Pangalan ni Wayne ang nakalagay. Sinagot ko naman kaagad.

"Hmmm... Ace, gusto ka sanang makausap ni Spade," sabi ni Wayne.

"Huh? Bakit naman daw?" Tanong ko.

"Basta... Sana pumunta ka. Text ko na lang ang address," sabi ni Wayne.

Pinutol na niya ang tawag. Maya-maya at nagtext na siya sa akin. Address ng hospital ang nakalagay kaya kinabahan ako bigla.

Nag-ayos na ako ng sarili ko at pumunta naman kaagad ako sa hospital.

Iba 'yung kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

Pagpasok ko sa room ay tumambad naman sa akin si Spade. Nagulat siya nang makita niya ako.

May benda ang ulo niya pati ang binti niya. Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan?" Nag-aalala 'kong tanong.

"Hmmm... Ace, I'm sorry. Hindi ako nakapunta sa graduation mo. I'm really sorry. I didn't keep my promises," malungkot niyang sabi.

"Wag nating pag-usapan 'yun! Kamusta ka na? May masakit pa ba sa'yo? Ano ba ang nangyari?" Tanong ko.

"Hmmm... I am on my way papunta sa graduation mo. Nawalan ng break 'yung car ko. Binangga ko na lang sa poste. Comatose ako these days. Kagigising ko lang kanina kaya sabi ko kay kuya, tawagan ka kaagad," sabi niya.

Napayuko na lang ako. Nakonsensya tuloy ako bigla. Akala ko ayaw niya lang na maging kaibigan ako kaya hindi siya pumunta.

Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyari sa kanya.

"Aalagaan kita..." Sabi ko na lang.

Kailangan 'kong bumawi kay Spade. Nag-isip ako ng masama sa kanya.

Dumaan ang mga araw at inalagaan ko na lang si Spade. Masaya naman ako na alagaan siya.

"Hmmm... Ace, salamat nga pala at nandiyan ka para alagaan ako," sabi niya.

"Wala 'yun... Magkaibigan naman tayo," sabi ko.

Busy kasi ang parents ni Spade at minsan naman dumadalaw din si Wayne kasama ni Tres.

"Sabi ni kuya pinatawad mo na daw silang dalawa ni Tres," sabi niya.

"Ahhh... Oo," tipid 'kong sabi.

"Yung totoo, nakakaramdam ka ba talaga ng galit, anger, rage or wrath? Naiinis ka rin ba? Bakit ganyan ka kabait?" Tanong niya.

"Ewan ko... Ayoko lang na may kagalit ako," sabi ko.

"Hmmm... Kapag gumaling ako, liligawan kita."

Nanlaki tuloy ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Hoy! Umayos ka nga! Bata ka pa! Marami pang iba diyan! 'Wag na ako, ok? Ayoko na talaga."

"Eh gusto kita... You're too kind. Nung nag-date tayo dati, totoo 'yung sinabi ko na gusto kita. Please lang, hayaan mo na ligawan kita," sabi niya.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Medyo makulit na si Spade.

"Ayoko... Mag-focus ka sa pag-aaral mo at tigilan mo ako. Hanggang friends lang tayo. Gwapo ka... Hindi tayo bagay. Marami pang iba diyan," sabi ko.

"But I like you! Ikaw lang 'yung tao na nagustuhan ko! Believe me or not, I'm aromantic! Ngayon lang ako nagkagusto sa isang tao and that's you! Please... Hindi ako kagaya ng kuya ko na lolokohin ka! I'm serious. Don't be an idiot! Kahit sabihin mo na ayaw mo sa akin, liligawan pa rin kita!"

Napanga-nga na lang ako dahil sa sinabi niya. Takte... Aromantic siya?ibig sabihin hindi siya nakakaramdam ng affection sa iba tapos nagustuhan niya ako?

"Ewan ko sa'yo... Mag-aral ka muna!" Sigaw ko.

Lumipas din ang mga araw at nakauwi na si Spade sa bahay nila.

Minsan binibisita ko. Ginagawa nga niya ang sinabi niya. Nililigawan niya ako at mukhang seryoso siya.

Minsan, bago ka mahalin ng ibang tao ay kailangan mo munang mahalin ang sarili mo.

Wala namang totoong makakaintindi sa'yo kung hindi ang sarili mo. Kailangan mong maging matatag.

Na-realize ko na hindi ko kailangan ng pagmamahal sa ngayon. Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko.

Oo... Masakit. Oo... Nasaktan ako. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkakamali ng iba. Learn to forgive at forget.

Nililigawan na ako ni Spade pero ang usapan namin, kapag tapos na siyang mag-aral, tsaka ko lang siya sasagutin.

I don't care kung may magustuhan siyang iba. I already know how to accept pain and failures. Mukha namang seryoso si Spade sa panliligaw niya sa akin.

Ayos lang kung masaktan ako ulit atleast, I already know that I can survive.

Kailangan nating maging matatag para sa sarili natin. Sana ay lahat matutunan 'yun. Oo masakit... Masakit na maloko pero alam niyo kung ano ang masarap doon? 'Yung natuto ka, 'yung alam mo na mas matatag ka na.

Diamonds are charcoals that are polished by friction. Ganyan din tayo, kailangan nating makaramdam ng sakit para tumibay tayo.

Pain and bliss... Hindi ka naman makakaramdam ng sakit kung hindi ka naging masaya at hindi ka rin magiging totoong masaya kung hindi ka nasaktan.

I hope that this story will serve as an inspiration. Learn to love and accept yourself first. Bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo.

Hindi masama ng magmahal ng totoo pero magtira ka para sa sarili mo. Hindi naman masama na magpatawad. Sana ay matutunan din natin na patawarin ang sarili natin sa mga pagkakamali.

Hindi pa ito happy ending. Alam ko na may mga pagsubok pa na dadating sa buhay ko but I'm not afraid. I know that I can face it. Mas matatag, mas matapang.

Learn how to love yourself first and other people will love you too.
.....

Note: Please leave a comment. Salamat po sa mga nagbasa. Sorry kung ito na ang last story na sinend ko dito sa blog. Just a trivia, halos parehas kami ni Ace ng ugali. Ngitian mo lang ako, bati na tayo. Halos parehas din kami ng pinagdaanan kaya relate na relate ako. Thanks for reading and goodbye...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Painful Bliss
Painful Bliss
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEidFRDZqOi_17_RwkXg61If9_JV1wPKEKuYhN5cGJYa4b1PhUTKZr_MEGmevM8T6xiolUBCFvXJW6Kmr8XY1lAsuI2cf7LpOqoUjzQjbg3tlFF1eT8WpLnuiTRWAELk5ZymnpM-GE7_2MTF/s400/tumblr_nqg0qgUFG81tlel4po1_1280.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEidFRDZqOi_17_RwkXg61If9_JV1wPKEKuYhN5cGJYa4b1PhUTKZr_MEGmevM8T6xiolUBCFvXJW6Kmr8XY1lAsuI2cf7LpOqoUjzQjbg3tlFF1eT8WpLnuiTRWAELk5ZymnpM-GE7_2MTF/s72-c/tumblr_nqg0qgUFG81tlel4po1_1280.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/06/painful-bliss.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/06/painful-bliss.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content