Tambayang Lonely Boys is already closed. Their website tambayangloneboys.com is now inactive.
Isa ka ba sa mga naghahanap kung nasaan na ang chat room ng Tambayang Lonely Boys? Unfortunately nagsara na po sila. Hindi narenew ang kanilang domain na tambayanglonelyboys.co noong May 25, 2015.
Matatandaang na-expire din ang kanilang top-level domain na .com noon, marahil ay hindi ito na-renew dahil hawak ito ng namayapa nang founder na si Regie at walang may access sa account na yun.
Matatandaan ding unti unti nang nawawalan ng chatter ang kanilang chat room mula noong pumanaw ang founder. Nagmistulang ghost chat room ang TLB noong nag-pull-out na ng free live video chat ang Tokbox na syang gamit ng karamihang chat room.
Ang Mencircle nga ay napilitang lumipat sa tinychat para lang maisalba ang chat room. Sa una ay nahihirapan ang mga chatter dahil di sila sanay rito at palaging naglalag. Ganun din ang ginawa ng TLB, lumipat din sila sa tinychat ngunit tila parang di ito nagwork.
Isa ang TLB sa mga chat room na kasabayan ng Mencircle. May iilang chatter ng MCC ang galing sa TLB katulad na lamang nila Toshio at Azian na H1 na ngayon. Pinangangambahang mauubos na ang mga pinoy gay chat room dahil na rin sa pagka-uso ng mga gay dating apps tulad ng Grindr, PlanetRomeo at Blued.
Ang TLB ay isang blog site na nagpopost ng pinoy gay videos at may chat room ito na makikita sa itaas ng website nila. Sa ngayon, active pa rin ang facebook page ng TLB na nagpopost ng pinoy gay stories. Pero katapusan na nga ba talaga ng Tambayang Lonely Boys? Yan ay ating aabangan kung may balak pa silang bumalik.
Mencircle na lang daw ang natitirang active pinoy gay chat room ngayon at mabibisita ito sa chat.mencircle.com
COMMENTS