By: JB Parang nawala ang kalasingan ko nang mabasa ko ang mga texts ni Rex, tila may galit, inis at pagtatampo ang laman ng mga texts na ...
By: JB
Parang nawala ang kalasingan ko nang mabasa ko ang mga texts ni Rex, tila may galit, inis at pagtatampo ang laman ng mga texts na iyon ni Rex. Malinaw na nagseselos din siya sa nakita niyang post ng isa sa mga classmate ko sa facebook, hindi ko alam na may nagpost rin pala agad ng mga pictures namin sa fb at sigurado ako na ang tinutukoy ni Rex na nakaakbay sa akin sa picture ay si Matteo, ang pinakaclose kong guy friend sa school.
Kahit madaling araw na ako nakababa ng jeep ay pinilit kong makahanap ng tindahan kung saan ako pwede magpaload, nang makapagpaload na ay mabilis ang lakad ko pauwi dahil walang gaanong mga tao sa kalye. Agad kong tinawagan si Rex sa labas ng bahay namin, nagriring ang phone niya ngunit di niya sinasagot, walan akong ideya kung tulog na ba talaga siya o hindi pa dahil may mga pagkakataon na 1am or 2am na siya nakakatulog. Nakailang tawag na ako ngunit di pa rin niya sinasagot. Hindi mawala ang bigat at pagkabahala na nararamdaman ko, alam na alam ko na may mali akong nagawa at kailangan kong magpaliwanag kay Rex, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko sinasadya ang lahat.
Dahil hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko ay tinext ko na lang siya.
(On Text Message)
: "mahal, galit kba tlaga sakin? sorry kung di ka naupdate...sinubukan kong sbihin sa'yo pero di ko alam na di pala nasend ung text ko, promise! nagsasabi ako ng totoo"
: "nagkasiyahan lng kmi ng mga classmates ko dahil nga pahinga na nmin sa school at christmas break naa..sana maintindihan mo mahal"
: "at saka ung nkaakbay sa'kin, close friend ko lng yun! parang nagseselos k nman..ikaw lng nman ang haharutin ko, wla nang iba"
: "mahaal...sana nman magreply ka kung gising ka pa"
Ilang minuto pa akong naghintay sa labas ng bahay namin, umaasa na magrereply si Rex, na hindi na talaga magreply ay sinubukan ko ulit tawagan pero hindi na talaga sumasagot. Wala na akong ibang nagawa kundi pumasok na sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang walang magising at malaman na kakarating ko lang, napaupo lang ako sa sala...di pa ako natinag, nagfacebook pa ako para imessage ko rin doon si Rex at humingi sa message ko ng sorry. Sa pagbukas ko ng fb ko ay nakita ko rin ang nakatag sa'kin na post ni Joshua, kitang-kitang talaga ako na nakapwesto pa sa gitna at si Matteo na nakaakbay sa akin.
Nakahanda na akong matulog, nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo, kahit nakapikit na ang mga mata ay gising pa rin ang aking diwa, hindi ako makatulog ng maayos, hindi kasi maalis sa isip ko ang pagtatampo ni Rex sa akin na may halong galit at selos. Nakailang bangon pa ako sa hinihigaan ko bago tuluyang makatulog.
Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising, mga alas onse ako nagising, masama ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ring bumangon, hindi agad dumaan sa utak ko si Rex, parang lutang pa ako at tanging inaalala lang ay ang iniindang sakit ng ulo at katawan, napatigil na lang ako sa pagkain ko makalipas ang ilang minuto nang maalala ko na may problema pala ako kay Rex, binilisan ko ang kain ko at mabilis na hinagilap ang cellphone ko. May reply si Rex, binasa ko ito ng maigi.
(On Text Message)
Rex: "nkakainis at nakkatampo lng ksi, tawag ako ng tawag, di mo sinasagot, parang balewala na ako sayo, di k man lng nkagawa ng paraan para matext ako. "
Rex: "kung nsabi mo lng nman sakin e di ako mggalit, buti kung friend mo lng ako, bf mo ko!"
Rex: "npagusapan na ntin na iuupdate ntin ang isat-isa"
Rex: "muka ksing enjoy na enjoy ka ksama ung nkaakbay sayo na guy"
Napahinga ako ng malalim sa mga nabasa kong reply ni Rex, talagang nagalit siya at nagtampo sa'kin at iba rin pala siya magselos. Hindi galit o inis ang nangingibaw kay Rex kundi pagtatampo at may halong pagseselos, napangiti ako at napagaan ko ang pakiramdam ko sa pag-iisip sa nakikita kong maaaring nararamdaman lamang ni Rex. Maaaring paglalambing lang ang katapat nito.
(On Text Message)
Ako: "nwala ksi ang phone ko at di ko alam kung saan napunta, ang alam ko ksi tlaga natext kita mahal. Sorry mahal..Never kang magiging balewala sa'kin, mahal kaya kita!"
: "nalulungkot ako sa mga texts mo, alam ko nman na mali ako, sana tanggapin mo sorry ko babawi ako sayo mahal. At maniwala ka close friend ko lng ung guy na yon, sayo lng nman ako mahal, wag kna magalit o magtampo! I love you.."
: "reply ka pls"
Pagkatapos kong isend ang mga text na iyon ay tila nakaramdam ako ng pagkasabik na makita si Rex, marinig ang boses niya, mahawakan siya, mayakap siya ng mahigpit, mahalikan siya, masabi sa kanya at maparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Lalong tumindi ang pagkamiss ko sa kanya, naiimagine ko sa isip ko ang maaliwalas at gwapo niyang mukha, ang mga matatalas niyang tingin at ang mga matatamis niyang ngiti. Gusto ko siyang tawagan pero sobrang busy siya sa mga oras na iyon.
Pagdating ng tanghali ay expected ko na...na makatanggap na ako ng reply kay Rex.
(On Text Message)
Rex: "Ok, sana di lang ulit to maulit mahal, mrunong nman din ako mgtampo"
Rex: "naniniwala na ko mahal, ngkakaganito lng nman ako dahil sa mahal kta"
Rex: "saan kba ngayon?"
natuwa ako sa sumunod na mga reply ni Rex, parang tumatalon ang puso ko sa galak. Mabilis kong napawala ang mga hindi magandang nararamdaman ni Rex.
Ako: "Opo mahal, hinding-hindi na mauulit. I love you"
Ako: "sa bahay lng ako, di na ko pumunta ng school, wla nman gagawin"
Ako: "saka msama din pkiramdam ko, may hangover. haha"
Rex: "I love you too"
Rex: "nparami ksi yata inom mo..pasaway ka! di kba pinagalitan ng magulang mo?"
Ako: "di nman, tulog na rin sila pag-uwi ko, minsan lng nman din to!"
Rex: "di ko alam na umiinom ka, humanda ka sakin pag nagkita tau. Papaluin kita!"
Ako: "wag po..haha"
Rex: "haha"
Rex: "sge mahal, tapos na lunch break. Tatawag ako maya, sagutin mo agad ha"
Ako: "Ok mahal"
Nabalot ng saya ang nararamdaman ko, natanggap agad ni Rex ang sorry ko at nadala ko agad siya sa mga paglalambing at sweet words ko, hindi rin siguro talaga niya ako matitiis, at syempre ganun din ako, hindi ko rin siya matitiis if ever na magtampo o magalit ako sa kanya. Talagang inlove na kami ni Rex sa isa't-isa.
Dahil sa gusto ko talagang makabawi ay tinetext ko pa si Rex sa bawat oras na dumadaan, para bang isa akong tagahanga ni Rex na nagpapapansin sa kanya at hinihingi ang kaunting atensyon niya. Kinagabihan ay inalam ko na lang kung nakauwi na si Rex dahil gusto kong ako ang tumawag, nang magtext siya na nakauwi na siya galing trabaho ay agad akong tumawag. Una ay nagkunwari pa siyang galit, batid ko na agad na nagbibiro lang siya.
(On Phone Call)
Rex: "bakit ginabi naman masyado ang inuman niyo?"
Ako: "ewan ko nga e, di na namin napansin ang oras, nagkatuwaan kasi masyado"
Ako: "ayaw mo ba na uminom ako?"
Rex: "ok lang naman, kung magpapaalam ka muna sa'kin at sa mga magulang mo"
Ako: "magpapaalam naman talaga ako non mahal pero..."
Rex: "oo na mahal, wag ka na mag-explain"
Ako: "ok ka na talaga?"
Rex: "medyo, naiisip ko pa rin yung guy na kaclose mo e"
Buong akala ko ay wala na kay Rex ang tungkol kay Matteo, nagulat na lang ako nang muli niya iyong banggitin.
Ako: "mahal naman, wag mo na isipin yon, marami yung kaclose, hindi lang ako"
Rex: "sigurado kaa?? walang gusto sa'yo yon?"
napapatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Rex, nababahala siya kay Matteo na malapit ko lang namang kaibigan at tinuturing ko lang na kapatid, at higit sa lahat, straight si Matteo at nakailang gf na.
Ako: "mahaal, nakakatawa ka! straight si Matteo. Ano ka ba naman!"
Rex: "haha malay ko ba"
Ako: "diba sabi ko naman sa'yo, ikaw lang ang haharutin ko, wala nang iba"
Rex: "ganun ba"
Napatikom ang bibig ko at nang sundan niya ulit ng pagsasalita ay narinig ko muli ang nakakabighani niyang pabulong na boses, boses niya na kumikiliti sa tenga ko at tila kumukuryente sa buong katawan ko.
Rex: "sa'yo lang ako mahal"
Ako: "mahal ayan ka na naman, bumubulong ka na naman, inaakit mo ko"
Rex: "naaakit ka pala pag nag-gaganun ako"
Ako: "oo haha"
Rex: "maganda kung ganon, gagawin ko sa susunod, iseseduce kita hanggang sa alam mo naa..haha"
Ako: "haha..baliw!"
Rex: "may sinabi ka sa'kin na babawi ka, parang alam ko na kung paano ka makakabawi sa'kin"
Hindi ko malaman kung pareho kami ng iniisip ni Rex, maaaring umaatake na naman ang pagka "L" ni Rex.
Ako: "ano?"
Rex: "uhmmmm.."
Ako: "ahh..oo pupunta tayo sa bahay niyo sa thursday, makakabawi na ako sa'yo nun"
Rex: "ayy!!"
Ako: "babawian kita ng yakap at halik mahal"
Rex: "yun lang?"
Ako: "hindi ka pala nasasapatan sa mga yakap at halik ko"
Rex: "ay hindi totoo yan mahal!"
Rex: "namimiss kita, namimiss ko lahat sa'yo"
Ako: "yieeeh! ako din kaya, miss na miss ka na"
--
--
--
At dumaan nga ang isang araw na iyon, mabilis naming naayos ang naging problema sa pagitan namin. Naging maayos lang kami ni Rex, sa pagdaan pa ng isang araw, text, tawag at maging palitan ng messages at stickers sa fb ang ginagawa namin.
Dumating na ang huwebes, ang araw ng pagpunta ko sa bahay ni Rex sa pangalawang pagkakataon. Bago sumapit ang tanghali ay nakaisip ako ng magandang ideya, ano kaya kung pumunta ako agad sa bahay nila Rex, hindi ako magpasundo sa kanya. Mamamasahe na lang ako papunta sa kanila, naaalala ko pa rin naman ang nabanggit sa akin ni Rex na pwedeng maging ruta at sakayan mula sa amin papunta sa kanila sa Quezon City. Siguradong masusurprise si Rex kapag nalaman niyang nasa bahay na nila ako.
Alas dos nang paalis na ako sa bahay. Si mama lang ang nasa bahay at sa kanya lang makakapagpaalam.
Mama: O! san ang punta?
Ako: sa school maa.
Mama: Naku! baka gabihin ka na naman.
Ako: hindi maa..tatawag na lang ako sa'yo.
Mama: baka mag-inom ka na naman, magagalit na papa mo nyan.
Ako: hindi ma. ayoko na uminom.
Mama: O sige, wala na akong magagawa, nakaready ka nang makaalis.
Ako: sige ma..alis na'ko.
Humalik ako sa pisngi ni mama at nilisan na ang bahay. Medyo kinakabahan ako dahil baka maligaw ako pero pinipilit kong isipin ang impormasyon na nabanggit sa akin noon ni Rex. Sumakay ako ng jeep at pagbaba ng jeep ay sumakay ako ng bus papuntang QC, Bumaba ako sa isang pamilyar na lugar, alam ko kung saang street ang bahay nila Rex, nagtanong-tanong na lang ako hanggang sa matunton ko na ang bahay nila. mag-aalas kwatro na ng marating ko ang bahay nila, tahimik at tila walang tao. Nakailang tawag ako mula sa labas ng gate ngunit wala yatang nakakarinig sa'kin. May nagpaalam sa akin na kapitbahay na naroon daw ang mama ni Rex, nagpatulong akong katukin at patunugin ang gate nila hanggang sa lumabas na nga ang Mama Ellen ni Rex. Nakaramdam pa rin ako ng kaba habang hinihintay ang mama ni Rex sa labas ng gate, pereho pa rin ang nararamdaman ko sa naramdaman ko noon bago ko makilala ang mama ni Rex.
Nakakunot noo na bumungad ang mama ni Rex sa gate at kinausap ang kapitbahay nila na si Mang Rene.
Rex's M: O Mang Rene ano yon?
M. Rene: ah e..may bisita ka yata Ellen, kanina pa tumatawag dito.
Hinarap ko ang mama ni Rex at agad kong binati. Tinitigan lang ako nito at parang kinilala pa.
Ako: Good afternoon po...tita.
napabuka ang bibig ng mama ni Rex at napangiti, mukhang natuwa siya sa pagdating ko.
R M: Gaab! ikaw pala...ang aga mong pumunta ah. Pasok ka..
Ako: ay hehe sige salamat po.
Nakapasok na ako sa loob ng bahay nila Rex, at nakaupo na rin, napagod kasi ako sa biyahe at sabik na makaupo at makapagrelax. Ang mama naman ni Rex ay patuloy lang akong kinakausap.
R M: Akala ko sabay kayo ni Rex.
Ako: Ayaw ko na po kasi siyang mag-abala pa na sunduin ako, mukhang alam ko naman din po ang sasakyan papunta dito.
R M: alam mo talaga e.. nandito ka na nga e.
R M: Alam ba ni Rex na nandito ka na sa bahay?
Ako: Hindi ko pa nga po napapaalam sa kanya.
R M: Isusurprise mo ba siya...ganun? haha
Ako: haha parang ganun na nga po.
R M: itext mo na siya...
Ako: opo...itetext ko na po..
Natext ko na si Rex, nang muling ibalik ang atensyon ko sa kanya para sana'y kausapin ulit ay tumayo ito.
R M: Kuhaan lang kita ng tubig..parang pagod na pagod ka yata sa byahe.
Nahalata ng mama ni Rex ang pagod sa hitsura ko. Ako na sana ang kukuha ng tubig ngunit nag-insist pa rin siya. Nakaramdam talaga ako ng uhaw, hindi ko rin kasi naisip na magdala ng tubig sa pagbiyahe, at naubos rin ang binili kong mineral water. Ipinaghanda rin ako ng mama ni Rex ng merienda, nahiya ako sa paghahanda pa niya ng merienda para sa akin, gusto ko sanang bumili na lang ng pagkain sa labas at kainin namin ng mama ni Rex, wala na akong nagawa pa at nagpasalamat na lang. Kahit gutom ay mabagal ko lang na kinain ang merienda na inihain sa akin.
R M: Taga saan ka ba Gab?
Ako: Sa mandaluyong po tita.
R M: Malayo-layo nga.
R M: Buti at alam mo papunta dito.
Ako: nasabi na rin po kasi sa'kin ni Rex kung anong pwedeng sakyan papunta dito.
Ako: pero natakot pa rin po ako na baka maligaw ako. haha
Napahalakhak ng malakas ang mama ni Rex, doon na nag-umpisa ang mahaba naming pag-uusap. Nung una ay sagot lang ako ng sagot sa mga tanong niya, mga tanong patungkol sa akin, kung saan ako nag-aaral, kung anong course ko hanggang mailahad ko na sa kanya ang buhay ko, ang tungkol sa pamilya ko at ang hindi ko pa pagiging out sa mga magulang ko at sa pamilya ko. Nagkwento din ang mama ni Rex tungkol sa paghihiwalay nila ng papa ni Rex na ngayo'y nasa ibang bansa na at kasama ang bagong pamilya, nagsimula lang kami sa seryosong pag-uusap hanggang sa magkwento rin siya tungkol sa mga kalokohang pinaggagawa ni Rex nung bata pa ito at maging ang mga kalokohan nito noong nag-aaral pa sa elementary at high school, madami akong nalaman sa mama ni Rex na hindi ko pa nalalaman mula mismo kay Rex, habang nagkekwento siya tungkol sa mga nakakatawang pangyayari kay Rex at maging sa kanya ay napapahagikhik ito ng tawa, di ko na rin namamalayan na ang lakas na rin pala ng tawa ko, sadyang nakakahawa rin kasi ang tawa ng mama ni Rex. Iba rin ito magbiro, siguro'y nahawaan din ng anak niyang si Rex.
Kwentuhan lang kami ng mama ni Rex kahit na dumating pa si Chester na galing daw sa galaan kasama ang mga tropa niya. Totoo nga na gusto akong makakwentuhan ng mama ni Rex, masaya siya kakwentuhan at tuwang-tuwa naman siya na kausap ako, nafeel ko rin na naghahanap talaga siya ng kausap lalo na't lagi itong mag-isa sa bahay.
Lampas 7:30pm na ng tumawag si Rex, nagluluto pa ang Mama Ellen ni Rex ng hapunan sa kusina. Lumabas ako sa may garahe nila para sagutin ang tawag ni Rex.
(On Phone Call)
Rex: "mahaaal! andyan ka talaga sa bahay namin? seryoso ka?
Ako: "oo mahal, kanina pa! nagchikahan pa kami ng mama mo"
Rex: "hahaha buti naman, naghahanap talaga ng kausap yan...si Chester kasi laging lumalayas"
Ako: "oo nga e, andami niyang kwento, nakakatuwa mama mo hahaa!
Ako: "pauwi ka na ba mahal?"
Rex: "haahaha nasa loob na ako ng sasakyan mahal, paalis pa lang ako"
Ako: "sige mahal, hintayin na lang kita dito"
Tinungo ko ang kusina at pinaalam sa mama ni Rex na pauwi na rin si Rex. Umupo lang ako sa sofa nila sa sala at hinintay ang pagdating ni Rex. Wala pang isang oras nang may narinig akong bumubusina mula sa labas ng gate, dumating na si Rex. Naghahanda pa ng hapunan noon ang mama ni Rex sa kusina, tawag nang tawag ito kay Chester para utusang buksan ang gate ngunit ang tagal nito bumaba.
Ako: Titaa..ako na lang po magbubukas.
R M: Ay! ako na Gab.
Mabilis na kumilos ang mama ni Rex at tumungo sa garahe para pagbuksan ng gate si Rex. Lumabas ako sa may garahe at pinagmasdan ang pagpasok ng kotse ni Rex. Pagkapark nito at pagbukas ng pinto ay ganun na lamang ang malaking ngiti na bungad ni Rex sa akin. Sinalubong ako ni Rex ng yakap, nabigla ako sa pagyakap niya, mahina siyang nagsalita malapit sa tainga ko
Rex: mahaaaal! namiss kitaa..
Ako: namiss din kitaa..
Nakadikit ang mga pisngi namin ni Rex at sa sandali ring iyon ay nabaling ang tingin ko sa mama ni Rex na nasa gilid pala namin. Labis ang saya na naramdaman ko nang makitang nakangiti siya habang pinapanood kaming magkayakap ni Rex.
COMMENTS