By: JB Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Rex ay napapunta kami ng cr at nagshower, naghahawakan kami ng mga katawan habang nagsasabon at ...
By: JB
Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Rex ay napapunta kami ng cr at nagshower, naghahawakan kami ng mga katawan habang nagsasabon at nagbibigayan ng matatamis na halik habang may tubig na bumabagsak sa aming mga ulunan at dumadaloy pababa sa aming mga katawan. Pagkahiga sa kama ay nakatulog rin kami agad nang magkayakap.
Sa pagdilat ng aking mga mata sa umaga ay maaliwalas na mukha ni Rex ang tumambad sa akin. Nakatagilid siya sa pagkakahiga, nakatungkod ang kanyang siko sa kama habang nakaalalay ang kamay niya sa kanyang pisngi, nang masilayan ang pagdilat ko ay mabilis ang kanya pagngiti.
Rex: mahaaal? bumangon ka na, anong oras na?
Ako: anong oras na nga ba?
Rex: 8:30 na.
Bumangon ako sa pagkakahiga at napaupo lang sa kama.
Rex: Napasarap yata tulog mo....kamusta ang panaginip mo? maganda ba?
Napatigil ako sa pagkutkot sa mga mata ko, nanlaki ang aking mga mata at napatingin kay Rex na nakangiti at nantaas ang mga kilay. Napaisip ako sa puntong iyon at inalala ang bawat maiinit na eksena na alam ko na huling nangyari sa amin ni Rex.
Ako: Pa...Panaginip?
Bumangon si Rex sa pagkakahiga at lumapit sa akin.
Rex: Yes mahal...maganda ba?
Nanatili akong nakaharap kay Rex ngunit napapagalaw ang aking mga mata at patuloy na napapaisip.
Ako: Hin....di ako nanaginip.
Rex: Hindi ka na nanaginip after na may mangyari sa'tin?
Natigil ang mga mata ko kay Rex na nag-uumpisa na namang manlagkit ang mga tingin sa akin.
Ako: Ahh...hahahaa! hindi nga ak.....
Hindi ko na nabuo pa ang sunod kong sasabihin dahil sa bilis ng pagdampi ng mga labi ni Rex sa mga labi ko. Muli akong nadala sa sarap ng halik ni Rex, napakapit ako sa buhok niya dahil sa lakas ng puwersa niya na halos matumba na ako sa pagkakaupo. Natigil din ang halikan na iyon at di na namin pinatagal pa.
Rex: Salamat mahal..
Ako: Para saan?
Rex: Saa....kagabi! kaninang madaling-araw
Ako: Di mo naman kailangan magpasalamat mahal, normal lang naman dapat yon...naa..ginagawa natin bilang..magbf.
Rex: Tama ka nga don.
Sa pagsang-ayon ni Rex ay ang paghawak din niya sa likuran ko, nabago ang ngiti ko nang maramdaman kong bumababa ang kamay ni Rex sa ibabang bahagi ng likuran ko at pilit na isinusuksok ang kamay niya sa aking shorts sa may bandang puwitan ko.
Ako: Rex!
Agad na tinanggal ni Rex ang pagkakalagay ng kamay niya sa ibabaw ng short ko.
Rex: Ay haha! sorry mahal. Tinawag mo na ako sa pangalan ko. haha!
Ako: Ano ba kasing ginagawa mo?
Rex: Namiss ko lang naman.
Ako: Ikaw talaga mahal, kakatapos lang natin.
Rex: hahahaa!
Rex: Ikaw ba?? hindi mo ba ito namiss?
Kasabay ng pagtatanong ni Rex ay ang pagtingin niya sa baba niya. Napatingin din ako sa baba niya at halata sa boxer shorts niya na gising ulit ang alaga niya.
Ako: mamimiss ko.
Rex: ganun! pero namiss ka na niya!
Tumalikod ako at tumawa ng mahina.
Ako: hahaa! ewan ko sa'yo mahal..
Rex: sige mahal...bababa lang ako, magpeprepare ng umagahan natin..dyan ka lang.
Ako: okay mahal.
Tumayo na nga si Rex at bumaba mula sa kwarto. Tumayo naman ako para mag-cr, the moment na pagtayo ko ay nakaramdam ako ng kaunting kirot sa loob ng puwet ko, mainit na parang may naiwan pa sa loob na hindi nailabas. Bakas na talagang may nakapasok sa akin at hindi na virgin ang butas ko. Kinakalimutan ko na lang ang nararamdaman kong iyon kapag naiisip ko na bf ko lang naman na si Rex ang nakagalaw sa akin at hindi naman kung sino-sino lang.
Wala akong ibang magawa nang umagang iyon habang naghihintay sa pag-akyat ni Rex, naisipan ko na lang tawagan si Mama at iupdate siya, sinabi ko na rin na gabi pa ako makakauwi. Gusto ko at ni Rex na gabi na lang ako umuwi para may mahaba pa kaming oras na magkasama, aalis na rin kasi siya kinabukasan ng umaga para sundan ang mama niya at kapatid niya sa Bicol.
Nainip na ako sa loob ng kwarto kaya't bumaba na lang ako. Pagkababa ko ay nakita ko nang nakahanda ang umagahan namin sa lamesa, may nakahain nang hotdog at itlog na niluto ni Rex. Bago pumunta sa may sala ay tinungo ko muna ang lababo para maghilamos at maghugas ng kamay, patapos pa lang akong maghugas ng aking kamay nang maramdaman ko si Rex sa likod ko, ang dibdib niya ay lapat na lapat sa likod ko, idinaan niya ang mga kamay niya sa aking tagiliran at ipinatong ang ulo sa aking balikat. Nakahanap na naman si Rex ng paraan para makapaglambing.
Rex: kain na tayo mahal.
Ako: oo nga..kaya nga naghugas na ako ng kamay.
Hindi ako makawala kay Rex, pumuwersa ako at pinilit na maglakad kahit kapit na kapit pa rin si Rex sa akin, kakaibang sensasyon ang binibigay sa akin ni Rex sa mga halik niya sa leeg ko.
Kahit kumakain ay puro kalokohan pa rin si Rex, habang kumakain ako ng hotdog na niluto niya ay sobra ako nitong tititigan na parang matutunaw na ako. Habang naghuhugas ng mga kinainan ay panay ang yakap niya sa akin at pagkapa sa puwitan ko. Panay din siguro ang pag-iisip niya sa nangyari sa amin nung madaling araw.
Ako: Ang bastos mo mahal! hahahaa
Rex: Sus! umaarte ka pa! napasok ko na nga yan e. hahaa
Rex: Ano palang nararamdaman mo ngayon mahal?
Ako: uhmmm..medyo nakakaramdam nga ako ng sore sa loob e.
Rex: Ganun talaga yun mahal. haha
Ako: Ikaw kasi e.
Rex: Di mo naman na mararamdaman yan kapag maluwag na.
Ako: Haay! Bakit ba ito yung pinag-uusapan natin?
Rex: Di ako maka-move on sa sarap.
Ako: Hahaa ewan!!
Bago pa magtanghali ay nakaidlip ako sa sofa nila Rex sa sala. Ginising na lang ako ni Rex na kakatapos na noon maligo. Niyaya ako ni Rex na umalis at sa restaurant na lang kumain ng lunch.
Umalis nga kami ng bahay nila Rex at pumunta kami sa isang mall, ibang mall ito sa unang pinuntahan namin dati. Kumain kami sa isang fast food restaurant kung saan din kami kumain noong unang pagkikita namin.
Ako: Naaalala mo pa ba mahal...nung una tayong nagkita? nung total stranger ka pa sa'kin, sa ganitong resto din tayo unang kumain non.
Rex: Syempre mahal...naaalala ko pa.
Rex: Gusto mo na ba ako agad non?
Napahinga ako ng malakas sa tinanong ni Rex.
Ako: uhhhh....nagagwapuhan...ganon!
Rex: so gusto mo na nga ako agad non?
Ako: hindi ko masabi e, iba kasi yung napopogian ka sa nagugustuhan mo na.
Rex: ako ba...hindi mo tatanungin kung nagustuhan kita agad nung first meetup natin?
Ako: Ok.....nagustuhan mo na ba ako agad non?
Rex: Nung kumakain kasi tayo non, parang ako lang yung salita nang salita. Ikaw....nakikinig lang, magcecellphone tapos kakain...dahil nga medyo nahihiya pa tayo sa isa't-isa, ninanakawan kita ng tingin kapag hindi ka nakatingin sa akin. Ayun mas nakikita ko yung maamo mong mukha, talaga ngang maamo ang hitsura mo, pareho lang sa mga pictures mo sa PR.
Napatulala ako sa pagkakatingin kay Rex sa seryoso niyang pagkekwento, patuloy lang siya at di ko na naisip na mabahala kung may makakarinig man sa sinasabi ni Rex.
Rex: Naturn on na ako masyado sa'yo non, doon ko na nasabi....na ikaw nga yung tipo ko, ikaw yung hinahanap ko, ikaw yung gusto kong mahalin at alagaan, hindi nagbago yun sa pagdaan pa ng mga araw.
Kumabog ng mabilis ang dibdib ko sa mga binibitawan ni Rex, ang sarap sa pakiramdam na malaman ang mga iyon.
Rex: Kaya ayun, hindi ako tumigil hanggang sa.. maging akin ka na.
Labis lang akong napangiti at naging speechless. Kakaiba ang mga ngiti ni Rex habang inaalala ang mga iyon. Nang makita kong umalis na ang nasa katabi naming table ay nagsalita na rin ako at ipinaalam kay Rex ang tunay na nararamdaman ko sa pagkakaroon namin ng espesyal na relasyon. Inabot ko ang kanyang mga kamay at seryosong nagsalita.
Ako: Alam mo ba mahal....sasabihin ko na sa'yo to ngayon...nung una kitang makita, bumilis agad yung tibok ng puso ko, dahil siguro nakita ko kung gaano ka kagwapo. haha!
Rex: Hahaa ok! then......
Ako: Ayun! habang magkasama na tayo, sobra mo akong pinapakilig, sa mga salita mo, sa mga nakakamatay mong ngiti, sa unang yakap mo....sa mga hawak mo at nakakatunaw mong tingin..pero inspite of that...mas gusto kong sundin yung utak ko. Kaya nung...ilang beses mo akong tinanong kung...gusto ko na ba na maging magbf tayo...hindi ako umoo agad kasi gusto kong makita yung nasa loob mo..kung hindi lang ba sa panlabas mo ang maganda kundi sa panloob mo din...alam mo naman yun.....kinilala pa kita hanggang sa...nakita ko yung...mabuting side mo, doon ako lalong mas naturn on at tuluyang nahulog sa'yo..
Natigil kami ni Rex, at matagal na hindi nakapagsalita, nagkatinginan lang kami at nakangiti sa isa't-isa.
Rex: hooooh! nakakatuwang marinig sa'yo yan mahal.
Sa pagkakataong iyon ay iniangat ni Rex ang mga kamay ko at hinalikan ang mga ito. Napatingin ako sa paligid namin at inalam kung may nakatingin sa amin. Kasunod non ay bumulong si Rex sa akin
Rex: I love you..
Ako: I love you more!
Rex: Hahaa tara naa mahal, may pupuntahan pa tayo.
Lumabas na kami sa fast food restaurant, habang naglalakad ay nakakita kami ni Rex ng dalawang lalaki...gay couple na magkahawak ang kamay habang sila ay naglakakad, Ilang segundo lang nang malampasan namin ang magjowa na iyon ay naramdaman ko na ang pag-abot ni Rex sa kamay ko, gusto niyang magholding hands kami, sinita ko si Rex at pinatigil sa ginagawa niya. Nag ikot-ikot lang kami sa mall, tumingin-tingin kami kung saan-saan hanggang sa makaramdam kami ng pagod, napaupo kami sa isang bench at muli ay nakapag-usap kami ng masinsinan.
Rex: mahaal....ayaw mo ba talaga na...magholding hands tayo sa public?
Ako: gusto ko sana pero kasi.....mahal.....
Rex: alam ko na....kasi hindi ka pa out..
Nagsalubong ang mga kilay ni Rex pagkatapos niya iyong sabihin.
Rex: ano bang pakialam ng mga makakasaksi sa atin, hindi naman natin sila kilala.
Humawak ako sa hita niya at napayuko.
Ako: paano kung may makakilala sa'kin?
Rex: wag mong isipin na merong makakakilala sa'yo, isipin mo.....tayo! kung ano tayo!
Rex: Kung may makakilala man sa'yo...don't you think na ito na rin ang pwede mong maging hakbang para unti-unting makaamin sa parents mo at mabawasan na rin yang dinadala mo. Baguhin mo na to mahal, pinaparamdam mo sa akin na kinakahiya mo ako bilang bf mo.
Ako: hindi kita kinakahiya...ikaw? ikakahiya ko?
Ako: e natatakot lang kasi ako mahal.
Kinuha ni Rex ang kamay ko na nakalapat sa hita niya, hinawakan niya ito, sabay na nagtiklop ang mga daliri namin.
Rex: hindi ka matatakot kung may tiwala ka sa'kin mahal.
Rex: may tiwala ka ba sa'kin?
Ako: oo naman mahal.
Rex: kung ganon, hahayaan mo ang gusto ko? ok lang ba yon?
Napahinga ako ng malalim at tumungo na lang, gusto ko rin naman talaga na maging open kami sa public, nagholding hands na kami sa public before ngunit panandalian lang iyon dahil bumibitiw din ako. Mahal na mahal ko na si Rex, ayaw kong magtampo si Rex sa akin at gumawa ng dahilan para mag-away kami, inilagay ko na lang sa isipan ko na wala akong kilala o nakakakilala sa akin na nasa mall ng araw na iyon at hindi ko na lang papansinin ang kung sinuman na mapatingin sa amin ni Rex.
Pagkatapos nga ng simpleng argument na iyon ay naglakad ulit kami ni Rex ng magkaholding hands, habang nasa escalator ay hindi kami bumibitaw, napabitaw lang kami nang mapatigil kami sa isang shop, bentahan ng may mga print na t-shirts, pwede ka ring magpa-imprinta ng gusto mong ipalagay sa t-shirt. Tumingin sa akin si Rex at hinila ako papalapit, ngiti nang ngiti sa akin si Rex, hindi ko mabasa ang nasa isip niya at ang gusto niyang gawin. Lumabas ako ng shop at hinintay si Rex, nakipag-usap siya sa namumuno sa shop at nagulat na lang ako nang may sinusukat na siyang plain na t-shirt. Ilang sandali lang ay lumabas na si Rex mula sa shop.
Ako: mahaal...bumili ka....anong pinalagay mo sa t-shirt mo?
Kinuha ni Rex ang kamay ko at patuloy kaming naglakad.
Rex: Bastaa...mamaya na lang sa bahay.
Ako: hmmmm...ok!
Sa paglalakad namin sa mall ay may binalak na bilhin ulit si Rex, tumungo kami sa isang accesory & jewelry shop. Focus na focus na nakatingin si Rex sa mga kwintas na nakikita niyang nakadisplay at nakasabit sa isang board, ako naman ay nawili din sa pagtingin ng mga relo at singsing. Maya-maya lang ay tinawag ako ni Rex at ipinakita niya sa akin ang isang kwintas na ang pendant ay kalahati ng isang heart. Agad na nagtanong si Rex sa saleslady ng shop. Napag-alaman namin na para iyon sa mga couples, at kapag binili ang isang kwintas na may pendant ng isang piece ng broken heart ay kailangang bilhin din ang isa kung saan nakakabit ang pendant ng kabilang piraso ng heart. Nagkakahalaga ito ng 600, nang malaman ko ang presyo ay namahalan ako.
Ako: ang mahal naman..
Rex: hindi naman.
Ako: hindi sa'yo, pero sa akin...oo!
Rex: ako naman ang kukuha mahal.
Ako: so kukunin mo talaga mahal? may matitira ka pa bang pera? tsaka na lang tayo bumili niyan.
Rex: marami pa mahal! tsaka gusto ko nang bilhin ngayon.
Wala na akong nagawa pa at nabili na nga ni Rex ang couple necklace. Nilagay niya sa kotse niya ang mga ipinamili namin at bumalik sa loob ng mall. Naglaro pa kami ni Rex ng mga arcade games hanggang sa mauwi sa pagvivideoke. Magandang pakinggan ang boses ni Rex kapag kumakanta, si Rex naman ay tuwang-tuwa dahil sa may pagkalaki ang boses ko. Paulit-ulit pa niyang sinabi na bagay ako sa teatro. Lampas isang oras kaming nagvideoke ni Rex, bakas pa rin sa mukha ni Rex ang labis na tuwa dahil sa naeenjoy niya ang bonding namin.
Bago makaalis ng mall ay nagmadali pa si Rex na kunin ang t-shirt na pinalagyan pa niya ng print, hindi ko ito agad na napaalala sa kanya at muntik na namin itong makaligtaan.
Pagkabalik sa bahay nila Rex ay inilabas niya ang t-shirt na binili niya. Hindi ko mabasa ang nakasulat sa black t-shirt ngunit ng isinuot na niya ito ay malinaw na malinaw ko nang nabasa ang nakalagay. Nabigla at natuwa ako nang makita ang "I LOVE G" sa t-shirt niya at may mga nakakalat na heart shape.
Ako: Wow! I Love G......I love God mahal??
Rex: Given na yon mahal...ang meaning talaga nito ay...I love Gab!
Mas lalo akong nasurprise nang maglabas pa siya ng isa pang t-shirt na color black din, ipinabuklat ni Rex sa akin ang t-shirt at ang nakasulat naman dito ay "I LOVE R" at katulad ng t-shirt niya ay may kulay red na mga heart shape ang nakapaligid sa nakaimprinta sa t-shirt. Nang isuot ko na ang t-shirt ay mas napansin ko ang pagkakapareho nito sa t-shirt ni Rex, pareho ang kulay ng t-shirt maging ang kulay at style ng mga letra na nakalagay sa t-shirt.
Habang suot pa namin ang t-shirt ay inilabas agad ni Rex ang couple necklace na binili rin niya. Isinuot namin sa isa't-isa ang mga kwintas.
Rex: O ayan mahal! may couple shirt na tayo, may couple necklace pa.
Labis akong natuwa habang tinitingnan namin ni Rex ang mga sarili sa salamin na magka-akbay ngunit napaisip pa rin ako sa paggastos ni Rex para lang makabili ng t-shirt at kwintas namin.
Ako: e mahal...magkano naman ang nagastos mo dito?
Rex: 1,000 mahal.
Ako: ang laki ng nagastos mo, sana nakapaghanap pa tayo ng ibang mas mura, kung sinabi mo lang sa akin ang mga plano mo
Yumakap si Rex sa likuran ko, tinitingnan ko lang siya mula sa salamin.
Rex: mahaal..wag mo nang alalahanin yung nagastos ko, marami pa naman akong natirang pera...tsaka advanced monthsary gift ko na to sa'yo..
Ako: eeehh..babawi na lang din ako, salamat dito mahal....I love you.
Rex: I love you too. (sabay halik sa akin sa labi)
Habang tintingnan ang mga sarili sa salamin ay pinagdikit namin ang mga pendant ng kwintas namin, sa pagkakadikit ng mga ito ay nakabuo ito ng isang perfect heart shape. Ang mga pendant ay parang mga puso lang namin ni Rex na pinagtagpo at nakabuo ng isang tunay at masayang pagmamahalan.
COMMENTS