$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 21)

By: JB Tinulungan ko si Rex na mag-impake para sa pag-alis niya kinabukasan. Suot-suot niya lang ang kwintas niya, seryoso niyang sinabi ...

The Guy From PR

By: JB

Tinulungan ko si Rex na mag-impake para sa pag-alis niya kinabukasan. Suot-suot niya lang ang kwintas niya, seryoso niyang sinabi sa akin na hindi niya iyon huhubarin hanggang sa marating niya ang Bicol.

Rex: Ikaw mahal...sana suot suot mo din lagi yan.

Ako: Oo mahal, iingatan ko pa to!

Rex: maaalala mo lagi ako sa kwintas na yan, kaya wag mong wawalain.

Ako: mahalaga sa akin to ngayon at...kahit wala naman tong kwintas na to! hindi ka makakawala sa isip ko lalong-lalo na sa puso ko.

Sa mga malalambing na salita ko ay napahawak ang mga kamay niya sa kanyang dibdib at kunwaring nahimatay.

Ako: hahahaa mahaal. ok ka lang?

Bumangon si Rex sa pagkakadapa at nanatili ang isang kamay na nakalapat sa kanyang dibdib.

Rex: hoooooh.....mahal.....parang sasabog na yata yung puso ko.

Ako: totoo yon mahal...lahat ng sinabi ko.

Rex: haaay! kung pwede lang na hindi na lang ako umalis at makasama ka pa ng ilang araw.

Ako: kailangan mong sumunod sa mama mo at sa kapatid mo, kahit pwede naman din, hindi na rin ako makakapag-overnight pa ulit dito.

Huminga ulit ng malalim si Rex at nagpatuloy sa pagpili ng mga damit na dadalhin niya sa pag-alis. Sa pagharap niya sa akin ay iniabot niya ang isang long sleeve na damit na kulay Maroon ang kulay.

Rex: Bagay siguro sa'yo to mahal.

Ako: Ano..to?

Rex: Ibibigay ko na sa'yo tong sweater na to. Lagi ko itong ginagamit, at kapag sinuot mo'to...parang mararamdaman mo na rin yung yakap ko.

Kinuha ko ang damit na iyon na binigay ni Rex at inamoy.

Ako: mahaaal..nalabhan mo na ba to?

Rex: ahh..oo mahal..bakit?

Ako: amoy pabango, amoy ikaw! hahaa

Rex: pinapabanguhan ko na kasi talaga yung mga damit ko.

Ako: ah haha ganun ba, parang ayoko na tuloy labhan to.

Rex: hahaa adik ka na yata sa amoy ko ah..

Pagkaupo ko sa kama ni Rex ay hindi ko napaghandaan ang paglapit niya sa akin at ang pagyakap niya ng husto, napakahigpit ng pagkakabalot ng mga braso ni Rex sa akin

Rex: O ayaaan! amuyin mo pa ako mahal.

Hindi na ako nagpumiglas at napasigaw na lang, hindi na ito gaanong narinig dahil sa lapat na lapat ang ilong ko at bibig ko sa dibdib ni Rex. Agad ring bumitaw si Rex at bumalik sa pag-aayos ng mga gamit niya.

Rex: hayaan mo...kapag nakapunta ulit tayo sa mall, bibilhan kita ng ginagamit kong pabango.

Ako: maganda nga yon mahal, para magkaamoy na rin tayo. hahaa.

Ako: kailan naman kaya ulit mangyayari yon?

Rex: ang ano mahal?

Ako: yung makakapamasyal ulit tayo..yung sinasabi mong pagpunta ulit natin sa mall??

Napatingala ng bahagya si Rex at inisip ng maigi ang kanyang isasagot

Rex: uhmmmm...hindi ko pa alam mahal, pero sana sa monthsary natin, makagawa ako ng paraan.

Inintindi ko ang walang kasiguraduhang sagot na iyon ni Rex, hindi na rin kasi lingid sa kaalaman ko ang tungkol sa pagdating ng busy season sa trabaho ni Rex, alam ko rin na gagabihin sila sa pag-uwi galing Bicol at kinabukasan non ay diretso agad sa pagpasok si Rex sa work niya. Kung titingnan ay...talagang mawawalan na kami ng time ni Rex sa isa't-isa maliban na lang kung..dadalaw ako sa bahay nila.

Ako: alam ko naman na hindi mo na kakayanin.

Rex: pwede ka namang dumalaw dito mahal, pero baka 10pm na ang pinakamaaga kong uwi.

Ako: susubukan ko mahal, napapansin na rin kasi sa bahay ang madalas kong pag-alis, may darating pa kaming relatives galing probinsiya.

Rex: may phone naman mahal, may skype, facebook.

Nagpakita na lang ako ng pagsang-ayon sa huling sinabi ni Rex, nagsimula akong mapatingin sa kanya at pagmasdan lamang ang mukha niya. Nafeel ko na gusto ko pa siyang makasama at ayaw ko nang lumayo sa kanya. Pinagmamasdan ko lang si Rex hanggang sa matapos na siyang maglagay ng mga gamit niya sa bag niya, tahimik lang kami sa mga sandaling iyon at nagliligpt na ng ibang kalat si Rex, sa kanya ko lang itinuon ang atensyon ko, hinihintay na mapansin ako. Nang matapos na nga siya sa pinagkakaabalahan niya ay napatigil siya sa harapan ko at sinundan ng tingin ang mga mata ko, sa pagkakatingin niya ay napayuko ako at hindi maiwasang ilabas ang tunay na nasa damdamin ko.

Ako: mamimiss kita ng sobra.

Lumapit si Rex at iniangat niya ang ulo ko, nakatayo siya at napatingala ako sa pagkakahawak ng mga kamay niya sa pisngi ko, ninais niyang tingnan ko siya diretso sa kanyang mga mata.

Rex: hindi naman ako mawawala sa'yo ng matagal, magbabakasyon lang ako tapos babalik na agad dito, di naman tayo...maghihiwalay.

Binaba ni Rex ang mukha niya at binigyan ako ng smack na halik.

Rex: Basta...habang wala ako dito sa Maynila...behave ka lang ha! at tsaka wag mo akong kakalimutang iupdate lalo na kung gagala ka kasama ng mga kaibigan mo.

Ako: wala naman siguro akong gala ngayon, family ko lang lagi ang kasama ko....tsaka...ako nga itong nag-aalala, baka...

Rex: ano mahal?

Ako: baka...may mahanap ka doong iba.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Rex sa balikat ko.

Rex: haa! bakit naman ako maghahanap pa ng iba! akala ko ba..may tiwala ka sa'kin mahal. Alam mong hindi ko gagawin yon.

Ako: e kasi mahal, gwapo ka..may mga magpapansin sa'yo, may lalapit, baka may mga lumandi pa! baka may magustuhan ka pang babae don.

Lahat ng sinabi kong iyon ay talagang bumabagabag sa akin, hindi ko alam..pero hindi ko mapigilang hindi mapaisip ng mga bagay na iyon. Pakiramdam ko lagi ay may aagaw sa akin kay Rex, kahit ilang beses pa na sabihin sa akin ni Rex na hindi siya makakagawa ng ganong klaseng mga bagay ay parang isang gulong ang utak ko na paikot-ikot lang

Napaupo si Rex sa tabi ko at inakbayan ako.

Rex: Hindi mo ba alam na ang cute mo..

napagalaw ang ulo ko sa unang sinabi ni Rex, tila nagsalita ang isip ko at nagsasabi na "hindi ko nga naman alam na cute ako, ang alam ko lang ay hindi ako pangit. hahaa"

Rex: at lalo kang nagiging cute kapag gumaganyan ka. hahaa

Nanatiling nakatikom ang bibig ko at pinilit na hindi ibuka ito at ngumiti.

Rex: Gwapo ako...at loyal naman din! magtiwala ka mahal.

Ako: Natatakot lang akong mawala ka sa'kin mahal.

Rex: lalo naman ako.

Pagkaayos ng mga gamit na dadalhin ni Rex ay bumaba rin kami agad sa sala at kinain ang binili rin naming ulam bago pa makabalik sa bahay nila Rex. Matapos kumain ay lambing ako ng lambing kay Rex, ayaw ko kasing sayangin ang pagkakataon, kaunti na lang kasi ang nalalabing oras bago ako umuwi, matagal-tagal ko rin siyang hindi makikita. Para akong higad na dikit ng dikit kay Rex, haplos ng haplos sa kung saan saang parte ng katawan niya, nasagi ko na nga rin ang nakatago niyang alaga na tinawanan lang niya, yakap rin ako ng yakap sa katawan ni Rex, at para ko nang inuubos ang pabango niya sa tila pagsimot sa kanyang amoy.

Rex: mahal! grabe yang pagkaclingy mo sa'kin ah.

Ako: e malapit-lapit na rin akong umuwi e, tsaka bukas, lalayo ka na sa'kin masyado.

Rex: sana ganito ka lagi sa'kin...kasi ako talaga ang mas clingy sa'tin e. haha

natahimik kami sa pagkakahiga sa sofa, napansin ko na malalim ang iniisip ni Rex.

Ako: anong iniisip mo mahal?

Rex: naisip ko lang kasi...nakapasok ka na dito sa bahay namin, nakilala mo na yung mama ko pati kapatid ko....ano kaya kung ako naman yung dumalaw sa bahay niyo noh..

Tila nablanko ako sa sinabing iyon ni Rex, tatlong beses na akong nakapunta sa bahay nila at nakaharap ko na rin ang pamilya ni Rex, alam pa nila na magjowa kami. Sa katotohanang iyon ay nagkakaroon ako ng pagkainis sa sarili....hindi man lang ako makagawa ng paraan para madala si Rex sa bahay ko at mapakilala siya sa pamilya ko. May takot pa rin kasing nangingibanaw sa akin, pilit ko pa ring tinatago sa kanila ang pagiging gay ko at kahit dumating na si Rex sa buhay ko ay hindi ko pa rin magawang makaamin sa kanila, hindi lang talaga iyon ang tamang panahon para sa akin na ibunyag sa kanila ang totoong ako.

Nahalata ni Rex ang biglaang pagkabahala na namutawi sa mukha ko kaya't mahinahon ulit siyang nagsalita.

Rex: uhmmm...ok lang naman kung hindi mo pa kaya.

Sa puntong iyon ay hindi pa rin ako makareact, bigla kasi talaga akong naapektuhan sa binitawang iyon ni Rex.

Rex: sorry, di ko na dapat binanggit pa yon!

Sa paghingi ni Rex ng sorry ay parang natauhan ako, gusto kong sabihin kay Rex ang pagkaapekto ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa mga hita ni Rex at masinsinan siyang kinausap.

Ako: mahal, wag kang magsorry...sa totoo lang..dapat ako ang nagsosorry.

Ako: pinasok natin tong relasyon na ito, mahal na kita pero hindi ko...mabigay sa'yo yung dapat..

Ako: hindi magandang isipin na...ako...nakilala na yung pamilya mo, naging legal na sa mama mo tapos...ikaw...hindi ko man lang maiharap sa pamilya ko.

Rex: mahaaal..

Ako: kahit sino...iisipin na napakaunfair ko, gustuhin ko man na dalhin kita sa pamilya ko...sa mga magulang ko... mapipilitan akong ipakilala ka bilang isang kaibigan lang. Ayokong mangyari yon mahal, mas maganda para sa'kin na itago muna natin to sa pamilya ko kaysa sa...ideny kita sa kanila.

Labis akong nadala ng emosyon ko, dahil doon parang nagsisimula nang manlamig ang boses na lumalabas mula sa bibig ko. Sa pagdadrama ko ay naramdaman ko na lang ang mga malalambot na palad ni Rex sa mga pisngi ko.

Rex: mahal...inaamin ko na..yun nga yung pinaka-inaasam asam ko sa relasyon natin pero alam ko yang nararamdaman mo, wag mo na munang gaanong isipin, maghihintay ako....Hihintayin ko na maging handa ka naa.

Rex: nag-uumpisa pa lang tayo, balang-araw, magkakaroon ka rin ng lakas ng loob at magkakaroon ka ng kalayaan.

Ako: hindi mo maaalis sa akin na mag-isip...sana...makakapaghintay ka, sana mahintay mo yung panahon na mapapakilala kita sa parents ko bilang bf ko.

Rex: haaay! itigil na natin to, dapat masaya lang tayo mahal. Nilalambing mo lang ako kanina ah.

Ako: sorry mahal, bawal ba magdrama?

Rex: haha pwede naman.

Hinila ako ni Rex, at napasubsob ng husto sa kanya, humiga kami sa sofa, at pinahiga ako ni Rex sa dibdib niya.

Rex: mabuti na rin na nalalaman ko yung saloobin mo para alam ko rin kung ano ang hindi ko muna dapat gawin o sabihin.

Ako: ikaw ba mahaal? may tinatago ka ba dyan? pwede mo namang ilabas sa akin.

napataas ang isang kilay ni Rex at napagalaw ang kanyang mga labi.

Rex: uhmmm..

Mabilis na inilagay ni Rex ang kamay ko sa harap niya, at sa pagkakalapat ng kamay ko ay nakapa ko ang matigas-tigas nang alaga ni Rex na sa totoo lang ay talagang namiss ko na.

Rex: Ayaan mahal! hahaa

Dahil hindi naman talaga ako madalas nagpapakita ng kalibugan kay Rex ay tinanggal ko kaagad ang kamay ko at napahampas sa braso niya.

Ako: ito talaga!

Rex: hahaa! ayan nga yung tinatanong mo..na tinatago ko na gusto kong ilabas.

Ako: hahahahahaaa

Hinatid ako ni Rex at nakauwi rin ng mas maaga. Kakaiba ang lampas 24 hours na iyon na magkasama kami ni Rex..na kaming dalawa lang. Ramdam ko pa rin ang sore sa loob looban ng tumbong ko dahil sa pagtatalik namin ni Rex at pagsuko ko sa kanya ng virginity ko nung huling gabi, masaya na hindi makapaniwala na nagkaroon na ako ng experience sa sex at sa gwapo pa, na bf ko. Madalas kaming sweet ni Rex pero hindi ko talaga makakalimutan ang pagkakataon na iyon na magkasama kami sa isang malawak na bahay, nagagawa ang kung anumang gustuhin namin, matutulog ng sabay, gigising sa umaga na makikita agad ang pagmumukha ng isa't-isa, sabay na kakain ng pagkain na luto ni Rex, aalis at mamamasyal mula sa bahay niya at higit sa lahat, hindi ko na talaga makakalimutan mismo si Rex dahil sa pagbili niya ng kwintas o couple necklace namin at couple shirt, maging ang pagbigay niya sa akin ng damit niya na may scent pa niya, ang mga materyal na iyon ang magsisilbing mga simbolo at alaala ni Rex at ng malalim naming relasyon.

Kinabukasan, bisperas ng Pasko, ay maaga akong nagising, 7am ang flight ni Rex paalis, pinilit kong gumising ng maaga para lang hintayin ang tawag ni Rex.

(On Phone Call)

Rex: Hello mahal.

Ako: Hello..Good morning mahal.

Rex: Good morning.

Rex: papunta na akong airport, kasama ko College friend ko, siya yung nagdadrive ngayon...tsaka sa kanya muna si kotse ko habang nasa Bicol pa ako.

Ako: ah ganun ba...lalaki o babae?

Rex: haa?

Ako: yung kasama mo?

Rex: lalaki! bakit mahal.

Ako: wala lang.

Rex: Suus! alam ko na yan. hahaa

Mula sa linya ni Rex ay naririnig kong nag-uusap siya at ang kasama niya, tungkol yata sa place na pupuntahan ni Rex.

Ako: ahh..mahal, tawag ka na lang ulit kapag nasa airport ka na.

Rex: ahh sige sige mahal

ilang minuto lang ay tumawag ulit si Rex na parang nagmamadali.

Rex: mahal...mahal....pumapasok na ako sa loob ng airport, di na kita matatawagan.

Ako: ah ok mahal, mag-ingat ka.

Rex: oo mahal, mag-iingat ako at yung airplane...tatawag ako sa'yo agad pagpunta ko ng Bicol..bye! I love you mahal!

Ako: bye! I love you..

Nawala agad ang tawag, hindi ako naging handa sa sandaling tawag na iyon, marami pa sana akong gustong sabihin kay Rex bago siya umalis. May suntok pa rin sa puso na marinig ang pansamantalang "bye" ng bf ko, sadyang mahina lang ang puso ko at mabilis makaramdam ng hindi kanais-nais.

Naghintay ako ng umaga hanggang tanghali sa tawag o text man lang ni Rex, nag-online pa ako sa fb para icheck kung online siya. Pagdating ng ala una ay nakatanggap ako ng text mula kay Rex.

Rex: "mahal mahina yata signal dto, dto na ko Bicol, ksama ko na sila mama, kanina lng umaga pa ako dumating"

Ako: "ahh buti nman, kmusta nman kayo dyan?"

Ang tagal bago makapagreply ni Rex, hindi ko alam kung dahil lang sa mahinang signal o dahil busy siya sa pakikipag-usap niya sa mga kamag-anak niya. Hindi na lang muna ako nag-abalang maghintay at naglibang na lang sa facebook, Ilang oras lang ay nagtext na si Rex at gusto niyang mag-Skype kami. Saktong walang tao sa sala, ang ate ko ay nagpapahinga sa kwarto niya at ang mama ko at isa kong kapatid ay nag-grocery. Madalian kong binuksan ang laptop ko at tinawagan ang account ni Rex, ganun na lang ang laki ng ngiti ko nang makita ang mukha ni Rex, nasa loob lang din siya ng isang kwarto at laking tuwa ko nang makita kong suot niya ang couple shirt namin at ang kwintas.

(On Video Call)

Ako: "mahaaaal! kamusta kayo dyan?"

Rex: "masaya naman, maingay yung mga relatives ko"

Ako: "buti naman! at bukod sa kwintas..suot mo din yung t-shirt"

Rex: "oo mahal, para naman ramdam pa rin kita kahit magkalayo tayoo..tsaka daming tumitingin at pumapansin sa akin dito...malalaman nila na...taken na ako pag nakita nila tong kwintas at t-shirt ko"

Ako: "eeeh pwede naman nilang isipin na I LOVE GOD yung nasa t-shirt mo, mas matuturn on pa tuloy sila. hahaa"

Rex: "oo nga no! pero may kwintas pa rin naman, sa susunod bibili na tayo ng singsing natin"

Napapakagat na lang ako sa lower lip ko sa mga pinagsasabi ni Rex, iba pa rin ang dala niyang pagpapakilig sa akin.

Rex: "teka ngaa...dapat suot mo din yung t-shirt mo mahal"

Ako: "Oo nga...sandali"

Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at isinuot ang t-shirt na binili sa akin ni Rex. Labis ang pagkatuwa ni Rex na makita akong suot iyon.

Matagal pa kaming nag-usap ni Rex sa Skype, nakausap ko pa si Tita Ellen na natuwa din nang makita ako. Kahit may kinakain si Rex ay hindi namin ibinababa ang tawag. Bago pa makauwi sila mama galing sa grocery shop ay natapos na ang tawagan namin ni Rex sa Skype. Sa pagkalayo ni Rex sa akin at paggamit namin ng Skype ay para bang kami ni Rex ay nasa LDR...Long Distance Relationship.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 21)
The Guy From PR (Part 21)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-21.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-21.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content