By: JB Pagsapit ng Christmas Eve hanggang sa magtanghali ng Pasko ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon ni Rex na makita ang isa't-i...
By: JB
Pagsapit ng Christmas Eve hanggang sa magtanghali ng Pasko ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon ni Rex na makita ang isa't-isa sa video chat dahil sa alanganin iyon para sa akin, kapiling ko lang kasi most of the time ang pamilya ko at pati na rin ang mga kamag-anak ko na bumisita sa bahay namin. Labis ang pagkamiss ko kay Rex, dahil doon ay pinipilit kong makapuslit na makalayo sa bahay at tawagan siya, kahit nahihirapan akong macontact si Rex ay sige lang ang pagtawag ko sa kanya hanggang sa masagot niya rin ito.
(On Phone Call)
Ako: Uhmmm..mahal?
Naririnig ko ang boses ni Rex ngunit nasasapawan ito ng ingay na malamang ay nanggagaling sa mga kasama niya.
Ako: Helloo..
Rex: Hello!
Narinig ko ang boses na iyon ni Rex, tanging mahinang "hello" lang ang narinig ko sa phone, nawala agad ang tawag, sinubukan ko pa ulit makatawag kay Rex ngunit nabigo pa rin ako. Mabilis na sumanggi sa isip ko na..maaaring may kasiyahang nagaganap sa tinuluyan nila Rex sa Bicol kaya't ganoon kaingay, at baka nag-iinom si Rex kasama ang mga kamag-anak niya. Gusto ko iyon malaman at naisip ko na mas magandang ichat ko na lang si Rex.
Nasa loob ako ng kwarto ko ng ichat ko si Rex. Hindi pa niya nakikita ang huling message ko sa kanya, talagang minsan lang siya mag-online. Kahit ganoon ay chinat ko pa rin siya at bumati ng Merry Christmas, medyo mahaba-haba pa ang sinabi ko at tinadtad ko ng emojis at stickers ang message ko. Pagdating ng gabi ay sobra ang tuwa ko ng makita ang reply ni Rex na napakasweet, tagos sa puso ang mga sinabi niya sa chat niya at binawian niya rin ako ng mga emojis at stickers. Hirap na hirap akong macontact si Rex, hindi ko alam kung bakit kaya't nung online na kami pareho ay todo chat kami sa isa't-isa, hindi ko na rin naisip na galing si Rex sa inuman dahil normal naman siyang kachat.
Chat na lang sa fb ang nakapitan namin ni Rex para magkaroon ng chance na makausap pa rin ang isa't-isa kahit nasa malayo siya, hindi namin sinayang ang bawat oras at pagkakataon para makausap ang isa't-isa hanggang sa makalampas na ang araw ng Pasko at makauwi na sila Rex mula sa Bicol. Totoo nga na gagabihin sila masyado, bago magmadaling-araw ay hindi ko muna inabala si Rex at hinayaan siyang magpahinga at makapagreserba ng energy lalo na't diretso siyang papasok sa work kinabukasan.
Kahit nagkakausap pa kami ni Rex ay tila nagmamadali ang mundo sa pag-ikot. Dumating na rin ang Bagong taon. Masaya ang pagdiriwang ko nito kasama ang aking pamilya, nasaksihan ko pa ang Ate Gwen ko na pinakilala ang bf niya sa parents ko. Pinapanood ko noon ang reaksiyon ng mga magulang ko, hindi sila nag-atubiling makipagkamay sa bf ng ate ko, malalaki ang mga ngiti sa kanilang mga labi, maayos nila agad itong pinakisamahan at ipinaramdam na welcome na welcome siya sa pamilya namin. Masaya ako para kay Ate Gwen pero naapektuhan ako sa nasaksihan ko, naalala ko ang mukha ni Rex habang pinipilit nitong ilagay sa kanyang imahinasyon ang isang scenario na pinipigilan ko pang mangyari, yun nga ang pagpapakilala ko sa kanya sa pamilya ko.
Pumasok ang bagong taon, napakalaking selebrasyon ngunit hinding-hindi ko makakalimutan na sa araw ding iyon ay ang first monthsary namin ng bf ko na si Rex. Lampas isang linggo na kaming hindi nagkikita at miss na miss ko na siyang makasama ulit. Tinawagan ko si Rex ng madaling araw nang humupa na ang mga ingay ng mga paputok at fireworks.
(On Phone Call)
Ako: mahaaaal! Happy New Year and Happy First Monthsary!!
Agad kong narinig ang hindi nakakasawang pakinggan na tawa ni Rex
Rex: Happy New Year mahal!
Rex: And happy monthsary! wala ka bang ibibigay sa aking gift?
Ako: Hmmmm...
Pinatunog ko ang aking mga labi, gusto kong iparating kay Rex na isang halik na imahinasyon lamang ang maibibigay ko muna sa kanya.
Ako: Ayun mahal, gift ko!!
Rex: Ang sarap naman ng gift mo.
Ako: Yun lang muna ah!
Rex: Ok lang, namiss ko tuloy ang mga halik mo.
Ako: Ako, namimiss ko na ang lahat sa'yo!!
Rex: ako rin naman e.
Ako: kapag nagkita na ulit tayo..tatadtarin kita ng halik.
Rex: Wow! gusto ko yon!
Rex: Ako...higit pa doon ang ibibigay ko sa'yo.
Ako: hahaa ikaw na bahala mahal.
Natapos agad ang usapan namin na iyon ni Rex, pinapapasok pa rin kasi siya sa trabaho sa kabila ng okasyon na iyon. Pagkatapos ng usapan namin ni Rex ay muli na namang tumindi ang pagkasabik kong mahagkan ang bf ko. Gagawin ko lahat ng pwede kung gawin sa kanya sa muling pagkikita namin.
Alam ni Rex na wala pa akong maibibigay na materyal o kahit ano sa kanya sa first monthsary namin, ang plano ko ay muli siyang isurprise, gusto kong ipakita kay Rex ang effort ko para sa kanya.
Gabi nang bumiyahe ako at pumunta sa bahay nila Rex dala ang bili kong chocolates at cake na pinalagyan ko ng short message sa ibabaw nito. Tuwang-tuwa si Tita Ellen sa pagpunta ko dahil na din sa binilhan ko rin siya ng pagkain.
Ako: Uhhh..tita...happy new year po!
T. Ellen: happy new year gab...pasok ka!
Pagkapasok ko ay nahiya pa akong tumuloy at tumungo sa sala dahil may mga bisita pala sila Rex.
T. Ellen: Ahh..wag ka mahiya Gab! mga relatives ko and family friends.
Binati ko agad sila, lahat sila ay nakatingin sa akin, napapayuko ako sa hiyang nararamdaman ko, pinatuloy ako ni Tita Ellen at pinaupo sa may lamesa nila sa sala. Inilapag ko doon ang mga nakabalot na surpresa ko kay Rex.
Tita Ellen: May cake kang dala..at ano pa yang ibang dala mo?
Ako: Uhhh..hahaa....chocolates po...para kay Rex.
Nagbigay ng makahulugang ngiti si Tita Ellen, sandali siyang napaisip, at kasunod noon ay nagtanong siya sa akin sa mahinang niyang boses.
Tita Ellen: uhmmm...monthsary niyo ba ni Rex?
Napayuko ako at napangiti ng papilit.
Ako: opo tita.
Napatingin ang mga bisita ni Tita Ellen sa amin dahil sa napalakas ang boses niya kasabay ng pagtapik niya at muli niyang pagkausap sa akin.
T. Ellen: Ayy! sabi ko na nga baaa!
Napakamot ako sa noo ko at kita ko si Tita Ellen na napatakip ng bibig niya.
Mahinahong nagsalita si Tita Ellen
T. Ellen: Gaab...akyat ka na lang doon sa kwarto ni Rex, bukas naman yon. Hintayin mo na lang siya, darating yon..siguro pag mag-10pm.
Ako: Ok po tita pero...pwede po ba na....wag niyo po muna ipaalam sa kanya na pumunta po ako ngayon dito, isusurprise ko po kasi talaga siya.
Napabuka ang bibig ni Tita Ellen pagkatapos ko iyong sabihin. Hindi siya kontra sa gusto kong gawin at kitang-kita ko na ikinatuwa niya ang gagawin ko.
T. Ellen: Wow! sige anak...maaasahan mo ako diyan.
Ako: Sige po..thank you po tita.
Sa pag-akyat ko sa hagdan nila ay narinig ko ang isang bisita nila Tita Ellen na nagtatanong ng tungkol sa akin, kung sino raw ako at ano ang relasyon ko kay Rex. Pinakinggan ko ng maigi ang isasagot ni tita, tawa lang ang sinagot niya sa kanyang bisita at pinatigil lang ito sa pagtatanong.
Sa aking inaasahan ay dumating na nga si Rex sa bahay nila mula sa trabaho niya, narinig ko na ang boses niya pati ang mga hakbang niya habang umaakyat, nakaupo lang ako sa kama ni Rex at nakaharap naman sa pinto. Pagkabukas ng pinto ay ang nakangiting si Rex ang bumungad. Agad niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit, nakikita ko pa sa mukha ni Rex ang pagod at antok sa trabaho. Saglit pa kaming nagkatinginan bago magbigay ng halik sa isa't-isa.
Ako: nagulat ka ba na nandito ako mahal?
Rex: actually pagdating ko..nagkaroon na ako ng clue.
Ako': huh? paano ka naman nagkaclue.
Rex: e kasi..yung maingay kong tiyuhin na nasa baba, sinabi sa akin na may bisita raw akong dumating. Dinescribe ka niya kaya naisip ko na....bf ko yung bisita na sinasabi niya. hahaa
Patapos na iyong sabihin ni Rex nang biglang may nagbukas ng pinto, napalayo ako ng kaunti sa halos pagkakadikit ng mukha namin ni Rex. Si Tita Ellen pala ang papasok sa kwarto.
T. Ellen: Ayy sorry mga anak!
Rex: Hahaa ok lang maa.
Sandaling napaupo sa upuan si Tita Ellen at nagsimulang magkwento, tawa siya ng tawa dahil sa kadaldalan ng lalaki niyang pinsan na isa sa mga bisita nila at sinasabi ni Rex na tiyuhin niya. Ilang minuto lang pagkatapos lumabas ni Tita Ellen mula sa kwarto ni Rex ay binigay ko rin kay Rex ang binili ko para sa kanya at inilapit sa kanya ang cake na binili ko para sa pagcecelebrate ng monthsary namin. Ang nakasulat sa ibabaw nito ay "Happy 1st Monthsary Mahal....from G". Nang makita ito ni Rex ay niyakap niya ako ng mahigpit at humalik sa kung saan-saang parte ng mukha ko.
Rex: Wow! salamat dito mahal!
Ako: Dapat ko lang naman gawin to!
Halata ang sayang nararamdaman ni Rex sa mga mata niya.
Rex: Napasaya mo ako dito.
Ako: I love you
Rex: I love you more!!
Napakasaya ng first month namin ni Rex, sa isang buwan na iyon ay wala akong nakitaang pagbabago, sweet pa rin kami sa isa't-isa ni Rex, sa katotohanan ay lalo pang tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya, at ramdam ko rin ang totoong pagmamahal niya para sa akin.
Sa paglipas pa ng mga araw ay mas naging busy si Rex sa trabaho niya, busy season na ng mga accountant at buong-buo ang pagkakaintindi ko doon. Dahil sa mas busy na si Rex, ay ilang araw na lang sa isang linggo kami nagkakausap sa phone pero pinapaalam pa rin ni Rex sa akin sa text kapag patulog na siya, papunta na siya sa work, kung nakapaglunch na siya at kung pauwi na siya. Ganon pa din naman ako sa kanya, sinasabi ko sa kanya ang mga lakad ko, ang mga problema ko, ang mga nangyayari sa akin sa bawat araw. Pareho kami ni Rex na puro palitan ng mga Good nights, Good mornings, Good afternoons at syempre...ang pinakamadalas ay ang mga katagang "I love you", "mahal kita", " I miss you"......ramdam na ramdam ko ang matibay na relasyon namin.
May mga pagkakataon rin na nagtampo ako kay Rex dahil sa mga libreng oras niya na hindi ginamit para sa amin at sa minsang pagkakaroon niya ng bad mood na hindi ko na makuha sa paglalambing. Minsan ay si Rex naman ang magtatampo dahil sa mga maling akala niya tungkol sa mga ginagawa ko, nagtalo na rin kami isang beses dahil sa mga paghihinala niya ng masama sa akin.
Lahat ng pagtatampo at pagkakaroon ng inis sa isa't-isa ay mabilis naman ding nawawala lalo na kapag nagkikita kami, kahit papaano ay may mga araw pa rin naman si Rex na nakakaalis siya ng mas maaga sa trabaho, at ako rin naman ay nakakabiyahe pa rin papunta sa bahay nila para dalawin sila Tita Ellen at para lang mapawi ang umaatakeng pagkamiss ko kay Rex. Naranasan ko naman sa pangalawang pagkakataon, noong Valentines Day.. ang isang nakakapanginit, mas sumarap, at talaga nga namang nakakalibog na romansa kasama si Rex, nagcheck-in kami ni Rex sa isang hotel at nagawa ang matagal na naming binalak na gawin, pareho kaming napaka-aggressive ni Rex ng gabing iyon, sabik na sabik kami sa isa't-isa at halos gumulong na kami sa kama, mas bigay todo si Rex at ako naman ay hindi na gaanong inalala kung may sakit man akong maramdaman, mas nangingibabaw ang pagkasabik ko sa katawan ni Rex.
Nakita ko naman habang tumatagal na kumakapit lang si Rex sa akin at pinaparamdam pa rin ang pagmamahal na binibigay niya sa akin noong nagsisimula pa lang kami bilang magbf, maraming beses na hindi na halos magparamdam si Rex sa akin sa isang araw ngunit bumabawi siya sa mga sumusunod na araw, ako naman na kahit unti-unting mas nagiging busy sa school ay consistent pa rin ang pagbibigay sa kanya ng oras ko. Nagdaan ang pangatlo, pang-apat na monthsary namin ay maayos lang kami ni Rex at hindi umaabot sa puntong naisipan naming maghiwalay.
Buwan ng Abril at dumating na ang birthday ko, gabi pa lang ay sunod-sunod ang pagbati sa akin ni Rex. Kinaumagahan ng birthday ko ay nagtext siya sa akin at nagchat pa, ang text niya at chat niya ay tugma lang. Mahaba ang birthday message sa akin ni Rex.
(Rex's Birthday Message)
"Hi Mahal, It's the most special day of your life, It's your day. 19 ka na pala, legal na legal ka naa..so pwede bang maging legal na rin tayo sa parents mo? haha! Anyway, ang lagi ko lang naman na winiwish para sa'yo ay ang kasiyahan mo, isa na ako dun sa mga kasiyahan mo, alam ko naman yon..alam ko na kahit bf mo na ako ay pinagpapantasyahan mo pa rin ako. hahaa! pero seriously mahal, gusto ko talaga na lagi kang masaya, na lagi kang okay...mahal na mahal kaya kita! bukod sa mama ko at sa pasaway kong kapatid, ay ikaw ang pinakaimportante sa buhay ko, wag kang bibitaw sa akin mahal, hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa'kin. Tandaan mo rin na lagi lang akong nandito para sa iyo, medyo busy pa si bf mo sa trabaho, para naman to sa atin mahal, at ikaw naman, study hard pa! make your parents proud at wag mo silang biguin, hindi rin kita bibiguin sa pagmamahal ko! Happy Birthday mahal! Enjoy your day, stay cute & keep that smile on your face, sana lahat ng wish mo pati ang mga pangarap mo ay matupad. I love you sooooooo much! mwah mwah mwah!"
Sobra akong naantig sa mensahe ni Rex, ang puso ko ay sasabog na sa di maintindihang nararamdaman ko. Ang haba ng birthday message na iyon ni Rex para sa akin, parang gusto kong sunggaban si Rex, pasalamatan siya at sabihin sa kanya kung gaano ko rin siya kamahal. Hindi kami nagkita ni Rex ng kaarawan ko kaya bumawi na lang siya sa message niya.
Isang araw matapos ang busy season sa trabaho ni Rex ay may nagyari na hindi ko talaga ginusto. Nagkita kami muli ni Rex, hapon yon at galing lang ako sa summer class ko. Kakalabas lang namin sa isang restaurant nang makita ko si Papa, nanlaki ang mga mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Magkahawak kami ng kamay ni Rex, bumibitaw ako pero si Rex ay pinanatili lang ang kamay na nakahawak sa akin.
Ako: Rex!! bitawan mo kamay ko!! makikita tayo ni Papa!!
Lalong hinigpitan ni Rex ang hawak niya sa kamay ko na nagpalakas pa lalo ng boses ko.
Ako: Ano ba Rex!!
Nang bitawan ni Rex ang kamay ko ay agad akong nag-ayos ng paglalakad, mabilis na nauna sa akin si Rex na maglakad ayon na rin iyon sa utos kong gawin niya, nalagpasan na ni Rex si Papa at tuluyan na akong nakita ni Papa na pasalubong na sa kanya. Napahinto kami sa gilid ng daanan at si Rex ay nakatayo sa di kalayuan.
Ako: Pa...
Papa: Gab! napunta ka dito? may klase ka diba?
Ako: Ah oo nga pa..kanina pa.
Ako: Nandito ka rin pa...dito ba yung biyahe mo!
Papa: Tumigil lang kami dito, may binili kasi si Mam. She.
Ako: Ahhh...
Papa: Sinong kasama mo?
Ako: ahh..mga classmates ko, nauna sila sa'kin e, susundan ko na sila...sige pa...bye!
Papa: Ok, umuwi ka nang maaga ah!
Ako: Oo pa.
Pagkausad ni papa sa paglalakad ay tinawag ko na si Rex at pinasunod sa akin. Naging seryoso ang mukha ni Rex habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya. Pagpasok namin ng sasakyan hanggang sa pag-alis ay hindi na ako iniimik ni Rex, kahit hawakan ko pa ang braso niya at ang kamay niya ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Alam ko na naapektuhan talaga siya sa nangyari pagkalabas namin ng kainan.
Ako: mahal?
Ako: akala ko ba naiintindihan mo ako?
Sa pagsambit ko ng mga iyon ay sandaling napatingin sa akin si Rex at nagsalita.
Rex: hanggang kailan kita iintindihin?
Ako: Rex, akala ko ba...maghihintay ka...ano tong ginagawa mo?
Ako: Gusto mong makita tayo ni papa na magkaholding hands habang naglalakad, gusto mong masabihan ako ng masama ng papa ko sa daan na pwedeng maraming makakita at makapanood? wag mo ipilit yung mga bagay na alam mong hindi maganda yung kakahinatnan!!
Rex: so..sa tingin mo ganon ang gagawin ng papa mo?
Ako: hindi ko alam!! ayoko pa!! hindi ito yung tamang oras at hindi iyon yung tamang lugar!!
Rex: tinutulungan lang naman kita Gab! bakit ba hindi mo makita yon?
Ako: walang magagawa yung tulong mo! ipapahamak mo pa ako!!
Natahimik kami sa huli kong sinabi, ilang beses akong tumitingin kay Rex ngunit di na niya magawang tingnan ako kahit sandali lang. Nakikita ko sa mukha ni Rex ang pagkalungkot at pagkadismaya, kahit nakaramdam ng inis ay tila nakonsensiya ako sa ginawa ko, masyado akong nadala ng inis at hindi pinansin o inisip man lang ang nararamdaman ni Rex.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay narinig kong muli ang mahinang boses ni Rex.
Rex: Ayoko nang ganito.. hindi ito yung gusto ko..
Hinaplos ko ang balikat ni Rex, may lungkot na may galit ang bumabalot sa mukha niya.
Ako: mahaal...sorry
Tila hindi narinig ni Rex ang sinabi ko. Hinayaan ko lang siya na hindi niya ako sagutin.
Rex: Alas sais naa.. maaga kang pinapauwi ng papaa mo. Ibaba na kita malapit sa inyo.
Ako: Mahaaal..
Rex: Next time na lang ulit.
Kinakausap ako ni Rex pero hindi siya nakatingin sa akin, inaalala ko ang mga ginawa ko na kinalungkot niya, talagang hindi ko siya masisisi sa nararamdaman niya.
Ilang minuto lang ay huminto na ang kotse ni Rex sa harap ng pamilyar na pamilyar sa akin na convenience store. Gusto kong magpaalam ng maayos kay Rex kaya't inabot ko ang kanyang pisngi at hinalikan. Diretso pa rin ang tingin ni Rex, hindi man lang gumagalaw ang kanyang paningin papunta sa akin.
Ako: Bye...
Ako: Mahal?
Rex: Sige na, umuwi ka na sa inyo.
COMMENTS