By: JB Plano ko na pagkatapos ng summer class at bago mag-umpisa ang 4th year ko sa College ay mabawasan ang mga sikreto ko sa pamilya ko...
By: JB
Plano ko na pagkatapos ng summer class at bago mag-umpisa ang 4th year ko sa College ay mabawasan ang mga sikreto ko sa pamilya ko, hindi ko sila bibiglain, balak kong sabihin sa mga kapatid ko bago sa mga magulang ko. Hindi talaga ito madali para sa akin, nilalagay ko na lang sa isipan ko na hindi lang ito para sa akin, para rin sa mga mahal ko sa buhay at syempre, kasama si Rex doon.
Pagkatapos kong ipaalam kay Rex ang mga plano ko ay mas napapaaga ang pagtawag niya sa akin tuwing gabi, nasa sasakyan pa lang siya at pauwi pa lang ay tatawag na siya at magtatanong tungkol sa plano kong pag-amin sa pamilya ko. Excited na kinakabahan para sa akin si Rex pero paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na kahit anuman ang maging resulta ng gagawin ko ay walang magbabago.
Isang linggo na lang bago ang pasukan, kahit nasa school ako at inaasikaso ang enrolment ko for first sem ay ginugulo ako ng isip ko. Kapag nasa bahay na ay pinagmamasdan ko sila mama at papa, maging ang mga kapatid ko na mga pagod galing sa kani-kanilang trabaho. Masaya sila, masaya kaming pamilya, puro biruan at pag-uusap lang tungkol sa mga goals at plano namin sa buhay. Nananahimik lang ako at nanonood ng TV, kahit nakatuon sa telebisyon ang mga mata ko ay nagdedesisyon naman ang utak ko kung isasakatuparan ko na ba ang dapat kong gawin, tinatanong ko pa sa sarili ko kung iyon na ba ang tamang oras.
Isang araw sa school ay nagkita kami ng bestfriend ko na si Michaela. Hindi pagkamusta ang salubong niya sa akin, tinanong niya agad ang tungkol sa amin ni Rex.
Michaela: Gab...ano? strong pa rin kayo? kayo pa rin nung gwapong si Rex.
Ako: Aba! oo naman.
Michaela: Grabe ha! talagang di mo pinapakawalan.
Ako: syempre! mahal namin ang isa't-isa.
Michaela: gaano na nga kayo katagal?
Ako: mag-aanim na buwan na kami.
Bigla akong kiniliti ni Michaela at pabiro siyang nagsalita.
Michaela: ang tagal na...imposibleng wala pang nangyari sa inyo.
Napakunot ako ng noo ngunit napangiti rin sa biro ni Michaela.
Michaela: tingnan mo oh! nakangiti, meron na nga. hahaa
Ako: hala! wag ka ngang ano!
Michaela: hindi, pero...meron na nga?
Michaela: magbestfriend tayo Gab, walang lihiman diba!
Ako: oo, meron na!
Napasigaw ang bestfriend ko sa isinagot ko, malayo talagang walang mangyari sa amin ni Rex pero sa reaksyon ni Michaela, parang gulat na gulat siya at hindi makapaniwala. Hindi siya makapagpigil at nagsalita pa.
Michaela: Grabee bes...nakaanuhan mo...yung ganon kagwapo.
Ako: eh natural lang yon, magbf kami tsaka mahal nga namin ang isa't-isa!
Michaela: ikaw na talaga Gab!
Michaela: eh anong pakiramdam the first time na pinasok ka niya?
Ako: masakit bes, pero nung paulit-ulit na...sumasarap naman. hahaa
Michaela: my gosh!!
Ako: wag na nga nating pag-usapan yan!
Umayos na sa pagkakaupo si Michaela at tumigil na sa pagtatanong tungkol sa sex life ko, hindi ko na pinatagal ang topic na iyon hanggang sa ipinaalam ko na rin sa kanya ang gagawin kong pag-amin sa pamilya ko. Nabigla si Michaela, kinabahan siya at sinimulang mag-alala para sa akin.
Michaela: inisip mo ba ng maayos to? ito ba talaga yung tamang panahon na gawin yan.
Ako: sa tingin ko...ito na yon. Gusto ko nang maging malaya Micha.
Michaela: yun naman din ang gusto ko para sa'yo
Michaela: pero Gab...sigurado ka na ba talaga?
Ako: lalakasan ko yung loob ko.
Michaela: Gab...gawin mo to para sa sarili mo, wag mo tong gawin para lang sa boyfriend mo. Sana... matanggap ka ng pamilya mo, nandito lang ako Gab ha.
Ako: salamat bes.
Nakalampas na ang dalawang araw, pag-uwi ko ng gabi ay si Ate Gwen lang ang nakita ko sa bahay at ilang oras lang ay dumating na si Ate Giselle.
Ako: te Gwen...asan pala sila mama?
Ate Gwen: ahh..nasa Las PiƱas kela tita.
Ako: ano oras sila uuwi?
Ate Gwen: ewan ko lang...pauwi na rin siguro sila.
Ang dalawang kapatid ko lang ang kasama ko sa bahay. Seryoso ang mga ate ko at nakikita ko na...iyon na siguro ang magandang tiyempo para masimulan ko ang pag-amin.
Nagtagal pa ako sa kakatitig sa dalawang ate ko, pareho silang nakayuko at nagcecellphone, sigurado na ako na sasabihin ko na sa kanila ang totoo maging ang tungkol sa bf ko na si Rex na nakita na rin ni Ate Giselle sa picture. Bago magsimulang magsalita ay napahinga ako ng malalim, ilang beses ko pa iyong ginawa para mabawasan ang kaba, para ba akong isang mahiyaing estudyante na magrereport sa harapan ng klase.
Ako: Ate...
Sabay na napatingin ang dalawa kong kapatid sa akin, si Ate Giselle ang nagsalita dahil siya ang mas madalas kong kausapin sa bahay.
Ate Giselle: Gab..ano yun?
napahawak ang buo kong kamay sa ulo ko, sisimulan ko nang magsalita.
Ako: ahmmm..
Sa hindi inaasahan ay napunta ang buong atensyon namin sa may labas ng bahay, may naririnig kaming nagsisigawan, nabulabog kami sa ingay at sa tunog ng nababasag na mga bagay, napasilip kaming tatlong magkakapatid sa labas. May mga lasing pala na nag-aaway at nagbabatuhan ng bote, hindi na bago iyon sa amin dahil nakailang beses na rin na may mag-aaway at may nagsisigawan sa lugar namin na ikinabubulabog naming lahat. Halos isang oras bago natapos ang gulong iyon na nangyari malapit sa amin, habang unti-unting humuhupa ang tensyon sa labas ng bahay namin ay napatungo ako sa kusina namin, bumalik sa isip ko ang tuluyan ko na sanang pag-amin sa mga kapatid ko, nakahanda na ang dapat kong sasabihin ngunit umeksena pa ang mga basagulero naming mga kapitbahay.
Makalipas ang isang minuto ay nakarating na ang mga magulang ko kasama ang bunso naming kapatid na si Grace, nagtagal pa sa labas si mama at papa dahil sa nalamang pangyayari sa labas. Marami silang dalang pagkain, nawili sa kakakain ang mga ate ko samantalang ako ay walang gana at nakatingin lang sa kanila, may bigat sa loob ko, hindi ko pa nagawa ang unang hakbang ko.
Sumanggi sa isip ko na wag muna ulit ituloy ang paglabas ko ng isang malaking rebelasyon sa pamilya ko pero mas nangibabaw ang pagkakaroon ko ng paninindigan. Naghintay ako na pumasok sa kwarto ang dalawang ate ko para ituloy ang sasabihin ko.
Matagal ang pagkekwentuhan nila mama at papa maging ang tila walang katapusang pag-oopen ni Ate Giselle ng iba't-ibang topic. Maya-maya lang ay may napag-usapan sila mama tungkol sa pinsan ni papa na isang gay.
Mama: tawang-tawa ako sa pinsan mong bading, nung una lalaki ang galaw tapos nung nalasing....hala ka! nahalata na ang pagkabading. hahaa!
Nahahawa ako sa malakas na tawa ni mama pero napapatingin din ako kay papa, hinihintay ang sasabihin niya at tinitingnan ang reaksyon niya. Napangiti lang si papa sa pagbukas ni mama ng topic na iyon. Patuloy si mama sa pagsasalita hanggang sa maisama na niya ako sa usapan.
Mama: nakakatuwa yung bading na yun ah.
Mama: ano kaya kung ganon si Gab eh ano.
Napalunok ako at nakaramdam ng pagka-awkward sa sinabi ni mama. Nabigla ako sa sinabi ni Mama, nakisabay lang ako sa pagtawa at hindi na inintindi ang ibang dinugtong ni mama sa sinabi niya. Napatayo ako at kumuha ng tubig, biglang nagsalita si Papa at sumama sa usapan, pinakinggan ko ng maigi ang sinabi niya.
Papa: meron daw talaga sa lahi ng side namin...yung pagiging bayot ba!
Papa: etong lalaki ko...hindi naman siguro.
Papa: naku! hindi pwede na ang kaisa-isang lalaki kong anak ay maging ganoon, hindi ko kailanman naisip yon!
Mula sa kusina ay napadiretso ako sa cr namin, napaupo ako sa bowl, napayuko, napatulala at nag-umpisang maging emosyonal. Sa narinig kong iyon mula kay papa ay napagtanto ko na kung sakaling malaman niya ang tungkol sa akin ay hindi niya ako matatanggap, hindi niya expected sa akin na pwede akong maging gay at hindi magandang ideya sa kanya ang pagiging gay ko.
Naiyak ako sa loob ng cr, naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako sa mga nangyayari, hindi ko na dapat narinig iyon mula kay papa. Nagtagal ako sa loob ng cr kakaisip tungkol sa sarili ko at tungkol sa pagtago ko ng tunay na pagkatao sa pamilya ko, ang gabing iyon ay ang gabi na napanghinaan na ako ng loob, naging buo na sa isip ko na hindi ko na itutuloy ang plano ko. Magiging matagal pa bago nila malaman ang tinatago ko.
Nasa loob na ng kwarto ang dalawang ate ko, pagkapasok ko ay nagsalita si ate giselle at kinausap ako.
Ate Giselle: parang may sasabihin ka nga pala kanina Gab...ano nga ulit iyon?
Ako: ahh ano...wala! ok na pala.
Sa pagdedesiyon na hindi na pagsasagawa ng plano ko ay naisip ko na si Rex, kung ano ang sasabihin niya at mararamdaman niya sa desisyon ko. Inaasahan niya na magagawa ko iyon, hinihintay niya na lang ang magiging kalalabasan ng gagawin ko, maaari niya itong hindi ikatuwa dahil umaasa siya na malapit na ring mangyari ang kagustuhan niya na gawin ko at kagustuhan niya para sa aming dalawa. Hinintay ko ng gabing iyon ang pagtawag ni Rex. Mabigat ang loob ko at parang ayaw ko na magsalita pero kinailangan kong sabihin kay Rex ang pag-atras ko.
(On Phone Call)
Ako: Hi mahal..
Rex: Hello mahal, hindi ako nakatawag agad, nalowbat pala phone ko. Dito na ako sa bahay.
Ako: ahhh..mabuti naman.
Rex: kamusta na? nakaenroll ka na ba mahal?
Ako: uhmm..may gagawin pa ako bukas sa school, last na yon.
Hindi ko na namamalayan ang pagkatamlay ng boses ko na agad na napansin ni Rex.
Rex: Oh! bakit parang iba yung boses mo? may sakit ka ba?
Rex: may nangyari ba mahal?
Ako: wala naman.
Rex: parang meron e, sabihin mo na! wag kang maglilihim sa'kin kung may problema ka.
Ako: Rex kasi..
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ilabas ang bigat na nararamdaman dahil sa pagkawala ng pag-asa ko na matatanggap pa ako ng pamilya ko lalo na ni papa kapag umamin ako someday. Bukod doon ay maaari ko na namang mabigyan ng dahilan si Rex para madisappoint at malungkot. Nagsimula ulit akong maluha at maiyak.
Rex: mahaaal...ano bang nangyari?
Rex: nasabi mo na ba sa kanila? anooo? anong sinabi nila sa'yo...tanggap ba nila? please tell me Gab!!
Ako: Rex....hindi ko kaya..
Ako: hindi ko pa pala kaya!
Rex: anoo? what do you mean?
Ako: ayoko naaa..ayoko pang umamin.
Sa mahina kong pag-iyak ay tanging mahinang paghinga lang ang naririnig ko mula sa linya ni Rex, hindi niya alam ang isasagot niya, maaaring nakaramdam siya ng pagkadismaya sa nalaman.
Ako: Mahal, sorry...sorry talaga...
Rex: akala ko ba handa ka na...bakit naman biglang ganito?
Huminahon ako sa pagbabago ng timpla ni Rex, hindi niya talaga nagustuhan ang ipinaalam ko sa kanya
Ako: sorry talaga...may nagpigil sa akin, hindi ko to basta basta naisip, hindi ako nagdesisyon ng ganon ganon na lang.
Rex: gusto kong maintindihan.
Inilahad ko lahat kay Rex ang totoong nagpigil sa akin sa pag-amin, nabigo siya at umasa ngunit inintindi pa rin ako. Masakit para sa akin na paasahin si Rex ng ganon, ilang beses ko na siyang pinaasa. Inakala niya na matatapos na ang kanyang paghihintay ngunit sa tingin ko ay magtatagal pa ito. Ipinagdarasal ko na hindi umabot sa puntong magsawa si Rex at hindi na magustuhan ang kalagayan ng relasyon namin.
Pasukan na namin sa school, akala ko nung mga huling linggo ay dadaan ang araw na malalaman na rin ng pamilya ko ang sexuality ko pero nagkamali pala ako. Mapapatagal pa pala ang pag-amin ko. Kinalimutan ko na lang ang mga bagay na iyon at nagfocus na lang sa pag-aaral ko. 4th year na ako at next sem ay isasailalim na kami sa OJT. Mas kailangan ko na itong pagtuunan ng pansin, kapag nakatapos ako ay may maipagmamalaki na ako sa lahat, lalong-lalo na sa pamilya ko, magiging proud ang mama ko at papa ko kapag natapos ko ang College. Gusto ko nang magpaka-optimistic kaya mas sinipagan ko pa at mas binigay ang lahat.
Dahil sa sobrang focus sa study ay nabawasan ang oras ko kay Rex, parang mas busy na nga ako kaysa sa kanya, nasabi ko naman sa kanya na magiging mas busy na ako sa 4th year ko bilang IT pero nagtampo siya nang hindi ako makareply agad sa mga texts niya, napagtataasan ko siya ng boses palagi sa phone na lalo niyang ikinatatampo, napagsisihan ko lagi ang mga iyon at nagsosorry kay Rex, one time nga ay pinuntahan ko pa siya sa bahay nila para lang mas makausap siya ng maayos.
Rex: nung ako yung busy, hindi naman ako laging nawawalan ng time sa'yo pero yung ikaw na yung busy....
Ako: Sige na mahal, sorry naa..eto naman. I love you.
Hahalikan ko si Rex, yayakapin, patatawanin, haharutin, kikilitiin, wrewrestlingin. Lahat gagawin ko para maging maayos kami ni Rex tuwing mag-aaway.
Tatlong araw ang pinakamatagal na pagtatampo ni Rex, minsan din kasi, napapairal ko ang pride ko kaya hindi kami nagkakaayos agad. Nung mga sumunod na monthsary namin ay nagdate lang kami ni Rex, nood ng sine, kain sa restaurant, mamimili, maglalaro ng arcade games at magchecheck-in sa hotel para magpalabas ng init ng katawan at maibigay ang pangangailangan ng isa't-isa. Pagdating ng 8 months namin ay niregaluhan ako ni Rex ng relo at ako naman ay binilhan siya ng matagal na niyang hinahanap na t-shirt. Ginawa ko ang makakaya ko para mabigyan ng time ang gwapito kong bf ko na si Rex, ayaw ko naman kasi siya pakawalan, mahal ko na siya ng sobra at mahirap nang makahanap ng katulad niya, tingin ko nga sa kanya ay perfect na.
Unang beses ay napaghinalaan ko na rin si Rex na may ibang lalaki. Ilang beses ko na kasi nakita sa fb niya na may kasama siyang isang lalaki na kawork niya na parang gay. Malinaw sa mga pictures nila na malapit sila sa isa't-isa, maraming beses kong pinupuntahan ang profile ni Rex at matagal na pinagmamasdan ang picture niya kasama ang lalaking iyon, may pangamba at pagdududa pero pilit kong iniisip na hindi ako kayang lokohin ni Rex. Tinago ko lang sa sarili ko ang hinalang iyon, hindi naman talaga ako sigurado at sa tingin ko'y nag-ooverreacting lang ako.
Sa pagtagal pa namin ni Rex bilang magbf ay nalagay na lang sa normal ang relasyon namin, walang panlalamig sa isa't-isa ngunit nabawasan na ang madalas naming paglalambingan at pag-uusap, nawawalan na rin kami ng time para magkita. Gustuhin ko man na laging alamin ang kalagayan ni Rex at ang mga ginagawa ni Rex ay hindi ko magawa dahil sa gusto kong mas ituon ang atensyon sa pag-aaral. May pagkakataon na hindi maiwasan ni Rex na aminin sa akin na sobra na siyang nahihirapan sa relasyon namin, madalas niyang ipagsislksikan ang kawalan ng oras ko sa kanya, minsan nga ay hindi na lang siya magpaparamdam sa akinna idinudulot din minsan ng away namin, kailangan ko pa siyang itext para lang tawagan niya ako, kadalasan ay ako na lang ang tatawag. Nararamdaman ko na rin sa walong buwan namin na hindi pa siya makamove-on sa pagpapaasa ko sa kanya tungkol sa naudlot na pag-amin ko sa pamilya ko at sa pagpapakilala ko na sana sa kanya sa pamilya ko, alam ko na nauubos na ang pasensya niya sa paghihintay at sinusubukan niya na lang akong intindihin. Paulit-ulit ko lang na sinasabi sa kanya na wag niya akong susukuan at wag siyang bibitaw. Nalaman ko dahil dito...na mas maikili ang pasensya ni Rex kaysa sa akin, mas madali na siyang magtampo at mainis, nakita ko ang pagbabago na iyon pero pinili kong hindi magpaapekto at sinubukang maging positibo, bumabawi ako kay Rex sa anumang paraan na maisip ko.
Sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto ay naging okay naman kami ni Rex, dumating lang ang panahon na hindi naging maganda ang sitwasyon ko sa school, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa grupo ko sa isang major subject, sobrang sumama ang timpla ko. Umuwi ako sa bahay ng may inis, galit at disappointment sa loob ko. Kahit nagkakatuwaan pa nga sa bahay ay hindi ako makatawa at makapagsalita, bad vibes ako ng gabing iyon. Nang matutulog na kami ay nasa sala pa rin ako at malalim na nag-iisip, mga ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng pagkadumi, mabilis ang pagtungo ko sa cr namin, paglabas ko mula sa cr ay hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Pagkabalik ko sa sala namin ay nakita ko si mama na nakatayo at hawak hawak ang phone ko. Napatigil ako at hinintay ang sasabihin niya.
Mama: Gab..may tumawag sa'yo, ako na ang sumagot.
Inabot ni mama sa akin ang phone ko, nangamba ako masyado at unang pumasok sa isip ko si Rex, siya lang ang maaaring tumawag sa akin ng ganong oras.
Ako: Uhh...sino yung tumawag?
Mama: Classmate mo ba yon? Rex yung nakalagay e.
Ako: ahh..anong sabi?
Mama: eeh tatawag na lang daw siya ulit.
Ako: ahh ok..ako na lang yung tatawag.
Pag-upo ko ay muling nagsalita si mama at nagtanong sa akin na may halong pagtataka.
Mama: bakit mahal siya nang mahal? mahal yung tawag niya sa'yo?
Napabuntong hininga ako sa itinanong ni Mama, kinabahan ako at parang di ko alam ang isasagot ko.
COMMENTS