$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 26)

By: JB Nalaman ni mama ang mabigat na problemang kinakaharap ko. Ang alam ng mama ko ay babae ang maging syota ko, hinayaan ko na lang na...

The Guy From PR

By: JB

Nalaman ni mama ang mabigat na problemang kinakaharap ko. Ang alam ng mama ko ay babae ang maging syota ko, hinayaan ko na lang na yun ang isipin niya, hindi ko naman din sasabihin sa kanya na isang boyfriend at hindi girlfriend ang iniiyakan ko.

Mama: hindi ko naman alam anak na nagkagirlfriend ka pala, di mo naman siya pinakilala sa amin. Ano bang nangyari gab?

Ako: nag-away kami ma.

Mama: bakit kayo nag-away?

Ako: dahil lang sa oras na hindi ko mabigay sa kanya.

Kahit nagsisinungaling kay mama ay hindi pa rin talaga mawala ang sakit na nararamadaman ko, pansin ni mama ang lungkot na nababalot sa mukha ko kaya't panay din ang haplos niya sa likod ko at paulit-ulit na sinasabing parte lang ng buhay ko yun at makakalimutan ko rin habang tumatagal.

Napilitan na rin akong kumain ng araw na iyon dahil na rin sa pakiusap ni mama, hindi ko magawang kumilos sa bahay at gumawa ng gawaing bahay, pumasok lang ulit ako sa kwarto ko at inisip lahat ng pinagdaanan namin ni Rex bilang magbf, hindi ko mapigilang lumuha kapag dumadaan sa isipan ko ang mga magagandang alaala namin ni Rex. Kinagabihan ay nalaman din ito ng mga kapatid ko at ni papa, nagbiro lang nung una si papa sa akin ngunit binigyan din ako ng advice. Ang mga ate ko ay agad rin akong kinausap at sinubukang pagaanin ang loob ko, pinakinggan ko naman ang mga advice nila lalo na yung kay Ate Gwen na expert na sa love. Ang ate Giselle naman ay pinipilit akong ipakita sa kanya ang litrato ng alam nilang naging gf ko na hiniwalayan ako, wala akong maipakita sa kanya at sinabing gusto ko nang makamove-on.

Mahirap para sa akin na tanggapin ang pakikipagbreak ni Rex, gusto ko siyang tawagan o ichat pero isinisiksik ko sa utak ko na hindi ako magpapakadesperado, buong-buo na ang desisyon ni Rex, sa tingin ko noon ay hindi ko na mababago ang isip niya. Naiintindihan ko lahat ng saloobin at hinaing niya, pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko at mga pagkukulang ko na naging dahilan ng hiwalayan namin. Sana noon ko pa lang narealize lahat iyon at nagkaroon pa ako ng pagkakataon para baguhin lahat ng nagpapasama sa relasyon namin.

Huli na ang lahat at walang na akong ibang naiisip na magawa ng mga panahon na iyon kundi umiyak at subukang makalimot.

Kinabukasan, kahit di pa rin maalis ang sakit at lungkot sa akin, ay pumasok na ako sa school. Tinanong ako ng mga classmates ko at close friends kung anong nangyayari sa akin at kung ok lang ako, pinili kong hindi magsalita at ilipat ang atensyon sa school works namin. Naninibago ang mga classmates ko sa akin, hindi pa rin ako umiimik kahit pa naayos na namin ang problema sa mga kagrupo namin sa isang subject. Kinakausap ako ng mga classmates ko pero wala talaga akong ganang magsalita, tipid lang ang pagsasalita ko at seryoso lang ako sa mga gawain sa school. Sa kalagitnaan ng mga klase ko sa school ay ginugulo pa rin ako ng isip ko at mabigat pa rin ang buong pakiramdam ko, hindi ako makapagconcentrate. Sinubukan kong mapag-isa nang araw na iyon, at sa pag-iisa ko ay nadatnan ako ng bestfriend ko na galing noon sa cr ng school. Masaya ang approach niya sa akin ngunit naging seryoso, nang malapitan na niya ako at makita ang hitsura ko.

Michaela: Gab? anong nangyari? bagsak na bagsak yang mukha mo?

Binigyan ko ng ngiti ang bestfriend ko ngunit hindi iyon naging sapat para mawala ang pag-aalala niya.

Michaela: Gab! hindi ka ok e! namamaga pa yang mata mo? ano ba kasing nangyari?

Michaela: Gab, please sabihin mo sa'kin.

nanahimik ako ng ilang segundo, dahil sa pangungulit ng bestfriend ko ay sinabi ko na lang sa kanya ang totoo. Madalas naman din akong magshare sa kanya ng mga nangyayari sa akin.

Ako: Hiwalay na kami ni Rex.

Halata ni Michaela sa boses ko ang bakas ng pagkalungkot, hindi siya nagreact agad sa sinabi ko, niyakap niya ako at mahinang isinasambit sa akin na kakayanin ko ang nangyayari. Gusto kong umiyak ng mga oras na iyon, pinipigilan ko lang na kumalma at hindi lumuha.

Ako: kasalanan ko kung bakit nangyari to?

Michaela: Paano mo naman nasabi? may ginawa ka ba? nangaliwa ka?

Ako: Hindi!! di ko naman siya lolokohin, mahal na mahal ko yun.

Michaela: e anong nangyari? nagsawa siya?

Napahinga ako ng malalim sa narinig ko mula kay Michaela, yun ang isa sa iniisip kong tunay na dahilan ni Rex kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin, pinipilit ko lang ialis sa isip ko yun àt paniwalaan ang mga huling sinabi sa akin ni Rex sa chat.

Ako: hindi, nag-away kami, marami siyang hinanakit at sama ng loob sa akin.

Ikinwento ko lahat kay Michaela ang nangyari sa amin ni Rex, napaalam ko na kay Michaela noon ang hindi natuloy na pag-amin ko sana sa pamilya ko na ikinabahala rin niya, sinabi niya sa akin noon na maaaring hindi maging magandà ang maidudulot nito kay Rex, maaaring magkaroon ng lamat sa relasyon namin sa pagpapaaasa ko kay Rex. At isa nga yon sa mga naging hinaing sa akin ni Rex bago siya makipagbreak sa akin.

Pinakita ko sa bestfriend ko ang lahat ng huling chat at messages sa akin ni Rex. Nanghinayang si Michaela sa amin, kumawala pa raw sa akin ang isang lalaki na hindi lang daw pangrarap ng mga gay at bi, maging karamihan din daw ng mga kababaihan. Lalong nagpalungkot sa akin ang mga sinabing iyon ni Michaela pero binawian niya ito ng mga makabuluhang advice na magagamit ko para raw makamove-on. Marami na akong advice na natatanggap ngunit sadyang napakahina ng puso ko at unang pagkakataon iyon na nasaktan ako sa pag-ibig.

Sa bawat araw at gabi, habang nasa school, sa pag-uwi at bago matulog ay chinecheck ko ang mga messages ko sa phone, mga messages sa facebook, maging ang mga call history ko. Umaasa pa rin ako na magmemessage pa rin si Rex sa akin o tatawagan ako. Matatapos na lang ang isang linggo at wala na talagang paramdam si Rex. Naaabutan ko siyang online sa fb pero kahit kamusta ay wala na talaga. Lahat ng mga messages niya sa akin ay binabalikan ko lalo na yung mga sweet messages niya na nagpapakilig at nagpapangiti sa akin.

Sabado ng gabi nang hanapin ko sa cabinet ko lahat ng remembrance ni Rex sa akin, nilabas ko lahat ng iyon; yung couple t-shirt namin, yung boxer shorts niya at yung shades. Pinagmasdan ko ng matagal lahat ng kagamitan na iyon, maging ang suot kong relo at kwintas na laging nakatago sa suot kong damit. Tumulo mula sa mga mata ko ang luha ko. Tahimik akong umiiyàk at nagtatago sa bukas na pinto ng aparador ko, masakit, pabalik-balik at hindi mawala sa loob ko ang bigat na nararamdaman sa hindi katanggap-tanggap na katotohanan tungkol sa status namin ni Rex. Isiniksik ko sa aparador ko ang mga gamit ni Rex, tagong-tago ang mga ito, para ba akong naglalagay ng mga gamit sa isang baul. Naisipan ko ring tanggalin ang nakasuot kong relo at kwintas ngunit parang may nagpipigil sa akin, alam kong ang pagsuot pa rin ng mga accesories na iyon mula kay Rex ay hindi makakatulong sa'kin pero mas pinili ko pa ring panatilihin ang mga iyon na nakasuot sa akin.

Bago ako makatulog ay tila may mga nagdidiskusyon sa utak ko, magulo at parang nanakit ang ulo sa pag-iisip. Gumagawa ako ng isang desisyon na maaaring magpatahimik sa nagsusumamo kong damdamin at nag-iingay kong isipan.

Kinaumagahan ay nakagawa na ako ng isang desisyon, umalis ako ng aming bahay, bumiyahe ako hanggang marating ko na at makita ko muli ang hitsura ng bahay nila Rex. Nagpagpasyahan ko sa sarili ko na puntahan na lang si Rex at kausapin siya ng personal, may kagustuhan pa rin akong magkabalikan kami pero magiging sapat na para sa akin ang makita lang siya at marinig ang boses niya. Kinakabahan ako na magpakita ulit kay Rex, pinipigilan ko lang na hindi magpadala sa kaba.

Tirik na tirik ang araw, nakatigil ako at nakatayo sa harapan ng itim nilang gate, saradong-sarado ang gate at wala akong marinig na ingay mula sa loob. Nakalampag ko na ang bilog na bakal sa gate nila Rex nang may tumawag ng pansin ko. Si Mang Rene.

M. Rene: Bakit iho? ang tagal mong nakatayo dyan sa harap ng gate.

Ako: uhmm...mang rene.

Sa lakas ng liwanag mula sa araw ay hindi ako nakilala ni Mang Rene na madalas kong batiin noon kapag pumupunta ako sa bahay nila at kapag lumalabas rin ako mula sa at bumibili sa lugar nila. Tinatakpan ni Mang Rene ang mga mata niya, iniiwas ang mga mata mula sa sikat ng araw, tiningnan pa niya ako ng ilang segundo bago tuluyang makilala.

M. Rene: Oy Gab! haha ikaw pala.

Ako: Si Gab nga po ito.

M. Rene: e bakit ang tagal mo kumatok? nahihiya ka pa? ilang beses ka nang pumupunta sa bahay nila Ellen.

Ako: Eeh parang...wala po kasing tao.

Sumilip si Mang Rene sa manipis na butas sa gilid ng gate bago muling magsalitam

M. Rene: wala naman yung sasakyan ni Rex, ang alam ko...walang pasok si Rex ngayon. Umalis yata sila.

M. Rene: saradong-sarado din yung pinto nila.

Ako: ganun po ba..

M. Rene: sandali Gab.

Sumigaw si Mang Rene at tinawag niya ang pangalan ni Tita Ellen, pagkatapos ng dalawa o tatlong tawag yata ni Mang Rene ay wala pa ring lumalabas o sumasagot man lang mula sa bahay.

M. Rene: Naku Gab! wala nga yata talagang tao. Balik ka na lang.

Ako: Ok sige po. Salamat po.

Pagkatalikod ko para umalis at habang lumalayo ay parang nawala ang kabog ng dibdib ko, tumigil ito at napalitan ng bigat. Hindi pa ako gaanong lumayo nang may narinig akong humakbang sa likuran ko at narinig ko ulit ang boses ni Mang Rene, napaharap ako at pinakinggan ang sasabihin ni Mang Rene.

M. Rene: Gab, may tao pala. Buti hindi ka pa nakakalayo.

Nilingon ko ang naghihintay na tao sa gate, braso lang ang nakikita ko, parang braso ni Rex, panlalaki ang braso, napahinga ako ng malalim at lumapit. Napapabagal ang lakad ko, hindi ko na alam kung haharapin ko pa ba si Rex o hindi na lang. Papalapit pa lang ako nang tuluyan nang lumabas ang naghihintay sa gate, hindi ako naging handa sa bigla niyang pagharap at paglantad.

Ako: Ayy....Chester..

Napabuga ako ng kaunting hangin mula sa bibig ko, halos magkaparehas nga pala ng balikat at braso itong si Rex at ang kapatid niyang si Chester. Payuko na sana ako at magsasalita ng mahinahon ngunit nang makita kong si Chester pala iyon ay nagulat ako at napalakas ang boses.

Ako: Akala ko si Rex.

Chester: Uh hahaa! wala si kuya e, nasa work pa.

Ako: Si...mama mo?

Chester: dito sa loob, pasok ka.

Bago pumasok ay nagpasalamat ako kay Mang Rene.

Pagpasok ko ay si Tita Ellen ang nakita ko, nakahilata siya sa sala, nakahiha sa sofa nila. Nahiya ako at umupo lang banda sa may pinto nila. Ilang sandali lang ay bumangon si Tita Ellen at napansin ako agad.

T. Ellen: Gab, ikaw pala. Napapunta ka.

Ako: Opo tita, kakausapin ko lang po sana si Rex.

T. Ellen: Nasa work pa si Rex, gabi pa ang uwi niya, makakapaghintay ka ba?

Ako: Uhmm..opo.

T. Ellen: O sige.

Inalok ako ng pagkain ni Tita Ellen, sinabi ko na nakapaglunch na ako kahit umagahan pa lang ang nakakain ko. Ganun pa rin si tita Ellen, palakwento pa rin at palatawa, hinihintay ko siya na magbanggit tungkol sa status ng relasyon namin ni Rex. Kung saan-saan na lang napunta ang usapan namin at wala pa ring katanungan o pagpapakita man lang sa akin na may alam siya sa paghihiwalay namin ni Rex.

Nakaramdam ako ng saya dahil nakausap at nakakwentuhan ko na naman ng matagal ang mama ni Rex, matagal-tagal rin kaming hindi nakapagkwentuhan ni Tita Ellen dahil nung mga huling buwan lang, nung kami pa ni Rex ay bihira na lang akong makadalaw sa bahay nila, at kapag pumupunta ako ay sandali lang. Pagkadating ng hapon habang nanonood ako ng TV sa sala nila Rex kasama si Chester ay may itinanong si Tita Ellen sa akin.

T. Ellen: Gab, bakit nung isang gabi...tinanong ko si Rex kung bakit antagal mo nang pumupunta dito, wala siyang sinagot. Rinig na rinig naman niya yung tanong ko.

Ako: kailan po iyon?

T. Ellen: nung........biyernes lang.

Ako: ahh..nagkatampuhan lang kami non tita. Kaya siguro wala siyang mood sumagot sa'yo.

T. Ellen: nung araw din before magfriday, umuwi siya ng nakainom. Alam mo ba yun gab?

Lunes ng gabi yun nung nag-away kami ni Rex at napagpasyahang magbreak, ang pag-inom niya na iyon ay maaaring dahil sa paghihiwalay namin. Alam ko naman na masakit din talaga kay Rex na hiwalayan ako, hindi buo sa isipan ko na may iba siyang dahilan bukod sa mga rason niya sa akin sa chat. Alam ko na rin sa mga oras na iyon na talagang labag sa loob ni Rex ang pakikipaghiwalay niya. Kahit papaanon ay nakaramdam ako ng luwag sa pakiramdam.

Ang tagal bago ako makasagot sa tanong ni tita Ellen, medyo nautal pa ako nang subukang agad na sagutin ang tanong.

Ako: ahmm...ah...hindi tita e.

T. Ellen: bakit hindi mo alam.

Ako: hindi po yata kami nagkausap nang araw na iyon, pareho po kaming busy.

T. Ellen: ahh..kaya may tampuhan.

Ako: ganun na nga po.

Pagbaba ng araw ay nagtext si Rex kay Tita Ellen, maaga raw ang uwi ni Rex. Si Chester ang nakabasa ng text dahil nasa kusina noon si Tita Ellen. Pinaalam muna iyon sa akin ni Chester. Ngunit may karagdagan akong nalaman tungkol sa buong text ni Rex, nang iapproach ni Chester si Tita Ellen ay binasa niya ang buong text nito

Chester: "Ma, mga 7pm ang uwi ko ngayon, magtetext na lang ako kapag pauwi na ako, pabuksan mo agad kay Chester yung gate"

Chester: "tsaka kasama ko pala si Charles, pakain daw"

Chester: ayan na ma, binasa ko na para sa'yo.

T. Ellen: O sige pakisabi, nagluluto na ako ng hapunan, tsaka sabihin mo na din na nandito si Gab.

Napaisip ako sa text na iyon ni Rex, may kasama siyang guy na ang name ay Charles, Charles ang name ng pinaghinalaan ko noon na isang gay at iba ni Rex, yung kawork niya na kaclose niya raw. Napahawak ako sa noo ko at nag-umpisang mabagabag sa nalaman. Umiral na naman sa puntong iyon ang selos at mabilis kong pagconclude sa mga bagay-bagay. Ang magulo kong utak ay sinasabi na...tama nga ang unang pakiramdam ko at iniisip ko kay Rex. May iba na sigurong gusto si Rex at hindi lang niya pinapaalam sa mama niya, hindi na magiging mahalaga pa ang pag-uusap namin, wala nang point para kausapin ko pa siya. Tapos na nga talaga kami. Magkakasakit na yata ako sa puso dahil sa pabago-bagong nararamdaman, parang ilang oras lang ang nakalipas nang gumaan ang loob ko, parang nagkaroon dito ng espasyo na nagpabawas ng sakit at bigat. Wari'y ang espasyo na ito ay napuno ulit ng mga bato at muling nagpabigat sa loob ko dahil sa panibagong nalaman.

Bago pa man makapagreply si Chester kay Rex ay pinigilan ko ito, may pinakiusap ako na wag itext kay Rex.

Ako: Ahh...Chester, wag mo nang sabihin na nandito ako.

Chester: ha? bakit?

Ako: e kasi....uuwi na ako

Chester: hindi mo hihintayin si kuya?

Ako: hindi naa...

Dali-dali rin akong pumunta kay Tita Ellen at nagpaalam na.

Ako: tita...uuwi na po ako.

T. Ellen: uuwi na rin si Rex, hindi mo na hihintayin? akala ko ba mag-uusap kayo?

Ako: ah..kailangan ko na po kasi umuwi.

T. Ellen: sayang naman, hintayin mo na lang muna, kasama din niya yung friend niya, bestfriend niya yata. Ewan ko ba.....

T. Ellen: kilala mo ba yun si Charles?

Ako: Ah hindi po..pero nakwento na po yun sa akin ni Rex.

Ako: sige po tita, may dadaanan pa po kasi akong importante.

Ako: tsaka tita, wag niyo na lang pong sabihin kay Rex na pumunta ako ngayon, ako na lang po ang magsasabi.

Napakunot noo si Tita Ellen habang nakatingin sa akin, kahit ganun ang reaksyon niya ay napapayag ko pa rin siya sa gusto ko.

T. Ellen: O sige, maaasahan mo pa rin naman ako diyan.

Ako: Sige po tita salamat.

Nakangiti akong nagpaalam kay Tita Ellen at kay Chester. Nang makalayo na ay napaupo ako sa isang sidewalk, nag-umpisang maipon sa mga mata ko ang luha ko. Ayokong umiyak kaya't pinunasan ko agad ang mga mata ko at pinigilan ang mga luha ko sa pagdaloy sa aking mga pisngi. Habang nasa biyahe ay parang gusto kong tuktukin ang sarili. Naiinis ako kay Rex, pero mas naiinis ako sa sarili ko. Binibigyan ko lang ng dahilan ang sarili para masaktan, gumagawa lang ako ng mga bagay na ikasasakit ko, na hindi naman makakatulong sa akin at hindi naman magdudulot sa akin ng maganda.

Umuwi ako sa bahay, lahat ng nasa bahay ay sinundan ako ng tingin hanggang sa pagpasok ko ng kwarto. Wala akong maisip na paraan para ilabas lahat ng nasa loob ko, gusto kong saktan ang sarili, gusto kong magwala. Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng unan at umiyak. Ito na siguro ang isa sa pinakamapait na nangyari sa buong buhay ko. Parang ayoko nang ienjoy pa ang buhay, feeling ko wala ng puwang ang buhay ko.

Sa patuloy na sakit na nararamdaman ay di ulit ako nakapasok ng ilang araw sa school, ang mama ko ay nagalit na sa akin sa ginagawa ko. Hindi ko raw dapat idamay ang pag-aaral ko sa kabiguan ko sa pag-ibig. Gusto ko lang naman ng mga panahon na iyon na mapag-isa at mag-isip isip. Nung mga sumunod na araw ay bumalik na ako sa pagpasok, bitbit ko pa rin ang sakit at bigat dahil sa pagiging bigo ko sa pag-ibig. Hindi pa rin naging maganda ang kalagayan ko, kahit nakakapasok sa klase ay nagiging poor na ang performance ko, bumubulusok na pababa ang mga scores ko sa mga exam at hindi na ako ganon kaactive. One time nga ay kinausap na ako ng mga professors ko. Ipinaalam lang sa akin ng iba na kailangan kong bumawi dahil delikado na ako, ipinakita ng iba sa akin ang partial grades ko na malapit na sa failing grade, lahat ng professors ko na iyon ay binigyan ako ng piece of advice, wala silang alam sa likod ng pagbabago ko pero idiniin nila sa akin ang kahalagahan ng pag-aaral ko, at ang magiging sitwasyon ko kapag nagkaroon ako ng bagsak na subjects. Sobrang nadisappoint na ako sa sarili ko, malaki talaga ang naidulot ng pagkasawi ko sa pag-ibig sa school ko. Nagsimula na akong mag-alala at inimulat pa ang mga mata sa mga masasamang posibilidad.

Itinulak ko na ang sarili na mag-aral, naiisip ko pa rin si Rex pero mas dinoble, triple ko pa ang effort ko para makabangon. Minsan ay guguluhin pa rin ako ng mga pictures at status ni Rex sa facebook, pupunta pa nga ako sa profile niya at babasahin lahat ng posts niya. Masaya siya at love quoter pa rin. Marami siyang pinopost na quotes at mga words of wisdom. Ang mas tumatawag ng atensyon ko ay ang mga pictures nila ni Charles, bitter pa rin ako pero pinili kong hindi na magpaapekto pa. Hindi ko rin talaga minsan maiwasan na alamin ang mga updates ni Rex sa facebook, parang nababaliw pa rin ako sa kanya, mahirap pa rin alisin ang nabuong love ko sa kanya.

Ilang araw ko ring tiniis na kalimutan muna si Rex. Isang araw ay napatulala na lang ako nang marinig ko ang kantang "Suddenly It's Magic". Yun ang title at theme song ng isa sa unang mga movies na pinanood namin ni Rex sa sinehan, tumatak sa akin iyon dahil nga sa sobrang nakakarelate ako noon sa theme song, yun ay nung fresh pa lang kami ni Rex. Napareminisce tuloy ako at naging emosyonal na naman nang maalala ko ang mga moments na magkasama kami ni Rex. Bumalik na naman ang pag-iisip ko tungkol sa amin ni Rex, naputol ang progress at process of moving on ko.

Sa paglalim ng gabi, sa aking pagtulog ay nanaginip ako. Nakita ko sa panaginip ko ang iba't-ibang pangyayari na ang iba ay hindi ko maintindihan. Ang malinaw lang sa aking panaginip ay ang isang malaking pagtitipon, maraming mga nakatogang itim, isa-isa silang tinatawag at pinapaakyat sa isang malawak na stage, naaninag ko sa di kalayuan ang mga classmates at close friends ko na kasama sa isang malaki at magarbong graduation na iyon, malungkot ako sa panaginip kong iyon, nagpapahiwatig na hindi ako kasama sa isang mahalagang event na iyon.

Paggising ko ay labis akong kinabahan, naisip ko ang kalagayan ko sa school. At habang iniisip iyon ay naalala ko bigla ang isa pang panaginip ko. Kasama ko ang isang lalaki sa panaginip ko na iyon, magkaholding hands kami na naglalakad sa isang parang..parke. Hindi nagsasalita nagsasalita ang lalaki sa panaginip kong iyon, hindi ko rin gaanong aninag ang hitsura niya, ang alam ko lang ay masaya kaming magkasama sa panaginip ko, at habang naglalakad ay nakasalubong ko si Rex na mag-isa lang, naglalakad siya at nang tumingin siya sa akin ay parang wala lang siyang reaksiyon, parang isa akong stranger sa kanya, tila wala siyang pakialam sa akin.

Natabunan sandali ang pagkabahala ko tungkol sa unang panaginip ko, tumambay ulit sa isipan ko si Rex, hindi ko na iyon nagugustuhan, hindi ko na nagugustuhan ang paulit-ulit at pabalik-balik kong pag-iisip kay Rex, namimiss ko siya pero kailangan ko na siyang ibaon sa limot, nais kong isipin na isa nga lang siyang panaginip. Mula kay Rex ay nalipat ang pag-alala ko sa unang panaginip ko. Ayokong mangyari ang nasa panaginip kong iyon, hindi ko hahayaan na masayang ang mga pinaghirapan ko, ang pagtatapos ko ay napakahalaga, para iyon sa pamilya ko at sa future ko. Mas kailangan ko nang maging concern sa pag-aaral, ito na lang ang natitira sa akin na kailangan kong pahalagahan at wag sayangin.

Mas magsisikap na ako, kailangan ko nang burahin sa isipan ko lahat ng nagiging hadlang sa pag-usad ko. Nangunguna dito ang ex ko na hindi mawala-wala sa isipan ko. Napapadaan siya sa isip ko sa tuwing makikita ko siya sa facebook at sa tuwing mababalikan ko lahat ng messages niya. Binura ko lahat ng chat at messages niya sa phone ko at ang mas matindi, ay inunfriend ko siya sa facebook. Mahirap sa aking gawin iyon pero yun ang mas nakabubuti para sa akin, sa ginawa kong iyon ay mababawasan ang sobrang pag-iisip ko tungkol sa kanya at matatanggap ko rin ang masakit na breakup namin.

Sa mga sumunod na buwan ay mas nagiging ok na ako, naiisip ko pa rin naman si Rex at namimiss pa rin siya pero sa tingin ko naman ay humihilom na ang mga sugat sa puso ko, nagiging masaya naman ako kasama ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko. Marami pa naman sila na nagmamahal sa akin at nagpaparamdam sa akin ng importansiya.

Sobrang saya ko nang maipasa namin ng kagroupmates ko ang final defense namin, mahirap-hirap din ang pinagdaanan namin para matapos ng maayos at mapaganda ang system proposal namin. Naipasa ko lahat ng subjects ko, may isang subject na pinilit ko talaga na makabawi, kahit pasang-awa ay ayos na ayos lang dahil makakagraduate pa rin ako. Hindi rin naging madali sa akin ang OJT, naghirap din ako para tuluyan nang makagraduate ng College, ang sarap sarap sa pakiramdam na makaakyat ng stage at makatanggap ng diploma. Hindi maipaliwanag ang saya naming magkakaibigan at kitang-kitang ko sa mukha ni mama, papa at ng mga kapatid ko ang labis na saya sa natamo ko.

Hawak ko na noon ang karangalan at tagumpay ko. Inisip ko pa rin ang mga nasabi sa akin noon ng ex ko na si Rex, sinabi niya sa akin na mag-aral ako ng mabuti at wag kong idisappoint ang parents ko. Nakakalimutan ko na siya at nakakamove-on na ako pero kahit papaano ay sumanggi pa rin siya sa isipan ko, sinasabi ko pa rin sa isip ko na sana nakikita niya ang nangyayari sa akin, sana malaman niya na nagsikap pa rin ako at nakapagtapos pa rin ng College. Iba pa rin talaga ang alaala ni Rex, ang lakas, mahirap labanan.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 26)
The Guy From PR (Part 26)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-26.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-26.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content