$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 23)

By: Confused Teacher “I felt ashamed for what I had done. I don't have any excuses. I did what I did. I take full responsibility for...

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

“I felt ashamed for what I had done. I don't have any excuses. I did what I did. I take full responsibility for myself and my actions. I wouldn't pawn this off on anybody. I'm sorry it happened. And I hurt people.”

Josh

“Ano bang napakaimportanteng sasabihin mo at dito ka pa talagang nagyayang pumunta?” Tanong ko kay Shayne pagkalapit ko sa kanya. Nauna siya sa restaurant na sinabi niyang puntahan ko.

“Ang sungit mo pa ren, akala ko ba kapag naging kayo na ulit ng Prince Charming mo magiging swet ka na?” pangungulit niya.

“E paano ilang ulit mo ba akong tinawagan para lamang i-remind etong sinasabi mong friendly date natin. Check mo inbox ko kung ilan ang messages mo na iisa naman ang laman etong friendly date na ito”

“Maupo ka nga, pumapangit ka talaga kapag nagsusungit ka, Inulit-ulit ko lamang na iremind ka kasi nga alam kong busy kayong dalawa at baka malimutan mo, Ilang dinner na ba natin ang hindi mo sinipot dahil nalimutan mo kasi sinundo ka ni Kuya Paul.”

“Huwag ka ngang maingay, iyang boses mo talaga kahit kailan ang eskandalosa. Oo na sige sorry na, o babawi na nga ako ngayon kaya narito ako kukunsensiyahin mo pa ako.” Ang kunwari ay nagtatampo ko ring sagot.

“Ayan ang cute mo mo talaga Josh Patrick. I love you!”

“Shut up, ano nga iyon?”

“Order muna tayo para mabawasan ang pagka antipatiko mo, baka gutom ka lamang.” At tinawag niya ang waiter. Nalimutan ko na ang reason ng pag –iinvite niya dahil pinili talaga niya ang mga favorite naming foods. Kumakain na kami nang ipaalala niya sa akin.

“Kapag talaga nakita mo iyang mga paborito mong pagkain nalilimutan mo kahit ang pagiging masungit mo ano?”

“Sorry Shayne, namiss ko lamang ang ganito kapag kasi si Kuya Paul ang kasama, hindi ko magawa ang ganito alam mo naman iyon napaka strict sa kanyang diet kaya kahit sabihin niyang order ako ng gusto ko nahihiya naman ako ayun napipilitan na rin akong mag diet.

“Kaya pala mukhang patay-gutom ka na ngayon e,”

“Tumahimik ka, iiwanan kita pagkatapos kong kumain bahala ka.”

“Ang sama mo pa rin talaga sa akin, kailan ka ba magiging sweet, kay Kuya Paul ba ganyang ka rin?”

“Ano nga bakit mo ako pinapunta dito?” Tanong ko sa kanya sa pagitan ng pagsubo, hindi ko siya tinitingnan tuloy lamang ako sa pagkain.. Pero bahagya akong napatigil sa pagkain at tiningnan ko siya dahil hindi ako sigurado sa aking nadinig.

“Talaga Shayne, totoo ba ang sinasabi mo?”

“Oo nga Josh, sinagot ko na siya, sa palagay mo ba tama ang ginawa ko?” Nakita ko ang pagkaseryoso ng mukha niya parang nahihiya pa siya.

“Nakikita ko naman sa iyo na masaya ka sa kanya, at mukhang seryoso talaga sa iyo si Kenzo. Congratulations Shayne, iyan naman talaga ang gusto ko para sa iyo. Sana ay maging masaya ka na rin.”

“Natatakot pa rin ako Josh,”

“Mahal mo ba siya?”

“Oo naman hindi ko naman siya sasagutin kung hindi”

“Iyon naman pala, so anong pinuproblema mo?”

“Paano kung hindi naman pala talaga kami para sa isat-isa, paano kung sinasamantala lamang niya na sinaktan mo ako?”

“Shayne naman e, pina pa guilty mo na naman ako niyan.”

“Oo na, oo na ako lamang naman ang tanga hindi ba?”

“Shayne kasi akala ko naiintindihan mo ako”

“Joke lamang eto talaga hindi pa rin nagbabago, kahit joke ginagawang totoo.”

“Kasi naman ito, alam mo namang ayokong nakikita kang nasasaktan, nagi-guilty pa rin ako, minsan kahit gusto kong maging masaya pag naalala kita nasisira tuloy,”

“Bakit na-realize mo na bang mahal mo ako at nagsisi ka at iniwan mo ako?”

“Shayne ang kulit mo talaga, ano ba?” bulyaw ko.

“O sige na, sorry, hmp, super sungit na suplaso pa buti na lang talaga gwapo ka.”

“Ano na nga yung tungkol sa inyo ni Kenzo?” Saglit siyang hindi nagsalita saka uminom ng juice.

“Seriously Josh, paano nga kung sinasamantala lamang niya na down ako tapos ako naman ginagamit ko lamang iyon para malimutan ka?”

“Alam kong hindi ka ganon, hindi mo kayang manggamit ng tao para lamang sa pansariling dahilan. Kilala kita Shayne hindi mo magagawang manakit lalo na ng damdamin ng iba. Mahal mo siya at mahal ka ni Kenzo hindi ba sapat na iyon para maniwala ka?”

“Sana nga Josh tama ang sinasabi mo.”

“Tingnan mo kami ni Kuya Paul, maraming nasayang na panahon dahil parehas kaming natakot. Kung alam ko lamang ang totoo sana noon pa gumawa na ako ng paraan. Tama nga si Mommy minsan yung takot ang pumapatay sa pag-asa natin, dahil lamang sa takot ang daming magaganda ang hindi nangyayari.”

“Oo na sige na maniniwala na ako sa iyo mahal ko talaga ang gagong Kenzo na yun, alam ko namang hindi mo ako babalikan, kahit anong mangyari si Kuya Paul lamang talaga ang hinayaan mong makapasok diyan sa pusong Titanium na iyan,”

Nang maghiwalay kami, naisip ko napakaswerte ko nga pala talaga sa buhay. Ang dami kong dapat ipagpasalamat sa Diyos. Una na iyong naging okay na kami ni Kuya Paul, may pamilya akong laging nakasuporta sa lahat ng magpapaligaya sa akin, at may kaibigan pa akong gaya ni Shayne. Siguro nga may dahilan talaga ang Diyos sa lahat ng mga nangyayari at nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil hindi niya ako hinayaang tuluyang mawalan ng tiwala sa kanya. Napangiti lamang ako nang maisip ko ang lahat ng pinagdaanan ko.

Isang gabi pag-uwi ko nadatnan ko sa terrace sina Jairus at Glen.

“O napadalaw kayo, huwag ninyong sabihing magpapakasal na kayo ha abay ba ako?.” Biro ko pagkakita sa kanila.

“Sira ka talaga, matagal pa iyon” si Glen. “galing kasi sa bahay si Jerome yung class president natin nong high school may Grand Alumni Homecoming daw tayo, magpapasama sana na dalhin sa iyo itong invitation kaya lamang nang sabihin kong gabi ka na kung makauwi ay nakiusap na kami na ang mag-abot marami pa raw kasi silang pupuntahan,”

“Ganon ba, pupunta ba kayo?”

“Oo naman!” mabilis na sagot ni Jairus. “Nakakamiss din naman yung mga classmates natin, saka dapat pumunta ka noong nag get together kami hindi ka na nakasama.”

“Siyanga naman brader, tinatanong ka nila sa amin noon, pero kahit kami wala ring maisagot kung kumusta ka na hindi nga namin alam kung nasa Philippines kapa non.”

“Oo na, oo na pupunta na po, kukunsensiyahin ninyo na naman akong dalawa. Kailangan ba talagang ibalik na naman iyong matagal nang nangyare? Aattend na ako nang maka move on na kayong dalawa.”

“Ayan, madali ka naman palang kausap.” At nagkatawanan kami.

“Siyanga pala, kumain na ba kayong dalawa, kung hindi pa ay kumain na muna kayo dito.” Yaya ko

“Nako huwag na, may lakad din kami ng babe ko, monthsary namin ngayon, lalabas lang kami nang makabawi dito sa best friend mo madami na akong atraso dito. Baka kaya laging mainit ang ulo. Hehe” Si Glen. Nakita ko naman ang pagkindat sa akin ni Jairus.

“Asus! Parang mga teen ager lang ha, O sige na alis na kayo at nang makarami. Happy monthsary bro, enjoy your date!” tapik ko kay Jairus. Parehas naman silang napatawa, Hinatid ko pa sila hanggang makasakay ng sasakyan nila at tinanaw ko pa hanggang makalayo sila.

Hindi pa ako nakakapasok ng gate nang marinig ko ang boses ni Kuya Paul. Iskandaloso na rin pala itong si Kuya Paul kung kailan tumanda saka naging parang si Shayne.

“Patrick, na inform ka na bang may Grand Alumni tayo next month?”

Hinintay ko siya bago ako pumasok. “Oo kakaalis lamang nina Jairus, eto dinala ang invitation.” Ipinakita ko pa sa kanya ang hawak kong invitation.

“May invitation din sa amin, si Mama ang nakatanggap galing din daw sa amin kanina yung ilan kong classmates noong high school. Pupunta ka ba?”

“Oo, bihirang mangyari iyon, saka gusto ko ring makumusta iyong mga classmates namin noong high school. Yung iba kasi sa kanila pagkatapos ng graduation hindi ko na talaga nakita. Nakakamiss din, Ikaw?”

“Gusto ko kaya lamang diba BR natin yun?” Bigla namang parang nawala ang excitement ko.

“Nako, hindi ko pala natingnan ang date, pano iyan Kuya Paul, baka naman pede natin i reset yung date ng BR diba pwede naman iyon?” Alam ko naman na nangyari na iyon minsan na nireset ang schedule ng BR dahil may ilan pala na may naunang nasagutang appointment.

“Kausapin ko si Boss bukas, magrerequest ako.”

“Sana naman pumayag. Kuya Paul, dito ka na kumain, sabay na tayo.”

“Oo kaya nga ako lumipat dito ayoko ng pagkain sa amin.” Sabay tawa

“Ganon? Akala ko pa naman…”

“Tampu-tampuhan ang Baby Patrick ko ah, Siyempre yung unang reason ko gusto kitang makita, maghapon kang busy kanina, hindi tayo nagkasabay kumain, miss na miss na kita, second reason na lamang ang pagkain. Miss na miss ko ang baby ko” sabay pisil sa ilong ko.

“Hmm, hindi ka pa rin magaling gumawa ng palusot Kuya Paul.”

“Palusot ka diyan, as if naman hindi mo ako namiss.”

“Slight lang, mga ganito” at ipinakita ko sa kanya mga half inch sa pamamagitan ng thumb at indesx finger ko. Sabay takbo.

Hinabol naman niya ako at kiniliti.

“Ganon talaga kaliit?”

“Patuloy pa rin kaming nagkukulitan hanggang makapasok kami.

At sabay na nga kaming pumunta ng kusina para maghanda ng pagkain. Tulog na sina Mommy at Daddy, mula nang magka ayus kami ni Kuya Paul bihira na nila akong hintayin sa gabi. Nakasanayan na kasi nila na magkasama kami kung hindi sa kotse ko ay sa kotse ni Kuya Paul ako makikisakay kaya kampante na sila na ayus na ako. Natutuwa na rin ako kasi alam kong hindi na sila nag-aalala lalo na si Mommy hindi na siya mapupuyat sa kakahintay sa akin.

Samantalang nagkukulitan pa rin kami ni Kuya Paul. Ito talaga ang hindi ko makakalimutan sa kanya. Kung sa office ay seryoso siya at bihirang magbiro lalo na kung may meeting kabaligtaran pag nasa bahay. Para siyang bata na napakakulit. Hindi na siya yung Kuya Paul noong bata pa ako na strikto at masungit lalo na sa harap ng pagkain. Ngayon ay siya pa ang nagpapasimula ng harutan kahit kumakain kami.

“Kuya Paul, huwag mo akong kilitiin, nabubulunan ako.” Saway ko sa kanya.

“Halika kiss kita para mawala.”

“Ang kulit mo nga Kuya Paul don ka sa bangko mo, tingnan mo ang sabog ng kanin o, mapapagalitan tayo ni Mommy.” Saka lamang niya napansin na ang dami ngang sabog ng kanin sa table. Tumingin muna siya sa may hagdan saka parang nahihiyang tinipon ang mga nakasabog na kanin.

“Dati ikaw ang nagagalit kapag masabog akong kumain, ngayon ikaw pa ang mas makalat, nakakahiya ka Kuya Paul.” Biro ko.

“Sssshhh, huwag kang maingay baka magising si Ninang, nakakahiya,” At nagkatawanan kami.

Hanggang dumating ang araw ng reunion.

“Pat sabay na tayo papunta sa venue, Maliligo lamang ako pagbalik ko alis na rin tayo ha.” Paalala ni Kuya Paul bago lumabas ng bahay.

“Nako Kuya Paul umuna ka na lamang kaya, tumawag si Jairus, coding sasakyan nila, makikisakay daw siya dahil may pinuntahan pa si Glen kaya doon na lamang sila magkikita.”

“O sige doon na lamang din tayo magkita.”

Masaya ako dahil at last makikita ko na rin ang mga classmates ko. Liban sa aking mga barkada wala na talaga akong nabalita sa kanila. Ang sarap ding isipin yung mga kalokohan namin noong highschool.

“Kumusta na kaya si Joyce, sila pa rin kaya ni Adam?” sana naman talagang masaya na siya. Kahit naman papaano ay naging masaya rin ako noong naging kami. Kaya lamang ay hindi kasing saya ngayon. Dahil si Kuya Paul lamang talaga ang nakapagbibigay sa akin ng ganitog kasiyahan.

Pagdating sa school, walang katapusang kwentuhan, yakapan, beso-beso. Balik tanaw sa lahat ng mga nangyari noong highschool pa kami.

Ipinaalala kung sino ang pina gwapo, pinaka maganda. Sino ang mangongopya, pinakalamakas mang-asar, sino ang pikon at sino ang nambu bully or laging nabu bully. May program na inihanda ang mga organizers pero wala kaming pakialam sa kanila. Mas masaya kasi ang aming kwentuhan at kung anu-anong palaro na pinagagawa ng aming section. Kami na yata ang pinaka maingay na grupo dahil halos lahat sa amin ay magulo. Nagkakwentuhan din kami ni Joyce at natuwa ako nang ikwento nya na engaged na sila ni Adam at pina finalize nalang date ng kasal.

“Congrats and Best Wishes!”

Kailangang pumunta ka ha formality na lamang ang invitation”

“Yeah I will”

Paul

“Pat, Patrick,,,,” tawag ko kay Pat pagpasok pa lamang ng gate. Pero nang mapansin ko wala na ang sasakyan niya. Siyang paglabas naman ni Ninang galing sa tindahan,

“Paul, nakaalis na si Josh, tinanong ko nga kung hindi ka na hihintayin, ang sagot e alam mo raw na mauuna na siya.”

“Magandang hapon po Ninang, akala ko kasi hindi pa nakakaalis.”

“Makikisakay raw kasi si Jairus kaya nagmamadali rin.”

“Sige po Ninang, alis na rin ako.”

“Sige Paul, mag-iingat ka sa pagmamaneho.”

Tumango lamang ako. Nakakainis itong si Patrick itatanong ko kasi kung anong isusuot niya. May binili kasi akong polo na plano ko sanang i surprise sa kanya. Kaso wala na nakaalis na pala.

Nagpalipas lamang ako ng ilang sandali pa kasi masyado namang maaga. Sina Mama at Papa naman parehas tulog.

Sumakay na ako sa kotse papuntang venue. Excited ako dahil after so many years magkikita na kaming muli. Ano na kaya ang itsura ng mga classmates ko. Along the way may nakita akong isang nakaparadang kotse at isang babaeng nakasandal dito. Nang mapalapit ako nakita kong flat ang hulihang gulong niya. Dahil maaga pa naman minabuti kong alamin kung may naitutulong ako.

“Miss anong nangyari?”

“Flat, bad trip kung kailan naman nasa ganitong lugar.” Nakasimangot niyang reklamo.

“May spare tire ka ba, baka pwedeng palitan lamang”

“Iyon nga ang problema wala e”

“Paano iyan, any moment, i to tow na iyang car mo, bawal dito”

“Oo, nasabihan na nga ako, ang problema ko may pupuntahan pa naman ko, paano ako makakaalis dito, out ot town pa naman ang parents ko hindi ako mapupuntahan dito,”

“Saan ka ba pupunta?”

“Sa Grand Alumni Homecoming ng SJS”

“Really, graduate ka rin ng SJS? Doon din ang punta ko, halika sabay ka na lang sa akin,”

“Siyanga pala Mitch Fuentez”

“Paul Jacob Rivera, nice meeting you Mitch” at iniabot ko ang kamay ko sa kanya.

“Nice meeting you too Paul Jacob”

“Paul na lang” ngumiti naman siya. Maganda siya at mukhang masayahin. Habang nagbibiyahe ay nagkwentuhan kami. Ahead ako sa kanya ng 3 years pero hindi ko siya naalala. Siguro nga dahil 4th year na ako nong mag 1st year siya kaya kung nakita ko man siya ay hindi ko na marecall ang kanyang mukha o kahit pangalan.

“I remember na di ba ikaw yung Batallion Commander ng CAT dati?”

“Yeah ako nga iyon,”

“Sabi ko na nga ba familiar yung name mo pati yung face mo.”

“Talaga, kasi unique ang face ko nag-iisa lang to kaya madaling tandaan..haha”

“True madaming may crush sa yo sa section namin dati.”

“Dati iyon, bata pa kasi kayo non”

“Nope, kahit ngayon naman gwapo ka pa rin may asawa ka na ba?”

“Malapit na akong mag-asawa, nagpa plano na kaming magpakasal ng girlfriend ko.” Pagsisinungaling ko.

“Ah swerte niya, mukhang jackpot siya sa iyo, Taga SJS din ba siya?”

“Hindi, taga ibang lugar siya”

Nakakatuwa siyang kausap parang hindi siya nalo lobat. Tuluy ang kwento at katatanong niya. Naalalako do Dianne pero malaki nga lang ang kaibahan dahil pag do Dianne ang kausap mas madami siyang kwento sa achievement ng family niya. Mga lugar na pinuntahan nila at gusto pang puntahan.

Hanggang makarating kami sa venue nagpasalamat siya at maghiwalay na kami.

Any saya kahit konti lamang kami dahil madami ay nasa abroad o may work sa malayo ay hindi naging dahilan para hindi kami mag enjoy.

Bandang hapon dumating si Mitch.

“Hi Paul, are you busy? My classmates want to meet you” malambing niyang bati sa akin. “Ok lang ba?”

“Sure where are they?”

“Sa table namin?”

Wala naman akong nagawa kaya pagkatapos mag excuse sa mga classmates ko ay sumama ako sa kanya. At tama siya maramisa classmates niya ang kilala ako. Iyong ibanga ipinagmamalaki pang crush ako dati.

“Sorry guys he’s taken in fact he's engaged to be married “ pagharang ni Mitch.

Kita ko naman ang kunwaring paglungkot nila dahil sa panghihinayang. Sinakyan ko na lamang sila. At para makabawi pumayag akong makipaginuman sa kanila.

Before 12 tumawag si Patrick tinatanong kung sasabay ako pauwi.

“Pat mauna ka na susunod na lamang ako na invite kasi ako dito sa ibang batch.”

“Sige Kuya Paul, basta huwag kang magpakalasing magda drive ka pa mag iingat ka”

“Thank you”

“Siya ba ang girlfriend mo?” tanong ni Mitch

“Nope he’s my brother” pagsisinungaling ko, alam kong nabanggit ko na taga malayo siya kaya hindi pwedeng pinapauna ko na sa pag-uwi.

Masaya naman silang kasama kahit maingay. Nakwento nila na noong highschool takot sila sa akin dahil madalas nila nadidinig na ang dami kong pinapagalitan kapag CAT, madalas ay nakasigaw pa ako habang pinapag push up sila.

“Akaka namin talaga namin masungit ka”

“Part lang yun ng training”

“Pero suplado ka talaga hindi ka namamansin kahit binabati kanamin”singit nong isa.

“Pasensiya na baka busy ako noon kaya hindi ko kayo nadinig”

“Hey guys lets forget it tapos na yun ang tagal, enjoy na lang natin naka join natin si Paul Jacob Rivera dito now. “ si Mitch

Tawanan naman ang mgaka table namin saka ako inabutan ng isang bote ng beer.

Nakakaramdam na ako ng hilo pero hindi ko sila maiwan dahil nag eenjoy ako sa kwentuhan at biruan namin.

Shayne

“Hoy Ernie sinong tinitingnan mo diyan?” Tanong ko kay Ernie. May lakad kasi kaming dalawa at dahil coding ang sasakyan niya ay nag volunteer na ako na car ko na lamang ang gamitin namin.

“Sino siya?”

Nakita ko naman palabas ng elevator si Kuya Paul habang may kausap sa phone. Marahil ay si Josh ang kausap niya. Mula kasi nang magka ayos silang dalawa madalas na silang magkasama kapag hapon. Minsan nga ay isang sasakyan lamang ang gamit nila. Hindi rin naman nagtataka sa opisina kasi nga nalaman na magkapit bahay lamang sila.

“Hindi na ako nasasaktan, yes, noong una, mahirap mag move on. Pero dumating sa buhay ko si Kenzo na sobrang understanding. Aaminin ko malaki ang naitulong niya para kayanin ko ng mas mabilis ang lahat. Dahil kahit naman noong hindi pa kami, sinamahan na niya ako mula ng hindi na kami nagkakasama ni Josh. At hindi naman ako nagsisisi, marahil ay talagang may nakalaan nga ang tadhana para sa tin kung kaya kahit anong pilit man ang gawin mo kung hindi talaga kayo ang meant to be. Mahihirapan lamang kayo.

“Si Kuya Paul. Department Head, best friend siya ni Kenzo.” Naipakilala ko na sa kanya minsan si Kenzo.

“Hi Kuya Paul” bati ko pagdaan niya sa tapat namin.

“Hi Shayne, may lakad ka?” tanong naman niya.

“Yeah, siyanga pala, si Ernie, kaibigan ko since high school, Ernie si Kuya Paul”

“Hi! Nice meeting you.” Nakangiting sagot ni Kuya Paul

“Same here sir” si Ernie

“I have to go, nasa labas na si Pat, hinihintay na ako.”

“Shayne, I have to ask something” biglang sabi ni Ernie pagkatapos sundan ng tingin ang paglabas ni Kuya Paul.

Kinutuban ako na may gusto siya kay Kuya Paul.

“Hoy Ernie, tigilan mo iyang pagpapantasya mo sa kanya ha, taken na iyon at sa bestfriend ko pa kaya hindi pwede, Hindi pwede kasi babalian kita ng buto” hindi naman nakakataka, sobrang lakas talaga ng dating ni Kuya Paul. Nakita ko naman na hinawakan niya ang braso niya.

“Ano ka ba girl, may iniisip lamang ako.”

“At ano naman iyon?”

“Is he Paul Jacob Rivera, alumnus ba siya ng SJS?”

“Yeah, bakit mo naman naitanong?” napakunot ang noo ko.

“And you said boy friend siya o asawa ng bestfriend mo?”

“Oo nga, ano na yun, kainis naman ito ayaw pang diretsuhin”

“Maaga pa naman diba, punta muna tayo sa bahay, may ipapakita lamang ako sa iyo, nasa laptop kasi.” Maarte niyang sagot.

“Nakakainis ka nga Ernie akala ko ba don sa kaibigan mong designer tayo pupunta?”

“Saglit nga lang saka huwag kang maingay pinagtitinginan tayo ng mga boys oh. Ang dami rin palang ulam dito ano?”

“Ang landi mo talaga, gusto mo ba ipabugbog kita sa mga iyan.”

“Ang rude mo friend! Halika ka na nga, another temptation island pala itong opisina ninyo”

“Siguraduhin mong aabutan pa natin yung designer ha, kakalbuhin talaga kita pag nagkataon.” Ngumiti lamang siya saka umuna sa akin sa paglalakad. Ang maharot na ito at aagawan pa ako ng eksena sa pagkembot.”

Nagtataka man ako, sumunod na lamang ako kasi wala naman akong ibang lakad. Pagdating namin sa house niya. Diretso kami sa room niya at ini on niya ang laptop. Nakatingin lamang ako sa kanya.

“Look at these Shayne, hindi ba siya ito?”

“Shocks! Paano nangyari iyan, bakit may ganyan ka, saan mo iyan nakuha?”

“Kalat na kalat iyan sa SJS, after iyan ng Alumni Homecoming. Wala namang ginawa ang admin kasi nga graduate na naman sila at sa labas naman ng school iyan nangyari.”

“Pwede bang pa copy?”

“Shayne. Sorry ha, hindi ko gustong sirain sila ng bestfriend mo…”

“Don’t worry Ernie, mabuti na nga itong ginawa mo, sooner malalaman din naman niya ito mabuti ng hanggang maaga ay malaman na.”

Hindi na kami tumuloy sa lakad namin. Parang sasabog ang ulo ko sa galit kay Kuya Paul. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto kong tawagan si Josh para sabihin ang nalaman ko, pero nagdalawang isip ako hindi ko yata kayang ako ang magdala ng masamang balita na iyon.

On my way home parang hindi talaga ako mapakali. Kailangan talagang may gawin ako. Nang gigil ako. Gusto kong manapak.

Kinuha ko ang cellphone ko.

“Hello Kuya Paul, pwede ba tayong magkita?”

“Ngayon na, nasaan ka ba?”

“Yes ngayon din, kung pwede nga lamang right at this moment”

“Sobrang urgent naman iyan, sige saan tayo magkikita?”

Luminga-linga ako may nakita akong Starbucks. Kaya agad akong tumabi at sinabi sa kanya ang lugar.

“Great, malapit ka lamang. Hintayin mo ako uuwi lamang ako narito pa ako sa bahay nina Patrick. Kakarating lamang din namin.”

Hindi na ako sumagot. Lalo akong nainis nang sabihin niyang na kina Patrick siya. Pumasok muna ako at nag order para lumamig ng konti ang aking pakiramdam, parang gusto ko siyang pukpukin sa ulo ng takong ng sandals ko na kina Patrick siya na parang walang nangyari. Hindi ko alam paano ko siya kakausapin.

Ilang minuto pa natanaw ko na ang sasakyan niya. Huminga lamang ako ng malalim. Lumabas ako kasi ayoko rin namang marinig ng ibang customers ang pag-uusap namin. Pumunta ako sa dulong table na malayo sa mga tao.

“Hi Shayne, what’s the matter, bakit bigla mo akong pinapunta dito?”

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Naramdaman ko na kusang pumatak ang mga luha ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Gusto ko siyang sampalin o murahin. Sigawan at ipamukha ang pagkawalang hiya niya. Pero ayokong gumawa ng iskandalo. Maraming tao kahit nga nasa dulo ang table namin. Isa pa parang nawalan ako ng lakas na gawin kung ano man ang nasa isip kong gawin.Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko. Parang iyon lamang ang kaya ko ni hindi ko kayang sabihin sa kanya kung ano ang ginawa niya.

Napaupo naman siya habang isa-isang tinitingnan ang pictures na kinopya ko sa laptop ni Ernie. Mga shots iyon habang actual na nakikipag sex siya sa isang babae. Hindi ko kilala ang babae, pero kitang-kita sa pictures si Kuya Paul.

Nakita ko rin ang pagpatak ng mga luha niya. Pero hindi siya nagsalita at inilapag sa table ang cellphone ko. Parang nakatulala siya habang tumutulo ang mga luha. Tumingin siya sa akin na parang blangko ang kanyang mukha. Kinuha ko ang cellphone at umalis. Wala akong masabi.

Sa tindi ng galit ko parang mas gusto kong tumakbo. Parang mas gusto ko nang mga oras na iyon ay mawalang bigla sa harapan niya. Gusto ko siyang patayin ng mga oras na iyon. Pero mas pinili ko ang umalis. Hindi ko alam bakit iyon ang ginawa ko. Parang ako naman ang nawalan ng lakas na magtanong. O hindi na kailangan ang magtanong dahil maliwanag naman ang lahat. Pero gusto kong tumanggi siya, sabihin niyang hindi iyon totoo iyon ang gusto kong marinig na hindi siya iyon at hindi niya kayang gawin iyon dahil alam niyang masasaktan si Patrick. Iyon sana ang sinabi niya pero hindi niya ginawa, kaya sobra ang galit ko, at ang pagpatak ng mga luha niya ay kabaligtaran ng iniisip ko. Kahit hindi siya magsalita alam kong parang inamin na rin niya. At iyon ang pinakamasakit iyong malaman mo na totoong ginawa nga niya iyon.

“Wait Shayne, magpapaliwanag ako.” Sigaw niya nang mapansin ang pag-alis ko. Pero hindi ko siya nilingon, ilang beses pa siyang tumawag pero tuluy-tuloy lamang ako sa sasakyan at tuluyan ng lumayo.

Hindi ko alam bakit sa sobrang galit ko sa kanya wala akong masabi. First time akong nakaramdam ng ganon. Yung feeling na lahat ng sasabihin niya wala ng halaga dahil kahit ano pa ang dahilan niya iisa pa rin ang ending niloko niya si Josh. Si Josh na buong buhay ay wala ng minahal kug hindi siya. Awang-awa ako sa kanya, paano niya tatanggapin ang ginawa ni Kuya Paul. Patuloy ko pa rin nadidinig ang pagtawag niya, pero kailangan kong makaalis sa lugar na iyon, kailangan kong makalayo kailangang huwag ko muna siyang makita.

Hanggang nakarating ako sa amin magulo pa rin ang isip ko. Hindi ko alam, pagpasok ko sa kwarto saka ako umiyak.

“Napaka walang hiya mo Kuya Paul. Napaka walang hiya mo para gawin kay Patrick ang ganon.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 23)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 23)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/07/ang-tangi-kong-inaasam-part-23.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/07/ang-tangi-kong-inaasam-part-23.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content