$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 24)

By: Confused Teacher “We don't have to be defined by the things we did or didn't do in our past. Some people allow themselves to...

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

“We don't have to be defined by the things we did or didn't do in our past. Some people allow themselves to be controlled by regret. Maybe it's a regret, maybe it's not. It's merely something that happened. Get over it.”

Paul

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pagkatapos umalis ni Shayne. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Totoo namang may nangyari sa amin kaya lamang bakit nakarating iyon kay Shayne. Sino ang nagbigay sa kanya ng mga kopyang iyin? Ano kaya ang intensiyon ng babaeng iyon bakit niya pa ipinakalat ang mga pictures na iyon. No’ng nag-usap naman kami pagkatapos ng lahat sinabi naman niyang hindi namin parehas kasalanan ang nangyari dahil parehas kaming nalasing.

Pero ngayong alam na ni Shayne, tiyak malalaman na rin iyon ni Patrick. Ang problema paano ko sasabihin kay Patrick na hindi ko gusto ang nangyari? Papaano siya maniniwala na lasing ako noon at hindi ko matandaan kung bakit nauwi sa ganon ang lahat. Paano ko siya kukumbinsihin na huwag magalit sa akin?

Diyos ko hindi ko na po kayang mawala pa si Patrick. Hindi ko na kayang magalit pa ulit siya at maulit ang mga nangyari noon. Ano ba ang pwede kong gawin?

Kinabukasan kinausap ko si Shayne.

“Are you are out of your mind? Anong ibig mong sabihin Kuya Paul, ililihim ko kay Josh ang ginawa mo, naiintindihan mo ba iyang sinasabi mo?”

“Shayne naman nakikiusap ako, ako na lamang ang magsasabi hahanap lamang ako ng magandang pagkakataon.”

“Pero Kuya Paul, karapatan niyang malaman iyon”

“Alam ko pero please ayokong magalit siya.”

“At anong gusto mo matuwa siya, paano kung sa akin naman siya magalit”

“Shayne nakikiusap ako sa iyo, hindi ko naman ililihim ng habang buhay, huwag lamang ngayon, kasi bago pa lamang kami nagiging maayos.”

“Sana naisip mo na iyan bago…” hindi ko na siya pinatapos, Nakita ko ang nangingilid na luha sa mga mata niya.

“Please Shayne, nakikiusap ako…”

“Okey Kuya Paul, pagbibigyan kita siguraduhin mo lamang na ipagtatapat mo sa kanya ang totoo ha at hindi mo na gagawin ulit na saktan siya.”

“Promise Shayne, thank you,”

“Wag ka munang magpasalamat, dahil hindi pa rin okay sa akin ang ginawa mo. Gusto pa rin kitang ilublob sa kumukulong mantika. Kung hindi lamang dahil kay Josh, nasapak ko na iyang makinis mong mukha, Hmp!” iyon lamang ang sinabi niya saka ako tinaasan ng kilay at tuluyan ng tumalikod.

Wala akong maisagot sa kanya tumungo na lamang ako dahil alam ko namang tama siya. Ganoon na kalalim ang pinagsamahan nila ni Patrick kaya handa talaga siyang gawin ang lahat huwag lamang siyang masaktan. Naikwento na rin naman sa akin ni Patrick na ilang beses na nakipaglaban si Shayne para sa kanya.

Matagal ng nakaalis si Shayne hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari at ang posibilidad na magalit sa akin si Patrick. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

Pagkalipas ng ilang araw, parang matutunaw ako kapag nakikita ko si Shayne. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil alam kong ang sama ng tingin niya sa akin. Pero paano ba kaming hindi magkikita best friend ko si Kenzo na boyfriend niya tapos bestfriend naman siya ni Patrick.

Kahit na naiilang ako nagkukunwari na lamang akong wala iyon dahil hindi ko pa talaga alam kung papaano ipagtatapat kay Patrick ang lahat.

Ang totoo wala pang nakakaalam kahit sa bahay. Sobrang nahihiya ako sa nangyari. Lagi kong sinasabi kina Mama at Papa na mahal na mahal ko si Patrick at hindi ko siya kayang saktan. Pero kapag nalaman nila ang ginawa ko kahit sila hindi na maniniwala sa sinasabi ko.

Madalas ko ring mapansin ang sarili kong tulala. Nag-iisip ako kung ano bang tamang approach ang gagawin ko para hindi siya masaktan pero kahit yata anong gawin ko masasaktan siya.

Nang biglang mag ring ang phone ko.

“Hello Kuya Paul” si Shayne.

“Hello…”

“May balak ka pa bang sabihin kay Josh ang totoo?”

“Oo naman, humahanap lang ng magandang pagkakataon.”

“Huwag kang mag-alala kung hindi mo kayang sabihin, kaya ko namang gawin.”

“Shayne please nakikiusap ako, ako na lamang ang magsasabi, mas masasaktan siya kung sa iba pa niya malalaman.”

“Hindi na ako iba kay Josh, at palagay ko naman karapatan ko ring sabihin sa kanya kung ano man ang nalalaman kong pagtataksil na ginawa ng boyfriend niya.”

“Shayne ako na lang promise”

“Sige siguraduhin mo lamang Kuya Paul, kasi sobrang sakit ng ginawa mo baka hindi mo alam, gustung-gusto kitang sapakin.”

“Sorry talaga Shayne.”

“Kung alam ko kasi na ganyan ka pala, kahit na makita kong nahihirapan siya, pababayaan ko na lamang na ganon kesa naman makita siya ngayong iiyak dahil sa panloloko mo. Gusto kong magsisi na tinulungan ko kayung magkaayos tapos sasaktan mo lamang pala.”

Hindi na ako nakasagot. Gulong-gulo na talaga ang isip ko

Hanggang isang araw naipagtapat ko na kay Kenzo ang lahat.

“Malaking gulo nga iyan bro. anong balak mo?

“Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin, dagdag pressure pa iyang girlfriend mo.”

“Alam ni Shayne ang tungkol diyan?”

“Oo at sobra ang galit niya?

“Buti sobrang galit lamang hindi ka pa binubugbog o ipinabubugbog, kilala ko si Shayne gagawin non ang lahat para kay Patrick.”

“Alam ko naman yun kaya nga nagi guilty ako sa nangyari.”

“Hanggat maaga bro, ayusin mo na iyan, huwag mo ng patagalin kasi mas tumatagal mas lumalaki ang problema mo.”

“Bahala na ang importante lang sa akin, huwag akong iwan ni Patrick, alam ko magagalit siya pero sana mapatawad niya ako,”

“Good luck bro, sana nga ay huwag masayang yung pinaghirapan mo.”

Josh

“Please Pat, kausapin mo naman ako. Kanina ka pa walang kibo diyan.” Muling sabi ni Kuya Paul. May isang oras na rin siyang hingi nang hingi ng sorry hindi naman sinasabi kung anong kasalanan niya.

“Ano bang gusto mong sabihin ko?”

“Hindi ko alam basta kausapin mo naman ako.”

“Kuya Paul, ano ngang inihihingi mo ng sorry? Ang kulit mo paulit-ulit ka.”

“Alam ko namang alam mo na ang lahat, sigurado ako na kinausap ka na ni Shayne.”

“Hindi pa kami nag-uusap, Wala akong alam sa sinasabi mo,” pagkukunwari ko.

“Patrick naman e, sorry talaga, lasing ako non, hindi ko alam ang nangyari, ang huli kong natatandaan, nag-iinuman kami, tapos nahihilo ako, sinabihan ko silang uuwi na ako,”

“Pagkatapos?”

“Wala na akong matandaan, nagising na lamang ako umaga na at…”

“At ano, magkatabi kayo sa kama at parehas kayong walang damit tapos nagulat ka at nagtanong nasaan ako bakit narito ka?” sarkastiko kong tanong sa kanya, nakita ko naman na para siyang napahiya at iniiwas ang tingin sa akin.

“Patrick, sorry, please…”

“Kuya Paul, hindi ito movie o teleserye, totoong buhay ito, sa mga palabas lamang may ganon na hindi alam ang nangyayari”

“Maniwala ka sa akin, wala talaga akong matandaan, sobrang kalasingan ko lamang noon.”

“Hindi mo matandaan na sobra kang nag-enjoy?”

“Patrick please…”

“Kuya Paul, lasing ka lamang, hindi ka comatose at lalong hindi ka nagka-amnesia, ang sabi ng mga expert sa pag-iinom, alam ng lasing ang ginagawa nila, mas malakas lamang ang loob.”

“Hindi ko talaga alam Patrick…”

“Hindi mo alam na nagsex kayo ng babaeng iyon? Pambihira naman Kuya Paul, huwag mo naman akong gawing tanga.” At tuluyan na akong napaiyak.

Gusto kong pigilan, gusto kong iparamdam sa kanya na matapang na ako at hindi na iyakin pero bumigay pa rin ako, ang sakit palang tanaggapin na nagawa niya iyon sa akin.

“Patrick please huwag ka namang umiyak oh,”

“Okay Kuya Paul, hindi mo pala alam, kunwari maniniwala ako, ngayong alam mo na ano ang gusto mong gawin ko.”

“Hindi ko alam Patrick, nagsisisi na naman ako, hindi ko talaga gusto ang nangyari.”

“Alam mo Kuya Paul ang daling sabihin, at gusto kong maniwala sa iyo kasi mahal kita, pero ang sakit pa ren, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo at pinagkakatiwalaan mo ang siyang gagawa noon.”

Hindi siya nagsalita pero nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Niyaya kitang umuwi pero hindi ka sumama”

“Sana nga sumama na lamang ako sa iyo noon, kahit iniwan ko na ang sasakyan ko doon.”

“Alam mo bang magdamag akong hindi mapakali noon, nakukunsensiya ako pagdating dito kasi iniwan kita.”

Nakita kong nakatungo lamang siya parang batang pinapagalitan ng mas matanda sa kanya.

“Binalikan kita Kuya Paul, kasi naisip ko baka nga lasing ka na at hindi mo kayang mag drive. Pero sabi nga nila umalis ka na raw.”

“Sorry, hindi ko alam Pat, hindi mo naman sinabing bumalik ka doon”

“Bakit kung alam mo bang naroon ako, babalik ka at iiwanan mo ang babaeng iyon?

“Patrick naman..”

“Hindi ko alam na habang alalang-alala ako kung ano na ang nangyari sa iyo, sarap na sarap ka naman siguro sa ginagawa ninyo.”

“Patrick sorry talaga, sobrang laki ng kasalanan ko?

“At may picture pa talaga kayo, anong tingin ninyo sa sarili ninyo mga celebrities?”

“Patrick, kuha raw yun sa CCTV sa room niya, ewan ko bakit ipinakalat pa niya yun, isa pa hindi ko alam na may camera don.”

“Bakit kung alam mo ba, i o off mo muna bago ninyo gawin ang kabulastugan ninyong iyon, para walang ebidensiya?”

“Hindi ko na alam anong sasabihin sa iyo, hiyang-hiya na talaga ako.”

“Yung video ninyo nasa Recto na ba?”

“Please naman Patrick huwag na nating pag-usapan iyon, lalo akong nagagalit sa aking sarili”

“Huwag ka ng magalit, sige pupunta ako sa Recto bibilhin ko lahat ang copies nila doon at ibibigay ko sa iyong lahat, panoorin mo ha, baka sakaling maalala mo ang lahat ng nangyari.” Saka ako tumayo.

“Please naman Patrick, huwag mo akong iwan”

“Sabi mo huwag na nating pag-usapan, kaya nga ako aalis e, para hindi na marinig ang sasabihin mo”

“Mag-usap tayo please.” Hinawakan niya ako sa kamay.

“Ano pa bang pag-uusapan natin?”

“Hindi ko alam basta mag-usap tayo kahit ano, yung tungkol sa ating dalawa.”

“Sa ating dalawa, kung paano mo ako niloko at sinaktan? Sige gusto mo ba makinig ako kung papaano mo idedetalye? Saan mo ba sisimulan sa paghuhubad ninyo?”

“Patrick naman, pakinggan mo muna ako, hayaan mo akong magpaliwanag”

“Kuya Paul, ano pa ba ang gusto mong marinig ko, hindi pa ba sapat ang sakit na nararamdaman ko, gusto mo pa ba talagang dagdagan.”

“Patrick maniwala ka please sobrang pinagsisihan ko na ang nangyari. Nahihiya ako sa iyo, kay Ninang at Ninong pati sa mga magulang ko at sobrang nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko?”

“Sana naisip mo iyan bago mo ginawa iyon?

“Kung alam ko na may mangyayaring ganon, kahit pa patayin nila ako hindi ako makikipag-inuman sa kanila o kahit kaladkarin nila ako hindi ako aattend sa bull shit na reunion na iyon.”

“Kaso nangyari na.”

“Maniwala ka Patrick hindi ko gustong saktan ka, mahal na mahal kita, hindi ko sinasabing wala akong kasalanan pero please maniwala ka sa akin hindi ko sinasadya ang nangyari kung kailangan mo man akong parusahan, tatanggapin ko basta patawarin mo lamang ako. Nakikiusap ako kung kailangang lumuhod ako gagawin ko kung iyon ang gusto mo.” Nakita kong muli ang pagpatak ng mga luha niya.

Masakit ang nangyari, at hindi ko talaga matanggap na ginawa niya na ‘yon. Pero kilala ko si Kuya Paul, kailanman hindi niya ako sasadyaing saktan, Mahal niya ako, bata pa ako ay ipinaramdam na niya sa akin iyon. Naiinis ako sa aking sarili bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya. Sa kabila ng kanyang ginawa mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal at pag-unawa sa kanya. Naawa ako dahil sa itsura niya, luhaan na nakaluhod sa sahig. Hinawakan ko siya sa kamay.

“Tama na Kuya Paul, tumayo ka na diyan, para kang tanga, bakit ka nakaluhod?”

“Hindi ka na galit Pat?” parang bata niyang tanong?

Tumango lamang ako pero iniiwas ko ang tingin sa kanya.

“Pinapatawad mo na ba ako?” mahina ulit niyang tanong, nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

“Kuya Paul, hindi na ako galit sa iyo, oo naiintindihan na kita, pero it doesn’t mean pinapatawad na kita, hindi ganon kadaling malimutan ang sakit ng ginawa mo”

Nakita ko ang paglungkot ng kanyang mukha kasabay ng halos pagbagsak ng kaniyang balikat.”

“May pwede ba akong gawin para mawala ang sakit na iyan para mapatawad mo ulit ako?”

“Hindi ko alam Kuya Paul, hayaan na muna natin na kusang mawala ito. Sa ngayon sapat na sa kin na pinagsisihan mo na ang iyong ginawa at sana lamang ay huwag mo na ngang ulitin.”

Yayakapin sana niya ako pero diretso akong lumabas ng pintuan at iniwan siya. Maya-maya ay naramdaman ko siyang bumaba ng hagdan at sumunod sa akin sa kusina.

“Ipagluluto kita ng ulam, Alam kong hindi nakapagluto si Ninang kanina dahil maaga silang umalis ni Ninong”

“Paano mo naman nalaman?” nagtataka kong tanong, hindi ko alam na wala sila akala ko nasa tindahan lamang si Mommy at si Daddy naman ay kausap si Tito Andrew.

“Pumunta sa amin si Ninong at nagpaalam kay Papa, kaya nga ako pumunta agad dito kasi alam kong wala kang kasama.” Si Daddy talaga nagpaalam sa kumpare niya pero hindi ako ginising.

“Kaya ko ng magluto. Noong hindi ka pumupunta dito nagpaturo ako kay Mommy kaya kahit paano ay hindi ako magugutom kahit hindi mo ako ipagluto.”

“Kahit na, maupo ka lang diyan at ako ang magluluto, huwag ka ng makulit ha.”

“Iyang mukha mo ang makulit,” at gaya ng dati naupo nga lamang ako at pinanood siya sa ginagawa niya. Kita ko naman na paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at napapangiti.

“Bakit ka ngumingiti?”

“Wala, masama ka bang ngitian? Ang cute mo kaya pag nakasimangot”

“Kuya Paul ipinapaalala ko lamang sa iyo hindi pa tayo okay ha, baka lang kasi nalilimutan mo” para naman siyang napahiya at muling tumungo para ipagpatuloy ang ginagawa.

Nang matapos kaming kumain. Pinilit ko siyang umuwi. Ewan ko pakiramdam ko hindi ko rin naman talaga kayang magtanim ng galit sa kanya, pero gusto kong maramdaman niya na naiinis pa rin ako kaso hindi ko magawa kapag kasama ko siya.

Pagka-alis niya tinawagan ko si Shayne.

“O anong sabi ng magaling mong boyfriend, umamin na ba?

“Hindi ko naman siya pinaamin?

“Ano?”

“Kasi diba malinaw naman yung mga ipinakita mong pictures so ano pa ang dahilan para tanungin ko siya kung totoo o hinde?”

“Anong pinag-usapan ninyo?”

“Wala kasi ayoko namang siyang kausapin siya lamang ang nagsasalita.”

“Hindi mo man lang sinapak?”

“Grabe ka na Shayne, pag narinig ka ni Kenzo yari ka.”

“Pwede bang si Kenzo na lang ang sapakin ko, kasi ang layo ni Kuya Paul.” Narinig ko naman ang pagrereklamo ni Kenzo, hindi ko alam na magkasama sila.

“Pero Josh gusto ko talagang sapakin si Kuya Paul, napakawalang puso niya, kundi lamang ako pinipigilan nitong magaling niyang bestfriend susugurin ko talaga siya.” Muli kong nadinig ang pagrerekalmo ni Kenzo.

“Yeah isa kang hero Kenzo Martinez, tagapagpatanggol ka ng mga nang-aapi, at ng mga salbahe at manloloko. Ewan ko sa inyo siguraduhin mo lamang na hindi ka ganon dahil ngayon pa lang mag-isip ka na kung saan ka magtatago.”

“Bakit nadamay ako?” muling nadinig ko si Kenzo.

“Sinasabi ko lamang, sige na ubusin mo na iyang kinakain mo at umuwi ka na, nawalan na ako ng gana na kausapin ka.”

“Walanjo ang labo mo talaga, hindi naman ako ang may kasalanan laging sa akin ka nagagalit.”si Kenzo

“Shut up!” bulyaw niya kay Kenzo. “Josh saka na lamang tayo mag-usap ha, pauuwiin ko lamang itong magaling niyang bestfriend.” Dinig ko pa rin ang reklamo ni Kenzo pero wala naman siyang magagawa kaya alam kong uuwi na rin siya dahil aawayin lamang talaga siya ng babaeng amasona.

“Okay, Bye!” Huminga lamang ako ng malalim. Alam ko namang sabi lamang niya iyon pero sigurado akong naiintindihan niya iyon. Ganon siguro talaga pag mahal mo ang isang tao hindi mo na iniisip kung gaano kalaki ang kasalanan niya ang mahalaga ay iyong nagsisi na siya at handang buuin ulit kung anuman ang nasira sa inyong dalawa.

Kinabukasan nabigla ako ng makita ko ang dalawang paper bags sa aking table nang tingnan ko chocolates. Hindi na ako nagtaka, alam ko na kung kanino nanggaling.

Kapag breaktime dahil alam niyang hindi ako lalabas ay nagpapadala siya ng meryenda. Madalas ko ring makita na may roses sa kwarto ko.

“Hoy Kuya Paul ano ba iyang pinagagagwa mo diyan.” Isang gabing naabutan ko siyang nilalagay ang mga flowers sa kama. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya dahil sa kanyang pamumutla, Hindi siguro niya inaasahan na uuwi ako ng maaga may naka schedule kasi akong meeting sa kliyente pero nagpasabi na hindi makakarating dahil may emergency daw sa opisina nila.

“Ah e, wala, kasi ano, Pat patawarin mo na kasi ako.”ang nabubulol niyang sagot hindi malaman kung saan itatago ang mga bulaklak o kung ibabalik sa kama.

“At iyong mga chocolates at snack na ipinadadala mo anong ibig saihin ng mga iyon?”

“Wala. Alam ko kasing galit ka at hindi mo ako kakausapin kaya hindi ka lumalabas at iyon lamang ang naisip ko”

“So sinusuhulan mo ako Kuya Paul?”

“Hindi sa ganon, hindi ko kasi alam kung paano mo ako mapapatawad”

“Kilala mo ako, kahit noong bata pa ako hindi ako nagtatanim ng galit sa puso ko, lalo na sa iyo.”

“Sorry Patrick, promise hinding-hindi na talaga mangyayari ulit ang ganon. Hindi na ako mag-iinom. Ayoko ng makita kang nasasaktan, hindi ko talaga kayang magalit ka sa akin.” At bigla niya akong niyakap.

“Kuya Paul, huwag mo iyang sabihin gawin mo na lamang. Mas madali ang mangako kesa gawin ang ipinangako.”

As expected galit na galit si Shayne nang malaman na pinatawad ko na si Kuya Paul.

“Josh Patrick tao ka ba talaga?” singhal niya nang ikwento ko sa kanya na pinatawad ko na si Kuya Paul.

“Bakit na naman?” kunwari ay hindi ko alam kung ano ang ikingagalit niya.

“Shut up! Sayang gwapo ka pa naman pero ang tanga mo lang talaga. Haist! talaga bang hindi pwedeng ibigay ng Diyos ang lahat ng good qualities sa iisang tao?”

“Ang sama mo nga talaga, pati si God idinamay mo. Ano nga ba ang problema mo?”

“Bakit kasi pinatawad mo siya ng ganun-ganon lang?”

“Ewan ko ganon siguro talaga pag mahal mo ang isang tao”

“Hindi pagmamahal tawag don”

“Ano pala?” kunwari ay tanong ko.

“Katangahan to the highest level. Wala kang katulad, you’re an epitome of the word TANGA, hindi mo man lamang pinaabot ng isang buwan, iisang lingo pa bumigay ka na. Haist nakakainis ka talaga.”

“Grabe ka na sa kin Shayne, nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo, nakakadami ka na.”

“Sorry Josh, pero hindi ko talaga maunawaan bakit ganyan ka kabait. Gusto kong intindihin na tama talaga ang ganyan at iyon ang dapat pero hindi ko talaga matanggap, ayaw pumayag ng utak ko na pwedeng gawin ang ganon.” Kahit naman ako minsan hindi ko rin mapaniwalaan na ang bilis kong magpatawad sa tao. Baka nga malaking impluwensiya sa akin ang pamilyang kinalakihan ko lalo na ng tumira ako sa probinsiya kung bakit ganoon ang pananaw ko sa buhay. Wala akong maisagot sa kanya. Nginitian ko na lamang siya, alam ko namang tama ang sinasabi niya pero baka magkaiba lamang talaga kami ng paniniwala.

“Hayaan mo na iyon, halika na mag ice cream tayo para lumamig ang ulo mo, sayang ang ganda mo kung nakasimagot ka lang.”hinawakan ko siya sa kamay.

“Tse! Line ko iyan wag kang epal, mag-isip ka ng iyo.” At tinaasan na naman niya ako ng kilay.

Paul

Mabuti na lamang at malawak ang pang-unawa ni Patrick.

Nang mga sumunod na araw iniwasan na naming pag-usapan ang lahat. Ipinaramdam ko naman sa kanya na nagsisi na ako at ang nangyari ay talagang aksidente lamang. Gaya ng ipinangako ko sa kanya iniwasan ko na talaga ang pag-iinom. Kahit nga madalas akong yayain ni Kenzo o ng ilan naming mga ka opisina lalo’t ginagabi kami.

Gusto ko ring i prove hindi lamang sa kanya at kay Shayne maging sa aking sarili na kaya kong gawin ang aking ipinangako. Kaya lang madalas na naiinis sa akin si Kenzo, pero alam ko natutuwa naman si Patrick at kahit madalas pa rin akong taasan ng kilay ni Shayne dahil naiinis pa rin daw siya kapag naalala niya kung paano ko sinaktan ang best friend niya, hindi na naging issue sa amin ang nangyari. At nagpapasalamat pa rin ako at may kaibigan si Pat na gaya ni Shayne na handa talaga siyang ipaglaban. Tama si Kenzo, bihirang tao ang ganon at maswerte si Patrick dahil naging kaibigan niya si Shayne.

Minsan isinama ko si Patrick sa bahay namin sa Tagaytay.

“Surprise!” sigaw ko pagpasok namin sa isang kwarto,

“Ang oa mo nga talaga Kuya Paul ano namang nakaka surprise dito?”

“Nalimutan mo na ba ang promise ko sa iyo noong bata ka pa?”

“Ang dami mo kayang promise sa akin noon?”

“Di ba sabi ko sa iyo pag nagka bahay na ako, meron kang sariling kwarto don, at kahit anong oras mo gustong pumunta makakapunta ka?” Nakita ko naman sa mukha niya ang halong pagkagulat at pagkatuwa.

“Ibig mong sabihin Kuya Paul, kwarto ko ito sa bahay mo?”

“Oo Patrick”

Niyakap niya ako ng mahigpit. At nang magbitaw kami ay hinalikan ko siya sa labi. Noong una ay marahan lamang pero naging mainit iyon ng tugunin niya ang aking halik. Hanggang napahiga kami sa kama at naramdaman ko na lamang na dahan-dahan ng naming hinuhubad ang aming damit. At tuluyan ng pinagsaluhan ang init ng aming mga katawan.

Nakapag bihis na kami parehas nang tumayo siya at pinuntahan ang dresser. Nabigla siya nang buksan iyon.

“Pambihira ka Kuya Paul, kaya pala nawawala ang mga damit ko dinadala mo pala dito.”

“Nagpaalam naman ako kay Ninang na ipagdadala kita ng damit dito. Gusto ko kasi yung parang kwarto mo talaga ito kaya dapat narito ang iba mong mga damit.”

“Ayun kaya pala kung anu-ano ang dahilan ni Mommy kapag may hinahanap ako, baka raw hindi naplantsa o kaya ay naiwan sa labahan ..”

“Sinabi ko kasi na huwag sasabihin sa iyo.”

“Lagi mo talagang kasabwat si Mommy sa mga kalokohan mo.”

“Pat thank you..”

“Thank you saan?”

“For loving me…”

“E di dapat pala mag thank you din ako sa iyo kasi you love me too.”

“Kahit hindi na masaya na akong mahal kita, bonus na lamang na mahal mo din ako”

“Basta salamat din dahil minahal mo ako kahit noong bata pa ako.”

Pumunta kami sa terrace at nagkwentuhan, dahil nakapangako na ako sa sarili ko na hindi na mag-iinom Ice Tea at chichiriya na lamang ang aming kaharap. Kinuha ko rin ang aking gitara at nagsimulang tumugtog.

Noong una ay ako lamang ang kumakanta pero kalaunan ay sumabay na rin siya. Lumapit ako sa tabi niya at inihilig ang aking ulo sa balikat niya habang kumakanta kami.

“Kuya Paul kantahin natin yung Flying Without Wings.” Request nya sa akin. Naalala ko isa yun sa maraming kanta na paborito naming bonding kapag wala na kaming magawa. Hindi ako sumagot pero sinimulan ko na ang pagtugtog habang nakahilig sa kanyang balikat.. Hinayaan ko siyang kumanta, iba pa rin talaga ang dating ng boses niya. Bahagya akong pumikit at pinakiramdaman ang pagkanta niya. Para akong inililipad sa ibang lugar sa ganda ng boses ng taong ito. Pati ang boses niya parang napaka amo at napaka lambing.

Everybody's looking for that something

One thing that makes it all complete

You find it in the strangest places

Places you never knew it could be

Some find it in the face of their children

Some find it in their lover's eyes

Who can deny the joy it brings

When you found that special thing

You're flying without wings

Some find it sharing every morning

Some in their solitary lives

You find it in the words of others

A simple line can make you laugh or cry

You find it in the deepest friendship

The kind you cherish all your life

And when you know how much that means

You've found that special thing

You're flying without wings

So impossible as they may seem

You've got to fight for every dream

'Cause who's to know

Which one you let go

Would have made you complete

Well, for me it's waking up beside you

To watch the sunrise on your face

To know that I can say I love you

In any given time or place

It's little things that only I know

Those are the things that make you mine

And it's like flying without wings

'Cause you're my special thing

I'm flying without wings

And you're the place my life begins

And you'll be where it ends

I'm flying without wings

And that's the joy you bring

I'm flying without wings

“Kuya Paul ang ganda nong kanta ano, alam mo ba lagi ko yang kinakanta noong nasa Davao pa ako. Naalala mo pa ba noong bata pa ako diba madalas nating kinakanta yan?” Biglang sabi niya pagkatapos kumanta habang patuloy ko pang iniimagine yung panahon na nagpapahinga kami sa likod bahay namin pagkatapos mag basketball o kaya naman ay habang nagkukulitan sa kwarto niya.

“Naalala mo ba noong ipinapatagalog mo pa sa akin ang lyrics kasi sabi mo gustung-gusto mo yung kanta kaso hindi mo naman alam ang ibig sabihin.” Natatawa kong pagpapaalala sa kanya.

“Kaya lang iniiba mo naman, ginagawa mong literal sabi mo lilipad tayo kahit walang pakpak. Nakakainis ka nga non tapos pinagtatawanan mo pa ako. Nagpapahabol ka pa sa akin sabi lumilipad na tayo kahit walang pakpak.”

“Alam mo Pat, nahihiya ako noon, kasi iyong sinasabi sa kanta iyon ang gusto kong sabihin sa iyo noon, kahit bata pa tayo alam ko at sigurado ako sa sarili ko mahal kita kahit noon pa.”

“Kuya Paul, buti na lamang hindi kita hinayaang tuluyang mawala, kasi hindi ko mararanasan ang ganitong saya kung hindi dahil sa iyo.”

“Pat, mula noon hanggang ngayon isa lamang naman talaga ang pinangarap ko yung paggising ko sa umaga ikaw yung makikita at sasabihan ko ng “I love You” “Ikaw lamang Pat. Ikaw lamang ang tangi kong inaasam. Kinantahan ko ulit siya

Well, for me it's waking up beside you

To watch the sunrise on your face

To know that I can say I love you

In any given time or place

“Tama na Kuya Paul, kinikilig ako sa ginagawa mo lalo akong giniginaw. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan na ayus na ulit tayo, parang kailan lang wish ko lamang ang lahat ng ito. Ang tagal kong inasam ang ganitong pagkakataon. Ang tagal kong pinangarap na makasama kang muli na gaya nito.” Lalo ko namang idinikit ang katawan ko sa kanya habang tuloy pa rin sa pagkanta.

And you're the place my life begins

And you'll be where it ends

I'm flying without wings

And that's the joy you bring

I'm flying without wings

“I love you Kuya Paul” mahina niyang bulong sa tenga ko.

“I Love you more Pat! Wala na yata akong mahihiling pa sa Diyos, dahil kasama kita at masaya ang aking pamilya. Pwede na siguro akong mamatay”

“Kuya Paul para ka ngang tanga, ano ba iyang sinasabi mo?” bahagya niyang itinulak ang ulo ko palayo sa kanyang balikat. Pero agad ko iyong ibinalik saka ko siya inakbayan palapit sa akin.

“Joke lang yun Baby ko, alam mo ba kung may hihilingin pa ulit ako sa Diyos iyon ay ang bigyan ako ng mas mahaba pang buhay dahil gusto ko talagang i-enjoy ang ganitong happiness ng matagal siyempre kasi kasama ka.” Nakita ko saglit siyang natigilan parang may biglang naisip.

“Kuya Paul. Ano bang plano mo sa atin kasi iniisip ko ganito na lamang ba tayo, hanggang kailan tayo magtatago sa mga tao?”

“Kaya mo ba akong panindigan sa harap nila?”

“Hindi ko alam basta ang sigurado ako mahal kita at masaya ako kapag narito ka at ayoko ng mapalayo sa iyo”

“Kapag kaya mo na, sabihin mo sa akin, magpapakasal tayo sa America. May nakausap na ako dati pa na pwedeng mag-ayos ng mga kakailanganin natin.”

“Sigurado ka Kuya Paul, handa kang pakasalan ako?”

“Oo, nasabi ko na rin yun kina NInong at Ninang at wala naman silang tutol, basta kung saan ka raw masaya payag sila.” Muli naman niya akong hinalikan at pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.

Akala ko talagang ganoon kasaya ang buhay. Ni hindi pumasok sa isip ko na ang lahat ay may hangganan. Isang gabi, nagtaka ako pagdating sa amin bakit parang may kausap sina Mama at Papa. Pagbungad ko sa pinto nakita ko si Mitch. Iyong babaeng nakilala ko noong Grand Alumni Homecoming. Ang babaeng muntik ng sumira ng pagmamahalan namin ni Patrick. Nagmano ako kina Mama at Papa.

“Ma, bakit siya narito at saka sino sila?” bulong ko kay Mama.

“Anak maupo ka muna, at may pag-uusapan tayo.” Si Papa

Naupo naman ako sa isang bangko paharap sa kanila.

“Anak naparito sila dahil kay Mitch. Kilala mo naman siguro siya ano?”

“Yes Ma, siya yung sinabi ko sa inyong nakilala ko tapos may nangyari sa amin noong malasing kami.”

“At dahil sa nangyaring iyon buntis ang anak namin.” Sagot noong lalakeng mukhang mayabang.

“Ha! Hindi maari” iyon lamang ang naisagot ko.

“Para namang biglang-bigla ka Paul, hindi naman mangyayari iyon kung ako lamang.” Biglang sagot ni Mitch.

“Pero alam mo namang lasing ako noon at nakikiusap ako sa inyo na uuwi na ako”

“Bakit lasing din naman ako noon ah, at saka pinilit ba kita sa nangyari?

“Pwede ba tumahimik kayo pareho, hindi matatapos ang usaping ito kung magtatalo at magsisihan kayo. Nariyan na iyan at hindi na maibabalik ang kailangang pag-usapan nain ngayon ay ang inyong kasal.” Muling sagot ng Papa pala niya.

“Pero hindi po kami nagmamahalan” halos mangiyak-ngiyak ko na pagtanggi.

“Anong gusto mo pabayaan na lamang ang anak namin na lumaki ang tiyan at tawaging disgrasyada? Hindi namn yata kami makakapayag sa kahihiyang iyan” sa wakas ay nagsalita ang Mama niya.

“Ma. Ayoko may boyfriend ako at siya ang mahal ko.”

“Tumigil ka Mitch, hindi tinatanong ang iyong opinion” madiing saway ng Papa ni Mitch.

“Handa po naman akong panagutan ang bata, handa akong suportahan siya, pero hindi ko po siya pwedeng pakasalan, dahil gaya niya may mahal po rin akong iba.”

“Hindi po kaya mas malaki ang maging problema natin kung pipilitin natin silang dalawa na magpakasalal ngayong narinig natin na pareho silang tutol?” singit ni Papa.

“Naiintindihan ko kayo pero paano naman ang reputasyon namin?” muling sagot ng Papa niya.

“Pa, Ma, ayokong magpakasal sa kanya, at ayoko pang magpakasal, marami pa akong gustong gawin.” Sagot ni Mitch.

“Sa ayaw ninyo at sa gusto wala na tayong magagawa magpapakasal kayo and that’s final.” Pagtatapos ng Papa niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang sasabog ang ulo sa bigat ng problemang iyon. Hindi ko talaga inaasahan ang ganon.

Pagkaalis nila pumasok ako sa kwarto ko at nag-isip kung ano ang gagawin. Nahihiya ako sa mga magulang ko dahil isa na namang mabigat na problema ang dinala ko sa bahay namin. Halos magdamag akong hindi makatulog. Nang mapansin kong maliwanag na sa labas. Lumabas ako .

“Anak saan ka pupunta?” bati ni Mama, ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya.,

“Dito lamang Ma” wala sa loob kong sagot. Hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.

Sumakay ako sa kotse at nag drive papuntang Tagaytay. Pagpasok ko sa bahay. Nagsisigaw lamang ako at nag-iiyak. Napaupo ako sa sahig sa kawalan ng magagawa. Tanghali na nang tawagan ko si Kenzo. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat.

“Totoo ba iyan bro?”

“Bro, anong gagawin ko?”

“Alam na ba ni Patrick?”

“Hindi pa at hindi ko alam paano sasabihin sa kanya”

“Baka pwede mo pang kausapin yung Mitch na kumbinsihin ang mga parents niya na huwag nang ituloy ang pagpapakasal. Mahirap iyan hindi naman ninyo gusto ang isat-isa baka mas malaking problema pa ang mangyari.”

“Pare gusto ko nang magpakamatay!”

“Gago ka ba. Huwag kang aaalis diyan ha, pupuntahan kita. Naririnig mo ba ako, huwag kang gagawa ng kahit anong kagaguhan. Paul promise me.”

“Sige, promise hihintayin kita dito” at tuluyan na akong napaiyak.

---

Lumipas ang ilang araw, alam ko alam na ni Patrick ang lahat dahil madalas kong makita sina Mama at Ninang malungkot na nag-uusap. Hindi ko magawang lapitan si Patrick, Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya. Madalas ko ring makita si Shayne pero mas lalong hindi ko magawang lapitan dahil sa sama ng tingin niya sa akin bago ko pa lamang gawin. Gusto kong umiyak. Gusto kong magsorry. Gusto kong makiusap na huwag nila akong iwan dahil ngayon ko sila kailangan. Pero paano ko sasabihin iyon alam kong sobrang sakit ang nararamdaman nila dahil sa akin.

Madalas kong tinatanaw si Pat sa malayo kitang-kita ko ang lungkot sa kanya. Hindi siya nagsasalita, hindi niya ako tinitingnan ng masama pero natatakot akong lumapit sa kanya. Ito marahil yung totoong pakiramdam ng guilty. Alam kong naghihintay siya na lumapit ako pero parang hindi ko kayang iharap ang mukha ko sa kanya. Sobrang nahihiya ako at hindi ko kayang humingi ng tawad sa kanya. Kay Kenzo ko na lamang nailalabas ang lahat ng sama ng loob at galit ko sa aking sarili.

“Bro, bakit sobrang tanga ko?”

“Tama na iyan, wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lamang”

“Pero paano na si Patrick, paaano na kami?”

“Nag-usap na ba kayo”

“Hindi ko siya kayang harapin bro, hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya?”

“Pero kailangang harapin mo siya, hindi mo siya pwedeng takasan lalo na ngayon”

“Alam ko bro, pero hindi ko alam kung papaano kahit kina Ninang at Ninong hindi ko magawang humarap. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kanila at hindi ko alam kung kaya nila akong patawarin.”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 24)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 24)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/07/ang-tangi-kong-inaasam-part-24.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/07/ang-tangi-kong-inaasam-part-24.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content