$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 27)

By: JB Napakasaya na nakagraduate na ako, naging emosyonal kami ng mga classmates ko nung graduation sa kadahilanang hindi na kami lagi m...

The Guy From PR

By: JB

Napakasaya na nakagraduate na ako, naging emosyonal kami ng mga classmates ko nung graduation sa kadahilanang hindi na kami lagi magkikita. Ang bestfriend ko na si Michaela ay nakagraduate na rin sa course niya na Secondary Education, syempre bilang magbestfriend, proud na proud kami sa isa't-isa at sobra lang talaga ang pasasalamat ko kay Michaela dahil nung mga panahon na sobrang lungkot ko dahil sa breakup namin ni Rex ay madalas niya akong pinupuntahan sa school, inaalam niya lagi ang kalagayan ko. Madalas nga lang niyang ipinapaalala sa akin si Rex na gusto ko nang burahin sa isip ko. Pero sa katotohanan, kahit anong pilit ko ay talagang maaalala't maaalala ko pa rin si Rex, naghilom man ang kirot sa puso ko ay nananatili pa rin ang mga alaala ng ex ko na si Rex.

Pagkatapos ng graduation ay nagkaroon ng selebrasyon at salo-salo sa bahay, may ilan akong mga classmates na nakicelebrate sa akin sa bahay, si Michaela at ang closest friend ko na si Matteo ay nagcecelebrate din kasama ang kani-kanilang pamilya. Nag-uumapaw ang saya sa mukha ng mga magulang ko, paulit-ulit nila akong binabati at pinagmamalaki sa mga kamag-anak ko na noo'y mga bisita rin namin sa bahay. Marami kaming naging bisita sa selebrasyon na iyon, sa dulo ng selebrasyon ay hindi nawala ang inuman at kantahan. Bumili rin kami ng dalawang classmates ko ng alak namin at nag-inuman din. Hindi naman ako pinagbawalan ng mga magulang ko, minsan lang naman iyon at celebration naman yun ng pagtatapos namin sa College

Habang nag-iinuman kami ng mga friends ko ay nagpost ako ng mga pictures ko during & after graduation. Marami agad akong likes at comments na natanggap, ang mas napansin sa mga posts ko ay ang graduation picture ko, maraming nagcongratulate sa akin at nagpahatid ng pagkagalak sa aking natamo, ang sarap sarap sa pakiramdam, dahil hindi talaga biro ang dinanas ko sa College, nahirapan ako at makailang beses na muntikan nang masawi na makakuha ng passing grades mula sa mga proffesors.

Naging busy kami ni Andrea at Richard sa kakapindot sa kanya-kanya naming mga cellphone, naenjoy namin masyado ang kakafb at sinamantala ang bilis ng internet.

Andrea: Grabe lang talagaa..graduate na talaga tayo.

Chard: Sa wakas!

Nang mabawasan na ang atensyon namin sa social media ay nagsimula na kaming mag-ingay at magkwentuhan, binalikan namin lahat ng karanasan sa College, lahat ng mga masasaya, malulungkot, nakakakaba, nakakatakot, nakakabigla at nakakatawang karanasan ay nahalungkat namin, pati ang pagpapakita ko ng kakaibang pag-uugali at pagbabago nung unang semester namin ng 4th year na ikinabahala at pinagtaka nila ay naungkat din. Yan ang panahon na kakahiwalay lang namin ni Rex, lingid sa kaalaman nila Andrea at Richard ang dahilan sa likod nito, ang tanging alam lang nila ay nagkaroon ng malaking away sa pamilya ko.

Richard: Ok na naman yung pamilya mo Gab.

Andrea: mukhang ok naman sila, nakita ko nga lang kanina na nagtatawanan yung mama't papa niya.

Gab: oo ok na naman, naayos naman yung problema namin, tsaka matagal-tagal na rin yun.

Andrea: naku Gab kung alam mo lang, maraming inakala na heartbroken ka.

Andrea: napag isip isip namin, parang wala ka namang jowa, yung iniisyu sa school na crush mo raw...ano bang name non chard?

Ngumiti at tumawa ng pabiro ang dalawa.

Chard: Ahh...si Ate Pam.

Andrea: Oo yun! si Pam, crush mo raw, di mo lang maligawan kasi nahihiya ka.

Chard: Yieeeh..aminin mo na!

Tiningnan ko lang isa-isa sa mukha si Andrea at Richard, hinintay ko silang matapos magsalita at dumaldal. Napahalakhak na lang ako sa mga pinagsasabi ng dalawa, humahanga talaga ako kay Ate Pam noon dahil sa galing niyang kumanta, hindi ko siya kailanman nilabel as my crush at never kong naisip na ligawan siya. Talagang mahilig lang sa mga intriga at isyu ang mga classmates at hindi nila alam ang matinding sikreto ko.

Gab: Kayo talaga...simpleng paghanga lang naman yon, hindi naman ako nabaliw kay Ate Pam.

Andrea: talaga ba..

Gab: Ayy ewan ko sa inyo!

Nagkaroon ako ng ideya sa puntong iyon na magbukas ulit ng fb ko, nakita ko sa notifications ko ang patuloy na pagdagdag ng mga likes ko sa mga pictures ko, nagcomment pa ang ilang classmates ko, mga ate ko at ang bestfriend ko.

(FB Comments)

Ate Gwen: "congrats kuya! proud ate here"

Michaela: "Congrats Gab! so proud of you. Be proud of me too"

Henry: "sa wakas bro!"

Joyce: "wooohooo! worth it lahat ng paghihirap natin, Congrats sa batch natin"

Matteo: "Congrats sa atin dre, inuman na!"

Ate Giselle: "graduate na rin siya, proud of you brother!"

sobrang overwhelmed ako sa lahat ng mga nababasa kong comments. Napakasaya, hindi ko maipaliwanag ang saya.

nagpaabot ako ng pasasalamat at pagkaappreciate sa lahat ng iyon, di pa ako tapos magreply sa mga comments nang may lumitaw na panibagong comment na ikinabigla ko ng sobra, napakasaya ng pakiramdam, ngunit ang comment na iyon ay isang surpresa. Ang nagkomento ay ang ex ko na si Rex.

Rex: "Congrats sa'yo Gab"

Nagulat at nagtaka ako, hindi na kami friends ni Rex sa fb pero nakapaglike at nakapagcomment pa rin siya sa mga posts ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pagbati niya sa akin o hindi. Matagal na siyang hindi nagparamdam sa akin, ginagambala pa rin ako ng mga alaala niya, nagbigay siya ng sakit sa akin noon pero nang makita ko ang komento niya ay nabuhay muli ang pagkamiss ko sa kanya.

Matagal kong tinitigan ang comment niya, para bang hindi ako makapaniwala na nabigyan niya ulit ako ng pansin. Hindi ako nagreply sa comment niya pero pinindot ko ang profile name niya para bisitahin ang buong profile at timeline niya. Sa mga latest photos niya, ang unang bumungad ay pictures nila nung Charles, at nakita ko sa information niya na "in a relationship" siya. Dahil doon ay hindi na ako nagtagal sa profile niya, pinindot ko ang back button at nagbrowse na lang sa facebook ko. Habang tumitingin ng mga posts ng mga friends ko ay hindi ko namalayan ang pagkatulala, gumagalaw ang hinlalaki ko sa pagsoscroll ngunit ang isip ko ay tila lumulutang. Bumalik ang labis na pag-iisip ko kay Rex, iniisip ko ang kalagayan niya, kung masaya ba siya kasama ang bagong jowa niya, kung naiisip pa rin ba niya ako.

Binasag ni Andrea ang pagkatuliro ko, hindi ko na alam na kinakausap na pala nila ako, at may ipinapaalam na bagay sa akin.

Andrea: Gab! ano ba! hindi ko alam kung busy ka talaga dyan o malalim lang ang iniisip mo! blankong blanko yung mukha mo e.

Ako: Ah....napaisip lang ako sa mga bagay na hindi ko pa naaaccomplish.

Andrea: may bagay ka pang hindi naaaccomplish?

Ako: basta!

Andrea: kanina ka pa kasi namin kinakausap.

Ako: soo ano nga yon?

Chard: hahaa hindi nga nakikinig.

Ako: sorry po, ano po ulit yon?

Andrea: kasi nga...si Joshua nag-aaya ulit sa bahay nila. Inuman sa Tuesday! magpaalam ka na agad sa parents mo. Sa tingin ko naman, papayagan ka.

Gustong-gusto ko ang plano na iyon, nakakaenjoy kasing kabonding at kainuman ang mga classmates ko. Nagkunwari akong hindi sasama at umiling-iling habang kaharap si Andrea at Richard.

Andrea: Gab sige naa...eto naman.

Ako: oo syempre sasama ako. hahaa

Andrea: yun!!

Masaya namang natapos ang selebrasyon sa bahay, hindi naman ako sobrang nalasing, nakaramdam lang ng pagkahilo, sa hindi ko maintindihang pagkakataon habang nasa cr ako at nakaupo sa bowl, nagflashback lahat ng memories namin ng ex ko kasabay ng pag-alala ko na may bago nang nagpapasaya sa kanya. Umiyak ako sa loob ng cr, dahil na rin sa pagkahilo ay parang gusto ko nang ihiga ang sarili ko sa sahig ng banyo. Magwawalong buwan na ang nakakalipas nang maghiwalay kami ni Rex, halos isang buwan ako non nangulila sa kanya, ilang buwan ko rin siyang pilit kinalimutan pero nagkakaroon at nagkakaroon pa rin ng dahilan para guluhin pa rin ako ng alaala niya.

Dumating na ang martes, hindi naman ako nahirapang mapapayag ang mga magulang ko na mag-inom at magsaya kasama ang mga classmates ko. Madami-dami din kaming magkakasama sa bahay nila Joshua, wala namang problema iyon sa mama ni Joshua na kasama niya sa bahay, may kakawakan naman ang bahay nila at may lugar kami sa may terrace nila. Nang makatungtong ako ulit sa lugar na iyon sa ikalawang pagkakataon ay bumalik naman sa alaala ko ang unang pagtatampo ni Rex sa akin, nakakamiss pero dinadaan ko na lang sa tawa kapag napapadaan sa isip ko.

Nagkatuwaan kami ng mga classmates at friends ko, mas masaya sa pagkakataong iyon dahil gising na gising kami sa katotohanan na graduate na kami at nalampasan na namin lahat ng kinaharap naming problema sa school. Sa sobrang tuwa ay naparami ang inom ko, halos lahat kami ay tinodo ang pag-inom ng alak, wala akong pakialam noon kung malalasing man ako o hindi, mas importante sa akin na mag-enjoy at makabonding ang mga college friends ko, gusto kong ilabas lahat ng energy ko at wag nang intindihin ang limitasyon ko.

Nagising ako sa isang madilim na lugar, nakaramdam ako ng kaba ngunit nawala rin, nang malamang nasa bahay na pala ako, ang bigat ng ulo ko, animoy may martilyong nakapatong sa aking ulo. Tumayo ako sa kinahihigaan ko, inisip ko lahat ng nangyari sa akin, alam na alam ko na nagtipon-tipon kami ng College friends ko sa bahay ni Joshua at nag-inuman, nagkantahan kami, sumayaw, naglaro ng spin the bottle hanggang sa hindi na ako makatayo sa kinauupuan. Yun agad ang naalala ko, yun siguro ang mga oras na alam ko pa ang ginagawa ko. Pumasok na lang ng biglaan sa isip ko ang mukha ni Matteo, magkaakbay kami sa inuman hanggang sa mauwi kami sa pagyayakapan, hindi man naging malinaw pero naalala ko pa yun bago tuluyang malasing, hindi naman ako masyadong nabahala, close friend lang naman kami ni Matteo at alam na alam ng mga College friends ko yun.

Talagang nalasing ako ng sobra nung huling gabi, hindi ko na nga maalala pa ang mga kasunod na nangyari bago ako makauwi sa bahay, hindi ko rin maisip kung paano ako nakauwi. Ang huling pumasok lang sa alaala ko ay ang mukha ng ate ko, ni mama at ni papa. Parang humina lang ang paningin ko noon at naging malabo ang mga naikita ko, maaaring nakahiga ako noon sa sala namin at inaalagaan nila mama.

Tinanghali akong magising, paglabas ko ng kwarto ay tahimik lang si mama, nagwawalis siya sa sala at hindi ako iniimik. Kinausap niya na lang ako kasabay ng pagtapon niya ng mga basura at alikabok mula sa dustpan.

Mama: nalasing ka masyado kagabi anak. Anong oras ka na rin nakauwi.

Kinukutkot ko lang ang gilid ng aking mga mata, hindi ako nagreact sa sinabi ni mama, hinayaan ko siyang patuloy na magsalita.

Mama: buti na lang hinatid ka ng mga kaibigan mo pauwi. Di ka pa naman sumasagot sa mga texts at tawag namin.

Mama: hindi maganda yun Gab ha. Wag mo nang uulitin yon.

Ako: sorry ma..nag-enjoy kasi kami masyado. Nadala lang ng tuwa kasi graduate na kaming lahat.

Mahinahon lang ulit na tumugon si mama, busy pa rin siya sa gawaing bahay at hindi nakatingin sa akin.

Mama: kahit na may okasyon o selebrasyon, alalayan ang pag-inom lalo na... na nasa ibang bahay ka. Baka mapatrouble ka tuloy.

Mama: sa susunod pag may ganyan ulit, hinay hinay lang.

Ako: oo ma.

Naghahanda ako ng makakain ko nang may idagdag pa si mama sa kanyang mga nais sabihin.

Mama: Tsaka mamaya pala Gab....kakausapin ka namin ng papa mo.

Nahinto ang pagsandok ko ng kanin at napalingon kay mama na seryoso ang mukha.

Ako: Ahmm...tungkol saan ma?

Mama: Basta Gab....hintayin mo na lang ang papa mo pag-uwi.

Hindi naman ako nabahala, maaaring tungkol sa papasukan kong trabaho ang balak na pakikipag-usap ni mama at ni papa sa akin.

Sa akin nang nakasanayan ay humarap agad ako sa phone ko. Nag-iingay ang mga College friends ko sa GC namin sa FB Messenger, nahuli ako sa pag-online, daan-daan na ang palitan ng messages nila sa Group chat. Sinubukan kong basahin lahat ng conversation nila, binalikan ko ang ilan ngunit tinamad na halungkatin pa ang ibang topic nila sa gc. Nagchat ako at nagbiro sa mga College friends ko.

(On Group Chat)

Ako: Heyy guys! ano nang nagyare?

Maraming agad na nakabasa ng chat ko, wala pang limang segundo nang sinagot ako ng mga college friends ko.

(On Group Chat)

Joyce: Gaaab!! musta ka na. hahaa

Richard: Oy Gab, ok ka na?

Natawa ako sa mga chat nila, tinablan talaga ako ng sobrang kalasingan nung huling gabi. Nawitness ng mga kasama ko kung paano ako malasing.

Ako: may hangover pa.

Richard: alam mo ba yung nangyari kagabi?

Ako: yung iba lang chard bakit?

Joyce: hahahaa

Ako: tawa ka nang tawa Joyce.

Richard: alam mo rin ba mga pinaggagagawa mo kagabi?

Hindi ko naman itinatanggi sa sarili ko na talagang naging energetic ako kagabi, hindi ko inaasahan na magiging ganun ang tanong ng kasama ko sa inuman. Natatawa pa rin ako ngunit kinabahan na sa nakakaintrigang tanong ni Richard sa group chat.

Ako: yung iba rin, bakit ba chard?

Richard: di mo ba nabasa mga pinag-uusapan kanina?

Ako: hindi ko nabasa lahat. Ano ba kasi yon?

Joyce: asan ba si Matteo.

Sa chat ni Joyce ay nagkaroon na ako ng clue sa topic nila tungkol sa akin, tungkol nga iyon sa pagyayakapan namin ni Matteo na wala namang malisya sa akin at malamang ay kay Matteo din.

Ako: ahh..tungkol ba sa bromance namin ni Matteo? hahaa

Richard: hahahaa alam mo naman pala.

Ako: bakit? may malisya ba kay Matteo? wahahaa

Joyce: hindi lang tungkol don chard diba?

Ilang minuto ang pagpapalitan namin ng chat ni Joyce at ni Richard, nabaling na sa ibang usapan ang pag-iingay namin, nabalik lang ulit ang naunang topic namin sa pagpasok ni Andrea at Joshua.

Andrea: Gab, ikaw ah! may tinatago ka talaga samin.

Labis na ang pagtataka ko, naisip ko, na may ginawa pa siguro akong bagay na hindi kaaya-aya sa mga kaibigan ko, maaaring may sinabi akong ikinagulat nila o may kinilos ako na never pa nilang nakita sa akin. Nawala ang tuwa sa akin at natira na lang ang kaba at pagkabagabag. Hindi mapakali ang isip ko at inalam kung anuman ang bagay na ginawa ko noong huling gabi na nalasing ako.

Ako: please ano ba kasi yon?

Joyce: Joshua send mo nga.

Dahil sa kating-kati akong malaman ang iniintriga sa akin ay nagmessage ako kay Joshua at pinilit siyang isend sa akin ang sinasabi ni Joyce.

(On FB Chat)

Ako: Josh, dito mo na lang isend.

Ilang minuto lang akong naghintay, may sinend sa akin si Joshua na isang video, nakita ko si Matteo at ang sarili ko sa hindi pa nakaplay na video. Dinapuan ako ng pag-aalala, mukhang madilim ang video at piniling hindi ito panoorin.

Ako: ano ba yan! bakit nagvideo pa kayo, nakakahiya. Wag mong ipost yan Josh ah! malilintikan ka!

Joshua: hahaa atin atin lang naman yan.

Ako: nakakahiya talaga, burahin mo na yan!

Joshua: pinanood mo ba ng buo?

Ako: naku! hindi na, ayokong panoorin sarili ko, delete mo na yan Josh.

Joshua: oo idedelete ko, panoorin mo muna. haha

Labag man sa kagustuhan ko ay pinanood ko ang video, 30 seconds lang ito at malayo-layo ang distansya ng nagvideo sa amin na si Joshua. Habang pinapanood ay nakatakip ako sa aking bibig, hiyang-hiya talaga ako, nasaksihan ito lahat ng mga kasama ko. Magkaakbay kami ni Matteo sa video hanggang sa magkaharap kami at mapayakap sa kanya, bahagyang nakasandal ang noo ko sa may bandang balikat ni Matteo, nabigla ako nang marinig ko sa video ang sarili ko na may sinasabi, tila may dinadaing. Hindi naging malinaw sa pandinig ko ang mga binibigkas ko sa video, kinuha ko ang earphone ko at pinakinggan ito ng maigi. Inintindi ko lahat ng sinasabi ko sa video at nang maging maayos lahat sa pandinig ko ay ganun na lang ang paglalim ng paghinga ko kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Mabilis ang pagtanggal ko ng nakakabit na earphone sa tainga ko, nabitawan ko rin ang phone ko at napalapat ang mga palad ko sa mukha ko.

Nagwawala ang utak ko, iginagalaw ko ang ulo ko sa labis na pagkadismaya sa sarili ko, hinding-hindi ko nagustuhan ang napanood ko, hindi naaayon sa lugar lahat ng lumabas sa bunganga ko ng gabing iyon, lahat ng kaibigan ko at kainuman ko ay narinig iyon.

"Mahal namimiss pa rin kita, mahal pa rin kita"

"hindi ka mawala sa isip ko, mahal pa rin kita....Rex"

Yan ang mga katagang binanggit ko, hindi ako emosyonal sa video, nanlalambot lang ako at blanko lang ang hitsura ko sa inumang iyon. Ang pinag-aalala ko lang nang sobra ay ang maaaring paglabas ng totoong identity ko sa mga kaibigan ko, malaki ang posibilidad na pinag-iisipan na nila ako na bakla ako, na hindi ako straight.

Hindi na ako nakapagreply kay Joshua, hindi ko na rin binuksan pa ang group chat naming magkakaibigan. Natuliro ako sa mga pangyayari, wala ako sa matinong pag-iisip ng mga oras na iyon. Hindi man lang masanggi sa isip ko ang pagbitaw ng mga salitang iyon na magiging isang issue tungkol sa akin.

Hindi ko naman din maipagkakaila ang katotohanan na may pagmamahal pa rin ako kay Rex, napawi na ang sakit noon, pero nanatili pa rin ang pag-ibig ko kay Rex. Mahal ko pa rin siya ngunit sa tingin ko ay kailangan ko nang humanap ng iba at doon ko ibuhos ang pagmamahal ko, sa pamamagitan non ay maaaring maglaho ang pagmamahal ko sa ex ko. Masaya na siya sa piling ng iba at ayaw ko na siyang guluhin, ipinagdadasal ko noon na sa susunod na makatagpo ako ng gay or bi, sana ay katulad ni Rex o may mga magagandang katangian din siya na katulad sa ex ko na si Rex.

Patuloy ang mga kaibigan ko sa pagmemessage nila sa akin, ang isa ko pang kaibigan ay direktang tinatanong sa akin kung sino si Rex, hindi ko lahat binubuksan ang mga chat nila. Mga ilang oras lang ang nagdaan nang muling kumalabog ang magalaw kong puso, nagkaroon ako ng bagong friend request at iyon ay mula kay....Christian Rex Lagazpi. Parang naging bato ang buong katawan ko nang mapatigil sa nakita. Posibleng inisip na ni Rex na inunfriend ko na siya, wala lang akong ideya kung dati pa niya alam o ngayon lang niya nalaman, pareho lang ang nararamdaman ko sa naramdaman ko noon nung makita ko ang friend request ni Rex sa akin. Tumatalon ang puso ko sa saya pero palaisipan pa rin sa akin kung bakit gusto ulit ni Rex na maging friends kami sa facebook gayong 'in a relationship" ang status niya, posible pa ring malaman ng kasalukuyang boyfriend niya na mag-ex kami ni Rex.

Hindi ko madaliang tinanggap ang request ni Rex, dahil sa friend request na iyon ay naudyok na naman akong bisitahin ang profile niya, bumungad pa rin ang nakatag na pictures sa kanya kasama ang mga officemates niya at siyempre si Charles. Sa unang pagkakataon ay binasa ko ang mga comments sa mga pictures nila, naghahanap ako ng mga comments tungkol kay Rex at kay Charles, wala akong mahanap, puro mga tagahanga ni Rex ang mga nasa comment section. Wala rin akong mahagilap sa mga status ni Rex na nakatag si Charles o status na nagpapahayag na masaya siya sa lovelife niya. Inisip ko na hindi naman talaga madalas magfb si Rex at hindi rin siya mahilig magpost ng tungkol sa lovelife niya kahit noong magbf pa kami, kahit nga ang profile picture niya ay hindi pa rin niya binabago.

Napagpasyahan kong hindi muna iaccept ang friend request ni Rex. Katulad nga nang idinidiin ko sa utak ko, hindi ko na guguluhin pa si Rex.

Nang araw ding iyon ay nakausap ko ang bestfriend ko sa chat. Maganda ang bungad at simula ng pag-uusap namin, about sa graduation, sa mga job opportunities, at sa mga remebrance namin sa university kung saan kami nagtapos ng College. Nag-iba ang takbo ng usapan at nawala ang kaunting pagkagaan ng loob ko nang magchat sa akin ang bestfriend ko tungkol sa pangungulit daw sa kanya ni Andrea. Inilahad ko kay Michaela ang nangyari at kung paano nalaman nila Andrea na nagkajowa ako na ang pangalan ay Rex.

(On FB Chat)

Michaela: Gab tanong nang tanong talaga si Andrea kung sino yung Rex.

Michaela: sabi ko sa kanya, hindi ko kilala, sabi niya imposible daw kasi nabanggit daw natin noon sa kanila na wala tayong sikreto sa isa't-isa bilang magbestfriend.

Ako: Bes, wag mo na lang basahin yung mga messages nila, wag mo munang kausapin.

Michaela: Hindi ka nag-iingat, hindi ka marunong magtago, hindi ka pa nga nakakaamin sa family mo.

Ako: hayaan mo na, iisipan ko na lang ng paraan to.

Nahihirapan akong isipin ang nararapat na gawin para maiharap ko pa rin ang sarili ko sa mga kaibigan ko. Ang nangunguna sa isipan ko ay tuluyan na lang na aminin sa kanila kung ano talaga ako. Sa tingin ko naman ay matatanggap nila ako.

Pagsapit ng gabi ay kung ano-ano pa rin ang nasa isip ko. Dumating na ang dalawang ate ko at si papa, nasa kwarto lang ako at nagrerelax. Mula sa loob ng kwarto ay naririnig ko sila ate sa labas na nagbubulungan, winalang bahala ko lang iyon, isang chismisan na naman ang pagbubulungan nila na iyon ayon sa isip ko. Maya-maya lang ay pumasok si ate Gwen sa kwarto, mahinahon niya akong tinawag at pinalabas. Pagtungo ko sa sala ay nakita ko sa mga mukha nila ang seryosong tingin. Lahat sila'y nakaupo maliban kay papa na nakasandal sa isang pader malapit sa pintuan. Isa-isa ko silang tiningnan. Nababasa ko sa mga hitsura nila ang tila pagkadismaya at pagkabigo. Labis ang pangamba ko sa puntong iyon, nagsalita si mama ng mahinahon, inakala ko na may importante lang siyang sasabihin para sa lahat pero sa akin lang siya nakatingin at ako lang ang balak niya kausapin.

Mama: Sabi ko sa'yo di ba kakausapin ka namin ng papa mo.

Ako: Ahh..oo nga pala, about saan ba?

Mama: ahh...Gab...kagabi kasi...umuwi ka ng lasing, hindi kami natuwa ng papa mo sa ginawa mo.

Hinintay kong ipagpatuloy ni mama ang sinasabi niya, hindi ako makapagpigil kaya't nagsalita ako agad at mahinang humingi ng sorry sa kanila. Yun ang una kong inisip na dahilan kung bakit gusto nila akong kausapin, nagkaroon ng hiya at pagsisisi sa loob ko, alam ko sa sarili ko na talagang isa iyong pagkakamali, ang hindi kontrolin ang sarili at maglasing ng sobra.

Ako: Ma...pa...te Gwen, te Giselle..sorry....sorry, promise na hindi na mauulit.

Mama: Ok Gab....pero hindi lang kasi iyon..

Ako: huh?

Pagkatingin ko kay Ate Giselle ay napayuko siya, si ate Gwen at ang nakababata kong kapatid ay nakaiwas ng tingin sa akin.

Ako: Ma...anong hindi lang iyon? ano pa?

Mama: Gab...gusto naming palinawin sa iyo, yung....narinig namin kagabi, sa mga sinabi mo kagabi nung lasing ka.

Nag-umpisa akong magtaka, napahawak ako sa dibdib ko, ang puso ko ay mabilis na kumakabog sa kaba.

Mama: kagabi kasi Gab...may binabanggit ka, tungkol sa naging....syota mo.

Napasandal ako sa pader sa nalaman ko, parang aatakihin ako sa puso. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Sunod-sunod ang paglabas ng hangin mula sa bibig ko. Hindi ko lang pala nabanggit ang mga bagay na iyon sa inuman pati pala sa pag-uwi ko sa bahay. Iyon na nga ang panahon na naging malakas na ang hinala ng pamilya ko sa akin, hindi ko planong sabihin sa kanila ang mga malalaking sikreto ko pero sa pagkakamaling ginawa ko ay nagkaroon ng daan para mabulgar ko na sa kanila ang sexuality ko, labag man o hindi sa kalooban ko.

Mama: anak gusto namin yung totoo lang...

Mama: sino si Rex? at bakit sinasabi mong mahal mo pa rin yung Rex at gusto mo na ulit siyang makita?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 27)
The Guy From PR (Part 27)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-27.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-27.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content