$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 29)

By: JB Simpleng katanungan lang iyon mula kay Rex pero parang hindi ko na alam ang isasagot ko. Ang mga mata ko ay parang nanigas at nana...

The Guy From PR

By: JB

Simpleng katanungan lang iyon mula kay Rex pero parang hindi ko na alam ang isasagot ko. Ang mga mata ko ay parang nanigas at nanatiling nakatingin na lang sa mukha ni Rex.

Ako: ahmm.....ah...ahh..ok lang, ok lang naman ako...ikaw...ikaw Rex?

Sa pagsagot ko ay lumawak ang mga ngiti ni Rex. Kasabay ng pagsagot ni Rex sa parehong katanungan na itinanong ko sa kanya ay isinuksok niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya at itinaas ang mga balikat. Napakaganda ng boses ni Rex, muli ko na naman iyong narinig. Pinipilit kong hindi ngumiti, tinago ko ang totoong nararamdaman ko sa paghaharap namin ni Rex.

Rex: ah...eto, wala akong pasok ngayon kaya...gumimik muna.

Natutuwa akong makita si Rex ngunit may parte sa akin na hindi ko na siya kayang harapin at makausap ng matagal, hindi ako naging handa sa paghaharap na iyon, tila hinihiyaw ng utak ko sa mga oras na iyon na..bakit nagtagpo pa kami ulit ni Rex kung kailan handa na ako na tuluyan siyang kalimutan, bakit nakikita ko na naman ang mukha ni Rex kung kailan nagsisimula ko na siyang ibura sa isip ko. Ang pakiusap ko sa sarili ko ng mga oras na iyon ay huwag na sana akong madala pa ng natitirang pagmamahal ko kay Rex, wag na sana akong mabaliw pa kay Rex.

Pagkatapos sumagot ni Rex ay hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin.

Ako: Ah...ganun ba..

Ako: Uhh....sige Rex, pupunta na kami sa friend namin sa kabilang table.

Nilampasan ko na si Rex, sinundan pa niya ako ng tingin habang mabagal na humahakbang palayo, kasunod non ay tinawag ko ang atensyon ni Michaela at Matteo na nasa likuran ko.

Ako: Micha, Matteo! tara na!

Napatigil ako sa paggalaw at paghakbang, tanging si Matteo lang ang nakasunod sa akin, si Michaela ay nakatayo lamang sa may table nila Rex. Nakatingin sa akin si Michaela at pansin ko na sinusubukan siyang kausapin ni Rex. Nagtataka ako sa nangyayari, nilipat-lipat ko ang tingin ko sa bestfriend ko at kay Rex, pinakinggan muna ni Michaela ang iba pang sinasabi ni Rex bago siya lumapit sa akin. Sa pagtataka ko ay bumulong ako kay Michaela at nagtanong.

Ako: Magkakilala kayo ni Rex?

Michaela: Oo Gab, friend kami sa fb at nagkakachat kami.

Nabigla ako nang malaman iyon mula sa bestfriend ko, Idadagdag ko pa sana sa mga katanungan ko kung ano ang mga sinabi ni Rex sa kanya ngunit naisip ko na ipagpaliban muna at pag-usapan na lang kapag nakaupo na sa may table namin.

Ako: Ahh ganun...ano bang....

Ako: Ay wag na....tara na nga!

Hawak hawak ko na ang kamay ni Michaela para sumunod sa akin, medyo nagpipigil at nagpupumiglas si Michaela kaya't napabitaw ako.

Michaela: Gaaab!

Tiningnan ko ng diretso si Michaela, hindi ko pa siya maintindihan sa mga ikinikilos niya, tinanong ko siya kung anong nangyayari at kung mayroon bang problema.

Ako: Micha...bakit...bakit? may problema ba!

Sa puntong iyon ay nilingon ni Michaela si Rex na pinapanood kami. Pagharap ni Michaela sa akin ay napalunok siya at mahinang nagsalita.

Michaela: ahmmm...Gab....doon na yung table natin, sa table nila Rex.

Napailing-iling ako sa sinabi ni Michaela, iginalaw ko ang ulo ko at lumingon sa table nila Rex, nakatayo pa si Rex at parang nais pa kaming lapitan, may kasama pa siyang isang guy bukod kay Charles. Kahit naguguluhan ay inisip ko na lang na maaaring ang guy na iyon ang kaibigan ni Michaela. Di nagtagal ay hinila ako ni Michaela papunta at pabalik sa table nila Rex.

Pagkabalik namin ay sandali kaming nagkatinginan ni Rex, sa sandaling pagtitinginan na iyon ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Tinuro ni Rex ang lugar kung saan kami pwede umupo, tinuro niya ang bahagi na nasa harapan nila. Sa pag-upo ko sa table ay nakaharap ko si Rex, hindi ako makatingin sa kanya, nakatingin lang ako kay Michaela ay kay Matteo.

Dahil naguguluhan pa rin ay tinanong ko ulit si Michaela sa mahina kong boses.

Ako: Micha, bakit kasama natin si Rex....san ba yung friend mo dyan? yung guy ba sa kabilang dulo?

Michaela: Ahhh...basta Gab.

Ako: huh!!

Kasabay ng reaksiyon ko sa hindi malinaw na sagot na iyon ni Michaela ay narinig ko ang malakas na boses ni Rex, kinakausap niya si Michaela.

Rex: Michaela, ikaw na pala yan. hahaa

Saglit akong napatingin kay Rex at ibinalik din agad ang tingin sa gilid at kay Michaela na tumatawa. Maya-maya lang ay nagpakilala sila at nakipagkamay sa amin. Wala akong ibang choice kundi kamayan at batiin si Charles pati na rin ang kasama nila na si Xander na sinisimulan nang kausapin si Matteo na kaharap niya sa table. Hindi nakipagkamay si Rex sa akin at patawang ipinaalam sa mga kasama namin sa mesa na matagal na kaming magkakilala, ilang sandali lang ay umakbay si Charles kay Rex, tiningnan ako ng matalas ni Charles at nagbato ng katanungan sa akin. Dumiretso ang tingin ko sa kanila lalo na kay Charles.

Charles: matagal na kayong magkakilala?? paano?

Wala akong ideya sa isasagot ko, nakatingin sa akin si Charles at si Rex, naghihintay ng kasagutan mula sa akin. Dahil sa katagalan kong sumagot ay magsasalita na sana si Rex, nang marinig ko na si Rex na nagsisimula pa lamang magsalita ay hinarangan ko ito agad, hindi natuloy ni Rex ang dapat na sasabihin niya. Malakas ang boses ko na parang medyo nanginginig pa.

Ako: Nagkita na kami.....dati! we're...good friends.

Tumungo-tungo si Charles sa pagsagot ko, ilang sandali lang ay nasaksihan ko ang pag-uusap ni Charles at Rex, magkadikit ang mga braso nila at halos magkadikit na ang mga mukha habang mahinang nag-uusap. Sa pagkakataong iyon ay parang nadudurog na ang puso ko, may nararamdaman akong matinding selos sa nakikita ko. Hindi ko gusto ang pagseselos kong iyon, naiinis ako sa sarili ko, kinakausap ko ang aking sarili sa isip ko, dinadaing ko sa isipan ko na hindi na dapat ako nagseselos, hindi na dapat ako nasasaktan! Pero kahit anong ipilit kong sabihin sa aking isipan ay talagang hindi ko makontrol ang puso ko, masakit para sa akin ang masaksihan nang ganun si Rex at si Charles. Gusto ko nang umiyak at hindi ko na matiis kaya't tumayo ako, binulungan ko si Michaela na pupunta ako ng cr. Pag-alis ko sa table ay hindi ako dumiretso sa cr kundi sa labas ng bar, sa may parking area. Tumayo ako sa isang sulok at hindi na napansin ang mabilis na paghinga na para bang galing ako sa pagtakbo, halo-halo na ang emosyon ko. Maya-maya lang ay nakita ko si Matteo na lumabas at linapitan ako.

Matteo: Dre, sabi mo magc-cr ka, lumabas ka naman.

Matteo: may problema ba?

Kasabay ng pagtatanong ni Matteo ay narinig ko sa di kalayuan ang manipis at pasigaw na boses ni Michaela, tinatawag niya ang pangalan ko habang papalapit sa amin. Nang makalapit siya ay tinadtad ko na siya ng tanong.

Ako: Micha, ano ba to? hindi ko maintindihan.

Ako: Saan dun yung friend mo? bakit nandun si Rex? bakit magkakilala kayo? bakit nagkakachat kayo?

Ako: Micha, ipaintindi mo sa akin lahat to! alam mo kung anong meron kami ni Rex dati at kung anong nangyari sa amin.

Nakapamewang lang si Michaela sa gilid ko, si Matteo naman ay nagkakasalubong na ang mga kilay.

Ako: Micha! sagutin mo naman yung mga tanong ko!

Nakita na ni Michaela na nawiwindang na ako sa mga nangyayari, napahawak siya sa noo niya at mahinahong ipinaalam sa akin ang lahat sa likod ng hindi ko inaasahang pagkikita namin ng ex ko na si Rex.

Michaela: okay okay....ahm....

Michaela: pakana ko to....plano ko na pagtagpuin kayo ni Rex.

Parang bibigay na ako sa kinatatayuan ko at gusto kong mapaupo sa mga unang sinabi ni Michaela, natulala ako ngunit patuloy na pinapakinggan ang bestfriend ko.

Michaela: nag...kachat kami ni Rex...nung...after graduation....then...

Michaela: nung...last month lang din.

Nabibigla ako sa mga sinasabi ni Michaela, hindi ko lubos na maisip na may itatago sa akin ang bestfriend ko, hindi pa rin nagiging malinaw sa akin ang lahat at gusto kong alamin ang rason ng pakikipagchat ni Michaela kay Rex.

Ako: Bakit....bakit nga kayo nagchachat ni Rex.

Michaela: gusto kitang tulungan Gab, gusto ko kayong mag-usap ni Rex, ayusin yung naging problema niyo...

Michaela: siya yung kikitain natin dito sa bar, siyang yung friend ko...na sinasabi ko sa'yo.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis kay Michaela, maling-mali para sa akin ang ginawa niyang iyon, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na kinakalimutan ko na si Rex pero talagang nanghihinayang pa rin siya sa paghihiwalay namin ni Rex noon.

Ako: Micha, hindi mo na dapat ginagawa to! sa tingin ko, wala naa! wala nang dahilan para magkausap o magkaharap pa kami ni Rex..

Ako: Hindi mo ba alam, hindi mo ba nakikita? nandiyan yung bf niya! bakit kailangan mo pa tong gawin!

Ako: Nasaktan lang ako Micha! nasaktan ako sa plano mong to..

Paiyak na ako pagkatapos kong ilabas lahat ng mga iyon, nakayuko ako, ayaw kong tumingin kay Michaela at ayaw kong ipakita ang pagiging emosyonal ko. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pag-alog sa akin ni Michaela at pilit na pag-angat sa mukha ko. Narinig ko siya na sumisigaw ngunit may kasamang pagtawa.

Michaela: Gaaab! Gab? ano bang sinasabi mo?

Michaela: Walang jowa o bf si Rex!

Michaela: Gab tumingin ka dito!

Parang huminto ang ingay sa paligid ko at matagal bago naisalin sa tainga ko ang mga huling sinabi ni Michaela, natahimik kami saglit, tiningnan ko si Michaela na nakangiti at nakalapat ang isang kamay sa balikat ko.

Ako: totoo ba yung sinabi mo?

Michaela: oo! walang jowa si Rex, ano ka ba!

Ako: Hin...di niya....bf yung Charles?

Napatingala si Michaela at mahinang napahalakhak sa katanungan ko.

Michaela: hahahaa...yun ba yung akala mong jowa niya? ano ka ba Gab! bestfriend niya yon, all this time yun yung iniisip mo?

Ayaw ko pa ring maniwala sa bestfriend ko, gusto ko kasing makakita ng pruweba na totoo ang sinasabi niya, hinila niya ako papasok sa bar, di pa kami nakakalapit sa table ay nakita ko na si Charles na may kayakap na babae, halos maghalikan na sila ng babae sa loob ng bar. Si Rex ay nakatalikod sa kanila at busy sa phone niya.

Michaela: Oh!! see!

Napahinga ako ng napakalalim at napalo ko ang sarili ko sa noo sa nakita at nalaman, napawi ang emosyon sa damdamin ko, para bang may masama at mabigat na bagay na lumabas mula sa loob-looban ko. Nang makalapit na sa table ay nawala ang atensyon ni Rex sa phone niya.

Rex: San kayo galing?

Michaela: ahh..sa labas, si Gab kasi..

Rex: hmmmm....bakit?

Ako: Ahmmm...may friend kasi akong nakatagpo sa cr, nag-usap lang kami sa labas.

Tumungo si Rex pagkatapos kong magsalita, si Charles naman ay biglang kinuha ang atensyon namin at pinakilala sa amin ang kasama niyang babae na kakarating lang noon sa bar.

Charles: ahhh...guys! new friends! si Ashley pala...girlfriend ko.

Sunod-sunod kaming nag-hi kay Ashley, nalaman namin na malapit na silang mag-anniversary. Kinakantiyawan sila ng isang kasama nila na si Xander at pati ni Rex na natitigan ko ng matagal.

Nagising na ako sa katotohanan, mali ang akala ko, ilang buwan kong dinala sa isipan ko ang katotohanang magjowa si Charles at si Rex. Hindi ako makapaniwala na hindi pala totoo ang mga iniisip ko, nagpadala ako sa selos at sa mabilis kong pagbibigay konklusiyon sa mga bagay. Lampas isang oras na siguro kaming nag-iinuman, biruan at tawanan sila Rex at mga kasama niya sa table namin, nakikisabay lang kami sa tawanan nila, napagkatuwaan ang magjowa na si Charles at Ashley dahil halos langgamin na sila sa sobrang kasweetan. Hindi ko na lang namalayan na umuusog na pala si Rex paikot sa table, papalayo sa naglalambingan na magjowa at papalapit na sa akin. Hindi ko alam pero nahihiya ako kay Rex, matagal kaming hindi nag-usap at nagkita, parang isa lang siyang poging estranghero sa akin. Ilang minuto lang ay nakatabi na si Rex sa akin, nag-umpisa na siyang kausapin ako sa pagbulong niya sa tainga ko. Tila nakikiliti ang tainga ko sa malamig niyang boses. Kapag magsasalita ako ay nilalapit ko rin ang bibig ko sa tainga niya dahil medyo may kaingayan sa bar, may tugtugan at kantahan sa stage.

Rex: nakagraduate ka na pala. Congrats ah!

Ako: thank you

Rex: edi nagwowork ka na ngayon?

Ako: Oo. nakahanap naman ako agad.

Sandaling natigil ang usapan namin, pagkalipas ng ilang minuto ay kinausap niya ulit ako

Rex: Nagulat ka ba na nagkita ulit tayo?

Napangiti ako sa tanong na iyon ni Rex.

Ako: Oo e, hindi ko inexpect.

Rex: hahaa! naexplain na siguro sa'yo ng bestfriend mo.

Ako: oo, plano raw niya to..

Napatagilid ang ulo ni Rex at nanlukot ang noo sa narinig, kasabay non ay ang pagtingin niya kay Michaela na nakangiti pala kami noon na pinapanood.

Rex: ahmmm....actually Gab...ako yung humingi ng pabor kay...Michaela.

Rex: pabor na....gumawa siya ng paraan para pagkitain tayo at makausap kita ng personal.

Gulat pa rin ako sa mga pangyayaring iyon, ang puso ko ay hindi na naman mapakali, madami na ring agad na pumasok na katanungan sa isipan ko, ang nangungunang katanungan ay kung bakit gustong makipagkita ulit sa akin ni Rex.

Rex: ngayon lang nagawa yung plano...kasi....nagkaboyfriend ka pala last month ba? or 2 months ago?

Ako: uhhh....wala pang isang buwan nung simulang nagbreak kami pero naging kami 2 months ago.

Rex: ayun...kaya hindi ko natuloy agad yung plan ko. hahaa

Ako: uhh, sinabi sa'yo ni Michaela yon? nung nagkaboyfriend ako?

Rex: yup! inaupdate niya ako lagi tungkol sa'yo.

Lumipat ang tingin ko kay Michaela, napaisip ako.. kaya pala madalas pa ring banggitin sa akin ni Michaela ang tungkol kay Rex, kaya pala parang nabigo din siya noong nagkabf ako, pinipilt ni Michaela noon sa chat namin ang posibilidad na magkaayos at magkabalikan kami ni Rex at kaya pala nung single ulit ako ay ayaw na ni Michaela na maghanap pa ako ng bagong jowa. Alam ko na sa mga oras na iyon kung bakit ganun ang ipinapakita ni Michaela sa akin.

Rex: Gab? anong iniisip mo?

Ako: ahh...wala.

Tuloy-tuloy lang ang inuman namin, nagkamustahan pa kami sa isa't-isa ni Rex, nagkuwentuhan at nag-usap tungkol sa stress sa trabaho at kung ano-ano pa. Hindi rin nagtagal ay mas naging malalim pa ulit ang usapan namin na nagpapabilis ng tibok ng puso ko at nagpapasabog ng kilig sa damdamin ko.

Rex: masaya ka ba na...makita ulit ako.

Titig na titig sa akin si Rex habang binibigkas at binubuo niya ang katanungan na iyon, tumatagos sa puso ko ang tingin niya.

Ako: masaya! hindi ko lang inasahan to, hindi ako...naging handa.

Rex: well, sinadya ko talaga, hindi kita chinat at hindi ako nagparamdam sa'yo. Hindi ko...ininform sa'yo na magkikita tayo, I just thought na...you like surprises....naaalala ko pa kasi noon yung mga ginagawa mong surprise para sa akin. hahahaa

Rex: At eto na nga! That's what I did. Sinurpresa kita!

Dinama ko lahat ng sinabi ni Rex, nakakatuwa at nakakakilig na ginawa niya iyon para sa akin, naiintindihan ko na....na gusto talagang makipagkita sa akin ni Rex. Nakatitig lang ako sa buong mukha ni Rex, tintingnan ang gwapo niyang mukha at ang facial features niya, wala na kasi siyang gaanong facial hair at sobrang aliwalas ng mukha niya. Nanibago rin ako sa pagsusuot ni Rex ng salamin.

Rex: wala ka bang iba pang sasabihin.

Ako: Hmmmm....salamat Rex, mabuti at..nagkita ulit tayo.

Wala na akong ibang mabuksang topic, napatikom ang bibig ko at sinusubukan pang alalahanin ang mga nakakagulat at nakakatuwang nangyayari sa akin ng gabing iyon. Pinapakiramdaman ko lang si Rex na kausapin ulit ako. Sa aking inaasahan ay muli niya akong kinausap at sa puntong iyon ay ipinatong niya ang isang braso niya sa itaas ng sandalan ng inuupuan ko, dumidikit ng bahagya ang braso ni Rex sa may likod ko.

Rex: Gab, may gusto akong tanungin

Ako: yes ano yun?

Rex: ahhh....kaibigan mo lang ba talaga to si Matteo?

Ako: uh, oo. Closest friend ko nung College. Ano bang iniisip mo?

Rex: ahh...wala naman, baka special lang kasi si Matteo para sa'yo.

Ako: hahaa ano ka ba! yun lang yun.

Rex: ganun ba.

Nahalata ko si Rex na habang nakikipag-usap sa akin at sa ibang kaibigan niya ay sige lang ang pag-inom ng beer, kung oobserbahan ay talagang mas maraming iniinom si Rex, hindi na niya kinokontrol ang kanyang sarili.

Hindi pa siya gaanong lasing ng tanungin ko siya tungkol sa dahilan ng kagustuhan niyang pakikipagkita sa akin, ng gabing iyon ay talagang gusto ko nang malaman ang kasagutan tungkol doon.

Ako: Rex?

Rex: Yes Gab?

Ako: Ahh...para saan nga pala itong pagkikita natin?

Mahinang tumawa si Rex, nagkatinginan sila ni Michaela na napakinggan rin ang katanungan ko kay Rex, parang nagsesenyasan ang dalawa.

Rex: ahh...ano kasi....I just wanted to...ano..

Ako: hahaa ano ba yun Rex?

Rex: kasi di ba....hindi tayo maayos! hindi tayo okay.

Ako: then?

Rex: Nalaman ko rin kasi na, sobrang naapektuhan yung pag-aaral mo nung...naghiwalay tayo....nasaktan kita nang sobra.

Rex: First of all....gusto kong magsorry....sa nagawa ko.

Ako: Ahh hahahaa! ok na yon Rex! wala na sa akin lahat yon, wag ka na magsorry, ok na tayo.

Hindi ko naiwasang agad na magbigay ng reaksiyon sa sinasabi ni Rex, ayoko na ipagpatuloy pa niya at balikan pa namin ang pinakamapait na nangyari sa amin noon. Hinihiling ko na ng mga oras na iyon na may sabihin si Rex na magpapasaya sa akin, inaasahan ko na sabihin niyang namimiss na niya ako, na iniisip pa rin niya ako, na mahal pa rin niya ako at gusto na niyang makipagbalikan sa akin. Pero iniisip ko rin ng mga oras na iyon na...hindi maganda ang lugar na kinaroroonan namin, wala kami sa tamang lugar para magkaroon ng seryoso at malalim na pag-uusap. Ganunpaman, ay umasa pa rin ako na itutuloy ni Rex ang mga nais pa niyang sabihin sa akin.

Ako: may gusto ka pa bang sabihin?

Pigil ang hininga ko at bumibiiis pa lalo ang tibok ng puso ko, napakasincere na kasi ng mukha ni Rex. Ilang saglit ay nalllgbago ito bigla at nakitaan ko siya ng pangangamba, binigyan niya ako ng pekeng ngiti at pautal-utal akong sinagot.

Rex: uhh...uhmmm...ano Gab...

Rex: wala naa....ok na pala, ok na ako.......masayang marinig na...ok na tayo.

Inalis ni Rex ang tingin niya sa akin maging ang pagkakapatong ng braso niya sa upuan ko, tumalikod siya at itinago sa akin ang expresyon ng mukha niya, nahalata ko ang malalim na paghinga niya bago itungga ang isa pang bote ng alak na kinuha sa bucket na nasa harap namin.

Bawat oras pa na magdaan ay pansin na pansin ko na ang pagkalasing ni Rex, matagal silang magkausap ni Charles hanggang sa parang malanta na siya at bumigay, mapapahiga na lang siya minsan sa table at sasandal ng todo sa upuan niya, naririnig ko pa noon ang bestfriend niya na pinapatigil na siya sa pag-inom, tinanggal na nga rin ni Charles at tinago ang eyeglasses ni Rex dahil sa hindi na ito mapakali. Mag-aalas dose na, tinawagan ko ang mga magulang ko at ipinaalam na baka madaling araw na ako makauwi. Naubos na ang mga alak sa table namin. Hindi ako gaanong nalasing dahil kaunti lang naman ang ininom ko, si Michaela at Matteo ay normal pa rin naman ang kinikilos, si Charles at ang jowa niyang si Ashley maging si Xander ay hindi ko rin nakikitaan ng sobrang pagkalasing. Si Rex lang ang masyadong nalasing sa amin, nakaupo lang siya at nakayukong natutulog sa upuan niya.

Napagpasyahan na naming umuwi ni Michaela at Matteo, nagpaalam kami kay Charles at sa ibang kasama nila Rex maging kay Rex na lango na sa alak. Masikip at magulo na ang mga upuan sa loob ng bar, kinailangan naming dumaan sa harap ni Rex para makalabas, ngunit nang dahan-dahan akong humakbang ay nakaramdam ako ng puwersa galing sa mga kamay ni Rex, ibinalot niya ang mga kamay at braso niya sa may bandang bewang at tiyan ko, sa lakas niya ay napaupo ako sa kandungan niya, hinigpitan niya ang yakap sa akin na parang ayaw na niya akong pakawalan. Nagulat ako sa ginawa ni Rex, pinipilit kong tumayo at alisin ang mga kamay ni Rex sa tiyan ko ngunit sadyang malakas siya. Nabigla din si Michaela at Matteo na sinusundan na ako noon sa paglabas sa may table namin. Napatakip si Michaela sa bibig niya at sinabayan ang pagtawa nila Charles at ng ibang kasama namin sa table. Tumatawa nalang din ako, sa katotohanan ay gustong-gusto ko iyon. Habang nakakandong ako kay Rex at nakayakap siya ng mahigpit sa akin ay ramdam na ramdam ko rin ang pagkakalapat ng buong mukha ni Rex sa likod ko. Parang tumataas na ang balahibo ko at kinikilabutan na ako sa puwesto namin ni Rex.

Charles: bro! uuwi na sila.

Ako: Rex, uuwi na kami.

Naririnig ko ang lasing na si Rex sa likod ko. May mahina siyang idinadaing na parang ako lamang ang nakakarinig.

Rex: Dito ka lang...

Rex: Wag kang aalis...

Rex: may sasabihin pa akooo...

Sa loob-loob ko ay sobra akong nasisiyahan sa kinikilos at sinasambit ni Rex, hindi ko pinapakita ang kasiyahan kong iyon, pumipiglas lang ako at humihingi ng tulong sa mga kasama ko.

Para makaalis na sa bar ay kinausap ko nang kinausap si Rex na ayaw pa rin akong bitawan. Pinapanood na lang kami nila Michaela at Charles na naghahanda nang lumabas ng bar.

Ako: Sige na Rex, nangangalay na ako, tara na..

Lumapit na si Charles at kinukuha ang kamay ni Rex. Nang makabitaw na ang mga kamay ni Rex sa tiyan ko ay nakatayo ako agad. Tumayo na rin si Rex at naglakad, pagewang-gewang na ang lakad ni Rex kaya't pinaakbay na ito ni Charles at Xander sa mga balikat nila.

Sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng bar, walang ibang bukambibig si Rex kundi ang pangalan ko. Napapangiti na lang ako habang napapakinggan ang lasing na si Rex.

Sinamahan namin sila Charles papunta sa parking area, tumigil kami sa isang pamilyar na sasakyan, sasakyan iyon ni Rex. Napag-usapan ni Charles at Xander na si Charles na lang ang magmamaneho papunta sa bahay nila Rex, hindi naman gaanong natablan ng kalasingan si Charles. Pagbukas ng pinto ng kotse ay nangulit pa ang lasing na si Rex, patuloy niya akong tinatawag sa aking pangalan.

Rex: Gaab! nasaan ka na? may sasabihin pa ako..

Kinikilabutan ako sa nasasaksihan ko, parang gusto pa akong makasama ni Rex at may gusto pa siyang sabihin sa akin. Dinadaan ko na lang sa tawa ang nakikita at naririnig ko. Si Michaela ay naririnig ko rin ang pang-aasar at nararamdaman ang pangingiliti sa akin.

Charles: Huy pre! sige na, pumasok ka na, uuwi na yan sila.

Sandali pang nagpatuloy si Rex sa pangungulit, ginamit na nila Charles ang lahat ng lakas nila para maitulak papasok si Rex sa loob ng sasakyan. Nang magawa na nila iyon ay mabilis na silang nagpaalam sa amin at nag-umpisa nang ilabas ang kotse sa parking area.

Tuluyan nang nakaalis ang kotse ni Rex, napatingin ako kay Matteo at kay Michaela. Napako ang tingin ko kay Michaela na umiiling-iling na sa akin habang mahinang tumatawa.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 29)
The Guy From PR (Part 29)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-29.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-29.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content